Breathe I’m Still Not Over You (Part 2) Please do not redistribute in any form without the consent of the author. Any name and instances that are similar to any person, dead or alive, are purely coincidental. This is made through the imagination of the author alone. raice03 4/22/2010 Breathe I see your face in my mind as I drive away 'Cause none of us thought it was gonna end that way People are people and sometimes we change our minds But it's killing me to see you go after all this time Music starts playin' like the end of a sad movie It's the kinda ending you don't really wanna see 'Cause it's tragedy and it'll only bring you down Now I don't know what to be without you around And we know it's never simple, never easy Never a clean break, no one here to save me You're the only thing I know like the back of my hand And I can't breathe Without you, but I have to Breathe Without you, but I have to Hindi man kami ang nagkatuluyan, alam kong kailangan kong mag-move on..Kahit na mahirap..Kahit na masakit.. Alam ko namang balang-araw may papalit din sa kanya sa puso ko.. Oo nga..masaya na ako kasi kami ang nagkatuluyan..Pero ang sakit pa rin kasi alam kong nasaktan ko ang kaibigan ko.. Ang tanging tao na nanatili sa tabi ko..Sana lang may dumating sa buhay niya na magbibigay saya sa kanya..na magmamahal sa kanya.. Masaya ako dahil magkasama na kaming dalawa..Masaya ako kasi mahal namin ang isa't isa..Sana panghabambuhay na ito..At sana maging masaya na ang lahat sa paligid ko.. Buong buhay ko naghahanap ako ng magmamahal sa akin ng totoo..Yung taong magbibigay kulay at musika sa buhay ko..Sana mahanap ko na siya..Para tuluyan na akong maging masaya.. Prologue 2 months have passed since nung naging sila. Aaminin ko, masakit pa rin e. Kasi akala ko malapit ng maging kami. Kasi after the long wait, she finally gave me the chance to court her. Pero ano? Dumating pa ulit yung nanakit sa kanya na alam ko namang nanatili sa puso niya. Masaya ako kasi masaya siya. Kaso, di ko mapigilang malungkot lalo na kapag nakikita ko siya na masaya habang kasama ang boyfriend niya. Kung bakit ba kasi di pa rin ako tumigil sa pagmamahal sa kanya kahit na alam ko nung una pa lang na may mahal siyang iba. At kung bakit ba kasi hindi pa ako kumilos nung nakilala ko siya noon pa. Wala sana akong kalaban sa puso niya kung noon pa lang niligawan ko na siya. Tama nga ang sabi nila, nasa huli ang pagsisi. Pero kahit na ganun ang nangyari, hindi ako nagsisising minahal ko siya. At hindi rin ako nagsisising nanatili ako sa tabi niya. Kasi kahit na hindi kami nagkatuluyan, naparamdam ko pa rin naman sa kanya na mahal ko siya. Martir na kung martir pero anong magagawa ko? Mahal ko yung tao e. Sana lang talaga maibsan na yung sakit na nararamdaman ko. Bakasyon na. Inimbita ako ng mga kaibigan nina Rina na sumama sa outing nila. Ayaw ko sanang sumama kasi nga masasaktan lang ako lalo sa mga makikita ko pero wala e. Ang lakas niya talaga sa akin. Napapayag niya akong sumama. "Chris! You're here na! Yey!" "Rina, ano ba yan? Kung makasigaw ka parang wala ng bukas ah." "Hmp! Ewan ko sa'yo. Alam mo namang ganito talaga ako e." "Ay sus! Bakit nga kaya kita nagustuhan? Di kaya ginayuma mo lang ako ha?" "Excuse me. Ang feeling mo ha! Ikaw nga 'tong unang nagpapansin e. Saka di naman ako sira ulo para magpagayuma ng katulad mo noh!" "Ah. Ganun pala ha." "Guys. Itigil niyo na yan. Baka mamaya nag-aaway na talaga kayo niyan e." "Sorry Chris. Ito kasing si Kevin e!" "Aba! Talaga naman o!" "Hay nako Rina. Wala ka na talagang pag-asang magbago. Ang kulit mo talaga!" "Hehe. Ganun talaga e." "Guys tara na! Kaso 4 lang ang pwede dito sa sasakyan ni Choi e. So mahiwalay muna kayo lovebirds ok?" "Ok." "Wow! Di man lang pinag-isipan ah. Ok na agad. Paano ba 'yan Kevin, sa amin ka sasabay. Haha." "Yeah right. Whatever." "Ano? Tara na?" "Ok. Game na!" Ngayon kaming dalawa lang ang magkasama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lang masasaktan. Kung bakit ba kasi ang komplikado ng pag-ibig e. Chapter One Nasa sasakyan na kaming dalawa ni Rina. Iniisip ko kung bakit kailangan pang maghiwalay nina Kevin at Rina. Pwede naman na yung mga kaibigan nila ang mahiwalay tapos silang dalawa yung magkasama para naman hindi masyadong masakit at nakakailang. Pero wala naman na akong magagawa. Umandar na yung sasakyan nina Choi e. Ang malaking problema ngayon, NAKAKABINGI ANG KATAHAMIKAN. Hindi ako makapagsalita kasi di ko alam kung paano magsisimula. Di rin naman umiimik si Rina. Ano ba naman ito o? "Uhm." "Chris." "Rina." "Ok sige. Ikaw na muna." "Sorry." "Para saan?" "Sorry kasi kung kailan kita binigyan ng chance saka pa naging kami ni Kevin." "Ha? Ah e. Kalimutan mo na 'yun. Masaya naman ako para sa'yo e." "Pero di ako matatahimik hangga't ganito yung nararamdaman ko. Alam mo yun? Ang bigat sa loob e." "Wag mo na kasing isipin yun." "Chris, paano mo nagagawa 'yan?" "Ang alin?" "Ang magkunwari na masaya at ayos ang lahat kahit na ang totoo, nasasaktan ka na ng todo." "Ano ba 'yang sinasabi mo? Ayos lang naman talaga e." "Chris sa tagal ng pagkakakilala natin, kilalang kilala na kita. At alam kong hindi ka ok." Pagkatapos ng mga sinabi niya, natahimik na naman kami. Hanggang sa nakarating na kami sa rest house nina Choi. Pagbaba namin ng sasakyan... "O! Bakit ang tahimik niyong dalawa? Anong nangyari?" "Wala. Inaantok lang yata si Rina." "Ah. Ganun ba? Sige Rina pumasok ka na sa loob tapos pili ka na ng room mo para makapagpahinga ka na." "Ako na ang magdadala ng gamit mo." "Ok. Sige. Salamat." Rina's POV "Rina." "Pasok." "Saan ko ilalagay yung mga bag mo?" "Lapag mo na lang diyan." "Ok. Sige. Rina, ok ka lang ba talaga?" "Ha? Oo naman." I faked a smile habang papalapit siya sa may terrace kung nasaan ako. "Tell me, what's wrong?" "Wala ito. Promise." "Is it about you and Chris?" "Ha? Oo e.” "Wag ka na muna masyadong mag-isip ok? Nandito tayo para magrelax. Saka in time maayos niyo rin yan. Basta nandito lang ako for you." Tapos hinug ako ni Kevin. Aaminin ko. Gumaan yung pakiramdam ko nung niyakap niya ako. "Thank you ha." "Wala yun. I love you." "I love you too." Pagkatapos nun ewan ko na. Nakatulog yata ko e. Dahil sa pagod at sa stress. Hay buhay. Bakit ba ganito? Hindi tuloy ako masaya ng bonggang bongga dahil naguiguilty ako. Chapter Two I decided to take a bath para naman mahimasmasan na ako. Pagkatapos bumaba na ako para naman maikot ko yung place. As much as I want to bring back the kind of relationship Chris and I had, di ko kaya e. Ang sama sa pakiramdam na malalaman mo na nasaktan mo yung kaibigan mo. Tapos sa case pa namin ni Chris, long time friend ko pa siya. Hay. Chris' POV Aaminin ko. Naiilang ako kina Rina at sa mga kaibigan nila. Pero nandito na ako e. So kailangan kong magtiis. Malay natin, this would make things better. Naglakad-lakad muna ako sa place tutal busy naman sina Choi sa paluluto. Tapos si Kevin nagaayos ng kung ano. Si Rina naman tulog. Nung nasa may beach na ako... "Rina?" "O. Chris. Ikaw pala 'yan." "Akala ko tulog ka." "Kanina pa ako nagising. Tapos ayun. Dinala ako ng mga paa ko dito sa beach. Ang ganda noh?" "Oo. Ang ganda mo." "Huh?" "Ha? Sabi ko ang ganda ng beach." Woo. Muntik na yun ah. "Hay. Di ka pa rin nagbabago." "Ha? Wala naman akong ginagawa ah." "Ewan ko sa'yo. Haha." "Haha." "Uhm. Sorry ulit ha." "Saan?" "Chris, please don't act as if you don't know what I'm talking about." "Honestly, wala ka namang kasalanan e. So you don't have to apologize again and again." "Basta. Sorry. And even if it sounds stupid, could we start all over again? Kasi miss ko na yung kulitan natin e.. at miss na rin kita." Honestly, nagulat ako sa sinabing yun ni Rina. Akala ko kasi wala na akong place sa life niya. Pero, mali pala ako. "Paano kung sabihin kong ayaw ko?" "Ha? Ganun ba? Ok. Sige. I understand. Sige. Una na ako." "Huy! Wait lang! Di ka naman maloko o!" "Ha! Sabi ko na nga ba di mo ako matitiis e." "Ikaw talaga Rina! Humanda ka sa akin ngayon!" "Waa! Ayaw ko na! Peace na tayo e! Wala namang ganyanan!" At ayun. Naghahabuan na kaming dalawa sa beach. Kahit na masakit pa rin, ok na rin kasi at least bumabalik na kaming dalawa sa dati. Sana lang talaga mahanap ko na yung para sa akin para naman maibsan na talaga ng tuluyan ang sakit. Chapter Three "Uy! Time first muna! Pagod na ako e." "Hindi! Walang time first! Wahaha." "Waa!" At ayun. Bumagsak na kaming dalawa sa buhangin. Nung biglang nagkadikit yung mga kamay namin, ewan ko ba pero parang na-electricute ako e. Alam mo yun? May spark pa rin e. Oo, alam ko na hindi na nga pwede. Pero ewan ko ba. Di ko napigilan yung sarili ko. Hinawakan ko pa rin yung kamay niya. "Hoy! Ano yang ginagawa mo ha?" "Hinahawakan yung kamay mo. Bulag ka ba ha?" "Tungak! Alam kong hinahawakan mo yung kamay ko. Pero bakit mo hinahawakan?" "O! Yan na yung kamay mo! Kaderder naman e. Bawat daliri may kalyo." "Sira ka pala e! Alam mo namang yung paggigitara ko ang dahilan kung bakit nagkaganyan yang kamay ko!" "Oo na! Akin na nga ulit yan!" "Bakit na naman? Lalaiitin mo lang ulit e." "Hindi na. Hihilutin ko na yan. Kawawa naman e." "Wow ah! Pwede ka ng maging masahista! Haha." "Sira! Hinihilot ko na nga yung kamay mo nang-aasar ka pa!" "Hoy! Anong ginagawa niyo diyan ha? Baka naman magselos ako niyan. Haha." "Sira ka talaga Kevin! Kung anu-ano yang pinagsasasabi mo." "Ewan ko sa'yo. Pwede bang tumabi?" "Oo naman. Boyfriend ka ni Rina e." "Baka kasi sabihin niyo, sinisira ko yung moment niyo e." "Ay sus! Anong moment ba yung pinagsasasabi mo ha? Sira ka talaga!" "Kailangan ba talagang sumigaw ha?" "Huy! Guys, nag-aaway na naman kayo e. Kung umasta kayo parang di kayo mag-boyfriend e." "Ito kasing si Kevin e. Di ko nga tuloy alam kung bakit ko yan sinagot e. Masyadong adik-adik." "Hoy! Baka nakakalimutan mo, hindi ako ganito dati. Dumating ka lang sa buhay naging ganito na ako..=" "Hmp! Ewan ko sa'yo." Pagkasabi ko nun, sinabayan ko na ng pout. Kung tutuusin, parang bata talaga kaming dalawa ni Kevin e. Kasi di ba yung mga bata kahit na hindi magkakilala naglalaro sila. Tapos pag nagkasakitan, iiyak. Pero after ilang minutes magbabati na at maglalaro na ulit. Ganun kami e. Magsisimula sa asaran. Tapos magkakatampuhan na. Pero after ilang minutes or hours balik na naman sa dati. Bati na ulit. Parang ewan lang talaga e. "Uy! Ano ba yan? Di ka na naman namamansin e." "Ikaw kasi e!" "Ay sus! Tara na nga. Chris una na kami ah." "Ha? Ok. Sige." Hay. Ang gulo talaga nung dalawang yun. Pero paano nga kaya nagkagustuhan yung mga yun? Kahit na ganun yung mga yun, masaya naman sila pag magkasama sila. Sana makahanap din ako ng ganung tao. Yung magpapasaya sa akin tapos may kakulitan din. Saan kaya ako makakahanap ng ganun? Chapter Four Ayun. Naglakad-lakad muna ako sa may beach para masaya. Pero ang totoo talaga dun, para magmuni-muni. O di ba masaya? Akala niyo di ako naggaganun ah. Habang naglalakad ako, may biglang humili ng atensyon ko. Ewan ko nga ba kung bakit nagkaganun. Pero isang tingin ko pa lang dun, parang may something na agad. Lalapitan ko na sana e. Kaso tinawag na ako nina Rina. Kakain na daw kami. Sana makita ko ulit yun. Sana makita ko ulit SIYA. Pagdating ko sa cottage kung saan kami kakain, parang wala ako sa katinuan. Lutang yung utak ko e. Iniisip ko pa rin siya. Ewan ko ba, di siya mawala sa utak ko e. Kaya biglang... "Hoy! Ano ba yan? Earth calling Chris! Kumain ka na nga!" "Ay. Sorry. May iniisip lang kasi ako." "Ano naman yun ha? Sa tingin mo ba mapapakain ka nung iniisip mo? Ito talaga o. Ako pa naman ang nagluto ngayon tapos ganyan ka pa. Kainis ka naman o." Nilapitan ko siya tapos parang kinalabit sa braso niya. "Ay sus! Ikaw talaga o. Tampo ka na agad. Sorry na. Kakain na ako." Aba. Hindi sumasagot. Mukhang nagtampo talaga to ah. Hinawakan ko na siya sa dalawang kamay niya habang sinasabayan ko ng pag-sway nun. "Uy. Sorry na talaga. Di na mauulit. Promise!" Naku naman o. Di pa rin talaga ako pinapansin. Ngayon lang to nagkaganito ah. Waa. Ano ng gagawin ko? Bumitaw na siya sa mga kamay ko tapos lumapit na sina Kevin sa amin.Dun lang ulit siya nagsalita. "Tara. Kain na tayo." "Rina, may problema ba? Ang tahimik mo e." "Ha? Wala to. Baka gutom lang." "Alam mong hindi ako naniniwala diyan. Alam ko ang kinikilos mo pag may problema ka at kapag gutom ka. At sa kinikilos mo ngayon, may problema ka. Ano nga yun?" "Hay. Wala talaga akong maitatago sa'yo. Wag mo na lang isipin yun. Wala lang talaga yun." "Ok. Sige. I respect your decision. Kain ka na nga." Sh!t ang tahimik talaga niya. Ano ba naman yan? Hanggang sa matapos kami sa pagkain di niya ako pinapansin. Ayaw ko ng ganito. Kakabati pa lang namin tapos ganito naman. Nagsabi lang siya na maglalakad lakad siya sa beach. Pinabayaan na muna siya ni Kevin para daw mapag-isa si Rina. Ayun. Sinundan ko siya. Gusto ko talagang maayos to e. Kahit mukhang napakasimple nung naging dahilan ng tampuhan namin, di pala simple yung paghingi ng sorry sa kanya. Nung nakita ko na si Rina, bigla akong napatigil. Kung bakit, kasi nakita ko na naman SIYA. Sino ngayon ang uunahin ko? Si Rina na kaibigan ko o SIYA na gusto kong makilala? Chapter Five Naglakad na ako papunta sa kanya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kakausapin niya ba ako o babalewalain. Pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang makausap bago mahuli ang lahat. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Gusto ko na sanang magsalita kaso parang naputulan ako ng dila. Ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. Bakit ba ngayon pa nagkaganito o? Wrong timing naman ang pagkaduwag ko e. Pero kailangan ko pa ring subukan. It's now or never. "Uhm. Pwede ba tayong mag-usap?" Tumingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin niyang yun, lalo lang akong kinabahan. Bumibilis na yung tibok ng puso ko. Parang anytime lalabas na siya sa katawan ko dahil sa lakas ng tibok. Pero kahit na ganun, kailangan ko pa ring gawin ang nararapat. Hindi siya nagsasalita pero nakatingin pa rin siya sa akin. Nung magsasalita na ulit ako, saka siya nagsalita... "Anong ginagawa mo dito?" "Naglalakad? Hindi naman sigurong maglakad dito di ba?" "Ok. Sige. Una na ako. Gusto ko ng magpahinga." "Rina, wait." "Bakit?" "Mag-usap naman na tayo ng maayos o. Gusto ko ng maayos kung ano man yung problema." Ok. Di na naman siya nagsasalita. Kaya naisipan ko na ako na lang ang magsasalita ng magsasalita. Ok na rin siguro 'to para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin. "Ok. Sige. Sorry. Super sorry. Kahit na hindi ko alam kung bakit kanina mo pa ako hindi pinapansin. Sorry. Please lang, patawarin mo na ako. Hindi ko na kaya e. Ayaw ko ng ganitong feeling. Masyado na akong ginugulo ng konsensya ko kahit na di ko alam kung ano yung nagawa kong masama. Please naman Rina. Patawarin mo na ako." Hindi siya nagsalita o kaya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin. Grabe na to ah. Nawiwirduhan na ako kay Rina. Kahit na matagal na kaming magkakilala, ngayon ko pa lang siya nakitang magkaganito. "Huy! Ano na? Patatawarin mo ba ako o ano?" "Pwede pag-isipan muna?" "Ay. Sige. Ganyanan na." "Ganun talaga. Ano? Pwede na ba akong pumasang artista ha?" "Ay. Nako Rina! Pasaway ka talaga kahit kailan! Potek naman o! Akala ko galit ka talaga sa akin. Humanda ka sa akin ngayon!" "Ano namang gagawin mo ha?" "E di, kikilitiin ka! Haha." "Ayaw ko na! Di na ko uulit. Promise!" "Dapat lang. Pero di pa ako titigil." Nawala na sa paningin ko yung gusto kong makikilalang girl. Pero ok lang yun. At least, nalaman kong magkabati naman pala talaga ni Rina. Balang araw makikilala ko rin siya. Sigurado ako dun. "Rina, matanong ko nga. Bakit ka nag-inarte kanina ha? Pinakaba mo ako e. Akala ko galit ka talaga sa akin." "Wala lang. Gusto ko lang malaman yung reaction mo. At I have to say, mukhang effective ang drama ko. Pati si Kevin napaniwala e. Haha." "Hoy! Bakit ko narinig yung pangalan ko ha?" "Uhm. Secret! Haha." "Weh? Bakit nga kasi?" "Secret nga e. Di ba Chris?" "Ha? Wag mo na akong idamay diyan ah. Once is enough." "Aba! Pa-english english ka pa ngayon." "Ano na nga kasi? Naguguluhan na ako e." "Ay nako Kevin. Kung alam mo lang." "Alam na ano?" "Etong si Rina, nag-iinarte lang pala kanina. Nagpapaka-artista at ako naman si engot, naniwala." "Ay! Rina, pasaway ka talaga." "Belat." Nagkukulitan kaming tatalo ng bigla ko na naman siyang nakita. Balak ko na sanag habulin e. Kaso nakasakay na sa bangka. Badtrip naman o. Lagi ko na lang siyang di naabutan. Kailan ko ba kasi makikilala yung babaeng yun? Nakaka-frustrate na e. Dumating na kami sa point na kailangan na naming umuwi pabalik ng Manila. Nakakalungkot man, pero we really have to leave. Ano ba to? English nga ako ng english. Epistaxis alert level 1 na. Anyways, ayun. Pauwi na nga kami. At sa akin na naman sumakay si Rina. Pasaway talaga e. Di man lang inalok si Kevin na sumabay sa amin. Ako ang nawiwindang dito e. Pagbalik namin ng Manila, ilang days na lang bago magpasukan. Nagpunta ako ng school para mag-enroll para sa huli kong school year. Kausap ko si Rina sa phone ng biglang... "Ouch!" "Rina tawagan na lang ulit kita ah." "Miss, sorry ah. I didn't mean to. Wait lang, you look familiar." "Sana man lang tinutulungan mo akong makatayo di ba?" "Ay, sorry ulit. Ayan, let me help you." "Thanks. Sige, una na ako." "Sorry talaga ah." Umalis na siya. Pero promise, familiar talaga yung itsura niya e. Di ko lang maalala kung saan ko nakita. Ay potek! Siya yung babae sa resort! Ok. Sinayang ko na naman yung chance ko kanina. Nakakainis naman kasi e. Kung naalala ko lang sana agad kung sino siya, e di sana nalaman ko man lang yung pangalan niya, Ay. Kainis talaga! Girl from resort's POV Bakit kaya ganun? Parang may something na kakaiba nung magkabungguan kami nung guy kanina. Kakaiba yung naramdaman ko e. Hindi kaya siya na yung matagal kong hinihintay na magiging right guy for me? Kaso, kung siya nga yun, paano ko naman siya makikita ulit? Hay. "Hoy! Anong iniisip mo diyan ha?" "Kuya, ikaw pala 'yan." "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." "Wala lang 'to. Promise!" "Ay sus! If I know, lalaki na naman yung iniisip mo. Haha." "Kuya naman e." "May kasama pala ako." "Ha? Sino?" "Halika na." "Hello." "Kuya, siya ba si-" "Oo. Siya si Rina. Yung girlfriend ko." "Hello Ate Rina." "Ay. Wag mo na akong i-ate. Halos magka-age lang tayo. Hehe." "Ganun ba? Okie." In fairness ah. Mukhang tama naman lahat ng pinagsasasabi ni Kuya tungkol kay Rina. Mukhang magkakasaundo kami ng bonggang bongga. Hehe. Wait lang. Baka matunlungan niya rin ako sa problema ko. Haha. Chapter Six "Wait lang ah. Iwan ko muna kayo." "Ok kuya." "Rina. Paano mo pala nagustuhan yung kapatid ko? Base sa mga kwento niya tungkol sa'yo magkaiba kayo ng ugali e. Lalo na nung hindi ka pa niya nakikilala." "Ha? Ewan ko nga ba. Pero siguro nga, opposites attract nga talaga." "Mukha nga e. Haha. Pero salamat ah. Ang laki ng ipinagbago ni kuya simula nung dumating ka sa buhay niya." "Ah. Yun ba? Wala yun. Masaya rin naman ako sa naging pagbabago niya e." "Uhm. Tanong lang ah. Pero wag mong sasabihin kay kuya. May kilala ka ba na pwede kong maging FRIEND? Sa tingin ko naman, alam mo yung ibig kong sabihin e." "Ah. Ok. Hindi ko lang sure ah. Pero tignan ko kung pwede at kung meron." "Wee! Thank you! Alam mo kasi, ang tagal ko ng naghahanap ng taong magpapasaya sa akin e. Kaso wala akong mahanap. Actually meron na akong prospect e. Kaso ang problema hindi ko siya kilala. Ni pangalan nga niya hindi ko alam e." "Ay nako. Kaya mo yan! Tulungan kitang hanapin yung boylet na yun. Haha." Hay. Salamat talaga kay Rina. Siya na yata talaga ang magiging way para magkita kami nung boy na yun. Bakit ba kasi ako nagmamadali nung araw na yun e?! Waa. I need to find a way talaga. "O. anong pinag-uusapan niyo diyan ha?" "Secret!" "Rina?" "Sorry. My mouth is sealed." "Ay nako. Pinagkaisahan na naman ako. Sige na nga. Kain na lang tayo." "Ay. Wait lang. Tumatawag si Chris e." Ayun. Kinausap ko muna si Chris. Sabi may gig daw kami mamaya. Hanep ah. Ngayon lang nagsabi ngayon din ang performace. Ano to? Wala man lang practice e. Ang gulo gulo talaga ng mga tao sa mundong ibabaw o! Sinabi ko na lang kina Kevin at Abie yung tungkol sa gig. Ok. Abie lang ang alam ko na name ng kapatid ni Kevin. Di ko alam ang real name niya. Ayos di ba? Siyempre, hindi talga ayos. Kasi parang ang loser ko naman. Hindi ko man lang alam ang full name niya. Anyways, ayun nga. Sinabi ko sa kanila at napagkasunduan nilang dalawa na pupunta sila dun para suportahan ako pati na rin si Chris. Bago magsimula yung gig, nagusap-usap lang kaming band members kuno tungkol sa mga kakantahin on the spot. Ayos! Parang timang lang talaga e. Pero ayun, napagkasunduan din na kukuha kami ng mga requests sa mga manonood ng performance namin. Basta yun na yun! So una akong nagperform. Yung kinanta ko Jai Ho. Joke lang. Haha. Seriosuly, ang kinanta ko The Little Things ni Colbie Callait. Kung bakit, yun ang sabi nila e. Tapos kumanta pa ako ng Ordinary People, No One at Weak. Pagkatapos nung set ko, duet daw muna kami ni Chris. Ang una naming kinanta Two is Better Than One. Kaso napansin ko lang, wala pa pala sina Kevin. Ay nako naman o. Pupunta daw e yung performance na lang ni Chris ang maaabutan nila. Hmp! Anyways, yung huli naming duet Take You Forver. Kung bakit, ewan ko. Trip lang nila. (Take You Forever yung song) I was a man who always played around in love So quick to take but so afraid to give enough. But now I've found the one And heaven will only know What only my eyes can say and time can't take away. I was a girl who trusted no one with my heart And the dreams that young girls dream were just vanishing in the dark. But now I've found the one And heaven will only know What only my eyes can say They say That I will take you forever And there will never be anyone else in my heart but you And I will take you forever And there will never be anyone else but you Anyone else but you Wait lang. Siya yung guy na nakabunggo ko dati ah. Kilala siya ni Rina? Oh-my-gahd! Sabi ko na nga ba e. Angel in disguise 'tong si Rina. Ay nako. Approved na talaga siya sa akin para kay kuya. Haha. Pero bakit parang may meaning talaga yung pagkanta nung guy? Hindi kaya? Ay nako. Wag naman sana. Now my touch belongs to you and I will always be your best friend Now my secrets are safe with you and the magic will never end Now you are the one And heaven will only know What only our eyes can say They say That I will take you forever And there will never be anyone else in my heart but you And I will take you forever And there will never be anyone else but you Anyone else but you Anyone else but you I will take you forever And there will never be anyone else in my heart but you And I will take you forever And there will never be anyone else but you Anyone else but you I will take you forever I don't need anyone else but you And I will take you forever I will take you forever In fairness, ang galing nilang kumanta ah. Kailangan ko lang talagang malaman yung name niya at mapakilala ako sa kanya ni Rina. Kasi ilang qualities na ng ideal guy ko ang nasa kanya e. "Thank you po. So that ends my set for this night. Si Chris na po ang kakanta. Mayamaya po tatanggap kami ng mga requests so just wait for it. Thank you po ulit." Chapter Seven Ayun. Pumunta na akong backstage tapos pumunta kung saan nakaupo sina Kevin. Kahit na medyo inis pa rin ako kasi super late sila dumating, okay na rin. Better late than never nga naman di ba? So paglapit ko sa kanila, parang may kakaiba kay Abie. Kung ano man yun, ewan ko. "Hoy! Bakit ka late ha?" Sinungitan ko talaga si Kevin. Akala niya ah. L!ntik lang ang walang ganti. Wahaha. "Sorry naman. Bukod sa traffic na nga, ang bagal pang kumilos nitong si Abie. Daig pa ang pagong kung kumilos e." "Hala! Ako pa sinisi mo kuya! Ikaw kaya 'tong mabagal. Ang tagal tagal mong mag-ayos e sanay naman na sa itsura mong mukhang ewan 'tong si Rina. Haha." "Aba! Talaga naman o!" "Totoo naman e. Nag-ayos ka pa ng bonggang bongga. Yan tuloy na-late tayo. Di man lang natin napanood yung performance ni Rina." "Oo na. Kasalanan ko na. Tss." "Oy! Time out na! Tama na away ok?" "Ok." "Ikaw naman kasi Kevin, bakit ka pa nag-ayos? Di mo naman na kailangang gawin yun e." Di na niya kailangang gawin yun kasi gwapo siya parati sa aking mga mata. Gumaganun e. Haha. Ayun. Nanood kami sa performance ni Chris. Ang seating arrangement namin ABIE-AKO-KEVIN pero ang malupit dun, nakasandal pa ako sa balikat ni KEvin. Haha. In fairness ah, may napapansin talaga ako kay Abie e. Titig na titig siya kay Chris. Hindi kaya may gusto na siya agad kay Chris? Hmm. Mukha nga. Haha. Pagkatapos ng solo performance ni Chris, tinawag na niay ulit ako sa stage. AKo naman, umakyat na. Kung bakit, time na kasi para sa request session. O ha? Gumaganun na kami ngayon. Haha. Napansin ko may nirequest si Abie. So gusto ko sana ako yung kakanta at magbabasa nung request. Hehe. So ito yung request niya: Gusto ko sanang i-request yung If We Fall In Love. Para ito sa isang tao na kahit di ko pa kilala, malapit na sa puso ko. Aba! Gumaganun o! Haha. Anyways, kinanta na lang namin ni Chris yung request ni Abie. "Ok. So para dun sa nag-request, kung sino ka man, sana magustuhan mo 'to at sana magustuhan din kung kanino man naka-dedicate yung kanta." (If We Fall In Love yung song) There will be no ordinary days for you Cause there is someone that cares like I do You will have no reason to be sad anymore I am always ready with a smile With just one glimpse of you You don’t have to search no more Cause I am someone who will love you for sure So if we fall in love maybe we’ll sing this song as one If we fall in love we can write a better song than this If we fall in love we will have that melody in our heads If we fall in love anywhere with you would be a better place You can watch sad movies in a different light I will be right there beside you hugging you oh so tight (oh so tight) Hence you'll never feel so cold and empty again Cause I will keep on holding on and won’t let go (never let you go) You don’t have to search no more Cause I am someone who will love you for sure So if we fall in love maybe we’ll sing this song as one If we fall in love we can write a better song than this If we fall in love we will have that melody in our heads If we fall in love anywhere with you would be a better place Feel so good when you’re around One smile from you (one smile from you) and I just feel so bright So if we fall in love maybe we’ll sing this song as one If we fall in love we can write a better song than this If we fall in love we will have that melody in our heads If we fall in love anywhere with you would be a better place Pagkatapos naming kantahin yun, nakita kong nakanagiti si Abie. Nung natapos na yung buong gig, I decided to make a move na. I asked Kevin, Chris and Abie to have dinner with me. Obviously, gusto kong magkakilala sina Chris at Abie ng lubusan. Palusot ko lang yung dinner together kasi aalis din kami ni Kevin. Haha. "Sige. Chris at Abie alis muna kami ni Kevin ah. Chris, ikaw na bahala kay Abie." "Hala! Rina ano to?" "Ewan ko. Haha. Sige. Enjoy!" Chris' POV Siomai naman o. Ano ba naman 'tong pinaggagagawa ni Rina? Saka sino ba 'tong babeng 'to ha? Bakit ako iniwan ni Rina dito? Kung alam ko lang na ganito, di na sana ako sumama sa kanila. Pero wait lang. Familiar yung mukha niya e. I've seen her before. Wait lang ulit. Siya yung babae sa resort at nakabangga ko dati ah! Ay grabe naman o! So kilala pala siya ni Rina. Pero paano naman niya nakilala yun? "Uhm. Ano ulit name mo?" "Ha? Abiegaile Charisse Lee pero ok na yung Abie." "Ah. So paano kayo nagkakilala ni Rina? Ay wait lang. Sabi mo Lee di ba? Don't tell me-" "Yup. Kuya ko si kuya Kevin." Ay siomai talaga o. Bakit siya pa ang kuya niya? Waa. Chapter Eight "Uhm. Bakit di ka nagsasalita? Did I say something wrong?" "Ha? Wala. May bigla lang akong naisip." Kung alam mo lang, wrong na wrong yung sinabi mong kuya mo si Kevin. "Di ba ikaw yung nakabunggo sa akin noon sa school?" "Yeah. Sorry ulit ah." "Ano ba? Wala yun. Nakailang sorry ka na nga sa akin e." "Uhm. Matanong ko lang. Nakita kasi kita dati dun sa resort nung vacation. Bakit di ka kasama nina Kevin nun?" "Ah. Yun ba. Hindi naman alam ni kuya na pumunta ako sa rest hiuse namin e. Kaya di na lang ako nagpapakita sa kanya dun. Haha." Wow. Ang cute naman niyang tumawa. At in fairness, madali siyang kausap. Mukhang ok naman siya e. Yung kuya lang talaga ang problema ko. So nag-usap lang kami ng nag-usap hanggang sa di na namin namalayan na malapit na palang mag-11. Nagtataka ako kung bakit di man lang bumabalik sina Rina dito sa restaurant. Yun pala nagtext siya sa akin at di ko napansin. From: Rina chris..ikaw na bahalang maghatid kay abie ah.. ingatan mo yan.. sana mag-enjoy kayong dalawa.. don't worry, ok lang kay kevin na magkasama kayo.. ;] Ay grabe. Ang lupit ni Rina ah. Siya pa talaga nag-set up sa aming dalawa tapos siya pa rin ang kumausap kay Kevin. Hands down na talaga ako sa kanya. She's the man! Haha. So, dahil sa sinabi niya, nakakahinga na ako ng maluwag. Kasi ibig sabihin ok lang na maging close kami ni Abie. Oh yeah! Kahit na gusto ko pang makasama ng mas matagal si Abie, kinailangan ko na rin siyang ihatid sa kanila. Baka naman masira agad yung trust sa akin ni Kevin kapag mas late ko pa ihahatid yung kapatid niya e. Mahirap na noh. Wala pang nangyayaring development between us wasak na agad. Nung dumating na kami sa bahay nina Abie, kinakabahan ako. Ang weird ko talaga. Naghahatid lang naman ako pero kinakabahan pa rin ako. Ano ba naman yan o? "Uhm. Salamat sa paghatid ah." "Wala yun. Salamat din pala." "Para saan naman?" "For this night." "Ah. Ok. You're welcome." "Ehem." "Kuya? Kanina ka pa ba diyan?" "Sorry ah. Ang kulit kasi nitong kuya mo e. Sabi ko wag na kaming lumabas e kaso ayaw papigil." "Ok lang yun. Hinatid ko lang naman si Abie e. Una na rin ako." "Ay nako. Wag ka munang umalis. Pasok ka na muna sa loob." "Rina, bahay mo?" "Hindi. Pero gusto ko e. Maawa ka naman kay Chris. Dis-oras na ng gabi o. Buti nga buhay na buhay pa si Abie e. Haha." "Oo na. Sige pasok na kayo." Ok. Lumalabas na ang pagiging kuya ni Kevin. Mukhang gigisahin ako ng todo nito ah. Chapter Nine Pagpasok namin sa loob ng bahay nina Kevin, ang tahimik ko na. Tapos si Rina pinagtatawanan pa ako. Sira talaga 'tong babaeng 'to o. Hindi man lang ako tinutulungan. Nilalaglag pa ako e. Siya 'tong nagpapasok sa akin dito tapos ganyan umasta ngayon. Labo talaga nito. Si Kevin mukhang seryoso na yung itsura. Hindi ako sanay na makita siyang ganun. Swear! Nakakawindang yung itsura niya. Tapos si Abie naman palipat-lipat yung tingin sa amin ni kuya niya. Hindi ba siya nahihilo sa ginagawa niya? Malapit ng mag-alas dose at di pa rin kami umaalis sa mga kinauupuan namin. Grabe ah. Ayaw na yata akong pauwiin ng mga ito e. Buti na lang nagsalita na si Rina. "Kebs, tulog na ako ah. Walang mangyayari kung magtititigan lang tayo e. Ayaw ko ng ganung game e. Lagi akong talo. Ang gulo kasi ng mata ko." "Ha? Anong game yung pinagsasasabi mo? Di naman tayo naglalaro ah!" "E. Para kasing naglalaro na tayo nun e. Ay. Saan pala ako pwedeng matulog?" "Dun ka na sa room ko matulog. Dito na lang ako sa sala." "E? Nakakahiya naman sa'yo e." "May pahiya-hiya ka pang nalalaman. Pag di ka pa pumunta dun bubuhatin na kita papaunta dun!" "Nakakahiya naman talaga kasi e." "Ay. Ang kulit mo naman e! Humanda ka sakin!" At binuhat na nga ni Rina si Kevin este ni Kevin si Rina papunta dun sa kwarto ni Kevin. Ang kulit talaga nung dalawang yun. Obviously, naiwan kaming dalawa ni Abie. Mukhang inaantok na rin siya pero ang ganda niya pa rin. Hay. Sana talaga payagan ako ng kuya niya na mangligaw sa kanya. Hehe. "Uhm. Hatid na kita sa guest room. Dun ka na lang matulog. Madaling-araw na rin e. Pasensya ka na pala kay kuya kanina ah." "Ha? Hindi na. Uwi na lang ako. Saka ok lang yun. Kuya mo yun e. Pinoprotektahan ka lang nun." "Chris, dun ka na lang sa guest room." "I second the motion. Ay mali! I third the motion na pala!" "Gising ka pa rin Rina?" "Oo. Si Kevin kasi e! Haha." "Ako na naman sinisi mo! Ikaw talaga!" Nakakatuwa talaga silang dalawa. Ang kulit kulit. Tapos nakakaloko pa yung itsura nilang dalawa kanina. Si Rina nakasakay sa likod ni Kevin tapos parang sinasakal na niya si Kevin gamit yung mga braso niya. Sira talaga 'tong si Rina e. Pero ayun, napilit nila akong matulog sa guest room. Pero bakit ganun? Iba ang pakiramdam ko e. Feeling ko paggising ko mamaya, dun na ako gigisahin ni Kevin. Kevin's POV Gisahin ko kaya si Kevin paggising niya bukas? Pero kailangan wala sina Rina at Abie para safe. Para naman 'to sa ikabubuti ng mahal kong kapatid e. Sige. Ganun na nga lang. Hehe. Pumunta na ulit kami ni Rina sa kwarto ko. Nakasakay pa rin siya sa likod ko nung papunta kami dun. Sira talaga 'tong babaeng 'to. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko pa rin siya. Oo. Alam ko, ang cheesy. Anong magagawa ko? Sa mahal ko talaga siya e. Nung bumababa na siya sa likod ko, inayos na niya yung kama. Mukhang inaantok na talaga siya e. Humiga na siya tapos nung paalis na ako, bigla siyang nagsalita. "Dito ka muna. Please?" Ano kayang nasa isip nitong babaeng 'to? Ayaw niya bang magpatulog? Anong petsa na! Lumapit naman ako sa kanya. Tinignan ko lang siya tapos pinaupo niya muna ako sa kama. Tapos sabi niya "Tabi ka muna sa akin hangga't di pa ako nakakatulog. Hehe." Aba! Talaga naman o! Ano ako? Baby-sitter? Adik talaga 'to. Pero dahil nga love ko siya, tumabi naman ako. Napansin ko na malalim yung iniisip niya. Tinanong ko tuloy siya. "Hoy! Ano naman yang iniisip mo ha? Katabi mo na nga ako iniisip mo pa rin ako? Grabe ka naman! Obsessed ka na yata sakin e! Haha." "Hindi ka rin naman masyadong feeling e?" "Ano nga kasi yung iniisip mo?" "Ewan ko nga e. Nag-iisip lang ako ng pwede kong isipin." "Ay. Ang labo mo ah. Itulog mo na lang yan." "Dito ka na lang kaya matulog?" "Ayaw ko nga. Baka kung ano pang isipin mo e." "Ano namang iisipin ko?" "Ah. Basta. Ayaw ko." "Ah. Alam ko na. Ikaw ah. Yung utak mo kung anu-anong pumapasok. Haha." "Hindi kaya!" "Dito ka na lang kasi matulog. Wala ka namang gagawin sakin di ba? Haha." "Paano kung meron? Haha." Nagulat si Rina sa sinabi ko. Bigla siyang tumahimik tapos namula siya bigla. Ano ba kasing naisip ko at sinabi ko yung mga yun? Ay nako naman o! Tumalikod siya sa akin tapos di na siya nagsasalita. Tinulugan na kaya niya ako? Galit ka siya sa akin dahil sa sinabi ko? Hay. Lalo akong di makakatulog nito e. Di ako makatulog dahil katabi ko siya. Tapos ngayon lalo akong di makatulog dahil di ko alam kung ano ng nangyayari sa kanya. Kevin naman kasi e! Watch your words! "Uhm. Rina. Gising ka pa ba?" Di siya umiimik. Pero itutuloy ko lang 'tong litanya ko. "Uhm. Sorry na o. Di ko naman sinasadya kung ano man yung nasabi ko. Joke lang naman yun e. Alam mo naman na love kita e. Di ko magagawa sa'yo yun. Sorry na talaga." Di pa rin siya umiimik. Hindi kaya tulog na talaga 'to? Sisilipin ko na sana kung gising pa siya nung bigla siyang humarap sa akin at hinalikan ako. Hay. Buti na lang bati pa rin kami. At masaya ako kasi ganito ang nangyari kahit na napuyat ako. Kung lagi ba namang ganito, e di ok lang na mapuyat ako. Haha. Chapter Ten Nakatulog na kaming dalawa ni Rina. Magkayakapa kaming dalawa tapos yung ulo niya nakapatong sa isa kong braso. Gets niyo na naman yun di ba? I have to say na ito ang pinakamasayang gabi in my existence. Gumaganun naman ako. Haha. Pero seriously, ang saya ko talaga kagabi. Kasi, ewan ko. Nagising ako ng 5 am pero nung nakitang tulog pa si Rina, natulog na lang ulit ako. Pero sa totoo lang, mas gusto ko na lang sanang pagmasdan siya habang natutulog siya e. Kaso baka matunaw siya pag ginawa ko yun. E di nawalan naman ako ng girlfriend niyan. Aba'y isang taon na lang ang hihintayin ko at pwede ko na siyang yayain magpakasal. Excited ba masyado? Di naman. Yun kasi ang hiniling ko sa parents niya e. Hehe. Ayun nga. Tulog kaming dalawa. Same position ng biglang... "Woah! Kuya! Anong ginawa mo kay Rina?!" "Hanep ah! Akala ko sa sala ka matutulog?" "Ha? May sunog ba? Anong kaguluhan ang nagaganap?" "Kuya! Sagutin mo yung tanong namin! Anong ginawa mo kay Rina? Bakit magkatabi kayo natulog tapos magkayakap pa kayo." Sasagot pa lang sana ako sa mga tanong ng intregera kong kapatid ng biglang umupo si Rina at nag-inat. Nung una parang normal lang sa kanya ang lahat. Kaso bigla siyang nawindang nung nakita niya sina Abie at Chris sa kwarto. "Woi! Anong kaguluhan ito?" "Ganito lang yan ah. Rina, isang tanong isang sagot. Anong nangyari sa inyo ni Kvein kagabi?" "Ha? Wala naman e. Ay nako. Ang dudumi ng mga utak niyo. May almusal na ba? Gutom na ako e." Hanep talaga 'tong girlfriend ko o. Kaya lab na lab ko e. Kakaiba talaga e. Astigin e. Cool na cool pa ring sumagot kahit parang nasa hot seat na siya. Kakabilib talaga 'to. Habang ako'y manghang-mangha sa kanya, ako na pala yung nasa hot seat. Ako na yung ginigisa na nina Abie at Chris e. "Hoy! Kuya! Sabihin mo yung totoo! Ano nga kasing nangyari sa inyo?!" "Wala nga talaga e! Bakit ba ayaw niyong maniwala?! Nawiwindang na ako sa inyo e. Kakain na nga lang din ako. Ay. Teka lang. Chris, mag-uusap tayo mamaya ah." "Ha? Ok." Whew! Buti na lang nakalusot na ako dun. Ako naman ang ang gaganti mamaya. Si Chris na ang ilalagay ko sa hot seat. Haha. Bumaba na ako at sinundan si Rina. Kumain na kaming dalawa. Tapos sumunod sina Abie. Tahimik lang kaming kumakain. Si Abie tingin ng tingin sa aming dalawa ni Rina. E si Rina walang pake sa mundo. Kain lang ng kain. Parang mag-isa lang akong nagigisa dito ah. Pagkatapos naming kumain, naligo na si Rina. Tapos naligo na rin ako. Pagkatapos naman nun, bumaba na ako para gisahin na si Chris. Let the games begin! Hehe. Pagkababa ko sa sala, nandun na si Chris at nakaupo. Mukhang kinakabahan ang loko ah. Haha. Dapat lang! Joke. Haha. Pinaalis ko muna sina Rina at Abie para walang istorbo. Ayos di ba? Haha. "Pare, mukhang kabado ka ah." Ayos ba? Nagawa ko pa talagang mang-asar e. Haha. "H-ha? H-hindi ah." "Ano ba? Di naman ako nangangain ng tao noh! Ganito lang naman ang gusto kong mangyari sa usapan nating ito. Sasagot ka ng straight to point. Wag kang magpapaligoy-ligoy. Ok?" "H-ha? O-ok." Ano ba naman 'to? Wala pa nga e. Nauutal na agad. Ibabagsak ko 'to sa question and answer portion e. "Ok. First part. Oo at hindi lang ang isasagot mo. Malinaw ba?" "Oo." Wow. Masunuring bata ah. Haha. Natutuwa naman ako. Lol. "Unang tanong. Magkakilala ba talaga kayo ng kapatid ko?" "Oo na hindi." "Oo o hindi lang." "Fine. Hindi na lang." "Ikalawang tanong. Sira ulo ka ba?" Ok. Alam ko ang joke time nung tanong. Trip trip lang yan. Haha. Pero nagulat si Chris sa tanong ah. Haha. "Se-seryoso ba yan?" "Mukha ba akong nagpapatawa ha? Sagot na. Dali!" "Oo na lang." "Wow. Ang honest ah. Pangatlo at huling tanong sa oo at hindi portion. May gusto ka ba sa kapatid ko?" Halatang hindi siya prepared sa tanong kong yun ah. Pinagpapawiasan na siya e. Hindi rin mapakali. Aamin kaya 'to o hindi? Hmm. "Oo." "Ok. Next part na. Straight to the point ang sagot ah? Unang tanong. Paano mo nagustuhan yung kapatid ko?" "Ewan ko nga ba pero nung una ko siyang nakita, nagutuhan ko na siya. May something sa kanya na hindi ko ma-explain e. Basta ang alam ko, love at first sight ang nangyari sa akin." "Pangalawang tanong. Saan ba kayo unang nagkita ng kapatid ko?" "Sa resort nung nagbakasyon tayo nung summer. Ilang beses ko siyang nakita dun pero hindi ko siya nalalapitan. Hindi niya rin ako nakita nung mga panahon yun. Nagkita kami ng as in harap-harapan sa school nung enrollment namin." "Pangatlong tanong. Paano mo masasabi na seryoso ka nga sa kapatid ko?" "Hindi ko kayang sabihin pero hayaan mong ipakita ko sa inyong seryoso ako sa kanya at hindi ko siya sasaktan." Na-impress ako sa sagot niyang yun ah. Ok. Sige. Alam ko na ang hatol. "Chris, ikaw ng bahala sa utol ko ah. Pag 'yan pinaiyak at sinaktan mo, malalagot ka hindi lang sa akin, pati kay Rina. Tandaan mo yan! Pero sa ngayon, patunayan mo nga na seryoso ka sa kanya. I'm giving you your shot. Wag mong sayangin." "Pare, salamat! Makakaasa kang hindi ko siya sasaktan. Pero kung dadating man ang araw na mapaiyak ko si Abie, kung hindi man yun dahil sa kaligayahan, ako na mismo ang lalayo at hindi na ako magpapakita pa sa inyo." "Ok. Sige. Puntahan na natin sila kina Rina." Sana nga mapasaya niya si Abie. Para naman tuluyan ng lumigaya yung kapatid ko. Ang tagal na din niyang naghahanap ng taong para sa kanya e. Chapter Eleven Chris' POV Pumunta na kami ni Kevin kina Rina. Obviously, nandun sina Abie e. Ewan ko nga ba kung bakit dun pa nagpunta yung dalawang yun. Ang layo kaya ng bahay nina Kevin sa bahay nina Rina. Pero, aaminin ko. Kinabahan talaga ako sa ginawa ni Kevin e. Nakakatense siya. Nakakatakot siyang maging kuya. Kaya lang nawindang talaga ako dun sa isa niyang tanong e. /*Flashback*/ "Ikalawang tanong. Sira ulo ka ba?" Teka lang. Seryoso ba siya sa tanong na yan? Akala ko ba seryosong usapan 'to? "Se-seryoso ba yan?" "Mukha ba akong nagpapatawa ha? Sagot na. Dali!" "Oo na lang." "Wow. Ang honest ah." Wala naman akong ibang choice e. Baka pilosopohin mo lang ako pag sinabi kong hindi. Mas sira ulo ka pa pala sa akin e. Hay. /*End of Flashback*/ Hay. Malala na talaga ang pagiging adik ni Rina. Masyado ng marami ang nahahawahan niya. Obvious na obvious na kay Kevin e. Natulog lang sila na magkatabi nagkaganyan na si Kevin. Hay. Kawawa naman ang mga makakasama nito sa pagtulog. Nag-iisip ako kung paano ako manliligaw kay Abie habang nagmamaneho. Dahil sa katabi ko sa sasakyan si Kevin, hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakakakaba naman kasi e! "Huy! Anong iniisip mo diyan ha? Malalim yata ang iniisip mo e." "Pare, paano mo ba niligawan si Rina?" "Ha? Iniisip mo kung paano mo liligawan si Abie noh? Hmm. Paano ko nga ba niligawan yung adik adik na yun? Parang wala akong maalala e. Haha." "Seryoso ba yan? Hindi mo niligawan si Rina?" "Wala akong maalala na ginawa kong as way ng panliligaw e. Except sa 1 beses na kumanta ako para patawarin niya lang ako. Ewan ko nga ba kung bakit ganun e. Siguro dahil sa mutual yung nararamdaman namin. Kung iniisip mo kung paano liligawan si Abie, wag kang mag-alala. Tutulungan kita. Kung meron mang nakakakilala sa kanya ng lubos, ako na yun. Haha." "Seryoso ka ba diyan? Tutulungan mo talaga ako?" "Ayaw mo yata e. Ayos lang naman sa akin kahit na hindi kita tulungan e." "Hindi naman sa ganun. Kaya lang di ako makapaniwala na tutulungan mo ako. Kasi naman ginisa mo ako kanina sa inyo tapos ngayon tutulungan mo ako sa kapatid mo." "Mukha namang seryoso ka talaga sa utol ko e. Saka kilala na rin naman kita. Mas gugustuhin ko pang sa'yo mapunta yung kapatid ko kaysa sa ibang nanliligaw dun." "Ganun? Sige. Maraming salamat pare." "Wala yun. Magkita tayo bukas. Sasabihin ko sa'yo lahat ng dapat mong malaman sa kapatid ko." "Salamat talaga!" Bumalik na ako sa pagmamaneho at ang saya saya ko talaga! Saan ka nakakita ng kuya na tutulungan ka pa sa kapatid niya kahit na naging karibal mo pa dati? Ang saya ko! Woo! Pagdating namin kina Rina, nakakapagtaka kasi parang wala namang tao dun. Pero nakabukas yung main door. Teka. Anong nangyari sa bahay nila? Hindi kaya? Ay. Wag naman sana. Di pwedeng mangyari yun! Di pa ako nakakapanligaw e. Sana mali yung nasa isip ko. "Hello Rina. Nasa labas na kami ng bahay niyo. Bakit nakabukas yung main door?" "Sige. Pasok na lang kayo sa loob. Nasa garden si Tita e. Naiwan sigurong nakabukas yung pinto. Diretso na lang kayo dun sa music room." "Ah. Ok. Sige. Punta na kami diyan." "Asan daw sila?" "Nandun daw sa music room. Naiwang bukas ni Tita yung pinto e. Nagpunta daw dun sa garden. Tara na." "Ok." Chapter Twelve Pagdating namin sa music room nina Rina, nandun silang dalawa ni Abie. Nakaupo lang at nagtatawanan. Sana sa may living room na lang sila nagkwentuhan di ba? Parang ewan talaga 'tong dalawa. Haha. Nung nakita kami ni Rina, bigla siyang lumapit sa akin tapos may binulong. Nagulat ako kasi biglaan yung gusto niyang mangyari. Kaso para naman kay Abie 'to e. Kaya pumayag na rin ako. Naghanda na si Rina tapos sina Kevin at Abie, magkatabi at pinapanood lang yung ginagawa ni Rina. Ako naman kinakabahan na. Nung natapos ng magayos si Rina, sinenyasan niya si Kevin na lumapit sa kanya. Mukhang sasabihin na niya yung plano. Pagkatapos nilang mag-usap, ngumiti sa akin si Kevin at parang sinasabi na kaya ko raw 'to. Woo! Sana nga. First step na ito e. Go Chris, go! This is it! "Uhm. Ano, game na?" "Ok. Game." "Abie, wait lang ah. Diyan ka lang. Sasali ako sa kanila. Hehe." "Ha? Pero Kuya. Sali na lang din ako. Please?" "Wag na. Manood ka na lang." "Sige na nga." Nag-pout siya at mukhng napilitan lang talagang sumunod. Pero mas ok naman talaga kung di siya sasama e. Haha. Eto na talaga! "Uhm. Abie, pakinggan mong mabuti yung lyrics ah. Basta. Para sa'yo 'to." Nagulat siya. Tapos mukhang nag-blush. Ang cute niya talaga! Haha. "Ok. One. Two. Three. Go." (True yung song) I won't talk I won't breathe I won't move till you finally see That you belong with me You might think I don't look But deep inside In the corner of my mind I'm attached to you I'm weak It's true Cause I'm afraid to know the answer Do you want me too? Cause my heart keeps falling faster I've waited all my life To cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try Anything to be with you All my life I've waited This is true You don't know what you do Every time you walk into the room I'm afraid to move I'm weak It's true I'm just scared to know the ending Do you see me too? Do you even know you met me? I've waited all my life to cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true I know when I go I'll be on my way to you The way that's true I've waited all my life to cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try anything to be with you All my life I've waited This is true "Uhm. Abie, pwede bang manligaw?" "Ha?" "Pumayag ka na! Haha." "Ay. Rina, hindi ikaw yung tinatanong. Magbehave ka nga diyan." "Whatever!" "Aba! Talaga naman o! Pasaway ka talaga kahit kailan!" "Buti alam mo!" "Uhm. Excuse me lang ah. Medyo panira na kayo ng moment e." "Oops! Sorry. Si Kevin kasi e! Haha." "Ako na naman?!" "Kuya!" "Oo na. Sorry na po." "So, Abie, ano? Pwede ba?" "Uhm. Ok. Sige." Woo! I did it! We did it! Hooray! We did it! Ok. Enough of Dora. Basta, ang saya ko! Sana pag tinanong ko siya kung pwede ko siyang maging girlfriend pumayag din siya. Chapter Thirteen Grabe. Ang saya ko! Kahit na si Rina at Abie muna ang magkasama ngayon, ayos lang. Mat tutorial naman ako kay Kevin e. Haha. Kung iniisip niyo kung paano niya ako tuturuan e nasa iisang lugar lang kami. Nagawan na yan ng solusyon ni Rina. Nasa room ni Rina si Abie tapos nasa media room kami ni Kevin. Ok. Aaminin ko, kahit na ilang beses na akong nagpupunta sa bahay nina Rina, nawiwindang pa rin talaga ako. Kala mo ang liit sa labas, yun pala ang laki sa loob. Pero advanatge naman yun sa sitwasyon namin ngayon di ba? Haha. Kahit nga mag-hide and seek pa kaming 4 ngayon dito, ok lang e. Matatagalan pa kaming maghanapan. Kung bakit, may mga secret doors yung bahay nina Rina. Amazing di ba? Haha. As I was saying, may tutorial kami ni Kevin ngayon. Ang subject: Abie 101. Haha. Kidding. Wala namang subject e. Haha. Basta excited na akong magsimula! I'm ready! I'm ready! I'm ready! Wait. Spongebeob, ikaw ba yan? Haha. Ok. Enough of the jokes. Let's get it started! "Uy. Congrats pala kanina ah. That was the bomb! Haha." "Gumaganun? Haha. Salamat ah. Tinulungan niyo ako ni Rina." "Ano ka ba? Wala yun! O, ano? Magsimula na tayo?" "Ok. Game." At nagsimula na nga si Kevin. Sinabi niya yung birthday, school, course, age, likes, dislikes, definition ng friend. Ay wait. Slumbook ba ito? "Ano? Nakuha mo ba lahat?" "Di masyado e. Information Overload agad. Bakit naman kasi sinabi mo lahat yun sa loob lang ng 1 araw? Masyadong madami yung info e. Isang araw lang ba ang tutorial natin?" "Ay nako. Dapat nakuha mo lahat yun. Madami ka pang dapat malaman at matutunan e. Kaya nga basics lang ang binigay ko 'yo ngayon e." "Weh?! Basics pa lang yun? So mas marami pa yung malalaman ko?" "Oo. Kaya wag kang bibingi-bingi. Ok?" "Ok. Sige." Shemay. Ang hirap palang manligaw sa isang taong di mo pa masyadong kilala. At ang hirap ding sumabay sa level of information na alam ng kuya niya. Pero kailangan kong kayanin, intindihin at isapuso lahat ng mga sasabihin ni Kevin sa akin. Para rin naman sa akin at sa amin ni Abie yun e. Saka may kuya's approval naman na ako e. Hehe. TInapos na ni Kevin yung tutorial sa araw na ito. Baka raw makahalata na rin si Abie e. Kaya pinuntahan namin sina Rina sa kwarto niya. Kumatok si Kevin tapos binuksan na niya yung pinto. Pagpasok namin, nagulat kami kasi si Abie tulog na sa kama tapos si Rina tulog na sa harap nung laptop niya. Binuhat na lang ni Kevin si Rina para makaayos dun sa kama. Kaso pagkabuhat ni Kevin kay Rina, nagising si Rina. Akala namin sisigaw pa yung pasaway na yun e. Yun pala, nagising lang sandali tapos natulog na naman. Nagpigil tuloy kami ng tawa ni Kevin. Haha. Nung malapit ng mag-dinner, pumunta ulit si Kevin sa kwarto ni Rina. Siya na lang yung pinaakyat ko tutal mas alam naman niya kung paano gigisingin yung 2 yun e. Haha. 4 lang kaming kakain kaya ako na yung naghanda nung table. At dahil sa ako nga yung nag-ayos, kinapalan ko na yung mukha ko. Naghalungkat ako ng mga kung anu-anong bagay sa bahay nina Rina at ginawa kong romantic ang ambiance ng dining area. Nakahanap ako ng candle holder, candle, flower vase, sosyaleng place mat, matinong sets ng plato at kubyertos at marami pang iba. Nag-set up pa nga ako ng music player na ang tugtog ay romantic songs. O ha? Effort kung effort ito. Sabihinn na lang natin na double date ito. May ganun? Haha. Nung natapos na akong mag-ayos, saktong pagbaba ni Kevin at Rina. Nagtaka ako kung bakit wala pa si Abie pero naunahan nila akong mag-react e. "Woah! Anong meron dito?" "Wala lang. Trip trip lang. Hehe." "Asus! If I know. Haha. Hoy, isoli mo kung saan mo kinuha yung mga gamit ah. Haha." "Oo na master." "Wow! Ang ganda naman nito! Sino naghanda?" "Ha? Ah. E. Ako." Nagulat na lang ako kasi biglang may yumakap sa akin. Ayun pala, si Abie. Chapter Fourteen Sa totoo lang, nabigla ako kasi niyakap niya ako. E kasi naman, parang ewan lang e. Yayakapin ka na lang bigla bigla. Pero siyempre, napag-isip isip ko rin na plus points na rin yung ginawa ko. Hehe. Di ko na lang niyakap in return si Abie. Alam niyo na, nandun ang kuya. So naka-“Kevin Alert” status tayo. Haha. Magpapanggap na lang sana ako na may violent reaction kuno ako sa yakap moment kaso naunahan na ako nina Rina. “Hoy! Itigil niyo na nga yan. Gutom na ako e.” “Oo nga. Pag yan di niyo tinigil, ay nako.” “Wala naman akong ginagawa ah!” “Sorry Kuya. Masyado lang akong natuwa. Ganito kasi yung nasa panaginip ko kanina e. Hehe.” “Ah. Déjà vu naman pala. Pabayaan mo na lang Kebs. Inggit ka lang kasi e. Haha.” “Ay nako. Umatake ka na naman. Humanda ka sa akin mamaya.” “Ay grabe. Natatakot na ako. Haha.” “Sige, Rina. Kaya mo yan! Haha.” “Pagtulungan raw ba ako?!” Nagsiupuan na kaming apat. Tawa kami ng tawa nina Abie. Si Kevin lang ang hindi tumatawa. Mukhang nagpaplano ng revenge kay Rina „to ah. Rina naman kasi e. Masyadong pasaway. Ayaw papigil e. Buti talaga nakakatagal „tong si Kevin sa mga kalokohan ni Rina. Alam kong naiinip na kayo at gusto niyo ng makasaksi ng ligawan portion dito. Pero ayon kay Kevin, di pa pwedeng mag-proceed dun e. Kulang pa daw yung mga nalalaman ko tungkol kay Abie. Saka kailangan ko daw ng bonggang preparation para sa 1st ligaw moment ever. O ha? Saan ka pa? Ang lupit nung term e. Lol. Pagkatapos naming kumain, ako na rin yung nagligpit nung pinagkainan. Medyo nagpapaka-emo na ako dun sa kusina kasi mag-isa na nga akong nag-prepare tapos mag-isa pa rin akong nag-aayos. Naghuhugas ako ng mga plato nung biglang may nakita akong ibang kamay dun sa may lababo. Pagtingin ko, si Rina pala. “Oy. Bakit ka nandito? Bumalik ka na nga dun.” “Ay sus. Ikaw na nga „tong tinutulungan, ganyan ka pa kung makaasta. Saka gusto kong makasiguro na wala kang babasaging pinggan o kaya wala kang imimisplace na gamit noh.” “Ah. Kaya naman pala e. I hate you na.” “E di I hate you more. Haha.” Tawa kami ng tawa ni Rina dun sa kusina. SIguro nagtaka na yung magkapatid kaya biglang sumulpot na rin dun. “Oy. Ano yan ha? Pag ganyan kayo ng ganyan baka magselos na kami niyan.” Ay. Naalarma ako dun ah. Di sila pwedeng magselos. Este di pwedeng magselos si Abie. Pero si Kevin yung nagsabi nun. Maalarma ba ako ng todo o hindi? “Whatever Kevin. Alam mo namang wala kang dapat ipagselos dito sa kumag na „to e. Past is past di ba Chris?” “Ha? Oo nga naman.” “Teka. Wait. Anong past is past? Ibig sabihin ba may past kayong dalawa?” Oops. Mukhang wrong move yun ah. “Uhm. Sabihin na lang natin na na-mesmerize lang „tong sira ulo na „to sa akin for a while. Pero wala na yun. Ang mahalaga yung present. At sa present, kami na ng kuya mo at probably in the future, kayo naman na nitong si Crhis. Hehe.” “Woo! Humangin yata ah. Haha.” “Ay nako. Ang yabang mo ah! Bahala ka na nga diyan.” Lumayas si Rina sa kusina at umakyat na sa taas ng bahay nila. Napikon ba yun o ano? Si Kevin naman naiwan na nakatulala dun sa kinauupuan niya. Mukhang na-shock sa ginawa ni Rina e. First time in history „to e. Si Abie mukhang napaisip sa mga pinagsasasabi ni Rina. Ako, eto. Back to work. Naghuhugas na ulit ng pinggan. Mayamaya biglang may narinig akong kalabog. Nagulat tuloy ako. Muntik ko ng mabitawan yung pinggang hawak ko e. Akala ko galing sa taas ng bahay yung kalabog. Ayun pala si Kevin yun. Sa bilis ng pagkilos, bumagsak yung upuan. Mukhang susundan na sa taas si Rina. Di na yata kinaya ng konsensya. Haha. Naiwan na naman kami ni Abie. Medyo puro dead air nga lang ngayon. Hindi pa rin kasi siya gumagalaw mula sa kinauupuan niya e. Hindi pa rin ba siya tapos mag-isip? Ayaw ko naman siyang kausapin muna kasi baka makaapekto pa sa ligaw status ko e. Baka bumaba pa yung chance of her saying yes. After several moments of silence, may naririnig na akong tunog. Tunog ng tubig. Akala niyo nagsalita na si Abie noh? Hindi pa rin e. Naghuhugas pa rin ako ng pinggan. Pero mayamaya, may naramdaman akong nakatayo sa tabi ko. Multo ba ito? Hinde. Si Abie yung tumabi sa akin. Mukhang tutulong sa paghuhuga nung pinggan. Pero dadampot pa lang sana siya ng pinggan, pinigilan ko na. “Ops. Wag ka ng kumuha ng pinggan. Kaya ko na „to. Upo ka na lang ulit dun.” “E. Gusto kong tumulong e. Bakit ba?” “Patapos naman na ako e. Upo ka na lang muna diyan tapos ikukwento ko sa?yo lahat lahat ng nangyari dati. Ok?” Tumango siya at umupo na ulit. Binilisan ko na yung paghuhugas nung mga natitirang hugasin para masimulan ko na ang pagkukwento. Sana pagkatapos ng pagkukwento ko, hindi magbabago yung nararamdaman niya para sa akin. Chapter Fifteen Rina?s POV Ok. Alam ko, wala akong karapatan na mag-emote. Napakababaw lang naman nung sinabi ni Kevin kanina pero ewan ko ba. Parang for the first time, di ko gusto yung feeling na naramdaman ko nung sinabi niya yun. In a way, nasaktan ako. Nakakainis kasi hindi naman ako dapat masaktan di ba? Pero bakit ba ganito? Dahil sa nasaktan ako, umalis ako sa kusina at tumakbo dito sa may balcony ng bahay. Walang nakakaalam ng way papunta dito kung hindi ako at yung gumawa ng bahay. Astig noh? Pero siguro sa pagtakbo ko nung mga sandaling yun, inaakala nina Kevin na joke time lang yun. Na nagdadrama-dramahan lang ako. Ok lang sana kung joke time yun e. Kaso hindi. Nasaktan talaga ako. Nakaupo ako sa mismong balcony. Medyo mataas siya mula sa ground pero yun lang ang magagawa ko para i-release yung nararamdaman ko e. Kung may makakakita sa akin na kapitbahay ko, baka akalain ngang nababaliw na ako e. Nakaupo ako sa balcony, ang gulo ng buhok at umiiyak na para bang wala ng bukas. Kainis naman kasi e. Bakit ba kasi nasaktan pa ako dun sa sinabi niya? Akala ko pa naman ok na ok kami. Mukhang hindi pala. Siguro I reached the point wherein hindi ko na kayang magpanggap na masaya ako at hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi niya. Siguro nga dati pa lang, nasasaktan na ako kapag nagsasabi siya ng mga ganung bagay pero di ko lang pinapansin kasi akala ko ok lang talaga. Siguro nga matagal ng may mali pero di ko lang iniintindi. Siguro nga dapat noon pa lang inayos ko na „to. Ako lang ba yung nakakaramdam ng ganito o pati siya? Ewan ko ba kung bakit pero dinaan ko na lang sa kanta yung nararamdaman ko. Kahit na umiiyak pa rin ako at napaka-emo pa nung kanta, tinuloy ko pa rin. (Almost Lover yung song) Your fingertips across my skin The palm trees swaying in the wind Images You sang me Spanish lullabies The sweetest sadness in your eyes Clever trick I never want to see you unhappy I thought you'd want the same for me Goodbye, my almost lover Goodbye, my hopeless dream I'm trying not to think about you Can't you just let me be? So long, my luckless romance My back is turned on you I should've known you'd bring me heartache Almost lovers always do We walked along a crowded street You took my hand and danced with me Images And when you left you kissed my lips You told me you'd never ever forget these images, no I never want to see you unhappy I thought you'd want the same for me Goodbye, my almost lover Goodbye, my hopeless dream I'm trying not to think about you Can't you just let me be? So long, my luckless romance My back is turned on you I should've known you'd bring me heartache Almost lovers always do I cannot go to the ocean I cannot drive the streets at night I cannot wake up in the morning Without you on my mind So you're gone and I'm haunted And I bet you are just fine Did I make it that easy To walk right in and out of my life? Goodbye, my almost lover Goodbye, my hopeless dream I'm trying not to think about you Can't you just let me be? So long, my luckless romance My back is turned on you I should've known you'd bring me heartache Almost lovers always do Lalo lang akong umiyak ng dahil sa kantang yun. Kainis naman o. Ang tanga ko ba? Kakanta kanta ako ng pang-emote ng kanta tapos nung lalo akong naiyak, magrereklamo ako. Hindi pa rin tumitigil yung pagtulo ng luha ko. Pero alam kong may sumisigaw na sa hallway nung 2nd floor at hinahanap ako. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko siyang harapin ng ganito yung itsura ko. Papasok ba ako sa loob ng bahay o hahayaan ko lang siya? Chapter Sixteen Napag-isip isip ko na wag na lang pumasok. Di ko pa siya kayang harapin ng ganito yung itsura ko e. Tapos wala pa ako sa tamang kondisyon para magkaroon ng matino at seryosong usapan. Baka kung anu-ano lang yung mga salitang lalabas sa bibig ko e. Pag nagkaganun, baka lumalala lang yung sitwasyon. Hindi na rin ako kumanta ulit. Nawalan na ako ng gana e. Nasobrahan yata ako sa pageemote. Tumingin na lang ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin na kumukutikutitap. Buti pa sila, walang pinoproblema. Naghihintay lang ng panahon na kung saan sasabog sila at the end na agad. Bakit ba kasi kailangan pang magkaganito sa buhay natin e? Pwede namang puro happy memories. No more hate. Yung tipong puro love na lang. E dim as ok sana kung ganun. Kaso napakalabong mangyari nun e. Nangawit na rin ako sa kakatingala sa langit kaya aayos na sana ako ng upo. Kaso nung pababa na yung ulo ko, biglang may nagtakip sa mga mata ko. Sa gulat ko, muntik na akong mapabitaw dun sa hinahawakan ko. Kung di niya ako nahawakan ng mahigpit, malamang lamang, sa ospital na tayo magkikita kita. Nagulat ako dahil sa 2 dahilan. Una, paanong may nakaalam ng daan papunta dito? Pangalawa, bakit niya ginawa yun at bakit siya nandito? Tinignan ko lang siya saglit tapos sa mga bahay na ulit ako humarap. Halatang gusto niyang makipag-usap sa akin kaso di naman ako umiimik. Nawindang na lang ako nung biglang hinawakan niya ako sa bewang ko at binuhat niya ako pababa ng balcony. Gusto ko sanang magsisigaw pero di ko magawa. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang kong gawin e. Tinignan ko na lang ulit siya. Nakatingin din siya sa akin at nung nagtagpo yung mga mata namin, nagsalit na siya. “Rina, look I?m sorry. Hindi ko alam kung bakit naging ganun yung reaction mo e. Dati naman hindi tayo umaabot sa ganitong point. I?m really sorry. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako. Please naman o. Hindi ko kaya yung ganito e. Hindi ako matatahimik kapag di tayo magkakaayos ngayong gabi.” “Kevin, hindi ko alam e. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Tulungan mo akong malaman yung dahilan.” At umiyak na naman ako. Niyakap na lang ako ni Kevin at pinipilit niya na tumahan na ako. “Ssh. Ok lang yan. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari.” Hindi na ako nagsalita. Niyakap ko na lang ulit siya tapos pumasok na kami sa loob. Kung nagtataka kayo kung saan yung labasan papasok/palabas nung balcony, nasa may cabinet ko siya. Sa likod nung built in na cabinet ko, may pinto palabas. Hindi ko lang talaga maisip kung paano nalaman ni Kevin yun. Pagpasok namin sa loob, dun ko lang na-realize na ang tagal ko palang nag-emote. 7:30 nung umalis ako sa dining area at 9:30 na ngayon. Grabe naman pala yun o. Nung bumaba ako para kumuha ng tubig, napag-alamanan ko na umalis na sina Chris at Abie. Nag-iwan na lang sila ng note dun sa may ref. Mukhang mag-eexplain na „tong si Chris kay Abie. Sana maging ok yun. Pagbalik ko sa kwarto ko, nakita ko si Kevin na nagbubutingting ng mga gamit ko dun. Pakialamero pala „tong mokong na „to. Haha. Niyakap ko siya tapos tumingin siya sa akin na para bang nagulat pa. Parang ewan lang ah. Dadalawa na nga lang kami dito sa bahay, nagulat pa siya. Ayos ah. “Ang cute mo pala nung bata. Haha.” “Bakit naman ganyan yung statement mo? Ibig sabihin ba nun, di na ako cute ngayon?” “Hindi na. Haha.” Tumahimik ako tapos nag-pout. Kainis naman e. “Hindi ka na cute kasi palagi kang maganda sa mga mata ko.” Ayiee. Kinilig naman ako dun. Haha. Pagkatapos niyang sabihin yun, humarap siya sa akin at niyakap ako. Yayakapin ko na rin sana siya kaso bigla niya akong hinalikan. Patindi ng patindi yung paghalik niya sa akin hanggang sa tumumba na kaming dalawa. Tahimik lang ako nung mga oras na yun. Hindi ko kasi alam kung saan ba papunta yung nangyari sa amin bago kami tumumba. Napagdesisyonan ko na lang na tumayo na sa lapag at umupo sa kama ko. Ganun din yung ginawa ni Kevin. Tumingin ulit siya sa akin tapos nag-sorry siya dahi dun sa nangyari. Naisip na lang namin na matulog pagkatapos nun. As usual, magkatabi na naman kami. Alangan namang maghiwalay pa kami ng kwarto, dadalawa na nga lang kami dun sa bahay e. Bago kami natulog, kiniss ulit ako ni Kevin. Kaso ewan ko ba kung bakit, basta nangyari na lang yung ANO e. Ilang beses naming pinigilan yung urge kaso wala e. Di na talaga namin napigilan. Oh my ged naman e. Paano na ngayon „to? Gagraduate pa lang ako in 2 months time. Wala namang ganyanan! Sana walang maging resulta yung ANO. Waa. Pagkagising namin, ayun nga. Magkatabi pa rin kami. Pero siyempra may nag-iba. Alam niyo na yun. Ayaw ko ng ielaborate. Di ko na carry e. Gusto ko sanang umiyak dahil dun kaso naisip ko na hindi naman yung mangyayari kung hindi ako pumayag di ba? Tinignan ko sa mga mata si Kevin at tinignan niya rin ako sa mga mata ko. Nagtitigan na lang kaming dalawa. Gusto ko sanang magsalita pero di ko magawa. Siya na lang yung nagsalita. “I?m so sorry Rina. Hindi ko dapat ginawa „to e. Ang tanga tanga ko naman kasi e. Pinigilan ko dapat yung sarili ko. Basta kahit na anong mangyari, di kita iiwan. Sa totoo lang, matagal ko ng gustong gawin „to pero sa tingin ko, ngayon na ang tamang panahon.” Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano yung gusto niyang gawin? Yung ANO o iba pang bagay? Tumayo siya sa kama tapos may kinuha siya sa pantalon niya. Dun ko naisip na hindi yung ANO yung gusto niyang gawin dati pa. Lumapit siya sa akin tapos may binigay siyang maliit na kahon. Ayaw ko namang mag-assume pero feeling ko singsing yung laman nun e. Ibig sabihin ba nun, matagal na niya akong gustong yayaing magpakasal? Waa. Kawindang-windang naman „to o. Binuksan ko yung kahon, singsing nga siya. Tinignan ko siya tapos kinuha niya yung singsing. “Ok. Alam ko napaka-panget ng set up natin ngayon pero itatanong ko pa rin sa?yo. Rina, would you like to spend your forever with me?” Hindi na ako nag-isip. Mahal na mahal ko naman siya e. “Yes. I would like to spend it with you. I love you Kevin.” “I love you too.” Pagkatapos nun, umalis na muna kami ng bahay. Kakamustahin namin si Abie. Chapter Seventeen Pagdating namin sa bahay nina Kevin, nagtaka kami kasi walang tao. Nasaan kaya si Abie? Lumabas ba sila ni Chris? Inikot namin ni Kevin yung buong bahay pero di talaga namin nakita si Abie. Asan na ba yun? Yuhoo! Abie! Asan ka na?! Dahil sa hindi namin Makita si Abie, nagpahinga na lang muna ako. Oo. Ako lang. Ako lang naman ang medyo nahihirapan ngayon dahil dun sa ANO e. Kaya habang nagpapahinga ako, tinatawagan ni Kevin si Abie. Kaso ang problema, hindi sumasagot si Abie. Anak ng tinapa naman o! Anong bang nangyayari sa mundong ito? Hindi kaya, may nangyaring ANO kina Abie? Grabe naman kung ganun. Waa. Hindi na talaga mapakali si Kevin. Hindi talaga kasi sumasagot si Abie sa mga tawag niya e. Mga 20 times ng tumatawag si Kevin pero puro operator lang ang naririnig niya. Puro walang kamatayang “The number you dialled is either unattended or out of coverage area” lang ang sagot na natatanggap niya. Imbis na maawa ako sa sarili ko dahil sa masakit nga yung ano, mas naaawa ako kay Kevin kasi windang na windang na siya. “Kebs, pwede bang umupo ka muna? Nahihilo na ako sa?yo e.” “Sorry ah. Pati ikaw nadadamay dito. Dapat nagpapahinga ka muna ngayon e.” “Ano ba? Ok lang yun. Saka in one way or another, kasama talaga ako sa problemang ito kasi kaibigan ko si Chris at magiging kapatid ko na rin naman si Abie.” “Hay. Oo nga nandun na ako pero ayaw na sana kitang idamay sa problemang „to e. Kasi naman „tong si Abie e. Kung saan saan nagpupunta, di man lang nagsasabi.” Halatang naiinis na si Kevin. Dahil sa hindi ako makatayo agad agad, hinatak ko na lang siya hanggang sa mapaupo siya sa sofa. “O. Bakit ka nanghahatak bigla?” “Chill ka lang ok? Makakasama sa?yo ang masyadong pag-iisip. Malaki naman na si Abie. Alam na niya ang tama sa mali. Saka most probably, si Chris naman ang kasama nun e.” “Sabagay. May tiwala naman ako kay Chris e. Sige, kain na lang tayo ng breakfast. Baka nagugutom ka na e.” Tumayo na siya sa sofa at nagluto ng almusal. Chris? POV Umalis na kami sa bahay nina Rina. Aaamin ko, kinakabahan ako. As in super kinakabahan. Baka kasi pagkatapos kong sabihin kay Abie ang lahat lahat, mawala na yung chance ko na mapasagot siya. Baka kasi mawalan na ako ng space sa puso niya. Ayaw kong mangyari yun. Sana talaga maging maayos pa rin ang lahat pagkatapos nito. Nagpunta kaming dalawa sa playground. Naalala niyo pa na dun yung lugar kung saan nagkaayos sina Kevin at Rina? Yun yung panahon na sinabi ni Kevin na aalis na siya. Nagalit si Rina, tumakbo dito tapos nagkaayos din sila. Kaya dito ko dinala si Abie. Baka sakaling ganun din ang mangyari kapag nasabi ko na sa kanya ang “past” namin ni Rina. Pagdating namin sa playground, umupo lang kaming dalawa sa swing. Pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula e. Kung bakit ba kasi nahalungkat pa ang past na ito e. Pwede namang present at future na lang ang iisipin. Pero alam ko naman na mas ok kung walang tinatago sa isang relationship di ba? So siguro nga, mas ok na rin kung sasabihin ko sa kanya ang lahat lahat. At magsisimula na ako now na! “Abie.” “Hmm?” “Ready ka na bang makinig sa story?” “Yeah.” “Ok. Sige. Ganito kasi yun.” “Second year HS pa lang si Rina nung una ko siyang nakilala. Nag-aral kasi siya ng guitar lessons sa music school na pinag-aralan ko naman ng voice lessons. May mallshow nun. Siya yung tutugtog at ako naman yung kakanta. Nung una, tahimik lang siya. Walang kinakausap. Sasagot lang pag tinanong mo. Kaya eto ako, gumawa ng move para makausap naman namin siya. To my surprise, binara niya ako. Simula nun, nagbabarahan na kami. Naglolokohan. Nagdadaldalan. Hanggang sa niloloko na kami ng mga kasamahan namin.” “E bakit naman kayo niloloko?” “Kasi in a short period of time, nagging super close kami sa isa?t isa. Parang dahil sa ginawa ko, sa isang iglap, nagiba yung wall na naghihiwalay sa mundo niya sa mundo namin.” “Ah. Okay. Gets. E ano naming nangyari pagkatapos nun?” “Ayun. Every mallshow, kami yung naglolokohan. Pero after sometime, di na ako nakakasama sa mga mallshow. Dahil dun, di na kami masyadong nagkakausap. Kaya nung after ilang months na yun, I decided to come for a visit. Ang balak ko sana isusurprise ko siya. Kasi kahit papaano, namiss ko rin naman siya e. Kaso ako pala yung masusurprise. Parang nagkaroon na naman kasi ng wall sa pagitan naming dalawa. Mas close na siya sa iba naming mga kasama. Aaminin ko. Nagselos ako nung time na yun. Kasi parang ang feeling ko, nakalimutan na agad niya yung pinagsamahan naming dalawa. May mga bagay silang pinagtatawanan na sila lang ang nakakaintindi. Ang sakit nung feeling na yun e. Di kasi ako makarelate sa kanila. Samantalang dati, siya at ako ang ganun at yung iba ang hindi nakakagets sa usapan naming dalawa. After nun, hindi na naman ako nagparamdam sa kanila. Alam ko napakababaw ng reason ko para gawin yun pero nagtampo ako sa kanya e. Kasi naman everytime na dadaan ako sa music school, may iba siyang kausap at kaclose. E ako, wala. Parang hangin lang ako na padaan-daan. Ang sakit sa feeling nung ganun e. One time, gusto ko na sana siyang kausapin. Sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Umamin. Magsorry. Ang dami kong gustong gawin. Kaso, it was too late. Wala na kasi siya. Tapos na yung lessons niya. Di ko naman alam yung number niya. Nakakahiya naman kung kakausapin ko siya sa friendster di ba? Kaya ayun. Naiwan na naman akong talunan.“ Huminga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin yung mga yun. Bumalik kasi yung sakit na naramdaman ko e. Pero alam ko naman na para sa ikabubuti namin ito ni Abie kaya itinuloy ko na lang yung kwento. “Ilang years din kaming walang communication sa isa?t isa. Ang hirap pala ng ganun. Kasi kinikimkim ko pa rin sa sarili ko yung nararamdaman ko sa kanya. Until one time, I saw her sa isang mall. I smiled at her pero tinignan niya lang ako tapos dirediretso siya sa paglalakad. As if hindi niya ako kilala. Nangyari na naman yung ganung incident. Nakita ko na naman siya sa isang mall. This time, marami siyang kasama. Kasama pa nga niya yung kuya mo e. Mukhang nagcecelebrate sila nung time na yun. Di ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko at nilapitan ko sila at kinausap si Rina. Hinatid ko siya sa isang restaurant since on the way naman. Ayun. Birthday pala niya nun. At nagkataon pa na nandun din yung parents ko. Pagkatapos nung incident na yun, napadalas yung pagpunta ko sa bahay nina Rina. Madalas na rin kaming magkatext at magkausap. After some time, napansin siguro ng kuya mo na nagiging super close na kami ni Rina. Kaya ayun, gumawa ng move. Kinausap ako. E ako naman si Mr. Matapang, hindi umurong sa kuya mo. Nakipaglaban ako para kay Rina. Napansin ko na mas gusto talaga ni Rina si Kevin. Kaya ayun, napagisip isip ko na isuko na lang ang laban. When I was about to give up, dun ko nalaman na pinagkasundo pala kami ng parents namin sa isa?t isa. Kaya eto. Nabuhayan na naman ako ng loob. Kaso napansin ko na di masaya si Rina sa ganung set up kaya igigive-up ko na sana talaga siya kay Kevin. Kaso biglang timing ng pagalis niyo papuntang ibang bansa. Ilang months ding naguusap araw araw si Rina at si Kevin. Nasaksihan ko yun. Kahit na sa ganung paraan, tuwang tuwa na si Rina. Pero makalipas ang ilang buwan, ni ha ni ho, wala ng natatanggap si Rina galing sa kuya mo. Sobrang nasaktan siya nun. Di niya kinaya e. Pero ako si tanga, nandun pa rin sa tabi niya kahit na alam kong wala naman akong pag-asa. After ilang years ganun pa rin. Ako ang lagi niyang kasama, kausap, karamay. Lahat ako na. Kulang na lang maging boyfriend niya. Dahil dun, napagisip-isip ko na itanong na sa kanya kung pwede ba akong manligaw. Tutal mukhang wala naman ng chance si Kevin sa kanya e. Pumayag si Rina dun. Kaya ako nabuhayang muli. Lalong napadalas yung pagkikita naming dalawa. Ilang months pa lang akong nanliligaw sa kanya nung biglang bumalik yung kuya mo. Alam ko naman na hindi nawala sa puso ni Rina si Kevin e. Pero itinuloy ko par in yung laban. Kaso wala e. Naging sila pa rin. Nasaktan na naman ako.“ Bigla kong naramdaman yung pagtulo ng luha ko. Tae. Hindi naman ako dapat nagdadrama ng ganito di ba? Ang gusto ko lang naman ay maging masaya e. Bakit ba kailangan pa ng ganito? Pinunasan ni Abie yung luha ko. Aaminin ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Tinignan ko siya at nginitian niya lang ako. Mukhang kailangan ko ng tapusin ang kwento ko. “Nung summer, niyaya ako ng barkada nina Kevin at Rina na sumama sa kanila. Vacation daw. Wala naman na akong magawa kaya sumama na ako. Nung una di pa kami naguusap ni Rina. Hurt pa rin ako e. Pero wala. Di ko rin siya natiis. Nagkasundo na kaming dalawa pati si Kevin. Ilang araw din kitang nakita sa resort nung mga panahong yun. At dun na nagstart yung paglimot ko kay Rina at pagkagusto ko sa?yo.” Huminga ulit ako ng malalim nung natapos ko ang kwento ko. Naramdaman ko na lang na may yumakap na sa akin. Tinignan ko si Abie. Nakangiti ulit siya. Ano kayang ibig sabihin nung ngiti niyang yun? “Tara na. Uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo nina Kuya e.” At bumalik na nga kami sa bahay nila. Chapter Eighteen Pagdating namin ng bahay nila Abie. Nagulat kaming dalawa kasi nandun na sina Rina at Kevin. Si Rina hindi makatayo. Ano naming nangyari dun ha? “Oy. Nandito na pala kayo?” “Obvious ba? Parang ewan naman „to o. Tss.” “Aba! Gumaganyan ka na ngayon ah! Humanda ka sa akin!” “Ops! Wag mo ng ituloy kung ano man ang balak mo. Kawawa naman „tong si Rina. Di na nga makatayo e.” “E bakit ba hindi siya makatayo kuya?” “Basta.” Sabay tango ni Kevin sa akin. Ah. Okay. Gets. May nangyari kagabi. Haha. “Teka lang. Saan pala kayo galing ha?” “Sa tabi-tabi lang. Nag-usap kaming dalawa.“ “Payn. Di na ako magtatanong. Kumain na lang din kayo ng almusal. Nagluto na ako. Dito na kami kakain ni Rina sa sala. Kung gusto niyo dun na lang kayo sa dining.” “Ayaw ko nga kuya. Dito na lang din kami. Hehe.” At ayun. Sabay sabay kaming kumain. Habang kumakain kami, may napansin ako. Bukod sa di makagalaw ng maayos si Rina, may nagbago sa kanya e. May something e. After a while, napansin ko rin kung ano yung nag-iba. May singsing na siya sa daliri niya. So it means, ikakasal na sila. Ang swerte naman nila. Sila na talaga ang para isa?t isa e. Kami kaya ni Abie ganun din ang kahihinatnan? “Psst.” “Sino bang sinisitsitan mo ha?” “Kayong dalawa.” “At bakit naman?” “Kailan niyo naman balak sabihin sa amin na ikakasal na kayong dalawa ha?” “Ha?” “Ay nako. Don?t act as if you don?t know what I?m talking about. May singsing na si Rina o.” Sabay tingin ni Abie sa kamay ni Rina. “Oh my gosh! Magkaka-ate na talaga ako! Wee~ Congrats kuya and Rina! Oopsies. Ate Rina nap ala. Hehe.” “Ay sus. Kayong dalawa talaga o. Wala talagang nakakaligtas na chismaks sa inyong dalawa. Haha.” “Pero seriously, kelan nga ang kasal?” “Uhm. Di pa naming napaguusapan yun e. Kanina lang naman ako nagpropose sa kanya e.” “What?! Kanina lang?!” “Oo. Mukha bang hindi makatotohanan ha?” “Di naman sa ganun kuya pero parang mabilisang proposal yan ah.” “Ok lang yan pare. I understand.” Kailangan naman talagang isecure ni Kevin ang relationship nila ni Rina lalo pa?t may nangyari na sa kanila di ba? Epilogue After 3 months... Grumaduate na si Rina. Aba. Magna cum laude pa ang lokaret. Akalain mo yun? Haha. Pero seriously, I?m so proud of her. Kahit na 2 months na siyang buntis e nagawa pa rin niyang ayusin ang pag-aaral niya. Yep. You read it right. Buntis si Rina. Akalain mong nagbunga yung ginawa nila kahit isang beses lang nangyari? After nung graduation, kinausap na ni Kevin yung parents ni Rina pati yung parents niya. Ipinaalam na nila yung kondisyon ni Rina ngayon. Siyempre, nagulat sila saka nagalit. Kasi naman ang bilis masyado ng mga pangyayari e. Pero nung sinabi ni Kevin na pakakasalan niya si Rina, medyo nagdalawang isip pa yung parents ni Rina. Ganito kasi yung eksena nun: “Tito, tita. Pakakasalan ko naman po si Rina e.” “Alam mo iho, hindi solusyon ang pagpapakasal sa kondisyon ng anak naming ngayon. Hindi ka naman namin inoobliga na pakasalan siya e. Kasi hindi biro ang kasal. Hindi yan kanin na kapag sinubo at napaso ka, pwede mong iluwa.“ “Alam ko naman po yun e. Pero hindi ko naman po siya pakakasalan dahil sa buntis siya. Pakakasalan ko po siya kasi mahal na mahal ko siya. Siya lang po ang nagpasaya sa akin ng ganito. Iba po yung impact niya sa buhay ko e. Sana po maintindihan ninyo.“ “O siya. Sige. Kung yan ang gusto ninyo. Susuportahan namin kayo. Kailan ba ang kasal ha?“ “As soon as possible po sana. Para hindi pa po gaanong kalaki yung tiyan ni Rina.” “Ok sige. Kami na ang bahala sa preparations. For now, alagaan mo na lang muna „tong si Rina. Ingatan mo yan ha.” “Maraming salamt po. Promise po, hindi kayo magsisisi sa desisyon niyo.” Ang bait talaga ng parents ni Rina. Grabe lang noh? Pero nakakainggit talaga silang dalawa. Kasi maaabot na nila ang forever. E kami ni Abie wala pa rin. Parang lumalabo na nga e. Hay. After a month, naayos na lahat ng preparations para sa kasal nina Rina at Kevin. Eventually, nakasal din sila. ako yugn bestman tapos si Abie yung maid of honor. Sobrang ganda nung kasal nilang dalawa. Nakakaiyak pa nga e. Nung nasa reception na kami, sobrang nakakaiyak pa rin talaga yung mga kaganapan. Hindi ko maexplain yung feeling e. Parang nasa loob kami ng isang fairytale. Sobrang perfect ng lahat ng bagay e. Perfect couple na nga rin sila e. Ramdam na ramdam talaga ng mga tao na mahal nila Rina at Kevin ang isa?t isa. Patapos na yung reception. Gusto ko ng kausapin si Abie. Gusto ko ng malaman kung ano na ba talaga kami. Gusto kong malaman kung may aasahan pa ba ako sa kanya. Kasi ayaw ko ng masaktan e. Masyado ng malupit yung pinagdaanan ko sa pagmamahal ko kay Rina. Kaya nung nakahanap ako ng tiyempo, kinausap ko na siya. “Abie, usap naman tayo o.” “Tungkol saan?” “Tungkol sa atin.” “Alin naman dun?” “Ano na ba talaga tayo? Dapat pa ba akong umasa sa?yo? O wala na talaga? Abie, nagmumukha na akong tanga kakahintay sa lecheng sagot mo e. Abie, tao lang ako. Nasasaktan ako. Napapagod din ako. Hindi habang buhay pwede akong maghintay. Okay lang naman kung sasabihin mong wala na e. Mas matatanggap ko pa yun kaysa paghintayin mo ako sa wa-“ At hinalikan niya ako sa lips. Does that mean I reached my forever as well? I loved. I was hurt. I moved on. I loved again. I almost got tired of waiting but good thing it was worth the wait. And now, I?m breathing so much better cause I found my forever. The End