Hey! Mr. Rebound Alyloony Stories “I’m breaking up with you” Halos matulala ako ng dahil sa narinig ko. It’s Christmas eve. Tumakas ako saglit para makipag kita sa boyfriend ko para makasama ko siya kahit saglit lang ngayong Christmas eve. Hindi kami legal ni Vince. Palihim ang relasyon na to kaya palihim din kami palaging nagkikita. Pero kahit ganun, umabot kami ng isa’t kalahating taon. Tapos bigla kong maririnig yang mga katagang yan? “B-baby, may problema ba?” Inilayo niya ang tingin niya saakin “it’s not about you, it’s about me” Bigla akong nakahinga ng maluwag at natawa nung sinabi niya yan saakin. “ok, enough with that famous break up line already. Laos na yan. Naku, oo na kinabahan na ko diyan sa joke mo pero di April Fool’s day ngayon, it’s Christmas eve!” hinawakan ko ang kamay niya “and also, our 20th monthsary. Happy monthsary baby!” binigyan ko siya ng isang ngiti pero nagulat ako ng alisin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko atsaka inilayo ang tingin saakin. “seryoso ako sa sinabi ko” Napatitig ako kay Vince at halatang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Totoo ba tong naririnig ko? Nakikipag break siya sakin? Pero bakit? Ano nagawa ko? “b-bakit?” Hindi niya sinagot ang tanong ko instead tumingin siya sa malayo para maiwasan ang tingin ko. Napapikit ako at huminga ng malalim, pinipilit na wag tumulo ang mga luha sa mata ko. “so, totoo lahat ng issues sa school? Na kayo na ni Rizza?” Tumingin saakin si Vince “I-i‘m sorry, kimi” Pakshet, ang sakit ah. “mahal mo pa ba ko?” Iniwas niya ulit ang tingin niya saakin “I’m sorry! I’m very very sorry!” I burst into tears “pakshet naman Vince eh! wag ka mag sorry sakin! Diretsahin mo na ko at wag mo ng daanin sa sorry mo!” Tumingin si Vince saakin at nakita kong may pumatak na luha sa gilid ng mata niya “ayokong masaktan ka, pero mahal ko na talaga siya” Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasang makagawa ng ingay dahil sa biglang pag hagulgol ko habang siya naman nakayuko lang at hindi ako matignan ng maayos. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang halos mabaliw ako sa sobrang excitement dahil magkikita na ulit kami ni Vince kahit saglit lang. Parang kahapon lang sinabi niya pa saakin na mahal niya ko. Tapos ngayon bigla na siyang nakikipagbreak? Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga pangyayari. Nung medyo kumalma na ako, tumayo ako at tinignan ko si Vince. Inangat niya ang ulo niya at tinignan din ako. Sinubukan ko siyang bigayan ng isang ngiti “salamat sa isa’t kalahating taon” sabi ko sa kanya, kasabay ng pagtulo na naman ng luha ko. Tumalikod na ako at tumakbo palabas ng coffee shop kung saan kami nagkita. After that day, my life became worthless “wow sabi na eh kayo parin ni Rizza ang magkakatuluyan!” “oo nga! Bagay na bagay talaga kayo!” “First boyfriend ka niya, first girlfriend mo naman siya. Yieeee nakakakilig” First girlfriend? Loko ba sila? Ako ang first girlfriend ni Vince hindi si Rizza! Gustong gusto kong isigaw ang mga salitang yun habang naririnig ko ang mga usapan nila. Pero may maniniwala ba sakin? Eh sa palihim nga ang relasyon namin eh samantalang yang Rizza na yan, halos ipagsigawan niya sa buong mundo na girlfriend niya to. Unfair naman nun :( “booo!” “ay tokwa!” Napalingon ako doon sa nilalang na nangulat saakin at nakita ko ang isang lalaki na taga kabilang section. Hindi ko alam ang pangalan niya pero kilala ko siya sa mukha. “bat nakatingin ka sa kanila?” tanong nung lalaki saakin “naiinggit ka no?” Sinimangutan ko yung lalaki atsaka ko tinulak “Wala kang pake. Tsaka wag kang feeling close” Naglakad ako papalayo sa kanya pero hinila niya ako at nagulat ako ng mag lagay siya ng panyo sa kamay ko “a-ano to?” Nilapitan niya ako at nilagay ang magkabilang kamay sa braso ko “alam kong masakit na mag hiwalay kayo ng ganun. Ni hindi ka manlang niya pinakilala sa harap ng ibang tao na girlfriend niya” “p-paano--?” Nginitian niya ako “wala akong bagay na hindi nalalaman. At dahil kawawa ka naman, ok lang saakin na maging rebound mo” “huh?” “bye girlfriend!” kumaway siya saakin at naglakad na palayo pero napahinto din siya at tumingin ulit saakin “I’m Miko bye the way. Nice meeting you” muli siyang kumaway at tumakbo na palayo saakin habang ako naiwan nakatayo doon with my mouth hanging open. On that day, nakakilala ako ng pinaka weird at the same time mysterious na nilalang. ?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?. I, Miko P. Cainap, accepted to be a rebound of Ms. Kimi Limpin for 30 days. I promise that after 30 days, she will be happy again. Today, January 16, 2012, is the start of our deal. This contract will expire on February 14, 2012, Valentines day. Here are the dos and don’ts Dos Holding hands, hugging, kissing, going out, making love and all the things that normal couples do are allowed. Falling in love is also allowed. Don’ts Everything that hurts Kimi :) Signed by Miko P. Cainap. ?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?. Binasa ko ang printed na coupon bond na binigay saakin ni Miko sa school. “what can you say? Ayos ba?” tanong niya saakin Ibinalik ko sa kanya yung papel “sorry, pero wala akong planong magkaroon ng rebound.” “sorry pero wala akong planong hayaan na wala kang rebound” Isang Linggo na akong kinukulit ng lalaking to dahil diyan sa rebound thingy na yan. Sa totoo lang sinasakitan na ko ng ulo sa kanya. Oo brokenhearted ako at bitter at kada makikita ko si Vince at si Rizza na masayang magkasama at kung ipagkalandakan nila sa buong mundo na sila na at kung paano ako daandaanan ni Vince na para lang akong isang complete stranger sa kanya eh pakiramdam ko gusto ko na silang paslangin gamit ang Avada Kedavra curse. De joke lang, cruciatus muna para matorture sila bago mamatay =__= Pero yun nga, kahit nga brokenhearted ako at bitter wala akong planong manggamit ng isang tao para lang maka move on. Lalo na kung isang complete stranger pa ang gagamitin ko. Wag na uy. Hinarap ko si Miko “bakit mo ba ginagawa ang bagay na to ha? Sino ba namang matinong tao gugustuhin maging rebound?!” “ako” ^__^ Tinignan ko siya ng masama “wala kang magawa sa buhay mo no?” “wala nga” ^___^ If looks could kill, napatay ko na ang isang to sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya =__= Nakakatakot ang isang to, feeling ko may sira ang ulo niya eh. Tumayo ako “basta ayoko niyan and pwede wag mo na ko guluhin!” tinalikuran ko na siya palayo kaso humabol naman siya saakin “bhie ko! Hintayin mo ko!” Ilang beses ba pinanganak ang isang to at abot sa kasukdulan ang kakulitan niya =__= Ilang araw kong iniiwasan si Miko pero ang kulit kulit niya. Lagi siyang naka buntot saakin, hinahatid sundo niya ako sa bahay, tapos ayaw pa niya tantanan ang pag tawag saakin ng Bhie. Nasa eskwelahan pa naman kami kung saan madaming tsismoso kaya ayun, kumalat sa year namin na M.U kami ni Miko. Ang malupit pa nakarating din kay Vince yung balita! Eh paano na lang kung nagbago pala ng isip si Vince at narealize niya na ako ang mahal niya hindi si Rizza tapos plano niya na kong balikan kaso dahil akala niya kami na ni Miko eh hindi na niya ko nabalikan? Edi wala na talagang pagasa para saamin?! Ay tofu, sige Kimi, paasahin mo lang ang sarili mo diyan sa hayop mong two-timer na ex. =___= Pero kesa nga naman magmukmok ako might as well sakyan ko na lang si Miko tutal he’s also doing this for fun at dahil abnormal siya at walang magawang matino sa buhay. Tsaka para ipamukha sa two-timer kong ex na kaya kong maging masaya kahit wala siya. Pero, kaya ko nga ba? Today is the 15th day of our deal. Bago pa ko makalabas ng bahay, kita ko na agad si Miko na nakaabang sa labas ng bahay namin. Hindi na ko nagulat kasi araw araw ganyan ang ginagawa niya. Umagang umaga nakaabang sa bahay namin para ihatid ako sa school, then hihintayin naman ako sa labas ng classroom namin para ihatid sa bahay pag dismissal na. “nandiyan na ang manliligaw mo” ngiting ngiting sabi sabi saakin ni Mama “papasukin mo muna kaya at pagalmusalin” “ma wag na!” sabi ko sa kanya “alis na po ako” nag kiss lang ako sa cheeks kay mama atsaka ako lumabas. Grabe talaga. Isang dahilan kung bakit tago ang relasyon namin dati ni Vince eh kasi si Mama ayaw pa ko magka boyfriend. Pero tignan niyo ngayon, halos ipagtulakan niya ako kay Miko. Ano ba meron sa abnormal na lalaking yan? =__= “happy 15th day” salubong saakin ni Miko atsaka niya hinawakan ang kamay ko. “oh!” agad ko naman hinatak yung kamay ko kaso ayaw niyang bitawan “ano ba, wag mo nga hawakan ang kamay ko” =__= “bakit? Di mo ba nabasa yung contract? Allowed tayo mag holding hands o kahit anong bagay na ginagawa ng normal couples” lumapit siya saakin atsaka may ibinulong “kahit nga din mag *ehem* sex *ehem* allowed tayo eh” *POINK* “aray ku po!” T___T Hinampas ko nga yung hand bag ko sa ulo niya. Loko eh. “makipag totoot sa aso gusto mo?!” “to naman di na mabiro” =__= Inirapan ko lang siya at naglakad na ulit kami “pero uh, Kimi…” “ano?” “di ba some jokes are half meant?” ^____^v Tinignan ko siya ng masama “hehe joke lang ulit. Wag ka na magalit” ^_____^ Bakit kesa tulungan ako ng isang to maka move on eh dinadagdagan pa niya ng kunsumisyon ang brokenhearted at bitter kong buhay?! Nung makarating na kami sa school, inihatid naman niya ako sa classroom namin at dumiretso narin siya sa classroom nila. Nagulat naman ako dahil may nakapatong na malaking box sa upuan ko at may nakasulat na “For Ms. Kimi Limpin. If you’re not her, do not open it. Dangerous animals inside” “kanino galing yan?!” gulat na gulat kong tanong sa mga kaklase ko “ewan namin, pag pasok namin nandyan na yan eh” sagot naman nung isa kong kaklase “oo nga. Naku Kimi open mo para malaman natin kung may dangerous animals nga talaga sa loob” “eh nakakatakot mamaya may sawa na lumabas diyan eh” Sino ba ang walangyang nagpadala nito? Mamaya si Vince kasi bitter din siya saakin? Ok sige, ako na ang umaasa hanggang ngayon. =__= Dahil curious din naman ako malaman kung ano ang laman ng box, dahan dahan ko itong binuksan habang nakapalibot ang mga kaklase ko saakin for moral support. Mamaya nga naman eh may tigre na lumabas sa box Pero kesa tigre ang lumabas eh isang heart shaped foil balloon ang lumipad galing sa loob ng box habang may nakatali ditong red na banner na may nakasulat na “Bhie, tayo na ang magpapauso ng salitang day-sary. Happy 15th day-sary pinakamamahal ko. Smile. Miko” Narinig ko ang mga hiyawan, tiliian at mga kinikilig kong mga kaklase. Napatulala lang ako sa nakita ko. Kahit si Vince hindi nagawa saakin to. I smile. On our 15th day, Miko made me smile for the first time. On our 17th day, pumunta si Miko sa bahay namin dahil nagpapaturo siya ng homework. Ay mali, nangongopya siya ng homework saakin. Nagpumilit pa siyang pumasok sa room ko at doon gumawa. Ewan ko ba kung bakit ang laki ng tiwala ni mama diyan sa lalaking yan. “haaaaaaaaaay pagod na ko mag aral!” sabi niya sabay higa sa kama ko “tsk di ka naman nag-aral eh nangopya ka lang” =__= “kahit na no napagod parin ang mga daliri ko” umayos ng upo si Miko at tinignan ako “bhie, ako naman ang pagsilbihan mo ngayon. Gawa mo ko meryenda please” nag pout siya doon na parang isang bakla “tsk, kinopyahan na nga ako, gagawan ko pa siya ng meryenda” binato ko ng unan si Miko at padabog na lumabas ng kwarto ko “oh kamusta? Nakapag labing labing kayo?” tanong ni mama “mama naman eh! nandito siya para mangopya hindi para diyan” =__= “haha to naman biro lang. hala sige pagluto mo ang bisita mo ng makakain” “yun nga po gagawin ko” Kumuha lang ako ng mga naka stock na pancit canton saamin atsaka ako nag luto. Bumili naman si mama ng softdrinks at pandesal para katerno ng pancit canton. Nung ayos na, tinawag ko si senyorito para kumain “tapos mo na ba maipahinga ang napagod mong daliri? Kung oo kakain na po” sabi ko sa kanya “yehey!” nagtatalon na naman siya habang pababa kami papunta sa hapag kainan na parang isang batang bibilhan ng candy. Pag ito nadapa antawa ko lang talaga. After niyang kumain, nagpaalam narin siya kay mama at saakin na aalis na siya tutal pagabi narin naman. Inihatid ko siya sa labas ng gate namin and inantay siya na makasakay ng tricycle atsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Tumambay muna ako sa sala at nakinuod ng t.v kila mama atsaka kumain ng dinner at ako pa ang pinaghugas nila. Tutal dalaga na daw ako at may nanliligaw na saakin. Kung ano ang kuneksyon ng naliligawan sa paghuhugas ng pinggan eh hindi ko alam. =__= Mga 9pm narin nung umakyat ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng pantulog at inayos ang mga gamit ko atsaka ko pinatay ang ilaw at nahiga sa kama. Kaso nagulat ako ng pag tingin ko sa ceiling ng room ko, may mga naka dikit na glow in the dark na stars na naka form into a big heart. Sa loob ng heart, may maliliit na glow in the dark stickers na naka sulat na “I love you, Bhie” Kinilig naman ako bigla. Siguro mas masaya kung walang contract at alam kong mahal talaga ako ni Miko. On our 17th day, nag wish ako na sana, mahalin niya na talaga ako ng totoo. The following days is full of surprises. On our 18th day, nagyaya siya maglalakad sa may park then habang naglalakad kami, may kinuha siyang isang bato doon at sinulat niya yung date and mga pangalan namin gamit ang isang pentel pen. Sabi niya itatago daw niya yung batong yun for remembrance na magkasama kami ng araw na yun. Nung ika 20th naman, hindi kami masyadong nagkita nun dahil busy ang klase namin mag practice ng sayaw para sa culminating activity namin sa Music and P.E. Dahil lahat kami ay stressed at pagod, mga seryoso narin kami nun at bad mood. May taga kabilang section naman ang kumatok sa room namin “excuse me po, pwede po ba kay Ms. Kimi Limpin?” Tingnan ko naman yung lalaki na humahanap saakin at nilapitan siya “ano po yun?” “may nagpapabigay po eh, importante daw” may inabot siya saaking isang sobre “ah sige salamat” Umalis na yung lalaki at ako naman bumalik na sa upuan ko at tinignan yung sobre. Nakalagay sa likod “To Ms. Kimi Lipin of Section IV-B” Binuksan ko yung sobre at nakita ko sa loob ang isang bond paper na may doodles na akala mo eh drawing ng isang bata. Colorful pa na crayons ang ginamit niya sa pag ddrawing. May naka drawing na araw sa bandang itaas ng bond paper then may ulap at mga ibon. Sa bandang ibaba naman ay dalawang stick figures na tao. Isang babae at isang lalaki and magka holding hands sila. Sa baba ng stick figures ay may naka label na pangalan. Miko <3 Kimi Medyo napa ngiti at napatawa naman ako nung makita ko yung drawing. Parang nantitrip lang siya eh pero swear lahat ng pagod sa katawan ko at pagka bad mood ko nawala dahil dito. On our 26th day, hindi niya ako naihatid sa school nun dahil tinanghali daw siya ng gising. Aaminin ko medyo nalungkot ako kasi eto yung first time na hindi niya ko nasabayan sa pagpasok sa school to think na ilang araw na lang ang natitira saaming dalawa. Pumasok ako sa school ng nakabusangot ang mukha at bad trip na bad trip. Hindi rin naman ako pinuntahan ni Miko sa classroom para mag sorry. Nakakasar lang talaga. Dumating na yung first subject teacher namin, which is yung literature at habang binabasa niya saamin ang story ni Cupid at ni Psyche, patuloy ang paglipad ng utak ko. “So all came to a most happy end. Love and Soul had sought and, after sore trials, found each other; and that union could never be broken” sinara nung teacher naming yung book “so guys do you like the story?” “yes ma’am” sabay sabay naming sabi. Syempre yung sagot ko labas sa ilong kasi inaantok ako. “ok at dahil ilang araw na lang before Valentines day, gusto ko ikwento sa inyo ang modern version na kwento ni Cupid and Psyche” “modern version? Meron po ba nun ma’am?” tanong nung isa kong kaklase “oo naman meron nun. At partida mapapanuod niyo ito ngayon ng live” ngumiti si ma’am at tumingin sa may pinto “modern day cupid, pasok!” And right on cue, pumasok si Miko sa classroom habang may dala-dalang gitara. Napaayos naman ako ng upo bigla. Some of my classmates giggled dahil malamang eh alam na nila kung bakit nandito ang lalaking yan. “uhmm hello po, ako po si Miko and gusto ko sanang hingin ang permission niyo na kung pwede haranahin ko ang mahal na mahal niyong kaibigan at kaklase na si Kimi” Nagtawanan naman sila at ang daming pumayag habang inaasar asar kami kaya ko naman eh pulang pula na sa kinauupuan ko. Ngumiti si Miko saakin at nagsimula na siyang patugtugin ang gitara niya at kumanta. “Oh you could just pretend to be with her all day Remember the feeling when you first held hands today Imagine her in your favorite white dress Smiling at you as if she thinks that you're the best” Habang kumakanta si Miko, pumapalakpak naman ang buong klase kasabay niyang kumanta. Maya maya lang din nakikisabay na sila kay Miko sa pag kanta “She tell you You and me, sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G. You tell her Baby hear me out will you marry me tonight We're in this make believe reality And baby it's just you and me” Ako naman tahimik lang na nakatingin kay Miko habang kumakanta siya. Hindi rin niya inaalis ang tingin niya saakin “'Cause when tonight she holds you tight You wonder if this fantasy is right 'Cause when reality comes to play You realize you couldn't make her stay” Lumapit saakin si Miko at nginitian niya ako “Hey Daydreamer You gotta be prepared to leave her in your fantasy 'Cause when it's over,” Itinigil niya ang pag tugtog at pagkanta kaya naman napatigil ang buong klase sa pagsabay sa kanya. Inilapag niya yung gitara niya atsaka lumuhod sa harap ko. Nag labas naman siya ng rose galing sa likuran niya at inabot saakin. Tinignan niya ako ng seryoso sa mata at kinanta ang kadugtong na lyrics “you gotta make sure that it's you who'll be with her” After that, he kissed me on the cheeks On our 26th day, we had our first kiss. Sa cheeks nga lang. The following days is a normal day for us. Pero nung mga panahon na yun, narealize ko na masaya na ko. Hindi pa man tapos ang 30 days namin, aware ako na naka move on na ko kay Vince Dahil mahal ko na si Miko. Pinlano ko na ang lahat. February 14, ika 30th day namin, magtatapat na ko ng nararamdaman ko sa kanya. I don’t know kung pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa pero aamin parin ako sa kanya. Masaktan man o hindi, susubukan kong gawing totohanan na ang lahat ng ito. But unexpected things happened. Sa ika 30th day namin, hindi pumasok si Miko sa school. Lumapit ang isa sa mga kaklase niya saakin at may inabot itong sulat at teddy bear. “pinabibigay ni Miko bago siya umalis kaninang madaling araw” “umalis? Saan siya pumunta?” Binigyan niya lang ako ng isang malungkot na ngiti atsaka umalis na. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba kaya agad agad kong binuksan ang sulat at binasa ito. ?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?. Bhie, Happy 30th day-sary. Ito na ang last day ng pagiging rebound ko and sana napasaya kita. Pasensya na kung hindi ko na nagawang batiin ka in person ha. Pero bago ako magpaliwanag sayo, may gusto muna akong ikwento about sa first love ko. One year ago, may isang magandang babae ang nakakuha ng attention ko. Meron siyang magulong buhok, pawisan na mukha, at yung suot suot niyang P.E uniform ay ang dumi na gawa ng nakipaglaro siya sa mga kaibigan niya ng Volleyball. Pero kahit na ganun ang itsura niya, nagandahan parin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero nagka interes ako sa babaeng yun. Kaso too late na pala ko dahil may boyfriend na siya eh kaya nakuntento na lang ako sa pagtingin sa kanya sa malayo. Minsan nga nainis ako doon sa lalaki eh, kasi palihim ang relasyon nila. Kung ako yung lalaki ipagsisigawan ko sa mundo na may girlfriend akong kagaya niya. Kaya naman laking galit ko na lang nung hiwalayan siya ng lalaki at basta basta siyang pinagpalit nito. Nakita ko kung gaano kalungkot yung babae kaya naman naisip ko, gusto kong pasayahin siya bago ako umalis. Oo, kailangan namin umalis. Nakakuha na kasi ng magandang trabaho si papa sa ibang bansa at doon na kami titira, for good. Kaya naman ang goal ko ay makita siyang masaya sa loob ng 30 days Eksaktong ika-30 day ang alis ko. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin ang pangalan niya. Kimi Limpin Kimi, sorry hindi na ako nagtapat sayo ha? Pero ngayon gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko. Hindi ito kasama sa contract o sa kung ano pa man. Walang halong pagpapanggap. Bhie.. Pakipindot ang tummy ng teddy bear ?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?.?. Ginawa ko yung sinabi ni Miko at pinindot ko ang tummy nung teddy bear “I love you, I love you, I love you” Bigla na lang tumulo ang luha ko ng marinig ito. Nanginginig ang buong katawan ko at napahagulgol ako ng iyak. “I love you too Miko! Takte ka bakit mo ko iniwan! Gagu mo eh, magtatapat din ako sayo sukat lumayas ka!” Niyakap ko yung teddy bear at narinig ko na naman yung boses ni Miko na nagsasabi ng “I love you” “bwisit ka! Sabi mo sa donts’ doon sa contract eh everything that will hurt Kimi. Eh bat umalis ka?! Nakakaasar ka!” Tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang pinagsusuntok ko yung ilong ng teddy bear. Bakit ba ganun? Nagawa nga niya akong makapag move on kay Vince pero binigyan na naman niya ko ng panibagong heart ache. Worst, ngayong mismong Valentines day pa! Ang sakit :( “pwede bang magsabi ng joke lang?” Napatigil ako sa pagiyak at napaangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses na yun at nakita ko si Miko na nakatayo sa harap ko habang ngiting ngiti “lahat ng sinabi ko diyan sa letter eh totoo, except for one thing” lumapit siya saakin at lumuhod sa harap ko “yun ay yung umalis ako. Naisip ko kasi, hindi ko pala kayang iwan ang iyaking bhie ko kaya hindi na ko tumuloy” “M-miko” Hinawakan niya ang kamay ko “happy Valentines day. Ok lang ba sayo kung yung puso ko na lang ang iregalo ko sayo?” Bigla na lang ako napayakap kay Miko “best gift ever” bulong ko dito “totohanan na to?” Tumango ako “oo totohanan na and I love you too.” End.