HOW TO PRODUCE A PRINCE (c) jonaxx Thank you for reading! www.jonaxxstories.blogspot.com /* Message from author */ sorry for the typos and wrong grammars... it is unedited. it is originally written in notepad. /* Thanks */ PLEASE DO NOT REDISTRIBUTE AND DO NOT CLAIM THIS AS YOUR OWN. The Casts: Bridgette Reah Francisco Enrico Gonzales Hiroshi Rivera Sandra Concepcion Aaron Alonzo OPENING REMARKS Type-type-tigil... langhiya. ilang boyfriend na nga ba talaga ang naging boyfriend ko? POTEK. Type-type-tigil... Nagtataka kayo kung ano ang ginagawa ko? obcorz I'm hella updating my blog. 8) joke. Sa MS WORD ko lang linalagay ang journal ko. Kasi, bawal sa IMAGE ko ang magtype sa blog ng mga bagay na gusto ko talagang i-TYPE. [STEP #1] Bridgette Reah Francisco: SH!T! Ang ganda talaga ng University of Saint Mary. :D Ang ganda ko rin. >:D .Tinatanaw ko yung Billboard ng Bench. :D WHOA! Ang ganda at ang gwapo ng dalawang model! Parang may kakaibang namumuo sa kanilang dalawa! Para silang LOVERS talaga. :D oh well, JR Te at Jini Punzalan - cover sila ng sikat na magazine ngayon. Dalawang model, na magpapakasal. Graduate sila dito sa USM eh. Kaya ayun, kilala ko sila. :D Type-type-type… Humikab ako. Ang sarap dito sa rooftop! Super sarap ng hangin. Ang sagwa naman talaga pag bored noh? Gumagawa o nagta-tayp ng mga bagay na nonsense! Halimbawa na lang ang tina-tayp kong listahan kung paanu gumawa ng Prince! Naku. Ang weird ko. Who would have thought na si Bridgette Reah Francisco ay magsusulat ng ganitong bagay. Dapat nga, ang mga sinusulat ko ay ‘I don’t believe in prince charming and happy endings’. Nyeta! >:D Sinarado ko ang laptop ko at bumaba na. “Hi Gette!” Sabi nung girl na nalimutan ko ang pangalan. Ngumiti ako. “Gette! Mamaya ah? Sa 1720?” Sabi ni Sam na barkada ko. Tumango ako. 1720 by the way is a bar. “Gette! Kitakitz!” Socialan dito, socialan doon. COOL. Yan lagi ang style ko. Hell yeah I’m a motherf-ckin’ princess! Hindi ako si Cinderella, si Snow White, si Belle, o kung sino pang mga prinsesang pinagnanasaan ng mga bata. Number One Maldita, playgirl and SH!T of course I’m not a SL-T! Marami akong nagging boyfriend kasi sabi nila mahal daw nila ako, ayaw ko naman silang saktan, kaya sinasagot ko. :D loko talaga ako eh, pero… I can’t blame you if ayaw nyo sakin, ganun na kasi talaga ako eh. Kakabreak lang naming ni Jesse na lumipad ng Paris kahapon. At ngayon… here he comes… “Gette! Isang lingo ka ng hindi nagti-text ah? Nukaba? Para kang walang boyfriend ah!” That’s Hiro. My one and only boyfriend for the day! O.O Yeah, for the day. Kasi nga, kahapon lang kami nag break ni Jesse. Yeah! Pinagsabay ko silang dalawa. And hindi naman ako masyadong nagpapakita sa kanila that’s why hindi ako masyadong nahuhuli. Hehe. “Hiro. Diba sabi ko sayo. Break na tayo?” “Huh? Anong break?” “Look, ayoko na! Hindi na kita mahal! Kaya from now on, I’m not your girl anymore!” Nag walk-out ako. Hindi ko naman hobby ang panggagago. Binigyan ko lang naman sila ng chance para ipakita at iparamdam nila sakin ang pagmamahal nila. Pero, ako naman, eto parin, walang nararamdaman. Sayang din naman kasi yung feelings nila. Iba nga dyan, nahihirapang magpapansin. “Gette!” Sinusundan pala ako ng pangit na to! ARGH. “Tama na. Pwede bah?” Tumakbo ako – patungong rooftop! I catched my breath. Grabe talaga si Hiro, patay na patay sakin. Campus crush pa naman yun tapos ginaganyan ko lang? Eh, ano ba ang gagawin o magagawa ko? Sinagot ko na nga sya para hindi mapahiya sa friends nya, at ngayong ayoko na…wala. AYOKO NA. Buti na lang di nya na ako nasundan. Dito sa USM, akala ko magiging boring ang boring kong life. At sa ayaw nyo at sa gusto, tatawagin ko paring boring ang life ko kahit aral sa umaga, bar sa gabi ang mga ginagawa ko. Para sa iba, my life is adventurous, but for me, I’m just an ordinary girl. I’m silly! I can’t understand myself. I want somebody who will stand next to me and tell me that he will always be there. Ayoko ng flings pero pinapasok ko parin dahil EVERYONE EXPECTS ME TO BE THAT GIRL. I want to live my life~! “Anong ginagawa ng isang Bridgette Reah Francisco dito?” Nabulabog ang pag-eemote ko sa isang malamyang boses na ng gagaling right next to me. Sh!t! Tumingin ako, and to my delight. Yung hindi-sikat na skul geek. Kilala ko sya sa mukha, at sa pangalan (nga bah?). ENRICO GONZALES? Lagi kasi syang andjan kung asan ako. Coincidence lang siguro. Pero, damnit! I don’t wanna talk to PAKEN persons like him! “Sh!t.” Napatayo ako. “What? Lagi mo yang line ah! Ang sikat-sikat mo pa! Tsaka, bakit ka nasa korning lugar na-“ “Heeeeeeeeeep! Can you please shut your disgusting mouth up?! SH!T! I have no time for people like you!” Tinulak ko sya at nagwalk-out! EWWWW. I hate geeks. Hmmp. Nakikita ko pa lang ang malalaki nyang glasses at bag, nasusuka na ako. Tsaka, ewan ko rin kung bakit ang pangit ng feeling ko pagnakikita ko sya! EWWW. I hate him. Feeling ko, pagmakikipag-usap ako sa mga taong ganyan, they will bring me down from fame. HMP. Bridgette Reah Francisco. Kakalipat mo lang dito sa USM pero sikat na sikat na. HAAAY. Sa skul ko noon, di naman ako ganito eh. Dito lang ako nagstart magkaganito. :( And, okay lang, para hindi ako yung fifit-in. SILA! [STEP #2] Bridgette Reah Francisco: YAAAAAAAAAAAH BOOOOO! HAAAY. EWWWW... Parang gusto kong maligo or what... TSSSK. Ayoko talaga sa kanila. Feeling ko ang baho ko o ang dumi ko. HEHE. OA masyado. :D Andito ulit ako sa corridor, naglalakad. As usual, kilala na naman ako ng lahat ng tao. :D Ang sarap ng buhay artista. Hehe. Ayunnn.. nakita ko ang bulletin board na pinagkaguluhan. Nakigulo na rin ako. "Excuse me." WHOA! Taaaaraaay. Kaya, give way ang lahat. HMMPP... Sa course ko, hindi ako ang naghahari. HEHE. Panu ako maghahari kung barista ako aber? Di naman ako genius o tulad nung Enrico Gonzales na yun! Kung magkapareho kami ng kurso, edi baka sya na ang pinakauna sa tinitingnan kong Dean's List ngayon. Kaso, di eh. Nursing yun si Enrico, at sya ang pinaka MATALINO. AAAHH. Ngayon ko lang naalala, nursing nga sya, pero bakit nya ako kilala? Ganun na ba ka tunog ang pangalan mo Bridgette? HEHE. "Miss, excuse me, Kanina ka pa jan ah? Bridgette Francisco, di ka naman Dean's Lister ah?" Aba't talaga namang may pangahas pang nagsabi sakin ng ganun. "EXCUSE ME? Sino ka ba? What the... don't you know me? HUH?" Tinulak ko. Babaeng to oh. sino ba sya sa akala nya. Di ko nga sya kilala eh. "Bridgette! Tama na yan!" Sabi ng isang mahinhin na boses. Sino?? Si Sandy. Counterpart ko yan. The Best GoodGirl. Ako naman ang The Best BadGirl. Ang mga taong kagaya nya ang iniiwasan ko. TAMA. Kalahi sya nung Enrico Gonzales na yun. EWWWWWWWWW. NERDS and STUFFS. HAHAHA... YO! GETTOUTTA MAH WAY! LOL. Umalis na lang ako, pero with poise at tarayyy parin. >:( "AAAAAAAAAAAAH." Muntik na akong malunod sa bath tub. Nakatulog pala ako habang iniisip ko ang nagyari kanina. GRRR. 5 minutes late na ako sa 1720 ah? Nagbihis ako at umalis sa bahay. Of course, malaya akong nakakalabas pasok sa bahay. Di naman dahil pabaya ang magulang ko, may trust kasi sila sakin eh. :D "if I can just see you... if I can just hold you...tonight... Thank you!!! Enjoy!" Nagpalakpakan ang mga tao. Kung akala nyo na ako lang at ang barkada ko ang nagpupunta dito. HINDI. Mali ka. Maging si Sandy na naturingang skul geek, nagpupunta dito. Kumakanta sya, mga tatlong kanta gabi-gabi. Maganda ang boses nya. "HHHOOOOY! Gette! Nu ba yan!!!! BOOO! Trance Music please?" Sabi ni Sam. Grabe, party girl talaga ang babaeng to. TSSSK. "Gette! HAHA. Alam mo kanina ka pa tinitingnan nung lalaking yun o?" Tinuro ni Anya ang..."Si Rico Gonzales?" Binatukan ako. "Ano? HAHA. Hindi! Yun oh!" Napatingin ako sa likod ni Rico. Meron ngang nakatingin. Pero, mas nagfocus ako kay Rico. Anong ginagawa ng NERD na yun sa lugar na to? TSSSk. Maobserbahan nga? Unti-unti syang lumapit kay Sandy at biglang nagpatugtog ng slow music... Ano yun? "BOOOOOOOOOOOOOOOO! Ano ba yan? Bakit puro slow?" Sabi ni Sam. Concentrate ako sa pagobserba sa kanila. Biglang linagay ni Sandy ang kamay nya sa balikat ni Rico at Si Rico naman sa bewang nya. WOW. HAHAHA. Oh no don't tell me. >:D Kakatuwa.. mga NERD? HAHAHA. "Hooooy. Tingnan nyo! Mga nerd!! HAHAHA" Tawa ng tawa ang mga kabarkada ko at ang gulo gulo na nila. >:D No comment. "Hala!" Sabi ni Sam. Napalingon ako sa stage... "AAAAAAAAAAAAYUUUN! Ayun ang nag request ng korneeeeeeng song na to!!!!" WHAT? Si Hiro, nasa stage. Ano bang nangyayari. Tinuturo nya si Rico at Sandy. Napatigil si Rico at Sandy sa pagsasayaw. "HAHAHAHA. Tingnan mo nga naman ang mga nerd!!! PUNO NG KAKORNIHAAAN! hahaha." But... I ACTUALLY... LIKE IT... :'( waaah. Di bale, di naman nila nababasa ang isip ko. "YAAAAAAAAAAAH BOOOOO!" NakiBOO na rin ako. TSK. "ENRICO GONZALES at SANDRA CONCEPCION! Naku namaaaan. Bagay na bagaaay kayong dalawwaaaa. HAHAHA. MGA NEEEEERD." Pinagtawanan sila ng lahat ng tao sa bar. Tumawa na rin ako. :'( Napailing ako nung nakita kong binuhusan si Rico ng tubig. Nag walk-out si Sandy at sumunod na rin si Rico. Nahulog at naiwan nya pa ang glasses nya. TSSSK. Si Hiro talaga! Nakakainis na ah. TSSSK. Napalingon ako sa stage at... "Bridgette Reah Francisco! Ano bang kasalanan ko sayo ha?" WAAAAAAAAH. Lahat ng tao nakatingin sakin... "WOOOOOOH! Humirit na naman si Gette!!! Patay kang bata kaaaa. HAHAHA" Nagwalk-out ako at kinuha ko ang glasses ni Rico. Langya. Ba't ko pa ba yun kinuha. Ibabalik ko na nga lang yun. Saan kaya sya nagpunta???? Napunta ako dun sa may park malapit sa 1720. At naabutan ko silang dalawa ni Sandy. Mukhang nakakapressure ang eksena. Ewan ko kung bakit pero...nagtago na lang ako sa mga halaman para pakinggan ang pinag-uusupan ng MAG-IROG. Sila na bah? HMMM. Malalaman ko rin yun! Hawak-hawak ko pa ang glasses ni Rico. Isosoli ko to, mayamaya. "Sandy. I-I-I think..I-I-I..." Sabi ni Rico. so...meaning, hindi pa sila. I'm sure 'I think I love you' yan! Eto namang si Rico, hindi ma sabi-sabi o! Ako na lang kaya ang magsabi? JOKE. *SSSSSSSSSSLAAAAAAAAAAAAAAAP* What the? Bakit ganun? Si Sandy pah?! Hindi ba mahinhin at mabait yun? Papaanong na..."Pinahiya mo ako sa harapan nina Hiro! Pinahiya mo ako sa harapan ng maraming tao! Tapos, ganyan? HUH?" Para syang nagiging monster! TSSK. Ibang klase. Kala ko pa naman di sya makabasag-pinggan. "Perooo-peroo. Sandy... I-I..." Nakuuu. And torpeng to. Palibhasa nerd kaya ganyan, di marunong magsalita pagdating sa LOVE. "Shut up!" Ayun, humirit na naman. Pagmagsasalita si Sandy, tumatalon ang puso ko dahil kakaiba sya ngayon. HMP? "You what?" "I like you!" Nasabi rin nya. "HAH! I'm sorry Enrico." Magwo-walk out na sana si Sandy nung... "Sandy, please give me a chance!!!" WAAAH. Gustong gusto nya si Sandy. Kulang na lang mag makaawa! [STEP #3] Bridgette Reah Francisco: I WANNA BE A WITCH? "Sandy. Parang awa mo na! Kahit isang chance lang!!!" Sabi ni Rico. Basang sisiw ang dating ng NERD na to. Feeling ko nanginginig sya dahil binuhusan sya ng tubig eh. Plus the situation na nakakanginig din. Mas matindi ata to sa Fundamentals of Nursing eh. HMP. "HAAAI. Ilang chance pa ba talaga ang kelangan mo?" "Please?" Pagkatapos nung 'please?'. Bigla kong naramdaman ang pagbagsak ko sa damuhan. Akala ko pa naman parang bakal ang halaman na sinandalan ko na pwedeng sandalan ng tulad kong kasing bigat lang ng dumi. JOKE. HMMP. Huli na nung nalaman kong nakita ako ni Rico at Sandy. "Ge-gette?" Pumunta si Sandy sakin at tinulungan akong tumayo. HMMM. Nagiging good girl ba sya? O talagang good girl sya? O may lahi syang LOBO? Nagtatransform ba sya pag bilog ang buwan? Napatingala ako para hanapin ang buwan... TADAAAAAAAAAH. Bilog na bilog ang buwan. FULL MOON. "Kanina ka pa ba?" Nakita kong umayos si Sandy. Si Rico naman, nakaupo parin. DEPRESSED. Basangbasa. Gusto ko tuluyng sampaling tong si Sandy. TSK. "Ngayon lang. HAAAY. Nagpapahangin lang naman ako dito eh." Yumuko si Sandy at... "Sige ah? May quiz pa bukas, kaya alis na ako!" Ngumiti sya sakin. Tumingin sya kay Rico at... "Sige Rico! Kita na lang tayo sa skul!" Ngumiti din sya. NAKUUUU! Ang babaeng to? May lahi talaga atang LOBO. O baka namang may Multiple-Personality Disorder yun? NGEK. Ehem. Concentrate sa image... Bridgette! Umalis na si Sandy at lumapit ako kay Rico. Nanginginig sya pero binalewala ko. I don't care anyway. "Bakit ka andito?" Nakayuko parin. "Huh? Nakakakita ka parin ba kahit walang glasses?" Hindi ko sinagot ang tanong nya. Tinapon ko sa kanya ang glasses nya. HAH?! Anong kala ng nerd na to. Nabigla ata sya sa pagkakatapon ko kaya mejo may shock-effect. NAKU. LAMPA. Ano pa bah? HMMM? Bigla syang umiyak. ??? "Ba't ka umiiyak?" "Nakita mo naman diba?" "Ang alin?" Yun yun eh. Wala naman akong nakita diba? Umupo ako para tingnan sya. Ang nipis nung suot nya. At talagang nanginginig na sya. "Wag ka ng magmaangmaangan! Alam kong nakita mo at narinig yun! Sige na! Pagtawanan mo na ako! Ganun naman talaga dapat diba? Diba?" Umiyak sya. His voice broke. Ewan ko kung dahil ba yun sa umiiyak sya o sa ginaw? Siguro both? "Ano? HAHAHA. >:D of course----" Bigla nya akong yinakap. "What the?...bitiwan mo nga akooo?" "Gustong gusto ko syang yakapin!!! Pero, bakit kahit chance hindi nya ako mabigyanbigyan?" Patuloy sya sa paghikbi. NUBANAMANG klaseng lalaki itech. EWWWWWWWWWW. Hinampas ko na para matuto. Sino bang nagbigay sa kanya ng permisong yakapin ako ng basta-basta. Ang dumi-dumi na naman ng pakiramdam ko. Feeling ko, may mga germs na dumapo. Tsaka, nabasang bahagya ang damit ko. Naramdaman ko yung basa ng damit nya. "Wag mo nga akong yakapin you Sh!t NERD! Can't you see? I'm Bridgette Francisco? HAH?" Nagwalk-out ako. Langya sya. Nung akala nya sakin? Teddy bear? Ano ako? heh?! "SAWANG SAWA NA AKO SA IMAGE KOOOOO!" Sumigaw sya. Napatigil ako sa paglalakad. Pero, MY PRIDE, nagpatuloy parin ako. Napansin kong nasabi ko na rin yun sa sarili ko... SAWANG SAWA NA AKO SA IMAGE KO. Pero...ayokong biguin ang mga isipan ng iba. Bumalik ako sa bar at... "Gette, san ka ba galing?" Tanong ni Sam. Nakita ko ulit si Hiro na nagwa-wala na dahil gusto nya na daw akong makita. Kinuha ko na yung gamit ko pati yung jacket ko at umalis na... "Gette! Ang aga pa ah?" Sabi ni Sam. "sumakit ang tiyan ko eh! Bukas na lang ulit!" Nagmadali akong umalis sa 1720 at umuwi sa bahay. Kaya lang, pagpasok ko sa bahay... Si Rico? Umuwi na kaya sya? O baka naman andun pa? Sana binigay ko na lang ang jacket na to! Kasi, giniginaw yun! Teka.. ba't ko ba iniisip yung NERD na yun? YOKO NGA! Ano sya? HUH? Ilang minutong pagmumuni-muni ang nakalipas. Naisipan kong balikan sya dun sa place. AT ANAK NG HIGANTENG PATING, ang NERD, andun parin. Kulang na lang eh magyelo sya sa nginig at ginaw. Agad kong sinoot sa kanya ang jacket. "Ano ba sa tingin mo ang iniisip mo?! Huh? Eh umuwi ka na dun at mag study ng lessons mo NERD!" "Rico!" "NERD! Rico and Nerd are synonymous!" YEY. HAHAHA. Waging wagi ang sinabi ko. "Ba't ka bumalik?" "Huh? Ah eh... napadaan lang ako?" "Ba't may jacket?" "Wag ka ngang makulit pwede? LANGYA." Umiiyak parin ang NERD. HAAAY. Pag-ibig nga naman!! Tsaka, ba't parang pakiramdam ko RESPONSIBILIDAD ko sya? :( "Umuwi ka na? San ba ang bahay mo?" Sinipa-sipa ko sya. "Dyan lang." Malamya parin ang boses nya. "Ba't ka ba nagtyatyaga dun sa Sandyng yun? NERD naman yun eh. EWWW." "Madali mo lang yan nasasabi dahil madali mo namang nakukuha ang mga gusto mo eh." "Yes of course because I'm PRETTY." I crossed my arms. "Pangit ba ako?" NGEEEK. HAHAHA. "Tinatanong pa ba yan???! HAHAHA. >:D " Mejo natural na talaga akong ganito. :) "Kung ganun?! Panu maging gwapo?" "HAHAHAHAHA." Muntik ng matanggal ang lungs ko sa kakatawa. "HAHAHA. Edi, bilhin mo ang mukha ni Robi Domingo! HAHAHA." "AAAAAAAAAAAAAH! Hindi na ba talaga pwedeng mabago ang image kooooo??!?!" "Alam mo Rico...ang buhay, parang fairytale. Kaso, swerte mo na yun kung ikaw ang prinsipe sa buhay mo! PERO, panu kung palaka ka lang pala? Wala kang magagawa! HAHAHA." Ayun. Let's read my blog and you'll understand. ESTE. journal sa MS WORD! haha. Ipopost ko din yun sa isang blog account kasi pinapatay na ako ng sermon nung bestfriend ko sa malayo dahil wala na daw syang update sakin. Anyway.. "I wanna be the PRINCE!" "HAHAHAHAHA. Tapos? Ganun lang ba yun kadali? Panu kung sabihin kong I WANNA BE A WITCH? Hindi yun malayo.. hahaha." Tawa pa rin ako ng tawa. Malademonya. HAHA. BRUHA. HAHAHA. "I want you to be my....." Princess??? PRINCESS? EWWWWWWWWWW. HAHAHA "...my fairy god-mother!" [STEP #4] Bridgette Reah Francisco: Let me produce you! "WAAAHAHAHAHAHA... What the? Fairy god mother? With black wings and black robe? Ano ako bale?" Tong gagong to. Naalala ko tuloy yung blog ko. ESTE journal pala. >:( "Please? Please? Please? Please? Please? Please?..." *KRIIIIIIIIIIIIING*** Umaga na?! Ang sakit ng ulo ko. Hindi ako nakatulog dahil paulit-ulit na parang sirang plaka ang boses ni Rico sa utak ko. 'Please..please...please...' Paulit-ulit sya sa utak ko na parang nalilimutan ko na kung ano ang kahulugan ng salitang 'Please'. ANAK NG HIGANTENG PALAKA. Pumasok na ako sa Bio Class ko. HMMM. First time kong pumasok ngayon dahil wala pa naman yung prof namin kahapon eh. ANG SAKIT NG ULO KO. Pag pasok ko--"Bridgette!" Tumindig yung balahibo ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. SI RICO? CLASSMATES KAMI SA BIO? Oh no! "Gette!" Lumingon ako kay Sam. "Lika dito!" Tinuro ni Sam yung upuan sa tabi nya. "Yeah!" Pumunta ako dun at umupo. Kaso. Okay na sana nung linapitan ako ni Rico. GRRR... "Gette. Yung sinabi ko kagab-" "Huh? Who are you? EXCUSE ME?" Sinabi ko yun dahil masyadong naweirduhan ang barkada ko. Tumayo ako at tinulak sya. "Umalis ka nga sa harapan ko! GROSS! you sh-" Tinalikuran nya ako. HUHU. Gosh. I'm so mean. "Wow Gette! Ang galing-galing mo talaga pagdating dyan! HAHA." "Oo nga! Bagay lang yun sa mga nerd noh!" Sabi ni Sam. Nagtawanan ang barkada ko. PATAY. AHHHH. Bahala na. Pagkatapos ng BIO CLASS at lunch. Sina Sam, Anya at iba ko pang barkada ay may pasok. Ako naman, mamaya pa. Kaya sa mga oras na to, nagpupunta ako sa rooftop ng USM. Lam nyo na, para makapag muni-muni at makapagJOURAL ulit. Kaya lang, bago ako makapunta sa rooftop, may narinig akong parang ungol sa loob ng mens CR. "Ano yun?" Umuungol. Parang di makapagsalita o ano. Ano ba yun? Sumilip ako. Wala masyadong tao dahil wala masyadong pumupunta sa rooftop eh. Pinasok ko. Sa first cubicle. NAKEW NAMAN OH! Natatakot ako. Feeling ko lalabas si Voldemort dyan. GRR.. I opened the door. ATTTT.. "IKAW NA NAMAN?" Naku Gette. Anong klaseng reaction yan huh? Nakita ko na ngang may tape sa bunganga at naka tali ang paa at kamay sa likod eh ganyan pa ang sasabihin ko. Agad kong tinanggal ang mga tali at tape. Ano ba yaaaan. "Salamat." Ayan na naman ang malamyang boses nya. "Sinong gumawa sayo neto?" Yumuko sya. Sinapak ko na. May payuko-yuko pang nalalaman. Ang lampa-lampa kaya binubully. WOW. Para namang di ko sya binuBULLY! haha. "Si Hiro." "Ha? Ba't naman nya gagawin yan?" "Ba't di mo sya tanungin? O tanungin mo na lang ang sarili mo!" Sinapak ko ulit. "Nukaba! Kala mo kung sino ka magsalita. Sige na! Ba't nya ginawa! >:( " "Kasi, wag na daw kitang lapitan." Sinapak ko ulit. "E g@go pala sya eh!" Napaisip ako. Teka nga sandali. Wag akong lapitan ni Rico?! Pero tinawag kong g@go si Hiro? Ang ibig ko lang kasing sabihin eh, parang yun lang, gaganituhin nya na si Rico? NAMAN OH! GRRR... Napansin kong umiiyak si Rico. "Hoy! Kadiri ka! Wag ka ngang umiyak dyan! Ilang beses ko bang kelangan makita yang mukha mong kadiring umiiyak ha?" "Hindi ko mapigilan!" Humikbi sya. "TSSS. EW." Hahaha. Ano ba naman yaaaan? Naku. Mga ganitong klaseng lalake, kelangan ng psychiatrist. May ganitong lalaki pa pala sa siglong to? Nakakadiri naman oh. Sh!t. "Wala namang magagawa ang pag-iyak mo eh! Mag bago ka na lang kaya?!" "Hindi ko nga alam kung papanu?" Humihikbi parin sya. "Ano? Madali lang yun!" "Madali lang sayo dahil ganun ka na!!! Tsaka ba't mo ba ako kinakausap? Diba ikaw si BRIDGETTE REAH FRANCISCO. Sikat. SOSYAL. Ano pa ba?" :( Linapitan ko sya. "Gusto mong maging kagaya ko? Sikat? Sosyal? At kung anu-ano pa?" Why don't I produce him? DIBA? Pero, dapat walang makakaalam. "Oo! Ilang libong beses ko ba kelangan sabihin yan?" "HMMMM. Let me produce you!" "TALAGA?" Nanlaki ang mga mata nya at hinawakan nya ang mga kamay ko. "EWWW. Get your hands off me!" "Kung makapandiri ka, para akong may SARS ah." "Wag ka ngang umangal! Simula ngayon, I'll produce you. Gagawin kitang PRINCE. Pero, dapat walang makakaalam okay?" Tumango naman sya... parang bata na nabigyan ng kendi. HMP. PAPANU KO BA SISIMULAN? AHHHH! ALAM KO NA! :) [STEP #5] Bridgette Reah Francisco: makabalik na ako sa dati "UNA!!!!" Sabado ngayon. Wala kaming pasok. PATAY. Paninindigan ko na ang pagpoproduce sa NERD na to! Malay nyo, maging artista to at gawin pa akong manager. LOL. Sige na Gette! Ayusin mo na yung shades at hat mo para di ka makilala kung may kakilala ka man. GRR... "--Gugupitan natin ang buhok mo! Yung maganda! Yung hindi parang lampaso. Yung COOL!" Tumango sya. Napailing ako nung hinead-to-foot ko sya. GROSS. Anong klaseng pananamit ba yan? "Sige. Pagkatapos natin sa parlor, bibili tayo ng magagandang damit! OKAY?" "Okay!!" Pumunta kami sa parlor. "Ano ba ang gusto mong hairstyle?" Tanong ko. "Hindi ko alam. Ikaw na ang bahala." WOW. Para akong gumagawa ng tao neto. I customize mo lang sya. Maganda sana kung ako na rin ang huhubog ng ilong, lips, mata at lahat na talaga para perfect na! Parang dun sa blog - este journal ko. Pero, kelangan kong magtiis sa pagmumukha ng Enricong eto. "Okay." Oo nga pala. May glasses pa sya. Mamaya, bago kami mamimili ng damit, bibili kami ng contacts. "Hoy!" Binatukan ko. "Aray ano ba?" "May pera ka ba dyan?" "Oo naman!" HAAAY. Buti na lang. Marami sigurong pera tong mokong na to no? Pero, di halata ah? Yun yun Gette! Kaya mo nga sya ipoproduce para halata nang may PERA sya at COOL. Well... let's just see. Pinili ko ang haircut na alam kong babagay (sa kanya?) KAHIT KANINO! hehe. Tsaka, pinakulayan ko na rin ang buhok nya. Pagkatapos ng isang dalawang oras sa parlor. NATAPOS RIN. "Sa wakas!!!" Humikab ako. "Maganda ba?" Nag pose sya ng mga weird na pose. "Tumigil ka nga! Ang sagwa mong tingnan!" "Eto na man! Nagpapaimpress lang naman ako." "HAHAHA. Cheh!!" Hinila ko sya dun sa isang sikat na optical clinic. Gusto kong lumuwa sya ng dugo sa price ng contact lens na bibilhin namin. Kaso, hindi eh. BARYA-BARYA lang ata sa kanya ang halaga nun. Eh hindi ko nga ma bayaran yun sa dala kong pera ngayon. HMMMP. Tama ang hinala ko. Ang NERD na to, eh mayaman! "Rico. Gutom na ako!" TESTING!? hehe "Ako rin. Kain muna tayo?!" "Di kaya ng pera ko eh?" "Asus. Ikaw? Naku.." "Naubos ko kagabi sa bar, nagpalibre kasi sina Sam." Nagpacute ako sa kanya. "O sya. Tutal, ikaw naman ang producer ko. Tara!" Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant. WOW. YAMAN. Akala ko sa jollibee nya ako ililibre o sa mcdo, o kung gusto nyong mahal ng konti sa chowking. Masyado ko talaga syang minamaliit. Bago kami umupo, nasulyapan ko si Rico at nakita kong...may tinatago palang kagwapuhan ang NERD na to? Umupo kami at agad binigyan ng menu nung isang waitress. Ngiti ng ngiti ang waitress sa aming dalawa. Actually, ako lang ang nakakapansin dahil panay ang tingin ni Rico sa menu. Bakit kaya? ABAH. "Bakit?" Hindi yun masyadong mataray huh? WALA TAYO SA SKUL! "Wala lang po miss. Bagay na bagay po kasi kayong dalawa ng boyfriend mo!" "Ha??" Napalaki ang mata ko? "Boyfriend ba kamo?" "Oo. Ay. Bakit miss? Di mo ba sya boyfriend?" Sabi nung waitress. "Ah. hehehe..." "Oo! Boyfriend nya ako!" Binigay ni Rico ang menu. Pati na rin ang order namin. Nakatunganga lang ako dahil di ko alam kung mag wawala ba ako o magwawala na talaga. Umalis na yung waitress, kaya binatukan ko si Rico. "Ano ba! Feeling ka ah?!" "Joke lang naman yun! Hayaan mo na! Nagustuhan nya lang siguro yung tandem natin!" "E sa ayoko ng tandem natin eh." "Eh bakit? Gusto ko ba? Si Sandy lang naman ang gusto ko eh!" Sa galit ko. Binatukan ko ulit sya. Syempre. Alam kong si Sandy ang gusto nya, pero para kasing lumalabas na gusto ko sya pero dinideny ko lang. AAAH. Ewan ko ba, dirty minded ba ako masyado? "Alam ko! Sh1t! Umayos ka nga! Naiinip na tuloy akong matapos na ang pagpoproduce sayo!!!" "Aray. Wag mo nga akong batukan. Panu ako magmumukhang cool kung binabatukan mo ako?" "Eh sa skul ka lang naman pwedeng maging cool eh." "Ibig sabihin ba nun, sa skul mo lang ako di babatukan?" "ERRR... Syempre, di kita mababatukan dun dahil di naman ako lalapit sayo!" "Oo nga pala noh?" "Wag na wag mo yang kakalimutan huh?" "Oo na." Tinitigan nya ako. Pero binalewala ko na lang kasi, baka nagandahan lang sakin. "HOOOY! Ano? May dumi ba sa mukha ko?" "Wala!" "Eh ba't ka ganyan kung makatitig?" "Ang ganda mo talaga!" "A-anong...Oo! Alam ko!" Nakakailang. Sh1t. "Yung si Bridgette Francisco na bad girl, asan na sya?" "Huh?" Napailing ako. "Kasi, ibang Bridgette ang kasama ko ngayon eh!" Dumating na yung order namin... "Enjoy your meal, ma'am, sir." Naka ngiti parin yung waitress. EXTRA. Naku... Umalis din. "Hindi ka pala masama no?" "EWAAAN ko sayo!" Wala akong masabi. Ayokong umangal kasi pagod na akong makipagtalo. "Kelan ba tayo matatapos sa pagpoproduce?" "Bakit? Umuurong ka na ba?" Tanong nya. "Hindi! Nagtatanong lang naman ako ah, kung kelan tayo matatapos!" "Siguroooo. Kung mapaibig ko na si Sandy?" "AHHHH. Okay!!! Sana mapaibig mo na sya." "Bakit?" "Batukan kita ngayon! Ano pa ba? Edi syempre, gusto ko nang matapos na ang kalokohang to para makabalik na ako sa dati. TSSS..." Uminom ako ng juice... Tumitig na naman sya. OH. Bakit ang gwapo nya ngayon? Nanliliit tuloy ako sa sarili ko, feeling ko, ang pangit ko. HUHUHU. Hindi na lang ako nagpahalata. Masisira lang yung image kong badgirl sa kanya. HMP. Basta. HMMM. alam ko na ang iniisip nyo?! Iibig ako sa NERD na to? Hindi. Hindi ako iibig sa kanya. Sa totoo lang, ayoko talaga sa mga lalaking tulad nya. Mga lampa, NERD, walang dating, hindi cool, at yung lahat sya. Kaso, ipoproduce ko sya - ibig sabihin nun, gagawin ko syang lalakeng gusto ko. Pero, ganun pa man. I BET, HINDI AKO IIBIG SA KANYA. >:D [STEP #6] Bridgette Reah Francisco: Ba't kayo nakapasok? "Eto..Eto..Etoo..Eto paaa.." Sabi ko habang kinukuha ang iba't ibang damit na nakikita kong maganda. Tanggap lang sya ng tanggap. TSSSK. Palibhasa maraming pera. Kaya eto. Andami din nyang dala. Ngayon ko lang din napansin na bagay pala sa kanya lahat ng pinapasuot ko. Bakit kaya? Narealize ko rin na HOT pala sya. Para syang nag ji-gym sa katawan nyang yan. HMM. Napapaisip tuloy ako - YUN NGA! Kailangan nyang mag gym! Di porket maganda na ang katawan nya, eh, di na sya magji-gym. "HOY! Rico!" "Bakit?" "May alam kang gym?" "Oo! Bakit?" "Mag gym ka na lang kaya para gumanda naman yung katawan mo noh!" HEHE. Yun yun eh. Ba't ko sasabihin sa kanyang nagandahan ako sa katawan nya? Anong kala nya sakin? BLEH! "Huh? Yoko nga!" "Bakit ba? Lalampa lampa kasi...ba't ayaw mong mag gym?" "BASTAA!" Habang naglalakad kami sa loob ng mall. Nakita ko si Sandy kasama ang barkada nyang NERDS din. "Rico. Si Sandy o! Lapitan mo dali.. Aalis ako." Syempre. Lumayo ako. Sino ba naman ang mag-aakalang si Bridgette eh nakikipag-usap kay Enrico? Kahit na naka Shades and Hat ako, ayoko atang mabuking noh! Nagtago ako sa likod ng costumers service. Pinanood ko si Rico. GO RICO! AJA! Kaya mo syang harapin! Ngayong gwapo ka na!! PWEDE NA! SIGEEEE. Sabihin mo sa kanya! Ipamukha mo sa kanya... EHEM. Gette! Masyado ka na yatang nagiging OA sa mga iniisip mo. GRRR... TRUE COLORS ba yan Gette? "Uhhh," Ayan na! Himunto sina Sandy sa harap ni Rico. "Rico? Ikaw ba yan?" OO! Sya yan gurl! The guy you dumped! HMP. "Uh... Sandy... kasi..." OH. TORPE talaga. Palibhasa NERD. AYYY naku. "Rico? Anong nangyari sayo? Sige! Kita na lang tayo skul ah? Nagmamaldali kasi kami." Umalis na sila. ARGH. Kasi naman Rico eh. Lumapit ako at binatukan sya. "Ano ka ba! G@go! Ba't di mo sinabi?" "Andyan kasi yung mga kaibigan nya eh." "NAKUUU! Ang sabihin mo, torpe kang talaga. kainis ka naman!" "Gette!" Yinakap nya ako. "HEY! Get-off...napaka--" "Ayaw nya ata sa new look ko eh!" "Ano ka bahhh! Teka nga! Ba't mo ba ako yinayakap. Kasi naman ikaw... masyado ka kasing LAMPA at TORPE at...ano pa ba? Umayos ka nga! Para kang bading eh." Kinalas nya ang pagkakayakap nya sakin. "Ano bang kelangan kong gawin para maging astig ako?" GETTE! Akala ko pag change ng look, yun na yun...pero, hindi pa pala. Hindi parin sya cool. Bakit ba kasi? Masyado kasi syang malambot eh. HMPF! Mag gym na lang kasi eh. GRRR! Ano nga ba ang kelangan ng isang nerd para mag mukhang cool? HAAAAAY. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. "UNAAAAAAAAAAA~!" *TOK-TOK-TOK* "Makinig ka!" hinampas ko ang blackboard ng ruler na hawak-hawak ko. Andito kami sa bahay namin. Andito sin si Mama at Papa. Mga usisero talaga... Andito na nga kami sa loob ng kwarto, sumisilip pa sila. Palibhasa mga weird. "Pag naglalakad ka, wag na wag kang yuyuko!!!" "YES MA'AM! Uhhh.. ba't di ako yuyuko?" "Kasi, magmumukha kang hindi-cool." Di na napigilan, pumasok na si mama at papa. "Eto na ang merienda!" Sabi ni Mama. "Salamat poo..." "Hijo, saan ka ba nakatira? Alam mo bang ikaw ang unang lalaking pinakilala ni Gette samin? Ano, kayo na ba?" "Uhhh..sa..." "PAAAAAAAA! Ano ka ba naman! Dahan-dahan ka nga sa pagsasalita mo pwede? GRRR..." "Bakit ba? Totoo naman ah!" Sabi ni Papa. "Uh...hijo. Ang ganda ng soot mo ah! Saan-" "Ma!!! Isa ka pa!" "Bakit nga pala may blackboard at ruler?" Inexplain ko sa kanila ang mga ginagawa namin para hindi na sila magtataka. GRRR. Mind you, I have the weirdest mom and dad in the universe. "AAAAAAAH" Sabay pa sila. "Oo! Kaya pwede ba? ma, pa, hayaan nyo muna kami. Wala kaming relasyon, okay???" "WOW! Ang ganda nun daddy ano? Ang Gette natin, parang gagawa ng tao. Sya yung magsasabi kung ano ang susuotin at kung anu-ano pa. WAHAHAHA." Nagtatawanan si mama at papa habang papalabas ng kwarto. I locked the door. Langya. Kung may paligsahan lang ng mga weird na magulang, di ako mag-aalinlangang isali sila. HMP! "Gette. Ibang tao ka pala pag andito ka sa bahay nyo?!" Tumayo si Rico at pinuntahan ako malapit sa door. Kaso, LAMPA eh. Pati yung mat na nasa sahig, ewan ko kung panu sya maglakad basta bigla na lang syang na dulas at sumandal sakin. Syempre, sino ba naman ako para sasandalan eh kita nyo ngang ibang klase yung katawan nya at BABAE naman ako kaya tumilapon kaming dalawa. Nasa taas ko sya. WAAAAAAAH. I wanna say something. OKAY. Hindi pa kami gumagalaw at nakatitig sya sakin. Di ko sya masapak kasi paralisado ang buong katawan ko... "GEEEEEEEEEETTE?!?! Baby...? ---OHHHH!" Argh. Pumasok si Mama at Papa at natagpuan nila kami ni Ricong ganito ang itsura. "Ma? Pa? Ba't kayo nakapasok?" Nakanganga parin sila habang pinakita ni papa ang keys. ARGHH!. Lanya. "O sige... naiistorbo ata namin kayo! BABAYYYY!" Umalis sila, saka kami tumayo ni Rico. WAAAAAAAH! [STEP #7] Bridgette Reah Francisco: Di ko kasi sya mahal. *cough-cough-cough* Tumayo kaming dalawa at umayos. Langya, buti na lang weirdo ang mga magulang ko. Kung hindi, tyak... grr.. "Ano ka ba! Wag ka ngang lalampalampa!" Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "Pasensya na!" "HEH! Lika na! Ipagpatuloy na natin!" Kinuha ko ulit yung ruler at... *TOK-TOK-TOK* "Eyes on the board!" Tumingin naman sya sa blackboard at umupo sa harap ko. SAYANG SYA. WAAAH. Ke gwapo-gwapo pero, ganyan ka lampa? Anyway, kaya nga ako andito diba? TSSK. Oo na! Gagawin ko na kasi ang lahat para sumikat at magbago ang imahe ng NERD na to. "PANGALAWA!" Aray naku. Ang sarap kong batukan. Minsan kasi masyado ko ng inaabuso ang pagiging sunudsunuran nitong NERD na to kaya grabe ako makatingin. "Wag kang magdala ng malaking bag sa skul!!!" "Ha? Panu ang books?" "Eh mag locker ka! Ano ba naman to!" "Pangatlo! Wag na wag kang lilingon sa mga babae!" "Ano-" "KAHIT KAY SANDY!" "HA? Bakit?" Umiling sya. "Ano ka bah!-" "Bakit pati si Sandy?" Umangal pa talaga. "Babae ka ba? Alam ko kung ano ang gusto ng mga babae no, kaya wag ka ng umangal dyan!" "Pero iba si Sandy..." Aray naku... iniinsulto ata ako ng NERD na to ah! "Hoy NERD! Anong iba? Oo, yung mga babae, minsan, gusto nila yung mga pumapansin sa kanila. Pero, dahil alam nya na na mahal mo sya, edi wag mo nang pansinin. Para maguluhan!" Aray..hindi ko na gets ang sinabi ko. HIGHBLOOD na ata ako eh... Rico...ba B.P. naman oh! NURSING KA DIBA? "Ano? Hindi ko maintindihan!" "Ano?? Anong ano? Gusto mo bang magbago ang image mo o magpasagasa sa tren? Huh? Kung gusto mong magbago, pilitin mong sundin ang utos ko." "Pero, sana naman makatarungan!" "EWAN ko sayo!..." Katahimikan. Kung gusto nyang iproduce ko sya, dapat sundin nya ako. GRRR... "O sige. Ganito. for TWO WEEKS. Wag mo syang pansinin at ang iba pang babae kapag di ka tinatawag! OKAY?" "Huh?" "Pag...umubra, ipagpatuloy mo! PERO pag di ka parin pinansin ng Sandyng NERD na yun, edi, wag mo nang ipagpatuloy! okay?" Tumango sya. Alam kong napilitan lang sya. So? Ganun nya ba talaga ka mahal ang Sandyng yun. Sa bagay, baka marami silang pagkakatulad. Gaya ng pagka NERD nilang dalawa. Okay.. haha "PANG-APAT!!!! Ayusin ang postura at paglalakad." "AHHH.." "Now... tumayo ka, at maglakad!!!" Pinalakad ko sya...pabalik-balik... HAAAY. Okay naman yung postura at paglalakad nya. Kulang nga lang sa dating at mejo yumuyuko parin sya! ARGH. "Okay! Pwede na! UHM. Sa Lunes!!!! Pumorma ka ng maayos. Sundin mo yung mga pinagsasabi ko, okay??!" "YES MA'AM." Okay... dito nagtatapos ang lessons natin for today. Nakakapagod. HMPF. Pero, ba't ko nga pala to ginagawa? Anak ng santong kabayo. Ba't nga ba??? According to one of the Steps/Post...its because I feel like he is my responsibility! NGEK. Di sapat na rason. Pero, siguro...siguro...dahil pareho kami... SEEKING FOR CHANGE. :'( "Gette! Bakit mo nga pala ako tinutulungan?" "Huh?!? Hinihingi mo diba?" Sabi ko while typing something on my laptop. Nasa likod ko sya. "UHHH... Feeling ko kasi responsibilidad kita!" "Huh? Bakit?" Anak ng...ba't ko sinabi yun? Concentrate. I closed the laptop and... "Uh.. wag ka na kasing matanong pwede?!" "HAAAY. Sana mainlab na si Sandy sakin..." Napabuntong hininga sya. "Pero...talaga bang di mo na ako papansinin kapag tapos na ito?" Ano bang sinasabi nitong NERD na to? "Huh? Maybe." "Ba't naman? di ba pwedeng, ano...friends parin tayo?" "Huh? Ba't naman?" "Kasi... ikaw lang ata ang tumanggap sakin as friend eh." "Huh?" "I mean...sa skul." Sumandal sya sa likuran ko. Nasa sofa kami sa room ko. "O...sige...papansinin parin kita. :) " Napangiti ako. Ang NERD na to. Kahit kelan, napakaemosyonal..parang ewan. "Talaga?" "Hoy..wag ka ngang O.A! Oo na sabi!" "YES... Kala ko, di mo na ako papansinin." "Kala mo naman, magiging kayo ni Sandy? HAHAHA >:D Feeling!" Tumawa ako. Katahimikan. "Seryoso ka talaga sa kanya ano?" Tanong ko. "Bakit? Papano ba maging di-seryoso sa mga ganitong bagay?!" OO nga naman gette! Tinatanong ka nyan dahil kilalang playgirl ka... AT... Nasabi ko na ba na naghahanap ako ng lalaking, magmamahal ng totoo?!? "Kamusta na kayo ni Hiro?" "Ha? Wala..hindi na kami." "Ba't naman?" "Di ko kasi sya mahal." Tumahimik ulit. Yeah. Si Hiro. Nagmamahal ng totoo? MAYBE. Pero, nakalimutan nyo atang... Love should exist on my heart too... Hindi naman kasi pwedeng maghahanap ako ng lalaking magmamahal sakin, at yun na. Kahit anong pilit ko, di ko parin alam kung bakit hanggang ngayon, di ko parin nahahanap ang gusto ko. >.< Naisip ko tuloy...napaka misteryoso ni Rico. [STEP #8] Bridgette Reah Francisco: Magkita tayo mamaya.... Lunes ng umaga. Nung tumungtong ako sa skul, agad akong liapitan ni Sam at Anya! “Gette! Nakita mo yung bagong student? Ang gwapo nyaaaa!!!” sigaw ni Anya. “Anya! He is not a new student noh! But I've never seen him before!!!” Kay aga-aga, ang ingay-ingay ng dalawang to. Hindi ko na pinansin dahil baka mamaya utusan nila akong paibigin ang sinsasabi nilang gwapo! Baka gawin pa nilang challenge sakin yun tulad ng ginawa nila samin ni Hiro! GRRR... Habang nglalakad kami sa corridor, nakita ko si Hirong papalapit samin! Okay! Gette! Be calm! You can handle him! Yeah! I can handle him! Yun nga. Lahat na lng ng lalakeng kilala ko, kaya kong i-handle. Hindi nila ako kayang gawing alipin! Kaya, they're all boring! Lagi silang under sakin. Hindi sila kumukontra dahil mahal daw nila ako. WAHAHA.. >:D well. Wala na naman akong magagaw“Ayun na yung gwapoooo!!!” Narinig ko na lang ang mga bulung-bulungan sa paligid ko. Huh? Sinong gwapo? Si Hiro bah, papalapit na kasi sya eh. Kaya lang, nung napatingin ako ulit, nasa gilid llang sina Hiro. At may papalapit samin... O.O Si RICO??? “Ri-” ay Oo nga pala! Nakalimutan ko, di ko sya pwedeng tawagin dahil mapagtatawanan ako neto! GRRR... “Gette? May sinasabi ka?” “wa-wala...” “Ahhhh... OMG, ang gwapo nya talaga!!!!” Natulala ako nung narealize ko na ang gwapo nya talaga ngayon dahil hindi sya nakilala ng mga tao!! Tagumpay! Minus the ka-lampahan! Tagumpay akooooo!!! Tagumpay na sana! Nung nakita kong lumapit si Hiro sa kanya... >.< oh no! Hinarang nya ang kanyang paa sa dinaanan ni Rico. SYEMPRE, nadapa ang NERD at... “Eto bang sinasabi nyong gwapo??? HAHAHA >:D Si Enrico Gonzales yan! Ang dakilang NERD ng ating eskwelahan!! HAHAHAH...!” Nagtawanan ang mga kasama ni Hiro. Tahimik lang ang iba... ang iba naman... “Buti nga sa kanya!” “Napaka-ambisyoso ng Rico na yan! Akala nya mapapantayan nya si Hiro!! GRRR...” Gusto kong tulungan sya, kaya lang...ayaw gumalaw ng mga lintik kong paa. HEH. Gette! Gagita ka talaga! Ba't mo sya tutulungan? Di pwede noh! HMMM... HINDING HINDI. Lumingon ako sa kanya ulit, kaya lang, nakita ko si Hirong pinagtatawanan parin siya... “Hi-” “Hiro... tama na! Kawawa naman si Rico eh!!!” Tinakpan ko ang bibig ko. Ba't pa kasi ako nag isip na tulungan ang NERD na yun ngayon eh. Buti na lang may sumingit. SALAMAT...uhh... “Bakit Sandy? Naiinlab ka na ba sa Ricong yan?” Si Sandy pala ang pumigil! Bakit? Gusto nya na ba si Rico? Nakita nya na ba ang kagwapuhang tinatago ni Rico? Nakita nya na ba ang katawang makatulo-laway ni Rico? HAHA... Nukaba Gette! “Hi-hindi!!!” Natatakot pala pati si Sandy kay Hiro. Ako lang ata ang di nya natatakot eh!!! GRRR... “Ganun bahhh? Magsama kayo, mga nerdddd!!! HAHAHAHAHA >:D “ Pinagtatawanan na naman nila sina Sandy. Ganun naman lagi eh... Pati nga sina Sam... “si Rico pala yun? Kaya pala lampa...hahahahah..” Kainis talaga. “Hiro!” Mahinahon ko syang tinawag. Dahil ayokong magmukhang masyadong highblood. “Gette?? ipagtatanggol mo ang mga nerd na yan??” Narinig kong nagbulungan si Sam at Anya. “Huh? Di ah! Tumigil nga kayo dyan!!!” Tumingin si Hiro sakin, kasabay ng pagtingin ng lahat ng tao na nakakita at nakarinig sa mga nangyari. It's awkward... but, I feel like it's normal for my image to get everyones attention. “Gette?” Rico. Langya! Tinawag nya ako??? sana walang nakarinig. “Anong sabi mo?” Sinipa ni Hiro si Rico. Nadapa ulit sya at namilipit sa sakit. WAAAH. Grabe na to!!! “Wag mo ngang tawagin ng ganyan ang girlfriend ko! Close ba kayo?” Girlfriend? Okay Gette. Di pwedeng i-trigger mo ang galit ng halimaw na yan sa pagsabing.... “Di mo na ako girlfriend, Hiro.” Ay ang galing!!!!! Gette...sabing di pwede!!! Nakita kong napatakip-bibig ang lahat ng tao... WAAAH. pinakabig-deal na ba ang break-up namin ni Hiro? HAY. Nakita kong nanggagalaiti sa galit ang hinayupak na si Hiro. >.< Pagkatayo ni Rico, nakita kong umaamba ng suntok si Hiro sa kanya. “HIRO! Tama na yan! Ano ba ang gusto mo??! ha?!” Isang tanong na di ko na dapat tinanong.... “IKAW!” AAAAAAAAAH. Nakita kong tumutol si Rico sa sinabi nya... nakita kong umiling sya. “Huh?” “Ano Gette? Di mo kaya? Bubugbugin ko ang Ricong to.” WAG. Este...anong care ko dapat! “Bugbugin mo! Wala akong pake...sino ba sya? HUH?” Gaalit na galitt na talaga si Hiro ah. Di na ako makatingin sa mata nya. Naghahalong galit, inis at sakit ang nakikita ko sa kanya. Sinuntok nya si Rico. Isang suntok lang pero nadapa agad sya... DI BA SYA MARUNONG LUMABAN? HA? ARGH. “Hiro! Magkita tayo mamaya....” WAAAH. Nagwalk-out ako. Kahit di ko na kayang makipagbalikn kay Hiro o ano, kelangan ko paring sabihin yun para tumigil lang sya sa pambubugbog sa taong pinaghirapan ko para mabuo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! [STEP #9] Bridgette Reah Francisco: Sabihin mo agad!! "Gette! Are you going to make it up with me?" Anong klaseng tanong yan? GRRR... "huh?" "Gette! Mahal kita. Ikaw ang unang babaeng minahal ko ng ganito. Ano bang naging kasalanan ko? May ibang boyfriend ka ba?" AHAAAAAAAAAA. OO nga pala! Wala akong ibang boyfriend ngayon. Isang milagro! Ba't nga ba? "Hiro. Nakakasuka ang pag-uugali mo!" Ba't yun ang sinabi ko? "Lagi naman akong ganito ah? Sabi mo pa nga noon gusto mo ang mga tulad ko, diba?" Yinakap nya ako pero tinulak ko sya. Nadapa sya sa lakas ng pagkakatulak ko. "Bakit ba? Huh??? Makikipagbalikan parin ako sayo! Kahit anong mangyari!!! Liligawan ulit kita!!!" Anong klaseng lalaki sya? GRRR... "Bahala ka sa buhay mo! Gawin mo na ang gusto mong gawin!" Bahala na nga. Para in case na mambu-bully na naman sya kay Rico, may ibablackmail ako. >:D "Payag na ako." "Tayo na ulit?" Lumaki ang mata nya. "Hindi!!! Bibigyan kita ng pagkakataon!!" Nagwalk-out ako. Ano sya? HMPF. Ngayon, nakakaramdam ako ng takot. NATATAKOT AKO SA KARMA. Baka makarma ako one of these days!!! ARGH... Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. May Rico pa akong inaatupag. Natapos na ang lahat ng klase ko para ngayong araw. Narealize ko na talagang napakaboring ng life ko. Masyadong redundant ang mga ginagawa ko. Ngayon, andito ako sa 1720. Gabing gabi na pero andito ako, nakikinig sa mga BLABLA ni Hiro. As if naman I care about him. Para lang naman talaga to kay Rico eh. "Uhmm. Hiro, uuwi na ako huh? Ang sakit ng ulo ko eh." Kahit di naman talaga. "Huh? Ihahatid na kita!!!!" "Ano? Di pwede! Lam mo naman diba? Strict si Mama at Papa!!" Sige Gette! Ang galing mong magsinungaling! "Huh? Eh... ihahatid na kita, kahit hanggang gate lang!!!" "Huh? Wag na sabi Hiro!" Dapat kasi di na lang ako pumayag sa panliligaw nya ulit sakin. GRRR... Yan tuloy, ang kulit. "Pero, baka-" "Kaya ko na ang sarili ko. Okay!!!" Napatunganga sya hanggang sa... "Hirooo! Pare, lika muna dito!!!" Napalingon sya sa kanyang barkada. >.< May pinagtitripan ata. HMP. Nagtawanan sila. "Gette! Ano kaya yun?" Tanong ni Sam. "Ewan ko... Uhh.. Hiro, sige! Aalis na ako." Kuymaway na lang ako kina Sam at Anya habang nakita kong pumunta si Hiro sa kanyang barkada. Naglakad na ako papalabas. At eto na naman ako, naglalakad pauwi sa bahay. Nakita ko si Rico nakaupo sa inuupuan nya nung nakita ko sila ni Sandy. SI RICO? Ba't sya andito sa ganitong oras ng gabi? Wala na si Sandy dun ah?! Kanina pa natapos ang pagkanta nya!!! "PSSST. Rico!" Tinawag ko sya habang lumingon-lingon para tingnan kung may nakakita ba sakin o ano. "GETTE!!" Naku! Ang lakas ng pagkakasigaw ng walang hiyang NERD na to. "Wag ka ngang sumigaw!!!! Pinipilit ko ngang hinaan ang boses ko tapos, ikaw... TSSS. Ba't andito ka? Di ba nag-aalala ang mga magulang mo? Huh?" "Hinihintay kita!" Anak ng tokneneng. Ano daw? "Huh? Kala ko si S-Sandy ang hi-hinihintay mo?" "Oo. Nagkita din kami kanina, kaya naisipan kong hintayin ka na rin dahil di naman kasi sya pumayag na ihatid ko." ABA'T TALAGA NAMANG...hmmm.. so? "Ba't mo naman ako hinihintay??" "Gusto kong malaman mo na..." "Na???!" "NAAAAAAA..." Ngiti nyay abot tenga habang papalapit sakin at yayakap ata. >.< "Sh1t. Can you stop that!!!!!!!" Yung yakap, I mean. "Hindi ko mapigilan eh! Masaya kasi talaga ako!!!" So? Ganyan ba talaga sya? Yumayakap kapag masaya? "Eh..kaya naman pala ang lambot lambot mo eh! Napaka bading ng mga kilos mo!!" "Di ako bading ah!!" "Oo na! Ano nga ulit yung sinasabi mo?" "NA..." "Na???? Sh1t naman oh! Sabihin mo agad!!" Yinakap nya parin ako kahit I'm pushing him away. Ba't di ko magawang itulak sya ng malakas? Malakas ba talaga sya? O sadyang nanghihina ako? AHHH. Ehem.. Umayos ka GETTE! "Pumayag si Sandyng ligawan ko syaaaaaaaaaaaaaaa." EHEM. Mabuti naman. period. Tagumpay ba? Punctuation mark. Period. [STEP #10] Bridgette Reah Francisco: Tumigil ka nga! "Tao pooo? Gette??" Si Rico na yun!!! Si mama ang nagbukas ng pintuan!! Agad naman akong bumaba para salubungin sya. Sabado ngayon at may usapan kaming magkita! HAAAY. "Oh! Rico, lika, pasok ka! Manliligaw ka na ba?" "Huh? H-Hindi po!" Sabay ngiti. Si Mama talaga! Para akong nabagsakan ng balde sa ulo nyan! "Ma! Nukaba! Ilang beses ko bang kelangang--" "HEEEEEEEEEP! Di ako nakikinig. Di ako nakikiniggggg!!!" Sabay takip sa tenga nya at may weirdong sayaw pang ginagawa habang binibigyan siya ni papa ng bulak at magkasabay nilang tinakpan ang kanilang mga tenga sa pamamagitan ng mga bulak na yun!!! WAAAH. >.< :D "Ma! Pa! Ano ba kayo!!" Tumawa na lang si Rico. "Di kami nakikinig...lalalala..." GRRR... Patuloy silang ganun hanggang pumasok na sila sa kitchen. Napabungtong hininga tuloy ako. "HAHAHA. Grabe talaga ang mama at papa mo Gette!" Sabi ni Rico. "Naku naman! Hayaan mo na ang mga isip batang yun! Umakyat na tayo!" Habang tinuro ko ang hagdanan. Naman oh! Si mama at papa suuupeeeer UNCOOL! Kaya nga ayokong silang ipakilala kina Sam, Anya, Hiro at iba pa...kasi di nila maiisip kung anong parents meron ako. Di naman sa kinakahiya ko sila noh! HMM. Pero, okay na din yun, lagi naman kasi kaming palipat-lipat ng bahay dahil sa kanilang trabaho. DI NAMAN SILA DRUG LORD NO! Baka akalain nyong kaya sila ganyan dahil adeeek sila. HMMM. Umupo si Rico sa sofa sa kwarto ko at pinaglaruan ang isang napakalaking stuff-toy na binigay sakin nung isang ex ko na taga USM din. :D Inayos ko ang bintana para makalanghap kami ng sariwang hangin. "Ge-" Lumingon ako kay Rico nung... *KRRIIIIIIIIINGGGG!* Agad kong sinagot ang cellphone ko. "Shhh!" Sabi ko kay Rico. "Hello Gette? San ka ngayon?" "Huh? Ehhh..." "Mall tayo! Palabas na ang Shutter! Nood tayo ng sine!" Sabi ni Anya. "Huh?" Nakita kong pinaglaruan ni Rico ang bagong biling original na Louis Vuitton na bag ko. "Ibaba mo yan!!" Bulong ko. Nataranta si Rico at binaba nya agad. NAKUU! >:( "Gette? anong ibaba?" Tanong ni Anya. "Ahh.. wala. Nagdidiliryo lang ako. :P " "Ahh..By the way, may napapansin kami ni Sam sayo! Ba't di ka masyadong sumasama samin?" "Ha? Hindi, kasi..ang sakit-sakit talaga ng ulo ko this past few days eh..kaya yun!!" "AHH. Okay.. Basta! Bumawi ka next time huh!?" "Oo! PROMISE!" "Okay! Bye." Binaba ko na ang cellphone ko at agad kinuha yung bag ko. "Wag mo ngang hawakan to! Bagong bili yan no!" "Hayy.. ang arte mo naman! TSSS." Pinaglaruan nya yung stuff-toy. "A-arte naman talaga ako eh!" Sabi ko. WAH. Feeling ko may mga firefly na umaaligid sa mukha nya. Kumikislap-kislap kasi eh. Habang nakasandal sya sa stuff-toy kong kasing cute nya. Ba't ganito? Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko!!! Di maari to. Di pwedeng inlab"Di tulad ni Sandy, ang simple lang nya. :) " TREEEEEEEEEEEEEEEEEEOOOOOOOOOOOOOOOOOT.... "Huh? Wag mo nga akong ikumpara dun! She is nothing but a NERD!" ::) "Hoy! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" Katahimikan. Bakit ba? OKAY. Gette! BRIDGETTE! Huminahon ka! Tumataas na naman ang blood pressure mo! NURSE???! ---Ay Oo nga pala! Nursing student pala tong mokong na to! "Kelangan ko ng nurse para kunan ako ng bloodpressure!" Bulong ko. "Nu ka mo?" "WALAAA." ::) "Uhh.. kamusta nga pala ang date nyo ni Sandy?" "Huh? Next week pa ang date namin!" "ANO? Kala ko tapos na?" "Busy kasi sya eh." :( "Sayang naman. :) Kala ko kayo na." LOL. Sige Gette, gawin mong playground ang tenga nyang NERD na yan. "Di no! How I wishhh..." NAKU. anak ng tokneneng. Ang lalaking to talaga. Napaka....ewan. "Kaya nga ako andito para magpatulong sayooo!!!" Sabi nya. Oo. Patulong? Ano pa bang magagawa ko? Responsibilidad ko ang NERD na to. Sa ayaw't sa gusto ko, pumapasok at pumapasok pain sya sa buhay ko. Dapat sana puso gimik at party lang inaatupag ko. Ba't ngayon, parang may obligasyon akong buuin ang isang puzzle na kulang? HAAAY. Hirap naman nito. *TOK-TOK-TOK...* Ayan na naman ang ruler at blackboard ko. "Tapos na tayo sa step one! Pero, i-review natin! Step one, change the way you look and dress!" Tumango sya. "STEP TWO! Learn to act cool!" *TOK-TOK-TOK..." "Etong step two ay isang proseso. Pero, since naloko mo yung mga schoolmates natin nung Monday! OKAY na!" Tumango lang sya. "STEP THREE!! Be fit!!! and YUMMY! Mag gym ka!!!" Napataas ang kilay nya. >:( "Yeaah yeaaah!" Walang anagalan to! Ako ang producer, ako ang masusunod! HAHAHAHA. Kaya, nagpunta kami sa alam nyang gym... On the way... "Gette!" "HM?" "Ba't mo ba talaga ako tinutulungan?" "Ha? W-wag mo nga akong tanungin nyan!" Kainis! Kelan ba sya titigil sa katatanong nyan? "Wala lang.. I find it weird." "Huh? Ikaw ang weird! NERD! HAHA >:D " Tumingin ako sa mukha nya at nakita kong seryoso sya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko... "UHH.. Kasi, I think, we have few similarities. :) " Ngumiti sya... JUSKOOO! This can't be! I'm in love with him? "Tumigil ka nga!" Patay, ito na ang kinakatakutan ko! [STEP #11] BRIDGETTE REAH FRANCISCO: Ba't kasi...dito... Nakarating din kami sa wakas. HMP. Dito sa pinakamalaki at pinakasikat na gym at spa dito sa syudad namin. HMMM. Nung pumasok kami, nabigla ako kasi... "Rico!! Napasyal ka?!" Sabi nung isang lalaking instructor ata dun. ??? "Rico!! Kamusta na?" Sabi nung babaeng instructor ata sa aerobics. "Okay lang!" Ngiti ng ngiti ang NERD na si Rico. Out of place ba ako? "Uy Rico! Girlfriend mo?" "Sya na ba si Sandy?" Dumagdag pa ang dalawang babae. SANDY? Ako? "Hindi ah!" I rolled my eyes. ::) Sabay cross-arms at pinakita ang Louis Vuitton na bag. "Ay! Hindi nga! Di naman sya mabait! Tayo na nga!" Umalis ang dalawang ingrata! "Langya! Sapakin ko kayo mga pangeeet! Naghahanap ng away ah! NAKU!" "Gette! Tama na nga!" "Kasi, how dare they compare me with Sandy! NAKU!" "Oo nga!" "Anong Oo nga? Talaga!" Sinapak ko sya. GRR. >:( "Aray naman!" Sabi nya. "Uy Sir! Ano yan? Under ka ni HONEY?" Sabay tawa nung matandang janitor. "Po? Ano po?" Tanong ko. "UHH.. Manong! Di po kami!" "AAAH. Naku! Kayong dalawa! Sa lagay nyong yan di pa kayo? HAHA. Nung araw, ganun din kami ni misis eh! Sya na ba si Sandy?" "Po-?" "Hindi po! Si Bridgette po!" "Ahhh! Sino ba yan? Di mo pa nabanggit yan ah!!!" Linapitan ni Rico ang matanda. Ako naman, andito lang, tumitingin-tingin sa paligid. Ang laki ng gym. May spa pa dito huh? Tsaka, bakit ang daming kaibigan ni Rico dito? Akala ko ba ako lang ang tumanggap sa kanya bilang kaibigan? Ang NERD na yun! SINUNGALING! "Hoy Rico!" Lumingon ako, kaaalis lang nung matanda. "Ano?" "Loko ka ah! Kala ko ba wala kang kaibigan?" Tanong ko. "Na ka age. Puro matatanda ang andito eh. >:( Tsaka, di ako makapagshare ng mabuti." "Huh? Kailangan pa bang maging ka age para..." "Hindi naman sa ganun, iba yung paningin nila dito sakin. Sa paningin nyong lahat doon sa skul. :( " Tumango ako. "NERD ang paningin nyo sa akin doon, samantalang dito...HARI." "Hari?" Umalis sya at kinamusta ang lahat ng tao dun. PAPANONG HARI? PRINSIPE? LOL. "Alam mo kasi, sya ang may-ari ng gym at spa na to..." At umalis ulit ang matanda. ANOOOO? SYA? MAY-ARI? Kaya palaaaa. Kaya pala ang daming pera ng mokong na NERD! Kaya pala ang ganda ng hubog ng katawan! Kaya pala ayaw ng mag-gym! Kaya pala! ANG NERD NA YUN! Linapitan ko ulit sya at sinapak! "Hoy! Ikaw pala ang may-ari ng gym na to!" "Oo!" "Ba't di mo sinabi?!" "Tinanong mo ba?" "PILOSOPO!" Nakuuu.. Ang NERD! Ang daming datung nito! Kaya pala hindi namomroblema sa pera. Ilang sandali... "Gette! Bukas na ako magsisimula dito sa gym. :) Mag gym ka rin kaya?" "Ano? Ayokong magka muscles no!" "Edi magpa spa ka kahit minsan para sabay na tayo!" Ngumiti sya. Nagkatinginan kami. Ayan na naman... Ayan na naman ang feeling! Di maari to! Ba't di ko maalis ang paningin ko sa guwapong pagmumukha ng NERD na to? HUH? WAAAAH. Ayoko na! Di pwedeng ganito ko sya iniisip. Baka, nasobraan lang ako ng kape kanina. Yoko na! "Ehem.. UHM. Ginugutom ako." Sabi ko para lang maistorbo ang katahimikan. "Ahh! Sige! Bili tayo ng makakain!" OKAY! Sana sa restaurant! O sana sa bahay nila. Siguro malaki ang bahay nila at maraming maid. Alam ko na! Sa bahay nila kami pupunta! YEHEY! "Oi Rico! Sa bahay nyo na lang kaya tayo kumain?" "Huh? ba't naman?" "Kasi...uhm... lagi kang pumupunta sa bahay namin, pero di pa ako nakapunta sa inyo!" "Pero, malayo eh!" "Sige na please???!" Sabi ko sabay pa cute sa kanya! "O sige na nga! Bili muna tayo ng pagkain!" "YES!" Abot langit ang kasiyahan ko! I'll be meeting his parents! Kasal na lang ang kulaaang! LOL. GETTE! Anong hangin na ba ang pumapasok sa utak mo? Ayoko sa kanya! Ayoko sa NERD! Ayoko! AYOKO! Di maaring magkagusto ako sa OUT-OF-THE-LINE ng taste ko. NO WAY. I can't afford to fall in love for the FIRST TIME sa isang lalaking di ko gustong magustuhan! "Uhh. Gette?" "Huh?" "Dito ka muna huh? Bibili lang ako ng makakain sa loob!" Sabay turo sa isang lumang karinderya. Anong? "Ba't dito ka bibili?" "Masarap dito!" "Huh? Anong masarap? Itsura pa lang nakakasuka na!" Hinawakan nya ang shoulder ko at tinapik. "Gette! Don't judge the book by its cover kasi!!!" Sabay pasok sa loob. "Hah! Theres no way na papasok ako sa mumurahing mabahong lugar na yan! HAHA. Langya, kala nya siguro susundan ko sya para magpaimpress? Magpaimpress na kaya kong pumasok sa mga ganyang lugar! Di ako plastik no! HAH." Dito na lang ako sa labas. Ang pangit ng lugar na to! Squaters area siguro to. HMP. Rico talaga! Napaka kuripot! "Hello Miss beautipul! Kanina ka pa dito ah?" Sabay hawak sa legs ko. "SY1T!" Tinulak ko sya kaya lang malakas ang matanda. "O! Pare, inaayawan ka! HAHA >:D " Sabi nung isa. Amoy alak ang dalawa! Mga lasiing! NOOO! Uh... Kaya kong takbuhan o sapakin ang dalawang to! Di ako hihingi ng tulong sa Ricong yun noh! GRR. "Ano Miss? Aayaw ka ba?" Sabay hawak sa magkabilang braso ko. HUHUHUHU. "Ano ba!!" Tinulak ko pero ayaw talaga. "Ambango mo miss." Sabi nung isa at inamoy pa ang buhok ko. OH NOOOO! RICOOO. Binabawi ko na ang sinabi ko. "Bitiwan nyo ako!" "Bitiwan??? Alam ko namang aayaw-ayaw ka lang eh!!" sabi nung isa... Oh my gosh. I DON'T KNOW WHAT TO DO. "RICO!!!--Bitiwan nyo ak-" At ngayon, yinayakap na ako ng isa... Di ko mapigilan ang mga luha ko. Katapusan ko na ata?? NOOO! Nagtawanan ang dalawa nung biglang... *SUNTOK* Si Rico. Tumilapon yung isa at napatulog nya ata sa ISANG SUNTOK. "Loko ka ah!" Umamba ng suntok ang pangalawa pero nasangga to ni Rico at sinuntok ng isang malakas na suntok. Kung bakit ko alam na malakas ang suntok? Kasi tulog agad!!! Yumakap ako sa kanya, mahigpit na yakap. Yumakap din sya sakin. "Rico! Akala ko... akala ko.. *hikbi* Rico..." "Shhh. Tama na Gette! Andito lang ako!!!" Patuloy ako sa paghikbi. Yumakap ako at ang ulo ko'y nasa dibdib nya. :'( Naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso nya, kasabay to sa mabilis at malakas na pagpintig din ng puso ko. "Rico... Walang hiya! Ba't-" Hikbi ako ng hikbi. I'm catching my breath. "Ba't kasi...dito...mo...pa...ako...dinala..." Iyak parin ako ng iyak. Yinakap nya ako ng napaka higpit. Sya ang kauna-unahang lalaking yumakap sakin ng ganito ka higpit. "Andito lang ako. Wag kang mag-alala!" I feel secured in his arms. :'( He made me feel secured in his arms. :'( [STEP #12] Bridgette Reah Francisco: mahal mong si Sandy “Bakit kasi yan ang sinusuot mong damit?” Napatingin ako kay Rico. “E ano naman ngayon kung ganito ang damit ko?” ::) I rolled my eyes habang yakap ko ang unan sa sofa nila. “Dapat kasi, konserbatibong mga damit ang mga sinusuot mo eh!” Sabay tingin sa damit ko. “Konserbatibo? Eh sa komportable ako sa ganito eh!” GRRR.>:( Tahimik kaming dalawa nung nagsimula syang ihanda ang pagkain namin. Oo, andito na kami sa bahay nila. Malaki, as expected, pero di mansion. Napansin ko ang nakaparking na sasakyan sa labas. May sasakyan pala ang nerd na to? Ah, siguro sa papa nya. “UHH. Rico, asan nga pala ang mama at papa mo” Tanong ko. “Huh? Ahhhh. Ang totoo, hiwalay na si mama at papa, pareho silang may sariling pamilya na. :) “ ngumiti sya. “Ano? Ibig sabihin, ikaw lang mag-isa sa bahay na to?” Tumango sya. “Ha? Kelan lang? I mean, papanu nangyari?” Mas marami pa akong tanong. “UH, college na ako nung magsimula akong mamuhay mag-isa. Tapos, sa Australia ako nag highschool kung saan dun din si Papa nakatira kasama ang pangalawang pamilya.” “Kung ganun, ikaw lang mag-isa ang nagmamanage nung gym at spa? Papanu mo yun nagagawa? Ang bata-bata mo pa ah?” Hindi sya sumagot. Panay ngiti lang ang binibigay nya sakin hanggang sa... “Kain na tayo, Gette!” Tiningnan ko ang pagkaing binili nya dun sa pipitsuging karinderya. Lumapit na ako sa dining table at... “Kung wala ako dito, ikaw lang ba mag-isa ang kumakain?” “Oo.” Ngiti ulit. Papanu nya nagagawa ang lahat ng yun? Samantalang ako, umiiyak ako pag kumakaing mag-isa kaya pinapapunta ko sina Anya kung may business trip sina mama. O di kaya sa labas ako kumakain kasama sila. "Kaya nga, gusto ko sa inyong bahay eh, kasi kumpleto ang pamilya mo! :) " "Uhhh. Ganun bah?" Naku. Kawawa naman pala sya! HMMP. Nagkamali ako. Dapat di ko sya inaaway kasi napakamiserable pala nung buhay nya. "UH. Kung gusto mo, pwede ka naman dun sa bahay kung nalulungkot ka. O, pwede na rin ako dito kung kailangan mo ng kasama." Naku. Gette! Ba't mo yun sinabi? GRRR. Baka lagyan nya ng malisya yan. Isipin pa nyan na may gusto ka sa kanya. Tapos, lalaki ang ulo. Tapos paglalaruan ka! TEKA! Ba't nya ako paglalaruan? Di ko naman sya sasagot! HEH! Gette! Ano ba yang iniisip mo! "Este...wag ka ngang drama! Kain na tayo!" Binawi ko. Kumain na kami. Habang kumakain kami, tinitingnan ko sya. Kawawa talaga sya, di ko maisip ang buhay nyang mag-isa. Tapos, sa eskwelahan binubully pa sya. >:( Ba't kasi di sya lumalaban eh. May katawan naman sya pero pinapalambot nya ang kanyang sarili! GRRR. Di marunong lumaban! O baka naman bading ang isang to? HMP. Pagkatapos naming kumain, may nakita akong gitara sa tabi ng malaking tiger na figurine nila. "Ehe-ehem. Marunong ka bang mag gitara?" Sabay turo ko sa gitara. "Oo!" "ANOOO? Marunong ka? How about the electric guitar??? Base?" Tanong ko. "Oo!" ??? "Kung ganun! Ba't di mo sinabi sakin!! Ang cool-cool mo na pala eh! Kulang ka nga lang sa direksyon! >:D " "Kaya ka nga andito diba?" Sabi nya with those eyes again. Rico naman! Wag ka masyadong ganyan pwede? Naiirita na ako sa pagpapacute mo...HUHU Tigilan mo nga yan at nahuhulog ako sayo. "Yun na nga ang step four!!!! Dapat ipakita mo sa lahat na marunong ka nyan! Sumali ka sa isang banda!" "A-ano? Di-di ko kaya!" "HA? ano ka ba? Ang duwag-duwag mo talaga anoh?" "Huh? Di ako duwag ah!" "Siguro may stage fright ka nohhh? HAHAHA >:D " "Wala no!!!" Napaisip sya... "Baka kasi di ako magustuhan ni Sandy eh." YUN YUN EH! "SH1T! Ang tanga mo naman! Sinong di magkakagusto sa mga ganyan? HUH? Naku talaga..." GRRR.. "O--O sige, pero saka na, sasabihin ko muna kay Sandy. :) " GOSH! Batukan ko to ngayon noh! Masyadong conscious sa sasabihin ni Sandy! G@GO pala sya eh! "OHHH SYA. Wala na talaga akong magagawa sa mga ka chakahan mo dyan sa mahal mong si Sandy! SIGE! Bilisan mo na yung pag ji-gym mo at yung date nyo...HMP." "Okay. :) " Di ko talaga ma gets. Habang tumatagal ko syang kinakausap mas lalo ko syang nakikilala at the same time, mas lalo kong nakikitang gustong-gusto nya si Sandy. Habang tumatagal akong nakatitig sa kanya, mas lalo kong iniisip kung crush ko na ba sya o ano na? Di naman siguro, infatuated lang...kasi, PAMBIHIRA, di ako pwedeng magkandarapa sa lalaking di ko naman DAPAT type! [STEP #13] Bridgette Reah Francisco: Tingnan mo tuloy! He started the car engine. "May sasakyan ka pala!!" Sabi ko as I fastened my seatbelts. "Pero, loko-loko ang makina nito eh." "ANO?" Humalukipkip ako. "Oo! Mapilit ka kasi eh! Bahala ka!" Then the car started. HMP. Oo! Pinilit ko syang ihatid ako sa bahay namin! GOODNESS! Sa ganitong oras, ipapagtaxi nya ako? WAW naman Rico! Batukan kita ngayon! NAKUUUU Talaga tong lalaking to. Hindi na ako umimik habang nasa loob ng sasakyan nya. Mabango ang sasakyan, mukhang bago kaya di ako makapaniwalang nag loloko to. NAPAKA BORING! Binibilang ko na lang ang mga sasakyang dinadaanan namin para at least di ako ma bore to death. Hanggang sa biglang tumigil. Akala ko traffic, kaso hindi eh. "OH." Sabi nya at napabuntong hininga pa. "Why? What happened? Don't tell me..." "Oo!" Ang sama ng tingin nya sakin. >:( "Hoy! Sinisisi mo ba ako?" Lumabas sya at tiningnan kung ano ang sira. "So ano? Maglalakad tayo?" Tanong nya. "Anong maglalakad huh? SH1T!" "Eh sabi ko naman kasi sayo eh..." Binatukan ko sya. "At bakit? Malay ko bang ganito pala talaga?" Tiningnan nya ulit ang soot ko hanggang sa matataas kong takong. "Mahal to no!" Singit ko habang pinapakita ang takong ko. "Nagtatanong ba ako?" "Come on Rico! Ano na? Wala ng jeep dito! Panu na? Malayo pa tayo!" "Mag lakad na lang kasi tayo eh! O, tawagan mo ang Papa mo!" "Naku! Tulog na ang mga yun! Tsaka, baka akala nila nasa bar ako." *KRIIIINGGG...* Agad kong binuksan ang cellphone ko. "Di natin pwedeng iwan ang-" "SHHH! Hello?" Tumatawag si Hiro. "Gette? Asan ka? Wala ka sa 1720 ah?" "Ah eh...nasiraan kami eh." "Huh? Sino ba ang kasama mo? Saan kayo?" Narinig ko ang malakas na tunog ng motor nya. "Huh? Ah..." Pinatay ko ang phone ko. "GHAD! I can't believe I almost told him we are here! Sh1t!" Umiling si Rico at itinuro ang isang inn. "Dun na tayo magpalipas ng gabi!" "ANO?" Sa mga sandaling yun, di na ako nakapagreklamo. Kahit pangit tingnan na sa isang inn kami pupunta para ngayong gabi, wala na talaga akong ka wala! "Buti pa si Hiro...di nya siguro hahayaang ganito ang mangyari!" Bulong ko. "Edi si Hiro na lang sana ang pinasundo mo!" Singit nya. "Alam mo namang di pwede diba?" Tumahimik kaming dalawa. Pagdating namin sa inn... wala masyadong tao. CREEPY nga eh. Kung di lang talaga mailaw, mapagkakamalan ko tong haunted house. Kumuha kami ng isang kwarto at agad pumasok. "I can't believe we're here!" Sabi ko habang nakatayo sa pintuan at nakita ko syang hinubad ang TSHIRT at humiga sa kama. "A-ano ka ba!" Sabay lingon ko sa labas. "What?" Tingin nya sakin. Kumurap-kurap ako. "You're displaying your..." Heavenly body! WHAT? "Huh?" "Yeah right, whatever!" Hindi ko alam kung bakit ako naiinis o kung kanino ako naiinis. Di ko rin alam kung bakit parang gusto kong tumawa ng tumawa na lang buong gabing yun. "Di ba mag-aalala ang Mama at Papa mo?" Tanong nya habang nangalumbaba sa kama. Pumasok na ako at sinarado ang pinto. "I ti-text ko na lang!" Habang hawak ko ang cellphone ko, ay nakita kong tumatawag ulit si Hiro. "Hello?" Tumingin si Rico sakin. "Where are you?" "Ah! Okay na ako! Nasa bahay na!" "Sinong kasama mo kanina?" "Ah! Bestfriend ko!" "Sino?" "Si..Uhm..Arianne." "Okay! Ingat ka!" Sabay patay. Arianne---bestfriend kong wala sa syudad na to. sige! Sinungaling ka talaga Gette! "Si Hiro?" OH MY. I can actually smell his scent na parang lalakeng lalaki. Ba't di ko yun naaamoy pag may damit sya? Di man lang ako makatingin ng maayos. "Uh, yeah?" "Wow. He is so caring!" Sabay ngiti. "yeah! TSSS. Too bad..." di ko na tinapos. Too bad I don't feel anything when I'm with him. "HAY. Kayo na ba ulit?" "Huh?" I chuckled. "Di ah!" "GOOD." GOOD? "Huh?" Ibinaling kong mabuti ang paningin ko sa kanya. "Don't settle for someone you don't like!" Tumango ako. Tumayo ako at bubuksan ko sana ang kurtina ng bintana sa harap ng madulas ako sa di malamang kadahilanan. "Gette!" Sabay salo sakin. In just one snap, nasa bisig nya na ako. Its...just...so...fast... As fast as my heart beat. >:( At dahil di naman sya si superman, sumalpok kaming dalawa sa sahig at nahalikan ko sya ng disoras. I touched my lips at nakita ko syang napapikit sa sakit ng kanyang likod. "A-are you..fine?" Tanong ko at umayos. Agad ko syang inalalayan. It's a kiss. NO MEANING AT ALL. But why am I losing my control? SYIT! This can't happen to me! This can't! I mean, ni hindi ko nga na feel ito ever since kahit ang dami kong lalaki. Di pwedeng sa kanya ko to maramdaman! HELL! "Ang sakit ng likod at siko ko!" Agad kong nakita ang mga sugat sa siko nya. "SH1T. Bakit mo ba kasi yun ginawa? Tingnan mo tuloy! Kung hinayaan mo na lang sana akong namatay sa sahig e di sana nagkaganito?!" I'm worried! Of course, he saved me. "I don't want you to be hurt!" I know. I know what he means. WALANG MEANING. Ayokong lagyan ng meaning pero namfutsa bakit parang diksyunaryo ang utak ko ngayon? Nagbibigay ng maraming meaning? AHHHH [STEP #14] Bridgette Reah Francisco: this close "I don't want you to be hurt!" SH1T. Inalalayan ko sya para makaupo ng maayos at tiningnan ko ang kanyang sugat. Di naman masyadong masakit (siguro) pero dumugo talaga sya. Mahapdi. "Ayan tuloy!!" Kinuha ko ang alcohol sa loob ng bag ko at kumuha ng bulak sa first aid kit ng kwarto namin. "Sa susunod kasi mag-ingat ka!" Sabi ko ulit habang linalagyan ko ng alcohol ang sugat nya. "Aray!" Sabi nya habang hinawakan ang braso ko. "You're hurt!" Sabay tingin ko sa braso kong may konting gasgas. >:( Hinawakan nya to at binawi ko agad. "Loko ka ba? Ikaw na nga yung nasaktan sa likod at nasugatan tapos ako pa ang inaalala mo?" Umupo sya ng maayos at nakikita ko sa kanyang mukha ang sakit na nadarama nya sa kanyang likod. "You're hurt too." Sabay kuha ng bulak at alcohol para gamutin ang kapiranggot kong sugat. "Rico. Wag ka ngang masyadong---uh..." Dahan-dahan nyang ginamot ang sugat ko at binalewala ang mga sinasabi ko. SWEET. Bakit ganyan na ito ngayon sa paningin ko? "Ang mas mabuti pa, yung sugat mo ang unahin natin!" Sabi ko habang palihim nyang sinuntok ang likod nya. Bakit parang naiinis ako? Naiinis ako dahil malapit sya? Naiinis ako pero di sa kanya! Naiinis ako pero di sa sarili ko? Naiinis ako sa nararamdaman ko kapag malapit sya. >:( "May masakit ba sa katawan mo? Nabalian ka ba?" Tanong nya. "Ano ka ba! Binobola mo ba ako? Ba't ganyan ang mga tanong mo? Anong tingin mo sakin, made-out-of-glass?" Sasapakin ko na talaga to ngayon! Nakita kong palihim nya ulit na ininda ang sakit sa likod nya. "Sige na! Tumalikod ka! Imamassage ko ang likod mo!" "Ha?" "Wag ka ngang tumunganga riyan! Bilis na!" Pasalamat nga sya't nag offer ako! Kung di lang kasi nya ako sinagip eh. HMP. Tumalikod naman sya. "Anong malay ko, baka nabali ang likod mo o ano---tapos pag namatay ka, ako pa ang sisisihin mo at hindi matatahimik ang kaluluwa mo!" Minasahi ko ang malapad na likod nya. Anak ng... hindi ko talaga maiwasan ang pagiisip sa kanya. Ang bango-bango at ang lambot-lambot pa ng balat. Purmadong-purmado ang mga muscles at wala kang maipipintas sa kanyang katawan. ANG KISIG-KISIG. Pinuk-pok ko ang ulo ko. Ano ba kasi ang iniisip ko... baka lumala lang ang infatuation ko neto! "Gette!" ARAY NAKU. Lumakas ang pintig ng puso ko. "Huh?" Sabi ko habang minamassage ang likod nya. "Unang halik ko yun!" Para akong binagsakan ng malaking bato pagkasabi nya. Nalimutan ko ang parteng iyon! Nalimutan kong nahalikan ko sya. CRUSH KO, NAHALIKAN KO. Ghad! "Unang---halik?" Tumango sya. "Sa iyo ko naibigay." Sumalpok na naman ang mga bato sa ulo ko pagkatapos nyang sabihin yun. I bit my lower lip! Nag simula na namang magwala ang puso ko. "So? Should I say sorry or what?" Yeah, alam kong di nya balak sakin ibigay yun. Haller! What's the big deal ba? Kung first kiss? Smack lang naman yun eh! Ano ba tong isang to. "Bading ka ba?" Biro ko. "Huh?" "Bakit big deal sayo ang ganun? Sa babae lang ata yun big deal eh! Bading ka ata eh?" GRR... Hindi sya nagsalita. Napailing ako at minamasahe ko parin sya. "So...masyado mo siguro talagang dinibdib yun? Kung sa bagay, NERD ka eh... kaya siguro. Sige, ganito na lang... ERASE that thing on your mind okay? Isipin mo na lang na di yun nangyari!" Habang sinasabi ko yun, bigla kong naramdaman na pabigat ng pabigat na ang kanyang katawan. Hanggang sa sumandal na sya sakin! "RICO! Ano ba!" Sabi ko. Nakatulog na pala ang NERD. Ang himbing ng tulog, parang walang kausap kanina. Kung nakatulog sya sa halip ng pag-iisip tungkol sa unang halik nya, ibig sabihin---it was not a big deal! "Aray!" Di ko maigalaw ang katawan ko dahil ang bigat nya, umayos ako pero di ko talaga makuha ang kanang kamay ko na sinasandalan ng ulo nya. Hahayaan ko na lang bang ganito kami buong gabi? NO!? Pero, di ko na maigalaw ang braso ko at mukhang wala na akong magagawa. Kung gisingin ko to makikita nya ang kalagayan namin ngayong daig pa ang bagong kasal sa pagkakatabi sa kama. Ilang sandali, lumingon sya sa akin (pero nakapikit parin ang mata). OH LORD. His lips is almost touching my cheeks. I can't move for even 1degree kung ayaw kong mahalikan sya. Halik? "Rico. I hate it when you're this close!" At parang di na ako dinadalaw ng antok sa kakaisip sa halik nya! Bakit parang ako pa ngayon ang nagkafirst kiss kanina? Bakit ako ang nag-iisip sa halik at hindi makatulog, bakit di sya? "My first kiss was with you." ANAK NG NYETANG DAGA. Gising ang NERD? Napalingon ako sa kanya at nahalikan ko ulit ang NERD. Uminit ang pisngi ko, pati ang ulo ko nung nakita kong patay sa tulog sya. "Rico! Wag mo nga akong biruin dyan!!! Gising ka ba?" Sigaw ko. HALA. Narinig nya kaya yung pinagsasabi ko kanina? Di sya nagsalita, natulog lang sya ng mahimbing. Dont tell me this NERD is thinking about it kahit tulog na sya. And oh my ghad 'my first kiss was with you'. [STEP #15] Bridgette Reah Francisco: Si Rico? "Parang ayoko na!" Pabulong kong sinabi ang tunay na laman ng aking ISIPAN---Hindi puso! "Huh? Anong sabi mo?" Tanong ni Rico sakin habang inaayos ang kwelyo niya at sinuklay ang buhok niya sa harap ng salamin namin. Isang linggo. Tama, isang linggo akong nag-isip simula nung nastranded kami sa hinayupak na inn na yun nang na REALIZE kong mahal ko siya. HINDI KO SIYA MAHAL. Kasasabi ko lang pero, hindi yun ang ibig kong sabihin. Mas tumpak sabihin na---may nararamdaman ako sa kanya. Okay. Tama iyon! May nararamdaman ako sa kanya at di ko iyon maipaliwanag. Unang pinagdudahan ko na mahal ko siya pero langya papanu ko mamahalin eh naiinis nga ako sa pagmumukha niya. "Gette? May sinasabi ka ba?" Sabi niya habang inaayos ang three roses na dadalhin niya para sa date nila ni Sandy. "Sabi niya, parang ayaw na daw niya!" Napalingon ako at bumulaga sakin si Mama at si Papa na nakatayo sa gilid ng pintuan. "Ma... Ano ba? Akala ko ba aalis kayo?" "Hay naku, bukas pa no!" Sabi ni Mama. "Alam mo Gette, dinig na dinig ko ang sinabi mo kanina kaya wag mong iwala ang usapan okay?" Singit ni Papa. Tinitigan ko sila ng parang di na natutuwa sa mga sinbi nila. "Okay, okay, aalis na kami. Di na kami makikialam! BABAYOOOO!" Agad namang umalis ang dalawang asungot. Linock ko na ang pinto para masiguradong di sila makapasok. "Gette? Ayaw mo na? Ng ano?" Tanong ng manhid na si Rico. "Ha? W-wala." Palusot ko. Inayos niya ulit ang buhok niya sa salamin. "Ayaw mo ng makipagdate ako kay Sandy?" TUMPAK. Este, ba't naman ako aamin aber? My pride men. I can't tell him that! Baka masira lang ang pagkakaibigan namin. Pagkakaibigan. Kailan nga ba nasisira ang pagkakaibigan? Kapag may na inlove ng isa? Pero, kapag in love ang isa at in love din ang isa---inlove sa isa't-isa ibang usapan na iyon. MAS MAGANDANG USAPAN. Pero, hindi eh. He loves that NERDY-Sandy. "Hindi ah! Ba't naman magiging ayaw ko nun? Wala, pagod kasi ako ngayon!" Napabuntong-hininga ako. Lumapit siya sa akin at... "Gette! Wag ngayon! Eto na ang pinakahihintay nating sandali! Ngayon ka pa susuko?" Hinihintay mong sandali. Hindi natin. Impyerno kaya to para sa nananahimik kong puso noh. "Oo alam ko! Kaya nga andito parin ako." Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya. "O sige na! Bilisan mo na! Tandaan mo yung mga sinabi ko ah!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Yung tanong ah? Tanungin mo kung gusto ba niya ng ganoong lalaki---the banda dude or something like that! Wag mo muna siyang tanungin tungkol sa panliligaw mo ah? Kundi lagot ka sakin." "Oo na." Sabi niya ng walang kabuhay-buhay. Alam niyo. Mahirap talagang aminin ang tunay na nararamdaman. Kasing hirap ng pagamin na kaibigan ko ang NERD na Ricong ito. Kaibigan ng isang sosyal na gaya ko. GRRR... "Aray!" Naman, ang hirap namang bantayan ang dalawa! Nakapagtago nga ako dito sa isang silya ng isang table. Ang dami namang tumitingin sakin. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang itsura ko dito sa tabi. Itinaas ni Rico ng palihim ang thumb niya para senyasan akong okay na silang dalawa roon at pwede na akong LUMAYAS. alangya. Okay fine! Padabog akong tumayo sa pagkakasquat ko para lang magtago sa silyang yun. Tumalikod ako at bumulaga sakin si... "Anong ginagawa mo riyan?" Tanong ni Hiro. Si Hiro. Namfutsa. Anong gagawin ko? Nakita niya? Si Rico? Lumingon ako kay Rico at Sandy ng nakita kong mabuti ang kalagayan ng dalawa habang hinahawakan ang menu. Napansin kong tumingin din si Hiro sa banda nila kaya hinila ko siya papalabas ng restaurant. "Teka. Gette! Anong ginagawa mo dun?" "Wala. May sinundan lang ako. :) " Come on Gette! Let your brain work! Anong pwedeng palusot? Anong mas magandang palusot ang pwede? "Ah! Lika. Punta tayo sa 1720 ngayon. Hinahanap ka na nina Anya at Sam. Di ka na raw masyadong nagpapakita eh." "Ha? O sige!" Isang beses ko pang liningon ang table na kinaroroonan nina Rico at umalis na rin kasama si Hiro. Ano kaya ang gagawin ng dalawang yun? Ano ang sasabihin ni Rico? Di kaya siya matorpe? Di kaya niya mabulilyaso ang plano? Ano ang mangyayari sa kanila? "Sh1t. Penge pa nga ng isa!" Sabi ko habang inilagok ang panglima o pang-anim na baso ng tequila. Nakangangang nagmamasid si Anya at Sam sakin. "Akala ko ba kami ang papainumin mo ngayon? Bakit ikaw ang umiinom riyan? At parang ikaw pa ata ang uubos ng inumin mo?" Tanong ni Sam. "Edi uminom din kayo! Simple." Inilagok ko ulit yung pang-pito. Ang sakit-sakit na ng ulo ko. Ang anghang na rin ng hininga ko pero ewan ko kung bakit gusto kong lasingin ang sarili ko sa gabing iyon. "Oo nga pala, asan na ba si Hiro? Kanina pa siya wala ah?" Tanong ni Anya habang tiningnan ang bawat sulok ng bar. "Isa paaa!" Sabi ko. Wala na ako sa sarili? O talagang gusto kong mawala sa sarili? "Ayan na pala siya!" Sabi ni Anya habang nakikita si Hirong binigwasan ng isang lalaki. Naghiyawan ang lahat ng nakita nilang bumagsak si Hiro. BUMAGSAK SI HIRO? "WOOOOOOOO. Sino yun? Di ko siya kilala ah? Pero, ewan ko. Mukhang... si Rico?" Sabi ni Sam na pumukaw sa naglalasing-lasingan na damdamin ni ko. "Si Rico?" Sabi ko habang tiningnang mabuti kung si Rico nga. Nakita kong umamba ng suntok na di na-tuloy si Hiro dahil agad siyang sinuntok ni Rico. Napatayo ako at nawala ang pagkalasing ko. Bago umalis si Rico linagok niya ang isang bote ng alak. Sa pagkakaaalam ko, malakas ang tama ng alak na iyon. "Wow. Rico is cool!" Sabi ni Anya. Nagkibit-balikat si Sam nung nakita niya akong umalis sa table. "Tutulongan mo si Hiro?" Tanong nila. "H-ha? Uhhh.. Hindi." Susundan ko si Rico. Pero, di ko masabi. "Magc-cr lang ako." Umalis ako para sundan si Rico. Anong nangyari? [STEP #16] Bridgette Reah Francisco: Sabi ko nga. "RICO!" Ang bilis ng lakad niya. Hilong-hilo pa ako, kaya di ko siya maabutan! LINSYAK. "RICO! SANDALI!" At sa wakas, tumigil siya sa paglalakad. Doon pa sa harap ntg park kung saan ko nakita ang makabagbag-damdaming eksena nila ni Sandy noon. Humarap siya sakin sabay turo sa 1720 at tumigil ako sa paglalakad. "Sabihin mo dyan sa boyfriend mong panggulo na wag niya ng ulitin yung ginawa niya kanina!!!" Sabi niya. Sa mukha niya, inis na inis siya sa nangyari. "B-Bakit? Anong ginawa niya? Tsaka, di ko siya boyfriend! Pwede bah." Dalawang Rico na ang nakikita ko. Epekto ng alak. SIYET. Papanu to? Ewan, nakokontrol ko pa naman ang isip ko at sinasabi ko. Kaya lang, iba na ang paningin ko. Pakiramdam ko, kapag naglalakad ako para akong nasa walkalator. At saka, mukhang gusto kong dumuwal. Kaso, pinipigilan ko. ARGH. Naparami ata ang inom ko. "Kanina, bigla na lang siyang sumulpot sa date namin ni Sandy. Tapos na ang date namin nung sinabihan niya si Sandyng pangit ang soot at napaka-jologs. >:( " Umiling siya at bumuntong hininga. "Walang hiya talaga yung walang modong lalaking iyon. Umiyak tuloy si Sandy. Akala pa ng ibang tao na ako ang nagpaiyak sa kanya. Agad kasing umalis yung boyrfiend mong yun eh!" "Di ko nga sabi siya boyfriend eh! >:( " "Ahh basta. Si Hiro. Nakakainis talaga. Di na ako nakapagpigil. Pagkatapos kong hinatid si Sandy, dumiretso na ako dito para bigwasan siya. Tsaka, kung di mo pa siya boyfriend, wag mo siyang sagutin ah? Napakawalang-hiya niya! Di ka nababagay sa kanya." Ewan ko kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi niya. Magiging masaya ba ako dahil concern siya? O baka umiyak ako dahil puro Sandy ang lumalabas sa bunganga ng NERD na to na MAHAL ko na. Lintik na pag-ibig. Parang naduduwal na naman ako kaya kinuha ko yung isang pakete sa bag ko. Minsan ko lang to ginagamit. I mean, ngayon ko lang to gagamitin. Nagagamit ko lang to kapag ganitong naduduwal ako sa maling pagkakataon. "Nakainom ka ba?" Tanong ni Rico habang pinapanood akong naghahanap ng kung ano sa bag ko. "Sh1t." Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit kasi. At sa wakas, nakuha ko na ang hinahanap ko. "O.. Ano yan?" Di na ako nakapagsalita. Basta ko nalang sinindihan ang sigarilyo. DEMN IT. Eh sa naduduwal ako at kelangan ko ng ganito sa pagkakataong ito. DEPRESSED PA. "Akin na nga yan!" Sabay kuha sa sigarlyo at tinapakan pa. Kinuha na rin niya ang buong pakete at tinapon sa pinakamalapit na basurahan. "Ano ba?" Pinandilatan ko siya. Bakit ba kasi masyadong pakealamero. Sino ba siya? Boyfriend ko ba siya? WALANG HIYA. Bakit ko siya susundin? Bakit ako matatakot. Sino ba siya? Ano ngayon kung mahal ko siya? "That's bad." "I'm bad!" I crossed my arms. "Gette! Ano ka ba! Nakainom ka ba? Amoy alak ka na! Naninigarilyo ka pa! Sinisira mo ang buhay mo eh!" "Di ah!" Pinandilatan ko ulit siya. Di na nga ako makatingin ng diretso dahil hindi ko na makontrol ang mga mata ko. Tumalikod siya at iminuwestra ang likod niya. "Huh?" Bakit ba? "Sige na. Sumakay ka na dito sa likod ko. Di ka makakauwi sa inyo dahil ganyan ang kalagayan mo! Sa bahay ka na lang magpalipas ng gabi." "Ha? Ano ka? Baka akala mo dahil ganito ako pwede mo na akong pagsamantalahan? EXCUSE ME! Matino parin ako noh!" "Huh? Sinong nagsabing pagsasamantalahan kita?" Tumawa siya. "Come on! I already have someone I love." "Sh1t. Ano naman ngayon? Eh lalaki ka naman! Ganyan ang mga lalaki. Kahit di nila gusto yung babae, they can always do it! Nature na nila iyon! Kaya nga dapat sa mga lalaki ay sinasaktan! HAHAHA." Loko. Traydor ang bunganga ko. Iba na ang tono ko. Iba na ang lumalabas sa bibig ko. OH NO! Di naman siguro ako magsasalita ng mga about LOVE ano? Di ko naman siguro maaamin sa kanya. HINDI! Hinding hindi ko iyon sasabihin. Kahit na magunaw ang mundo. Siya na lang ang dapat makaisip na may gusto ako sa kanya! Di ko pwedeng sabihin sa kanya! HINDING HINDI. HINDI. HINDI. HINDI NGAYON? Este. Hindi talaga. As in NEVER. "Haha. You're funny. Male species are like that! Natural na sa kanila ang ganun. Kaso, iba na kapag may minamahal na. Ibang usapan na." Sandy. Na naman. "Ngayon, halika na at alam kong di ka na makakalakad ng diretso at malayo pa ang sasakyan ko dito!" Lumapit ako ng padabog at pinukpok ang ulo niya. "Aray!" Sigaw niya. "Sasakyan mo? Baka masiraan na naman tayo?" Linagay ko ang mga braso ko sa leeg niya at inayos niya ang mga paa ko. Ang lapad ng likod niya. WHEW. What do I expect? May ari siya ng isang gym. So, probably dun niya nakuha ang mga muscles and all stuffs. Nagsimula na siyang maglakad. Amoy na amoy ko ang buhok niya. AWWW. "Di na tayo masisiraan. Pinaayos ko na yun. Natuto na ako noong nastranded tayo sa mukhang haunted house na inn." Hanggang sa naramdaman kong nakarating na ako sa sasakyan niya. Agad siyang nagdrive. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang nasa daanan kami. "Gette?" "Hmmm?" "Ang ganda ni Sandy kanina no?" "Hmmm." So what? I'm still hotter than her. SHHH.. Gette! Hold back. "Alam mo? Pumayag na siyang ligawan ko. MAY PAG-ASA AKO." "The hell I care!" Biglang tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid. HAY AKALA KO GALIT SIYA. "Traffic lang pala." Nasulyapan ko si Rico na tumitingin sa akin. "Ano na naman ba?" Pumikit ulit ako. "Gette naman! You should be happy for me!" "OO!" Binuksan ko ulit ang mata ko at nakita ko siyang nakasandal sa manibela habang nakatitig parin sakin. Pumikit ulit ako... "Oo na! Sige na! Masaya na ako! ACHIEVEMENT. Whatever." "Bakit parang napipilitan ka lang!" "HAHAHAHA. Anong gusto mo? Magpasagasa ako sa tren dahil sa tuwa na nagpaligaw na rin sa wakas yung...walang hiyang...nerd na yun?" "Wag mo nga siyang tawaging ganyan!" "Eh sa, totoo naman eh! NERD NERD NERD." "NERD DIN NAMAN AKO AH!" Binuksan ko ulit ang mata ko at nakita kong kumunot ang noo niya habang pinaandar ang sasakyan dahil green na ang traffic light. "Oo nga! Sabi ko nga!" NATATAKOT AKONG MAGALIT SIYA SAKIN. :'( [STEP #17] Bridgette Reah Francisco: ang lalaking pinaka gusto ko... ay... "Gette?" Naamoy ko yung linuluto niya pero di parin ako gumagalaw sa pagkakahiga ko sofa ng sala niya. Nakapikit na rin ang mga mata ko pero ayoko pang matulog. "Gette. Tulog ka na?" Sabi niya ulit habang mas naamoy ko na ang luto niya. "Kumain ka!" Dumilat ako. "Kape na lang pwede?" Pumikit ulit ako. "Di pwede." Dumilat ako at kumunot pa ang noo ko. "Bakit di pwede?" Aray ang sakit ng ulo ko. "Ma dedehydrate ka niyan!" Nakita ko siyang naka-squat sa harap ko habang pinapanood ang pagidlip ko sa sofa. Bumuntong hininga ako at pumikit ulit. "Sige na! Pinagluto kita! Kumain ka na! Sabay tayo. Malungkot kumain mag-isa." Pinandilatan ko siya nung nakita ko ang mga mata niyang hindi ko matatanggihan. Pero, kaya ko paring mag inarte. "Sh1t. Kumain kang mag-isa mo! Di mo ba nakikitang gusto ko nang matulog?" "Hahayaan mo ba akong kumain ng walang kasabay?" Lambing niya. Kaya, tumalikod ako sa kanya at hinarap ang kabilang bahagi ng sofa. "Kung gusto mo ng kasabay, tawagan mo si Sandy!" *I NEED YOU BOO...I GOTTA SEE YOU BOO...-* Tunog ng cellphone kong nasa bag ko sa mga sandaling iyon. "Hello?" Sinagot ng NERD. Pinilit kong bumangon at umupo sa sofa. Light-headed. Ang galing. Sa puntong ito, inaamin ko sa sarili ko na LASING na ako. Ni hindi ko na maayos ang paningin ko, pati ang ulo ko di ko na matuwid ng maayos. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kay Rico. "Si-Si Gette?" "Rico, si Mama?" Tanong ko habang ilinagay ang ulo sa sofa. "UH. Wala, uhm. Wala siya rito." Ba't niya dinideny na andito ako? Si Mama lang naman iyan ah. Nakita kong in-off niya ang cellphone ko. "Ba't di mo sinabi?" Tanong ko. Inilapag niya ang cellphone ko sa mesa na nasa harapan ko at nagpunta agad siya sa kitchen. "HOY! Rico!" Sigaw ko. "Halika na dito! Kumain na tayo! Ambagal mo talaga." Tiningnan ko muna ang cellphone ko. Nakita kong si Hiro pala ang tumawag kanina. Kaya napilitan akong tumayo at maglakad ng wala sa tono. Buti na lang at di malayo ang kitchen. Nakita ko siyang tulala habang may limang french fries sa bibig niya na. OH. Kahit ganito ang pag-iisip ko, I still find him cute. "Hoy! Anong sabi ni Hiro? Sinabi mo bang Rico ang pangalan mo?" Umupo ako sa harapan niya sabay twist sa leeg ko. "Hindi." Nginuya niya ang kanina pang nakatambak na french fries sa bibig niya. "Inumin mo iyan." Sabay abot ng isang tasa. "Anong sinabi niya?" Tanong ko. Binigyan niya ako ng isang malagkit na titig kaya kumunot ang noo ko. "Boyfriend mo na pala siya, ba't di mo sinabi?" "Huh?" Napahawak ako sa leeg ko. "Boyfriend?" Pumikit ako. "Sige na! Saka na lang, inumin mo na ang tsaa mo. Tsaka, kung ayaw mong kumain, wag na lang. Amoy alak ka. Kailangan mo ng magpahinga." Ininom ko ang tsaang ibinigay niya. Ang init, ang sarap sa tiyan. "Anong sabi ni Hiro? Di ko nga kasi siya boyfriend!" Tumambak na naman ang french fries sa bibig niya. HE IS SO CUTE with that look. Parang bata na pinaglalaruan ang french fries. "Ganyan ka na ba talaga ka lasingera? Bakit parang ayos ka pa rin kahit amoy na amoy ko ang alak sa kinauupuan ko?" AKALA MO LANG YUN! Ang totoo... sumandal ako sa mesa. "HAAAY naku." Linapitan niya ako at binuhat patungo sa kwarto niya. "Isa lang ang kwarto ko kaya pagtiyagaan mo na!" Ay naku. Na feel ko na ang lambot ng kama niya. Ilang sandali, umalis siya at bumalik din agad na may kasamang kape (naamoy ko kasi). "Rico." "Hmmm?" Nakapikit ako pero ayoko pang matulog. Marami pa akong gustong itanong. "Anong sabi ni Hiro?" "Hmmm. Boyfriend mo daw siya at sino raw ako. Nagtanong din siya ko asan ka. Andami niyang tanong kaya binaba ko na!" "Ganun ba? Hindi ko siya boyfriend, gag0." Sabi ko habang humarap sa kasalungat na direksyon kay Rico. "Asa siya." "Ba't ka nga ba walang boyfriend ngayon?" Tanong niya. "Ay ewan." "Sino ba ang gusto mo ngayon?" "Hmmmm?" Patay, pinagsasamantalahan ata ako nito, VERBALLY. "May gusto ka ba ngayon? O baka naman, may taong seryosong gusto mo pero natatakot ka lang magseryoso?" "Hmmm? Ha. Ha." "Meron noh? Kasi, milagrong wala kang boyfriend ngayon. Tsaka, ba't wala akong alam tungkol sa lovelife mo?" "Samantalang ako... alam ko ang lovelife mo?" Sabi ko. "Oo. Sino ba ang gusto mo, Gette? Sino ba ang mahal mo?" "Gusto mo ba talagang malaman, Rico?" Tanong ko. "Oo." "Ayoko. Hehe. Baka mailang ka! Baka magalit ka! Baka di mo na ako kaibiganin?" Humarap ako sa direksyon niya at nakita kong seryoso siya habang lumalapit sakin at inilapag ang tasa ng kape sa isang mesa. "Hindi ako magagalit. Hindi ako maiilang. Tsaka, ba't naman ako maiilang at magagalit? Masisiyahan siguro!" Kumunot ang noo niya. "Kung ganun... ang lalaking pinaka gusto ko, at mahal ko na yata ay..." Lumapit pa siya kaya ngumiti ako. "Si Piolo Pascual." HAHAHA. Asa siya, never. Hinding-hindi niya malalaman. [STEP #18] Bridgette Reah Francisco: Kunin mo siya. "Gising na, Bridgette!" Narinig ko ang boses ni Rico at may amoy kape ulit. "WALANG HIYA! May pasok ba!?" Agad akong bumangon. "Wala! Sunday!" Sabay abot sa cellphone ko. "Tinawagan ko na yung Mama at Papa mo." I rubbed my eyes. "Kamusta na si Piolo? HAHA" Tumawa siya. "Wag mo nga akong biruin!" Gumalaw ako para tingnan kung sumakit ba ang ulo ko. "Abaaa. Di na masakit ang ulo ko ah!" "Siyempre! Yung tsaang ininom mo kagabi, pampawala iyon ng hang-over." Tumango ako habang pinagmamasdan siyang naka white na long-sleeve na para bang ang cool ng dating. Binuksan niya ang isang pintuang may kurtina sa gilid at nakita ko ang araw. May balkonahe pala dito? Tsaka, may nakita pa akong duyan at sumakay siya doon habang hawak ang tasa ng kape. Pumunta na rin ako doon at linanghap ang sariwang hangin. Ang ganda ng view. Kahit malayo talaga sa city itong bahay nila o niya, at least may ganitong tanawin diba? Di tulad samin, subdivision - boring. Puro mga bahay lang ang makikita mo. "Kamusta na si Piolo?" Lumingon ako sa kanya at nakangiti siya. "Ano bah! Binibiro lang naman kita eh!" Sabi ko. Hindi naman siya nagsalita. "Kamusta ang date niyo?" Tanong ko. "Hmmm?" "Maayos ba? Except sa part na umepal si Hiro?" "Ayos naman. Actually, nabigla siya nung nalaman niyang sasali ako sa isang banda at mukhang mas naging interesado pa siya sakin." "Ganun?" Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin. Lumingon ako at humarap sa kanya. "Mga low-profiled people talaga oh, gagawin na ang lahat para lang mapasali sa mga 'IN'" Bulong ko habang humalukipkip. "I mean, siya... Nanliligaw ka sa kanya, saka ka lang niya sasagutin kung naging 'in' ka na. Para maging 'in' na rin siya." Napabuntong hininga ako. "Kung ganun? Sasagutin niya ako kung sasali ako?" OMG. Sasapakin ko na talaga siya. Bakit puro Sandy na lang talaga? Bakit ganyan siya? Bakit parang ang tanging goal niya ay ang mapasagot iyong NERD na iyon? Bakit di niya problemahin ang major subjects niya. Kung sa bagay, matalino naman siya. "Gette, kung sasali ba ako sasagutin niya ako?" "ABA EWAN KO BAH. Di naman ako si Sandra. Kababawan yung isang iyon." Pinandilatan ko siya. Naalala ko, isang banda lang ang sikat na sikat at malakas ang dating sa aming skwelahan. Kumakanta sila ng rock at kung nasa mood ay slow. ISANG BANDA LANG. "Kung ganun... Sasali ako sa 'HERO'." Nanlaki ang mata ko habang nanggigigil. OH HINDIIIII! NO WAYYYY. "Sh1t. Ano bah! GUNG-GUNG KA BA? Wa'g mo nga akong biruin ng ganyan!" Tinitigan niya ako. Seryoso siya. Halatang madidisappoint siya kapag di ako pumayag. "Wala ka bang tiwala sakin, Gette?" Tanong niya sakin. Linapitan ko siya at sinapak. Nagulo ang buhok niya at inayos lang niya sa pamamagitan ng mga daliri. "TIWALA? Like duh!!!? HERO? Si Hiro ang vocalist dun! Di porke't nangangailangan sila ng base ngayon magpapataas ka na lang ng kamay at magvovolunteer." Oo! Hero ang pangalan ng banda nina Hiro. Papaano siya makikihalubilo dun? Naloloko na ba siya? "Okay naman ako ah? Di na ako NERD sa pananamit. Marunong naman akong mag guitar. Nag-gi-gym na ako. Ano pa ba, Gette?" "Ay, Rico. saan mo ba linalagay ang kokote mo?" Tanong ko habang sinapak ulit siya. "Ano ba! Wa'g mo nga akong i-harass!" Sagot niya. "Gusto ko lang talaga si Sandy!" Dagdag pa niya. Linagay ko ang mga palad ko sa noo ko at nagpabalik-balik sa paglalakad. "Mabu-bully ka lang doon! Mas lalo kang mapapahiya!" Sabi ko. "Gette, nag desisyon na ako. Wala ng urungan `to." Na lintikan. Ba't ba kailangan ko pang gawin ang mga sinasabi niya. Oo! Ako na ang bahala sa lahat. Para sa kanya. JUST TO SEE HIM SMILE. This is not about my feelings for him. Ayoko siyang isali sa grupo kasi alam niyo naman di ba? It's not that I don't want Sandy to be impressed with him. It's not about that. I just don't want him to be bullied. "Gette, sigurado ka ba talagang sasabay ka sa pag-uwi ko?" Tanong ni Hiro habang nakaupo ako sa isa sa maraming upuan sa school theater namin. Nasa stage siya, ngayon gaganapin ang audition para sa base nila. And Rico... "Gette," Napatingin ako sa pagmumukha ni Hiro. "are you okay? Sino nga pala yung sumagot sa phone mo last call ko?" "Huh? AHHH. Yun ba? T-taxi driver y-yun. Naiwan ko kasi yung phone ko nun. Pero naibalik na sakin." Tumango siya. "So... Are you sure you're going out with me tonight?" Tanong niya. "GOING OUT?? HUH?" Lumingon ako sa mga nagdagsaang mag au-audition. Nakita ko si Rico. Sa likuran niya, si Sandy. Ba't kasama pa niya ang NERD na iyan. OMG. Baka di siya makuha! "I just thought, akala ko may bagong boyfriend ka na. Kasi, pamilyar yung boses nung sumagot-" "Wala nga eh! Tapos, sinong nagsabing I'm going out with you tonight!" Makikichika pa ako kay PIOLO---Este, Rico. Di niya pinansin ang sinabi ko at natuon ang tingin namin sa kay Rico at Sandy na dumaan sa gilid para umupo sa pinaka unang upuan. "LOOK WHO'S HERE! The two nerds!!!" Tumawa ng malakas si Hiro. Ayan na naman ang pambu-bully niya. "O, Sandy, I didn't know that you two are going out!" With his evil smile. Kumapit ng mabuti si Sandy sa braso ni Rico. Yumuko si Sandy at nagtago sa likuran ni Rico. "Okay lang iyan Sandy." Sabi ni Rico. "HAHAHAH >:D So? Mag o-audition ka? Marunong ka palang humawak ng gitara? So, you think patatawarin kita sa ginawa mo sakin sa 1720?" Sumulyap si Rico sakin at nakita kong mangiyak-ngiyak na naman si Sandy. LIKE DUH? What's her drama bah? Ba't ganyan siya. SH1T. Alam kong binubully sila ni Hiro. Pero masyado naman ata siyang OA. "Oo. Mag o-auditon ako. At sisiguraduhin kong mag mumukha kayong baguhan." Bago siya umalis, nakita kong inabutan niya si Sandy ng panyo. :'( "abaaa. Tingnan natin! Di ko siya kukunin. HAH!" Bulong ni Hiro. Hinawakan ko ang kamay ni Hiro. "Kunin mo siya!" Yumuko ako. Sumikip ang dibdib ko habang sinulyapan ko ulit na pinupunasan ni Rico ang mga luha ni Sandy at nakikita kong tinatahan niya si Sandy. [STEP #19] Bridgette Reah Francisco: Ayoko nga! "I take, one step away from you..." Nasa chorus na si Rico habang ako dito nakatayo at nakanganga sa kanya. Ang lambot ng boses niya.... "...I find myself coming back... to you.... My one and only, one and only..... you.." AWWWWWWWW. Feeling ko ako ang kinakantahan niya. Kaso, nakatingin lang siya sa gitara. Si Sandy naman, feel na feel din ang kanta at parang natutunaw sa boses niya ang mga babae dito. "NEEEEEEEEXT." Sigaw ni Hiro. "Rock music ang gusto kong mapakinggan ngayon, hindi drama!" Ibinaling ko ang mga mata ko sa kanya at panay ang titig niya sa akin kaya tinitigan ko siya at tiningnan niya si Rico. "Sige na!!" Umalis naman si Rico sa harap at parang binuhusan ng mainit na tubig ang mga nagandahan sa performance ni Rico--kasama na ako. Kinuha ko na yung bag ko at umalis. ALANGYA. Ayaw niya talaga? Ang tigas ng ulo. OH EM GEEE. Alam kong di niya kukunin si Rico. Napahiya tuloy si Rico sa mga tao. Okay naman yung performance niya eh. Si Hiro talaga!!! Papalabas na ako ng theater nung narinig ko ang pag strum ng guitar at... "Take time to realize...that your warmth is..." SI RICO!!?!?!?!? Napalingon ako at tumingin sa stage at nakita kong siya nga! Ano ang ibig sabihin nito? "Just realize what I just realize..." "Rico?" Bulong ko hanggang sa may narinig akong bumulong sakin... "Now, I can date you again!" Si Hiro pala. Tinigasan ko ang nanlalambot kong sarili dahil sa boses ni Rico. "No you can't!" "Kung ganun? Ano ang kapalit kung tatanggapin ko si Rico?" Umiling ako, "Papansinin kita." "Papansinin mo ako? Pinapansin mo naman ako ah?" "Hindi kita papansinin kong di mo siya kukunin!" Sabi ko. "Ano ba? Bakit ba? Ano ba si Rico sayo? Mag kaibigan ba kayo?" Tanong niya. "H-Hindi ah! Paano naman kami magiging mag kaibigan? Ts-tsaka...-" "Kung ganun? Bakit mo siya tinutulungan!" "Kasi, alam kong may potensyal siya!" Palusot ko. "Kelan ka pa naging judge sa mga may potensyal at wala?" Di ko na sinagot. Umalis na lang ako. SYEEEEEET. Panu kong malaman niya? Paano kung may makaalam na kaibigan ko si Rico? Paano kung may makahalata? Paano kung malaman nila na may gusto ako kay Rico? At paano kung malaman ni Rico na may gusto ako sa kanya? Sino na lang ang magiging kaibigan ko? WAAAAA. Muntik na akong nalunod sa bath tub habang nag-iisip sa mga possibleng mangyari kung nalaman ng lahat ang secreto ko. Linaro ko ang rubber duckie sa harap kong lumulutang lutang sa bubbles. "GEEEEEEEEEEEEEETTE!" "Ay, walang hiya!" Nabigla ako. "MA!! Ano???" "Andito si Rico!!!" "HA??!---oh emmm geee. Sh1t. Ang walang hiyang NERD na yan! Ba't andito?" Bulong ko. "Geeette! Bilisan mo riyan ha? Naghihintay siya." Sigaw ulit ni Mama. Kaya binilisan ko na ang mag kilos ko. Ba't ko bibilisan? Di ako excited na makita siya ah! At lalong di ako defensive. Ay ewaaan. Bilisan ko na lang talaga. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako at nakita ko siya. "WOW. So cool." Bulong ko. "Ano, Gette?" "H-Ha? W-Wala! Ano? Kasi? Ano bah? What are you doing here?" Lumingon ako para hanapin si Mama at Papa pero wala naman sila doon. "Nandun sila sa garden niyo. Mukhang nag gagardening." Sabi niya. "Hindi iyan ang tinatanong ko!" "Andito ako para mag pasalamat sayo!" Sabi niya sabay sandal sa sofa. "Para saan?" "Dahil natanggap ako! At alam kong dahil yun sayo!" Natanggap siya? Akala ko nagbibiro si Hiro nun? Akala ko di niya tototohanin? "Labas tayo, Gette?" "H-ha???" "Oo! Sige naaah!" Sabay hila sa kamay ko. DATE? LOL. Hindi Gette! Are you crazy? Why am I thinking about these things? "Bakit ba?" Tanong ko. I'm hesitant, of course. And I don't know why! Bakit kaya? Natatakot ako dahil baka mas lalo akong magkagusto sa kanya habang mas lalo siyang nagkakagusto kay Sandy. Ngayong natanggap na siya, siguradong mas lalong magkakagusto si Sandy sa kanya. "Wala si Sandy eh." Sabi niya. "Ahhhhh!" So ganun? Kung wala si Sandy, ganito? Papayag ba ako o hindi? "Ayoko nga!" Sabi ko habang papabalik sa kwarto ko. "Gette naman!" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Like duh! I don't wanna be the second choice. As in, I've never been the second choice. And I'll never be a second choice. [STEP #20] Bridgette Reah Francisco: si Sandy. "...Naisip mo na ba iyon?" Tanong ni Rico sakin habang nakaharap sakin at ako naman ay pumipili sa menu. Kanina pa siya nagsasalita, pero di naman ako nakikinig. Kanikanina lang tinatanggihan ko siya. Pero sa isang iglap lang, andito na kami. Nasa restaurant kami. Sa restaurant kung saan una kaming kumaing magkasama. At parehong waitress pa ang nag-se-serve samin ngayon. "Miss, tubig na lang!" Sabi ko sabay bigay sa menu. "Gette, ano bah! Uh miss, yung order ko, yun na rin yung order niya!" Tumango naman yung waitress at mukhang kinikilig na naman saming dalawa. Umalis siya at hinayaan kami. "...Asan na nga ba ako? AHHH. Oo, kaya siguro madali kaming nagkasundo ni Sandy dahil pareho kaming mahilig sa musika. HMMM. Ang ganda talaga ng boses niya no! Na gulat ako nung sinabi niya sakin na gustong-gusto niya ang boses ko..." Tumingin siya sakin at nakita niyang pinag lalaruan ko ang cellphone ko. "Gette, may problema ba?" MERON, IKAW! "W-wala naman." "Ba't parang wala kang gana!?" "At may gana ka pang itanong iyan! Alam mo namang ayaw kong lumabas diba!?" Pero, pinilit niya parin ako! And worst, he is holding my hand hanggang sa umupo kami dito para lang kaladkarin ako at maging proxy ng pinakamamahal niyang si Sandy! "Chill! Gusto ko lang namang makasama ka eh!" Sabi niya. Makasama ako? Wala si Sandy diba? Akala ko ba mag papasalamat siya sakin kaya ganito? Akala ko rin proxy ako? "Di kita maintindihan!" Sabi ko habang linalaro ang cellphone ko. "Wa'g ka ngang mag tampo! Utang ko sayo ang lahat ng mga tagumpay ko!" "Like duh! You don't need to tell me that you and Sandy are like soulmates or what!" Tumunganga siya. "I mean, bakit siya lagi ang pinag-uusapan natin?" Pinandilatan ko siya at sumunod na ang pagsisisi sa mga pinagsasabi ko. "Oh, sorry." Sabi niya na may halong pagtataka. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong ngumingiti siya. "Nagseselos-" "HINDI AH! Hindi lang talaga ako interesado sa pangit na Sandyng yun!" Sabi ko bago siya natapos sa pagsasalita. "Gette naman! Masyado ko talagang harsh! Wa'g mo nga siyang tawaging pangit! She is beautiful!" Sabi niya. "I'm more beautiful!" Sabi ko. "I know!" Di na ako nag salita. Agad dumating ang pagkain at... "Enjoy your meal!" Sabay ngiti niya samin. Di ako masyadong ganado kumain. Ewan ko kung bakit. Siguro, masama pa ang loob ko. "Gette, alam mo ang dami ko ng kaibigan ngayon! Halos lahat ng kakilala ko pinapansin na ako! Everything has change!" "Talaga? Good!" Sabi ko sabay subo sa pagkain kahit wala talaga akong gana. "O, ba't ang tamlay mo ata ngayon?" Tanong niya. "Wala," "May dalaw ka ba?" Tumigil ako sa pagkain at tinitigan siya. "WALA!" GRR! Batukan kita ngayon. "Kung ganun..." "Gusto kong kumain ng manga!" Bigla ko na lang naisip yun. "Huh? O-Okay." Bumuntong hininga ako. "Kung ganun, ubusin mo muna yan! Anong manga ba ang gusto mo? Matamis o maasim?" Tanong niya. OMG. Bakit niya ako tinatanong ng ganito? At bakit nagugustuhan ko? Mukha kaming bagong kasal at para akong buntis na naglilihi. Ayoko neto, kahit naki-carried away na talaga ako sa mga nangyayari. PLEASE RICO! STOP IT. "Maasim." Sabi ko. "So, kumain ka muna! Pagkatapos natin dito, maghahanap tayo ng maasim na manga!" Sabi niya sabay ngiti. Hindi ko na alam kung ano ang irereact ko sa mga ginagawa namin. Teka? Ano nga ba ang ginagawa namin? May masama ba sa ginagawa namin? Of course, for him, wala. But for me, mahirap. Pero, wala namang mahirap kung walang aamin diba? But how long can I keep this feelings? Dapat kasi di na lang ako pumayag at the first place. But since andito na ako, I can't escape. HAAAY, Rico, you got me. "HAAAAAAY. Busog na busog ako!" Sabi niya habang naglalakad kami sa labas at naghahanap ng manga. "AYUN!" Hinila na naman niya ako. Magka hawak kamay kami. Di pwedeng ganito na lang palagi. NOOOOO~! "Gette, eto o!" Sabay abot sakin ng maasim na mangga na kabibili niya dun sa aleng nagbibenta. Linantakan ko na agad. Umupo kami sa tabi kung saan makikita mo ang lake na nakapaligid sa buong syudad. "Gette, alam mo?" Tanong niya. Nginuya ko ang napakaasim na mangga. "Naiinggit si Sandy sayo!" Sabi niya at muntik pa akong nabulunan. "H-huh? B-bakit?" Kumain ulit ako ng isa. "Kasi, maganda ka raw, mayaman, maraming naghahabol na lalaki sayo at marami kang kaibigan. Nasasayo na ata ang lahat." Mas binilisan ko pa ang pag subo sa maaasim na mangga. "Gette, dahan-dahan lang! Para kang mauubusan jan. Bibilhan kita kung gusto mo pa. Tsaka, wa'g mong sabihin sakin na buntis ka?" tumawa siya. "Sh1t." Sabi ko. "Biro lang! Alam kong di ka ganun kahit ganyan ka manamit at umasta, I know a lot about you." "Sh1t." Sabi ko ulit. "Ba't ba sh1t ka ng sh1t?" Di ako makapagsalita. Com'on! Kailangan pa bang itanong iyan? Sa tingin niyo, ano ang sagot? HA? "Wala. May na realize lang ako." Sabi ko habang yumuyuko at sumandal sa wall ng lake habang nakaharap siya sa lake at linalanghap ang sariwang hangin. "Ano ang narealize mo?" Tanong niya. Ang sarap palang kumain ng maasim---kapag nasasaktan ka! "Uh," Tiningnan ko ang soot kong puro mamahalin at kung paanu ko ipinaghalo ang colors ng soot ko. Walang duda, fashionista. "ang ganda ng damit mo ngayon. Binago ko na sa wakas ang fashion mo!" "Ahhh! HEHEHE." "P-pwede naman niyang uhhh baguhin ang pananamit niya eh, I mean, si Sandy." Sabi ko. "Di tulad mo, kailangan niya pang mag part time sa 1720 sa pagkanta para lang may allowance siya." Sabi niya. I don't know what to say. I don't know what to do. "So... you've gone that far with your conversations huh?" Ewan ko kung magseselos ba ako o magseselos talaga. NAKAKAINIS, I made him the man that I want----pero sa iba siya napunta. Kahit na sabihin kong I like him unconciously since then, wala parin akong magagawa. Plus, Sandy's life made it worst. I looked like a b*tch and a witch between them. And that Sandy will look like a real-life Cinderella. ANONG GAGAWIN KO? "Oo! At mas lalo ko pa siyang nagugustuhan." Napasinghap ako. "Alam mo yun, she is so open. Sinasabi niya ang lahat tungkol sa kanya without hesitations---and I like it. She feels comfortable with me, Gette." Tumingin na lang ako sa langit at may nakita akong mga bituin. At least, kahit pala sa mga puntong pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko sa pamamamagitan ng pag tingin sa langit, may makikita parin akong maganda. THIS IS BAD. I CAN'T FALL IN LOVE---LIKE THIS. [STEP #21] Bridgette Reah Francisco: that nerd. "What's up with you, Gette?" Tanong ni Sam sakin. Nag mo-movie marathon kami sa bahay nina Anya. Dito na rin kami matutulog. It's still 9pm and we are watching random movies. "Ha?" Sabi ko sabay kuha sa potato chips. "Wala kasi, di ka na masyadong nagpupupunta sa 1720 eh." "Pumupunta naman ako ah!" I insisted. "Pero not that much like before. And, ang mas nakakapagtaka, WALA KAAAANG BOYFRIEND!" Tumaas ang pitch ng boses ni Sam. "Tsss. Ano ba!" sabi ko. "Anya is falling in love with Jishi." "ANOOO? You mean, yung drummer ng Hero?" Sabi ko. Di ako makapaniwala. That guy named Jishi kasi is matalik na kaibigan ni Hiro. Tapos, di naman sa weird siya, kaso---he is a bit emo and I find him weird. "Oo. HAAAY." Sabi ni Sam habang kumukuha ng potato chips. Tumingin ako kay Anya. Ayaw kasi niya sa lalaking iyon. "Oo. Ewan ko ba. TSSK." Yun na lang ang nasabi ni Anya. So, I guess, di naman siguro nila ako ico-condemn if malaman nila na may gusto ako kay Rico or Rico and I are friends diba? And come to think of it, wala na kaming koneksyon ni Rico pagkatapos ko siyang iproduce. At wala akong napagsasabihan ng problema ko. Tanging sa laptop ko lang nakalagay ang mga feelings ko---at di ko pa iyon ina-update dahil natatakot akong may makabasa. To make it short, saakin lahat ng problema at magmumukha akong walang kaibigan nito. "Kung ako ba, magkagusto sa taong pinandidirian natin, anong magiging reaction niyo?" Napatunganga si Anya at Sam. "HA? Why? Nagkakagusto ka na ba sa ganun?" Tumawa si Anya. "I mean, anong gusto? The LOVE-thingy?" "Uh-huh." Sabi ko. "I don't know. That's too impossible. Masyadong maraming cute guys na nagkakagusto at umaaligid-aligid sayo pero I've never heard you say something like---you like or love them seriously." Sabi ni Anya. TAMA NAMAN SIYA. Noon, Ang lagi ko lang sinasabi ay: 'gusto niya ako, kaya pagbibigyan ko siya.' "Para sakin? I'd still support you, though! We are friends right?" Sabi ni Sam sakin. "Hey! Wala naman akong sinabing di kita susuportahan noh!" Dagdag ni Anya. Tiningnan nila ako ng may bahid ng pagtataka. "NU BA KAYO! Nagtatanong lang naman ako. Akala niyo siguro may gusto na akong ganun noh?" Nagtawanan kaming tatlo. At least now, I know that I really have them. May pagsasabihan ako. Pero for now, I still don't want themn to know about this. Hindi ko pa alam kung panu sisimulan at papaano sila papaniwalain. Papaano nga ba? At kelan ko sasabihin? Saka na. "HMMM. Ano, pumunta kaya tayo ngayon kina Jishi?" Sabi ni Anya. "Ha? Bakit?" Tanong ni Sam. "Andun daw kasi yung Hero sa bahay nila nagpa-practice ngayon." Sagot ni Anya. Uminom ako ng juice. "Talaga! Malapit lang ba dito sa bahay niyo ang bahay nina Jishi?" Tanong ko. "Oo. Nasa kabilang block lang." Sagot ni Anya. *I NEEEEEEED YOU BOO... I GOTTA SEE YOU BOOOO....* "Hello." Sinagot ko ang phone ko. "Gette, pumunta kayo dito oh!" Si Hiro. "H-ha?" "Alam kong nariyan kayo sa bahay ni Anya!" Sabi niya. "Ang boring kasi dito eh! Sige na!" "UHHH- Okay." Sabi ko. It will be more weird kung tatanggihan ko siya. At isa pa, pinapasok niya si Rico. I need to bear with him. Binaba ko na ang phone ko. May nalalapit na sigurong school event kaya todo sila kung mag practice ngayon. HERO? Kung ganoon, naroon si Rico? Nag-iiba na naman ang kondisyon ng pag-iisip ko. ALANGYA. Naglalakad kami papunta kina Jishi. At ayon sa usapan nina Anya at Sam, malapit na raw kami. OMG... Ayoko. Ba't parang nanginginig ako? Naguguilty? Bakit ganito? Ewan ko kung nininerbyos ba ako o na e-excite. "ANDITO NA TAYOOOO!" Ay potek. "Parang ang daming tao!" Sabi ni Sam. Oo nga. Ang daming tao. Parang may house party or something. "Hi Gette!" May kumaway. At hanggang sa ang dami ng kumaway sakin. Mga kaibigan ko sila---este mga kakilala. At ngayon, mas lalo akong namulat sa mundo ko. I'm the usual Miss Popular. Umupo kami sa isang upuan. Wala naman palang house party. Coincidence lang na maraming tao sa bahay nila ngayon. "Hey Gette! See you around!" Sabi nung isang lalaki. "Hi Gette! Kamusta na kayo ni Hiro?" Lumingon si Anya at Sam sa isang babae. "HAAAAI. Social climber." Bulong ni Anya. "Hmmm?" Sabi ko. "I mean, you and Hero's Vocalist aren't together right?" Sino ba to? I don't know her. Kaibigan siguro to ng isa sa kapatid ni Jishi na nagkataong andito sa bahay nila ngayon. Chismosa, kaya di ko na siya pinansin. Lumingon ako sa kabila at nakita ko si Rico, nag-aayos ng guitar. WOW. He is soooo part of the group. Sino ba ang mag-aakalang NERD siya at di siya marunong manamit noon. Hinanap ko si Sandy sa paligid pero di ko siya makita. So, Sandy is not here? At least, parang di pa rin niya pinapakita si Sandy. LOL "Hey. Tama nga ang usapan sa School of Business and Management, Bridgette Reah Francisco is arrogant. Ang dami pa namang nag-a-idolize sa iyo sa School of Med dahil maganda ka raw at ang galing manamit." Sabi niya ulit. GAHD SHE'S ANNOYING ME. Lumingon si Anya at Sam sakin at pinandilatan ang babae. Inilapag ng maid ang tatlong baso ng juice sa tapat namin kaya kumuha ako ng isa at uminom. "HAAAY. I should tell them to stop idolizing a girl who knows nothing but to b*tch and brag here and there." Tumayo siya at lumingon ulit. Nakuuuu makikita mo! "Akala ko pa naman,-" Dagdag niya. Di ko na siya pinatapos at binuhusan ko na siya ng juice. Umilag pa ang gaga. Kaya ang nabuhusan ko... "SANDYYYY!" Sigaw ni Rico. Napalingon ang ibang members kasama si Hiro. That's why I didn't see her because she's at that stupid-girl's back. GAHD. "Ri-.." Sh1t. I can't talk to him. "Sandy, okay ka lang ba?" Parang tumigil ang mundo sa bahay nina Jishi at nakatingin ang lahat kay Sandy. Sa itsura niya, parang kailangan niyang i-mouth-to-mouth. She looked drowned. HAHAHA >:D ESTE, Rico. Di ko sinasadya. Hinawakan ni Anya ang kamay ko dahil mukhang nararamdaman na niya ang panggigigil ko doon sa babae. "Hey you sl*t!" Sigaw ni Hiro. "What are you doing here?" Tanong niya sa babaeng hinayupak na yun. "H-Hiro, I-I just wanna show you that this girl is a b-" Di ko siya pinatapos at sinampal ko na. "Don't you dare call me those names, sweetie. Baka gusto mong humarap sa salamin para tingnan kung sino ang B*TCH sating dalawa? You like Hiroshi, right?" Sabi ko with all the confidence in the world. "W-what are you-" "Your annoying me because you like Hiro. Naiinggit ka sakin dahil ako ang gusto niya, right? Well then, he is all YOURS." Tinulak ko siya at napasandal siya sa sofa at muntik pa niyang madale si Sandy. Pinandilatan ko si Hiro at humarap kay Sandy, "Sorry miss. Di ka kasi marunong umilag eh!" Sumulyap ako kay Rico pero--0.0000001nanosecond lang dahil natatakot ako. Nag walk out ako at dinaanan si Jishi bago tuluyang umalis. "Jish. Sorry, nabasa ko ang sahig." "Gette! Okay lang yan, it's not your fault anyway. May nang gatecrash lang na taga ibang school." Umalis na ako. "Gette!" Sigaw ni Anya at Sam. Umupo ako sa gilid ng kalsada ng subdivison at malapits a hump. "Gette, you are soooo cool!" Sabi ni Sam. "Yung babaeng yun? Stalker iyon ni Hiro. Taga ibang school yon Gette." Sabi ni Anya habang tinatabihan ako. "GAAAAAAAAHD. I wanna crash her into pieces!" "HAHAHA. I missed you, Gette!" Sabay hug ni Sam. "Gusto ko ang palaban side mo! Anyway, how did you know na that girl likes Hiro?" Tanong niya. "Napapaaway kasi ako usually sa mga lalaki eh. Wala pa ata akong nakaaway just because they hate my attitude---nobody dares to. Since si Hiro lang talaga ang umaaligid sakin ngayon, so it must be---" "HAHAHA." Tumawa si Sam. "Minamaliit mo ang kamandag mo? OMG. Buti't na sapul mo na fan iyon ni Hiro, ano? Ang dami mong fan na lalaki---and daming obsess sayo. Di nga lang sila makalapit because of Hiro. Kung alam mo lang, araw-araw kaming nakakarecieve ng death threat para sayo. NAKU." Nagtawanan kami. Napabuntong hininga ako. "Ang tanong: Sino ang gusto ni Bridgette Reah Francisco." Tumawa si Anya. Nakakatuwa no? Sa lahat ng lalaking pwede kong magustuhan, si RICO pa. "that nerd." Bulong ko habang tumatayo. "Ha?" Tumayo din si Anya at Sam. "Wala. Bumalik na tayo!!!" SCARY. Ano kaya ang sasabihin ni Rico sa ginawa ko sa Sandy niya. HUHUHU [STEP #22] Bridgette Reah Francisco: TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA! "Gette!" Tinawag ako ni Sam habang andito ako sa isang table sa cafeteria at nakaharap sa laptop. Kasama niya si Anya. "Let's eat lunch together!" Sabi ni Anya. "Oo nga! Kasama sina Jishi." Dagdag ni Sam. "Hah? Ang Hero bah?" Tanong ko. Si Rico kaya? "Yeah. UHH, not really. Si Jishi at Hiro lang ang taga Hero!" "Ahhh. Sige!" Sabi ko, then I looked at my laptop and closed all the programs. It's still 10am. Mamaya pa naman ang lunch pero, I want to roam around the school and let the world see my new bag and shoes. hehe. Kakain kami dun sa isang RESTAURANT na usual na naming pinagkakainan before. Napabuntong hininga ako habang umupo si Sam at Anya sa harap ko. "Gosh. The cafeteria is suuuper crowded." Sabi ni Anya. Tumayo ako, bibili sana ako ng bottled water ng nasulyapan ko sa harapan ko si RICO. AHAHGFSLAUYTDYHBDHTAYFBASGHOYABDSGUHT Naghuramentado ang dibdib ko. Nagwawala at di ko makontrol. At dahil si Rico na lamang ang nakikita ng mga lens ng mata ko sa mga puntong ito, hindi ko namalayan na I'm blocking the way of SANDY. Sandy is with Rico this time. Nasa likuran ni Sandy si Rico kaya... "Excuse me." Sabi ni Sandy sakin. Di ko naman nagawang igalaw ang mga muscles ko kaya tumayo lang ako ng parang walang naririnig. Natauhan na lang ako nung binangga na ako ni Sandy. "Excuse ME!" Sabi niya sakin ulit. "Ahhh. Oh." Sabi ko while catching my breath. Habang nakatitig pala ako kay Rico, ay hindi rin ako humihinga. Napa upo ako pabalik sa upuan habang nakikita ko si Ricong di man lang tumingin sakin ulit pagkatapos niya akong tingnan saglit para ikumpirma na ako nga ang nakita ng mga mata niya. "WALANG HIYA!" Sabi ko. Ricoooo. Is he angry? Or what? "Anong problema nun? Siya ba yung nibuhusan ko. Sh1t." Sabi ko. Nangalumbaba ako habang tumitingin sa mga nagtatakang mga mata nina Sam at Anya. Lumingon ako sa likod para tingnan kung andun pa ang dalawa, at nakita kong kabibili lang nila ng shake. "HMMMP. Cheap. Kainis talaga. Gusto ko tuluyng kumain ng mangga. Teka, mas cheap yun ah! ARGH." Bulong ko. "Gette?" Sabi ni Sam. Doon ko lang namalayan na andun ang dalawa kong kaibigan. "Anong problema mo?" Tanong ni Sam. "Kanina ka pa tuliro riyan ah? Ni hindi ka man lang nag respond sa 'EXCUSE ME' ni Sandy." Sabi ni Anya. "And you were staring at Rico." Dagdag niya. They both pinched my cheeks. "Don't tell me you like that Rico?" Tanong ng dalawa. "Duh!" Sabi ko. Yun na lang ang tangi kong paraan para umapila. "OH my.. You like him?" Sabi ni Anya. "OH MY. I like him? Duh! I hate nerds, and you know that!" Sabi ko. "HE IS NOT A NERD ANYMORE!" Sabi ni Sam. "He is hot! Nahihiya nga ako kasi minamaliit natin siya noon." "What hot? Payatot!" sabi ko. "He is hot!" Sabi ni Sam. Bakit ganoon? Bakit di ako pinansin ni Rico? OMG. OMG. He is definitely angry with me. It's all because of that gate crashers fault. DINGDONG! May umilaw na lightbulb sa utak ko. It's because, we were not supposed to talk here! TAMA. He is not angry with me! He is nooooot angry. YIPEE. "Eto oh!" Tinuro ni Sam ang bulletin board sa harap namin. Napadpad kami sa Med School Building na mayroong Hall of Hot Nurses at si Rico pa ang number one! Nakapost pa sa bulletin board nila. OMGesh. "Now, tell me kung nerd pa ba siya sa paningin mo, Gette." Sulsol ni Sam. "Com'on, were not even friends!" Sabi ko. Yeah, I know. I'll tell them someday. Hindi ko lang talaga alam kung papaano ko sisimulan at paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat. At alam ko ring may gagawin sila para magiging kami ni Rico---and I don't like that. I mean, RICO DOESN'T LIKE ME. Kahit bayaran pa natina ng writer dito at hingin ang side ni Rico, alam kong di siya sa akin. "But if you pursue him...-" Di ko pinatapos si Sam. "HEP! I don't want to have a boyfriend!" Sabi ko. Naglaglagan ang mga panga nilang dalawa. Of course, the hot Bridgette Reah Francisco pantasya ng mga kalalakihan - ayaw mag ka boyfriend. "AT BAKIT NAMAN?" Bumuntong hininga ako at naglakad papalabas sa building nila. "Kung gusto mo nang magkaboyfriend, inform us haaa?" Nagtawanan ang dalawa sa likuran ko. Di na lang ako nagsalita. "Oh my, Anya, di rin naman yan mangyayari eh. Papatayin ni Hiro si Rico kung sakali." Sabi ni Sam kay Anya. "Oo nga pala! HMMM. Kawawa naman si Rico kung ganoon." "Pero, you've seen that night nung sinuntok ni Rico si Hiro diba?" Sabi ni Sam ulit kay Anya. "Yeah! And oh my God, he is so gwapo that time! Cool! Pero still, Hiro has everything." Dagdag ni Anya. "Oo nga. Based sa mga votes nila sa Hall of Hotties, Hiro is dwarfing Rico's votes. Simple lang---mas sikat parin si Hiro. And he is cute too. And he is the vocals of Hero. Geez. Paano na lang kaya kung bumalik si Jesse dito at may sumulpot na bagong hottie. Naku, magkakagulo na ang mundo at mas lalong maguguluhan si Bridgette." Nagtawanan ulit sila. "TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Iyon na lang ang nasabi ko. Saan ba talaga sila pabor? Kay Rico o kay Hiro? O sa OTHER HOTTIES? GAAAAAAAHD. They're not taking it seriously---samantalang, I'm seriously in love with that guy. [STEP #23] Bridgette Reah Francisco: hindi ba? "Anong gusto mo Gette?" Tanong ni Hiro sakin. Hindi ko sana siya papansinin, kaso na realize ko na kailangan---para kay Rico. "Uh, kahit ano na lang!" Sagot ko. Nagsasayahan sina Sam at Anya kasama ang ibang kaibigan at sina Jishi. Wala masyadong tao dito sa kinakainan namin, panu naman, ang mahal-mahal dito para lang sa isang lunch sa ordinaryong school day. Pero, barkada ko eh. Kaya, barya-barya lang sa kanila. Si Hiro, kanina pa siya nakatingin sakin, habang nag-iisip ako ng mga kung anu-ano. Tumingin ako sa kanya at panay parin ang titig niya sakin. Napabuntong hininga ako at tumingin sa pintuan at nakita ko si Rico. SI RICO? Ba't siya andito? At may kasama siya. Si Sandy... ulit. "Oi Rico!" Tinawag siya ni Hiro. "Hiro-" Pipigilan ko sana pero bakit ko naman iyon gagawin? Wala akong rason. Maraming bumati kay Rico at naramdaman kong bumulong si Anya sakin... "Gette, sumisikat na nga siya." Yeah, alam ko. "Dito na kayo!" Sabi ni Hiro habang tinuro ang upuan malapit sa akin. WHAAAAT? Pinapatabi niya si Rico at Sandy sa amin? Tumango naman ang NERD at mukhang kinukumbinsi si Sandy na sa tabi nga namin umupo. IISANG TABLE. "Kasama pa niya ang NERD na yan!" Bulong ni Hiro---si Sandy ang tinutukoy niya. "Hiro, may binabalak ka bang masama?" Tanong ko. "Huh, wala naman, bakit?" Tanong niya sakin. "Wala, weird kasi." "Wala na akong magagawa, pasok na siya sa banda kaya kailangan kong makihalubilo sa kanya." Sabi ni Hiro. Buti na lang at napaglapit ko sila. Di tulad noon na binubully niya si Rico. AYAN NA, PAPALAPIT NA SILA. Umupo si Rico sa tabi ni Hiro at si Sandy sa tabi ko. Di ako makatingin kay Rico ng diretso. "Rico, Sandy, siya nga pala si Gette." Sabi ni Hiro sa kanila. Ngumiti ako pero di ko alam kung sino ang nginitian ko. "Hello Gette!" Sabi ni Rico. PLASTIC? Tumingin si Sandy sa akin. "AHHH, tungkol nung sa bahay nina Jishi, pasensya kana Sandy ah? Di sinasadya ni Gette yun." Sabi ni Hiro kay Sandy. "Uhhh, okay lang." Sagot niya. Yon naman pala, Gette! Okay lang pala eh. Pero, bakit si Rico---masama parin ang tingin sa akin. Pagkatapos naming kumain, pumunta ako sa washroom. Hindi ako kumain ng maayos dahil nawalan ako ng gana sa pag-aalala dahil hindi pa kami nag-uusap simula nung nabuhusan ko ng juice si Sandy. Napabuntong hininga ako sa loob. Sinuklay ko ang buhok ko at inayos ang sarili ko bago lumabas. Paglabas ko, nakita ko si Rico, ang sama ng tingin niya. "R-rico?" HIS EYES. "Gette, di ako galit sayo." Parang may umalis na masamang ispirito sa kaloob-looban ko. "Ha? Ahh." "Pero, masama yung ginawa mo." "Ha?" "Masama yun," "Ang bastos kaya nung babaeng yun!" "Kahit na! Tingnan mo, si Sandy tuloy ang nabuhusan mo. Di ka ba naaawa?" Tanong niya sakin. Parang kinurot ang puso ko pero di ako pwedeng magpahalata. "That's so mean. Panu kung ikaw naman ang mabuhusan ng ganoon?" "Sinasabi mo lang iyan dahil si Sandy ang nabuhusan ko, hindi ba?" Sabi ko. "Hindi, sinasabi ko lang sayo na masyadong bastos yung ginawa mo. At nadamay pa si Sandy." "Binastos niya ako kaya hayaan mong bastusin ko rin siya." WALANG HIYA. I'm holding my tears again. "Pero, Gette!-" "Rico, tama na!" May nagsalita sa likuran ni Rico. SI SANDY. OH MY GAAAAHD. Paanu na to. I'm here standing in front of him. And she's there at his back---listening? "I know you're doing this for me." Dagdag ni Sandy. Nag walk-out ako, natatakot ako na di ko na mapigilan ang luha ko. At, baka malaman ni Sandy ang... "I'm doing this for her." Sabi ni Rico sa kanya. Muntik na akong matalisod sa paglalakad nung narinig ko iyon. "Gette, sorry." Sigaw niya sakin bago pa ako tuluyang umalis sa daanan patungo sa CR nung restaurant. "I don't want to keep secrets from her!" Natigilian ako. Natigilan ang aking pag-iisip pero mabilis ang lakad ko. KEEP SECRETS? Does it mean, she knows everything? [STEP #24] Bridgette Reah Francisco: May magagawa pa ba ako? "Gette, okay ka lang ba?" Salubong sakin ni Hiro sa table. "O--Oo." Sabi ko. WHAT? Sinabi ni Rico ang tungkol dito? sinabi niya ang tungkol saming dalawa? Diba, malinaw ang usapan namin na di ipagsasabi? Di ba niya naiintindihan ang sinabi ko? NAKAKAINIS SIYA. No. It's not him! Yung nararamdaman niya kay Sandy! NAKAKAINIS. Sh1t! I catched my breath. Hindi ko namalayang habang nag iisip ako, di ako humihinga. Paghinga ko naman, sumama ang luha ko. "Sh1t." Sabi ko habang kinuha ang bag ko at nagtangkang umalis sa restaurant. "GETTE!" Tinawag ako ni Hiro. Naramdaman ko ring natigilan ang pagtawa at pag-uusap ng iba. Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa kanya... "Hiro, may nalimutan ako. Aalis lang ako, pwede?" Sabay ngiti. "H-huh? Okay" Hindi ko na tiningnan ang reaksyon nina Sam at Anya. Haharap na sana ako sa dinadaanan ko, kaso nasulyapan ko si Sandy at Rico. Hindi ko mapigilang tingnan ulit si Rico at hindi ako nagpakita ng ekspresyon. Hindi ako galit. At kahit inis na inis ako, di ko siya magawang sumbatan. Hindi ako nagpakita ng kahit isang ekspresyon na makakapagpagabagabag sa kanya--kahit inis. Umalis na ako at nakita ko pa siyang umaambang susundan ako. Pero dahil matalino siya, alam niyang mas lalo akong magagalit kung sinundan niya ako. Sa talambuhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang mga nararamdaman ko. Simula lang noong nakilala ko si Rico. ARGH "Sh1t. Ang tanga-tanga ko." Sabi ko sa sarili ko habang papapasok sa bahay. I rushed into my room. Wala si Mama at Papa, nag out of town kaya ako lang mag-isa. Pagbalik nila, mag shoshopping ako ng maraming-maraming damit at kung anu-ano pa. TO CHEER ME UP! Tinabunan ko ang mukha ko ng unan. "Sh1t. Di ko mapigilang umiyak." I remained that way while sitting beside my bed. Gusto kong maligo, pero walang muscle coordination. Di ako gumagalaw. Aabsent ako sa last class ko for today---syempre. Biology yun, magkikita kami ni Rico dun! "Oh no! I shouldn't be absent! Lintik. Baka anong isipin noon!" Gumalaw na ako, pero bago ako tuluyang mag-ayos, I opened my laptop and typed: STEP ONE: Change his looks and fashion sense. STEP TWO: Teach him to act cool. STEP THREE: Bring him to the gym. STEP FOUR: Be with cool friends. STEP FIVE: ... Ang step five? Fall in love with him! Bumuhos ang malakas na ulan at napabuntong hininga ako habang humiga sa kama. "Umulan pa." Ilang sandali ang nakalipas, umuulan parin ng malakas, kaya nag desisyon akong di na pumasok. "Pwede namang, nabasa ang damit ko o di kaya nabasa ako sa ulan diba? That would be enough!" Bulong ko habang pinatay ang laptop. "And plus, I feel like..." Hinawakan ko ang mata ko. "Namamaga pa ang mga mata ko. I've cried too hard." *TING*** Ano yun? Ulan? Impossible. Dumungaw ako sa bintana. Wala namang tao. SCARY. *TING*** Bato? Pinunasan ko ang glass window para mas malinaw ang aking makita... "May nakatayo malapit sa gate." OMG. And it's raining! It must be... RICO! I rushed downstairs and opened the gate. Ni hindi na ako kumuha ng payong, nagmamadali na ako. "Gette, I'm sorry!" Sabi niya. Hindi ko na nga marinig masyado dahil ang lakas ng ulan. Marami pa nga siyang sinabi pero, 'I'm sorry' lang ang narinig ko. Parang gusto kong umiyak sa ginawa niya pero... I just can't cry in front of him. Pumasok kami agad sa bahay at kumuha ako agad ng towel at kung anu-ano pang makakapagpatuyo saming dalawa. Nag-init din ako ng tubig. HEY. I don't even know what's this NERD doing here? Why is he here? To apologize? It's too late to apologize! Binigay ko agad sa kanya ang tuwalya at pinunasan niya ang sarili niya. "Gette, di mo ba pupunasan ang sarili mo?" "Ahh." Kumuha na rin ako ng towel ko. EWAN KO BA PERO... ba't masakit yun? Hinarap ko siya pagkatapos kong nagpatuyo. "Gette, sorry talaga." Binigay ko sa kanya ang kape. Nung narinig ko ang sinabi niya... di ako makapaniwalang UMAIYAK AKO SA HARAPAN NIYA. I never thought that I can cry in front of a guy. "Sh1t." Tiningnan niya lang ako ng walang ekspresyon. I trusted him. I thought he'll keep his promise. Pinunsan ko ang luha ko. Pinigilan ko ang iba, at huminahon ako. AKO LANG. Hindi niya ako tinahan o kinausap man lang. IT HURTS! Nasa harap ko siya habang umiiyak ako, pero kahit imik---wala siyang ginawa. Ang sama ng loob ko, pero di sa kanya. Hindi ko alam kung kanino. Kaya uminom na lang ako ng kape. "Aray-" Ang init pala. "Dahan-dahan lang!" He touched my lips. Agad kong inalis ang kamay niya. "Alam kong galit ka sakin." "Alam mo naman pala eh, umalis ka nga diyan!" Sabi ko. ARGH. "You're really rude." Sabi niya at ngumiti pa ang NERD. "Sh1t. Wa'g ka ngang ngumiti." "Sorry. Hindi ko kinonsulta sayo ang tungkol sa sinabi ko kay Sandy. Alam ko kasing di ka rin papayag eh." Uminom siya ng kape. Akala ko ba, ayaw niya ng nasasaktan ako? "Gette, alam kong naiinis ka. Pero, sige na naman, kahit si Sandy lang. I don't wanna keep secrets from her." Alam ko. Okay lang, Rico. Okay lang basta ikaw. Okay lang kasi, sooner or later, malalaman din iyan ng lahat. Pero, it wouldn't be a big deal na dahil you've become someone that everyone likes. Pero, nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na nasabi niya ang secretong kahit ang malalapit kong kaibigan ay walang alam. Napaka-unfair naman ata nun. Siguro nga, I wouldn't understand. Of course, he likes that NERD---he loves that NERD. That's one thing that I couldn't understand. And if I tell him that I love him, that's another thing that he wouldn't understand. "May magagawa pa ba ako?" I smiled. Hudyat na tanggap ko na ang lahat. [STEP #25] Bridgette Reah Francisco: I'm in love. "Gette, ba't ka absent sa Bio kahapon?" Tanong ni Anya. "Ah, eh. Umulan eh. Nabasa ako." Sabi ko. "AHHHH." Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko si Rico. He is wearing an all-white uniform. "Uyyy! Si Rico!" Sigaw nung isang babaeng nakaupo di kalayuan sa amin. "Bakit siya naka all-white? Mag pa-practical exam siya?" Sabi pa nung isa. Nagmamadali ata si Rico kaya di ko na lang pinansin at nakinig sa usapan nung mga babae. "...Diba kahapon pa dapat ang practical exam?" "Oo. Kaso, absent siya kahapon eh. For the first time, nag absent siya. And worst, exam pa natin." Sabi nung isa. OMG. He is absent kahapon dahil pumunta siya sa bahay namin at nag apologize? HAHAHA, Gette. Wa'g kang masyadong mag ilusyon! Pero, really? So, hindi ko na lang muna siya iistorbohin ngayon dahil ka-catch-up pa siya. "I'm IN LOVE." Sinabi ko ba naman yun bigla. Napatunganga si Sam at Anya at parang hinihintay na sabihin kong JOKE ang mga salitang kakasabi ko pa lang. "Hahahaha. Ano daw?" Sa wakas, may sinabi rin si Sam. "I'm in love with Rico. Wa'g nyong ipagsabi kahit kanino dahil kayo lang ang pinagkakatiwalaan ko." Huminga ako ng malalim saka uminom ng mineral water sa harapan ko. Pinawisan ako sa mga sinabi ko, pero at least nasabi ko. Hindi ko sinosolo ang mga bagay na ganito. "WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA AAAAAAAT?" "Paano ka na inlove sa kanya?" "Mag kaibigan ba kayo?" "Define love?" "Kelan lang?" "Paano na si Hiro?" "Alam ba ni Hiro?" "Sino pa ang nakakaalam?" "Paano nangyari yun?" "Kailan kapa nagkaroon ng puso?" "Bakit siya?" "Anong ginawa niya sayo?" "Ano na ang nagawa mo sa kanya?" "Nag-uusap ba kayo?" "Nananaginip ba ako?" "HEEEEEEEEEEEEEEEEEP! Sh1t naman o! Sana pala di ko na lang sinabi!" Mga walang hiya. "Kung alam ko lang na ganyan karami ang mga tanong ninyo!" "YOU'VE GOT TO BE KIDDING US!" Sabay na sigaw ng dalawa. [STEP #26] Bridgette Reah Francisco: I'm sorry. "...saan ba magandang magshopping ngayon? Saan ba kayo nag sho-shooping?" Tanong ko kay Sam at Anya habang nakatunganga sila sa harapan ko at parehong nakaupo sa bench sa building namin. "Ano??" Sabi ko ulit. Mag tatatlong araw na silang ganito. Simula nung sinabi ko sa kanila ang kahindikhindik na katotohanan. Tatlong araw na rin kaming di nagkikita ni Rico. HE IS BUSY. Binalewala ko na rin. Mas nag-aalala nga ang mga lukaret na to dahil di ko na daw nakikita ang minamahal ko. EEEEEEEEEEH? Ang korni talaga. This wasn't my style. "Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Sam. "A-" Bago ako nagsalita. "Look who's here." Bulong ni Anya. SI RICO. He is coming. Papunta ba siya samin? Naglundagan ang dalawa at parang mas excited pa sakin. They kept their self calm when he was 1 meter away from us. "Papunta siya sayo!" PAPUNTA SIYA SAKIN! >:D "Ri-co!" Sabi ko in a moderate tone of voice. Di siya tumingin sakin. "Rico!" Sabi ko ulit, mas malakas na. DI PARIN. "Gette, di naman pala kayo magkaibigan eh!" Sabi ni Sam nung natulala ako dahil linagpasan niya lang kami. "WALANG HIYA KA, RICOOOOOOOOOOOOOO!" Saka lang lumingon ang nerd. Uminit ang mukha ko at para akong nakalunok ng limanglibong pusa. "G-, uhhh?" Sabi niya. "Ang pula ni Gette!" Bulong ni Sam kay Anya, narinig ko pa ang munting halakhakan ng dalawa. Linapitan ko si Rico at binatukan - ng malakas. "ARAY, Gette!" "SEE?" Sabi ko nung humarap ako kay Sam at Anya. "Bakit ba?" Tanong ni Rico. "Magkaibigan kaming dalawa, kilala niya ako." Sabi ko. "Hindi ba, Rico?" "Gette, sinabi-" I made a face. "O-Oo. Matagal na kaming," He smiled at me. "magkaibigan." Nalaglag ang panga ni Anya at Sam. "So, Rico, saan ka pa pupunta? Bakit andito ka sa building namin?" "---AHAHAHA, tinatanong pa ba iyon, Gette?" Sabi ni Sam. Nakita kong hinampas ni Anya si Sam. "Ahhh, okay. You're looking for Sandy? EWAN KO, DI KO SIYA NAKITA." Sabi ko habang pinandidilatan ang dalawa. "Ah. Okay, I was actually looking for---" Itinaas ko ang kilay ko. "Rico?" May pamilyar na boses akong narinig na nanggagaling sa likod. SI SANDY. "HER, right?" Inunahan ko siya. "You don't have to repeat it over and over again." Sabi ko. Tumalikod ako at babalik na sana kina Sam at Anya nung... "Gette, I'm actually looking for you." Bulong niya habang hinihila ang braso ko. "Ha-Ha?" Sabi ko. Uminit ang mga pisngi ko. "May sasabihin sana ako, akala ko mag-isa ka lang." Umalis siya kasama si Sandy. "WHAAAAT?" Sabi ko sa sarili ko. So, ano na? May sasabihin siya. Wala na siyang sasabihin dahil ganun ang nangyari? Sinalubong ako ni Sam at Anya. Panay ang ngiti ng dalawa. "OMG. Anong binulong niya?" "Sila na ba nbi Sandy?" sabi ni Sam. "Wala ka bang planong dispatyahin si Sandy?" Tinitigan ko si Sam at umalis sa kanilang harapan. "He loves her." Sabi ko. "OMG. I can't believe that the playgirl is actually in love!" Tumawa silang dalawa. Habang papababa kami sa stairs. Maraming bumati sa akin na di ko man lang nginitian! "Anong nangyari kay Gette?" May nagtanong kay Sam at Anya. "Gette!" Lumingon ako. Akala ko si Rico, si Hiro pala. "Ano?" "Malapit na ang school fest. Kakanta kami, sana dalasan mo ang pagpunta kina Jishi para sa mga practice namin ah?" Sabi niya. "Like duh? Para saan ako dun? Decoration?" Sabi ko. "Sige na naman oh? Please?" Sabi niya sakin. Nakita ko si Rico at Sandy na napadaan lang at nakatingin pa sa amin. "Hiro, may practice ba tayo mamaya?" Tanong ni Rico. "Wala, bukas pa." Ibinaling ulit ni Hiro ang paningin niya sakin. "Ano, Gette?" I saw Rico's eyebrows crossing. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya sa pinag-uusapan namin ni Hiro o ano. "OHHH! Sure, Hiro. Basta ikaw!" Mas lalo siyang nabigla sa sinabi ko. Palihim akong hinampas ng dalawang lukaret sa likuran ko. "Sige ah! May klase pa kami, bye." Sabi ko habang linampasan silang lahat. Sumunod naman si Sam at Anya. "Bye %&$#!" Dahil sa mga tao, di na narinig ang two-syllable-word-or-name na sinabi ko. Nabigla na lang ako nung parehong kumaway si Hiro at Rico. "BYE." Tumawa na lang kami at nakita kong nagkatitigan ang dalawa bago kami tuluyang umalis. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari bago nagsimula ang last class ko for today. YES, hanggang 4:00pm lang ako ngayon at masaya ako. Masaya ako sa kakarampot na moment simula nung sinabi ni Rico na ako daw ang hinahanap niya hanggang sa pinakahuling sandali na nagtitigan sila ni Hiro. "Miss Francisco?" Sabi ng prof namin sa ACCTG. "I think your phone is ringing." Dugtong niya. Habang nakatingin ang whole class sa amin. POTEK. Ba't ito nagri-ring? Eh, silent mode naman to? "I'm sorry." Sabay tingin ko sa phone "Okay, where are we?" Nagpatuloy ang prof namin sa discussion. It's a message from RICO? Oh yeah. Iba nga pala ang tone pa'g si Rico ang nagti-text. OMG. Grabe ang loading ng fone ko at parang isang oras kong pinrocesso ang mga katagang tinext niya: Can I fetch you after your last class? [STEP #27] Bridgette Reah Francisco: Nakukulitan na ako sayo Mag iisang oras na akong naghihintay dito sa park sa labas ng 1720 kung saan ko nakita si Sandy at Rico noon. Isang oras simula nung natapos ang last class ko. Panay tago ko na nga dito dahil may mga dumadaan eh. Dito kasi ang meeting place namin. Siguro, importante ang sasabihin niya? Dahil pinaghintay niya talaga ng ganito. 1 hour and thirty minutes. Papalubog na ang araw. OKAY. 2 hours. Lumubog na ang araw. 3 hours. Ang dami ng stars sa langit. 3 hours and 30 minutes. Linalamok na ako. UUWI NA AKO. "GETTE, Ang tanga tanga mo talaga! AS IN SUPER. Baka biniro ka lang nung takteng iyon pero ba't ka nagpabiro? Ayan tuloy, it's been three hours na at andito ako nagpapakatanga. Mag aapat na oras na ako dito at kahit anino ng NERD na yun, wala." Sinipa ko yung mga bato na malapit sa sapatos ko para maigalaw ko ang mga paa ko at hindi dapuan ng lamok. "AALIS NA AKO." Nanggigigil ako habang hinahaplos ang sarili kong mga braso. Ang ginaw. "Ang walang hiyang yun! Naisipan pa niyang indianin ngayon. May atraso pa nga siya sakin tapos pinapahintay niya pa ako ng tatlong malamig na oras. HUMANDA SIYA SAKIN." Tumayo ako sa kinauupuan kong bench at hindi ko na talaga kayang maghintay. Ay mali, kaya ko pa, pero ayokong magmukhang tanga. Sa mga sandaling aalis na sana ako, may naramdaman akong papalapit sa akin. Hindi na ako lumingon dahil sa bilis ng pangyayari. SOMEONE HUGGED ME FROM THE BACK. "Gette, Thanks for waiting." Buti't nagsalita. Kung hindi sinapak ko na at sumigaw na akong 'rape'. "Walang hiya ka!" Tumulo ang mga luha ko habang hinarap niya ako at hinawakan niya ang mga braso ko. "Pasensya ka na, first time kasing nagyaya si Sandyng ihatid ko siya. Hindi ko siya matanggihan eh." "What took you so long?" Nagsumikap akong yumuko para hindi niya mapuna na patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko. "Kasi, pinapasok pa ako ng mga magulang niya. Hindi kita natawagan kasi akala ko mabilis lang iyon. Nung umalis na ako, tatawagan na sana kita pero naisip kong baka umuwi ka na at baka galit ka na sakin. Pero, ganun pa man, pumunta parin ako dito dahil baka sakali andito ka." Sabi niya and he wiped my tears. "Sorry." OKAY LANG. OKAY NA. Ay Gette, kahit kelan talaga. Ganito ka ba talaga? Ba't ang bilis ng OKAY LANG? Lumayo ako sa kanya at nagsimulang naglakad sa kalsada. "Gette!" Tumakbo siya sakin at sinundan ako. "Gette naman, sorry na kasi. Saan ka pupunta?" Huminto ako para sumagot. "Uuwi." At naglakad uli habang napahinto siya. "Gette, sorry na. Kasalanan ko." Sinundan niya ako at nagpakita siya sa harapan ko kaya tumigil ako sa paglalakad. "Uuwi na ako. Apat na oras pala ang dapat hintayin para ihatid mo. Get out of my way!" Sabi ko habang umiwas sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. "Gette," Sumusunod ulit siya at nakita ko ang sasakyan niya sa harap ko. "Gette, ihahatid na kita sabi eh!" "Kaya ko namang umuwi mag isa eh!" Sumbat ko. Huminto siya pero hindi ako nagsisisi sa mga pinagsasabi ko. WALA AKONG PAKEALAM. "Kung ayaw mo talaga," Humina ang paglalakad ko habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya. "Okay fine. Pero pipilitin parin kita!" Hinila niya ang braso ko at kinaladkad sa kotse. SA FRONTSEAT. "Aray aray. Ano ba, ang sakit naman." Sabi ko habang sinasapak ang mga kamay niyang nasa braso ko. Tapos he locked the seat belt. "Sorry, ayokong saktan ka pero kung yun lang ang paraan... Nagbakasakali akong andito ka pa, and now that you are still here... I will never give up that chance." Umikot siya and when he got to the driver's seat, he started the engine. Habang nag da-drive siya sa labas lang ako nakatingin at minememorize ang mga plate number ng ibang sasakyan. BORING at ayokong magsalita. Nung nag stop ang traffic light, napansin ko ang repleksyon niya sa salamin habang nakatingin ako sa labas nakatingin siya sa akin at seryoso ang mukha niya. Lilingon sana ako pero tumakbo na ang sasakyan. "Bukas nga pala may practice kami, tinatamad ako." Sabi niya. SIGE RICO! Wa'g kang pumunta sa practice, papatayin talaga kita. Ako ang nagpapasok sa kanya pero... ganun lang? "Pero pupunta ako, kaya pumunta ka!" Dugtong niya. EHEM. "Alam kong galit ka! Kaso, di kita iiwang galit ngayong gabing to." Dagdag niya. Naku Enrico Gonzales, gusto mo ba talaga ng sapak? Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Narating namin ang bahay ng walang ni isang imik na galing sa akin. Agad na akong lumabas at binuksan ang gate. Lumabas din siya at sinundan ako malapit sa gate. "Gette, ipapark ko lang to-" *TUUUUUUUUGSH!* Tunog ng gate na padabog kong sinarado para di siya makapasok sa bahay. *TUGTUG-TUGTUG 8x* Hinampas niya yung gate para lumikha ng ingay at binuksan niyang mag-isa habang papapasok na ako sa bahay. "Gette, sandali." Mabilis ang lakad ko hanggang sa kitchen para uminom ng tubig at mahimasmasan. "Gette!" Sigaw niya habang nakabuntot sakin. Lumingon ako at nakita kong may nakita akong mga gamit niya... "UMALIS KA NGA?! Ano bah?" Sabi ko habang binalewala ang mga gamit. "Yoko nga eh! Sabi ko naman sayo diba, hindi ako aalis kung galit ka!" Sagot niya. "Ano yan?" Tinuro ko ang mga gamit sa mesa. "Eto? hehe" humalakhak siya. "ANO BAAAAAAAAAAH? Sige na! Umalis ka na! Di na ako galit, okay?" "hehehe." Nagpapacute pah. Binuhusan ko ng tubig kasi nakakawala ng konsentrasyon! Napangiti kasi ako habang nagpapacute siya - soooo bad! Dapat galit lang at inis ang makikita sa mukha ko, pero ayan, he's drowned! hehe. Tumalikod ako. "Para saan naman yun?" Tanong niya habang pinapatuyo ang sariling mukha. DI KA BA MAGAGALIT?? "Sh1t!" "O siya sige, aalis na ako, akala ko pa naman..." Sabi niya. Lumingon ako at parang gusto kong sabihing 'waaaaaaaaaaaaaag' kaso, hindi pwede, tumalikod siya. "JOKE-JOKE-JOKE!!!!!!!!!!!!" Lumingon siya sa akin at nahuli niya ang misteryosong ekspresyon sa mukha ko. "Hindi ako uuwi! Tinatamad akong umuwi. Tsaka, nagpaalam na nga pala ako kay Mama at Papa na dito muna sa bahay niyo. Sinabi ko kasi sa kanila na nagkalat ang mga miyembro ng akyat bahay gang sa mga subdivisiong pangmayaman. Pumayag naman sila..." Sabi niya. Anong Mama at Papa? Si Mama at Papa? Pinipikot niya na ba ako? Napasinghap ako habang pinagmamasdan siyang kumukuha ng toothbrush at nagpalit ng tsinelas at parang at-home na at-home sa bahay namin. "...tsaka, bukas, may practice kami at tinatamad akong pumunta dahil ang layo ng bahay namin kina Jishi, kaya eto ako ngayon. Ayos ba?" "Hindi! Ano ka ba naman, Rico! Ang gulo-gulo at ang kulit-kulit mo talaga!" Sabi ko. "Nakakairita ka na!" "Bahala ka! Basta iyon na yun! Tsaka, miss na miss na nga kita eh dahil di na tayo nag kikita." "sh1t ka talaga. Ba't di ka kay Sandy mag inarte, ba't sakin?" Natigilan siya. "Ba't ang daldal mo sakin at ang kulit-kulit mo! Si Sandy na lang kaya ang kulitin mo!" Dagdag ko. "Ayoko, baka makulitan siya." "Eh anong tingin mo sakin? Nakukulitan na ako sayo noon pa ah!" Then there goes regrets with what I've just said. "Alam ko! Pero gusto ko eh." Kumuha ulit ako ng isang basong tubig at binuhusan siya sa mukha. "Gette naman! Ibang klase ka talagang magpaalis ng unwanted guest noh?" Sabi niya na binalewala ang pagbuhos ko ng tubig. Umakyat na ako sa taas at naririnig ko pa siyang... "Hinaharass mo na ako ngayon ah! Sinasaktan mo na ako huh? Pero, magpapaharass na lang ako sayo, basta wa'g mo lang akong alisin sa puso mo!" HA? "Puso-puso ka diyan! Patayin kita ngayon!" Nakakainis! Anong puso ang sinasabi niya? Alam ba niyang may gusto na ako sa kanya? [STEP #28] Bridgette Reah Francisco: I'm not that desperate! "Puso ka diyan! Ngayon, sigurado akong may naaamoy na siyang kakaiba sa mga kinikilos ko." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko sa harap ng salamin sa loob ng kwarto kong nakalock. *TUG-TUG-TUG 4x* "Anak ng... sh1t!" Lumingon ako sa pintuan. "Gette?! Kumain na tayo! Ba't ka ba nagkukulong diyan?" Sabi ng kulugong na si Rico. Binuksan ko ang pintuan at sinuntok ko siya. "OUUUUUCH!" Sigaw niya. "Ano bang problema mo?" "Walang hiya ka, ginulat mo ako!" Sinabunutan ko siya. "Aray!" Pagkatapos nun, linagpasan ko siya at bumaba na agad ako sa kusina para tingnan ang hapag kainan. Kumuha na ako ng pagkain, mukhang masarap eh. Tsaka, ginugutom na ako. Sumunod naman siya hawak ang pisngi niya kung saan ko siya sinuntok. Nagsisi ako dahil nakita kong namumula ito at mukhang mamamaga pa. "Ikaw ang nagluto?" Tanong ko habang umupo siya sa harap ko at iniinda pa ang sakit ng suntok ko. "Oo. Masarap ba?" Ngumiti siya. Muntik ng dumugo ang ilong ko nung natikman ko ang luto niyang pagkasarap-sarap. Hindi ko alam kung tinatraydor na rin ako ng dila ko o ano, basta ang alam ko lang, ang sarap. At maslalong dudugo ang ilong ko dahil nakangiti siya habang tinatanong ang mga huling tanong niya pagkatapos ko siyang ginulpe! "Okay lang, pwede na." Sagot ko. LINTIK. Kumain na rin siya pero napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan kami habang kumakain. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Tanong ko. "Wala, akala ko kasi may gusto ka sa akin eh." Sagot niya habang umiinom ako ng tubig. Muntik ng lumabas sa mga ilong ko ang tubig na ininom ko. "Ah. Ako? Ba't naman?" Tanong ko habang nanginginig. MYYYY, sinasabi ko na nga ba! "hehe, ewan ko. Feeling ko lang naman yun." "Pwes, masyado kang feeling huh?" Sabi ko habang ngumingiti. GAHD. I need to cover up my feelings. "Hehe, oo nga eh. Eh kung ako kaya magkafeelings sayo?" Tanong niya. Para akong nahuhulog sa kawalan habang nakatingin sa kanya sa mga sandaling ito. "I don't know!" Sabi ko. Safe answer? YEAH. Para kung hindi totoo, hindi matatapakan ang pride ko. At kung totoo, it symbolizes possibilities. "HMMM. If I know, liligawan mo ako!" Sabi niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin. "You'll do everything to get me. Kahit di mo ako gusto." Sabi niya. Aba't pinangunahan ako? Alam mo, Rico. Hindi kita gagaguhin pramis! Kahit na playgirl ako, pero mahal kita, sobra! Laugh out loud. How I wish I can spell it out to him! At dahil di ko naman masabi, nagkibit-balikat na lang ako para di ko maisarado ang posibilidad. "Well, nga pala. Bukas ah? Sabay na tayo! It wouldn't be strange naman siguro noh?" Sabi niya. Huminga ako ng malalim, "Pero, di pa alam ni Hiro na magkaibigan tayo." Sabi ko. "Ah. Eh, sabihin mo na lang na nagkasalubong lang tayo. Tsaka, sige na naman oh, practice namin yan at malapit na ang fest." He insisted. "Ba't ba kailangan andun ako?" Tanong ko. Natigilan siya. "Ewan ko, basta hindi ako sasali bukas kung wala ka!" Sabi niya. "Ha? Bakit? Si Sandy?" Tanong ko ulit out of the blue, sumulpot na naman ang pangalan nung nerd na iyon. "Pupunta din siya eh. Sigurado ako. Pero ikaw, alam kong mahihirapan akong papuntahin ka, coz for sure pupunta ka na naman sa mall at bumili ng kung anu-ano." Sabi niya. "Oo nga! Buti sinabi mo, pinaalala mo, bibili nga pala ako ng..." "Sige, sasamahan kita! Ako pa ang bibili ng bibilhin mo, basta sumama ka lang sa practice." Muntik na akong malaglag sa upuan. PUNYETA. Ano ba ang pakay niya? Pagkatapos naming kumain at maghugas ng plato, pumunta kami sa living room at nagpahinga. "Dito ka matutulog." Sabi ko habang hinaplos ang sofa. "Ano? di, sabi ng mama mo, sa kwarto mo raw ako matutulog." Sabi niya. "Sh1t. Pumayag ba si Papa?" "Huh? Wala naman siyang binanggit tungkol sa papa mo, yung mama mo lang." Sabi niya. Napabuntong-hininga ako. I can't believe it. My mother? Sa bagay, desperado silang dalawang tumino ako. Mga loko. Siguro akala nila titino ako kay Rico. "Okay lang naman sa akin. Tsaka, nagkatabi naman tayo noon diba at hindi mo naman ako rineyp. Yun nga lang nahalikan mo naman ako, pero okay lang." Tumitig siya sa akin. Pinandilatan ko siya. "Alam mo ikaw, masyado ka talagang green minded no?" Dagdag niya. "OO NA! Sa ibaba ng kama mo na lang ako matutulog para maging secure ka naman. HAAAI, minsan na nga lang ako magkakaroon ngkatabi sa pagtulog pinagkakaitan mo pa ako." GOOOOSH, nagsisisi ako. He looked so lonely pagkatapos niyang sabihin iyon. Natapos ang usapan namin pero yun parin ang nasa isipan ko. Kaya habang nakatingin ako sa buwan sa window at inaayos niya naman ang tutulugan niya sa sahig, I feel sad. Tinitingnan ko siya habang inaayos ang kumot at unan. Ano kaya ang nararamdaman niya kapag mag-isa lang siya sa bahay. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. HAHAHA. Akala niyo siguro nagbibiro ako noh? Di nga, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya at kinuha ang unan niya at linagay sa tabi ng unan ko. "You can sleep beside me!" Umaliwalas ang mukha niya at yumakap siya sa akin. "Thank you, Gette! At least kahit minsan, may katabi ako. Pusa ko lang ang katabi ko eh." Tumawa siya. "Loko!" Sabi ko. "Hindi mo naman siguro ako rereypin noh?" Tumawa ulit siya kaya kinurot ko ang pisngi niyang namumula. "I'm not that desperate!" Hindi ko nga masabi sayo ang feelings ko, tapos i-re-rape pa kita? [STEP #29] Bridgette Reah Francisco: That's too impossible. As we both step on the gate of Jishi's house, napansin kong huminto siya just before kami nakapasok. "Ma una ka na!" Sabi niya before I could say a word. At first, akala ko dahil iyon sa baka anong isipin nila dahil sabay kaming dalawa, but later, "Hihintayin ko pa si Sandy." sabi niya habang kinukuha yung scell phone niya. "Buwisit talaga. Ang tagal dumating nung NERD na yon!" I murmured habang nakadungaw sa kay Rico na naghihintay kay Sandy. "Rico! 5 minutes na lang!" Dumungaw si Jishi sa balkonahe para sabihin yun kay Rico. Pangatlong tawag niya na iyan. una, 15 minutes, sunod 10, ngayon 5. Well. "Look who's here!" Sabi ni Jishi. Napadungaw ako pati sina Sam at Anya. Bumalik naman si Jishi sa pwesto ng mga ka banda niya at nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa nalalapit na fest. "Talagang 'look who's here!'" Sabi ni Sam. "Malalaman kaya niya na sa inyo natulog si Rico?" Tanong ni Anya. "Shhhh. Baka marinig ka nina Hiro. Wa'g kang maingay!" Sabi ko. "Malayo naman sina Hiro eh, tsaka...-" "Pinag-uusapan niyo ba ako??" Pabiglang sabi ni Hiro. OH NO. Napatunganga si Anya. "Hi-hindi." Sagot ni Sam. "Deny pa kayo, narinig ko ang pangalan ko no!" Sabi niya. Napahinga ako ng malalim dahil mukhang hindi naman niya narinig yung pinag-uusapan namin. Umalis si sam at Anya para maiwan kaming dalawa ni Hiro sa balkonahe. "Thanks for coming! Sabi ko na nga ba, pupunta ka!" Sabi niya. "Ah... Oo." I smiled fakely. "Andito na pala si Rico. Okay na sana, kaso, dinala pa niya yung girlfriend niyang NERD." Napabuntong hininga siya. "Hindi pa sila! Hindi niya girlfriend si Sandy!" Sabi ko ng walang pag-aalinlangan. "Huh? hahaha." Tumawa siya. "Really? Whatever." Bigla akong kinabahan. "Mas mabuti nga yun eh!" Sabi niya. At dumating andyan na nga si Rico at Sandy. "Hiro, mukhang mag sisimula na kayo!" Sabi ko sa kanya dahil nariyan na naman ang mga mata ni Ricong nakatingin sa amin na parang nagseselos. DREAM ON, Gette! "Mamaya pa yan, tinatamad sina Jishi eh." Sabi niya. And then, Rico went to us pagkatapos niyang makipag-usap kina Jishi at pinaupo sa tabi si Sandy. OH MYY, look at the looks of that girl! Napaka skinny niya, and she looks duh. Hindi ko talaga maisip kung bakit ako tinanggihan ni Rico for that girl. HAHA. Enough, I'm hallucinating. Nanlalait na nga ako, tapos nagiging feeling pa na alam ni Rico ang nararamdaman ko. "Hi Gette!" He smiled at me. "Uh, Hiro, magsisimula na daw!" Sabi niya kay Hiro. "O sige na Hiro, okay lang ako dito!" Sabi ko naman kay Hiro. "Sige Gette, kita na lang tayo mamaya!" Sabi ni Rico na para bang sinasadya para marinig ni Hiro. Kaya napatigil si Hiro. "Rico, mauna ka na. May pag-uusapan muna kami ni Gette. Susunod lang ako." "Pero-" "Susunod nga ako!" Sabi ni Hiro sa malumanay pero halatang naiinis na tono. Umalis na si Rico kahit nag-aalinlangan siya. YAN KASI! Sige pa! Pagselosin mo pa tong ex kong patay na patay sa akin! "You and that nerd, friends?" Tanong ni Hiro sa akin na pabulong. "Oo. Bakit?" I turned back. "WHAT? I mean, close?" Tanong niya. "Bakit ba?" "HAHAHA, don't make me laugh, Gette! Don't tell me pomoporma yun sayo?" Sabi niya. "You think so?" sabi ko. "Oo! Sa itsura nun, isa yun sa mga lalaking nagkakandarapa sayo!" "HAHAHAHAHA, don't make me laugh Hiro!" Sabi ko habang hinanap sa likuran si Rico. "Tingnan mo," Tinuro ko si Rico kasama si sandy. "yun ba yung tinutukoy mong pinopormahan niya? Iniinsulto mo ba ako?" Sabi ko half laughing. Ang walang hiyang Ricong yun, papatayin ko na talaga yun mamaya! GRRRR... "Sabihin mo lang pag pinopormahan ka nun-" "No... no... That's too impossible. Sige na! Pumunta ka na dun!" At umalis siya agad. Lumapit ako kina Anya at Sam. "THAT was close!" Sabi ni Anya. "Nakikinig kayo?" Tanong ko. "Oo, kanina pa!" Sagot ni Sam. Napabuntong hininga ako. "Rico is really something." They both said. I think so too. Pero, impossible. Pero... [STEP #30] Bridgette Reah Francisco: Miss miss ka diyan! “Gette?” Boses yun ni Rico. Kakauwi ko lang, pero mas una parin akong nakauwi sa kanya. Hinatid niya pa siguro si Sandy sa bahay nila. Gahd, nakakainggit naman oh! Pumasok siya habang nasa living room lang ako, nakatitig sa TV at nanonood ng DVD. Kumakain pa ako ng french fries. “Gette, diba masama yan! Wa'g kang kumain niyan.” Saway ni Rico sakin habang ilinalayo ang fries. “Gung-gung ka ba? Eh ikaw nga, kumakain neto, tapos-” “Pero, ang dami naman ata niyan!” Sabay turo sa napakaraming french fries na inorder ko. “Ano bah? Doktor ka ba?” Tanong ko sa kanya in a sarcastic way. “Soon, I will be, kaya ayokong nakikita kang kumakain ng hindi healthy na pagkain!” Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. “Ano? You'll proceed to-” “Oo, hindi ko ba nasabi sayo yun?” “Ah. Baka kay Sandy mo sinabi.” "hmmm, hindi eh. Sayo ko lang kasi dapat sinasabi ang mga bagay na to." "DAPAT?" Tanong ko. "OOOOOOO!" Sabi niya habang yumayakap sa unan at tumitingin sa TV. At habang pinagmamasdan ko siya, naiisip ko kung lalaki na kami. I'll handle his business and he will be a doctor. WOW. Ang galing! Ang galing talaga. Kinikilig ako. WAHAHAHA. "Hoi, Gette!" Saway niya. "Tumutulo na ang laway mo kakatingin sa akin!" Sabi niya habang kumukuha ng french fries. "Ano? Di-di ah?" Sabi ko. "TSSSSSSS. Deny ka pa!" Sabi niya habang pinaglalaruan na naman ang french fries sa bibig niya. Tumahimik ako dahil sawang-sawa na ako sa pakikipagtalo sa kanya. At kapag magtatalo pa kami ngayon, baka maamin ko na!! And that's a no no! "Gette, naka ilang boyfriend ka na?" Tanong niya pagkatapos lang nung kissing scene ng bida at ng kanyang leading man sa movie na pinapanood namin. HAHA, what a question. Kung basahin mo kaya ang OPENING REMARKS sa istoryang `to para malaman mo? "Ewan ko." Sabi ko habang nakayakap sa sariling mga tuhod na naka taas sa sofa. "Bakit di mo alam?" Tanong niya. "Eh, hindi ko rin alam eh." "Bakit ang dami mong naging boyfriend? Mahal mo ba sila? Bakit di pwede isa lang? Di ba pwedeng mag mahal ka ng isa lang?" Tanong niya. Muntik na akong mag nosebleed sa mga tanong niya. "EH HINDI KO ALAAAAAAAAM!" Sigaw ko na parang naiirita na talaga at tumingin ako sa kanya. Nabigla na lang ako dahil pag tingin ko sa kanya, bigla siyang lumapit sa akin. Akala ko hahalikan niya ako. JOKE. Isinandal lang pala niya ang ulo niya sa tuhod ko. Inayos ko ang pag-upo ko. At hanggang sa humihiga na siya sa lap ko. ANG PUNYETAAAAAAAANG ETO, BAKIT ANG LAMBING LAMBING NIYA? Tapos naririnig ko na naman ang lakas ng pintig ng puso ko. "Rico, ginaganito mo ba si Sandy?" Tanong ko. "Ha?" Nag taka siya sa aking mga tinatanong. "I mean, duh! Hinahawakan mo ba ang kamay niya," Habang naiisip ko yung mga sandaling hinahawakan niya ang kamay ko. "do you sleep in her lap? Iniinis mo ba siya at binibirong may gusto ka sa kanya?" Umayos siya sa pag-upo habang nakasandal yung left arms niya sa sofa at ang isang braso niya naman sa tuhod niya. Then he smiled, "Of course not!" "Of course not?" Nabigla ako sa sagot niya. "Of course, iba ka!" Sabi niya habang tumatayo. "Bakit iba ako? Kung iba ako, iba din si Sandy?" Sabi ko habang pinagmamasdan ko siyang nagliligpit ng mga gamit niya. Uuwi na siguro siya. “AHAAAAAAA! Sinasabi ko na nga bang nagseselos ka eh!” Sabi niya. NAKU. Eh ano ngayon kung sabihin kong 'oo' ha Rico? “Whatever.” Sabi ko. “Yes!” Sigaw niya. “Anong 'yes' na naman ba?” Tanong ko. “That 'whatever' means, bahala na ako kung anong gusto kung isipin right?” Ano na naman kaya ang binabalak ng nerd na to? “Whatever.” “okay fine! Mahal mo ako, kaya nagseselos ka. WHATEVER. Wala ka naman sigurong pake kung iisipin ko iyon diba?” “AAAAAAAAAAAAAAAAANOOO?” Sigaw ko. "Joke. PIKON!" Sabi niya. "Rico, ang weird mo, ba't ka nang-iinis?" Tanong ko, seriously. "Ewan ko din." He smiled. Habang nakikita siyang papalabas ng bahay at pinaandar ang sasakyan. “Kita na lang tayo sa Fest. Don't miss me ah?” Then he smiled as he waved goodbye. Ang walang hiyang yun, ano ang gusto niyang isipin ko? Damnit. Bakit niya ako ginaganito? Alam niya na ba na mahal ko siya? Sino ang nagsabi sa kanya? Am I being too showy? GAAAAAAAAAAH. "Miss miss ka diyan!" That night, I couldn't sleep well. I can't just sleep well with that thoughts bothering. Di ko alam kung sinabi niya lang ba yun sa akin para malaman kung may gusto ako sa kanya o hindi. Can you guess? [STEP #31] Bridgette Reah Francisco: I cannot move. School Fest na, I'm wearing the newest and the best attire para lang sa araw na to. I don't know kung bakit ko gustong magpaganda talaga ngayong araw na to. I DON'T KNOW. Pag labas ko sa bahay, I know for sure that this will be my day. Maybe because someone told me to meet him today. ANO DAW? Si Rico? Oo, siya. Hindi ko pa siya nakikita ever since umaalis siya ng bahay. Pero kampante akong makikita ko siya ngayon. Of course, sa banda nina Hiro, wala siyang kawala dun. The day went well, it was my day indeed. No, It isn't my day yet, without him. Naghihintay kami nina Sam at Anya dito saa soccerfield. Malapit ng magsimula ang banda nina Hiro. And I'm so excited. “Gette!” May tumawag sakin galing sa likuran, it was Hiro. “Yo, good luck!” Sabi ko. “You're my luck remember?” Sabi niya sa akin. And that usual kilig-reaction of Sam and Anya wasn't there anymore. I turned the tables. noon, ayaw na ayaw nila kay Rico, pero ngayon, si Hiro na ang aayaw nila. Ganoon pala yun, the world is really changing. Malay natin, bukas, ayaw na naman nila kay Rico. At malay natin, bukas, ayaw ko na kay Rico. O bukas, ayaw ko na kay Rico... pero gusto niya na ako. We really can't tell. Pero, one thing is for sure: My feelings for Rico right now, seems so strong to be forgotten and to be changed. Habang nararamdaman kong malakas yun, mas nanghihina ako. “Gette, May dinedicate akong song sayo!” Sabi ni Hiro. “Ganun ba?” “Oo, sige ah. Magbibihis muna ako.” Then we waited again. Hanggang sa nakita ko na lang ang stage na may laman na at maraming tao na ang nakapaligid sa amin. Gabi na rin at kitang kita ko ang mga bituin sa langit. And when they started playing the guitar, my heart started to beat fast too. Dahil ang mismong nagpapaandar sa gitara, ay si Rico. “Hell, your Rico is so hot tonight!” Sabi ni Sam na halos di ko na marinig dahil sa ingay ng mga taong nagsisiksikan sa paligid. Kumanta na si Hiro, pero binalewala ko yun, parang all I can see from where I was standing was Rico. Habang hawak niya ang gitara at seryosong tinutugtog ito, nabigla ako nung tumingin siya sa akin half smiling. AT OO, this is real. tumitingin siya sa akin – at sa akin lang. Walang Sandy, si Bridgette lang. “OOOOOOOOH my gosh. Your prince is looking at you!” Sigaw ni Anya at naghuramentado ang dalawa habang nakangiti lang ako't pinagmamasdan si Rico at nasisiyahan ako sa pag-iisip na pinagmamasdan niya rin ako. And it was not a dream, it was real. PROVEN: This is my day. Natapos na lang, pero hindi ko na napakinggan ang sinasabi ni Hiro na dinedicate niya sa akin na song. The center of my attention is just Rico. Natapos ang lahat kahit ayaw ko talagang tapusin yun. It is better that way, it is better that he'll look at me from afar and see through me. “Gette, anong gagawin mo ngayon?” Tanong ni Anya. “Ano pa ba? Edi icongratulate niya si fafa Rico dun sa backstage!” Sabi ni Sam. “ha? B-bakit?” “He is staring at you from the time their show started tapos di ka man lang gumawa ng move?” sagot ni Sam. “Sige na, nasa back stage pa lang sila ngayon for sure, hindi pa sila nakakabalik sa office ng Hero.” Sabi nina Anya while pushing me away. “Hi-hindi. Sa office na lang ako ng Hero maghihintay kasi baka magduda pa si Hiro kung sa backstage.” sabi ko. What a lame excuse. “Edi i—congratulate mo rin si Hiro para di siya magselos.” Napatingin ako sa likuuran ng stage pero di ko talaga maatim eh. Ang dami kasing babae doon at parang di ko sila maco-congratulate ng maayos. And so, I headed off to the Hero Headquarters – ang office ng banda nila. And since none of my two ingratitang friends ang maay gusto sa decision ko, ako lang mag-isa ang pumunta. “For sure, pag makikisoot ako dun sa backstage at nakita ng ibang inggitera na si Bridgette na naman ang pinapansin ng mga lalaking yun, the rumors about me being a b*tch will rise again.” Napabuntong hininga ako. Habang papapasok ako sa office, nakita kong bukas ang pintuan. “Eh?” Sinong andito? Wala dapat diba? Sumilip ako para tingnan and I saw the biggest show I've ever seen in my whole life. SOMEONE IS KISSING SOMEONE PASSIONATELY. And it seems that the girl was the one bringing the show. Obviously, ang babae ang tumutulak sa lalaki. Para bang ayaw nung lalaking humalik. “Ano ba? Since high school, alam mo naman diba?” I heard the voice of the guy. And I was still out of my mind. “Hiro, why can't you love me?” Sabi ng babae. “Hindi kita gusto. Tingnan mo nga yang itsura mo, ba't di mo ikumpara ang sarili mo kay Gette?” “Gette, Gette, puro na lang Gette! May mahal nang iba yun!-” “And who will it be?” Tanong ng lalaki. OMG, WTF. I heard my name. And yes, Hiro was the guy. WTF are they talking about? “Huli na to Hiro. Sasagutin ko na si Rico mamaya, you must tell me that you don't love me and you will never love me.” “p0ta. I don't love you and I'll never love you. Ilang beses ko ba yan kailangang ulitin? Kahit ilang beses mo pa akong halikan, hinding hindi yun magbabago! HEAAAAAAR THAT?” And I heard Rico's name! The girl who is kissing Hiro was – SANDY. And for the second time around, naitulak ko ang pintuan at nadapa ako di kalayuan sa dalawa. Nakita nila ako at nabigla silang dalawa pero nagpatuloy sa pagsasalita si Sandy na para bang di nakakaramdam ng takot sa mga maaari kong marinig at isumbong kay Rico. “Sasagutin ko siya! At titiyakin kong mamamatay ka sa selos at inggit because after this, I'm gonna change.” Sabi ni Sandy sabay alis. Pero bago siya tuluyan nakaalis, may mga salita pa siyang binitiwan para lang sa akin. “Go on, tell him that I don't love him and I'm just using him. Let's see who will end up crying.” For the first time in my life, ngayon lang ako nakaraamdam ng panginginig dahil sa galit at poot. For the first time, hindi ako makapagsalita at makagalaw dahil sa bigla at sa poot. First time kong gustong pumatay ng tao at labagin ang human rights at lahat ng rights sa mundo. KAYA HUMANDA SIYA. "Gette, m-mali ang iniisip mo! I don't like that b*tch! Gette, please let me explain!" I cannot move. [STEP #32] Bridgette Reah Francisco: I`m letting go. "I didn`t do it!" Sabi ni Hiro sa akin. LIKE I CARE? Tulala parin ako. "Gette, listen to me!" Dumating yung ibang taga Hero pero wala dun si Rico. "She dragged me here. Tapos, bigla na naman niyang sinabi sakin na mahal niya ako. Nung high school pa siya ganyan eh. Naiinis at naiirita nga ako. At ngayon lang may nakahuli sa kanya! Hindi rin kasi naniniwala ang barkada ko na may gusto siya sa akin!" Tumingin silang lahat sa amin. At narealize kong kailangan kong puntahan o hanapin si Rico. "Gette, yung fone mo!" Sabi ni Hiro. My phone is ringing pala. Ngayon ko lang namalayan. "Hell-?" "Gette, asan ka? I`m preparing my surprise for Sandy. Pumunta ka dito sa park please." "Okay." Sabi ko. Nagmadali akong umalis at... "Wa`g mo akong sundan!" Sabi ko kay Hiro dahil namalayan kong aalis siya kasama ko. Sa kabutihang palad, hindi niya naman ako sinundan. Nagmadali ako papunta dun sa park malapit sa 1720. Lumalalim ang gabi, lumalamig ang panahon. Will this be my night? Or not? Sasabihin ko ba kay Rico? O hindi? Kung sasabihin ko kay Rico, anong mangyayari? Kung hindi ko sasabihin kay Rico, will Sandy win? I can`t let her win! But I can`t turn Rico down. Pero mas masasaktan naman siya kung nalaman niyang may alam pala ako pero di ko sinabi sa kanya! THAT B1TCH~! I can`t let her get away with that! Pero, I don`t wanna hurt Rico, either. Ilang sandali ang nakalipas habang naglalakad ako papuntang park. Nakita ko na lang si Rico at nagmamadali papunta sa akin. "Gette, favor?" Sabi niya habang hinihingal. Sa likod niya, I saw a table. May mga pagkain at bulaklak. ROMANTIC~! "Ano yun?" Sabi ko na walang kabuhay-buhay. "Paki hawak ng balloon na to." Sabi niya habnag ipinakita ang tatlong balloon na may naka bitay pang tela na may nakalagay 'Will you be my girlfriend?' Hindi ako makapagsalita. At this time, everything is ready. The dinner, and even this. I can`t tell him that thing now! Masasawi siya, masasaktan. With all of this efforts... Binigay niya sa akin ang balloons at ipinahawak sa kamay ko ang tela pero wala akong lakas ng hawakan ko iyon kaya bigla kong nabitawan. "OY!" Sigaw niya habang kinuha yung balloon. "Anong nangyari sayo? Gette, please?" Sabi niya. "Okay." Sabi ko at yumuko ako. "Para saan `to? Gabi ngayon ah? Di parin `to makikita dahil masyadong madilim." "Pakawalan mo ang balloons pa`g putok ng fireworks." Sabi niya habang papaalis at nakita ko si Sandy. Kararating lang niya, and look at her outfit! Nagpalit siya ng damit. From that 'trapo' to 'that'? Para siyang nagpalit ng katauhan. Then I remembered what she told Hiro earlier. Na magbabago siya? So she means that? STUP*D! Muntik ko ng mapunit ang tela sa balloon. "So, there`s a lot of effort huh?" Sabi ko sa sarili ko. "You look good!" Sabi ni Rico sa kay Sandy. "Of course, espesyal ata to sakin." Sabi ni Sandy habang umupo sa upuan. And then they started talking about sh*t. LOOK, I QUIT! After this, is summer right? Dalawang linggo na lang, wala nang pasok. Then maybe I can ask my parents something like ayoko na sa skul na ta kaya ta-transfer ako? NO GOOD. I can`t run! I can`t hide! Pagkatapos neto, tapos na ang obligasyon ko kay Rico. But in the end, talo ako. He gained something, she gained too. But I gained nothing, in fact, I lost something. ANONG GAGAWIN KOOOOOOOOO? "I think I`m falling for you!" Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang pangalawang show for the night. Hinalikan ni Sandy si Rico. And then the fireworks started. "So, this is useless, huh?" Sabi ko habang tinitingnan at pinapakawalan ang balloon sa mga kamay ko. I`m letting go. Before he asked her to be his girlfriend, nasagot niya na. GREAT. [STEP #33] Bridgette Reah Francisco: Hiro, wa`g na! "I love you too, Rico!" Sabi ni Sandy. Nakikita ko sa mga mata ni Rico ang kaligayahan. "GEEEEEEEEEEEEEETTE!" Sigaw ni Rico. "Narinig mo ba yun?" Sigaw niya sakin. Hindi ata alam ni Sandy na andito ako. Kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko. Nakita kong nabigla siya. Anong gagawin ko? Sasabihin ko o hindi? Hindi? "Thanks for being our bridge," Sabi ni Sandy. "BRIDGEtte." Paulit-ulit na tumunog ang pangalan ko sa mga tenga ko. BRIDGE. GETTE. BRIDGE... BRIDGETTE. Bridge. Sorry, Rico. Pero di ko na kaya `to. Kahit sino, wa`g lang ang babaeng yan. Okay lang kung hindi ako ang pipiliin mo. Pero bakit siya pa? Pumunta agad ako sa kanila. I can`t describe my face this time. I want to fake a smile but I just couldn`t. Dahil alam ko, sa oras na makalapit ako sa kay Sandy... *SLAAAAAAAAAAAAAP* "G-Gette?!" Sigaw ni Rico. He was horrified seeing me hurting HIS ONE AND ONLY! Natatakot din akong madismaya siya sa akin. Pero, my blood wants to crush this girl. Not because she got the guy I love. But because she was cheating! "You LOSER! Anong akala mo sa sarili mo? Napaka plastic mo! How dare you! B1tch!" Sigaw ko. I`m holding back my tears. And I don`t know why my tears are coming out. Lagi naman akong ganito kapag may inaaway ako. Pero... bakit ngayon... Hinawakan ni Sandy ang pisngi niya at umiyak siya. "HOY B1tch! May pa-iyak-iyak ka pa riyan! Napaka plastic mo! You cheater!!!!!!!!" "Gette. Ano ka ba?" Sabi ni Rico. "Eh kasi naman, YOUR GIRLFRIEND is a BIIIIG cheater. Sinagot ka lang niya para---" GODAMNIT I can`t say those words. "---Sh1t." Narinig ko ang pag hagulhol ni Sandy. Rico comforted her. "You like him, don`t you?" Tanong ni Sandy sakin habang hinahabol ang hininga. "SINASABI KO LANG YUNG TOTOO. YOU PLANNED EVERYTHING RIGHT? KAYA PALA NUNG UNA KO KAYONG NAKITA, AMPANGET NA NG IMPRESYONG BINIGAY MO SA AKIN. DAMN YOU!" "GETTE~!" Sumigaw ng mas malakas si Rico. Tumahimik ako. Ang tanging naririnig ko ay ang paghikbi ni Sandy. "Gette! Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Rico sakin. Sa kanyang mga mata, nararamdaman kong galit na galit siya sa akin. Pero, I think it`s better that way. Mas mabuti pang magalit siya sa akin dahil nagpapakatotoo ako, kesa masisiyahan siya pero binobola ko naman ang sarili ko. "SANDY. WHY DON`T YOU TELL HIM YOUR INTENTIONS? MGA INTENSYON MO KUNG BAKIT MO SIYA SINAGOT? RICO WANTS TO HEAR IT." Nakikita ko sa mga mata ni Sandy ang galit sa akin. Even if she is pretending to be weak and crying this time, I know that she was pissed. "I know you`re pissed. Kasi I`m ruining your plan." I smiled. Pero nanginginig na talaga ang kamay ko. It`s because Rico is listening. Natatakot akong madismaya siya. Baka kainisan niya ako. I don`t want him to hate me. But, I don`t want to hate my self for not being myself! "Ano bang pinagsasabi mo, Gette?" Tanong ni Rico. "I want you to hear it from your girlfriends' mouth. Kasi kung ako ang magsasabi sayo, baka akusahan lang ako ng MAGALING MONG girlfriend na may gusto sayo!" "Why? Hindi ba totoo naman yun?" Singit ni Sandy. I bit my lip. "Oh no! Really? So, you want to talk about me because you want to cover up your DIRTY LIT-TLE SEC-RET, right?" Sabi ko. It`s true. I like him. I love him. Pero this is not the best time to tell him that crap! Kung sasabihin ko iyon, every thing will turn out to be an absolute waste of time. Baka isipin ni Rico na kaya ko sinisiraan ang bruhang nerd na to eh dahil may gusto ako sa kanya. Calm down, Gette! We will tell him the truth about your feelings someday. Not now. Nabigla si Sandy sa mga sinabi ko. Rico can`t do anything. I know, because he trusts me too. "Hindi yan totoo, Rico. Wa`g kang maniwala sa sinasabi niya." Sabi ni Sandy. "May sinabi ba ako? Oh c'mon Sandy! Cut that crap! Why don`t you just tell your boyfriend your dirty little secret. You shouldn`t keep secrets right?" Sabi ko. This time. I`m both happy and sad. Happy dahil parang may pinalabas ako sa sarili ko. I was relieved. But not completely. Sad dahil I know, after this... baka hindi na kami mag usap ulit ni Rico. I know, because Rico loves this cheater a lot. And since alam kong ganon ang mangyayari, I need to give everything this time. Kahit na, magalit si Rico sa akin. "Baka ikaw ang cheater! Ang lakas ng loob mong sabihin yan! Sino ba sa ating dalawa ang may double-doubleng boyfriend ha, Gette? And then, you are telling all this lies to Rico because you like him, right?" Sabi ni Sandy. Napaisip ako sa sarili ko. Bakit kailangang ungkatinb pa iyan? That was my fault before. But... Sasampalin ko na sana siya, kaso... Rico stopped me. "Tama na, Gette!" Sabi niya. "Bakit mo ba siya sinasaktan? Kilala mo ba siya? Don`t judge her." OUCH! WTF. "Sh1t." I don`t wanna cry. Para akong binasted this time. The line between Love and Hate is very thin. I`m hating him. I`m hating him. Kasi, eto ang pinaka unang pagkakataon na hindi ako napili. I was rejected, and I hate him for doing that. Hindi ko nga sinabi sa kanya ang nararamdaman ko, pero parang ganon na rin yung mga sinabi niya. I hate him. But I love him. :'( Tumahimik ang paligid. "What`s going on here?" Lumingon ako sa likod. I was about to cry, but when I saw Hiro standing behind me, I was relieved. At last, may magpapatunay na. Pero, si Rico... he will be hurt. Think about it, Gette! He will be hurt. "OH Dear. May sinagot na ba??? May bagong mag syota?" Sabi ni Hiro. I saw Sandy`s eyes filled with fear. Natatakot siya, kay Hiro. So that`s it. Kaya pala lagi siyang ganyan pa`g andyan si Hiro. It`s Hiro who can drive him into someone - I don`t know. Kaya pala gustong-gusto ni Hiro na pagtripan si Sandy at si Rico. Because Rico loves Sandy and Sandy loves Hiro. Then Hiro loves Me, but I love Rico. LOVE SQUARE? "Bakit parang napepressure si Gette? At bakit ganyan ang mukha mo Sandy? Kanikanina lang lumapit ka sa akin at hinalikan mo ako." Sabi ni Hiro. Rico was shocked that he punched Hiro so hard. "Tama naaaaaa!" I shouted. "Hiro, wa`g na!" Tinitigan ko si Rico. His eyes was filled with pain, hatred and sorrow. I know, Rico. Pero, too bad. I`m still Bridgette Reah Francisco. I`m this girl. I`m gonna crush your girl`s face if she dares to mess up with me - and with you. I`m this girl. But if you`re not on my side. I`ll leave you alone to realize whatever you want to realize. Tumayo si Hiro. And Rico was always ready to punch him again. Kaya lang nakatitig siya sa akin ngayon. Galit siya. Naiinis siya. "You don`t want to hurt the person you love right?" Tanong ko sa kanya. ME TOO. Tinitigan ko rin siya. Parehong pareho sa mga matang ipinapakita niya sa akin. Those eyes were ready, ready for the consequences. "Hiro, tama na. Umalis na tayo. Some people are not worth the truth." Umalis ako - and I am crying. "Sandy, sana maging masaya kayo. Kahit ako naman talaga ang gusto mo! HAHAHAHAH~!" Hiro laughed out loud. "HIROOOOOOOOOOOOOOOO! Sh1t! Naririnig mo ba ako? O baka isa ka sa mga taong hindi nakikinig?" Sumigaw ako habang naglalakad papalayo sa kanila. "Yeah, yeah! Bye!" Sabi niya habang umalis na. Think about it, I`m the same Bridgette. May prinsipyo. I can`t lose my self just because I`m in love with him. [STEP #34] Bridgette Reah Francisco: You deserve it. Naglalakad ako papalayo sa kanila Rico. At alam kong andiyan si Hiro at sinusundan ako. I went straight to 1720 dahil andun sina Sam at Anya naghihintay sa akin. Nakikita ko si Sam at Anya, nagku-kwentuhan pero mas malinaw sa mga mata ko ang baso sa kanilang harapan. Ewan ko kung ano yun pero ininom ko na lang yun ng basta dahil inuuhaw ako. Wala din akong pakealam kung malalasing ako dun, wala din namang kwenta eh. "Gette, anong nangyari?" They asked. I can't say a word. "Umiyak ka ba?" Tanong ni Anya. "Gette, you like him don't you?" Sa likuran ko, nakaabot si Hiro. Unti-unting naramdaman ni Anya at Sam ang mga nangyari. Pero, bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka. "So what if I like him?" Sabi ko. "Then why don't you tell-" "DON'T YOU DARE DO THAT!" Inunahan ko na siya. "Huh?" Mas lalong nagtaka ang tatlo. "`di mo ba nakikita? That nerd is in love with that b1tch! At sa tingin mo ba kaya ni Bridgette Reah Francisco'ng mabasted?" Sabi ko, and I was raising my voice this time. Wala akong pakealam kung marinig ako ng mga may galit sa akin. Nanahimik silang tatlo hanggang sa binasag ng bunganga ni Sam ang katahimikan. "Who's the b1tch?" Nagkatinginan kami ni Hiro. "Si Sandy." Sabi niya. Later on, nalaman din ni Anya at Sam ang lahat ng mga nangyari. Mas desidido pa nga silang resbakan ako kesa sa sarili ko. "OH MY, he chose the nerd?" Sabi ni Sam halatang matatawa. Tumawa ako, as if everything was a joke. "HAHAHAHA, Oo. I can't even believe it. HOW THAT FCUKING BITCH, argh." And now I know that the three of them: Hiro, Anya and Sam are just looking at me. And I don't care if they'll catch me crying or anything. Pero, instead na umiyak ako at at magwala, tumatawa pa ako. And take note, hindi ako tumatawa dahil masaya ako, kundi dahil wala na ako sa sarili. "HAHAHAHAH~! Wa'g niyong ipag sabi ang lahat ng `to okay?" Sabi ko. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?" Tanong ni Hiro. I know that he was irritated dahil masyado na akong unreasonable. Ako na nga yung nasasaktan, ako pa yung nagpaparaya. I can't believe na magkakaganito ako. At alam kong ayaw din nilang maniwala. Who could have thought anyway? "EH SA AYAW KO EH!" Now, I'm raising my voice over Hiro. "Really? Kung ayaw mo, ako na ang magsasabi!" Sabi niya. And I want to crush him for not being able to grasp my intentions. "Sh1t! Ano ba ha? Ikaw ba ang may gusto sa kanya?" Then my eyes were wet. "Dahil, Gette, kung matatagalan ka pa sa pag-iisip sa sagot, mas lalo akong matatagalan sa sagot mo ulit!" Sabi niya. At parang lalabas na ang mga ugat sa kanyang balat sa pagkakasabi niya nun. "Nag-iisip ba ako sa sagot? Di naman ah?" Sabi ko. "Basta, alam kong hindi ka matatahimik kung `di mo malalaman ang totoong nararamdaman niya para sayo." Sabi niya. "Alam ko kung ano ang nararamdaman niya sa akin. BullSh1t." Sabi ko. And now, I'm overflowing with vulgar words. "Kung ayaw mo talagang sabihin ko, edi sabihin mo. Kung ayaw mo namang malaman niya, edi sagutin mo na ako." Sabi niya. "Hiro, are you threatening me?" Sabi ko. Walang kwenta. Ganun ba ang gusto niya? I'll be his girlfriend kahit ayoko naman talaga sa kanya? "YES, I AM." And he looks serious. "Then, okay. I'll be your girl!" Sabi ko ng walang pag-aalinlangan at umalis sa 1720. Hindi niya ako sinundan. At imbes na sumaya siya dahil kami na ulit, mas mukha pa siyang nasunugan. Bago ako tuluyang makaalis sa lugar na yun, nanginginig ako dahil dadaan ako sa park. Doon, nakita ko si Sandy. Pero wala na si Rico. What happened? OMG. Lumakas ang tibok ng dibdib ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, kaya lang... "Gette!" T`was Sandy. Lumingon ako sa kanya. Umiiyak siya. "Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan." Sabi niya. Pero di ako makapagsalita dahil `di ko naman alam kung anong nangyari. "Masaya ka na?" "Maybe." Sabi ko. I just wan't to piss her more. "You've got to be happy, right now." Sabi niya. I was shocked. "Dahil, ngayon lang `to at hindi na ito mauulit! At hinding hindi ka niya popormahan dahil alam niyang PLAYGIRL ka. Kung popormahan ka man niya, gusto lang niya ng panakip butas-" 180 degrees. *SLAP* Eto ang pinaka malakas kong hampas sa pagmumukha niya. "If I caused your relationship to be ruined. Then..." Sabi ko, I'm preparing to leave. "You deserve it." At umalis na ako ng tuluyan. I'm moving on. Ayoko na, nas-stress na ako sa buhay ko! Nung una, nabo-bored ako, ngayon naman nakakastress. Kailan ko ba mararanasang kiligin ng husto? PATHETIC QUESTION. Ano kaya ang nangyari kay Rico? [STEP #35] Bridgette Reah Francisco: And Rico, is my karma too. "OH NO~! Tapos na ang exams natin, Gette pero...-" "Anya!!!" Saway ni Sam kay Anya. Nandito kami sa cafeteria. At kung kanina pa naghahanap ng kung sino etong dalawang to, MAS KANINA pa ako naghahanap sa kanila, di nga lang halata. "Anya, let's forget about that guy and think about summer!" Sabi ni Sam. "Saan tayo ngayong summer? OMG, I'm excited!" Napabuntong hininga si Anya. "Gette! Saan mo gusto?" Tanong ni Sam. "Kahit saan. :) " It`s been two weeks. Two weeks, di kami nagkita ni Rico. Ni hindi siya nagt-text at di ko rin siya nakakasalubong sa skul. Oh how I wish na makasalubong ko siya kahit ngayon lang, pero at the same time ayoko rin dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong ireact. "AYUN!" Sigaw ni Sam. "Asan?" Tanong ko. "...si Hiro." Dugtong niya. WALANG HIYA. Akala ko pa naman! "Saan tayo this summer?" Tanong ni Hiro sa akin habang tumatabi. "Kahit saan." Lumingon ako sa left side at nakita ko si Sandy. I was expecting Rico to be with her. Kahit alam ko namang kahit kay Sandy ay di na siya nagpaparamdam. "Have you seen him?" Tanong niya. Mas palaban na siya ngayon, kaya na niyang makipag-usap sakin kahit nandito si Hiro, Sam at Anya. "I don't know." I rolled my eyes. Pero, infairness nagbago na ang nerd. Ewan ko kung dahil ba iyon kay Hiro o kay Rico. Pero nagbago na ang pananamit niya. Ayon sa mga kilala ko, may posisyon na daw siya sa hall of fame ng mga Nursing students. She walked away. Pati pala sa kanya, di parin nagpapakita si Rico, ano kaya ang nangyari sa kay Rico? I'm worried. Pero I'm in the process of moving on. WHOLE SUMMER. Proseso sana ng pagmo-move on ko kaso, mas lalo ko siyang na mimiss. Kahit anino niya hindo ko na nakita. Syempre, wala naman kami sa skul eh. "Gette," umayos ako sa pag-upo. "Let's break up!" I was surprised at muntik ko ng mahulog ang aviators ko. "Why?" Tanong ko habang tinititigan si Hiro. Hindi siya sumagot so... "Okay, kung yun ang gusto mo." Sabi ko. I don't wanna be mean pero di ko naman kasalanan `to. "I can't make you happy." Sabi niya. "I am happy." "You are?" "Well, yeah!" But, it's not because of you. "It's not because of me." "Of course, happiness is a choice." Napabuntong hininga siya. This guy, is a badboy. And I can't imagine a badboy saying this. "Maybe you are my karma." Sabi niya habang humarap sa malawak na karagatan. "Maybe." Sabi ko. "And Rico, is my karma too." Lumingon siya sa akin para kumpirmahin ang reaksyon ko. "But I won't let him hurt you again, that's for sure!" Sabi ni Hiro. "Sure. Di niya naman ako masasaktan eh, dahil di ko na siya makikita." "Huh? Bakit?" Di ko na siya makikita? That statement, is a masked statement. Ang totoong pakay nun, ay para may mag-paasa sa akin na makikita ko pa siya. Enrico Gonzales, where the hell are you? [STEP #36] Bridgette Reah Francisco: Sure, ikaw naman ang nakaupo diyan kanina diba? "Gette! Thank you! I love it talaga!" Sigaw ni Sam sa akin. "Nakakabingi ka naman! Last week mo pa yan inuulit-ulit!" Sabi ko habang papasok kami sa Building namin. "Eh kasi naman! Gustong-gusto ko yung binigay mo!" Sabay pakita sa bag niya. Galing akong Hong Kong. Pagkatapos nung outing namin sa isang Beach Resort, I went to Hong Kong for a vacation. Alam nyo na, gusto kong makalimutan ang lahat. And thank God, mukhang nakalimutan ko na nga. I mean, basta, wala na akong nararamdamang kahit ano. Anya and Sam stopped talking about HIM na rin. Si Hiro naman, minsan yinayaya akong lumabas. He's still around me but not that annoying anymore. And I'm still Ms. Popular. Siyempre, `tong school namin pinagtutuunan ng pansin ang mga estudyanteng buhay celebrity tulad ko. Or maybe, hindi ko na talaga maiaalis ang kasikatan ko dahil sa mga pinaggagagawa ko NOON. "Bridgette!" Si Anya. Kamustahan dito, kamustahan doon. First day of school. Tatlong buwan din kaming di nagkita-kita. "Anya, tumaba ka!" Sabi ko. Nagtawanan kami. Habang panay ang usapan naming tatlo, aksidente kong narinig ang isang grupo ng mga taga Communications Club. "Si Rico? Really?" Sabi nung isang babae. "Yun bang nanalo sa Hall of Fame sa Med department?" My heart skipped a beat. Tatlong buwan kong hindi narinig ang mga pangalan niya. "Gette?" Sabi ni Anya. "H-huh?" Sabi ko. "Nakikinig ka ba?" I was still shocked. "Ang sabi ko, pumunta kayo sa bahay namin this weekend, kasi yung mga pasalubong ko!" "O-okay!" Sabi ko. "HAAAY Gette, Ginugutom ka ba? Pumunta muna tayo sa cafeteria bago tayo pumasok sa first class natin, marami pa namang oras eh." Sabi ni Sam. Nag lakad kaming tatlo. Parang ayokong pumunta, para akong takot. Nanginginig ako, at para akong bata na titingin ng horror movie kahit takot sa multo. OH NO. Don't tell me na wala lang yung effort kong pag-out-of-town at LOOOONG vacation para lang ma ENLIGHTEN at makalimutan ang NERRRRD na yun? I guess I`m thinking too much again. So I started chatting with them. "Nakita niyo ba si Hiro?" Tanong ko. "Uhm, nakita ko siya kanina, kasama si Jishi at ibang Hero members." My heart skipped a beat: Hero members? "Ahhh, siguro classmate din natin siya sa first class noh?" Tanong ko. I feel so stupid, di ako makahanap ng magandang tanong. "Syempre naman!" I can now see the vicinity of the cafeteria. "Si Rico? Hall of Fame? WOWWW!" Naririnig ko na naman ang pangalan niya out of nowhere. "Enrico Gonzales, as expected!" "Ang galing niya no?" "Nag bago na talaga siya, I don't know what happened to him!" WHAAAAAAAAAT THE HELL HAPPENED? este, okay, I'm not interested. Kaya pumasok kami sa loob ng cafeteria and I don't know if nakadrugs ba ako o talagang kelangan ko ng magpacheck-up sa tenga dahil naririnig ko ang mga pangalan ni Rico kahit saan ako magpunta! "Ang galing niya! Nagbago na talaga siya." "Kilala ko si Enrico, magkaklase kasi kami sa high school, I can't believe ganun na siya ngayon." "Wala masyadong nakakaalam nun eh. Ano kaya talaga ang nangyari?" Umupo kaming tatlo sa isang table habang panay ang text ni Anya sa, si Sam naman ay mukhang may hinahanap, kaya ako lang ang may kakayahang makinig sa mga usapan ng ibang tao. And take note, kahit ayaw ko naman talagang makinig, naririnig ko parin dahil ang lalakas ng boses at lahat ng tao dito ay pinag-uusapan siya. "Bakit di pa innanounce ng Communications Club yun? Grabe, achievement yan!" "Di lang talaga gwapo si Enrico, noh?" I can hear those words from someone I've never seen before. Sumikat ba siya o talagang marami siyang friends? "Hindi ako makapaniwala, unexpected talaga. Grabe naman si Rico." "Diba may girlfriend siya?" "Hindi ata, he was still courting that girl pa lang daw!" "Nursing student din yung girl diba?" "Oo, pero, ewan ko kung bakit di siya sinagot nung girl." "EXCUSE ME, Sinagot siya nung girl pero nakipagbreak siya pagkatapos siyang sagutin!" Sabi ko. WAAAH~! I guess, di lang auditory skill ang nakuha ko sa pag babakasyon, pati na rin ang pagiging madaldal at bastos! BAKIT GANITO. I can't hold my mouth. At parang nagiging level-down na ako imbes na level-up sa COOLNESS! "H-huh? Bridgette?" Sabi nung isang di ko naman kilala. Hinila ako ni Sam at Anya papalabas ng cafeteria, nahiya ata sila sa ginawa ko. "Gette, masama ang nakikinig sa usapan ng iba!" Sabi ni Sam. "Alam ko naman yun Sam... pero-" Lumingon kami sa left side. "Oo nga! Sandy yung pangalan nun, ayun siya! Baka may alam siya!" "Siya ba yan? Bakit nag iba na siya? Di naman siya ganyan last sem ah?" "Ewan ko nga ba, andaming nagbago ngayong taong to, and I'm sure it will be exciting!" Linapitan nung mga babae si Sandy. SI SANDY? Napatunganga ako. Ibang-iba na rin siya! Di na siya pumapasok ng nakasaya at may malaking bag. She looks like an ordinary student for me. "Kanina pa to ah? Puro na lang Rico, Rico, bukambibig ng mga tao puro Rico. Ano bang nangyari?" Tanong ni Sam. "Akala ko ako lang ang nakapansin!" Sabi ni Anya. "Gette, anong nangyari? Tsaka, diba si Sandy yun?" "Ewan ko, di ko alam." Yun lang ang naisagot ko. "Gette~! Anya! Sam! Andito lang pala kayo, pumasok na tayo! 5 minutes na lang!" Sabi ni Hiro. I looked at Sandy at dumikit ang kanyang mga mata kay Hiro. Ngayon ko lang na realize na pareho pala sila ng pinanggalingang school nung high school pa lang sila, kaya gusto niya na siguro si Hiro noon pa. "Hay naku, ayan na naman ang nerd na yan!" Sabi ni Hiro habang tumalikod. Umalis na kami, ngunit ang mga naririnig ko paring usapan ay ang tungkol kay Rico. Hindi ko na matansya kung magkikita pa ba kami o hindi na. Pero, mukhang magkikita pa ata kami dahil marami akong naririnig tungkol sa kanya. "Really?" "Oo, ewan ko kung saan yun pumunta, basta umalis siya sa kinauupuan niya kanina. New student daw yun!" May konteng kwentuhan akong narinig bago tuluyang nakapasok sa silid-aralan. "Gette, nakita ko yung mga picture mo sa Hong Kong! Ang gaganda!" Sabi nung isang block mate ko. "Ah, yeah. Thanks!" I grinned. Umupo ako malapit sa bintana. Ayaw naman ni Anya at Sam sa kinauupuan ko kaya hinayaan ko na lang silang umupo malayo sa akin. Umupo si Hiro sa tabi ko. "Pre, may nakaupo na riyan kanina. Nag CR ata!" Sabi ni Jishi. "Huh? Eh, bahala na siya. Sino ba?" "Ewan ko, di ko kilala, new student ata!" Tumango si Hiro. "New student naman pala eh." May new student? Anyway, nangyayari naman yan kahit saang school eh. "Hiro, sige na, sa likod ka na lang umupo. Baka magalit pa yun!" Sabi ko. "Huh? Eh, new student naman-" "Nerd nga pala siya! I mean, nerdy siyang manamit kaya okay lang yun." Sabi ni Jishi. Naagaw ng salitang nerd ang interes ko. "NERD?" "Oo, Sabi nila, matalino daw yun!" "Ahhh, Hiro, sige na sa likod ka na!" Bumilis ang tibok ng puso ko. Di naman siguro yun si Rico ano? Papaano naman yun magiging siya eh nursing si Rico? Natulala ako sa labas ng bintana. "Ayan na siya," Lumingon ako at nakita ko ang isang lalaking, weirdo kung manamit - pero mukhang ayos naman. Atsaka, marami siyang dalang libro kahit first day of school pa. Mejo may pagka mababa ang self-esteem niya kung titignan ko dito. Napabuntong hininga ako nung lumapit siya sa upuang katabi sa inuupuan ko. "B-Br-Bridge-gette, o-okay lang ba na dito ako?" Tanong niya habang nahuhulog pa ang ibang libro at kinuha ko naman. Natigilan ang mga kaklase ko at para silang nasa sinehan kung makatitig sa aming dalawa. "Sure, ikaw naman ang nakaupo diyan kanina diba?" I rolled my eyes when he smiled. I don't wanna get involved with nerds again. Naaalala ko lang si Rico. And it's nostalgic. [STEP #37] Bridgette Reah Francisco: Nagbago na siya "Aaron A-Alon-zo." Nakapangalumbaba ako habang tinitigan ang kanyang mga kamay na nakalatag sa harapan ko. Inalis niya ito bago ko maisipang duraan. (lol), naaasiwa kasi ako dahil hindi ko alam kung bakit buong klase namin ngayon eh lagi niya akong kinakausap. "S-so-sorry, Gette!" Sabi niya habang dahan-dahang kinuha ang mga libro. Ano ba `to? Kilala niya nga pala ako. Pero ganun na man talaga pag popular. HMMM. Umalis siya sa room. "Gette, okay ka lang ba?" tanong ni Anya. "Tinarayan mo yun ah?" "Huh? Taray ba yun? Eh hindi nga ako makapagsalita eh." Sabi ko. "Ah ewan na nga, lumabas na tayo!" Naglakad-lakad kami hanggang sa umabot kami sa cafeteria. Ilang minuto ang nakalipas, may nakita ako. Pamilyar na likod pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Could that be, Rico? Pero ibang-iba na ata siya kung maglakad at iba na rin ang mga kilos niya. "Uh, mag C-CRlang ako!" Sabi ko at umalis. Sinundan ko yung nakita ko. Hanggang sa nakita kong pumunta siya sa rooftop. PATAY, mukhang si Rico nga iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ko ba siya sinusundan? Ano ba ang plano ko? Ano ba ang iniisip ko't sinundan ko siya? Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko nakita si Hiro. Malalim din siguro ang iniisip niya dahil mukhang di niya rin ako nakita. *TUGHHH~!* Tunog ng likod kong sumandal sa sahig pagkatapos naming magbanggaan. "Araaay." Napapikit ako sa sakit. Nung dinilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Hirong nakatingin sa akin at nasaibabaw ko. "So-sorry." Sabi niya habang nakatitig parin. I was stunned kasi grabe siya kung makatitig. "What a show." May narinig akong pamilyar na boses sa likuran. Umayos kami ni Hiro at nang nakita ko na ang pinanggalingan ng misteryosong boses na narinig ko, "R-Rico." "Pumunta ba kayo dito para lang ipakita sakin yung posisyon niyo kanina?" He said. I was completely stunned with his face, his new look, his attitude and what he said. And for the first time tinalikuran niya kaming dalawa na parang wala lang. Tumayo si Hiro para sintukin si Rico. "Hiro, tama na-" Sigaw ko. Hinawakan ni Hiro ang kwelyo ni Rico. "Pre, what was that for?" "Ang alin ba?" Sabi niya in a sarcastic way. "Yung sinabi mo!" "Wala." Hiro let him go. I was thinking na baka galit siya kay Hiro dahil dun sa tungkol kay Sandy. Pero nung tinitigan niya ako, hindi ko alam kung pati sa akin galit pa rin siya. "Kayo pa rin ba?" Tanong niya. "H-Huh?" I was stunned again. "Oh may iba ka na naman?" He added and I was surprised. "A-ano?" What was that for? Bakit ang rude niya? Anong ibig sabihin nung tanong na yun. Then he turned back at naglakad papalayo. "Nagbago na siya." Sabi ko. "Ang walang hiyang yun!" Hiro was very angry. "Pasalamat siya't nakapagpigil ako. AAAAAAAAARGH! I want to crush his face." "Hiro, wa'g na wa'g mong gagawin yan!" Sabi ko. I feel like wala na akong mamahalin pa bukod sa kanya. I was able to deal with his changes, from that nerdy to the cool and now, the rude. [STEP #38] Bridgette Reah Francisco: Daig ko pa ang artista, and thanks to you! "Kaya naman pala eh!!! Eh ikaw ba naman matanggap sa Med school kahit 2nd year college ka pa. Grabe naman yun, ang talino niya ata at ang lakas pa ng loob niyang magtake ng exam sa Med School kahit 2ndyear pa!" Sabi ni Sam. Si Rico. I never imagined this. Ang talino niya talaga! Hindi na siya nursing student ngayon, Medical Student na! GRABE. I mean, I never thought that he is that smart. "He is the youngest pa! And If possible, siya yung pinaka batang ga-graduate na doktor sa school natin!" Sabi ni Anya. Napainom ako ng tubig habang nakatingin at nakikinig sa dalawa. "And... Soon, he will be Gette's DOCTOR! WAHAHAHA." Tumawa si Sam at Anya. Muntik ko nang maisuka ang ininom ko. "So, yun pala talaga ang plano niyo?" Lumingon ako sa nagsalita. And he was behind us, na sa pocket pa yung kamay niya. And worst, it was Rico. "Rico? Uh, Nagkakamali ka!" Sabi ko. Anya and Sam were stunned. Hindi nila alam kung magsasalita ba sila o hindi. "Anong mali?" He said. "Mali yung narinig mo! Hindi ko yun gagawin! I mean-..." "Ganoon ka pala talaga, Gette? You're still a playgirl!" &^%!@# "Sh1t!" Tumayo ako. "BAHALA KA KUNG ANONG GUSTO MONG SABIHIN! Napaka feeling gwapo mo naman para isiping bibiktimahin kita sa pagiging playgirl ko!" I am half crying. Nakikita ko sa mga mukha niya ang bakas ng pagsisisi sa sinabi niya, pero nasaktan ako eh. Tumayo na rin si Anya at Sam dahil lumapit ako sa NERRDDDD NA SI RICO. Dumami ang tao, and I'm sure its because of the rumors about Rico and his fame plus ang kasikatan ko na rin. I saw everyone like Jishi, Aaron, Hiro, Sandy and many more. Pinindot ko ang puso niya ng pangatlong ulit habang sinasabi ang mga ito, "I am not inlove with a person LIKE YOU, at wala akong planong paglaruan ka simply because I HATE YOU!" Nag walk out ako at nag give-way naman ang crowd. Sumunod si Anya at Sam sa akin. I walked as fast as I can. "Gette, I'm sorry!" Sigaw ni Sam habang sumusunod sa akin. "Okay lang! At least, naipalabas ko yung gusto kong sabihin." "Pero, he insulted you!" Anya insisted. I stopped walking but when I realized that everyone is still looking at me, I walked again. "I thought he was different!" Umiyak na ako nung pumasok kaming tatlo sa CR. Linock na ni Anya para walang makapasok na iba. "Were sorry." "At least ngayon, may dahilan na talaga ako. Nakuha ko na ang closure na gusto kong makuha! I thought he was different!" They wiped my tears. Nagbabago pala talaga ang lahat. Noon, close ako kina Sam at Anya, then there goes Rico. Nag close kami, at ngayon sila na naman. Rico is also, very different. I don't know what happened to him. Umalis na ako sa CR pagkatapos ng higit na dalawang oras na pagiging istambay ko doon. Umalis na si Anya at Sam dahil may klase pa sila, I'm alone and I'm cheering myself up. Tumatawag si Hiro sa akin kanina, pero pinatay ko ang phone ko dahil gusto kong mapag-isa. "G-Gette." May narinig akong malamyang boses sa likuran ko. "RICO?" I said without even thinking. Mabuti na lang at walang tao sa corridor at walang nakarinig except sa lalaking gumawa ng ingay. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng bulletin board, may glasses, at nakahawak sa strap ng bag niyang sling. "Asan ang mga libro mo?" I asked suddenly. It was the NERD by the way. No, not Rico. The NERD: Aaron. "I-iniwan ko sa locker!" Sabi niya. I don't know why he's stuttering. "Why are you stuttering? Hindi ako bampira! Hindi ako mangangagat!" I said. He smiled. I was a bit shocked with his smile. I remembered Rico. "What do you want?" I said. "Wa-wa-wala. Ah eh, wala." Napabuntong-hininga ako at tumalikod sa kanya para sana magpatuloy sa paglalakad. DAMN, I hate nerds. "Uh, may pasok k-ka?" "Wala. Bakit?" Nagpatuloy ako sa paglalakad. Then I realized I'm going to the rooftop again. Di ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Kahit ganun ang nangyari kanina, `di ko alam kung bakit hinahanap ko pa rin siya. "Ano bah?" Sigaw ko nung nakarating na kami sa rooftop. It scared him. "So-so-sorry, nagkataon lang na papunta din ako dito." Sasagot na sana ako nung may mga babaeng dumating. "So, Bridgette made a scene daw!" OH MY, grupo na naman ng mga babaeng ayaw sa akin. "So, gumawa na rin kayo ng sarili nyong SCENE kung naiinggit kayo. And oh, sa inyo na si Hiro. Nahuli ata kayo sa balita na wala na kami!" Sabi ko. I suppose they are after Hiro. "Ano namang gagawin namin kay Hiro? Ang sabihin mo, you're planning to get Rico." "Huh?" "Yes, pa-blingblind ka pa riyan! Yung youngest Medical Student na nerd noon at gumwapo na ngayon? May pa-ewww-ewww ka pa sa kanya nung nerd pa siya, at ngayon naman ikaw na ang hahabol-habol sa kanya." Nainis ako. Tumingin ako kay Aaron na mukhang panggulo lang sa sitwasyon. "Pwede bah, kung gusto niyo sa inyo na siya! Kahit ligawan ko yun ngayon, di na yun papayag dahil alam niyang playgirl ako." They were speechless. Tapos nag walk-out ulit ako while murmuring, "God, saan ba ako pwedeng manahimik sa school na `to." Then someone grabbed my arms from those girls. "Don't be so arrogant!" "Kasalanan niyo yan. Kung hindi niyo ako pinag-uusapan at ginaganito, you won't see me being arrogant! Aminin niyo na kasing naiinsecure lang kayo." "Shut up! We`re just irritated with your face and presence!" "HAHAHA." They were surprised with my laugh. Kinalas ko yung braso ko sa babaeng nakahawak at may mga matutulis na kuko pa. "Kung may mas naiirita dito, ako na yun! Biruin niyo, araw-araw may sumusulpot na HINDI KO NAMAN KILALA at may sinasabing hindi nila alam. What's more shocking is that, alam nila ang lahat ng nangyayari sa buhay ko! Daig ko pa ang artista, and thanks to you!!" I smiled. Nag walk-out na ako. I left them speechless. Mga sira ulo silang lahat! At kelan pa nagkaroon ng fans club ang nerd na yun! Alam ba nilang ako ang nagpabago sa kanya? Kaya siguro maraming naghahabol sa kanya ngayon dahil mas cool na siya. Med student at arrogante pa plus the new look. He's more gwapo now than before. LECHENG BUHAY `to. Bakit lagi na lang akong nalilink sa mga taong ganun? "G-gette! Ang galing mo!!!" "Ay anak ng-" I saw Aaron's face. "A-ano ba!" "So-sorry ulit, namangha lang talaga ako sayo!" He smiled. [STEP #39] Bridgette Reah Francisco: Ano ba kasing sinabi mo? "Ba't ka ba sunod ng sunod?" Sabi ko kay Aaron. "W-wala lang." "TSSSSSSS. Pwede-" Bago ako makapagsalita... "How do you produce a prince?" Muntik na akong mahimatay sa tanong niya. Pero bago ako makasagot, "Aaron?" si RICO! Lumingon ako. Mainit pa rin ang tingin niya sa akin. Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Naiinis na ako sa mga mata niya! Gusto ko tuluyng pigaan ng kalamansi para matuto siya. Aalis na sana ako dahil ayokong masabihan ulit ng playgirl ng walang hiyang nnnnnnerr---gwapong ito! BUWISIT. "Gette!" Tawag ni Aaron. "Ano `to, Gette?" Hinila ni Rico ang braso ko. Sa lakas ng pagkakahila niya parang gusto ko na siyang sapakin. "Anong ano? Si Aaron ba? Tanungin mo na lang siya, magkakilala kayo diba?" Kumukulo ang dugo ko at the same time malakas ang pintig ng puso ko. Ayoko na sa pagmumukhang guwapo ni Rico. His mean attitude and his total change of everything! AYOKOOOOOOOOOO~! Hindi ko na siya tanggap. KASI TINAWAG NIYA AKONG PLAYGIRL. Bukod dun, sinaktan niya pa ako. Ayoko na talaga. Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko, "Ang sabi ko, ano `to?" Sabi niya habang tinitingnan ang braso kong namumula at mukhang dudugo na konteng pindot lang. Binawi ko ang braso ko, "ouch!" kahit masakit. Ngayon ko lang yun namalayan ah? ARGH. Ganun pa man, galit parin ako kay Enrico Gonzales. For calling me a playgirl, for being rude and for making me fall in love with him. NYETA! Kung alam lang niya na nakuha ko yan dahil sa kanya din, eh ano ngayon kung malaman ng mokong na `to! He doesn't care about me. "Saan mo yun nakuha? O baka naman may nilandi kang lalaki kaya ganyan ang inabot mo sa girlfriend-" *SLAAAAAAP* "Ano ngayon kung may nilandi nga ako at pinaulanan ako ng death threats ng mga babaeng yun, ha? Ganun naman talaga ako eh, MALANDI! Masanay ka na!" Nararamdaman ko na namang panggulo lang talaga si Aaron. Pero, naisip kong kilala niya ata si Aaron. Bakit? Alam ko na, mga nerd kasi sila! Baka kilala nila ang mga kalahi nila! ALIENS = NERDS. He was a bit shocked sa sinabi ko. pero nagkasalubong parin ang mga kilay niya. Hindi na siya tumatawa o ngumingiti. Anong nangyari sa kanya sa loob ng 3months? Pero ang mas nakakairita ngayon eh tinitigan niya lang ako habang nagkakasalubong ang mga kilay niya. "Ano? Nagtataka ka kung bakit andito parin ako? O baka naman iniisip mong linalandi na rin kita!?" Nag walk-out ako. Ano ba to? Ilang ulit ba akong mag wo-walk-out ngayong araw na `to? "Gette, saan ka galing?" Sinamahan ako ni Hiro sa paglalakad. "Diyan lang sa tabi-tabi." Nagpunta ako sa cafeteria at bumili ng mineral water. GOD, please gimme a break. Aaron knows about the Producing a Prince? Tapos magkakilala sila ni Rico? Sinabi kaya ni Rico ang tungkol dun? Then I saw Sandy coming. "Gette," she looked at Hiro then she looked at me again. "Nakita mo ba si Rico?" "Hindi." Sabi ko. "Bakit?" Uminom ako ng tubig. "Tinalikuran kasi niya ako kanina eh." "Bakit? Ano ba kasing sinabi mo?" "W-wala." "Yun naman pala eh, wala kang sinabi." Tumayo ako. "May pasok pa pala ako. Bye Hiro." I looked at Sandy and left. GOSH! So creepy! Ano na ba ang nangyayari dito? Kay Rico? Kay Sandy? Sino si Aaron? GAAAAAH~! "Gette," I saw Anya and Sam waving at me. May pasok ako, pero sandali lang, mukhang may importante silang sasabihin eh. "Si Aaron at Rico ay classmates nung high school! Baka kilala nila ang isa't isa!" Sabi ni Anya. WHAT? "And they're rivals daw. Narinig lang namin yun sa ibang kaklase natin na interesado kay Rico." "AHH. HMM," Pero paanu nagkaganun? Paano niya nalaman yun? ARGH. I looked at my arms. Hinawakan ko ang namumulang parte sa braso ko. Tinawag niya akong playgirl at malandi, pero... "Look who`s concerned!" [STEP #40] Bridgette Reah Francisco: di ko siya lalandiin! Si Rico at Aaron, RIVALS? ARGHHHH! AYOKO NA! Ano ngayon kung concern siya sakin kahapon? Eh, ngayon ngayon lang nag krus ang landas namin at ni `di niya man lang ako tiningnan. Porke't lahat ata ng mata nakatingin sa kanya eh di niya na ako papansinin? EXCUSE ME, kung showbiz to, starlet pa siya at mega star na ako. Buwisit naman. Nakakainsulto sa part ko. Sa ganda kong `to may lalaking nabubuhay pa palang di papansin sa akin. grrr. "Anyway, Gette! I know that hurts!" Tumawa si Sam. Kantyawan na ang inabot ko sa kanila dahil hindi ako pinansin ni Rico. Lumingon ako sa right side at nakita kong umupo si Rico sa table na kinalalagyan ni Sandy. "Tsk, tsk. Look at those EX-NERDS!" "Sila na ba ulit? O they fixed the problem na?" Usisa ni Sam at Anya. I stopped staring at them when Sandy caught me looking at her. Sinulyapan ko ulit at ngayon pati na si Rico ang nakatingin sa akin. Kaya I looked away agad. DAMN, I want to walk away. Bakit ko pa kasi sila tiningnan. "Ahem." Sinita ni Sam ang di maipaliwanag na ekspresyon na ipinapakita ko. Tiningnan ako ni Sam at Anya na may halong pagdududa at isang kalabit lang mukhang sasabog na sa kakatawa. "The only guy who didn't make Ms. Popular pansin is a NERD! Kaya naman pala ang hirap kalimutan. At mas humirap pa dahil ipinagpalit siya sa isang nerd! At mas lalong humirap kalimutan dahil ngayon, ang dalawang nerd na yun ay naging prinsipe't prinsesa and they live happily ever after!" Sam stopped. "HINDI! Itaga niyo yan sa diamond, HINDI ko na siya gusto at kahit magmakaawa yan sa akin, hindi ko siya pagbibigyan." I said. "Because you were insulted!" Singit ni Anya. "Whatever. Basta, ayoko sa kanya. AYOKO!" I said. Para akong nanggigil sa pagkakabigkas ko sa mga salita. "Then, that's good!" Sabi ni Sam. "Well, para naman matuto yan no! He's not worth it!" Tumingin ako sa left side at nakita ko si Aaron. Mag-isa sa table at walang kasama. "Hey. Tinarayan ko nung isang araw si Aaron diba?" Sabi ko. "Well, yeah!" Tumango si Sam. "Sige, mag aapologize lang ako." Lumapit ako kay Aaron. I left Anya and Sam at our table. Actually, wala ako sa tamang katinuan ngayon. Una, dahil napahiya ako sa tingin ni Rico at Sandy. Pangalawa, naaalburoto ang puso ko dahil andami kong tanong tulad ng: bakit nag-uusap si Sandy at Rico?; Sila pa ba o sila na ba ulit? Pangatlo: Anong alam ni Aaron sa akin o sa amin ni Rico? "May...nakaupo...ba dito?" I pointed the chair close to him. Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may nang-uusisa ba sa akin. MERON nga. Tumingin na rin ako sa paligid para hanapin si Hiro, at wala siya. Then, walang istorbo. "W-wala! Sige, umupo ka!" Then he smiled. Umupo ako, "Sorry nga pala..." "For what?" He asked. Na mental block ata ako, hindi ko alam kung bakit ako nag so-sorry. "Uh... ehh.. basta, sorry!" A moment of silence. "Uh.. eh... you know how to produce a prince, right?" SA WAKAS. He opened that topic. "Huh? Ano yun?" Tanong ko. "PLEASE? Produce me like what you did to him!!!" he whispered. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. "Ha? Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, kanino mo ba iyon nalaman?" "Please? Bakit ako, di pwede. Bakit siya, pwede?" WHAT THE FCUK. "Sh1t!" Tumayo ako. Lumingon ako kina Rico. Wala ng ibang pwedeng magsabi nun sa kanya, kundi si Rico. Di naman siguro pwedeng si Sandy eh, mukhang di naman sila magkakilala! SI RICO LANG TALAGA! Damn him! "Ewan ko sayo!" I went back to our table. Feeling ko tuloy na kahit pasan ko na ang Earth, pinasan ko pa yung Mars dahil sa tindi ng poot na nararamdaman ko sa NERD na si RICO. NERD NERD NERD KAAAAAAAAAA! "NERD NERD NERD KAAAAAAAAAAA! HINDI KA GWAPO. KUNG GWAPO KA MAN, AMPANGET NAMAN NG UGALI MOOOO!" Sabi ko kasabay ng tugtog sa loob ng bar ng 1720. "Sige gooo! Mag diliryo ka pa riyan! Nang maipalabas mo yang sama ng loob mo!" Sabi ni Sam. Nagngingitngit ako sa inis habang magulo ang 1720. Naloloka na talaga ako. Umayos ako nung nakita kong paparating si Sandy. "Gette, can we talk?" Umalis si Sam at Anya pagkasabi niya nun. "Bakit ba?" I said. "Didiretsuhin na kita. Pwede bang tigilan mo na yang pagpapapansin mo kay Rico!" "WHA~! Pati ikaw? Goodness, anong pagpapapansin ang sinasabi mo. Bigyan mo nga ako ng halimbawa?" "Ang pakikipagclose mo dun sa schoolmate niya nung highschool, at iba pa." "Ano? Pagpapapansin na ba yun? Tsaka, excuse me. Hindi ako nakikipagclose sa kay Aaron at mas lalong di ako nagpapapansin sa kay Rico." "Basta, tigil-tigilan mo yan!" "Teka, look who's talking? Bakit ba? Ano ngayon kung magpapansin ako kay Rico? Si Hiro naman ang gusto mo diba?" Umiling siya. "So, si Rico na ang gusto mo ngayon? Wag kang mag-alala, di ko siya lalandiin!" I rolled my eyes. "Tsaka, ba't ka natatakot dyan? Diba mahal ka naman ni Rico?" I looked away. Tumayo siya, "Siguraduhin mo lang na di mo siya lalandiin!" then she walked away. GULAAAY, may gusto na siya kay Rico ngayon? OMG OMG! Ano na?? [STEP #41] Bridgette Reah Francisco: Aaron, tayo na! I'll produce you. Papunta akong CR pagkatapos ng klase ko, napadaan ako sa corridor kung saan may narinig na naman akong mga di kanaisnais na bagay. "I'm sorry, pero wala na talaga akong nararamdaman para sayo!" "How could that be? Tatlong buwan lang naman yun ah?" Na curious ako sa dalawang pamilyar na boses. It was Rico and Sandy. Come to think of it, ganito din yung nangyari noon ah? Di nga lang sa eskwelahan, pero sa labas ng 1720 yung noon. At di rin si Sandy ang kawawa. "Ewan ko. Hindi ko alam, basta wala na akong nararamdaman para sayo!" Totoo naman kaya yun? O para lang sa pride niya? I looked at them at seryosong nag-iingat na ako para di mabuko sa pakikinig ko. "IMPOSSIBLE!" Sigaw ni Sandy. Tumalikod si Rico then Sandy hugged him. Dahan-dahang kinalas ni Rico ang mga kamay ni Sandy na nakapulupot sa kanya. "I don't love you anymore. I'm sorry." "Hindi yan possible! Unless kung may ibang gusto ka na?!" Hindi umimik si Rico. "Tama? May iba ka ng gusto? Sino?" "Sandy, what happened to your feelings for Hiro?" "Ewan ko." She cried. "Nabigla na lang ako dahil isang araw, hinahanap na kita at na wala na ang nararamdaman ko para sa kanya! How bout you, Rico? Where did your feelings go?" "Ewan ko din." Feeling ko nabunutan ako ng tinik! OMG. WAHAHA, Totoo ba yun? Di nga? No, no, he's just covering his pride. Tsaka, ba't parang sumaya ako? Tinaga ko na nga sa diamond na di ko na siya gugustuhin. "Gette," I heard a voice behind me. "Oh sh1t." "Anong ginagawa mo diyan?" It was Aaron. "Andito pala kayo!" Rico said. OH NO! Tumingin ako kay Sandy and she wiped her tears. "Napadaan lang!" I said. Aalis na sana ako, ayoko kasing magkaroon pa ng kung anong araw ngayon! "Talaga, or maybe you heard the whole thing?" Sabi ni Rico. GEEZ, I remembered everything. "Whatever." I said. Ang masaklap pa. Sumunod si Aaron sa pagwo-walk out ko. "Gette, sinong boyfriend mo ngayon? Malapit na ang Hearts Festival ah?" Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ano ngayon kung malapit na yung PESTEbal ng mga PUSO? Wala naman akong boyfriend. Hearts Festival - tradition na sa school ko ang magkaroon ng ganun. Noong makalayo na kami, I felt relieved. At least wala naman akong narinig na 'malandi' o 'playgirl' sa kanya. Pero, I'm annoyed with Aaron. "Ano ba? Ilang beses ko ba talagang uulit-ulitin na wa'g kang sunod nang sunod sa akin!" Humarap ako sa kanya. "S-sorry. Gusto ko lang naman kasing malaman..." Inayos niya ang kanyang malalaking salamin. "Ano bang pakealam mo?" Sabi ko. "Uh, may umimbita na ba sayo na taga Medical Department sa party?" "Ha? anong party?" "W-wala pa? K-kasi nalaman kong may celebration daw sa Med Department ngayong Heart's Festival. Pero para lang iyon sa mga estudyante nila at sa mga naising date ng estudyante nila. Naisip ko lang na baka may nagyaya na sayo!" "Wala, at kung meron man, di ako papayag!" Sabi ko. "A-aaah. K-kasi, para daw yun sa 50th celebration ng Med department." I looked at him and I wondered. "So? Ano namang gagawin ko nun? Di naman ako taga Med Department?" I rolled my eyes when I saw him smile. "Can I borrow your time?" I was shocked when he asked me. "Samahan mo na lang akong magpagupit at bumili ng damit, pwede?" WHAAA~!? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? "Aaron," I saw Rico behind Aaron. TSSSS. "R-rico. Ha-Hi!" Sabi ni Aaron. Friendly siya, pero ba't parang galit si Rico sa kanya? O baka naman his face is just stuck on one expression now? "Leave her alone!" He said. "B-bakit? Mabait naman s-siya ah? D-di naman s-siya t-tulad nung sinabi mong malandi?" Sabi ni Aaron. AARON! Mabuti ka pa! Lika na, lets leave that monster alone! "Aaron, tayo na! I'll produce you." I said. We left Rico. At oo, I`ll produce Aaron. FOR TODAY. Just today!? [STEP #42] Bridgette Reah Francisco: Anong ginagawa mo dito, Rico? "Bagay pala sakin ang ganito ang buhok!" Sabi ni Aaron habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng restaurant na kinainan namin. Tapos na ang klase ko ngayong araw na to kaya may guts akong samahan siya. "Tsaka, ayos na kaya tong pinamili natin?" Why do I have a feeling na alam ni Aaron ang mga nangyayari? I mean, marami na ba talaga siyang pera para agad kaming namili at nagpa new look? Well, maybe. Binuksan ko ang laptop kong kanina ko pa dala-dala. "STEP ONE: Change his looks and fashion sense. STEP TWO: Teach him to act cool." Sabi ko. "Nasa step two na tayo!" Pero in his case, `di naman siya ganun ka lala kay Rico noon na parang lampa. "Your problem is your stuttering voice." I said. He smiled. "STEP THREE: Bring him to the gym. STEP FOUR: Be with cool friends." Sabi ko. "Kailangan mong mag-gym at makipagkaibigan sa mga sikat at cool." I glanced at my laptop to read the step five... "STEP FIVE: ... Fall... *coughs*, yun lang!" Pinatay ko ang laptop ko. GOODNESS, Step five fall in love with him? Those were the five steps to create the perfect prince! Kung di ko magawa ang step five, it won't be complete. "May five pa diba?" Sabi niya. "Huh?" "I glanced on your laptop too." "Huh? Wala na yun! Typographical error." He looks so creepy. Mukhang alam niyang may tinatago ako. At mukhang alam niya kung ano. AHHHH. "Okay. Sino ba ang mga sikat ngayon at saang gym?" "Ewan, basta I`ll produce you just today! Wala na bukas. Tinatamad na ako." Tinitigan niya na naman ako. "Pagkatapos ng 'be with cool friends' yun na ba talaga yun? I think it's hanging!" I feel so guilty kaya uminom na ako ng tubig at... "Yun na nga kasi yun, aalis na ako. May pasok pa ako." I left without hearing anything from him. Ang hirap namang mabuhay! Ba't ba kasi ganito ang buhay ko? Para akong may tinatakbuhan! Para din akong may hinahabol pero ewaaaan ko. Sinara ko ang gate ng padabog. Paglapit ko sa pintuan ng bahay namin, "Sarado?" ARGH, I left the keys. Asan ba si Mama at Papa? "MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~! PAAAAAAAAAAAAAAAAA~! Ano ba naman `to o! Don`t tell me may emergency field business na naman kayo! ANONG GAGAWIN KOOO? Ma~! Pa~?" I'm just joking! Ba't naman sila magkakaroon ng field business ngayon ehhhh... "OH NO, Wala ngang tao. SH1T, PUNYETAAAAA!" Sinapak ko ang pintuan. Pangalawang beses. PANGATLONG---- May nagbukas ng pintuan. "Andyan naman pala----****" Nanlaki ang mga mata ko. "Inubos mo na ata ang badwords sa mundo." Then I saw his smile. Nanginig ako. I want to run and HIDE. "Anong ginagawa mo dito, Rico?" My hand landed on my lips. [STEP #43] Bridgette Reah Francisco: ITAGA NGA NATIN! "Kung ang mama at papa mo ang hinahanap mo, wala sila. Andito sila kanina pero umalis din. May Emergency Field Business daw sila. Mabuti na lang nga raw at napadaan ako rito kung hindi eh baka di ka makakapasok." Pumasok ako sa bahay at natutulala parin ako. "Ba't ka andito?" Nagkasalubong ang mga kilay ko. Naiinis na naman ako sa kanya at di ko alam ang dahilan. Este, naalala ko nga pala yung mga pinaggagagawa niya this past few days. "May kailangan ka ba?" Tanong ko. OO, Tinataboy kita. Umalis ka na dito sa bahay namin! "Wala naman, napadaan lang ako." Tumahimik ang paligid. It's awkward. Tumango ako at pagkatapos nun, di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naiinis parin ako sa kanya sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin noong mga nakaraang araw. The 'flirt' & the 'malandi'. ARGH. "So, ano?" Sabi ko to break the silence. Nakatayo lang siya sa harapan ko at parang may hinihintay. Parang gusto kong manuntok. "Akala ko ba ipo-produce mo si Aaron?" "Yeah! Tapos na, napagod nga ako eh. Ang gwapo pala niya no? Ba't di mo sinabi sa akin? Magkakilala pala kayo." "Wag mo na nga siyang lapitan!" "HUH? Bakit? Natatakot kang mag sumbong siya sa akin sa mga pinagsasabi mo?" Aalis na sana ako sa harapan niya dahil kumukulo na naman ang dugo ko, pero hinila niya ang braso ko. "Kung ano man yung mga sinabi niya, wag kang maniwala!" I sighed and rolled my eyes. He stopped holding my arms. "Ba't di mo siya dinala dito? Diba dapat mag-uusap kayo ngayon para sa asta niya?" "Look Rico, I have no time for producing a prince again to THAT point." Nagkasalubong ang mga kilay niya. "At kung ano man yung kinatatakutan mo sa kanya, please lang, wa'g mo na akong idamay!" Sabi ko. "Hindi ako natatakot sa kanya. Wa'g mo na lang kasi siyang-" "Ano bang pakealam mo? Tsaka, kung meron mang taong dapat di ko na lalapitan, IKAW NA YUN! He is nice and you are not!" May pinakita siya sa akin pero di ko na tiningnan. I was looking straight at his eyes because I don't want to lose the absolute momentum of my words. "Next week pa yan." I peeked at his hand and got the envelop. O.O "Medical Department Aquaintance Party on Hearts Festival." Actually, I was shocked dahil sa haba nung title. Hindi ko pa naiisip na ang pagbabasa ko pala nun ay kailangan ng comprehension. Ibinalik ko sa kanya, "Ano namang pakealam ko diyan?" binalik niya ulit sa akin. "Invitation yan." Nakita ko ang pangalan ko at pangalan niya sa harapan. "Huh?" Slowly I realized that he is asking me to be his date. Nanlaki ang mga mata ko habang pinipilit na sumimangot. "Ba't di si Sandy ang dalhin mo? Ba't ako?" "Hindi ko siya makita eh." Ano `to? Second choice ulit? Hanggang ngayon ba naman? ARGHHHHH. I want to tear him! Hindi ako makapagsalita sa inis at galit na nararamdaman ko na naman ngayon. "So, sige ah? Be there!" He rushed outside. OMG. >.< Anong hindi sila nagkita ni Sandy? Eh kanina lang nagkita pa sila! Tsaka, ba't siya mapapadaan dito eh ang layo ng bahay nila samin. Ano baaaaah? And before I snapped out from my useless thoughts, nakaalis na siya. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA." I laughed out loud. Sam pouted her lips, "Akala ko ba itataga natin yan sa diamond?" Umayos si Anya at mukhang na-shock pa siya sa sinabi ko. Isang araw ang nakalipas simula nung yinaya ako ni Rico. "ITAGA NGA NATIN! May sinabi ba akong papayag akong maging girlfriend niya? PATHETIC." "Eh ba't parang ang saya-saya mo at mukha kang nanalo sa lotto?" Tanong niya. "Hindi ako masaya! I'm laughing because I'm losing my mind! HINDI PA AKO NATUTULOG!" I feel so tired! Tumawa si Sam. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Anya habang tumitingin siya sa likuran ko. Napatingin na rin ako sa likod at... nakita ko ang mga taong nakatingin sa akin at sa isang lalaki sa harapan ko. "Si Bridgette na naman ang linalapitan? Baka new boyfriend niya yan? Pero akala ko ba si Rico?" "Diba siya ang date ni Rico sa Hearts Festival?" Humirit na naman ang mga chismosa sa world. O.O "Thanks Gette!" I looked at him again at nakita ko ang imahe ni Aaron. "Wha~!" I sighed and he smiled. Naririnig ko ang pangalan ko sa buong cafeteria. Umupo si Aaron sa tabi ko. Sam and Anya was like---"Aaron?" I guess I have to explain everything. At ang bilis kumalat ng balita huh? [STEP #44] Bridgette Reah Francisco: Okay lang talaga! "WHAT~? You produced Rico too?" Bulong nila sakin sa loob ng cafeteria. "SHH," Wala na si Aaron. Kaming tatlo na lang ulit. "JUSKOOO NAMAN. Kaya pala ang guwapo na ni Rico ngayon eh!" Sabi ni Sam. "Hindi yun! Mas gumwapo siya ngayon!" "Ikaw din ba ang gumawa nun??" Tanong ni Anya. "Hindi. Ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya." Sinabi ko na yata ang lahat eh. :'( Wala na akong magagawa, buking na buking na ako. Bumuntong hininga ako at nakita ko si Sandy, mag-isa. Nakaupo sa susunod na mesa. Lumapit ako sa kanya. "Sandy," Nabigla ko ata siya... "Uh, naimbitahan ka na ba sa..." OO, Tama ang hinala niyo. Wala talaga akong balak na sumama sa hinayupak na Ricong yun kahit next week pa! Ano ba? Baka habang sumasama ako sa kanya eh tatawagtawagin niya lang akong flirt o di kaya malandi doon. AYOKO. "sa party nung..." "Ah? Yun ba? Bakit?" Tanong niya. "Kasi, kung gusto mong pumunta kasama si Rico ehhh pwede namang... este, pwede bang ikaw na lang ang sumama sa kanya?" She brushed her hair with her fingers. "AHHH, yun ba?" Hindi pa nga ako tapos! Sasabihin ko pang yung hinanda kong alibi na 'hindi ka raw kasi niya nakita kahapon eh!' "Yun ba? Eh, kasi tinanggihan ko na siya eh. May umimbita na kasi sakin." She looked away. HA? Eh yung sinabi ni Rico eh di daw niya nakita si Sandy kahapon eh. Alin ba ang totoo? Atsaka, akala ko ba gusto na ni Sandy si Rico, kaya niya palang tanggihan? Alin ba ang totoo? Yung kay Rico o kay Sandy? Nakuuu, si Rico talaga! Sinasabi ko na nga ba! Panakip butas lang ako, second choice, pantakip ng pride! BUWISIT TALAGA. Nakakainis isipin. Lalo na pag ganitong wala na talaga akong alam sa mga ginagawa ni Rico at Sandy? Ano ba talaga? "Okayyy, I need to group you for this assignment!" Sabi ng professor ko. Kanina pa ako balisa dito sa classroom namin. Iniisip ko lang kung alin sa mga alibi ang totoo. Feeling ko tuloy nagiging detective na ako sa mga iniisip ko. Kailangan ko ng mga ebidensya. "...then... Alonzo and Francisco..." Sabi ng Prof ko. Ano daw? I heard my family name. "Okay! Got that class? I'll get it next meeting! Kailangan makipag cooperate kayo sa partners niyo ah? It's a bit hard kasi... Okay, that's all for today!" Umalis na siya at nagkawatak-watak na ang klase. "G-gette!" I'm waiting for somebody to say... "Ako ang partner mo." I looked at him at muntik ko ng maitanong kung sino siya. Kung hindi ko lang talaga nakikilala ang mga boses niya... "Ikaaaw? Aaron?" I caught Hiro's attention kaya lumapit siya. "Aaron, exchange na lang tayo ng partner. Ayaw ni Gette sayo." VERY GOOD! PLEASE? "P-pero." "Hiro. Tayo na! Akala ko ba dinivide na natin ang mga gagawin?" Sabi nung partner ni Hiro. Then he looked at me. *Puppy eyes* *joke* "Okay lang Hiro, sige na." "Pero, Gette..." "Okay lang talaga!" Sabi ko. Gosh~! For the first time in my entire playgirl life. Ngayon lang ako naguilty. Kasi, si Hiro lagi kong inaasahan kahit na ilang beses ko na siyang sinaktan. "Okay lang talaga, Hiro. Promise!" I smiled fakely. Umalis sila kasama ang partner niya. Umalis na din ang iba kasama ang partner nila. "Ba't ba kailangang may partner? Tsaka, nerd ka naman diba? Kaya mo na yan!" Goodness. I`m not in the mnood to be disturbed with my cases... Astang detective na talaga. Nagpunta ako sa CR at malalim parin talaga ang iniisip ko. Of course, masaya ako dahil inimbita ako ni Rico. Pero, makokompleto lang ang kasiyahan ko kapag malaman ko ang totoo at ang tunay na mga dahilan sa mga bagay-bagay. Umalis ako sa CR ng mas mapayapa sa pagpasok ko. And damn, hulaan niyo kung sino o sinu-sino ang nakita ko paglabas ko! [STEP #45] Bridgette Reah Francisco: He didn't kiss me! Nagtago ako sa pintuan ng CR dahil sa labas, nakita kong naghihintay si Aaron di kalayuan sa CR, at may kausap siya. I peeked to see. "Si Rico?" I whispered. I listened. Narinig ko ang malakas na lagapak ng likod. "Wa'g ka ngang lumapit kay Gette!" Rico whispered to Aaron. Ano `to? What happened to Rico? Magpapakita ba ako dito or what? OMG, pakiramdam ko nangyari na to noon. Kaya lang, si Hiro yung nagsabi nun at si Rico naman yung pinagsabihan. "HAHAHAHAHAHA." Tumawa si Aaron. "Com`on Enrico Gonzales!" Sumilip ako at nakita kong nakangisi si Aaron. "She hates you! Tsaka, bakit ba? Crush ko siya simula nung high school at alam mo yun diba? Kaya lang masyadong maraming nakapaligid na mga lalaki sa kanya!" WHAAAAAAAAAAAAAT~!? Okay... "Ano bang balak mo?" Tanong ni Rico habang hinahawakan ang mga kwelyo ni Aaron. "Wala naman, nakikipagkaibigan lang! Bakit? Ikaw? Anong plano mo?" Hindi na ako sumilip. Natatakot ako sa mga nangyayari. Ilang sandali ang nakalipas, napag-isipan kong lumabas na to steal the scene. They both looked at me. "Aaron, lika na!" Hindi ako makatingin kay Rico. I'm pretending that I didn't hear anything. We left him alone. "G-Gette." Tama kaya yung ginawa ko? Ano ba kasi yung mga ibig sabihin ng mga pinag-usapan nila? tsaka, umamin si Aaron na crush niya ako since high school. "G-gette..." "H-Huh?" Wala pa ata ako sa pag-iisip! "Okay ka lang ba?" "O-Oo." Napabuntong hininga si Aaron. "Mag kaibigan kayo ni Rico?" I asked. "Uh, magkakilala lang sa high school... why?" "Wala lang, nag-uusap kayo kanina eh." I smiled fakely. Tumango siya. "Galit ka sa kanya?" Tanong niya. "Paano mo nalaman ang about sa Producing a Prince?" I asked and ignored his question. "Ah, I overheard it from someone." Sabi niya. "HAH?" Anong someone? I mean, sino? Si Rico? Si Sandy? "Idunno, basta. If you heard our talk kanina, sinabi kong crush na kita simula highschool. Kaya I know a lot about you. And I'll do everything to be updated." "What are you? A stalker?" I said. YES, I'm accusing him. "HEHE, Hindi naman sa ganun. I admire you a lot, Gette." His face is getting closer. TEKA-TEKA-TEKA. Sa mga asta niya simula kanina, nakakalimutan kong NERD siya! Or is he really a nerd???? He is getting really closer as if he is going to kiss me. THEN HE CLOSED HIS EYES. I pushed him away but he held my arms. I CAN'T MOVE. "So yan ang plano mo?" Nakawala lang ako pagsabi ni Rico nun. OMG. OMG. "Sh1t." I don't know how I'll react. I'm a bit shocked with Aaron. "I'm sorry, Gette. Na carried away ako sa pagco-confess ko sayo." Sabi ni Aaron habang linalagay ang kamay niya sa kanyang noo. He looked regretful. I can actually forgive him! No, hindi ko siya gusto. Pero, come on, I'm a playgirl and I know every NORMAL guy's feelings. "Gette, di ka man lang nanlaban?" Sabi ni Rico habang hinila ako malapit sa kanya. "Diba sabi ko sayo na wag kang lumapit sa kanya?" I can't react. Nabastos ako sa ginawa ni Aaron. Pero I don't know why I feel like it was nothing for me. I mean, hindi niya naman hinalikan talaga. ARGH. Am I this girl? Ano ba naman ako? I just couldn't react dahil nabigla ako sa mga sinabi niya at sa asta niya. "I'm sorry! I didn't mean it, Gette." Sabi ni Aaron. "O-Okay lang." I feel like cheering him up in front of Rico. "Anong okay?" Rico wiped my lips. I pushed his hand away. "He didn't kiss me!" Sabi ko. I heard my heart beating really fast. "Aaron, ito ba ang balak mo?" "I said he didn't kiss me!" Sabi ko ulit. "Ikaw naman, Gette. Don't stick with him. Masyado ka ng malandi!" HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~! Ang sarap-sarap-sarap-sarap niyang sabunutan at lahat lahat na. At sana, suntukin niya na rin ako. Kasi habang tinatawag niya akong malandi I can hear my heart beating louder than his words. Nag walk-out ako. :'( [STEP #46] Bridgette Reah Francisco: Heller, anong espesyal? "Gette, may damit ka na ba para sa Hearts Festival?" Tanong ni Sam. Pinaalala niya sa akin ang isang bangungot! Bukas na pala iyon. Mag-iisang linggo na kaming hindi nagkikita ni Rico simula nung tinawag niya ulit akong malandi. "Marami naman akong damit sa bahay." Sabi ko. "Pero, that's not an ordinary occasion!" "Duh! Hindi na nga siguro ako sasama." Oo, tama. Yun nga ang binabalak ko. Para naman matuto yung punyetang yun! "Ano? eh? That's good!" Anya said. "Huh?" "Oo nga naman! Para makalimutan mo na siya. He's such a monster! GOODNESS." Sabi ni Sam. Napailing ako. "Yeah, kinalimutan ko na siya." "HAHAHA~! Don't make me laugh." Napatingin ako sa likod dahil tumigil sila sa katatawa. I thought it was Rico, pero... "G-gette," I saw Aaron. Ilang sandali, Sam and Anya left the two of us. May pasok ang dalawang yun kaya kami lang ni Aaron ang nakaupo sa bench sa harap ng soccerfield. "Inimbita ka na pala ni Rico?" "Oo." "A-akala ko ba galit ka sa kanya?" I looked at him straight in the eyes. "Oo." "Ba't ka pumayag?" "Pumayag ako, pero di ibig sabihin nun, sasama ako sa kanya!" I rolled my eyes. "AAHHHH." Tumango siya. "Kung hindi ka sasama sa kanya, ibig sabihin pupunta ka dito sa school sa Hearts Festival?" I looked at him straight in the eyes again. Ano na naman ba ang ibig niyang sabihin? Nahihiwagaan na talaga ako sa kanya. Crush niya ako nung highschool? Eh, I guess I'm not that popular in highschool! Tsaka sa college lang ata nagdagsaan ang mga manliligaw ko... Anyway, I just don't get him or the thought. "I don't know." May narinig akong footsteps sa likuran ko kaya lumingon ako, OMG, tinatamad na ako sa mga ganitong pangyayari. Andito na naman si Rico. "O ano? Malandi na naman ako kasi nag-uusap kami ni Aaron?" I rolled my eyes. Inunahan ko na siya. Bahala na... "Rico, kung a-andito ka na naman para insultuhin si Gette, umalis ka na lang!" "May sinabi ba ako?" Tinitigan niya si Aaron. Nagkatitigan ang dalawa and GODDAMN, I'm trapped in this scene. Nakita ko si Hiro kaya... "PWEDE BAH! WAG NIYO NGA AKONG ILAGAY SA GITNA NG AWAY NYO. Kung gusto niyo ng away. Diyan na kayo!" Iniwan ko sila and I went straight to Hiro. Gusto ko lang namang makipag-usap sa kanya. Nag-usap kami, pero di ganun ka taas yung oras namin para sa isa't-isa. Nalaman kong may umimbita sa kanya sa Party ng Medical Department at mukhang magkikita kami buksa. Maaga akong umuwi dahil kailangan ko pang isipin kung sasama ba talaga ako kay Rico bukas o sasama na talaga. LOL "May tae o!" Narinig ko si Rico. Napatalon ako dahil akala ko may tae nga sa dinadaanan ko. Nakarating na ako sa bahay at sa garden pa lang [bago makapasok sa bahay] may sumalubong ng GAG0. "Sh1t..." I said. Tiningnan ko ang bahay namin. "Wala na naman ba si Mama at Papa?" Tanong ko. "Nandiyan naman sila." Nakangisi siya habang tinitingnan akong nakayuko at naghahanap ng tae. "Ang arte mo!" I looked at him. "Kung ikaw makaapak ng tae, di ka ba mandidiri?" Sarcastic. "Hmmm, hindi siguro. Lagi ko nga yang nakikita sa ibang laboratory subjects ko eh." "AAAAAAAAAH. Oo nga pala, doktor ka nga pala noh? O sige, sayo na ang lahat ng tae sa mundo okay?" Aalis na sana ako sa harapan niya, pero... "Ba't ka nga pala andito?" Tanong ko. "Andito ako para ipaalala sayo na bukas na ang party at i-checheck ko kung talagang dadalo ka bukas." "Dadalo ako bukas, kaya pwede ka ng umalis!" "Gette... RICOOOO... Halina kayo!" Sigaw ni Mama galing sa loob. "KAKAIN NA TAYO." Rico smiled. "Panu ba yan? Kakain na daw tayo, Gette." AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~! Pinaglaruan ko ang pagkain sa harapan ko. Kaharap ko rin sa mesa si Rico kaya mas lalo akong nawalan ng gana. "So, Gette, may damit ka na ba para bukas?" Tanong ni Papa. "H-huh? Ahhhh.." "Ba't di mo sinabi sa amin ng mas maaga? Dapat sana dinagdagan ko yung pera mo para bumili ka ng damit!" Sabi ni Mama. "M-marami naman akong damit." I saw Rico smiling. EVIL SMILE? Kelan pa siya naging EVIL? "Pero dapat espesyal yun!" "Heller, anong espesyal? GOODNESS. Masyado naman kayong WEIRD." "Dapat fairytale like." Nakita ko si Rico na pinipigilan na ang sarili sa pagtawa. MY PARENTS ARE DAMN WEIRD. Nakakahiya na!!! [STEP #47] Bridgette Reah Francisco: Finish your business with each other "Gette. tapos ka na?" Sigaw ni Rico galing sa labas ng kuwarto ko. "Sh1t ka naman o! Kita ngang kapapasok ko pa lang sa kwarto ko para magbihis eh, ba't ba atat ka?" Sabi ko. ARGH. Hindi pa nga kami nakakaalis sa bahay o nakakatungtong sa sasakyan niya eh nag-iinit na ang ulo ko. Naririnig ko ang pabalik-balik na lakad niya sa labas ng kwarto ko. "Rico, pwede ba? Nakakabanas ka na!" Sabi ko. "Sigurado ka bang ayaw mo ng make-up artist o stylist?" Sigaw niya galing sa labas. I stopped combing my hair to answer him. "Like duhhh? Ano ba, marunong naman akong mag make-up eh. Tsaka, hindi naman `to importante." Hindi siya sumagot.... BAHALA SIYA. HUUUUU. Tinatakot pa ako, hindi parin nagsalita. Binilisan ko ang pagbibihis at pag-aayos. Ang ganda pala ng venue ah? Sa garden pa ng isang five-star hotel. Kaya pala sobra ang insecurity ng ibang department. "Tapos na ako!" Sabi ko habang pinagmasdan siyang naka upo. Nakaitim siya at nakakunot ang noo. Bigla kong naramdaman na nagiging awkward ang moment dahil nakaupo lang siya at nakatitig sa akin. "We're late." Sabi niya habang nakatitig sakin. I can't even look at him. Makalipas ang halos isang minutong pagkakatunganga niya sa akin... "Ano ba, Rico! I know that I'm that beautiful. Ano? Nagbago na ba ang isip mo na gawin akong date? Baka pagkaguluhan ako dun!" Biniro ko siya dahil hilong-hilo na ako sa mga titig niya. Tumayo siya at lumabas ng bahay. Hinagis-hagis pa niya ang susi ng kanyang kotse. "Bilis na, Gette~!" Sigaw niya. For some reason, I felt like he likes me. LOL. DREAM ON. And now, we are ready to go. Walang tao sa bahay, ewan ko kung saan na naman ang field business ni mama at papa. Nananadya ata ang dalawang yun eh. Kaya pagkatapos ng partyng ito, si Rico na di umano ang bahala sa akin. HUWALANG HIYAAAAAAA~! "Start na!" Sabi ko habang nakatunganga siya at nakaharap sa manibela. He started the engine. Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami. And OMG, the hotel was really really nice. Lalong lalo na sa garden na puno ng mga medical students at mga date nila. And everything has started. WE WERE LATE. "Kasalanan mo `to!" Daing niya. "Tssss. Ikaw nga yung nakatunganga kanina!" Then I saw Hiro. He smiled at me kaya kinawayan ko na. Bigla niya akong hinila. "T-teka, ano ba?" Nakaharap ko ang isang mukhang mayaman na lalaking kasing tanda ni papa at babaeng mukhang matalinong kasing tanda naman ni mama. "this is Gette." Sabi niya. AND LIKE everyone in the party is congratulating him. To the point na mukhang ma eetsepwera ang beauty ko. Umalis na ako dun sa kanila at nagpunta kay Hiro. DUH? Wala naman akong kilala sa Medical Department. But I know that they know me. And everyone is looking at me, lalong lalo na nung naglakad ako sa gitna para lang maabot ang table kung asan si Hiro kasama ang date niya. "Hiro, at last, may kilala ako." Sabi ko. Ngumiti siya. "Kayo na?" Tanong niya. "Di ah?" "Huh? Why not? For what reason did I gave you up?" ZOMG. Hiroshi naman, not now! "Kidding! Nagtataka lang naman ako. Bakit ang tagal?" He smiled as he glanced at his date chatting with other girls. I shrugged. "Oh, he's invited? The nerd?" Nakatingin si Hiro sa likod ko and there I saw Aaron. WTF? He's invited? Someone invited him? Kumaway lang si Aaron sa akin habang kasama niya ang kanyang date. "Now I remember, he's that guy!" O.O "Huh? Sino?" Tanong ko habang nakatitig si Hiro kay Aaron. "Kaya naman pala mukhang pamilyar siya sa akin nung una. Pero hindi ko siya na identify kasi NERDY yung style niya nun." "What do you mean?" "Yung school nila noon sa highschool eh katabi lang nung school namin sa high school. He is the top of their class. But he is not a nerd. Tapos, before the 1st sem ended, may dumating daw galing Australia na mas matalino pa sa kanya." Sabi ni Hiro. Could that be, Rico? "Gette," Lumingon ako at nakita ko si Rico na nakatitig kay Hiro. "Kanina pa kita hinahanap! Lika na!" "Hiro, excuse me!" Sabi ko. Nabitin ako sa explanation ni Hiro. Rico naman kasi eh. "Pinahiya mo ako." Sabi niya. "Huh?" "Ba't ka nawawala bigla?" Bumalik kami dun sa mga may matatanda. Feeling ko tuloy andito si mama at papa kung saan. Pero wala namang maiingay eh, kaya mukhang wala. "Mom, I'm sorry to keep you waiting." My eyes widened and Rico saw through me. Pinaupo niya ako. Andito ako, sitting beside a middle-aged man and woman that he just called... "Mom, si Gette." Nagwala ako, este sa sarili ko lang. "Dad," Then I saw that man smiled at me. HAHAHAHAHAHAHAHAHA~~~~~~~~~~???? "Hello." Ano bang sasabihin ko. Then I looked at Rico smiling ENDLESSLY na para bang naisahan niya ako o kung ano man ang gusto niyang ipamukha sa akin. "Nice to meet you, hija!" The mom smiled. Pagkatapos ay kinuha na lang sila ng kung sinu-sinong mukhang professionals na invited sa party at hanggang sa kami nalang ni Rico ang nasa table. "Sh1t! Ba't di mo sinabi?? HA?" "Ang alin?" He smiled and smiled and laughed and whaaaaat? Someone clapped his hands. It was Aaron. "Galing mo, Rico! Inunahan mo ako!" Sabi niya. Nagkasalubong ulit ang mga kilay ni Rico. "Dahil inunahan kita sa pagtatapat, naisip mong ipakilala siya agad sa mga magulang mo! And you really did that? Your parents are already separated pero na kaya mo silang icontact just for tonight? AMAZING!" I can feel the heat rising between the rivals. "Who could have thought na pati pala sa babae, balak mo akong unahan!" I don't know if I'll laugh and laugh until I die dahil sa mga narinig ko. WAAA~! And Hiro was right, he is not a nerd! Kaya pala... kaya pala... "You are just using her to prove that you will always be better than me, right?" Nakita ko si Sandy sa likuran ni Aaron. Why are they gathering here? "She is the girl that you love, right?" Habang tinuturo niya si Sandy. "Oo, talo na ako, you are the winner Rico. Pero don't you know that Bridgette likes you and she is in pain because of you? Bakit mo pa siya dinadamay?" Feeling ko sumalpok ako kung saan and I'm shocked. Unti-unti kong nalaman na may gusto si Rico sa akin, pero unti-unti ko ring nalaman na para lang yun sa pride niya ang lahat? WTF? "She is n---" "Wait." Tinitigan ko silang tatlo. The party is still going on and other students think that nothing is really happening like this right now. Everyone is minding their business. Even Rico's motherand father. Tinitigan ko si Sandy na parang nakalagay sa kanyang mga mata na 'ako ang gusto ni Rico.' Si Aaron na mukhang may gustong patunayan. At si Rico na mukhang...guilty? "Wait. I am not willing to hear anything. Finish your business with each other, excuse me." Sabi ko habang pinipigilan ang sarili kong sumigaw. Nag walk-out ako. I am sooo confused with everything. I don't want to hear Rico's side because I'm scared. [STEP #48] Bridgette Reah Francisco: SORRY? GAAAAAAAAAH Naglakad na ako papalayo sa kanila. At wala ni isang pumigil sa akin. Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa CR? Sa reception? O uuwi na ako? "Gette," I saw Hiro. "Where are you going?" He saved me again. ;) "I see. Nag-uusap ba sila ngayon?" Tumango ako pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga pangyayari kay Aaron at Rico. "Galit yun kay Rico." Sabi niya as he smiled. "Huh? Bakit?" "Galit yun kay Rico dahil talo siya sa school nila noon. At mas lalo siyang nagalit dahil nalaman niya ang tungkol sa inyo ni Rico!" "Bakit naman?" I feel so stooopid. "May gusto siya sayo diba? That's why he pretended to be a nerd! Dahil akala nya hilig mo ang mga nerd." HWAAAAAAAAAAAAAAAA~!? "Akala niya, magugustuhan mo siya kapag tulad siya ni Rico noon." I sighed. Naisip ko tuloy yung 5th step na hinihingi niya sa akin. At kung kanino man ni Aaron yun nalaman, wala na akong pakealam. We all know that he's like a stalker kaya no wonder. "That guy will do everything just to win. Kahit sa basketball namin noon, he crushed my face with a ball para lang manalo!" Sabi ni Hiro. "What? he did that?" Tanong ko. "Yeah. Kaya naman, hindi na nakapagtataka ang mga ginagawa niya ngayon. Wa'g kang mag padala sa kanya." "Mag padala?" "Like I said, he will do everything just to win. He's more than a badboy." Sabi niya. "To win what?" "To win you!" Tumayo siya. "Babawi pa ako sa ginawa niya sakin nung high school!" Then he raised his wrist. OMG OMG. "Don't tell me you'll hit him?" Sabi ko. "Tama! Pero mamaya na. Masyadong maraming tao eh." Ano na kayang nangyayari sa kanila doon? I wonder. Ilang sandali ang nakalipas, nakita ko si Rico papunta sa amin. AALIS AKO. I NEED TO HIDE. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Hiro. Obviously, nakikita niya ring papunta si Rico sa amin. "Mag si-CR." "You can't hide!" Sabi ni Hiro. Pero... ARGH. It's too late, Rico is already in front of us. "Excuse me." Sabi ni Hiro at umalis. "Saan ka ba nagpupupunta! You're such an irresponsible date!" Sabi niya. DEMN IT! I can't look at him. Ano na naman bang nangayayari sa sistema ko? "Kanina iniwan mo ako sa harap ng parents ko. At ngayon... you've been flirting with your ex?" I can't believe him. He is totally unforgivable. "FLIRTING?" "Oo." "I can't believe you, Rico. Where is your heart? Asan na ang konsensya mo?" I'm crying a lot now. I can't hold back my tears. I feel like my emotions are bursting out. "Ganyan ka na ba talaga ngayon? Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin? HOW DARE YOU!" I think I stunned him. He is just staring at my while I'm crying a lot here. Malayo kami sa party kaya wala masyadong nakakakita. Suddenly, he hugged me. O.O "I-I'm sorry. I just..." "Punyeta ka!" I pushed him. "Sinabi mo na ang lahat ng pwede mong sabihin pero ganun lang? SORRY? GAAAAAAAAAH" I'm so damn angry with my self. Yung mga luha ko, ayaw talagang humupa. Kainis, Gette. Ampanget tingnan. Then he still insisted. He hugged me, still kahit na nagpupumiglas na ako. I know I'm hurting him physically now. Kasi ayoko siyang maramdaman. He hugged me tightly. TOO TIGHT ACTUALLY. Para lang di ako makawala. "I... I just want you to... notice me." [STEP #49] Bridgette Reah Francisco: Hindi kita maintindihan! "... notice me." HUH? Akala mo ah? Nagpupumiglas parin ako. Wala akong pakealam kung masaktan ko siya. Tama lang yun sa kanya. "Rico, pwede bah? Playgirl, malandi, flirt... ano pa ba ang gusto mong itawag sakin, ha?" Sabi ko. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko kasi wala ng pag-asa na makawala ako sa kanyang yakap. Nawalan na rin ako ng lakas. "If you... want... to..." Sabi niya ng dahan-dahan kasabay ng mga hikbi ko. He is whispering me those words. "flirt. Flirt with me." he continued. If you want to flirt, flirt with me? WTF? "If you want to look at someone, look at me." I'm getting nervous. Ano pa ang mga sasabihin niya? "If you want to change someone, change me." I'm speechless. "And if you want to love someone, love me." Sa wakas, huminahon na ako. Pero. Pero.... ano ba ang mga pinagsasabi niya? Is he using me? Or what? Magkaharap na kami ngayon kaya lang di parin ako makatingin sa kanya. "What are you talking about?" Tanong ko. Hindi ako bobo pero kailangan kong magmukhang bobo. Tahimik lang siya at di niya pa sinasagot ang tanong ko. What is this? Umaamin na ba siya? HELL NO, ni wala nga akong narinig na 'I love you.'. Tumulong siya sa pagpunas ng mga luha ko, pero sinapak ko ang kamay niya para matigilan na niya ako. Tiningnan niya lang ako at pinunasan parin ang mga luha ko. Sinapak ko ulit siya pero di na talaga siya nagpapigil. "Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi?" Sabi ko. Linapitan niya pa ako at inayos ang mukha ko. Linagay niya ang mga buhok ko sa likod ng mga tenga ko. I took one step away from him. Para lang lumayo sa kanya. At dahil sa mga ginagawa niya at mga ginagawa ko sa kanya, mas lalo akong naiiyak. He is the man I love. At ngayon, mukhang pinagpipilitan niya ang kanyang sarili sa akin pero natatakot na ako. Siguro dahil hindi ko pa alam kung gusto niya ba ako o wala na siyang gusto kay Sandy. O baka naman dahil nga rival sila ni Aaron kaya ngayon ayaw niyang magpatalo. "Kaya ako umiiyak ngayon eh dahil naiinis ako sayo, sa mga sinabi mo! Hindi dahil nasasaktan ako o kung ano man!" Sabi ko. Bigla ko kasing naisip yung mga itataga ko sa diamond at lahat ng mga sinabi ko sa kanya at mga sinabi niya sa akin. Yung malandi, play girl, at flirt. Tapos naisip ko pa yung swear ko na wala na siyang pag-asa sa akin. LOL Bakit ko ba `to iniisip? Eh baka binibiro lang ako neto. Baka nga pinapaselos niya lang si Sandy eh. "Bumalik na tayo sa party! Ba't ba tayo andito?" Sabi ko at tumayo. Babalik na sana ako kaya lang hinawakan niya ang kamay ko. "Dito muna tayo." Sabi niya. Hindi naman siya nakangiti, mas mukha nga siyang galit eh. "Ha? Eh, panu yung party? Ano na kayang nangyayari dun? Late na nga tayo tapos dito pa tayo tatambay?" "Dito muna tayo!" O.O Ang mga boses niya parang merong kung ano kaya gustong-gusto kong sundin. Parang may 'command'. LOL WHAAAT? For the first time, naging ganito ako sa isang lalaki! Parang gusto ko na lang siyang sundin. Pero, ayoko. Masyadong unforgivable ang lahat ng ginawa niya at sinabi niya. Ngayon lang `to, uupo ako. Since he wants me to be his date, kailangan kong sumunod sa kanya. Malayo ako sa kanya pero lumapit siya at lumayo ulit ako. ^-^ "Alam kong di mo ako gusto!" Sabi niya. "Buti alam mo!" Sabi ko habang nakatingin sa mga tao sa party. I can't look at him. My hands are also trembling. "Pero, simula ngayon, kailangan magustuhan mo na ako!" Napalingon ako sa kanya at seryoso ang mukha niya. "Simula ngayon, liligawan na kita kaya humanda ka!" Ang tagal nag sink-in sa utak ko ang mga sinabi niya kaya mejo natagalan nga ako sa pag rereact. "HAHAHAHA~! Ano ka mo?" Nag tatatawa na lang ako, hindi ko na naman alam kung tumatawa ako dahil maligaya ako o dahil wala na naman ako sa sarili ko. Tumayo ako para bumalik sana sa party at ng mahimasmasan at makahinga naman sa mga pinagsasabi ni Rico. Kaya lang hinila niya ng malakas ang kamay ko at napasandal ako sa bench na inupuan naming dalawa kanina. He locked me in his arms and then he looked at me straight in the eyes. He is leaning closer... and closer. I don't want to close my eyes because I want to see him. LOL "Liligawan kita, narinig mo ba yun? Liligawan kita." "Anong lili-" Bago ako makapagsalita, hinalikan niya na ako. "Liligawan kita." Tumayo kaming dalawa at hinila niya ako sa party. "R-Rico sandali. Hindi kita maintindihan!" "Liligawan kita sabi, napakasimple lang naman nun ah?" Nabunutan ako ng tinik nung pinagtitinginan na kami ng mga tao habang namamasyal sa party at habang hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. And now, I've never been this conscious about the possible rumors that will spread around the school about me and about him. Nakikita ko na ang mga nakatinging mata at mukhang may di kaayaayang pinag-uusapan tungkol sa amin. [STEP #50] Bridgette Reah Francisco: Ano? Suko ka na? Umupo kami sa table namin kanina. His mom smiled at me. "Enrico, babalik na ako bukas." Sabi ng Papa ni Rico. "Sure." "Ako rin." Sabi ng mama niya. Tumango si Rico. "Don't worry, I'm fine here!" Tiningnan ko si Rico, and I realized how lonely he is. Kawawa naman siya, walang nagaalaga sa kanya. Tiningnan ko ang paligid at nakita ko si Sandy na mukhang nag-aapoy na sa galit at si Aaron na mukhang kanina pa nakatingin sa mga kamay ni Rico na nakahawak sa akin. Ilang sandali ang nakalipas, nagsi-uwian na ang mga tao. Pati ang mama at papa ni Rico, mukhang uuwi na rin. Napatingin ako kay Rico nung linapitan niya ang kanyang mama at papa. Yinakap siya ng kanyang papa at hinalikan siya sa pisngi ng kanyang mama. Nahiya nga ako eh dahil ang mama niya ay nakatingin sa akin. Nabigla na lang ako nung linapitan ako ng kanyang mama at... "Enjoy the rest of the night!" Then she smiled. ENJOY THE REST OF THE NIGHT? Maraming larawan ang pumasok sa isip ko. What the hell is the rest of the night!? Umalis na sila ng tuluyan. Si Rico naman ay nakaupo lang sa isang upuan sa harap ng mesa. At, ngayon ko lang namalayan na nawala na ang ibang table na andito lang kanina nung may party pa at isang table na lang ang natira. Lumalalim na ang gabi at nakatunganga lang si Rico sa harap nung table. "Rico, kung hindi ka uuwi. Uuwi na ako!" Tiningnan niya ako at unti-unti kong nakita ang mga palamuti, pagkain at bulaklak sa harap ng mesa. Naririnig ko ang mga salitang binulong ng kanyang mama kanina 'enjoy the rest of the night'. "Uhhhh." Darn, I'm speechless. Kasi naman, di naman siya nagsasalita! Hindi ko naman nakikita sa mga mukha niya na natotorpe na naman siya dahil ibang-iba na ang mga ekspresyon niya ngayon kumpara sa mga ekspresyon niya noon. "Hindi pa tayo kumakain diba? Kumain na tayo!" Sabi niya. "Uhhh." Mukhang alam ko na `to! So, tototohanin niya na yung panliligaw niya? Really? Or is he still thinking about Sandy? Kumain kami pero wala naman akong gana. Biruin niyo, kami lang dalawa ang andito sa garden sa ilalim ng bilog na buwan? May nakita akong banda. BANDA? Oo, may dalang violin at cello at iba pang classical instruments. Parang gusto kong magsisigaw dito. "Rico, anong nangyayari?" Tanong ko habang hindi ko na talaga maisubo ang pangalawang subo ko sana ng pagkain. Nakayuko lang siya at kinuha ang panyo at pinunasan ang kanyang bibig. "Rico, hindi ito ang oras ng pag-iinarte, ano to?" Tanong ko ulit. Tinitigan niya ako at kinuha ang kamay ko. Unti-unti kong narinig ang tinugtog ng bandang nakita ko ngayon-ngayon lang. ISINASAYAW NIYA AKO. "Rico, ano `to?" "Liniligawan kita!" Sabi niya. "HA~!? Tapos, ganito?" Sabi ko. Naapakan ko ang paa niya. "Hindi ka ba marunong sumayaw?" "Kung ayaw mong sumayaw dahil di ako marunong edi wag na tayong sumayaw!" "Nagtatanong lang naman ako eh." Ngumiti siya. AWWWWW~! At ngayon ayaw ko na namang tumingin sa kanya. Alam niyo naman, di pwedeng ano... hehe... basta hindi pwede! Unti-unti niyang naramdaman na ayaw kong tumingin sa mga mata niya kaya hinabol niya ang tingin ko. Nainis ako kaya inapakan ko ng malakas ang paa niya. "ARAAAY!" Patay, nasobraan ko ata. "Sorry!" Sabi ko. Ngumiti siya, "Tumingin ka rin!" at ikinainis ko naman iyon. Aalis na ulit sana ako pero pinilit niyang ilagay ang mga kamay ko sa leeg niya. So there it goes again, hindi ako makatingin. "Rico, ano ba talaga ang kailangan mo? Alam mo namang ayaw ko sayo diba? Ba't mo ba pinagpipilitan ang sarili mo?" "Ewan ko." "Rico, tigilan na natin to, pwede?" "Ayoko." "May gusto na si Sandy sayo! Hindi ka ba masaya? Tsaka, sayang naman yung mga ginawa mo noon. Diba ganito din yung noon? Under the moon in a garden?" I`m telling him that this moments are just carbon copies of the moments he had with Sandy! LOL. "Ano ngayon kung mahal na ako ni Sandy?" Tanong niya. "Eh, okay yun diba?" Hindi parin ako makatingin sa kanya. Nakatingin lang ako kung saan saan. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nagkaganito ako sa harap ng isang lalaki! MY GOSH, ganito siguro ang feeling. "Okay lang." Sabi niya. OUCH. "Okay lang naman, pero hanggang dun na lang yun." Tumango ako. "Tumingin ka nga sa mga mata ko!" Sabi niya. Kinabahan ako. "Bakit?" Hindi parin ako makatingin. Darn you, Bridgette! "Tingnan mo nga ako! Bakit di mo ako tinitingnan? Guilty?" "Anong guilty? Hindi ah!" "Kapag di ka titingin sa mga mata ko, ibig sabihin may gusto ka sa akin!" Agad akong tumingin sa mga mata niya. Tinitigan ko siya para `di na niya isiping may gusto ako sa kanya. "Kung ganun, wala ka ngang gusto sa akin!" NOOO~! I mean... ehem. "Ano? Suko ka na?" Sabi ko. "Ayoko nga." "Bakit?" "Mahal kita eh." ANG KULIT NIYA. [STEP #51] Bridgette Reah Francisco: Dito ka muna! Nakatunganga siya sa harapan ko at pinaglalaruan ang mga bulaklak na binigay niya sa akin. Andito na kami sa bahay at kami lang dalawa. HEP! Hindi ko siya pinagnanasaan ha? Hinihintay ko lang na umalis siya kaya nakaupo parin ako dito sa living room at di pa nagbibihis. Ganoon din siya. "Rico?" "Hmmm?" Tumingin siya sa akin kaya binawi ko ang tingin ko. "Di ka pa ba uuwi? Alas dose na ah?" Sabi ko. Tumayo siya habang kinukuha yung coat at mukhang aalis na. AWW. Aalis na talaga siya? Hehe, pasensya na, hindi ko mapigilan ang bunganga ko. Palapit na siya ng palapit sa pintuan. Ang lokong `to, di man lang nagsalita! "O, san ka pupunta?" Tanong ko. "Akala ko ba pinapalayas mo na ako?" Tinitigan na naman niya ako. Nagdududa na talaga ako na may multiple personality disorder siya. Weather-weather ang mood at asta niya. Minsan makulit, minsan sweet, minsan seryoso, minsan bad. grrr. "Pinalayas ba kita? Ang sabi ko lang naman eh umuwi ka na dahil malalim na ang gabi! May pasok pa bukas!" Sabi ko pero di na naman ako makatingin sa mga mata niya. Bumalik siya sa sofa at umupo. Ano na naman ba ang problema niya? "Dito na muna ako ngayong gabi." Sabi niya. "HAAAAAA~!?" Nanlaki ang mga mata ko. "Nakikita ko kasi sa mga mata mo eh," he smiled. Ano? Di nga ako makatingin sa mga mata niya eh. Kaya sinubukan kong tingnan ulit siya. Nakita kong nakapangalumbaba siya, nakangiti habang tinitingnan ako. "Nakikita ko sa mga mata mo na ayaw mong iwan kita!" "Ha~! *coughs*" Aray, I was choked with my own saliva! "Ang kapal mo din, noh?" "Pasalamat ka nga at sasamahan kita ngayong gabi!" "SALAMAT HAAA?" I rolled my eyes. "You're welcome! Wala naman kasing pasok ang whole medical department bukas kaya yun. Tsaka, pinagkatiwala ka ng mama at papa mo sakin eh." Sabi niya. Napakamot ako sa ulo. "Kung ganun, dito ka lang sa sofa matulog! Sa kwarto na ako! Wala ka naman palang pasok eh, meron akong pasok at marami akong gagawin bukas!" Sabi ko habang tumatayo. Hindi naman siya umimik. Nakasandal ang buong katawan niya sa sofa at mukhang pagod na pagod na siya. Pumasok na ako sa kwarto, naligo, nagbihis... "1:15am." Binigkas ko ang oras sa digital clock katabi ng kama ko. "Argh, di ako makatulog!" Kamusta naman kaya si Rico dun? Wala namang lamok sa bahay namin kaya siguro okay lang yun dun. Wala ba talagang lamok dito o sa mga kwarto lang ang walang lamok? Bumangon ako para...uminom ng tubig... hehe... Dinalhan ko na rin siya ng kumot para kung sakali... Ganoon parin ang posisyon niya nung iniwan ko siya kanina. Nakasandal ang buong katawan sa sofa at mukhang... tulog na siya. "Haaay naku. Parang bata." Bulong ko habang lalagyan na sana siya ng kumot. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at napasinghap ako nung mas lalo akong lumapit sa mukha niya. "Hoy Rico! Gising ka no?" Sabi ko. Naku, ang lapit lapit ko sa mukha niya at kung hindi ito iimik ngayon baka hahalikan ko nalang siya ng palihim. LOL. "Panu mo nalaman?" He smiled but his eyes were still closed. "Walang hiya~!" Napaupo ako sa tabi niya dahil hindi na ako makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Gette, dito ka lang!" Sabi niya at isinandal niya ang kanyang ulo sa leeg ko. "Uhhh, ibibigay ko lang naman sana `tong kumot eh." Nakapikit parin ang mga mata niya at sa tingin ko, he is half awake and half asleep. Naiisip ko tuloy na kawawa naman siya. "Hayaan mo, sasagutin mo rin ako!" Bulong niya. "HA~!" Ricoooooooooooo! Naaawa pa naman ako sayo! Napaka arrogante naman niya. GRRR. "Gette, kung hindi mo ako gusto, gagawin ko ang lahat! Sa ayaw't sa gusto mo, magugustuhan mo ako!" ABA~! So, talagang naniniwala siya na wala akong gusto sa kanya? Dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi niya? Na gusto niya ako, na mahal niya ako? Nakakatakot kasi eh. Paano na si Sandy? I mean, possible bang magkagusto siya sa akin kahit na alam na alam naman nating lahat na si Sandy ang gusto niya? Nakakaduda naman kasi. At tsaka nakakatakot kung maniniwala ako sa kanya. Paano na lang kung si Sandy parin pala ang gusto niya? Paano na lang kung kapag kami na bgla niya na lang aminin sa akin na si Sandy parin ang sigaw ng kanyang puso? At isa pa, kung magtatanong naman ako sa kanya kung bakit niya ako gusto o bakit ayaw niya na kay Sandy, baka isipin nito na may gusto ako sa kanya. Mabuti na yang iniisip niya na wala akong gusto sa kanya para naman mahirapan siya! At di lang yun, papahirapan ko talaga siya! Humanda siya! Mahal niya pala ako huh? Makikita niya! Sinaktan niya ako ng lubos kaya pahihirapan ko din siya ng lubos! "Gette, gising na. 9 am ang pasok mo ngayon hindi ba?" Nakita ko ang mukha ni Rico. Yinakap ko siya. "Gette, ano ba?" "Dito ka muna!" Kaya tinabihan niya ako, habang natutulog sa sofa. ANOOOOO~!? Binigyan ko ng second look ang mukha ni Rico at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa akin. OMG~! I thought it was a dream! "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~!" [STEP #52] Bridgette Reah Francisco: NAKAKATABA NG PUSO! Nakatunganga ako sa harap ng mesa habang pinapanood siyang naghahanda ng breakfast ko. Nakangiti siya habang ginagawa ang kanyang trabaho. Hindi ko pa na bo-blow dry ang buhok ko dahil na s-stress na ako sa mga pangyayari. "Kain ka na!" Sabi niya habang ipinapakita sakin ang I'm-a-nerd-before-smile niya. Nararamdaman ko ring sa likod ng I'm-a-nerd-before-smile niya ay ang you-aredreaming-about-me-thoughts ang loko. Tinitigan ko lang ang pagkain. "Sigurado ka bang wala yang lason?" Biro ko. "Wala naman." Ngumiti ulit siya. "Eh... Gayuma?" Sabi ko habang sinusubo ang pagkaing inihanda niya. Mas lalo pa siyang ngumiti at mas fierce na ang mga mata niya ngayon, "Di na kailangan!" Muntik na akong mabulunan. Binigyan niya naman ako agad ng tubig. AWW, maalaga talaga siya noh? Perfect doctor! Kaso, kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya eh. Lahat na lang ata gusto niyang alagaan, pero wala namang nag-aalaga sa kanya! Hayaan mo... HEEEEEEP! Hindi! Hindi ko siya sasagutin! Itataga natin sa diamond diba? But just in case na mag change ang mind ng mga ka-deal ko, hehehe, wa'g kayong mag-alala, pahihirapan ko naman siya eh. "Masarap ba?" "Uh, nalasahan ko ang gayuma eh!" Biro ko ulit. "Huh? Baka gusto mo lang aminin sa akin na may gusto ka na?" Ack! "Naaah! Hindi naman ako tatablan ng gayuma, may agimat ako laban diyan! I'm a playgirl, remember?" Ngumiti ako at nakita kong hindi siya masaya sa sinabi ko. HEHEHE. Myyy, I'm such a devil! Kaya tahimik lang siya habang nakatingin sa akin na kumakain. Ano ka ngayon Rico? HAHAHAHA~! Hindi ako maaawa sayo! Este, hindi ako magpapahalatang naaawa ako sayo! Pumasok na ako sa kotse niya, uhhhh, mukhang sineryoso niya talaga yung sinabi ko kanina ah? Anyway, parusa niya na yun! BUTI NGA SA KANYA! Nang maranasan niya namang sinasaktan siya no! LOL. Nasaktan na nga pala siya! Pero... aaaah basta. Ihahatid niya ako ngayon sa school! Yipeeeee. "Uhhh, Rico, uuwi ka na pagkatapos mo akong ihatid sa school?" Tanong ko habang tinatanaw siyang nagda-drive at nakatingin sa kalsada. "Siguro." "Aaaah." Sumulyap siya sa akin nung tumingin ako sa labas ng bintana kaya sumulyap din ako sa kanya nagbabakasakaling maabutan ko ang mga mata niya. "Bakit? Gusto mo hintayin kita?" Buti na lang may seatbelt ako, kundi baka tumilapon na ako sa tanong niya. "Duh! Hindi ako bata! Hindi ko kailangan ng sundo!" Sabi ko. Ano bang gusto niyang isagot ko? Na gusto kong hintayin niya ako? Like who the hell would answer those words. Ilang sandali ang nakalipas, nakarating na kami sa school. Maraming tao ang dumadaan at tumatambay malapit sa parking lot na napili niya kaya nagdadalawang isip akong lumabas dahil alam ko na ang iba sa kanila ay dumalo kahapon. Nakikiramdam pa ako sa paligid at kumukuha ng magandang tyempo sa paglabas sa sasakyan ni Rico. Siguro, dito siya nagpapark madalas. Habang nagmumuni-muni ako dito tungkol sa mga strategy sa paglabas ko sa kotse niya eh natulala na lang ako nung nakita ko na siyang umikot at binuksan ang pintuan at nag-aabang sa paglabas ko sa kotse. Parang gusto kong mag alburoto at sumabog dahil sa mga ginagawa niya. "S-Salamat, p-pero sana di mo na lang ginawa!" Sabi ko. Ano ba yan, feeling ko tuloy tinatanggihan ko ang isang bilyon! BAHALA SIYA! Nakita ko na ang mga mapanlait na mga mata at mga bunganga na ready na sa tsismisan tungkol sa akin! And I'm pretty sure that it's about me. Ako lang naman ang villain dito eh! Si Rico, mabait, gwapo, matalino and etc. Ako, MALANDI... and blahblahblah. "Rico, salamat at pasensya ka na! Baka madamay ka lang sa mga usap-usapan tungkol sa akin eh! MY IMAGE IS NOT LIKE YOURS." Sabi ko habang naglalakad patungo sa building namin. Kahit na alam kong pinag-uusapan na ako ng lahat ng tao dito ngayon, okay lang basta sana wala silang masabi kay Rico. Okay lang kung sabihin nilang nilalandi ko si Rico basta wa'g lang nilang pagsalitaan ng masama si Rico. Of course, they won't kasi wala naman yun sa imahe niya eh. Well anyway, mas bato pa ako sa bato kaya... "At ang kapal din pala ng mukha mo no?" Sumalubong sa akin ang namumulang pisngi ni Sandy at mukhang galit na galit siya. OH NO! Tatlong minuto na lang, klase ko na! This is not good. "Ginawa ka lang date sa party, inanyayahan mo na sa bahay niyo!" ABAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Mukhang alam ko kung saan patungo ang usapang ito ah? "HA~! Oh, so you are jealous?" Nakikita kong nagpapakita na ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. "No I'm not! Sinasabi ko lang na bukod dun, may dalawang lalaki pang nag-aaway dahil sa iyo! Napaka war freak mo! Lahat na lang ginugulo mo!" Nakita ko si Aaron na papunta din sa building namin at may bandage sa mukha. Don't tell me! It's Hiro and Aaron? Pero, di naman yun dahil sa akin ah!? "Sure ka? O baka naman gumagawa ka ng istorya." "Walang duda! Ikaw ang dahilan dahil silang dalawa ay may gusto sayo at nalilink sayo! Don't pretend b1tch!" "You know what, youre just jealous! Kung gusto mo palang i-date si Rico at i-uwi siya sa inyo, ba't di mo tinanggap yung offer ko? At sana naman Sandy, i confirm mo muna kung bakit nag-away yung dalawa! Kasi, yung mga sinasabi mo sa akin ay NAKAKATABA NG PUSO!" And now she's crying. OMG, what a cry baby! No, really I need to hurry. Ma late na naman ako, then I`ll steal the spot light and then yada-yadaaaaa. Ganun ganun na lang lagi ang nangyayari sa akin atr sinisisi pa ako ng mga taong `to kahit sila naman ang may kasalanan kung bakit ganito ang galit nila sa akin. GEEEZ. Aalis na sana ako pero may pahabol pa siya. "Gette, akala mo siguro ako lang no!? Marami pa sila na sawang-sawa na sa paglalandi mo sa lahat ng lalaki dito sa school! Pero alam mo kung ano ang kaibahan ko sa kanila? Ako: mahal ni Rico, sila: mahal si Rico." Suminghap lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Salamat haaaa? Sa paalala. Kung ganun, dapat pala maging maingat, baka may mga bitag na sa dinadaanan ko. [STEP #53] Bridgette Reah Francisco: Ewan ko. "ANOOOO?! Hindi nga?" Sabi ni Sam habang nakaupo sa harapan ko dito sa loob ng cafeteria. ISinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa party. "Kaya naman pala andami kong naririnig na pangalan mo kanina pa." Sabi ni Anya. "Tapos? Ano, Gette? Anong gagawin mo?" Nakapangalumbaba si Sam habang pinoproblema ang mga nangyayari sa buhay ko. "Naku ewan ko. Bahala siya!" Sagot ko. "Anong bahala siya? Kailangan mong mag decide no! Di naman pwedeng habambuhay ka na lang niyang liniligawan!" "Ay ewan ko talaga! Eh hindi ko pa naman confirmed na may gusto nga talaga yung nerd na yun sa akin!" "So, kung ma confirm mo na?" Tinitigan ko siya. "EEEWAN ko." Sabi ko. Napabuntong hininga si Anya at Sam. "OMG, I don't like this." Sabi ni Anya. "I mean, panu na lang kung si Sandy pala talaga ang gusto niya? Come on, alam nating tatlo kung ano yung mga nagawa niya for Sandy noon." "Yun nga rin ang inaalala ko eh." Sabi ko. "HA~! So, mananalo na talaga ako sa pustuhan kung nagpustahan tayo!" Sabi ni Sam. Umiling ako. Habang nakikita ang isang grupo ng babaeng (na mukhang nakita ko na at nasaktan na ako nito noon) papalapit sa amin. "OMG, Andyan na naman. Namaga yung braso ko noong last encounter ko sa kanila ano naman ngayon?" "Bridgette... Reah... Francisco..." Simula nung isa. "Lahat na lang talaga ginagawa mong guinea pig!" "Hmmm?" "Sinasali mo lahat ng lalaki sa experiment mo! Kung gusto mong maghanap ng sayo, lumipat ka sa all-boy's school!" Sabi niya. Alam nyo ba na sawangsawa na talaga akong makinig at makipagtalakan sa mga ganitong klaseng tao!? Kaya kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling umalis. At hinawakan na naman niya ang braso ko. Kaya unti-unti kong tinanggal ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa mga braso ko. "Miss. Kung sino ka man, pasensya na, I don't talk to strangers." Sabi ko habang kumawala sa kanila. Nakita ko si Anya at Sam na mukhang konting kalabit na lang eh matatawa na. "Tigilan niyo na nga yan! Hindi naman kasalanan ni Gette kung magkagusto nga si Rico sa kanya!" Sabi ni Aaron. WAW. Sa isang iglap, naging prince charming siya. He is still cute kahit may bandage sa mukha niya. Bago ko pa marinig ang ibang pwedeng sabihin nung mga babae, umalis na ako kasama sina Anya at Sam. "Balita ko gumanti daw si Hiro sa kanya!" Sabi ni Anya. "Oo. Pagkatapos daw ata nung party. Nagkaalitan sila nung high school diba? Kaya naman pala may bandage ang mukha niya!" Umupo kami sa bench malapit sa soccer field. "Tsss. Kawawa naman si Aaron! Si Hiro pa ang kinalaban." Sabi ni Anya habang nakatingin sa wrist watch niya. Ilang sandali ang nakalipas, umalis na si Anya at Sam dahil may pasok sila. Dumating naman si Aaron at sinamahan ako. "Si Hiro ang may gawa niyan?" Tanong ko without looking at his face. "Yeah.... Uh, Gette, liniligawan ka ba ni Rico?" "Huh? E-Ewan ko. Bakit?" "Alam mo naman diba? Si Sandy yung gusto niya." Umihip ang malakas na hangin. "Ewan ko." "Alam kong liniligawan ka niya. At alam ko ring gusto mo siya... pero... hindi ba si Sandy talaga ang gusto niya?" "Ba't di si Sandy ang linigawan niya?" "Hindi ko alam." "Kung gusto niya si Sandy, edi ligawan niya! Wala naman akong pakealam sa kanila!" Sabi ko. "Nagkikita parin sila hanggang ngayon!" Tahimik lang ako habang nakikinig sa kay Aaron. "Nakita ko sila kanina pagkatapos ng klase natin, magkasama. Walang pasok sina Rico ngayon diba? Pero pinuntahan niya si Sandy." HAHAHAHAHA~! Wala ngang pasok si Rico ngayon, at hinatid niya ako dito kaya siya nandito kanina. Pero ba't di pa siya umuwi? May usapan ba sila ni Sandy? "Ahhh. Ganun ba? Ewan ko." OMG, Ewan ko kung ilang beses ko ng nasabi ang 'ewan ko' ngayon. Kasi naman eh, wala akong masabi. HUHU~! Sumisikip ang dibdib ko habang naiisip kong magkasama si Rico at Sandy. Kasi alam ko naman na kung totoo ang sinasabi ni Aaron, wala na talaga akong laban. I`m hopeless. Kaya, pinilit kong pumunta sa parking space kung saan pinark ni Rico ang sasakyan niya kanina. And guess what - andun parin! HINDI PA SIYA NAKAALIS. AT SINO NAMAN ANG KASAMA NIYA NGAYON? Could it be? [STEP #54] Bridgette Reah Francisco: Sigurado ka? *TING----TING----TINGTONG* Umalis na ang prof ko sa pinaka huling klase ko ngayong araw na `to. Ewan ko pero simula nung nakita kong andun parin yung sasakyan ni Rico at narinig ko ang mga sinabi ni Aaron, parang nanlamig na ang araw ko. "Gette! Uuwi ka na?" Tanong ni Hiro. "Uh, hindi pa. Hihintayin ko pa sina Sam at Anya." Sabi ko ng walang kabuhay-buhay. Habang liniligpit ko ang mga gamit ko, nakita kong nakatingin lang sa malayo si Aaron. Siguro, natatakot parin yun kay Hiro. "Gette, pupunta ka mamaya sa 1720?" Tanong niya. "Uhhhm, Siguro. Oo." Bigla ko kasing nararamdaman na parang di na ako masyadong nakakapunta dun! Tsaka wala namang masama kung pupunta nga ako dun eh, kasi wala namang pasok bukas. "Kung ganun,sana magkita tayo mamaya. Miss na kasi kita!" Sabi ni Hiro. Napatingin ako sa mga mata niya at hinaplos niya ang buhok ko. "Nga pala, saan ka ngayon, wala kang pasok diba?" Kinindatan niya ako. HAAAY, Hiro creeps me out. Pero anyway, mukhang may gusto parin siya sakin pero pinipigilan lang niya. Pinukpok ko ang ulo ko. Gette, wag ka ngang ganyan! Nagpunta kami ni Hiro sa mga bench katabi ng soccer field, at natatanaw ko sa kinauupuan namin ang sasakyan ni Rico. Hindi parin siya nakakaalis. My God! Saan ba sila nagpunta ni Sandy? SHUCKS. I'm worried. "Ba't mo naman naisipang sumama sa akin?" Tanong ko kay Hiro. "Wala lang, gusto ko lang malaman kung kamusta ka na ba talaga." Sabi niya. "Okay lang naman ako. Eto, single... hehe." Biro ko. (Pero totoo naman!) Tumawa at tumango siya. "May pinopormahan ka ba ngayon?" Tanong ko. "Wala pa. hehe." "Bakit naman?" Ow Gette, what a lame question. "Wala pa akong makita eh." He smiled. Tiningnan ko ulit ang sasakyan ni Rico at andun pa rin. Ano ba talaga? Uuwi na lang kaya ako para makapagbihis na ako at pumunta sa 1720 at mag lasing? JOKE. Kasi naman eh, yung mga sinabi sakin ni Aaron pa balik-balik sa tenga ko at ang sakit sa ulo. "May hinahanap ka?" At mukhang namalayan ni Hiro ang pagiging balisa ko. "Ah. Huh? Wala!" I faked a smile. "Really?" Tapos nag evil-smile siya. "Yeah!" Sabi ko ng nag-aalinlangan. Tumayo siya at... "Alis na ako, Gette. Andito na ata ang chaperon mo!" sabi niya sabay tingin sa likuran ko. Sumulyap na rin ako sa likuran para makita ang tinutukoy niyang chaperon ko, SI RICO! Ack~! "Ba't ka andito?" Sabi ko habang papaalis si Hiro. Nakatingin lang siya kay Hiro at naghihintay na umalis na ng tuluyan bago siya sumagot... "Hinihintay ka!" GRRR. Hinihintay o baka naman may usapan kayo ni Sandy? "Really?" Sabi ko na may halong pagdududa. Noong nakapasok na kami sa sasakyan niya, tiningnan ko ang paligid at nag-imbestiga kung meron bang mga bakas na iniwan si Sandy. "May hinahanap ka?" Tanong niya. "Uh, wala!" Tinext ko na sina Anya at Sam na magkikita na lang kami mamaya sa 1720 dahil sa mokong na `to. Ilang sandali ang nakalipas, pinaandar niya na ang sasakyan. Hinintay ko pa ang traffic para lang makapagtanong at ma interrogate siya! Syempre, wala naman kasi akong ebidensya sa mga pagdududa ko. "4:30 na ah, hindi ka ba umalis ng school?" Tanong ko. "Hindi." "Bakit?" "May tiningnan lang ako. Tsaka, balak ko na talagang ihatid ka pauwi." "Sino ang kasama mo?" Tiningnan niya ako at mukhang siya naman ang may pagdududa sa mga tanong ko. "Mga kaibigan ko." "AHH." O GOD. What an excuse, nagdududa na ako. Totoo ba talaga yan? GRRRR. Pagnagkataon talaga, naku! Ano pang itatanong ko para mahuli siya. "Ano ang inasikaso mo?" "About school at marami pa." Geeez, ba't di niya sinasabi sa akin na magkasama sila ni Sandy? Sana naman maging honest siya kahit alam niyang mukhang magdududa ako. Mas nakakaduda kasi kung di niya sasabihin, parang may tinatago! "Sigurado ka?" Tinitigan niya na naman ako. Kaya napatingin ako sa traffic lights, "Rico, green na ang light!" Sabi ko habang natataranta. Pinaandar niya naman ng walang imik at di man lang nagsalita o sinagot ang pinakahuling tanong ko. NO WAY! Talagang nagdududa ako. Mukhang meron talaga siyang tinatago! Baka may gusto parin siya kay Sandy! Tanungin ko na lang kaya kung nagkita ba sila ni Sandy? Pero baka magduda siya at isipin niyang nagseselos ako! Paano ko gagawin `to? GRRRR~! Hihindi na lang muna ako ng payo kina Anya at Sam. Hindi muna ako maniniwala sa mga sinasabi niya, kasi mahirap na. [STEP #55] Bridgette Reah Francisco: Uuwi na... ako... sh1...t. "Nakakaduda naman kasi!" Sabi ko habang inaayos ang pagkakaupo ko. Andito ako sa 1720 at walang alam si Rico na pupunta ako dito. Ba't ko naman sasabihin sa kanya? Si ko naman siya boyfriend! "Naku, sinasabi ko na nga ba! Mahal pa nun si Sandy!" Sabi ni Sam habang sinisiko siya ni Anya. Tiningnan ko silang dalawa na parang palihim na nagtatalo. "Kung ganun nga, ano namang bago?" Sabi ko. "A-Ah. Hindi naman siguro, Gette! Obserbahan mo muna! Wa'g kang mag-isip ng ganyan!" Sabi ni Anya. Nakita ko si Hiro na paparating kaya tinigilan namin ang pag-uusap tungkol kay Rico. Umupo siya sa tabi ko. Nag-usap silang tatlo at mukhang normal lang naman ang gabing ito. Kaya lang, wala na ako sa pag-iisip ko, hindi ko kasi alam kung ano ang solusyon ng pagdududa ko. Kung ano ang motibo ni Rico at kung may masama ba talaga siyang binabalak! Pero sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman siya nanggagamit. Napabuntong hininga ako. "Si Sandy na." sabi ni Anya. Nakita ko si Sandy na umakyat sa stage at mukhang magsisimula na siyang kumanta. Muntik ko ng makalimutan, part-time job pala ni Sandy ang pagkanta dito. "This song is dedicated to the person I'm loving now..." Sabi ni Sandy sa stage. Pakiramdam ko huminto ang pintig ng puso ko nung nakita ko si Rico sa kabilang table na nakaupong mag-isa at nakatingin lang kay Sandy. "Si-Si-Si Rico!" Sabi ko. Gustong-gusto kong magtago at tumakbo kung saan hindi ako makikita ni Rico. Baka kasi mamaya, magrereconcile silang dalawa sa harapan ko at makita niya akong nasasaktan! Ayokong mangyari yun, that's a big slap on my face. "G-Gette?" Kanina pa pala ako tinatawag ni Hiro. "H-Huh?" "Naku, yan na nga ba ang sinasabi ko!" Sabi ni Sam. Nagsimula ng kumanta si Sandy and I'm still cluless. Si Rico naman, hindi parin ako nakikita. "Sam, Anya, Ano? Magpapakita ba ako sa kanya o...." Tanong ko. At nabigla ata silang tatlo. Syempre, parang first time ko atang magtanong sa iba kung anong gagawin ko. Pati si Hiro mukhang hindi makapaniwala na ngumiti na lang siya. "Ano?" Tanong ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Kung hindi ako magpapakita sa kanya, baka mangyari ang mga di ko gusto. Kung magpapakita naman ako sa kanya, baka may marinig akong di ko gusto! Either way, masasaktan ba ako? TELL ME! "Gette, sit still." Sabi ni Hiro. "Manonood lang tayo!" So, I'm going to watch it!? Pagkatapos ni Sandyng kumanta, mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Now I'm nervous. Papunta siya kay Rico. Tinitingnan ko naman ang reaction ni Rico pero hindi ko alam kung ano. ARGH, AM I GOING TO WATCH IT! Bumuntong hininga ako. At parang hindi ako huminga nung nakita kong yinakap ni Rico si Sandy. Dahil medyo dumami na ang tao, hindi naman siguro ako papansinin. At mukhang nabigla din sina Sam, Anya at Hiro sa nangyari kaya hindi din sila makapagreact. Nagwalk-out ako. Syempre, sa likod ako ni Rico dumaan para naman di ko sial maistorbo. Mahirap na, baka malaman niya na mahal ko pala siya at maawa pa siya sakin dahil nasaktan niya ako. "Gette!!!!!!!!!!!!" Narinig kong sumigaw si Hiro at nangibabaw pa ang boses niya sa boses ng mga tao at music sa loob ng bar. "Ouch!" Sabi ko habang nabunggo ko ang waiter na may dalang inumin. Nabasag lahat ng dinadala niya at nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa bar. Mukhang pati rin ang atensyon ni Rico, pero di ko na lang kinumpirma. "Okay ka lang ba, miss?" Tanong nung waiter. Nakita ko ang mga kamay kong dumudugo dahil nahawakan ko ang mga basag na baso sa sahig. OMG, PERSTAYM KOOOOONG MAKAKITA NG GANITONG PAGDUDUGO. And worst, dugo ko pa ang nakikita ko. "Gette, are you okay?" Sabi ni Hiro habang nakikita ko sina Anya at Sam na papunta sa akin. "Okay lang ako... hehehe. Uuwi na... ako... sh1...t." Nahihilo ako. [STEP #56] Bridgette Reah Francisco: Maliit na sugat lang yan! Masyadong maliwanag at mukhang wala na ako sa bar. Saan `to? Nakita ko si Rico nakaupo sa tabi ko habang pinagmamasdan ang paggamot ng sugat ko. "Gette, okay ka lang?" Tanong ni Hiro na nasa harap ko. Nakaupo ako sa isang higaan. Natatanaw ko si Sandy, si Anya at Sam malapit kay Hiro. "O-Ok lang-." "Miss, ayusin mo naman yan!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Rico sa nurse na mukhang kaga-graduate lang. "O-Opo." Ang bata-bata pa ng mukha ng nurse at mukhang natakot kay Rico. "A-Aray." Masakit yun ah! Kinuha pala yung glass sa palad ko. At mukhang nagsisink-in na naman sa utak ko na may dugo sa harapan ko. NAHIHILO NA NAMAN AKO. "M-Miss, Uh, Humiga ka muna..." Sabi nung nurse. Grabe, pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi pa nga kasi ako nasugatan eh, ang pangit pala ng feeling. ARGH. "Ako na nga lang!" Sabi ni Rico habang kinuha ang kamay ko at siya na mismo ang gumamot. Nanood naman ang nurse. "Hoy, hoy, Rico. Alam mo ba ang ginagawa mo?" Sigaw ni Hiro habang pinapanood si Rico na ginagamot ng mabuti ang mga sugat ko. Syempre, alam niya ang ginagawa niya! LOL. Hilong-hilo parin ako. "N-Nasaan tayo?" Tanong ko. "Sa ospital, Gette!" Sabi ni Sam habang kaharap ang cellphone niya. Tiningnan kong mabuti si Sandy at mukhang kagagaling niya lang sa iyakan. AAAAAAAAH~! Naaalala ko na! Diba nagyakapan sila? "Tapos na." Sabi ni Rico. Tiningnan kong mabuti ang mga kamay kong may bandage. "Masakit. Nakakatakot." Sabi ko. Ang mga kamay ko mukhang namumutla. Poor hands. :'( Kinuha ni Rico ang kamay ko habang pinagmamasdan ko ang nurse na papaalis. Binawi ko ang kamay ko pagkaalis ng nurse dahil nakita ko naman si Sandy na mukhang iiyak na. "O-Okay lang ako! Sam, Anya, Hiro, balik na tayo!" Sabi ko habang pinilit na tumayo at kinukuha ang bag. Pinipilit ko na ring ngumiti at di ko pinansin si Rico. Nabigla ako nung nakita kong seryoso ang mga mata niya habang pinipigilan ako sa pagtayo, hinawakan niya ang mga braso ko. "R-Rico, ano bah? Lalaki ang gastos k-kung-" "Hiro, Anya, Sam, Sandy, pwede bumalik na kayo ako na ang bahala kay Gette!" Sabi niya. "HA?" "Tama na Hiro, bumalik na lang tayo!" Sabi ni Sam. "Ako na nga ang maghahatid kay Gette!" Sabi ni Hiro. Nakita ko si Sandyng umalis, "Rico... salamat." Yun ang mga huling salitang sinabi niya. "Hiro. tara na!" Pilit ni Sam at Anya. "O-Oi! Ako, wa'g nyo naman akong iwan!" Sigaw ko sa kanila habang papalabas sa private room ng ospital na hindi ko parin alam kung saan. "Gette, tama na. Magpahinga ka na lang muna." "Duh! Maliit na sugat lang yan!" Sabi ko. "Pero nahihilo ka diba?" Sabi niya habang nakangiti. "Anong-..." "Takot ka pala sa dugo!" Sabi niya. MAGPAPAHINGA AKO? LALO AKONG MAPAPAGOD DITO! Kami lang dalawa at hindi ko na naman maintindihan kung masaya ako o naiinis. [STEP #57] Bridgette Reah Francisco: Sinisigurado ko lang naman "Ba't ka ba nagmamadaling umalis kanina? Tsaka, di mo sinabi sa akin na pupunta ka dun!?" "HA~! At may gana ka pang magtanong ng ganyan?" Sinabi ko ba talaga yun? Ang tono ko parang asawang nagseselos. NOOOOO~! Nakatingin lang siya sa akin at para bang binabasa ang iniisip ko kaya hindi ako tumingin sa kanya. "May tinatago ka na naman ata, ba't di ka makatingin sa akin?" "W-Wala ah." Teka nga, ba't ako nakikipag-usap sa kanya? Si Sandy ang gusto niya diba? ANO BAAAAAAAAAAAAAH? Mag tatanong na nga lang ako sa kanya. HINDI PWEDE! Hindi ko pa nga siya sinasagot at hindi niya pa alam na mahal ko siya... "Eh Ikaw, anong ginagawa mo dun?" AT BAKIT KAYO MAGKAYAKAP NI SANDY? HA~~~? HA~~~!? HAAAAAAAAAAA~!? "Ah yun ba? Nakita mo pala ako dun?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko at mukhang binabasa na naman ang aking isipan. ANOOOOOOOOOOO BAH? GINAGALIT MO ATA AKO EH! Ba't di mo sagutin ng maayos. Naku, naku, naku, asan na ba yung bag ko? Sa pagkakaalam ko may dala akong palakol eh. Asan na ba yun? "Hehe. Ang totoo... yinaya ako ni Sandy..." NABASAG ANG PUSO KO. :'( "Sabi niya kasi na lahat daw ng kakantahin niya ngayong gabi ay para sa akin. Hindi nga sana ako sasama pero sinabi niya na hindi na raw siya manggugulo sayo o sa ating dalawa... kung sakali... kaya pumunta na ako." AAAAAAAAAAAH~! Ganun pala yun? Napaisip ako at nagflashback ang mga nangyari sa akin. EH ANO NAMAN YUNG YAKAP-YAKAP EFFECT? Gosh, I'm not convinced. "Bago kasi nag Heart's Festival eh pabalik-balik siya sa mga klase ko at gusto niya daw akong makausap. Lagi ko naman siyang pinagbibigyan." EH BA'T MO NAMAN SIYA PINAGBIBIGYAN? Asan na yung bag ko sabi eh, may palakol dun! GRRR... AT WALA PA SIYANG EXPLANATION SA YAKAP-EFFECT! "May problema ka ba?" Tanong niya habang pinagmamasdan akong nag-iisip. "Wala naman! Umalis ka na lang kaya?" Sabi ko. OOPS! "Huh? Ba't naman?" "Eh naiinis ako sa pagmumukha mo eh!" I rolled my eyes. Wala na akong magagawa, nasabi ko na yung mga salitang yun. "Pangit ba ako?" Tanong niya. Napaka vain naman ng tanong mo. Sipain kita diyan eh. "Oo. Ampangit mo!" Sabi ko. Nakita kong sumimangot ang mukha niya. Ba't gumugwapo siya pag sumisimangot? WAAAAAH. Ehem. "Ba't ka ba galit sakin?" Tanong niya. "eh ikaw! Ba't di ka nagagalit sa akin?" "Ba't naman ako magagalit sayo?" GRRR. Sinabunutan ko siya kahit masakit sa kamay ko. Kasi naman, ba't humantong sa ganito ang usapan namin? Yung gusto ko lang naman malaman eh kung bakit sila nagyakapan ni Sandy at kung MAHAL NIYA PA BA SI SANDY? "Aray." Nakita ko ang kamay kong may bandage at namumula. "OMG, dugo." Ngumiti siya. "Malayo yan sa bituka!" Biro niya. NAKAKAINIS. "Alam mo ikaw, masyado kang maarte!" Sabi niya. "Diba kasi nga sinabi ko sayo umalis ka na lang!? Di naman kita kailangan dito eh." "Ayoko." "Nakakainis ka, masyado kang REKLAMADOR tapos ayaw mo palang umalis dito. Tumahimik ka na lang kaya!" Ngumiti na naman siya. "Hoy Rico, umalis ka na nga kasi sabi. Naiirita na talaga ako sa pagmumukha mo!" "Ang sakit naman." GRRRR. BULLLLSHYET. Nakakainis na talaga siya. "Mabuti nga yang masaktan ka riyan para makaalis ka na at bumalik ka na dun sa NERD mong Sandy!" Sabi ko. OOOOPPS! "Nagseselos ka ba kay Sandy?" OH NO. "Ba't naman ako magseselos?" Di parin ako makatingin sa mga mata niya. "Yinakap lang naman ako ni Sandy kanina dahil nagpapasalamat siya sa pagpunta ko! Eto naman oh!" Sabi niya habang kinurot ang pisngi ko. "Ba't ka nagpapaliwanag? Di ko naman sinabing magpaliwanag ka ah? Tsaka, di naman ako nagseselos!" "YEAH, YEAH. Alam ko po. Mabuti na yung magkaliwanagan tayo!" "Ganyan ka naman lagi eh! Kapag may liniligawan ka, ginagawa mo ang lahat at pinipilit mo talaga ang sarili mo kaya di na ako nagtataka." Sabi ko. OOPPPPS~~~! "Ganito ka rin kay Sandy diba?" Hindi na talaga mapipigilan ang pagtatalak ko. "Hmmmm, I don't know. Wala pa naman akong sinigawan noon eh. Tsaka, it's different." "Different ka dyan!" Ngumiti siya... "Selos ka?" "Hindi sabi! Sh1t!" "Baka nakalimutan mong liniligawan kita at NERD ako, di rin ako popular sa mga babae." HINDI POPULAR KA RIYAN. Muntikan na nga akong mamatay dahil hinarangan ako ng fans club mo. BULAG KA BA? "Kaya nga eh. Sinisigurado ko lang naman na may gusto ka nga sa akin. Syempre ayoko atang liniligawan ako pero di naman pala ako gusto!" Ngumiti siya. "Pero hindi ibig sabihin na may gusto ako sayo ha!" I rolled my eyes. Pero hindi parin natanggal ang ngiti sa mukha niya. [STEP #58] Bridgette Reah Francisco: Anong... "So, ganun pala? Eh yun naman pala, Gette eh!" Sabi ni Sam. "Edi sagutin mo na siya!" Dagdag ni Anya. "Sagutin? Ayoko nga. Naiinis kasi ako sa thought na..." "THOUGHT NA????" Nakita ko si Sandy na naglalakad mag-isa at napabuntong hininga ako. "Don't tell me naiinsecure ka sa kanya?" Sabi ni Sam. "Di ah!" Agad ko namang sinagot. "OOOOOWS? Naiinis ka dahil si Sandy yung mahal niya NOON?" "Hindi... basta, ewan ko!" "OMG, I`m soooo sure, naiinsecure ka nga kay Sandy! HAHAHA" Nagtawanan ang dalawa. "Hindi nga kasi sabi eh!" Bawi ko. Insecure ba ako kay Sandy? Siguro nga. Gusto ko lang naman i compare kung sino ang mas mahal ni Rico sa aming dalawa. I mean, kung yung pagmamahal niya noon kay Sandy kumpara sa pagmamahal niya sa akin ngayon. Hindi kasi maalis sa isip ko na inaway nga ako ni Rico noon dahil kay Sandy, kaya siguro sobrang mahal niya si Sandy noon. At ngayon, ako daw yung mahal niya pero, ganun rin ba niya ako ka mahal tulad nung kay Sandy? "GETTE!" Si Rico! "Uhhh, Sige ah, Gette, Rico, alis na kami ni Anya! BYE~!" Umalis ang dalawa kaya kami na lang ng Ricong `to ang natira. "Wala ka ng pasok diba?" Tanong niya sa akin. "Oo." "May pasok pa ako eh." "So?" "Ang taray talaga nito!" Ngumiti siya. Alam mo Rico, ewan ko ha pero pag wala ka hinahanap kita, pero pag andyan ka parang ang sarap mong kutusan! "Anong oras ka uuwi?" "Ewan ko." "i-text mo ako ah?" "kay." "Ano bang nangyayari sayo? Ngumiti ka naman diyan!" Tiningnan ko siya... "Oh, oh! Ano na naman yang tingin na yan? May nagawa ba akong masama?" "Wala naman." "Ba't parang palaging mainit ang ulo mo sa akin!?" Nakakainis ka kasi! NAKAKAINIS KAAAAAAAAAAAAA~! You make me love you kahit na magkaibang-magkaiba ang ugali natin! "Gette," Lumingon si Rico sa likuran ko. "O, Hiro." Sabi ko at nakikita ko si Hiro na nakaabang sa akin at mukhang may sasabihin. "May sasabihin kasi ako sayo, pero sige mamaya na lang!" Sabi niya habang nakatingin kay Rico. "Hindi, sige. Aalis na ako, Gette. Hintayin mo ako ah?" Sabi ni Rico habang pinipilit na ngumiti. Umalis agad si Rico at hindi niya na ako pinagsalita. Anong nangyari dun? SELOS? Tskk... Anyway... "Ano?" Tanong ko kay Hiro. "May naghahanap sayo!" "Huh?" May naghahanap sa akin? Ba't kay Hiro ako hinanap? "Ex mo raw." "HA?" "I mean, MGA ex mo raw!" "Anong..." [STEP #59] Bridgette Reah Francisco: Umalis na kayo!!! "Balita ko kasi may kinahuhumalingan ka na daw ngayon, gusto ko lang namang makilala!" Sabi ni Ney (isa sa mga ex kong nagsipuntahan dito sa school namin). "Huh? eh ako ang unang nagsabi niyan kanina ah! Nang-aagaw ka ata ng dahilan." Sabi ni Jericho. Napabuntong hininga ako. Buti na lang at apat lang pala ang andito. Akala ko pa naman lahat na, impossible din naman kasi yung iba nasa ibang bansa na. Habang nag-iisip ako dito eh nagtatalo ang apat. Hindi ko alam kung may nag-set-up ba nito o ano? "Teka nga! So... ba't ba talaga kayo andito? Tapos na tayo diba?" Sabi ko. "Gette, hindi ako sumipot sa date natin noon dahil hinarangan ako ni Hiro!" Sabi ni Jericho na parang bumubuo ng pag-asa sa aming dalawa. DUH! Mabuti nga yung di siya sumipot para may dahilan akong iwanan siya. "Blahblahblah. Pwede ba, Jericho? Wala na yan. Tsaka, ba`t ba talaga kayo andito?" Tanong ko. Linapitan ako ng kanina pang tahimik na ex ko at isa sa pinakapaborito ko... si Thunder. "Sino ba ang tinutukoy ng pinsan kong kinahuhumalingan mo raw ngayon?" Bulong niya sa tenga ko. GEEEZ. "Anong kinahuhumalingan? Atsaka, sino ang nagsabi sayo?" "Hoi, hoi Thunder! Tigil-tigilan mo nga yang paglapit kay Gette! Bigwasan kita riyan!" Sigaw ni Yael. "PWEDE BA! Tumigil muna kayo sa pagsasalita! May tinatanong ako kay Thunder! Bwusit!" Tinitigan ko si Thunder. "Pinsan ko nga pala si Aaron Alonzo. Kilala mo ba siya? Sa kanya ko kasi nalaman ang balitang nagbago ka na raw!" Nanlaki ang mata ko. "Anong nagbago?" Sabi ko. "Seryoso ka na raw sa isang lalaki, and worst hindi daw karapatdapat ang lalaking yun dahil NERD!" Sabi ni Thunder. *SLAAAAAAAAAAAAAAAAAAP*** "Ouch! HAHAHAHAHA~!" Nagtawanan ang tatlo at mukhang naisahan nila si Thunder. "S-Sorry!" Sabi ko nung nakita ko ang namumulang pisngi ni Thunder. "Ikaw naman kasi eh! Wala namang taong hindi karapatdapat!" Sabi ko. Nakita ko si Rico kasama si Hiro kaya sumulyap ako sa orasan ko. "Kung ganun, Gette! Ba`t di ako? Ba`t di ako? Dahil di ako karapatdapat?" Sabi ni Thunder habang linalagay ang mga braso niya sa pader sa likuran ko para di na ako makawala. Nakita kong tumakbo at nagmamadaling pumunta si Hiro at Rico sa amin. "Dapat lang yun sayo Thunder!" Sabi ni Ney. "Alam nyo ba kung anong sinabi ni Gette sakin noong nag break kami? Na hindi pa daw siya ready!" Napatingin si Yael at Jericho. "Kaya ngayon, Gette. Siguro naman ready ka na!" "Tumigil nga kayong apat! Bumalik na kayo! Ayoko sa inyo!" Sigaw ko. DARN KARMA. "Anong ayaw mo sakin, Gette!" Sabi ni Thunder habang lumalapit at lumalapit pa ang kanyang pisngi sa akin. Nabigla ako nung sinuntok siya ni Rico. Nagkasuntukan silang lahat: Si Hiro at Rico, at ang apat kong ex. "TAMA NA NGAAAAA~!" Sabi ko habang nakikita ko sa malayo na papunta doon ang iba pang kampon ni Hiro. Naku, magkakagulo na ata. "Thunder, umalis na kayo at wa`g na kayong bumalik! Hindi kita gusto, okay!" Sabi ko. "Bakit Gette? Sino ba ang gusto mo? `tong gag0ng `to?" Sabay turo kay Rico. Sinuntok ulit ni Rico. "Rico, tama na nga yan!" Sabi ko. "Siya ba yung nagustuhan mo, Gette?" "Thunder~!!!!!!!!!!!! Tama na sabi ehhh~!" Galit na galit na talaga ako sa mga gag0 kong ex na `to. Nakakahiya na ang pinaggagagawa nila. Tsaka, tiningnan ko ang paligid at ako lang ata ang babae dito. GRRR. "Thunder, tama na nga yan!" Sabi ni Yael na umawat kay Thunder. "Pabayaan na lang natin. Kung yang nerd talaga ang gusto niya!" Tiningnan ako ni Rico at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Si Yael talaga!!!! GRRR. "Sige na! Umalis na kayo!!!" Sabi ko. "Gette, kami na ang bahala dito, iuwi mo na si Rico. Baka mamaga yung pisngi niya!" Sabi ni Hiro. "HAH?" "Oo. Sige na, Gette!" Napatingin ako kay Rico habang pinapanood ang pagtaboy ng mga barkada ni Hiro kina Thunder. [STEP #60] Bridgette Reah Francisco: Akala ko ba hindi ka makagalaw? "Ba`t pa kasi kayo nakipagsuntukan?" Tanong ko habang ginagamot ko ang namamaga niyang pisngi. "Arayy." Napatigil ako. "Sorry. Nadamay ka pa sa gulo ko!" Sabi ko. I'm so guilty! Dapat kasi sakin lang yung karmang yun! HAAAAI. Nadamay pa siya! And to think na masyado pa akong harch sa kanya! "Ang dami mong ex ano?" Napatingin ako sa kanya. "I'm sure mas marami pa dun ang ex mo. Baka nga hindi pa yun nagkakalahati eh!" Dagdag niya. Ewan ko kung anong dapat kong i-react pero ganun pa man, mukhang nainis ako sa sinabi niya. Hindi ko naman alam kung bakit! "Oo. Marami pa dun! At mukhang gusto mo atang mapabilang?" Sabi ko habang nagdadabog at kinukuha ang bag sa malapit na mesa. "Ayoko nga! Syempre, I want to be your last!" I rolled my eyes. Akala mo huh? Hindi mo na ako madadala sa mga ganyan mo! HEH! Hindi ibig sabihin na dahil mahal kita eh madali lang akong lambingin. "Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Uuwi na ako!" "Huh? Eh di pa nga ako healed eh!" "Healed ka jan! Gusto mong maging doktor diba? Heal yourself!" "Gette naman..." *DIIIIIIIIIIIING-DOOOOOOOOOOOOOONG* Tumunog ang doorbell bago ako makalabas sa bahay nila. Nagkatinginan kaming dalawa. Sino naman ang pupunta sa kanila sa ngayong oras ng gabi? Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si... si Sandy. "Uh... Nabalitaan ko kasing... uh... nakipag-away daw si Rico kanina. Nag-aalala lang naman ak-" "AAAAAAAAAAH~ Okay. Naku! Good timing, talaga grabe ka noh? Oo, pumasok ka. Wala kasing GAGAMOT sa SUGAT NIYA eh!" Sabi ko habang nagiging-hysterical at mejo paiba-iba na ang tono ng boses. Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay ni Rico at tumayo sa sofang hinihigaan niya. Nabigla pa ako dahil pumasok ngang talaga ang bruha. Come to think of it, pinapasok ko nga naman siya. Kaya lang, hindi ko lubos maisip na ganun ka kapal ang pagmumukha niya at talagang pumasok nga siya. NAKUUUU! "Ah, ako nga pala ang dahilan kung ba't napaaway siya. Sorry ha? pinag-alala ba kita?" Sabi ko kay Sandy. "May dala nga pala akong ulam. Baka lang kasi hindi ka pa kumain, Rico. Namamaga ang pisngi mo ah, gagamutin ko." "Ahhh. Sandy, salamat ah?" GEEEEEEEEEEEZ. Hindi ko na alam kung aalis ba ako o magmamasid muna dito. hindi ko rin naman pwedeng paalisin si Sandy dahil baka talagang ma OBVIOUS na. I mean, obvious naman eh. Tsaka sinabi ng mga ex ko. Pero kung gagawin ko naman ang mga bagay like itataboy ko si Sandy-----noooo! O sige, mag mamasid muna ako dito. "Uh, Sandy salamat ah pero ayos lang ako!" Sabi ni Rico. "Ahh, kung ganun, ilalagay ko na lang dito ang dala kong ulam." "Sige, salamat." "Namamaga ang pisngi mo..." "Ayos lang ako." Naku Sandy, hindi siya maayos, sige nga ipakita niyo sa akin ang paglalampungan ninyo ng mahimasmasan ako dito. "Gette," Napalingon ako kay Rico. "Huh?" *Puppy eyes* "Ang sakit o." Sabay turo sa namamaga niyang pisngi. "Huh?" "Gamutin mo." WTF? Eh sinabi niya kay Sandy na ayaw niya diba? "Ba't ako?" Sabi ko. "Ano, Rico? Masakit pa?" Tanong ni Sandy habang kumukuha ng ice. Agad kong inagaw kay Sandy yung ice at tinulak ko siya papalabas ng bahay, pagkatapos nun eh umiyak siya ng umiyak kaya sinipa ko siya at namatay. ----- Akala niyo ginawa ko yun? Hindi ata. HUHU Lumapit si Sandy kay Rico at ginamot ng dahan-dahan ang pisngi ni Rico. Nabigla ako dahil pumiglas si Rico. "Sandy, si Gette na lang ang ipaggamot mo sa akin." Nabigla si Sandy pero wala na siyang nagawa. Pati ako, wala na rin akong nagawa. Nakakatakot pa dahil habang ginagamot ko, panay ang ngiti niya sa akin habang nakatitig lang si Sandy sa amin. Ilang sandali ang nakalipas, mukhang natauhan si Sandy at... "Ihahanda ko na ang pagkain mo." At tumakbo sa kitchen. "Ba't siya andito?" Tanong ko. "Ewan ko." "Pumupunta ba siya dito palagi?" "Hindi naman." I tried hard to keep myself from asking too much question about her. "Pakainin mo ako ah?" Sabi niya. "Huh?" "Hindi ako makagalaw dito." "Eh nakagalaw ka pa nga kanina eh!" "Huh? eh kanina yun eh. Ngayon hindi na. Ang sakit ng katawan ko, binugbog ako nung mga ex mo." "Ikaw kaya ang bugbugin ko diyan!" "Eto na..." Sabi ni Sandy dala-dala ang pagkaing para kay Rico. Umalis ako sa tabi ni Rico para BIGYANG DAAN SI SANDY. Of course, I'm not that type. "Uh, Gette kumain ka na ba? May ulam pa doon." Sabi niya sabay turo sa kitchen. "Ah. Sige." At ako naman ay pumunta sa kitchen. Wag kayong magalit sa akin ah! Gusto ko lang naman tikman yun para alam niyo na... pintasin kung hindi masarap. LOL Tinikman ko at MASARAP. HUWALANG HIYA. Naisip ko tuloy na baka nag momoment na yung dalawang yun doon at baka sinusubuan na ni Sandy si Rico. Kaya bumalik agad ako doon at... Nakita ko si Rico na kumakain habang nakatingin lang si Sandy sa kanya. "Akala ko ba hindi ka makagalaw?" Tanong ko. HAHAHA~! Mukhang nagpapapansin lang ata itong mokong na `to sa akin ah? Kaya naman pala. [STEP #61] Bridgette Reah Francisco: Akala ko ba napilayan ka? "Salamat, Sandy. Ang sarap ng dinala mo, pero gabi na kaya umuwi ka na." Sabi ni Rico habang kumakain siya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at mukhang kumakalam na rin ang sikmura ko. ARGH. "Huh? Eh, sabay na lang kami ni Gette." Sabi ni Sandy na ikinabigla ko. "Ako? Sasabay sayo-" "Gette!" Sinaway ako ni Rico. "Uh, sorry Sandy, pero hindi siya uuwi ngayong gabi." "HA?" Mas nauna pa si Sandy sa pagreact. "HA? Ba't di ako uuwi?" Tinitigan ako ni Rico na para bang may napakalaki kong atraso sa kanya. "Hindi siya uuwi dahil sinabi ko." Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Sandy, "Kaya Sandy, mauna ka na lang." "Abah~! Isusumbong kita kay Mama o kay Papa!" Sabi ko. Yes, I'm threatening him! "Sige, mag sumbong ka! Para malaman nila na napaaway ako dahil sayo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Tawagan mo na lang sila. Di mo ba nakikita, napilayan ata ako tsaka ang sakit ng pisngi ko. Magpeperform pa naman kami bukas!" Perform bukas? "Tsaka, Gette. Kumain ka na ba? Baka ginugutom ka na?" Tanong ni Rico. "Hindi pa. Obviously." "May ulam pa ba doon? Yung dala ni Sandy?" "Meron pa naman." Sabi ko. "Kumain ka na!" "Ayoko, hindi ko type ang lasa eh." "Ano? eh, ang sarap nga eh! Nasarapan nga ako!" "Haller. Magkaiba po kasi tayo ng taste!" Tinitigan niya na naman ako. "Kasalanan ko ba kung ayaw ko nun? Hindi ako nasasarapan. Sorry Sandy ah, mejo maarte kasi ang dila ko eh." Hindi naman umimik si Sandy at nakatitig lang si Rico sa akin na mukhang naniningil ng utang. "Sige, Sandy. Umuwi ka na! Gabi na eh. Baka ano pang mangyari sayo." Sabi niya kay Sandy. "Uh, ganun ba? O sige, uuwi na ako ah?" Sabi ni Sandy habang kinukuha ang malaki niyang bag. "Gette, ihatid mo siya sa gate." Sabi ni Rico. "Ano? Bakit?" "Gette," "`kayyyyyy!" "Hi-hindi, okay lang ako." Sabi ni Sandy. "O narinig mo yun? Ba't di na lang kaya ikaw ang maghatid?" Napatigil si Sandy at mukhang gusto niya ata ang idea ko. Nakita ko ring mukhang nanlilisik na naman ang mga mata ni Rico at para ko siyang inuutusan ng isang impossibleng bagay. "OKAY FINE. Ako na!" Nagdabog pa ako bago ko binuksan ang pinto para kay Sandy. Nakita ko ding pinipigilan ni Rico ang kanyang pagtawa. Naku!!!! Talaga naman oh. Noon gusto niya na dikit siya ng dikit kay Sandy, ngayon naman parang pinagtatabuyan na niya. Ano bang nangyari sa kanya? Nainlove sa akin? "Hanggang dito lang ako." Sabi ko kay Sandy habang tinitingala ang gate nina Rico. "Sige, salamat." Sabi ni Sandy. "Uh, Gette. Sorry dahil pumunta pa ako ngayon. Nagaalala lang naman kasi ako sa kanya eh." "Ahhhh. Naku Sandy, wala yun. Kung wala ka dito baka mamatay sa gutom yun dahil di rin naman ako marunong magluto. Marunong nga siyang magluto kaya lang mukhang napilayan ata." "Uh, Salamat ulit." Ang tagal namang umalis. Sumulyap pa kay Rico sa loob na mukhang busy dahil naglalakad-lakad kung saan-saan. "Sige, alis na ako." ANO PA BA KASING HINIHINTAY MO INENG? NAKUUU. Para namang hindi kaya maglakad kahit hanggang gate kaya nagpapahatid pa. Yung Ricong yun talaga!!! Nang tuluyan ng makaalis si Sandy, agad akong bumalik kay Rico. *Kumakalam ang sikmura* Nakita ko si Rico sa kitchen at mukhang may ginagawa. Umupo ako sa upuan at sinandal ang mukha sa mesa. *malilipasan ata ng gutom* "Ba't pa kailangan ihatid si Sandy sa gate? Concern ka sa kanya dahil baka may kumagat na lamok kaya ipinahatid mo siya sa akin dahil mas maputi ako at baka mas ma-attract ang mga lamok sa akin?" Tanong ko. "Ano ka ba! Wala ka bang utang na loob? Dinalhan na nga tayo ng pagkain nung tao tapos..." "Excuse me! Ikaw lang ang dinalhan ng pagkain! Hindi TAYO." Nakita kong nagluluto siya ng ulam at naaamoy ko rin sa kinauupuan ko. GOSH, ginugutom na ako. "Ano bang ginagawa mo diyan?" ALAM KONG NAGLULUTO SIYA. Pero kailangan kong marinig ang sagot niya. "Mag-aral ka nga ng culinary!" Sabi niya (hindi ako sinagot). "Para ano pa?" "Para pagdating ko sa bahay galing trabaho, may pagkain ng nakahanda." Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway. Nakatalikod siya sa akin at nagluluto at ang sarap niyang sabunutan! "Alam kong spoiled brat ka pero magpakababae ka naman!" Dagdag niya. "Teka nga, liniligawan mo ba talaga ako?" "Oo!" "Mag-ingat ka sa pananalita mo diyan kung ayaw mong mabasted ka!" "Eto naman oh!" "Ba't ka ba nagluluto riyan? May ulam naman dito, ulam ni Sandy! Yun nga lang, baka may gayuma!" Humalakhak siya at nakinig sa akin. "Ano? Umeepekto na ba?" Tanong ko. "Hindi na niya ata ako magagayuma, I`m sooo under your spell." Sabi niya habang linagay sa hapagkainan ang linuto niya. "Kumain ka na!" "Nalipasan na ako ng gutom!" "Tapos, di ka na kakain?" Nakita kong siya na ang kumuha ng kutsara para sa akin at mukhang susubuan pa ata ako. "Ako na nga!" Sabi ko. "Wa`g na, sinisira mo ang porma ko!" "Ako na sabi! Kakain na ako. Marunong akong sumubo!" Tinitigan niya ako kaya wala na akong nagawa kundi pumayag na subuan. "Uh, sorry. Naiwan ko yung lalagyan!" Nabigla ako nang pumasok si Sandy sa kitchen at nanlaki yung mga mata niya nang nakita kami. "Ah, nakalagay lang malapit sa ref, Sandy. Salamat ulit!" Sabi ni Rico habang pinagpatuloy ang PAGPAPAKAIN SA AKIN. "Akala ko ba napilayan ka? Ako na nga, baka idemanda mo pa ako dahil lang nyan!" Sabi ko habang nakikita si Sandyng tumitingin sa aming dalawa. "Ang kulit mo naman, Gette! Ako na sabi eh!" Nahulog pa ang kinuha ni Sandy. "O, Ayos ka lan-" Bago ako matapos. "Okay lang! So-sorry!" NAGSESELOS SIYA. Si Rico naman, parang walang pakealam. Naiiisip ko tuloy kung ginagamit nga niya ako. Pero, di naman ata dahil kahit wala si Sandy eh sweet naman siya. What do you think? [STEP #62] Bridgette Reah Francisco: Susuotin ko na... Nakaalis na si Sandy at pinapainom ako ni Rico ng tubig nang bigla akong pumiglas kaya natapon niya yung baso at nabasag. "So-sorry." Tutulong sana ako sa paglinis sa basag na baso kaya lang. "Ako na. Baka masugatan ka ulit!" Sabi niya. Sorry. Sorry. Nakaupo lang ako sa harap ng mesa at nakatingin sa kanya. Nagdududa parin kasi ako sa kanya. Natatakot na akong masaktan. AYOKO NA. Baka malaman ko lang na pinaselos niya lang pala si Sandy at ginawa pa akong pampaselos. Kung mangyayari yun, baka hindi ko na makayanan. Ta-transfer talaga ako ng school at hindi na ulit ako magpapakita kay Rico o kay Sandy... at sa mga kaibigan ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. "Nagdududa ka ba?" Tanong niya. Ack~! "uh, huh?" Napaisip siya at ako naman... as if I don't get him. "Wala... Matulog ka na!" "O-okay!" Agad akong umalis sa kitchen dahil ayoko ng awkward moments. "Sa kwarto ka na lang matulog." Sigaw niya. "H-Ha?" "Ako na sa sofa." "O-okay." -.- Gosh. Nakakahiya naman `to. Parang ang dami kong dinalang problema sa kanya. Di bale, nanliligaw naman 'daw' kasi siya eh. Pero bakit parang nakakahiya parin? Humiga ako sa kanyang kama at agad nakatulog... zzzzzzz. ... Asan na ako? Ahhh, dito nga pala ako kina Rico natulog. Babangon na sana ako pero napansin ko ang kumot na nakapulupot sa buong katawan ko. Hindi ko naaalalang linagyan ko ng kumot ang sarili ko kagabi ah? Siguro si Rico... ??? Bumangon ako at tiningnan si Rico sa sofa. Kaya lang, wala siya. Pumunta ako sa kitchen at nakita kong may nakahandang almusal. 11:00am na pala. WTF? Bakit ganitong oras na akong nagising? Siguro pagod na pagod ako kahapon. Buti na lang at Sabado. May nakita ako note malapit sa pagkaing nakahanda sa mesa. "Gette, good morning! Di na kita ginising, sorry. Mukha kasing ang sarap ng tulog mo eh. Pinaghanda kita ng pagkain. May lakad ako ngayon eh. Pumunta ka na lang mamaya sa birthday ni Hiro." Nakita kong may maliit na invitation malapit sa note na binasa ko. Tiningnan ko ang kalendaryo at... "OMG, ngayon pala ang birthday ni Hiro!" Ba't siya umalis... si Rico. Umupo ako at kinain yung hinanda niya. Hindi niya man lang sinabi kung saan siya pupunta. He is so mean. *KRIIIIIIIIIIIING** "Hello?" "Gette, anong oras ka bang gumising?" SI RICO. "Uhh. kanina." "HEHE. Di bale na nga lang. Kumain ka diyan ah? Andito ako kina Hiro. Band practice." HA? Kasali ka pa pala sa kanila? Kumain ka na ba? Pwede ba akong pumunta diyan? Sinong nandyan? nandyan ba si Sandy? Uuwi ka ba dito? Anong oras? "Ahhh." Yun lang ang sinabi ko. LOL "Nakita mo yung invitation?" "Oo." "Sa isang upuan diyan, may damit akong binili, sootin mo yan mamaya." O.O "Ang panget naman ng binili mo!" Sbai ko. Ack~! "H-ha? Sorry, hindi mo nagustuhan? Hindi kasi ako marunong pumili eh." Pink dress with laces...lace... and nothing but lace and ribbons. Okay na rin. "S-so... B-Bibili ka ng iba o..." Muntik na akong tumawa ng napakalakasssssssssssss. HAHAHAHAHA. Buti na lang at napigilan ko. "Susuotin ko na..." HEHE. "Talaga? Pero..." "Bakit, ayaw mo?" "H-hindi! Sige, sootin mo ah?" "Okay... Bye." GEEEZ. Ba't parang ang sarap niyang inisin? HAHAHA. Parang may kakaibang ligaya akong nararamdaman kapag iniinis ko siya. LOL. Bully talaga ako. HAHA. Anyway, Habang nagugustuhan ko ang ginagawa ko sa kanya, mas lumalaki ang chansa na mas lalo akong magkagusto sa kanya... natatakot ako... baka... si Sandy parin ang... gusto niya... hanggang ngayon. [STEP #63] Bridgette Reah Francisco: tigil sabi eh. Nandito na ako sa place na sinasabi dun sa invitation. Sinoot ko nga yung binigay ni Rico. "Gette," Nakita ko si Hiro, pormal na pormal ang soot niya. "Hiro, happy birthday." Sabay bigay ng regalong dali-dali kong pinili kanina. Bigla niya akong yinakap. "Thank you for coming! Ang ganda ng soot mo ah?" "Ha? HEHE, salamat." Si Rico ang may pakana sa soot na `to. Nagsimula na ang party, nakita ko si Rico pero doon siya nakaupo kasama ang kanilang banda. I saw Aaron! WHEW, Ba't sya andito? Invited? Hmmm, lumapit siya sa akin. "Gette, Kamusta na?" "Uh, okay lang." "Kayo na ba ni Rico?" "Hindi... pah." Tumango siya. "Talagang may pag-asa siya noh?" Etong taong `to mukhang napag-iiwanan na ng panahon. Nakakabingi yung mga tanong niya. "Ewan ko." Maayos naman ang takbo ng party, except sa part na si Aaron ang kasama ko hanggang sa part na sasayaw na ang mga tao. Birthday `to ni Hiro, pero siya ang kumakanta ng mga kanta sa stage. And take note, hindi rock songs ang mga kanta - puro slow. Ibang klase, ayaw ni Hiro ng mga ganito noon eh. Nakaupo parin ako kasama si Aaron at mukhang *ehem* wala akong planong isayaw si Rico dahil andun siya kasama ang guitar niya at mukhang seryoso sa pagtutugtog! "Gette, sayaw tayo!" Sabi ni Aaron. "Ano? Hi-hindi ako pwede eh! I mean, ang sakit ng paa ko." "Hubarin mo na lang yung sapatos mo!" "Ha? A-ayoko." Napalingon ako sa stage kung nasaan sina Rico at Hiro, kaya lang seryoso sila sa kanilang ginagawa. *You will always be a part of me, I`m part of you...~* "Gette, dance with me!" Nabigla ako nang nakita ko si Aaron na inaabot ang kamay at lumuluhod sa harapan ko! Pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Halaaa, pumayag ka na miss." Sabi nung isang lalaki. Narinig ko na ang mga bulong-bulongang na... "Ang swerte naman niya." "Ang gwapo nung lalaki, pero maganda din naman siya kaya tama lang yan!" Kinuha ko na ang kamay ni Aaron dahil sawang-sawa na ako sa mga usap-usapan tungkol sa akin. "Pumayag ka rin!" "Aaron, pwede ba! Wa`g mo naman akong ipahiya!" Sabi ko. Tumingin ulit ako sa stage at nakita kong nakatingin na si Rico sa akin at mukhang galit na naman. Wait, ganyan naman lagi siyang makatingin eh... "Aaron, tumigil na tayo!" Sabay kalas sa kamay ko pero hinawakan niya ito at talagang ayaw niyang kalasin ko. "Aaron, tigil sabi eh." "Ayoko. Minsan nga lang `to nangyayari. Wala si Rico, wala din si Hiro-" "Oo nga naman, Aaron!" Napalingon si Aaron sa likod at nakita naming dalawa si Hiro. "Hiro..." Tumingin ako sa stage at nakita ko si Rico... Kung andito si Hiro, sino ang kakanta? Sumulyap ulit ako sa stage... "I-I`m sorry, it's the birthday boy." Binigay ni Aaron ang kamay ko kay Hiro... Kung andito si Hiro, ibig sabihin si Rico ang kakanta. Habang binibigay ni Aaron ang kamay ko kay Hiro, nakita ko si Rico sa stage... seryosong seryoso. "Hiro--" "Gette it's my NIGHT so dance with me..." ACK~! MMMKAY...? Si Rico... ??? "But, you listen to him!" Sabay turo kay Rico. [STEP #64] Bridgette Reah Francisco: Yun lang yun... "Listen to him?" Ngumiti si Hiro sa akin habang isinasayaw niya ako. Kami na lang dalawa ang sumasayaw sa dancefloor at mukhang special part `to sa birthday niya. Pero ewan ko ba kung bakit parang sinasadya niyang nakaharap ako sa stage kaya kahit anong gawin ko sa pagsasayaw namin, talagang ganito lang ang itsura. Dumilim ang paligid at tumigil din sa pag-uusap ang mga tao. Narinig ko ang gitarang tumutugtog ng isang pamilyar na kanta... na mukhang binabalewala ko lang noon. "Whenever I'm weary from the battles that rage in my head You make sense of madness when my sanity hangs by a thread I lose my way but still you seam to understand..." Narinig ko ang boses ni Rico. Eto na yata ang pinaka malamig na boses niyang narinig ko. NAKU, ano ba yan... nakaka...ano naman `to. Nakatitig lang siya sa akin habang kinakanta yun. "Hiro, uhm... ano `to?" Ngumiti lang siya... "Gette, aalis nga pala ako." "Huh? Saan ka pupunta?" "States... kaya I`ll do everything para mapasagot ka niya para naman hindi ako magsisi." "Huh? Wait, wait..." Napatawa ako. "Are you threatening me?" "Mmmm, I don't know." :) Tumahimik siya nang nakita niyang tumingin ulit ako kay Rico. "Now I can rest my worries and always be sure That I won't be alone anymore If I'd only known you were there all the time All this time..." OMG, I don't want to think that the lyrics were meant for me...pero... ba`t parang yun ang iniisip ko. Parang gusto kong maiyak. Ito ang unang pagkakataong na move ako sa isang kanta. At siguro ganito ang feeling ko ngayon dahil si Rico ang kumakanta... and of course I like the thought na ako ang kinakantahan niya. "What song is that?" "That song is for you... from him." Ngumiti ulit si Hiro. "Uh... huh? I mean, title?" Parang gusto kong magtatalon sa sinabi ni Hiro. "Now and forever." "...Until the day the ocean doesn't touch the sand Now and forever I will be your man..." TUMULO ANG LINTIK KONG LUHA :'( . At hindi ko alam kung bakit. Maybe I was too moved. Kinalas ko ang kamay ko sa kay Hiro para punasan ang mga luha ko. And this time, hindi na ako nag care sa mga usap-usapan ng mga tao sa paligid. Pakiramdam ko mag mga batong nakalagay sa tenga ko kaya hindi ko sila naririnig. "H-Hiro. CR muna ako!" Sabi ko. "Wa-wait! HAHA Don't tell me you are running away? No you can't! You can't run away from me. We are dancing..." Hindi naman yunnn eh. Naiyak ako, baka maisahan ako ni Rico! Baka si Sandy parin ang gusto niya! "...you can't run away from him either!" "I'll try to show you each and every way I can Now and forever I will be you man." "C`mon Gette, don't be too blind! He loves you... too." "Huh? Eh," "Natatawa nga ako eh dahil wala talaga siyang clue kung gusto mo ba siya o ano... napaka insensitive! O baka naman inaaway mo siya? HAHA, minsan nga gusto ko na siyang sapakin eh dahil mukhang nadedepress dahil napaka 'clueless' mo raw at di ka raw niya mabasa. Napaisip tuloy ako kung anong klaseng treatment ba ang binibigay mo sa kanya! And take note, sinabi niya pang habang mas inaaway at sinasaktan mo siya, mas lalo ka niyang minamahal. GOD, he's very corny! Nerd talaga. Hindi niya alam kung gano siya ka swerte," "Ah. Talaga?" TALAGA? BAKA... Kelan pa kayo naging close? LOL "Yeah! He loves you sooo much! Ngayon nga baka mas gusto niyang siya ang sumasayaw sayo dito sa kantang dinidedicate niya sayo, kaya lang syempre di ako pumayag! Ano siya? Sineswerte, birthday ko ata no!" "Hiro naman, wa`g ka ngang magbiro ng ganyan!" "I`m not kidding! Haaay, he is sooo lucky! Tsk. And he doesn't know that! Sinabi niya pang gagawin niya ang lahat matanggal lang yang pagseselos mo kay Sandy! Bahala na raw kung clueless siya kung gusto mo ba siya o ano." Nakita kong puno na ang dancefloor noong natapos ang song at pinaupo na rin ako ni Hiro. Nagulat nga ako dahil ni hindi man lang ako linapitan ni Rico! Nag CR ako at... "Getttttte!!!! SORRY!" Nakita ko si Sam at Anya. "Andito pala kayo?" Of course! Pero hindi ko kasi sila nakita eh. "Sorry, bilin kasi ni Hiro na wa`g daw kaming magpakita sayo until matapos yung sayaw niyo!" Sabi ni Anya. "Huh? Ba`t naman?" "Baka daw kasi magpupupunta ka kung saan saan kapag kasama kami!" Nagtawanan kaming tatlo sa CR at may mga babae pang nakikiusisa kaya paglabas noong iba, sinarado ni Sam para kaming tatlo lang ang nasa loob. "Nakita mo si Rico? Narinig mo ang kinanta niya? Para sayo yun!!! UYYYY." "Ano baaah~! Kung para sa akin nga yun, ba't di man lang niya ako linapitan pagkatapos nun? Di nga siya nag text eh." *TITITTTTTTTTT.... ONE MESSAGE...* "May nag text!" "O, kita mo na!" Agad nakiusisa si Sam at Anya sa nag text... RICO: Gette, hintayin mo ako mamaya, sabay na tayong umuwi. Tinext ko na ang parents mo. "YUN LANG?" Sabi ni Anya at Sam. "Haaaay! Sabi ko naman s inyo eh. Yun lang yun... at hanggang doon na lang yun!" I said holding my frustration. At mukhang nadisappoint din si Sam at Anya sa text ni Rico. [STEP #65] Bridgette Reah Francisco: mamamatay ako Lumabas na ako sa party venue kung saan dinaos ang party ni Hiro. Pagkatapos nang pag-uusap namin nina Sam at Anya kanina, hindi ko na sila nakita. At ngayon, ubos na ang mga tao. My God, asan na ba si Rico? Kulang na lang tumulong ako sa pagliligpit ng gamit dito. Kaya andito ako sa labas, sa gilid ng fountain. My gosh, tatawagan ko ba si Rico o uuwi na ako? Pabalik-balik ang pagtingin ko sa cellphone ko hanggang sa nakita ko si Hiro, papalabas na siya at mukhang uuwi na. "Gette, hindi ka pa uuwi?" "Huh? Nakita mo ba si Rico?" "Uh... Oo, nandun pa siya sa loob ng backstage, nag-aayos. Sige Gette, mauna na ako!" "Huh? Sasabay na lang..." "Wa`g na! Pinapahintay ka niya diba?" Tumango ako at tuluyan na siyang umalis. "Sh1t, yung tanginang yun, isang oras na akong naghihintay dito ah?" Umupo ako sa gilid ng fountain... "Five minutes na lang talaga, aalis na ako. Mag lalakad ako kung kailangan!" "Gette!" Lumingon ako at readyng ready na akong bugahan siya ng apoy. Kaya lang, mas una kong nakita ang rose na hawak niya sa kamay at pagkatapos ay nakita ko namana ng ngiti niya. "Huh? Gette ka ryan, umuwi na tayo! Gabi na!" Binigay niya sa akin ang rose. "Hoy Rico, kung ano man yung iniisip mong porma diyan, mabuti pa tigil-tigilan mo na yan dahil nakakahiya na!" "Ba't ka mahihiya eh tayo lang naman dalawa rito?" Yung full moon lang ang ilaw namin dito bukod sa ilaw na nanggagaling sa fountain at mukhang sarado na ang party venue. Baka nga paalisin pa kami dito kung hindi pa kami magmamadali eh. Naka white suit siya at panay ang ngiti niya. "Kahit na, yung mga empleyado rito!" Hahawakan ko na sana ang kamay niya... ewan ko rin kung anong iniisip ko, basta gusto ko nang umuwi kaya hihilahin ko sana. "S-Sorry," Kinuha niya ang kamay ko at linagay sa shoulders niya. "Rico... buwisit ka talaga! Umuwi na nga tayo!" Hindi siya nagsalita, ngiti lang nang ngiti ang mokong. "Hoy! Wa`g kang ngumiti diyan! Hindi mo ba ako naririnig? Tsaka ang pangit-" *KISSSSS* He planted a kiss. I was so shocked. "Alam mo ba, may nalaman ako." At may gana pa siyang magsalita pagkatapos niya akong hinalikan ng pabiglabigla. Kulang na lang nga manigas ako dito at ang lakas-lakas na ng kabog ng dibdib ko. "Hindi mo ba itatanong kung ano?" BWISIT! "Nalaman ko na ang isa sa mga bagay na nakakapag pahinahon sayo, ay ang halik ko." Tinitigan niya ulit ako. And now, I can't look at him again. Bakit palaging ganito? OH GOSH! At kahit laging ganito, hindi ako nagsasawa. Feeling ko worth it lahat ng sakit na naramdaman ko noon. At dahil sa mga sinabi niya, gusto kong magsalita ng napakaraming words. Kaya lang I can`t think about anything but the moment. But if I talk about the moment, baka mamatay ako sa nerbyos kapag i-interrogate niya ako. "Nalaman ko ring kapag hindi ka tumitingin sa mga mata ko, may tinatago ka!" "Oo, may tinatago nga ako." Nahuli niya ang mga mata ko. At sinadya kong magpahuli. "Coz Rico, you know what? I don't want to ruin your show but I really hate dancing without any song or music!" Sabi ko ng walang regrets at walang pagdadalawang isip. "Well," Ngumiti siya at akala ko magpapalabas siya ng stage o banda para magkamusic naman, pero my expectations failed me. Pero bakit ayaw ko paring tumigil sa pagsasayaw? Feeling ko marami pa siyang gustong sabihin at mukhang alam niyang marami akong tanong. "Nga pala, since we are dancing here... and alone... may itatanong ako." Ngumiti siya. Ehem, is that smile for me? and me only? Hindi pala... iba pala ang tanong ko. "Naisayaw mo na ba si Sandy ng walang music?" "Mmmm, hindi pa." Ngumiti siya. VULLLSHYET. Eh ang dayadaya naman oh! Ba`t ako, ang cheap cheap nito! Tapos si Sandy... grrrr... "Ahhhh, ganun ba?" I rolled my eyes. He put his forehead on mine. KAYAAAAAAAAA... Wala akong takas sa mga mata niya. "Pero hindi ko pa siya naisayaw ng ganito ka lapit. At hindi ko na siya isasayaw kahit malayo kami." EHEM, I really really really really want to close my eyes right now. Baka kasi mabasa niya ang mga iniisip ko. "May nalaman ulit ako," "Huh?" Alam niyo ba kung bakit di ako makapalag ngayon kahit na pwede ko naman talaga siyang masapak o pumiglas o lumayas? Dahil konteng galaw ko lang baka mahalikan ko siya at mahimatay ko. Tsaka, damn it, feel na feel ko ang moment! "Kapag ganito ka kalapit, wala ka ng takas sa akin!" "Ahhh." HULING HULI NIYA AKO. "Pag may tinatago ka, hindi ka tumitingin sa akin. And since nahuli kita, wala ka ng pwedeng itago." Silence. *WHENEVER I`M WEARY... from the battles that rage in my head...* Pareho kaming napatingin sa itaas kung saan nanggagaling ang boses na napakalamig. We both saw Hiro standing at the balcony of the party venue. Nakadungaw siya sa amin at ngumiti ngiti pa. "Anong ginagawa niya dyan?" "I don`t know." "Rico... I changed my mind. hehe, sorry, mejo late!" Sabi ni Hiro. Nagngitian ang dalawa, tiningnan ako ni Rico. "Don`t get distracted. This is our dance." *I lose my way but still you seam to understand... Now and forever... I will be your man...* "Yung kinanta ko kanina, para sayo yun!" "Ahh," "But Gette," "Huh?" Hindi ako huminga ng mga ten seconds... "I`m sorry, I really don't know what to do!" HUH? Ano? Bakit? Anong ibig niyang sabihin. "Bata pa tayong dalawa... pero hindi ko alam kung panu makuha ang trust mo." "huh?" "Kung papaano kita i-convince na hindi ko na mahal si Sandy..." Silence. Anong big niyang sabihin? Nag-aapologize siya? Is he giving up? "Kahit ako kasi, hindi ko alam kung paano nangyari yun. After you revealed to me those things about Sandy and Hiro, I don`t know what to do. Nagalit ako kay Sandy, nagalit ako kay Hiro, nagalit ako... pati sayo. I planned to study somewhere far. Ayaw ko ng magpakita, I feel like I was decieved." *I'll try to show you each and every way I can...* Ako naman, I felt rejected that time! LOL "After three days na nagbakasyon ako, I MISSED YOU..." Nanlaki ang mata ko. "I was surprised. Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang na miss ko, instead of Sandy." HAAA? EHEM. "Napatawad ko agad si Sandy and Hiro too... Walang kasalanan si Sandy kung mahal niya si Hiro, at walang kasalanan si Hiro kung mahal siya ni Sandy... Pero, I can't forgive you!" ABAAAAAAA~! Nagalit pa siya sa akin? Kung alam niya lang kung paano ako naghirap at mga sakit na dinaanan ko! "I don't know but I just can't forgive you. Araw-araw kitang iniisip, at nagagalit talaga ako sayo. I don`t know why." "Ba't ako? Wala naman akong masamang ginagawa eh." He kissed me again. SHYEEEET. Parang gusto na niyang ulit-ulitin ang ginagawa niya ah? The song finished pero kinanta ulit ni Hiro. Binalik-balik ata. Kaya napatingin ako sa balcony, at nakita ko ang ibang taga Hero. Kumaway pa nga si Jishi sa akin. Nininerbyos ako. Hindi na lang ako magsasalita. "Hanggang sa nalaman ko na lang na nagkabalikan kayo ni Hiro." O.O "Galit na galit na talaga ako sayo. I named you on my mind. Tinawag kitang b1tch, flirt, malandi at kung anu-ano pa." Lumapit pa siya ng konte sa akin. "I want to hug you, but I also want to look at you in the eyes." :'( "Look at me in the eyes or else I`ll run away from you." Sabi ko and I know he was a bit shocked and maybe, disappointed? "You can hug me when you`re done." His face lightened up. He smiled again... *Now I can rest my worries and always be sure... That I won't be alone anymore...* "Sorry... kasi tinawag kitang ganun! I just want you to feel how angry I was that time." *If I'd only known you were there all the time...* "Hindi ko talaga alam kung bakit nagagalit ako sayo... hanggang sa narealize kong nagseselos ako... and I am thinking about you the whole time... I can't forgive myself for falling in love with someone I hate. But I can't forgive my self if I`ll let you go." Then we both noticed that it rained... ROSES! Oo, may mga petals na nahuhulog galing sa balcony, may mga buong roses din... Kaya tumingala ako at nakita ko si Sam at Anya sila ang nagpaulan ng roses. I WAS SO TOUCHED THAT I CRIED. "Then why are you sorry?" Tanong ko... I`m referring to this statement ---> 'I`m sorry, I really don't know what to do!' "Sorry kasi hindi ko alam kung paano ko maiaalis sayo ang pagdududa na pinapaselos kita kay Sandy!" He wiped my tears. ALAM MO RICO... I`m so convinced now! Kaya wa`g ka ng magdrama okay! "Alam kong bata pa tayo... pero... I can take care of you... I promise." I wiped my tears. Pagdilat ng mga mata ko, nakita ko yung box na... ALAM KO NA~! O M G. OMG. "Kaya... kung ayaw mong maniwala sa akin. PAKASALAN MO NA LANG AKO!" Tumili si Anya at Sam. Kaya I can`t help but smile. I wish that the NIGHT would never end. Feeling ko isang buwan akong hindi makakatulog. Parang gusto kong balik-balikan ang moment na `to. OMG. Nagiging hysterical na ako dito. Hindi ko na alam... Feeling ko ang daya-daya ko na dahil... este... hindi ako madaya noooo~! Dapat lang yun sa kanya dahil sinaktan niya ako... noon.. Pero, makakatanggi pa ba talaga ako ngayon? HINDI NA DIBA? *Until the day the ocean doesn't touch the sand... Now and forever... I will be your man...* Sinoot niya sa akin ang singsing. HINDI AKO MAKAKATANGGI BECAUSE I LOVE HIM TOO~! "Langya ka! Ang bata bata pa natin, gusto mo ng magpakasal!?" He smiled. Kinuha ko ang isang singsing at ihahagis ko na sana... hahahaha... Tinitigan niya ang kamay kong nasa ere at inaantay sa gagawin ko. "Sa tingin mo, anong gagawin ko?" He was clueless. Pero pakiramdam ko, ready siya kung ano man ang gagawin ko... except for... I KISSED HIM. I wrapped my arms on his neck. HE KISSED ME BACK. "Walang hiya ka... ang bata-bata pa natin noh! Engagement siguro pwede pa!" He stared at me... "Pero mamamatay ako kung hindi ikaw ang pakakasalan ko!" HE SMILED AND I KNOW HE IS HAPPY. I AM HAPPY TOOOOOOOOOOOOO~! VERY HAPPY~! He hugged me... "This nerd will shut you up, Bridgette Reah Francisco!" "YEAH RIGHT!" CLOSING REMARKS Syempre, hindi pa kami pwedeng magpakasal ni Rico no! Nag-aaral pa kami at bata pa kami kaya... hehe... HMMM, andito ako ngayon nakaupo malapit sa field. Hinihintay ko si Rico. Kaharap ko na naman ang laptop ko. Kokompletuhin ko na ang How To Produce A Prince! STEP ONE: Change his looks and fashion sense. STEP TWO: Teach him to act cool. STEP THREE: Bring him to the gym. STEP FOUR: Be with cool friends. STEP FIVE: Fall in love with him. Those were the five steps!!! At sa limang steps na yan, ang pinakahuli ang pinaka madali... at pinakamahirap i-apply sa iba. "Gette! Hinihintay mo si Rico?" Tanong ni Hiro na mukhang napadaan lang. "Yeah!" "O sige, pupunta ako kina Jishi eh!" He smiled and then walked away. May mga tao talagang natututunan kung paano mag move-on! And I`m happy for them. Nang kumanta si Hiro noong sumayaw kami ni Rico, yun ang isa sa mga palatandaan na handa na siyang kalimutan ako. He`ll be leaving tomorrow, and I`m happy that he was my EX and he is now my friend! "Gette, you`re waiting for your REAL BF?" Sigaw ni Sam. "May peke bang BF, Sam?" Tanong ni Anya. Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. "Pupunta muna kami kina Jishi ah?" Sabi ni Anya at umalis. I`m lucky to have them, period! After few minutes, I saw Sandy. Hindi niya ata ako nakikita at mukhang busy siya this past few days... or maybe, she keeps herself busy. Some people are regretful, like her. Sinayang niya kasi yung pagkakataon eh, pero we can`t blame her. Wala naman talaga siyang magagawa kung si Hiro yung mahal niya at that time, at minahal niya si Rico nung ako na ang mahal niya. Ang pagkakamali niya lang naman ay ang pagiging dishonest sa feelings niya! Imagine, sinagot niya si Rico kahit mahal niya pa si Hiro noon! WHAAAT? Oo nga pala, naging sila nga ni Rico pero for a few moments. Agad naman silang nag break. Nakita ko si Aaron at papunta siya sa akin. Nakakainis talaga `tong isang `to. Ba`t ba siya laging ume-epal!? "Hi Gette! Kayo pa ba ni Rico?" "Gusto mong kumain ng laptop?" "Ang harsh mo naman!" "Umalis ka na nga!" "Gette, I`ll be loving you-" "Shut up! Sh1t! Umalis ka na! Tatawagin ko si Hiro! Gusto mo?" "Oh... easy ka lang! aalis na ako... geez." Umalis nga siya pero panay ang titig niya sa akin. OMG. Ano ba naman `to oh! May mga tao talagang kahit ending na, ayaw paring mag move-on at mukhang manggugulo pa! "STEP FIVE: Fall in love with him." Narinig ko ang boses na pamilyar sa akin galing sa likuran, kaya agad kong sinarado ang laptop ko. "HAY, Rico. Ikaw lang pala yan!" I sighed. "Patingin nga nung steps!" "Huh?" "How to produce a prince." "Wa`g na! Hindi mo pa ba yun memorize?" "Gusto kong tingnan!" Tiningnan niya akong mabuti and guess what... until now, kapag may moments na ganito... hindi parin ako nakakatingin sa mga mata niya ng diretso. "Halikan kita r`yan!" "Tse." Binigay ko sa kanya ang laptop. Umupo siya sa tabi ko at lumayu-layo ako ng konte. "STEP ONE: Change his looks and fashion sense. STEP TWO: Teach him to act cool. STEP THREE: Bring him to the gym. STEP FOUR: Be with cool friends. STEP FIVE: Fall in love with him." Kulang na lang lagyan ko ng bulak ang tenga ko para di ko marinig. "May kulang eh!" "Huh? Anong kulang?" "Sa steps!" He smiled... at me. And his smile was mysterious. Kinakabahan tuloy ako. "Eh...gumawa ka ng sarili mong steps! Wa`g mong pagdiskitahan yang steps ko." "May steps six." Muntik na akong mabilaukan... ngiti siya ng ngiti. Gusto ko ngang tinititigan ko ang ngiti niya... "C`mon Gette, you own me!" He smiled again... and again... and again. Kulang na lang nga sabunutan ko siya dahil hindi ko alam kung bakit ngiti siya ng ngiti. He kissed me on my cheek. Aangal sana ako, pero nakalimutan kong alam niya palang mahal ko siya! HAHAHAHA~ "Step six..." "Step six ka dyan! Ano naman yun?" "Make him fall for you." He smiled and he hugged me. I`m speechless. Then he whispered, "Sabihin mo lang sakin kung kelan mo gustong magpakasal ah?" I punched his stomach, "Ouch! Aray naman... bakit ba?" "Anong kasal-kasal ang sinasabi mo?! Nyeta" "HEHEHE. Baka sakali lang naman eh..." I rolled my eyes... I typed the sixth step on my laptop... STEP SIX: Make him fall for you. Nakatitig lang siya habang tina-type ko. "Uhhhh, Rico..." "Hmmm?" "I..." WANT TO MARRY YOU! JOKE. "Hmmm?" "I... Love... you?" "HMMMM? Ba`t mo ko tinatanong?" He laughed. NAKAKAINIS TALAGA TO! Gusto ko lang namang sabihin yun tapos pinaglalaruan pa ako! "Tinatanong... sh1t! Bahala ka sa buhay mo!" He looked at me... stared at me... "I LOVE YOU TOO." Sabi niya. "Isang badword, isang halik! How about it?" "HAAAAAAAA? Sh1t!"