My Old Classmate ;'> JEM NOTE: Naisip kong gumawa ng isang storyang trip ko lang gawin. Medyo na-inspire lang ako sa mga nababasa kong love stories. Super humanga ako sa mga kabataang malawak ang imahinasyon sa paggawa ng storyang hindi mo lubusang maisip na makukuha nito ang iyong interest. Kaya naman.. sinububkan kong gumawa din ng isang storya na may halong iilang impormasyon ng totoong storya ng buhay ko… syempre, may mga storya ring… takhang isip lamang. But I hope... hindi kayo ma-bored at magustuhan nyo po sana ang likha kong storya. ? “HAPPINESS IS NOT HARD TO FIND…IT’S BESIDE YOU… IT’S INFRONT YOU…IT’S AT YOUR BACK… IT’S AROUND YOU…IT’S JUST A MATTER OF APPRECIATION” PROLOGUE: Haaaayyy…. It’s my second year at University of San Francisco. Hindi ako makapaniwala… nakatungtong ako sa 2nd year of my ‘no choice’ course. Kasi… ayaw ko naman talaga mag-aral pa sa kolehiyo pero yung mga parents ko… masyadong tiwala sa kakayahan ko… wala tuloy akong magawa kundi kumuha ng kurso sa kolehiyo na hindi ko talaga gusto. Ako nga pala si Jenny Fernandez. Simple lang naman akong babae. Hindi ako magaling sa mga sports but I like to play any kinds of Board Games. Puro babae ang nakakasama ko. Medyo ilang ako sa mga lalaki because of what i have experience in my childhood years. CHAPTER 1 - WHO IS HE??? “Ay!!!” napasigaw ako. Dahil sa tulala na naman ako… Ginulat ako ni Eliza- ang best friend ko. “Bakit ka naman nanggugulat!!???!” pasigaw na pagkasabi k okay Eliza. “Eh… kasi… ang lalim ata ng iniiisip mo! Ano bang problema mo at tulala ka na naman dyan????” ang sagot nya sa akin. “Ah…Wala ito…. Wala akong problema.. hehehe…” “Sure ka???” “Oo.” “Nga pala… may pinag-uutos pala si Prof. Lanie. Pumunta ka daw sa taas ng Rose Building sa Second floor sa Room 3. Kunin mo daw yung mga test paper natin na… nacheckan na daw nya.” “Ah… ganun ba… O sige! Pero, samahan mo ako ah….” “Oo naman… Ikaw pa… Lagi naman tayong magkasama eh… Oh... Tara na!” “Hehehe... Salamat! Best friend talaga kita…. (*_*)” Habang naghahakbang kami ng hagdan papuntang second floor ng Rose Building ay nagkwekwentuhan kami ni Eliza. Medyo madami ring nagsisi-babaan at nagsisi-akyatan sa hagdan dahil tapos na ang klase. Medyo masikip nga ang daanan eh. Ngunit maya-maya ay may mga grupo ng kalalakihan ang bumababa ng hagdan at may isa sa kanila ang nagsalita. “Hi! Di ba… Ikaw yung nanalo ng CAKE RAFFLE???!!!” Pasigaw nyang sinabi habang mabilis na bumababa ng hagdan. “A-ah… O…o!” Pagtatakang sagot ko. Isip ako ng isip kung saan ko sya na-meet at kung sino ba siya??? Isip… isip… isip… ‘CAKE RAFFLE???!!!’ ah!!! Alam ko na!!! siguro… isa sya sa naging classmate ko sa Highschool. Tama… yun nga… “Huuuuyyyy!!!!! Hello….” sabi ni Eliza habang kumaway sa mukha ko. “A-ah... Bakit???” sambit ko. “Tulala ka na naman eh… Teka! Sino ba yung lalaki kanina na sumigaw???” nagtatakang tanong ni Eliza. “A-ah.. yun??... Hindi ko nga siya kilala eh… baka naging classmate ko sya noong highschool. Kasi.. sa high school lang naman ako nanalo ng Cake Raffle eh… For your information… Goldilocks pa yung Cake na yun… pero… di ko nga sya matandaan eh… yun nga iniisip ko kanina pa… kaya tulala ako.” Tugon ko sa tanong ni Eliza. “Ah.. Ganun ba… Pero, ang Laki ng ngiti nya nung Makita ka nya ah… haha.. ayyiiee….” pagkasabi nya. “Hay naku… Kaw talaga… ano-ano ang iniisip mo… Tara na nga sa Room 3!!!” pag-aayaya ko. JENNY POV: After ng class ko ay… tulala pa rin ako hanggang sa pag-uwi ko… hindi talaga maalis sa isipan ko yung lalaking iyon,,, Who is He??? Hindi ko talaga sya naaalala… parang may amnesia na ata ako… ang bata-bata ko pa lang ah… ano ba yan!!! Nakakainis!!! Ang tagal na kasi nun eh. Isang taon lang ako sa school nila nung highschool dahil lumipat ako ng ibang school para makasama ko ang two young brothers ko sa school nila. Since… new citizen ako sa city na ito… medyo may culture schock pa ako noon. Dahil laking Maynila ako… Kaya naman, super shy ako noon… naalala ko pa, puro girls lang ang pinapansin ko nun eh. Kaya tiyak ko… never ko pa syang naka-usap noon. Haaayyy naku…. Pati ba naman sa pagtulog ko… Iniisip ko pa rin kung sino nga ba syang talaga… ni name, hindi ko pa maalala. Ano ba yan…!!!! Uuurrghh!!! BOY POV: Wow!!! Nakita ko ulit ang CRUSH ko noong highschool. Wala pa ding nagbago sa kanya… maganda pa rin sya lalo na kapag sya ay tumatawa. Kaya lang… medyo tumaba sya. Pero okey lang yun… lalo syang naging cute. Ito na siguro ang paraan para mapalapit ako sa kanya. Dahil noon… hanggang tingin lang ako. Pero ngayon ay… ipapadama ko sa kanya ang nararamdaman ko. Sana hindi nya ako iiwasan kung malalaman man nya. **************************************************************** CHAPTER 2 - IN THE JEEPNEY JENNY VOICE: Natapos na rin ang klase sa wakas!!! Super dami ng pinapagawa ng mga Professors naming. Malapit na kasi mag-MID-TERM. Kaya naman… super rush na sila magturo ng new lessons. After talking to my best friend Eliza… Sumakay na ako ng Jeep. Sa pangalawang sakay ko ng Jeep pauwi ng bahay ay may nakatabi akong isang student with the same uniform in our school. For sure, he is my schoolmate. Hindi ko na tinignan kung sino sya… dahil… hindi ko kasi nakagawiang tumingin ng mukha kapag nasa jeep na ako… lagi lang kasi ako nakatingin sa labas or sometimes, nakayuko or natutulog. Except lang kung may kakilala ako sa loob ng jeep. Maya-maya ay nagbayad na ako ng pamasahe. Then,,, there is someone na… siniko ako sa bandang kaliwang braso ko. Kaya naman… napatingin ako sa katabi ko sa kaliwa to look who is he. Medyo inis pa nga ang mukha ko nun eh. Ngunit ng Makita ko kung who is he… I was surprised! “Hi!” nakangiting bati nito sa akin. Wala ng iba… kundi yung lalaking nakasalubong ko sa Rose building sa may second floor. “H-hello..!” sagot ko at ngumiti. Tapos… tumalikod na ako kaagad… at tumingin sa labas ng bintana. Dahil nahihiya naman ako sa naging reaction ko nung siniko nya ako. Hindi rin nagtagal… Nagsalita syang muli. “Ano nga palang Course mo???” “A-ah… Elementary Education.” “Bakit yan ang kinuha mong course??? Di ba… mahirap yan??? Lalo na… mga bata yun… mahirap turuan.” “Ah… wala lang. Mahilig lang talaga ako sa mga bata eh… tsaka gusto ko eh.” But in my mind… ‘Ano ba yan… parang nung first year lang ulit ako ah. mga ganyang tanong… sa firstyear ko pa yan naririnig eh. Nakakasawa na ang pa-ulit-ulit. Tsaka… sa totoo lang, no choice kasi eh. Pinili ko na lang yung couse kong ito dahil I think… It is easy to be my profession but, as time goes by… I’ve realized that yeah! You’re right! It’s so difficult.’ After a little conversation to him, we keep quiet. I didn’t look at him again and talk to him. Dahil, medyo naiilang ako eh. Sa totoo lang kasi eh… Medyo ilang talaga ako sa mga boys since elementary. Eh… dahil sa First time kong may maka-usap na boy sa jeep. Medyo nahihiya ako… At iniisip ko kung ano ang maaaring isipin ng mga tao sa loob ng jeep kung makikipag-usap ako sa lalaki. Ewan ko ba! Pero kapag ganun kasi eh, naiisip ko kaagad… baka naiisip nilang magboyfriend kami. Nakakainis itong pag-iisip ko noh??? Masyadong mabilis sa ganung bagay. Ewan ko ba. Maya-maya ay… pumara na sya at nagpaalam sya sa akin. “Sige! Ingat ka! Bye!” nakangiting sabi ko. “Huwag mong sabihin ang BYE. Sabihin mo… SEE YOU SOON!!!” sigaw nito sa akin at ngumiti at kumaway na sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya at ngumiti na lang. At nasabi ko sa sarili ko ng may pagtataka ay: “Tama ba yung narinig ko??? Parang ibang ibig sabihin sa akin yung mga binanggit nya kanina ah… Haaayyy… Ano ba yan! Nakakainis naman!!! Nakalimutan kong itanong kung ano ang pangalan nya. Inunahan na naman ako ng Amnesia ko!” Sa mga sumunod na araw ay lagi ko na syang nakakasabay sa jeep. Pero lagi ko pa rin nakakalimutan itanong kung ano ang pangalan nya. Minsan naman ay… Inuunahan na ako ng Kaba at Hiya. Eh… dahil sa… Lagi ko syang nakakasabay sa Jeep tuwing Friday. Binansagan ko na lang syang “MR.FRIDAY”. Grabe!!! Ang daldal nya ah…. Tinalo pa ako sa kadaldalan. Ang dami kasing sinasabi eh… Pati ba naman mga reaction ni manong driver ay pinapakielaman nya. Wala lang akong magawa kundi tumango for showing “I agree” or a slight smile. ************************************************************************* CHAPTER 3 - IN THE MALL Nasa jeep ulit ang setting when I heard a familiar voice. I was so shocked when I saw who he was. “Here we go again” he said with a smile. -- Pagkapasok nya sa jeep ay yun na ang sinabi nya kaagad. Dahil nga sa nabigla ako… nagsmile na lang ako without anything to say. “Saan ka bababa???” tanong kaagad nya sa akin. “Sa Robinson. May bibilhin kasi ako dun eh.” Kaagad kong sabi. Nagkamustahan lang kami about sa school and etc. Then, pumara ako at bumaba. At bumaba din sya kung saan ako bumaba at nagsabi: “Sama ako. Pwede???” diretsong pagkasabi nito sa akin. “Hmmmnnn… Ah oh!” Pero nagtataka ako kung bakit sasama pa sya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Feeling ko… namumula na ako sa sobrang hiya. It was my first time na may kasama akong lalaki sa mall. Ayan na naman si utak na… nagsasabi na… baka iniisip ng mga tao ay magboyfriend kami. Hay naku!!! “Saan ka pala pupunta??? At ano ang bibilhin mo???” tanong nya. “Sa National Book Store. Bibili lang ako ng Cartolina for my visual aids in my reporting tomorrow.” Tugon ko. “Ah…” yun lang ang nasabi nya. Maya-maya ay nagsalita na naman sya. “Tignan mo yun oh… nakaka-inggit… magka-holding hands sila…” sabi nya sa akin… while looking to the love birds… ay este! Mag-lovers. Tinignan ko kung asan sya nakaitngin. Nang Makita ko ay… Oo nga! May mag-lovers na magkaholding hands while walking. At napa-isip ako. “Teka… Bakit nya yun sinasabi sa akin??? Anong gusto nyang ipakita sa akin??? Ibig ba nyang sabihin na… gusto din nya na may maka-holding hands??? At teka nga lang… ako ang katabi nya. It means… Ako yung gusto nyang maka-holding hands??? Grabe sya ah!!!! Ewan ko! Pero, iba talaga ang nararamdaman ko… parang nagpapahiwatig na Ewan.” Hindi ako nakapag-react sa sinabi nya… dahil simple lang, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin eh. After na pagsama nya sa akin sa National Book Store ay sumakay na kami ng jeep. At nilibre nya ako ng pamasahe. At TAKE NOTE… nakipagtalo pa ako sa kanya about sa pamasahe. Sinabi ko na ngang ‘ako na ang magbabayad ng pamasahe ko.’ Pero ang kulit… Ayaw magpa-awat. Sinabi pa nya na:”Mayaman daw sya-Marami syang pera” Medyo nainis nga ako ng konti sa kanya eh… Parang sinasabi nyang… wala akong pera - mahirap! Pero… kahit na, nainis ako sa kanya eh… nagpasalamat pa rin ako sa kanya lalo nasa pagsama nya sa akin kanina sa NBS at sinabi ko na lang ay… ‘sa susunod eh… ako naman ang magbabayad. Para mabayaran naman kita.’ Ngunit sinabi nyang ‘Kahit wag na!” pero sinabi ko sa kanya na… “Eh… Basta!!!” Ang kulit kasi eh. Hindi kasi ako sanay na… nililibre sa pamasahe. Para sa akin kasi… Once na… Nilibre mo ako… may utang na ako sa iyo. Kaya naman… ganun na lamang ang kagustuhan kong maibalik sa kanya ang gastos nya sa pamasahe para sa akin. Kaya nung bumaba na sya… “sige! Bababa na ako! Ingat ka ah…” Tumango lang ako at nagwave ng kamay with a smile. Di na ako nagsalita ng “BYE” baka sabihin nyang muli ang mga katagang iyon. Remember??? Yung nasa Chapter 2. JENNY POV: Grabe!!! Hindi ako makarecover sa mga sinabi nya kanina sa akin sa mall. Laging ume-echo sa ears ko. “Tignan mo yun oh… nakaka-inggit… magka-holding hands sila…” “Tignan mo yun oh… nakaka-inggit… magka-holding hands sila…” “Tignan mo yun oh… nakaka-inggit… magka-holding hands sila…” “Tignan mo yun oh… nakaka-inggit… magka-holding hands sila…” “Tignan mo yun oh… nakaka-inggit… magka-holding hands sila…” “Haaayy… Naku!!!! Nasisiraan na ata ako ng bait!!!! Ayaw nyang mawala sa isipan ko at pati sa ears ko. Hindi ako makakatulog nito eh… Pasaway! Haayyy… Bakit kaya nya yun sinabi sa akin. Pwede naman sa isip na lang nya yun sinabi di ba??? Aaaarrrggg!!! Ayaw ko na!!!!!!!! MR. FRIDAY POV: Haayyy naku… Ang jirap naman mag-express ng feelings ditto sa babaeng ito. Nakakaasar ah. Hindi nya ba napapansin na… nagpapahiwatig na ako?? Hindi man lang nag-react sa sinabi ko doon sa mall. Inaantay ko lang ang sasabihin nya or reaction about dun. Ni-isa… wala! Ano ba yan??!! Manhid ata! Tapos… sya na nga ang nililibre… aayaw-ayaw pa! Che!!! Kunwari pa… gusto din naman… Haaayy… Nakakaasar!!! Sa gwapo kong ito… ini-ignore lang nya ako. Samantalang… Ang daming girls dyan na nagkakandarapa sa akin para makuha lang ako… Pakipot lang siguro ito… Na-chachallenge tuloy ako. Yan ang gusto ko! ************************************************************** CHAPTER 4 - IGNORE HIM Kinabukasan ay ikinuwento ko ito kay Eliza sa school. Grabe! Habang kinukwento ko sa kanya yung nangyari sa amin ni MR.FRIDAY. eh… kinikilig naman sya para sa akin. “Hala ka… Jenny…. May gusto sa iyo yun… halatado eh…” habang nakangiti itong nagsasabi sa akin at kinikilig. “Paano mo naman nasabi???” pagtatanong ko pa. “syempre, batay sa mga sinabi nya about sa “BYE” na dapat “SEE YOU SOON” at doon sa “magka-HOLDING HANDS” na maglovers… yun pa lang… makikita na… nagpapahiwatig nay un sa iyo. At tsaka pala yung mga tingin at mga ngiti nya sa iyo. haha” nakangiti niyang pagkasabi. “Ohhh!!! Talaga??? Anong meron sa mga tingin at ngiti nya??? Hindi ko talaga alam yun eh… Ano ba yung napapansin mo???” pang-uusisa ko. “Eh, Paano ba naman Jenny… Sa tuwing nagkikita kayo… Iba ang ngiti at tingin nya sa iyo… Parang may Spark sa mga mata nya…Ah! Basta!!! May something sa mga tingin at ngiti nya sa iyo! Aaaayyyiieee… Cute naman sya eh… Bagay na bagay kayo! Hehehe…” Habang sinisiko-siko nya ako. “Sira ka talaga!!! Hindi naman siguro… Sya??? Magkakagusto sa akin??? Eh… hindi naman ako maganda at matalino eh. Tsaka… Aaaahhh!!!! Basta!!! Hindi!!! Hindi nya ako gusto… Ganun lang siguro sya… masyadong friendly. Baka nagkakamali lang tayo ng akala..” Pagtatangging sagot ko. “Eh… Ikaw Bahala… Basta ako… May gusto yun sa iyo… yung mga sinasabi nya sa iyo… mga pahiwatig yun… Aaaayyiiieeee… Magkakaroon na sya ng love life… ma-eexperience na nya…. Aaayyyiiieee…” Tukso sa akin ni Eliza. “Ay! Ewan ko sa iyo!!! Mas kinikilig ka pa! kaysa sa akin… Kayo na lang! haha” Asar na sagot ko. Nang makauwi naman ako sa bahay… Ikinuwento ko naman kay mama yung mga nangyari sa akin noong nagdaang mga araw. Close kasi kami ni mama kaya naikwekwento ko ang lahat ng bagay sa kanya may kinalaman sa school, sa kaklase, sa buhay ko at iba pa. Gusto kasi ni mama na… maging open kami sa kanya eh. Para if ever there is problems came out… she can easily help us. So, I tell her about that… to have a good advice that I will be received. Because, we all know that… ang mga nakakatanda ay maraming experiences kaysa sa atin. So their suggestions and their advices may help to face our upcoming challenges in life. Naalala ko pa yung kasabihan na… “Papunta ka pa lang… nakabalik na ako…” Habang kinukwento ko ito kay mama… medyo natatawa sya para sa akin… nung matapos akong magkwento. Ito ang sinabi nya: “Oo nga… Baka nga may pagtingin sa iyo yun… pero… tandaan mo anak… hindi sa pinagbabawalan kita sa pagboboyfriend… ang akin lang sana… huwag ka munang magkakarelasyon habang nag-aaral ka… kasi, baka makasira lang yan sa pag-aaral mo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo para makatulong ka sa paghahanap buhay. Dahil alam mo naman ang kalagayan ng tatay mo… may edad na. Kaya nahihirapan na syang magtrabaho. Kaya kung maaari lang sana… Iwasan mo sya,,, para hindi ka ma-develop. Mahirap na kung ganun… Tsaka… Be observer… tignan mo yung iba… anong nangyari sa mga maaagang nag-boyfriend at nag-girlfriend. Most of them are not finished their studies and most of them didn’t enjoy their youth because of being early to be a parents, right??? So… being an OBSERVER… you can learn a lot of examples that they have shown. Malaki ka na anak… May sarili ka ng pag-iisip at pagpapasya… just think of it first before you do your next move. Understood?? ” I agree of what my mother told to me. All of her advice and suggestion is true. “Another thing… Use your MIND not your HEART! Dahil ang puso ay mapandaya - according to the bible. Kaya nga nilagay ang utak sa taas upang ito ay ating unang gagamitin eh. Just keep it to your mind ha…” After that conversation between us, I decided… Iiwasan ko na sya… Baka kasi matuluyang ma-develop ako sa kanya like what my mother told me. In the next days, me and Eliza was walking in the covered court. “Jenny!!! Jenny!!! Look!!! Si Ranier Cruz yung nasa bleacher, di ba???” Eliza told me habang nakaturo ang hintuturo niya kay ranier. “Ah… Oo nga noh… Ibaba mo yung kamay mo… Baka Makita ka niya na… nakaturo ka sa kanya.” “Ayyyiieee…” Sabay itinaas ang palda ko sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay. “Ano ba yan, Eliza!!! Nakakainis ka naman eh!!! Bakit mo itinaas palda ko???!!! Nakakahiya!!! Baka… nakita nya yung ginawa mo!!!” Pagalit na sabi ko sa kanya at nauna na akong naglakad paalis ng covered court. “Sorry na… Jenny… Hindi ko sinasadya… Binibiro lang naman kita eh.” Pagmamakaawang sabi niya sa akin. Hindi ko sya pinansin hanggang sa pumasok na kami ng classroom. “Oh! Bakit hindi ata kayo nagkikibuan ni Jenny???” Tanong ni Althea kay Eliza. “Eh kasi… naitaas ko yung palda niya kanina sa covered court eh.” “Kaya naman pala eh… Bakit mo naman iyon ginawa???” Pang-uusisa ni Jasmine. “Ah… Eh… wala lang… binibiro ko lang sya nung nakita naming yung may crush sa kanya…” “Oh?? Talaga??? Si Ranier Cruz???” Sabay na nasabi nina Althea at Jasmine. “Oo.” “Hala ka… Kakatayin ka ni Jenny mamaya.” Nakangiting sabi ni Althea. “Sira!!! Hindi nya yun gagawin noh… mabait kaya yun…” “Hahaha… Yun lang naman pala ang nangyari Jenny eh… Magbati na kayo… hindi ako sanay na ganyan ka eh.” Nasabi ni Jasmine sa akin. “O sige na nga… I will forgive you… basta wag mo ng uulitin yun ah…” “Yan… Bati na kayo. Tara na! Hatid ka na namin sa sakayan Jenny.” Sabi nina Althea sa akin. “O sige. Salamat!” Eto na naman… Uwian na… Tiyak! Magkakasabay na naman kami sa jeep. “BE READY, JENNY!” I told to myself. Hindi nga ako nagkamali… nagkasabay na naman kami. “Hi!” sabi nya sa akin. Ngumiti lang ako at yumuko lang ulit. Dahil sa… hindi ako nagsasalita. Sya mismo ang nagkusang magsalita. “Oh… may sakit ka ba??? May problema ba???” pagtatakang tanong nya sa akin. “Wala... Inaantok lang ako.” Ang nasabi ko habang nakayuko ako. Hanggang sa malapit na syang bumaba. Tinapik nya ako sa balikat at nagwave na lang ng kamay nya sa akin. It means, bababa na sya. Nagwave na lang din ako ng kamay to say goodbye. JENNY POV: Medyo nahirapan ako sa ginawa ko… kasi… feel ko… ramdam na ramdam nya na… iniiwasan ko sya… Medyo na-gui-guilty ako sa ginawa ko. Kasi alam ko… masasaktan ko sya. Pero kailangan eh. Lalo na nung mga sumunod na araw… hindi ko na sya binabati… ni ngiti at tingin… hindi ko na ginagawa sa kanya eh. Minsan pa nga ay nagtatago pa ako para hindi lang niya ako makita. Ang hirap umiwas lalo na kung iisa lang kayo ng school na pinapasukan. After ng ganung routine ay napagtagumpayan ko na… Dahil second semester na namin. Syempre… Mag-iiba na naman mga schedule ng pasok naming. Pero aaminin ko… Namiss ko sya at hinahanap-hanap. Ewan ko ba kung bakit. Ilang buwan na rin ang lumipas hanggang maging third year na ako (First semester) ay hindi ko na siya nakikita. Talagang namimiss ko sya. BOY POV: Nakakapagtaka… Hindi na nya ako pinapansin… may problema ba??? Parang iniiwasan na nya ako ah… siguro… alam na nya na… may crush ako sa kanya. Ang hirap namang lumapit sa kanya. Lagi kasi syang may kasamang kaklase… Hindi man lang tumitingin sa akin… ni smile… wala. Nakakainis! Tapos, nakisabay pa tong new schedule. Simula nun… hindi ko na sya nakikita… Namimiss ko sya sobra! Parang… nawawalan na ako ng ganang pumasok ng maaga para lang Makita sya. Kasi, hindi ko naman sya nakikita eh. ******************************************************* CHAPTER 5 - RANIER CRUZ JENNY POV: Malapit ng matapos ang taong 2014 dahil, December na kasi ngayon at marami ng mga tao ang abala… ngunit nasa isipan ko pa din kung ano nga ba ang pangalan nya… nakakaasar kasi… hanggang ngayon… hindi ko pa rin sya kilala. Kaya naman… naisip kong hanapin sa mga gamit ko ang listahan ko nung nasa highschool pa kami. At ang saya dahil… nandun pa rin sya sa gamit ko. Iniisa-isa ko ang mga pangalan at ini-imagine ko yung mga mukha nila kung natatandaan ko pa ba sila. Pero… Iilan lang ang naaalala ko… kaya naman…. Naisipan kong hanapin ang pangalan nya sa pamamagitan ng facebook habang iniisa-isa kong itinatype ang mga pangalan na meron sa listahan ko. Search… Search… Search… BOOOOM!!!!! Ranier Cruz pala sya!!! Grabe ah… yung grade na nakalagay sa test paper namin noon na nasa listahang hawak ko ngayon ay… 68 lang yung grade nya. Hindi pala sya masipag mag-aral noon… Pero infairness ngayon ah… Matalino na sya at magaling mag-english. Talo ako sa talino nya… nanliliit tuloy ako sa sarili ko. Parang baliktad kami ngayon… Kung siya, tamad mag-aral noon at masipag na ngayong mag-aral. Ako naman… masipag mag-aaral noon pero ngayon, tamad na akong mag-aral. Talagang opposite kami… nakakahiya naman… Ah… I-add ko nga sya sa FB… para lalo ko pa syang makilala. RANIER POV: Uy! In-add pala nya ako sa FB. Wooohhhh! Ang saya naman…! Jenny Fernandez pala ang buong pangalan nya. Oo nga pla! Hindi ko nga pala naitanong sa kanya yung name nya. Ma-accept nga. Hmmnn… Masilip nga ang mga photos nya. Wow… ang cute pa rin nya. Ma-like nga at mai-download. Para naman… may picture ako sa kanya dito sa cellphone ko. Haha… Namimiss ko na kasi sya eh… Kung sa bagay… tagal na rin namang kami hindi nagkikita dahil sa new schedule at matagal na rin nya akong hindi pinapansin eh. ******************************************* CHAPTER 6 -AT SM May Film Showing kami ngayon na panonoorin sa Sm, 2:00pm ang start ng show. Kaya napagpasyahan naming magkakaibigan na pumunta ng 10:00am para makapaglibot-libot kami sa mall. Pagkatapos namin maglibot-libot nina Eliza Exaure - yung best friend ko, Althea Biscarra – yung kaibigan kong medyo tomboy pero may boyfriend at si Jasmine Lee – na kaibigan kong matangkad na maraming manliligaw. Kaming magkakaibigan/magkaklase ay pumunta sa foodcourt para mananghalian. After that, hinanap na naming kung saang cinema kami manonood. Dahil sa… hindi kami masyadong pamilyar sa mall na iyon ay puro lakad kami at paikot-ikot na lang... Halos magkakaparehas kasi ang mga daanan eh kaya, parang naliligaw na kami. Maya-maya ay may papalapit sa amin at nagsalita sa harap ko… “Hi!” Nice to meet you!” nakangiting sabi nito habang nakatingin sa akin. Dahil sa nabigla ako… nagkaway lang ako at ngumiti. “Ayyiiieee… Sino yun Jenny…?” Pang-uusisa nina Jasmine at Althea habang kinikilig sa amin. “Ah… yun… Classmate ko nung first year highschool” tugon ko. “Yun yung may crush kay Jenny eh… haha…” sabi ni Eliza. “Wow!!! Talaga???! Sayang hindi ko nakita masyado yung mukha niya… Ituro mo sa akin Jenny sa school ah, kapag naalala mo.” Excited na pagkasabi ni Jasmine. “A-hh Ok!” Yun lang nasabi ko. Natapos na ang film showing. Nagsilabasan na kami. Habang bumababa ako ng hagdan kasami si Eliza… nakita ko si Ranier Cruz sa baba ng hagdan na nakatingin sa akin. Grabe! Feeling ko… parang natutunaw ako sa mga tingin nya habang bumababa ako ng hagdan. Kaya naman… binilisan ko yung pagbaba ko at kumaliwa kaagad. Kunwari di ko sya napansin o nakita. At mabuti naman at hindi na kami ulit nagkita sa mall. Kaya medyo nakahinga na ako. RANIER CRUZ POV: What a coincidence!!! Akalain mo yun… nakita ko pa siya sa mall. Grabe! Ang cute-cute nya talaga… Lalo na nung bumababa sya ng hagdan. Para syang isang magandang angel na bumababa papalapit sa akin. Kaso, lumiko kaagad sya at mukhang nagmamadali na parang kanina lang ay parang slow motion ang mga pagkilos at galaw nya at ngayon ay parang bula na mabilis ding nawala. Pero ayos lang yun… at least nakita ko sya sa araw na ito. ********************************************** CHAPTER 7 - TEXT “Hmmnn… makuha nga yung cellphone number nya.” nasambit ko habang nag-e-FB ako. “Matext ko nga mamaya kung… talagang kanya itong cellphone number niya na nakuha ko sa FB.” Dagdag ko sa sinabi ko. “INHALE….” “EXHALE…” “INHALE…” “EXHALE…” “OK…” “Itata-type ko na yung cellphone number nya…” To: 09*********HI!!!Press… SEND “Haayyy… grabe!!! Kinakabahan naman ako… Ang tagal naman kasi niyang magtext eh.” Ang nasabi ko habang inaantay ang reply nya. *Totoot Totoot* “Uy!!! May nagtext na!!! (>_ nang masilip ko… “Ay… 2346 lang pala! (--.--) Ano ba yan???! Kakainis naman oh! Makapaglinis na nga lang muna…” *BREAKAWAY TUNE* Grew up in a small townAnd when the rain would fall downI’d just stare out my windowDreaming of what could beAnd if I’d end up happyI would pray ( I would pray) “Ay! Anak ng butiki!!!” Nagulat ako ng tumunog ang ring tone ko sa cellphone. Dali-dali akong tumakbo para kunin yung cellphone ko. Trying hard to reach outBut when I tried to speak outFelt like no one could hear meWanted to belong hereBut something felt so wrong hereSo I prayed I could break away Pagtingin ko sa cellphone kung sino ang tumatawag… Laking gulat ko kung sino. Nanlaki ang mga mata ko. As in ganito - - - - - (0_0) CALLING… RANIER CRUZ “What should I do??? Sasagutin ko ba??? O hindi??? Ano???” [Chorus:]I'll spread my wings and I'll learn how to flyI'll do what it takes til' I touch the skyAnd I'll make a wishTake a chanceMake a changeAnd breakawayOut of the darkness and into the sunBut I won't forget all the ones that I loveI'll take a riskTake a chanceMake a changeAnd breakaway Pineress ko ang ENDCALL. “Ay! Sorry… hihihi…” Sabi ko. “Ayaw kong sagutin eh… gusto ko text lang.” Maya-maya… tumunog ulit cellphone ko… *Totoot Totoot* From: 09*********Hi! Hus dis??? “Sa wakas! Nagtext na siya… (^_^)” ang Masaya kong pagkasabi. To: 09*********Ikaw po ba si Ranier Cruz??? SEND From: 09*********Oo! Ako nga. Sino ka nga??? “Oh my! Hindi siya nagsisinungaling… totoo pala na kanya itong cellphone number na ito…” “Haha… Pahirapan ko nga ito sa pag-alam kung sino nga ako…. Hihi…” To: 09*********Hehe… Hulaan mo muna kung sino ako… (>_ SEND From: 09*********Ok. Babae ka??? To: 09*********Oo. Babae ako. SEND From: 09*********Tita Carmen???Yasmin???Jessica??? To: 09*********Hindi po…Hindi rin po…Hindi po… SEND From: 09*********Pwedeng pahingi ng clue??? To: 09*********Oh sure! (>_ SEND From: 09*********Hehe… Alam ko na…!Ikaw si Jenny! (^_^) “Wow! Ang galling naman nyang manghula… Paano kaya nya nalaman yun??? Matanong nga…” To: 09*********“Wow!!! Grabe!!! Ang galling mo namang manghula…Paano mo nalaman na ako nga si Jenny??? SEND From: 09*********Hehe… Wala lang.Kutob ko lang na ikaw yun eh…Kasi, kung kilala ako ng isang tao at kapag sinagot yung tawag ko...Madali ko lang m.alaman kung sinoEh… Hindi mo sinagot tawag ko eh…Tapos kilala mo ako…Kaya naisip ko na… Ikaw yun! (>_ “O-ohh… Paano nya nakutuban yun??? Grabe ah… Parang inaasahan na niyang magtetext ako sa kanya. Ang Lakas ng radar nitong taong ito… Grabe!!!” ang tangi kong nasabi sa sarili ko. Nagpatuloy lamang ang text namin sa isa’t-isa. Nagpapasahan din ng mga quotes. Pero may isa syang pinasang quotes na parang iba ang dating nito sa akin… Ito yun oh.. From: 09*********“No matter how Bitter a Coffee gets…One bite of Sweet Cookie changes everything.” “Ewan ko ba… simula ng mabasa ko ito… hindi na ito maalis sa isip ko at talaga nga namang napapangiti ako nito sa tuwing naalala at nababasa ko.” Sumunod na araw ay… Ewan ko kung bakit ako malungkot. Hindi ko talaga malaman kung bakit ako malungkot. Maya-maya… *Totoot Totoot* “oh!!! May nagtext pala sa akin… Sino kaya???” From: 09*********Kapag ika’y malungkot, umiiyak, tulala,Isipin mo lang ako at sabihin ito…‘Kamusta na kaya yung cute na iyon?’“Ehem”( )”””””( ) I’m Fine ( --.-- ) How about you? ( , (“) Nang mabasa ko ito… napangiti nya talaga ako. Grabe ah… Super timing naman yung quotes na ipinasa nya sa akin. Parang alam nyang malungkot ako. Pero, teka lang… Ngayon ko lang napansin… “Ano???! Isipin sya???? At ang kapal ah… Cute daw sya oh… sinong may sabi??? But anyway… Pagbigyan na nga… Napangiti naman nya ako eh.” (^_^) ******************************************* CHAPTER 8 - CHRISTMAS PARTY DAY JENNY VOICE: Ilang araw na din kaming magkatext. Grabe! Dahil sa… minsan lang ako magpaload. Nagtataka yuloy ang mga kaibigan ko. Dahil sa araw-araw na akong may load. Eh paano ba naman kasi… naging interesado na ako sa kanya. Dahil, ang sarap kasi niyang kausap eh. Tsaka, first time ko lang makatext ang isang lalaki kaya parang nawili ako. Kaya naman… Nagagamit ko na ang ipon kong pera para lang makatext sya eh. Dahil sa malapit na ang Christmas… halos lahat ng school are celebrating Christmas Party. Syempre, kasali na rin ang school namin. Kaya lang, hindi ako umattend sa Christmas Party namin. Dahil pinaiwan lang ako sa bahay namin ng parent ko kasi wala daw tao sa bahay namin ngayon. Gawin ba naman akong si bantay para magbantay ng bahay namin. Heto, naglilinis ako ngayon sa bahay. Dahil nakakaboring naman kung uupo-upo lang ako di ba??? Buti nga lang ka-text ko si Ranier para naman kahit papaano ay may nakaka-usap ako kahit mag-isa lang ako sa bahay. From: RanierHI!!! Anong ginagawa mo ngayon???I mean… Anong pinagkakaabalahan mo ngayon??? To: RanierAh… Eto… nagwawalis… maya-maya ay magma-mop na din ako.Eh ikaw??? Anong ginagawa mo ngayon??? SEND From: RanierWow… Ang sipag mo naman… Ako… heto…Watchdog sa tindahan namin. To: RanierHaha… Grabe ka naman… Watchdog talaga ah…Ginagawa mong aso ang sarili mo. SEND Syempre, usap-usap kami… tapos nagtext sya sa akin kung bakit hindi na ako nagrereply. Ano ba daw ba ang ginagawa ko. Nag-sorry naman ako sa kanya kaagad kung bakit hindi kaagad ako nakapag-reply sa kanya. To: RanierSorry ah… Kasi…Nagsaing pa ako eh…Tsaka, naghanda ako at naligo pa ako.Kasi, aalis ako ngayon eh. SEND Tapos, nag-aantay ako ng reply nya dahil hindi na sya nagtetext. Kaya naman… kumain muna ako bago ako aalis ng bahay. Maya-maya ay nagreply na siya. From: RanierSyensya ka na din kung hindi rin ako kaagad nagreply.Nagready din ako dahil aalis din ako eh. To: RanierAh… Saan ka pala pupunta??? SEND From: RanierSa school. Dahil may Christmas Party kami mamaya eh. To: RanierAh… I see… Kami tapos na ata. Kaninang umaga pa kasi yung Christmas party namin eh. Hindi kasi ako pumunta eh. Dahil walang tao ngayon sa bahay namin. Pero, mamaya dadating na din mama ko at aalis naman ako. SEND From: RanierGanun ba… Teka! Saan ka nga pala pupunta??? To: RanierSa SM. Magkikita-kita kami ng kaklase/kabarkada ko doon for bonding moment dahil hindi nila ako nakasama sa Christmas Party kanina. SEND Habang nasa biyahe ay nag-aantay lang akong text nya… yun nga, hindi nya ako binigo… nagtext sya sa akin na… “Ok. Ingat ka! Paalis na din ako eh.” Haaay…. Salamat at nauna akong nakasakay sa jeep. Baka kasi magkasabay na naman kami ulit eh… kasi kapag papuntang SM, madadaanan ko ang lugar nia. Buti na alng at medyo late na siya umalis. Nakarating na din ako sa wakas sa SM. At nag-aantay sa Food Court. Dahil it’s our meeting place eh. To: Eliza Exaure, Althea Biscarra and Jasmine LeeUy… Guyz… Saan nab a kayo???Kanina pa ako ditto sa Food Court…Wala pa rin kayo dito. Pero wait ko pa rin kayo. SEND *Totoot Totoot* From: RanierOh… kamusta? Nagkita na ba kayo ng kaklase mo? To: RanierHeto… Inaantay ko pa rin sila. SEND *Totoot Totoot* From: Eliza ExaurePasyensya na Jenny ah…Medyo trapik kasi dito eh… kaya ma-la-late kami.Inaantay pa kasi namin yung boyfriend ni Althea eh.Pasyensya na talaga ah….Basta wait mo lang kami.Darating din kami dyan.To: Eliza ExaureAh… Ok. Bilisan nyo ah…Kalungkot dito eh…Wala akong maka-usap. SEND *Totoot Totoot* From: RanierNasa Food court ka noh??? To: RanierHa??? Oo. Paano mo nalaman??? SEND Linga ako ng linga sa malayo kung nandito ba sya sa food court. Kasi alam nya kung nasaan ako eh… tapos hindi na siya nagrereply. Nasaan kaya yun??? Maya-maya ay may nagtext. *Totoot Totoot* From: Althea BiscarraWait lang Jenny ah… Malapit na kami.Promise. “Ay! Akala ko sya na… Si Althea pala…” nasambit ko. Habang nagrereply ako ng isasagot ko kay althea ay… maya-maya ay may lumapit sa akin at nagsabi… “Ms. Pwedeng pa-upo dito???” Dahil sa nakayuko ang ulo ko… Tumingala ako para makita kung sino ang lumapit sa akin… at laking gulat ko sa nakita ko… napahinto ako ng galaw at mga 5 seconds bago ako nakapag-react at tumango-tango ako sa kanya na pwede sya umupo. Syempre, Sino ba naman hindi magugulat sa nakita ko… eh… si RAnier Cruz yun eh. Super shock talaga ako sa nakita ko... kaya naman, nasabi ko… “Oh! Akala ko ba… sa school ka pupunta? E-eh… bakit nandito ka???” I told him in a way… hindi mahalata na… nagulat ako… at hindi makapaniwala na… nasa harap ko sya ngayon. “Eh kasi… may dinaanan lang ako at tsaka, inaantay ko rin ang kaklase ko. Dito rin kasi ang meeting place namin eh.” “Ah… ganun ba… ok. Sabi mo eh.” JENNY POV: Ewan ko ba… nung dumating siya sa harap ko… hindi ako makapagsalita pero sa isip ko… ang dami-dami kong gusting sabihin. Medyo na-i-ilang nga ako eh… ang tahimik kasi naming dalawa. Hindi ko nga alam kung nakatingin sya sa akin… kasi nakayuko ako… isip… isip.. ano ba ang sasabihin ko… Maya-maya ay binasag nya ang katahimikan sa aming dalawa. “Teka! Nasaan na pala mga kaklase/kabarkada mo?” “Oo nga eh. Ang tagal nga nila eh. Eto nga oh… nagtext sa akin sila sa akin na… malapit na daw sila. Pero hanggang ngayon wala pa.” “Ang tsaga mo din, noh? Nag-antay ka pa talaga ng matagal… Pero buti na lang at nandito ako ngayon… para may kasama ka habang inaantay mo sila.Ako kasi… hindi ako ma-tsaga sa pag-aantay ng matagal. Nakakapanis kaya ng laway eh… di ba???” Um-Oo na lang ako at ngumiti sa kanya at sinabi na… “Eh… ganun talaga ako eh… talagang nag-aantay kahit matagal. Usapan ay usapan.” Tapos natahimik ulit kami. Hawak lang naming yung cellphone namin. At palinga-linga ako kung dumating nab a ang mga kaklase ko. At nasabi ko tuloy “Ano ba yan… ang tagal naman…” kaya naman nagsalita ulit sya. “Eh… Saan kayo nyan? I mean… Saan kayo kakain??? Siguro sa mga mamahaling pagkain like Greenwich or mang-Inasal.” Napakibit-balikat na lang ako. Dahil di ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na… maybe snacks lang ang bibilhin naming dahil hindi naman kami mayaman. Tingin ata nito eh… mayaman kami. Grabe ah… nakakahiya… maya-maya ay nagsalita ulit sya. “Oh! Nandyan na pala ang mga kaklase mo…” Sabay tayo nito sa upuan. Napalingon ako at nag-hi! Sa mga kaklase ko at nagsalita siya ulit. “Sige! Mauna na ako!” “Sige!” at kumaway na ako sa kanya. Late ko ng na-realize… hindi pala ako nakapagpasalamat sa pagsama nya sa akin. Hindi ko nga alam kung nagblush ako nung talagang sinamahan pa talaga nya ako hanggang dumating sila. Nakakainis naman… “Aaayyyiiieee… Si Jenny oh… may ka-date… Hindi man lang ipiakilala sa amin…” Sabi ni Jasmine. “Oo nga pala! Nakalimutan ko! Ano ba yan… Ano… gusto mo… itext ko sya na… bumalik para ipakilala ko siya sa inyo??? Nakalimutan ko talaga eh…” “Next time na lang… nakakahiya naman…” Sabi nina Jasmine at Althea. “Nga pala… Ano pala ang ginagawa nya dito kanina at magkasama pa kayo??? Ayyieee….” Sabi ni Eliza habang nakangiting kinikilig. “Kayo talaga… kung ano-ano nasa isip nyo… Sinamahan lang naman nya ako dito sa pag-aantay sa inyo… hindi ko naman iyon sinabi sa kanya eh…” Tapos ikinuwento ko yung nangyari at nasabi nila… “Oo… tingin namin… May gusto yun sa iyo… Di ba, Jasmine??? Sabi ni Althea. “Oo… Agree kami” Sagot nina Jasmine at Eliza. After that conversation… tinext ko si Ranier Cruz na… To: RanierAy… Sorry ha… kung hindi pala kita naipakilala sa mga kaibigan ko… hayaan mo next time… ipapakilala ko sila sa iyo ha…tsaka, salamat nga din pala sa pagsama mo sa akin sa pag-aantay ko sa kanila. SEND From: RanierOk. Wala lang yun… sige, ingat kayo. To: RanierO sige. Ingat ka din.Salamat ulit! SEND After texting him… Me and my friends are enjoying to talk about how we become friends. We realized that… we don’t know what is the date we become friends. How amazing right??? After our bonding to each other, we go back to our home and have a smile on our lips. RANIER VOICE: Wow! Pupunta pala sya sa SM… Makapunta nga rin upang makita ko sya bago man lang matapos ang taong ito at pati na rin ang araw ng pasok ko sa school. Nasaan kaya sya sa SM??? Mahanap nga… Ayun! Nandun siya sa Food Court at halatang nababagot na kakaantay sa mga kaibigan nya… Mapuntahan nga sya… pero bago muna yun… itext ko nga muna sya… para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon niya. To: JennyNasa Food court ka noh??? SEND From: JennyHa??? Oo. Paano mo nalaman??? Haha… lingon sya ng lingon… siguro… hinahanap nya ako… Ang cute nya… grabe! Halatadong nagtataka at nagulat ata sa tinext ko… Makalapit na nga sa kanya… kakaawa naman eh… baka mabali pa ang ulo sa kakalinga-linga para mahanap ako. “Ms. Pwedeng pa-upo dito???” ang sinabi ko sa kanya. Napansin kong… medyo natulala ata sya ng Makita ako. Ang tagal kasi niyang naka-react. Pero, ibang klaseng babaeng ito… hindi man lang ngumiti ng Makita ako kundi tumungo lang para sabihin na okey lang na umupo ako. Grabe ah… mostly sa mga babaeng ginagawa kong ganito ay… sasalubungin na nila ako ng kanilang mga ngiti at talagang tuwang-tuwa na Makita ako. Pero itong babaeng ito, kakaiba talaga. Imbes na matuwa… Eh… nagtatanong pa kung bakit ako pumunta sa SM. Hindi man lang na-appreciate na… sinamahan ko siya kasi… ang hirap mag-antay at syempre, para Makita ko siya noh… Ang daldal sa text… Pero sa harap-harapan… ang tahimik, grabe! Ako na lang ang nagsimula ng conversation pero ang tipid naman nitong sumagot. Ang sarap sipain o kuusan itong babaeng ito… hindi man lang marunong mag-entertain sa kasama nya. Tapos, dumating na yung kaibigan nya… aba… nakalimutan ba namang magpasalamat at ipakilala ako sa mga kaibigan nya… Haaayyy… Naku naman… Nakakaasar naman itong babaeng ito oh… JENNY POV: Unforgettable moment day ko ito! Super napasaya nya ako sa araw na ito. Hindi ko ini-expect na pupunta sya sa SM for being beside me habang wala pa yung mga kaibigan ko. Super na-appreciate ko yung effort ng pagpunta nya… Ewan ko ba… natahimik ako nung nasa harapan ko na siya. Hindi ko kasi inaasahan yun eh. Hindi ko nga alam na… kung nagbla-blush na ba yung mukha ko nung Makita ko siya. Super nahihiya naman ako dahil… hindi ko man lang sya nasabihan ng “Thank You” sa personal at ipakilala sa mga kaibigan ko. Pero… hayaan mo na nga! Maiintindihan naman ata ako nun eh. Grabe! Pati sa pagtulog ko… naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. First time lang kasi yun na may gumawa ng ganoong bagay para sa akin. Kaya ganun na lamang ako kasaya sa araw na ito… Basta! Ang saya ko ngayon! (^_^) ************************************ CHAPTER 9 - GIFT JENNYVOICE: “Teka… masilip nga yung wall nya…” Sabi ko habang nag-e-FB ako. “Wow! Talaga???! Nanalo sya sa larong badminton nya at na-retain nya yung title nya sa larong iyon… Ang galing naman nya… Mabigyan nga ng regalo para maipakita ko din na… binabati ko sya sa pagkakapanalo nya. At syempre, ito na rin ang paraan para makabawi ako at makapagpasalamat.” Ang nasambit ko. “Ano kayang magandang i-regalo??? Wala akong maisip… Ano kaya??? Wala naman akong pera para makabili ng gamit o regalo para sa kanya… Tsaka isa pa… Lalaki sya eh. Ang hirap mag-isip kung ano ang gusto ng mga lalaki dahil hindi naman sila masyadong showy like girls… Haaayyy nahihirapan talaga akong mag-isip ng kung ano ang magugustuhan nya, kahit na may kapatid akong lalaki… nakakahiya naman magtanong. Hmmmnn… Ah! Alam ko na! Hand made na lang at letter. Para naman, ma-appreciate nya talagang nag-effort ako. Pero, ano kayang hand made ang gagawin ko??? Yung talagang iingatan nya at hindi ipapamimigay kung kani-kanino lang yung gift na ibibigay ko sa kanya.Ah! Alam ko na! Pangalan na lang nya!!! Tama!!! Yun na lang! “ Ang pagtatanong ko sa sarili ko. Nagletter cut ako ng pangalan nya and then I paste it on a cheap board then I paste a double sided tape at the back of the cheap board. After that, I’ve realized that it is so formal and simple if only his name was in there. So I decided to put stickers of a numbers with animals. Gumawa din ako ng small letter cut of his name, para mailagay naman nya yun sa notebook nya o sa iba pa nyang mga gamit. After that, I wrote a letter for him. I decided to give my gift in our first day of school after New Year. In School, Ayan na naman… Unang klase sa bagong taon. Lahat ay bago. New hair style, New hair cut, New shoes, New accessories and so on. Super ingay sa classroom dahil nagkita-kita muli ang magkakatropa at magkakaklase. Ang daming kwentuhan kung ano-ano ang nangyari sa kani-kanilang mga buhay noong araw ng pasko at bagong taon at pati na rin sa mga araw na walang pasok. Lahat ay masaya at nagbibiruan sa loob ng klase. Syempre, sino ba naman ang makakalimot sa New Year’s Resolutioin??? Syempre hinding-hindi yan makakaligtaan. Puro iyon ang usapan sa klase. Halos lahat ng professors… Iyan ang theme sa discussion. Some of them parang nagsesermon na nga eh… kasi, sinssabihan kami na maging responsible in all task given by you, don’t be noisy like a elementary pupils, Practice to show being a professional NOW and so on… After the class, me and eliza go ot the canteen. Habang naglalakad kami… napatingin ako sa may close gate. Then, I saw him walking and accidentally, our eyes met. So my respond to him is… I smile and wave my hand and go to the gate. “Hi! Congrats nga pala! Di ba… nanalo ka sa badminton???” “Oo. Salamat ah…” “Oh… ito nga pala! Regalo ko sa iyo. Sa pagkakapanalo mo sa badminton. Sana magutuhan mo. Pasyensya na ha… Yan lang ang nakayanan ko eh.” Medyo nahihiya kong pagkakasabi. “Sige, salamat dito ah! Hayaan mo sa susunod… babawi din ako sa iyo.” Ngumiti lang ako sa kanya. At ipinakilala ko si Eliza sa kaniya. Dahil hindi ko pa naipapakilala sa kanya ang bestfriend ko. “Nga pala! Eto nga pala si Eliza Exaure. Ang bestfriend ko. Siya naman si Ranier Cruz - ang kaklase ko noong highschool.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Lumapit si Eliza kay Ranier para makipagkamay dito to show congratulations and being nice to him. “A-ah… Teka lang ah…” ang sabi ni ranier habang ipinupunas niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang pantalon. “Basa kasi kamay ko eh. Pasmado kasi.” Dagdag niya. And then, they say in chorus: “Nice to meet you!” After that… we say “Goodbye” to each other. “Grabe ah! Nakipagkamay ka pa sa kanya ah…” ang sabi ko. “Eh… ganun talaga ako eh. Kapag may ipinakikilala sa akin ang isang tao, nakikipagkamay ako sa kanya-to show respect and im happy to meet him/her.” sagot ni Eliza sa akin. “Buti ka pa! Alam mo ba… gusto ko nga din syang kamayan eh… kaso, nahihiya ako eh dahil lalaki sya. Nung hinawakan mo yung kamay nya… basa nga bang talaga???” Pang-uusisa ko. “Oo! Pasmadong-pasmado yung kamay nya… Tsaka, malamig yung kamay nya. Parang kinakabahan…” “Oh?! Talaga?! Kinakabahab siya? Natatakot yata sa iyo… haha…” “Sira ka talaga! Kinakabahan yun sa iyo!!! Hindi sa akin noh?!! Dahil nakita kaniya… tapos may gift ka pa! Siguro… Excited nay un buksan ang regalo mo sa kanya.” “Siguro nga… Grabe Eliza, kinakabahan ako kung ano ang magiging reaction niya kapag nakita niya yung regalo ko sa kaniya. Baka hindi niya magustuhan. Kasi… Parang super simple at parang pambata yung regalo ko sa kanya at bukod pa dun… parang pambabae…” “Hindi ka nga halatang kinakabahan eh. Nagulat nga ako sa iyo eh. Kasi… Bigla kang lumapit sa kaniya at iniwan mo ako without any words to say like ‘wait’… Eh… ano ba yung regalo mo sa kanya???” “Ay! Sorry eliza… Nagmamadali kasi akong lumapit sa kanya eh… baka makalimutan kong maibigay yung regalo ko eh. Tsaka… pinush ko talaga sarili ko para maibigay yung regalo sa kaniya. Yung regalo ko sa kaniya ay katulad din ng sa inyo na may letter cut ng pangalan ninyo at may stickers. Ang pagkakaiba lang ay… yung kanya ay buo yung pangalan niya. Yung sa inyo kasi ay first name lang. Syempre, may letter din akong inilagay. Baka kasi… iba ang maisip nya sa iniregalo ko sa kaniya eh. Dun sa letter kong inilagay ay nakasulat dun ay yung pagbati ko sa kanya sa pagkakapanalo niya. Tsaka ung explaination ko kung bakit yun yung naisip kong ibigay sa kanya.” “Ah… yun naman pala eh. Magugustuhan din nya yun. Dahil nag-effort ka pa talaga para lang mabigyan sya ng gift. Tiyak na… hinding-hindi nya yun itatapon o ipapamimigay dahil, pangalan nya yung nakalagay dun eh.” “Sana nga…” After 3 days, Nagkita ulit kami ni Ranier. As usual, sa jeep na naman ang setting. Dun kami parating nagkikita eh. “Hi!” sabi ko. “Hello!” sabi nya. “A…ano… Okey lang ba yung gift ko sa iyo???” Nauutal kong pagkakasabi. “Oo! Na-appreciate ko yung gift mo. Salamat ah…” “Talaga??? Hindi nga…” “Oo nga… Nagustuhan ko sya.” “Hehe… pagpasyensyahan mo na yung gift ko ah…” “Ok lang yun…” Pagkatapos ng pag-uusap ay… ako na ang na-unang nagbayad sa pamasahe at syempre, inilibre ko na rin sya. Para gumaan ang loob ko at makabawi man lang. Dahil lagi sya yung nagbabayad ng pamasahe ko eh. Buti na lang at hindi na rin sya nagpumilit at nag-‘thank you’ na lang sya sa akin. Syempre usap-usap kami hanggang sa bumaba na siya ng jeep. RANIER VOICE: Wow… nagbigay pa talaga siya ng gift para sa akin. Ang sweet naman niya… Mabuksan nga… (^_^) Eh…??! (0_0) Puro pangalan ko naman ito. Ano naman ang gagawin ko ditto? Ah… ididikit siya sa mga gamit. May stickers pa talaga ah… Numbers with animals pa yung mga stickers. Ano ba yan… ginagawa niya akong parang bata. Ooppsss… May letter pa! Ang sabi nya sa sulat ay binabati nya ako at sinabi din nya yung dahilan kung bakit ito ang naisip nyang ibigay sa akin. Tiyak daw na… magugustuhan ko daw ito dahil pangalan ko naman daw ang nakalagay sa letter cut. Tapos ipinaliwanag din nya na… Talagang sana’y lang daw sya na magbigay ng gift na handmade lang at may kasamang letter sa tuwing magbibigay sya ng gift. Hindi ko naman tinatanong yun eh… ikinuwento pa nya. Hmmmnnn…. Kahit papaano… okey lang naman yung gift nya. At least nag-effort para mabigyan lang nya ako ng regalo. Medyo cute nga sya eh… kahit na… medyo may pagka-childish yung pagkakagawa. Kaya, sige na nga!! Itatago ko na lang ito sa drawers ko pararemembrance. Galing kasi sa kanya ito eh… ************************************* Jem Note: Hanggang dito na muna ang story... Medyo busy pa ako eh... pero malapit na yang matapos. Sorry kung medyo mali mali ang mga spelling or grammar if ever... nagmamadali lang eh. Salamat po. Hope, walang kukuha ng Story na ito na walang pahintulot na galing sa akin. Sana maintindihan nyo po. CHAPTER 10 -FIRST HEART BREAK RANIER VOICE: Nandito ako ngayon sa tambayan ng mga katropa ko. May okasyon daw kaming pupuntahan ngayon. Dito sa tambayan namin kami magkikita. Pero… 15minutes na ako nag-aantay pero wala pa rin sila ah. Naka-porma pa naman ako ngayon. Tapos wala pa sila ngayon ditto sa usapan. Teka lang, may magandang babae ang papalapit sa akin ah. Kung papansinin eh… Talagang nakaporma dinsya. Nakasuot sya ng isang formal dress na kitang-kita mo ang kakortehan ng kanyang katawan. Mahaba ang buhok niya na may clip sa kanang bahagi ng kanyang ulo at may katamtamang make-up para sa mukha nya. Maya-maya ay may nagtext. *Totoot Totoot* From: Jake Pare! Ikaw na ang bahala sa magandang chicks. Regalo para sa iyo ng buong barkada. Single ka naman, di ba? This is your chance! Tutal… malapit na ang Valentines Day. Grab this opportunity, pre! Nagsearch pa kami ng magandang babae just for you, pre! Ingatan mo yan pre! Ikaw na ang bahala! Balitaan mo na lang kami ah… “Hay naku! Nagpasimuno na naman itong si Jake. Dinamay pa ang katropa. Naka-ilang set-up na ako ah… Tsk! tsk! tsk! Pang-15 na ata itong set-up nila sa akin. Mga walang magawa itong mga katropa ko! Ang babait talaga oh… Trip na trip akong i-set up sa mga girls. Parang ginagawa nila akong prostitute ng mga ito eh..! Pero, maganda naman itong isinet-up nila sa akin. O sige na nga! Patulan ko na nga lang ito.” Ang pagkakasabi ko sa isipan ko. “Hi! Ranier Cruz???” nakangiting sabi ng magandang dilag. “Hello! Oo ako nga si Ranier Cruz. Eh ikaw? Anong pangalan mo???” “I’m Kyla Veronica Monique Sanchez. You can call me “Nika” for short.” “Nice to meet you Nika! Ang haba naman ng pangalan mo.” “Oo nga eh. Kasi, pinagsama-sama nila mama at papa ang mga pangalan ng dalawa kong ate na sina ate Kyla at ate Veronica doon sa pangalan kong Monique. Ayaw nila akong pahirapan di ba?” “Yeah! Oo nga… But anyway, cute naman yung name mo eh.” “I want you to know that… matagal na kitang crush. Nung nalaman ko na… you will set up a date to me… I accept it right away. So… where is our place to have a dinner date?” “A…ah…???!!! I set a date with you??? Now???” “Yes! Of course! You’re friend told me that you have prepared a dinner date to me. If I will agree of it… It means, boyfriend na kita. So… hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na ito to be your girlfriend. Don’t tell me… your friend lied to me???” “A…ah… No!!! Sorry Nika… I forgot that we have a dinner date tonight. Hope you will forgive me. Hope you understand… But don’t worry, I have an Idea of where we have a dinner date now. I want you to close your eyes.” “Ah.. okey.” “Lagot ka Jake sa akin kapag nagkita tayo… Ang galling mo talagang manloko! Kung hindi lang maganda itong babaeng ito.. baka sinabi ko na ang totoo sa kaniya eh. Na… isa lamang itong set-up na ginawa mo! Napakalaking kalokohan talaga! Pero grabe itong babaeng ito ah… Saan ba nila ito napulot??? Napaka-straight to the point ang mga sagot. Sinabi pa nya na… crush nya ako dati pa. Puwe! Kung hindi ka lang sexy at maganda… hindi kita pagbibigyan ngayon eh.” Naiinis kong sabi sa isipan ko. I brought her in the simple restaurant. “Oh… Were here! You can open your eyes now.” “Wow… It so romantic!” Then, she kissed me on my cheek. “Grabe ah… Tuwang-tuwa itong babaeng ito. She called me her babe now. Ano ako??? Baboy??? Yuck! So… Eeeewww… Hay naku! Lagot ka talaga Jake sa akin. Humanda kayo sa akin mga katropa ko. Napagastos tuloy ako ng wala sa oras. Hindi man lang ako binalaan na magdala ng malaki-laking pera. O di kaya’y… sana… binigyan man lang nila ako ng pera para sa set-up na dinner date na ito. Tutal, sila naman ang nakaisip ng kalokohan na ito eh. Kaasar talaga!!! Buti na lang at lagi akong handa. Grabe! Gusto pa nitong babaeng ito na ilagay ko daw sa FB na… ‘In relationship’ ako sa kanya. Grabe! Mas mabilis pa ata ito sa akin ah… hindi naman na halatang sabik siya sa akin noh??? Iba talaga ang ka-gwapuhan ko… Buwahahaha…. Hay naku… pagbigyan na nga lang.” sabi ko sa sarili ko. JENNY VOICE: Yes! MakpagFB nga muna! Kakatapos ko lang magresearch about sa report ko next week eh. After typing my e-mail address and password, I read the most recent. After 15 seconds… I was so shocked of what I read and saw! RANIER CRUZ changed his status “SINGLE” to being a “IN RELATIONSHIP” to KYLA VERONICA MONIQUE SANCHEZ. I don’t know to myself, but I’m feeling rejected. No!!! It’s more than rejected. I feel it’s my heartbreak. This is a first time to feel this kind of feeling. I feel my heart break into many pieces as broken glasses. There is a tear in my eyes. Oh, Noooo!!!!! Hindi ko dapat ito nararamdaman. Di ba nga, crush ko lang siya. Ay! Hindi pala!!! Dapat wala akong feelings sa kanya… dapat dib a nga… sabi ni mama… layuan ko na siya… ibig sabihin… there’s no relationship between us. We are just only old high school classmates. There’s no attachment or commitment both of us. But why??? Why I feel this kind of feelings… why??? I didn’t understand myself!!! Parang naloloka ako… umiiyak ako dahil lang doon… Ewan ko… parang baliw ako ng malaman ko na may girlfriend na siya… Super affected ako… I don’t know why I feel this way… In the next day, I went to school. Ikinuwento ko kay Eliza ang nabasa ko sa FB tungkol kay Ranier Cruz. At sinabi ko din yung naging reaction ko after reading his status update. “Eliza… Bakit ganun na lamang ako naging affected sa nabasa ko. Di ba nga… hanggang crush ko lang siya… na dapat nga na hindi dapat ako magka-crush sa kanya, di ba? Bakit ganun???” “Madali lang yan best, ibig sabihin… you’re finally falling inlove to him. Hindi mo napansin na… tuluyan ka ng na-inlove sa kanya. Kaya, ganyan ang reaksyon mo…” Eliza said. “Ha??? Ako??? Inlove sa kanya??? Hindi ah… Crush lang! crush lang!” “Wag ka ng makipagtalo… napagdaanan ko na kasi yan… first time mo lang kasi naranasan ang ma-inlove kaya hindi mo alam o namamalayan yun. Kapag inlove ka kasi… halos siya lagi ang iniisip mo, bukang-bibig mo, gusto mo… lagi mo syang nakikita o nakakausap, at marami pang iba. Naranasan mo na yun, di ba???” “Oo! Tama ka… nadama ko din yung sinasabi mo.” “It only means that… you’re finally inlove to him! But wrong timing ka best… dapat noon pa… bago man lang sya nakahanap ng iba… at sana ngayon, ikaw ang girlfriend niya.” “Ha??? Girlfriend??? Niya??? (O_O) Hindi yun maaari!!! Ayaw ko!!! Ayaw ko!!! Hindi iyon maaari… kailangan kong makapagtapos muna ng pag-aaral at makahanap ng trabaho bago ako magkakaroon ng relasyon. Alam mo yun… kaya, hindi iyon maaari na ma-inlove ako sa kanya.” “Wala ka ng magagawa… na-inlove ka kasi eh… Sa una, mahirap yan… pero habang tumatagal… mawawala na rin yan… just move on…” “Pero… Eliza… bakit ganun… sabi mo kasi, may crush siya sa akin… tapos yung mga sinasabi at ipinakikita nya, pahiwatig iyon… ibig bang sabihin ng mga iyon… niloloko nya ako??? Pinaglalaruan lang niya ang damdamin ko??? Flirt sya??? Mahilig sa mga babae??? Ano???” “Maybe… mukhang maraming chicks yun eh. Sa gwapo bang iyon… talagang magkakandarapa ang mga babae. Pero sa tingin ko lang ah… kaya nya siguro nagawa na magkaroon ng girlfriend para doon na lang ibubuhos ang pagmamahal sa babaeng iyon kaysa sa iyo.” “Ganun ba yun??? Ang ganda nung girl nya… ang pangalan ay Kyla Veronica Monique Sanchez. Ang haba, di ba? Tiningnan ko nga yung mga pictures nila… Super sweet sila. Niyakap ni Ranier si kyla sa bewang. Nakaramdam ako ng selos. Ewan ko ba… hay naku…!!!” malungkot kong pagkakasabi. “Haay… ngayon ko lang nakita ang bestfriend kong ma-inlove… grabe ka! May pa-iyak-iyak ka pa… haha… kapag may problema ka sa puso best… huwag mong kalilmutan na lumapit sa akin. Tutulingan kita. Ako ang magiging doctor mo sa puso. Haha… tutal first time mo lang itong naramdaman.” “O sige! Salamat, Eliza. Totoo pa lang… Nakakabaliw ang pag-ibig. Kaya dapat hindi mo ibibigay ang 100% na feelings mo para hindi ka masyadong maaapektuhan kapag nasaktan ka o iwan ka.” Pagkatapos naming mag-usap, lumabas kaming magkakaibigan sa school para bumili ng makakain sa labas. Maya-maya ay nakita ko si Ranier Cruz sa isang canteen. Nilapitan ko siya kaagad para ipakilala yung mga kaibigan ko. Remember??? Di ba… nasabi ko dati na… ipapakilala ko sa kaniya ang mga kaibigan ko. Nasa Chapter 8 yun. Kaya naman… Ipinakilala ko sila isa-isa sa kanya. Sa pagkakataon ding iyon ay malungkot sina Althea at Jasmine. Dahil may love problems din sila. Ewan ko ba… sa araw na ito ay ang lulungkot namin. Hindi ko lang ipinahahalata kay Ranier na medyo nasaktan ako dahil sa may Girlfriend na siya. Sinabi ko pa nga sa kaniya na… “Uy! Congrats nga pala ah! May girlfriend ka na!” nakangiti ko pang sabi. Pagkatalikod na pagkatalikod ko nung matapos ko siyang batiin ay talagang nasaktan ako sa mga salitang binitawan ko dahil alam ko sa aking sarili na hindi ako Masaya na may iba siyang minamahal. Baliw na talaga ako. Confirm na iyon. Haha… RANIER POV: I saw her again. Ipinakilala nya ako sa mga kaibigan niya as her promise to me last time. Then, she congratulates me for having a girlfriend with a smile in her face. When she says those words… “Uy! Congrats nga pala ah! May girlfriend ka na!” I feel guilty of what I did. I don’t know to myself. May be… because, I really love to be my girlfriend is only she. I hate myself! I hate my friendships. Why??? Sila kasi ang nag set-up ng lahat eh. Nakakainis sila! Parang makukuha ko na nga ang loob niya… but this time, may be, I set aside her. *************************************