Ch.97 - Playing Casanova Inabot ko ang bote ng beer na nasa table namin. Diretso akong uminom doon. Pumasok sa bibig ko ang malamig at mapait na lasa ng alak. Walang ipinagkaiba sa nararamdaman ko ngayon. "Aba Red, hinay hinay ka lang dyan. Para kang isda ah," awat ni Enzo na naglilinis ng bar counter. "Hayaan mo na, brokenhearted eh," sabat ni Jack na tumungga din ng alak nya. "Haay.." naiiling nalang si Enzo. Tss. Mga sira ulo. Masam ba kung uminom ako? Sa masakit eh. Sobrang sakit lang dahil hindi ako ang pinili ni Samantha. Mahal ko yun eh. Pero wala, hanggang kaibigan nalang talaga siguro ako. Pucha! Friendzone, first time kong malagay dun ah. "Alam mo Red, marami naman kasing iba dyan. Yung walang komplikasyon, yung willing, yung single." "Di mo ako naiintindihan Jack. Sana ma-inlove ka rin." "Woah dude! Knock on wood hwag naman! Happy ako sa buhay ko ngayon, alam mo na. Pwede akong makipagkilala sa maraming babae nang walang nangyayaring LQ. At ang isa pa, ayokong matulad sa inyo nila TOP at Kyo. Tsk! Tsk!" Tinignan ko sya nang kunot noo. "Hindi ba pinpormahan mo yung kaibigan ni Samantha?" "Si Maggie babes? Wala, crush lang 'yun. Tsaka hang-out lang kami, masaya kasi kasama 'yun eh haha! Teka dude ha, may nakikita akong chix eh," tumayo sya sa high stool at pumunta sa dance floor. Nailing nalang ako at muling uminom ng alak. Gusto kong malasing para naman makalimot ako kahit sandali. Hindi ko maalis sa isip ko ang gabing 'yon. Naiintindihan ko naman sya. Tanggap ko naman talaga pero masakit parin. Gusto kong magmakaawa sa kanya na ako nalang pero ayokong gawin 'yon. Kaibigan ko si TOP, nirerespeto ko sya. May respeto rin ako kay Samantha. Kung magmamakaawa ako baka lumayo lang ang loob nya sa akin. Ayoko naman layuan nya ako, mas hindi ko yata kaya 'yon. Yung mas nangingibabaw na pagkatao ko, hindi rin makapayag sa naisip kong yon. Si Red dela Cruz? Luluhod sa isang babae. Not in a million years! Pero kung 'yon naman ang kapalit bumalik lang sakin si Samantha okay lang. Kaya ko naman lunukin ang pride ko eh. Pero hindi naman ganon ang kaso. In love sya sa bestfriend ko. Hindi ko sila dapat na saktan. Ako nalang ang lalayo, ako lang naman ang nagpa-komplikado sa sitwasyon nila eh. Kasalanan ko rin. Bakit kasi ako nahulog kay Samantha? Hindi ako nag-ingat. Pero kung babalikan ko ang two years namin na magkasama ni Samantha, imposible naman kasi talaga na hindi ko sya magustuhan. Mabait sya, malambing, masayang kasama, matalino at maganda. Naiintindihan nya ako. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. Tama na Jared. Hwag mo na syang isipin. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Nilunod ko nalang ulit ang sarili ko sa alak. Ano na ngayon ang gagawin ko? Ipapa-cancel ko ang engagement. Pero hindi naman sila papayag. Ang alam nila, nagkakamabutihan na kami ni Samantha. Not unless may mangyari na makakasira sa relasyon namin. Ano'ng gagawin ko para masira ang tingin nila sa'kin? "Hi!" may tumabi sa akin na babae. "Mind if I join you?" Tinitigan ko ang babaeng nasa tabi ko. Maganda sya at talagang nakakaakit ang suot nyang mukhang kinulang sa tela. Sya ang tipo ng babae na madalas kong nakakasabay paglabas ng bar. "What's your drink?" "Hmm. Gin tonic," sagot nya. "Enzo! Gin tonic for the lady!" Nag-okay sign sakin si Enzo bago asikasuhin ang order ko. "So," naramdaman ko ang kamay nya sa dibdib ko "I heard you have a very sexy ride. You mind giving me a ride home?" bumaba nang bumaba ang kamay nya. Tinignan ko sya at saka ako ngumisi. Typical night. Mukhang wala akong choice kung hindi ang bumalik sa dating gawi. "Sure." *** Dinampot ko ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Pumasok ako sa loob ng bathroom. In-on ko ang shower. Mainit ang tubig. Balik sa dating gawi Red Dela Cruz? Pumikit ako habang dinadama ang pagdausdos ng tubig sa katawan ko. Isa na namang babae ang naikama ko. Bakit ba ang dali nilang makuha? Samantalang kung sino ang gustong gusto kong paligayahin hindi ko naman makuha. Ano ba ang mali sa mundong ito? Ginamit ko ang twalya na nakasabit para patuyuin ang sarili ko. Mabilis akong nag-suot ng damit ko. Lumabas ako ng bathroom. Tinignan ko si Jessica. Hindi ako sigurado kung Jessica nga ang pangalan nya. Magaling sya. Kahit papaano nawala sa isip ko si Samantha. Bukas bibili ako ng regalo para sa kanya. Pasalamat lang. Mahimbing ang tulog nya, nakabalot sa hubad nyang katawan ang satin na kumot. Lumabas na ako ng kwarto nya at nagpatuloy palabas ng hotel suit nya. Tinignan ko ang cellphone ko. Wala man lang text si Samantha. Potek! Bakit ko nga ba iniisip si Samantha? Ipinilig ko ang ulo ko. Shit naman Dela Cruz! Tigilan mo na sabi ang pag-iisip sa kanya. Habang naglalakad sa hallway at isinusuot ko ang jacket ko may nakabunggo akong lalaki. "Hey! Watch it boy!" Hindi ko sinagot ang singhal nya. Kunot noo ko lang syang pinanood habang naglalakad palayo. May tattoo sya sa batok nya. Katulad ng sa mga tauhan ni Mr Fan. Ano'ng ginagawa ng tauhan ni Mr Fan dito sa hotel? Sinundan ko ang lalaki. Nakita ko syang kumatok nang may pattern sa pinto. Bumukas ang pinto at nakita ko ang isang malaking lalaki. Mga chinese. Pumasok ang lalaking nakabunggo ko sa loob ng kwarto. May negosasyon ba sila dito? ***Samantha's POV "Timothy!!" kumatok ako sa pinto ng apartment nya gamit ang paa ko. Di ko kasi magawang bitawan ang tupperware na dala ko. Nag-luto ako ng pasta carbonara. Gusto kong ipatikim sa kanya. Gusto kong ma-impress sya sakin nang mas lalo syang ma-inlove at ligawan na nya ako. *u* Nagkaron ng ilang lagabag sa loob bago bumukas ang pinto. Nakahubad si Timothy at tanging jeans lang ang suot. May bed hair pa sya at mukhang kagigising lang nya. Kumurap-kurap lang ako sa kanya habang pinipilit na alisin ang mga mata ko sa kanyang hubad na katawan. Gusto kong bitawan ang tupperware na hawak ko at hawakan ang 8packs nya. Oh my gaaaahd. *Q* "Miracle, what are you doing here?" mukhang nawala ang antok nya nang makita nya ako. "Erm," buong lakas kong inangat sa gwapo nyang mukha ang tingin ko "N-Nagluto ako ng carbonara. Uhh.." napatingin ulit ako sa katawan nya at nakagat ang labi ko. "A-Ano.. Gusto kong tikman.." tumingin ulit ako sa mukha nya nang may malapad na ngiti "mo ang luto ko." May knowing look sa mukha nya na parang alam nya talaga ang iniisip ko. Tumawa lang sya nang mahina. Binuksan nya nang mas malapad ang pinto para papasukin ako. Nagmadali akong pumasok sa loob. Unang bumungad sa akin ang living room nya. Maliit lang. May isang mahabang sofa, isang mababang table sa harap at may TV sa tapat. Sa kaliwa ko may estante ng malapad na aquarium na wala namang laman. May pinto ng kwarto sa likod ng estante na 'yon. Yun siguro ang kwarto ni Timothy. Marami paring un-opened box sa sahig. Hindi pa nya naaayos ang paglilipat nya. Sa kanan ko naman may estante rin. Nakapatong ang susi nya doon pati na rin ang itim na helmet ng motor nya. Sa likod ng estante na 'yon ang kitchen nya. Parang imposible na mapatira rito si Timothy. Kung ikukumpara ito sa magarbo nyang condo unit, kwarto lang nya ito eh. Bakit kaya sya nagtya-tyaga tumira rito? "Here let me take this," kinuha nya ang carbonara mula sa'kin. Sinundan ko sya sa kanyang kitchen. Nakatingin lang ako sa likod nya. Gusto kong haplusin yung likod nya. Ang sexy nya. Malinis ang kitchen, unang napansin ko. Ipinatong nya ang tupperware sa lamesa nya. "Nilagyan ko 'yan ng maraming mushrooms! Masarap 'yan!" *Q* sabi ko habang nakatitig parin sa katawan nya. "Sobraaaang masarap!" Napatakip ako sa mukha ko. WAAAAH! Tukso! Tukso! Ang init! Tumakbo ako papuntang living room nya na hindi naman kalayuan sa kitchen. Nakikita ko parin sya doon. May kung ano syang inaayos don. Inililipat nya yata yung carbonara sa plate. Kinuha ko yung remote at binuksan ang TV nya. Hmm.. Showtime na ang palabas. Inilipat ko yung channel sa Etc. @0@* The Bachelor's Pad ang palabas. AAAACK! Ang mata ko. Nag-panic ako kaya naman nalaglag yung remote sa sahig na sumuot naman sa ilalim ng sofa. EEEEHH! May nagki-kiss sa screen! Ang hot masyada ng scene! Kinuha ko yung remote mula sa ilalim ng sofa! Ang hirap sungkitin. "What are you doing?" "A-Ah! K-Kinukuha ko yung remote!" >0< Naabot ko na yung remote sa wakas. Agad kong in-off ang TV. Whooo! Pinagpawisan ako dun! =___= Di ko alam kung sa eksena o dun sa ginawa ko. Umayos ako ng upo sa sofa. Tinignan ko si Timothy na nakatingin lang sa akin. "Ano? Natikman mo na yung carbonara? M-Masarap yun! Niluto ko 'yun eh!" kinakabahan na sabi ko. Breath in. Breath out. "Are you okay? Your face is red Miracle." "H-Huh? Oo naman okay lang ako! Ano, wala kasing aircon dito, mainit," pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang isang kamay. Timothy why do you have to be so hot? >///< "I'll take a shower first, then we'll eat together okay?" Tumango ako. Pumasok sya sa kwarto nya. >///< Kinuha ko yung isang throw pillow sa sofa at itinakip ko sa mukha ko. Sumigaw ako dun na parang kinikilig at saka humiga sa sofa. Sa susunod gigising ulit ako ng maaga para magluto! @u@* *** Kumakain kami ni Timothy sa kanyang kitchen nang may kumatok sa pinto nya. Napansin ko na nag-stiff sya. Tumayo sya at hinila ako papunta sa bathroom nya. "Timothy ano'ng ginagawa mo?" tanong ko nang isasara nya ang pinto. "Just.." nag-isip sya sandali "stay here Miracle. Please. Be quiet and don't open this door." Iniwan nya ako sa loob ng bathroom. Err.. Madilim din kasi pinatay nya yung ilaw. Hmm. Ano ba ang ginagawa nya? Bakit nya ako itinatago? WAAAAH! Hindi kaya may babae sya?! >0< Idinikit ko ang tenga ko sa pinto. Pinakinggan ko nang mabuti kung may boses ba ng babae. May parang bulungan akong narinig. Pero parang boses naman ng lalaki. Idiniin ko pa ang tenga ko sa pinto para mas marinig sila. "Relax TOP! Ibaba mo 'yan baril mo, kami lang 'to hahaha!" "Fck what the hell?" "Bro pagamit ng CR mo!" Nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar yung boses nung dalawang lalaki. "No! Don't--!" "AAHHHH!!" muntik na akong matumba sa sahig nang buksan bigla yung pinto. May sumalo sa akin. Issey Miyake. Nang maamoy ko ang pabango nya agad akong kinabahan. "Samantha?" gulat na sambit ni Red. GAAAAAHD! Napatingin ako kay Red. "Jared.." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanyang mukha na ilang inches lang ang layo sa akin. AAAAAAAAAAHHH!! Bakit ngayon pa? Nakakahiya! >///< *Cough* Napatingin ako sa kasama nya. Si Jack yung umubo at si Timothy nakatingin sa amin. Tila naman natauhan si Red. Tinulungan nya akong tumayo. Hindi ako makatingin sa kanila. Namumula ang mukha ko habang nakayuko. Natahimik naman silang lahat. Err.. >__> My Gahd! AWKWARD!!!!!!!!!!!!! ***Author's Note HAHAHAHA! Ang awkward naman ng atmosphere nila. Nagkasama-sama silang tatlo. Kawawa naman si Jack maiipit sa awkwardnessss!! XD Wala si Yra bebe. Di ko ulit nakuha ang mga pabati eh. Next UD nalang. Trololo~ Bumalik sa pagiging casanova si Jared beybeh~ Di ko ito nai-upload agad kasi may sira si wattpad at nakakatakot maburahan ng chapter. >__< MALAPIT NA ANG SEM BREAK *U* XOXO Alesana Marie Ch.98 - Face The Wall Eeeeehhh! Bakit kailangan pang magharap kaming tatlo? >0< Ano nang gagawin ko? Kung aalis ako, baka isipin nila... affected ako? May iniiwasan? Gusto ko lang umiwas sa sitwasyon na ayaw kong maipit. Dapat stay cool lang ako. Pero pano?! WAAAAAHHH!! "Hi Samantha!" bati sakin ni Jack. Masasabi ko na awkward din ito para sa kanya. Sya ba naman kasi ang maipit sa eksenang ito?! Kaibigan pa nya yung dalawa! AAAAAHH!! Sana pala sa gabi nalang ako pumunta! Dapat sa dinner nalang! Aaahh!! >0< "U-Uh hi.." lumapit ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung sino sa dalawa ang lalapitan ko. Si Timothy ba o si Red? Ayoko naman lagyan ng meaning ang gagawin ko. Kung pipili ako sa kanilang dalawa nang harapan pa.. aahhh!! Hindi ko naman kayang gawin yun! "Uy may carbonara! Hahaha! Tamang tama gutom na ako!" sabi ni Jack. "Uhh.. Sige kainin mo na 'yan!" sabi ko. "Wow mukhang masarap ah. Ang daming mushrooms!" sabi ni Jack. Nagsalin sya ng carbonara nya sa plato. "Alam nyo paborito ko to eh! Hahahaha!" tawa nya. He..he.. Sinusubukan nya sigurong alisin ang awkward atmospehere. "Ikaw ang nagluto?" napapitlag ako nang maramdaman na nasa tabi ko na pala si Red. "Ah oo." Napalingon ako sa nasa likod nyang si Timothy na nakamasid lang. "Ginamit mo ang recipe na itinuro ko sa'yo?" tanong ni Red. AAAAAAAAHHHHCCCCKK!! BUSTED!! Gusto ko nang lamunin ako ng lupa! Kainin ng mga pader! Gusto kong matunaw! Bakit mo kailangan sabihin na ikaw ang nagturo sakin gumawa ng carbonara Jared?!!! <(>0<)> Sa harap pa ni Timothy... (__.___") Naramdaman ko ang laser beam na tingin ni Timothy sakin. Ahhh! Ayokong lumingon. TT___TT Bakit mo kailangan sabihin yon Jared? Bakit? TT3TT Tinignan ko si Red. Naka-smirk lang sya. Salbahe. "Ano sa tingin mo TOP? Masarap ba ang recipe ko?" tanong ni Red kay Timothy na kanina pa tahimik. Yumuko lang ako. Ayokong tumingin sa kanilang dalawa. AAAAAAAAAHHH!! Umalis na kaya ako? Aalis nalang ako!! "It's too salty," sagot ni Timothy kay Red "But even if it tastes like shit I'd still eat it since she cooked it for me." AAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!! Kailangan ko na talagang umalis.. Iwan ko nalang yung tupperware dito.. WAAAAAHHH!!! "Fair enough," ngumiti na si Red. "Jack you better not eat everything or I will--" -___- "Fine! Fine! Dude chill! Pasensya na gutom lang!" "Uhh.. Sa tingin ko aalis na ako.." paalam ko sa kanila. Tumingin silang tatlo sakin. >__< "May pupuntahan pa kami ng Crazy Trios eh." Kinuha ko na ang bag ko na nasa isang silya. "I'll walk you," sabi ni Timothy. Ahhhh! Awkward... >__< "S-Sige.." >__<; Tumingin ako kina Jack at Red. Si Jack na patuloy lang sa pagkain ng carbonara at si Jared na nakasandal sa refrigerator habang naka-crossarms. "Bye guys.." mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta sa pinto. Lumabas ako nang apartment ni Timothy. Pakiramdam ko isa akong bagong layang ibon! I am free! Sobrang awkward talaga sa loob! Hindi ko ine-expect na maiipit ako sa ganong sitwasyon. T.T Naglakad na ako pababa ng hagdan. "Miracle" AAAAAHHCCKK!! Nakalimutan ko na nakasunod nga pala sakin si Timothy. "A-Ah.. Hehe.. Ano yon Timothy?" pilit ang ngiti na tanong ko. Nakatingin lang sya sakin nang matiim. Alam na alam ko ang tingin na yon. Yon ang tingin na ginagamit nya kapag may hindi ako magandang nagawa. AAAHH!! >0< "You used his recipe?" -___-+ *lapit* "Timothy.." TT__TT *layo* "You made me eat what he taught you to cook?" -____-++ *lapit* "Timothy.." TT0TT *layo* "You learned that fcking recipe from him?" -___-+++ "Timothy I can explain!" TT0TT "Explain what Miracle?" "Uhh.. Ano.." >0< "I don't wanna hear it" -___- "Timothy.." TT3TT Si Jared kasi eh.. Bakit kailangan nyang sabihin yun? Huhu! Teka nga.. ginawa kaya nya yun para pagselosin si Timothy? Kung ganon.. nagseselos si Timothy.. "Nagseselos ka ba Timothy Odelle Pendleton?" tanong ko *^U^* "What?" -___- "Are you jealous? Hmmm?" tinignan ko sya. Kung kaya ko lang sigurong gayahin ang facial expression ni SpongeBob nung nalaman nya na kumakain ng krabbypatty si Squidward nagawa ko na. "Don't make that facial expression Miracle. You look like a freakin retard again." -___- "Ok. Ok." ^____^ "Nagseselos ka lang eh hoho!" "Don't push your luck Miracle," -____- "Fine! Alis na nga ako!" Tumalikod na ako at bumaba ng hagdan. Nasa third floor pa naman kami. Ayokong sumakay sa elevator. Baka kasi biglang bumigay eh. Nakakatakot pa naman dito, mukhang tambayan ng mga kaluluwa. >__< Hinigit nya yung kamay ko nang makatungtong kami sa first floor. Napaikot tuloy ako at napasubsob sa dibdib nya. Napahawak ako sa ilong ko. Naramdaman ko naman ang isa nyang kamay sa likod ko. Napatingin ako sa mukha nya. Nakangisi lang sya at sobrang lapit ng mukha nya mula sa akin. Hindi ko maiwasan na mamula. "Next time I'll teach you how to cook" Napalunok ako. Ang lapit talaga ng mukha nya. Soooo tempting. >0< Kanina pa to si Timothy nang-aakit ah! Una sa hubad nyang katawan tapos ngayon.. haa! Ang bango nya, naamoy ko ang sabon na ginamit nya. Ang fresh! >///< "O-Okay.." sagot ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata nya. Hinihigop ako ng mga mata nya. Kahit kailan talaga hindi nawala ang epekto na ito sa akin ni Timothy. Sa tuwing tititigan ko sya sa mga mata nawawala ako. Wala na akong ibang nakikita sa paligid ko kung hindi sya lang. Sa tuwing mangyayari ito, pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga. Ayaw din tumigil sa pag-lipad ng mga paru-paro sa tyan ko. Unti-unti ay bumaba ang mukha nya palapit sa akin. Napatingin ako sa labi nya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat nya pataas sa batok nya. Nag-tiptoe ako para maabot ko sya. Naglapat ang mga labi namin. Pakiramdam ko may sumabog na kung ano. Isang fireworks display? Marahan ang paggalaw ng mga labi namin sa isa't-isa. Niyakap nya ako nang mahigpit, mas hinigit ko pa sya palapit sa akin. Ang tagal na simula nang maramdaman ko ang labi nya sakin. Alam ko na may kasunduan kami na walang halik na mangyayari samin hanggat hindi pa ulit nagiging kami pero.. hindi ko yata kaya. Hindi ko talaga kaya. Mahal ko sya at sobra ko syang namimiss araw-araw. Makalipas ang limang minuto tsaka lang kami tumigil. Magkadikit ang mga noo namin at nakatingin kami sa isa't-isa. "I love you," malumanay na sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata nya. Hinihintay ko na kumalma ang nagwawala kong puso sa dibdib ko. Bumaba ang kamay ko sa dibdib nya, pareho lang pala kami. Magkasing bilis lang ang tibok ng mga puso namin. Napangiti ako. "I love you too," sagot ko sa kanya. Ngumiti sya sakin. Niyakap nya ako nang mahigpit. Ilang minuto ulit kaming ganon, tila ayaw na naming pakawalan ang isa't-isa. "Cook for me again tomorrow Miracle" "Okay," nakangiting sangayon ko. "Don't use his recipe," parang bata na sabi nya. Tumawa ako. "Opo. Napaka-seloso mo talaga." Hinalikan nya ulit ako bago nya ako pakawalan. "Bye," hinihigit ko yung kamay ko mula sa kanya. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. "Timothy.." sambit ko nang ayaw nya akong bitawan. Hinigit nya ulit ako at muling hinalikan sa labi. "I'll see you later" bulong nya sa tenga ko. Tumawa ako. "Bye na!" hinigit ko na yung kamay ko at tumakbo palayo bago pa nya ako ulit mahigit. Tumawid ako sa kalsada. Lumingon ako sa kanya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa akin. Kumaway ako sa kanya. Nag-flying kiss ako sa kanya at muling kumaway. Naglakad na ako papunta sa bahay namin ng Crazy Trios. Mabuti nalang hindi kalayuan ang agwat ng mga tinutuluyan namin ni Timothy. *SCREEEEEEEEEEEECH!!!* May itim na SUV ang tumapat sa akin. Mula doon ay may dalawang malalaking lalaki ang bumaba. Napaatras ako nang tignan nila ako. "MIRACLE!!" narinig kong sigaw ni Timothy habang tumatakbo palapit. Tatakbo sana ako pabalik kay Timothy nang hilahin nila ako at pilit na isinakay sa sasakyan. Kinalmot ko sila sa mukha at pinagsisipa. Mahigpit akong hinawakan nung isa sa kanila. May mga sinasabi sila na hindi ko maintindihan. Nagsisigawan sila sa loob ng sasakyan. Hindi ko maintindihan ang mga salita nila. May nagtakip sa ilong ko. May matapang na gamot akong naamoy pagkatapos non ay dumilim na ang paligid ko. ***Author's Note Hohoho! So kailangan na ulit ibalik sa action and spice ang everthing not so nice ang story na ito. Hoho! Oh noez! Si Miracle este Sammy pala! Nakidnap! AAAAAHHH!! May new short story ako. Can You Keep A Secret? Hoho! Try nyo sya! 1million reads na ang NTBG! Lapit na. Ilang reads nalang. After nito, 1million na. XD PABATI SECT. Pinapabati ni Istin Gonzales ang kanyang boyfie na si CAS na sobrang hook na hook sa NTBG. Pinapabati ni Bianca Señadan si Mary Rose Ann Sese ng BOA LT PUP Manila na nag-aadik sa NTBG at sa kanyang mga girlfriends na sina Roxanne Bitancur, Christine Valladolid, Amparo Casas at Grace Urgel. Hi din sa family niya sa Samantop at sa kanyang mamee na si Sonia Gerona Jra and unnies. Hello kay Anna Mendros Stella at belated happy birthday kay Daryl Ann Pinapabati ni Louielyn Llander ang Juniors ng Tabaco National High School esp. kina Heddy Chiong, Joshua Mae Hormigos, Jeanne Bilasano, Reean Corral, Jenny Gozales, at kay Ma. Jessa Lorica. Pinapabati ni Nymfha Ylaya Anchorez sina Rosette Mendoza, Ruth Agquiz, Pinky Perez, Mabelle Salazar, Fhaye Clar de Jesus, Princess Gener, Maybelle Firme at Clisrael Samson. Pinapabati ni Julee Lawis ang kanyang bestfriend na si Rachelle Perido Pinapabati ni Alyssa Natano ang IV ICT ng Camarines Norte National High School esp. ang mga adik sa wattpad. Hello rin kay Rochiel Salutem at sa mga Solid Samantop. Pinapabati ni Cielo Alejos ang BSM21 A.Y. 2012-2013 ng DLSU-D. At sa CLAM^2. Hello din sa mga kaklase niya na adik sa wattpad, sina Angel, Vivianne, Yvey, Carmina, lahat lahat na. Hello din sa BSM11 A.Y.2011-2012. XOXO Alesana Marie Ch.99 - Sudden Death Nagising ako bigla nang may maramdaman akong humila ng buhok ko. Inangat ng taong yon ang mukha ko na kanina ay nakayuko. Agad akong nag-panic, nakagapos ako sa isang upuan at napapaligiran ako ng tatlong lalaki. May takip na packing tape ang bibig kaya hindi ako makasigaw. "I will let you hear her voice then," sabi ng lalaking chinese "Speak!" Marahas na tinanggal ng isa pang lalaki ang takip sa bibig ko. Itinapat ng lalaking nakahawak sa buhok ko ang cellphone nya. Pinigilan kong pumatak ang luha sa mga mata ko na dala ng sobra kong kaba. [Miracle! Are you alright?! Miracle!] "Timothy!" natatakot na tawag ko sa kanya. [Are you alright?! Did they hurt you?! I'm coming for you don't worry!] "Timothy.." napahikbi nalang ako sa takot. "I'm scared.." Inalis ng lalaki ang cellphone sa tenga ko. "You hear that, boy? Your precious princess is scared hahahaha!" Ibinalik nila ang takip sa bibig ko. Inalis na rin ng lalaki ang hawak nya sa buhok ko. Tumalikod sya habang kausap si Timothy sa cellphone. Sino ba sila? Mukha silang chinese na tatlo. May mga nakakatakot na tattoo ang buong braso nila. Ano'ng kailangan nila sakin? Ano'ng kailangan nila kay Timothy? "Give me the disk if you want to see her alive. You call the police and she'll be dead. You have.." tumingin ang lalaki sa kanyang relo "fourty minutes to do that." Natapos ang usapan nila ni Timothy. Nag-usap silang tatlo gamit ang lengguahe nila, tumingin sakin ang pinaka-boss nila saka sya ngumiti na nakapag-pataas ng balahibo ko. May sinabi sya sa dalawa nyang kasama. Yumuko ako at pumikit nang mariin. Sana panaginip lang ito, isang bangungot. Sa muling pagmulat ko nandon parin ako. Nakagapos parin sa likod ko ang mga kamay ko, nakatali sa magkabilang paa ng silya ang mga paa ko. Disk daw. Ano'ng disk 'yon? Bakit nila ako kailangang dukutin para lang sa isang disk? Kumunot ang noo ko nang mapansin ang tiles sa sahig. Nakita ko na puro tiles ang sahig pati na rin ang pader.. tumaas ang tingin ko.. nasa isa akong swimming pool na walang tubig. Isang olympic swimming pool. Bumalik ang tingin ko sa kanilang tatlo. Naglalakad na sila palayo, umakyat sila sa metal na hagdan ng pool. Nawala na sila sa paningin ko. Ano'ng balak nila? Bakit nila ako iniwan sa gitna ng pool? Dito ba nila ako balak itago? Kung hindi ako nagkakamali nasa isa akong school. Isang highschool. *swwiiiiisssssshhhh* "Hmmmph!" sigaw ko sa tikom na bibig nang makita na may tubig na lumalabas sa apat na side ng pool. Natakot ako nang husto dahil malakas ang agos ng tubig. Hindi magtatagal ay mapupuno ang pool. Kapag nangyari 'yon malulunod ako dito at mamamatay. Oh God! Please.. not now. Timothy.. ***Kyo's POV "F*CK!!!!" nasuntok ni TOP ang pader sa galit. Natahimik kaming lahat. "Kasalanan ko 'to," naihilamos ni Red ang kamay nya sa mukha nya "Ako ang kumuha ng disk sa kanila. Nandon ang lahat ng files na kailangan natin, lahat ng impormasyon tungkol sa bentahan ng droga. Masyado akong nagmadali." "Hindi ito ang panahon para magsisihan, kailangan na nating magdesisyon. Pinuno, ano ang plano?" tanong ni Vin. Nalipat ang tingin naming lahat kay TOP. Nanginginig sa galit ang buong katawan nya. "Locate them, track them, do everything to know where they've taken her. Give them the disk to save her." Tumango kaming lahat. "Are 'ya insane mate?" galit na tanong ni GD "I ain't giving 'ya the disk! I already have it in my hands, I ain't giving them shit!" "We will give them the disk GD," matigas na sabi ni TOP. "Screw you! All this for one lousy girl?!" tumayo si GD mula sa pagkakaupo sa sofa. Mabilis na kinwelyuhan at inangat sa sahig ni TOP si GD. Nagbabaga ang mga mata ni Pinuno habang nakahinang iyon sa mga mata ni GD. "We will give them what they want, whatever they want and you'll have to shut your fcking mouth or I swear to your fcking lunatic father I will kill you and send your corpse back to your country with your head missing." Marahas na binitawan ni TOP si GD at agad naman itong napasalampak sa sahig. Hawak nito ang leeg habang umuubo. Lumapit si Jun kay GD. Kinuha nya ang disk na nakalagay sa dibdib ng coat nito. "Sorry dude pero kailangan maghintay ng trono mo," sabi ni Jun. "Fck you!" lumabas si GD sa apartment. "Seven did you trace the call?" tanong ni TOP. "Naputol ang linya sa lugar na ito," tumingin kaming lahat sa inilatag nyang mapa sa mesa. Pumunta kami sa kusina para makiusisa. "Masyadong malawak ang sakop nyan," sabi ni Sun. "Pero tignan nyo, may tatlong lugar lang na pwedeng pagtaguan dyan," turo ni Mond. "Ang gubat ang isa," sagot ko. "May construction site rin sa lugar na yan, kailangan natin i-check," sabi ni Six. "Yung isa naman ay isang terminal ng tren," sabi ni Dos. "Kailangan nating maghiwahiwalay," suhestyon ni Pip. "Let's divide the group into four. Sun, Pip and Mond search this area," turo ni Pinuno sa gubat "Dos and Six you have this area," turo niya sa train station "Kyo and Jun the construction site." "Ako na ang bahala sa disk," sabi ni Red "TOP ikaw na ang bahala kay Samantha." "Seven, Jack, Vin and Omi will be your back-up Red. Send us a message if you find anything." Kinuha na namin ang mga gamit namin. Naghanda na kaming umalis. Unang umalis sina Sun, Pip at Mond. Sumunod sina Dos at Six. "I still have to check this area just to be sure.." narinig kong bulong ni TOP sa sarili nya. Nakatingin sya sa mapa kung saan may malaking pampublikong eskwelahan. "Sigurado ka ba na kaya mong mag-isa? Baka mapalaban ka sa pupuntahan mo," tanong ko. "No, I'll be okay. Go," sagot ni TOP. Sumunod na akong lumabas kasama si Jun. "Sorry kasalanan ko." "We will talk later" Narinig kong usapan nila Red at TOP bago sumara ang pinto. Sana lang mahanap namin nang ligtas si Samantha. ***Samantha's POV Umabot na hanggang leeg ko ang tubig. Pilit kong inaangat ang ulo ko. Masyadong mahigpit ang tali sa mga kamay ko. Timothy! Paulit-ulit ko syang tinatawag sa isip ko baka sakaling marinig nya ako. Dito na ba ako mamamatay? Paulit-ulit ko na yata itong tanong sa sarili ko. Bakit ba palagi akong naiipit sa ganitong sitwasyon? Tumingin ako sa umaagos na tubig. Mukhang hindi hihinto ang paglabas ng tubig mula sa apat na butas ng pool. Hindi iyon hihinto para sakin. Napatingin nalang ako sa langit. Kahit papaano maraming bituin sa langit. Maliwanag ang bwan kaya hindi naiwang madilim ang paligid ko. Kung babalikan ang mga pangyayari sa buhay ko.. ang dami ko pang gustong gawin. Marami pang kulay sa buhay ko. Marami pang bagay akong gustong magawa na hindi pinahintulutan nila Mama. Kung alam ko lang na mamamatay na pala ako ngayon dapat ginawa ko na lahat ng mga gusto kong gawin noon pa. Sana naranasan ko munang maglasing at magwala sa isang bar. Sana naranasan ko rin ang mapasok sa detention, magpakulong, magpa-tattoo, magpakulay ng buhok, kumain ng maraming street foods, makipag-away sa pinsan ko na mahilig akong siraan sa iba, pati na rin ang mag-skinny dipping! Higit sa lahat.. Sana nagawa ko munang pakasalan si Timothy. Sana nagawa ko munang ibigay nang buo sa kanya ang sarili ko. Sana naranasan ko munang maramdaman ang halik nya sa buong katawan ko, yakapin sya sa malamig na gabi, ang makasama sya buong araw nang walang nangyayaring masama. Gusto ko syang makasama na mamili sa supermarket, gusto kong turuan nya akong magluto.. gusto ko syang makita na nililigawan ako.. Ang dami ko pang hindi nagagawa sa buhay ko. Sana ginawa ko na lahat nang 'yon. Kung mabubuhay ako ngayon.. ipinapangako ko na wala akong sasayangin na sandali sa buhay ko. Mabubuhay ako nang ako ang nasusunod at hindi ang ibang tao. Magiging masaya ako sa lahat ng desisyon ko. Paninindigan ko si Timothy. Magsasama kaming dalawa. Lalayo at bubuo kami ng sarili naming pamilya. Kung mamamatay naman ako.. Ang tanging hiling ko lang.. Sana.. ..mapatawad ni Timothy ang sarili nya sa nangyaring ito sakin. Sana hindi sya sisihin ng mga magulang ko. Sana makawala sya sa alaala ko. Sana makahanap sya ng iba pa nyang mamahalin.. bukod sa'kin. Kahit na masakit isipin ang huling hiling ko, sana mangyari parin. Ayoko syang habangbuhay na maging malungkot. Timothy.. Lumagpas na sa leeg ko ang tubig. Inangat ko pa nang husto ang mukha ko. Tinitigan ko ang langit. Hinihiling ko na sana magawa ko pa ang lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko. Huminga ako nang malalim bago pa ako tuluyang matabunan ng tubig. Lumagpas na ang tubig sa ulo ko. Isang minuto ko lang kayang pigilan ang paghinga ko.. pagkatapos non.. hindi ko na alam.. ***Red's POV "Where is the disk?" tanong ni Mr Fan. "Where is the girl?" tanong ko pabalik. Nakatayo kami malapit sa daungan ng mga barko. Kasama nya ang iba nyang tauhan. Nasa tabi ko naman si Jack. Sina Seven, Vin at Omi naman ay nasa ibang lugar kung saan nakabantay sila sa magaganap na putukan. Sila ang hitman namin. "Give me the disk and I will tell you where the girl is," nakangising sabi ni Mr Fan. "Jack," sambit ko sa katabi ko. Inabot nya sakin ang disk "I have the disk, tell me where she is!" "Hand it over kid!" utos nya. Ihinagis ko sa kanya ang disk nya. "Hahaha! You fool! Hahaha! She's in a swimming pool and.." tumingin sya sa relo nya "Sorry, time's up. She's dead." Nanigas ang buong katawan ko sa narinig ko. Bigla akong nanlamig. Pumasok sa isip ko ang walang buhay na si Samantha. May tumulak sakin at doon lang ako nagising mula sa iniisip ko. Nakarinig ako ng maraming putukan. "AAAAAAAHH!!" sigaw ng mga tauhan ni Mr Fan. Tumumba ang iba sa kanila. Ang ilan naman ay tumakbo. "RED! TAWAGAN MO NA SI TOP!! SABIHIN MO SA KANYA!! SHIT!!" mura ni Jack nang paputukan kami ng kalaban. Nakatago kami sa gilid ng kotse. "MGA GAGO KAYO BAGONG BILI LANG 'TONG KOTSE KO!!!" sigaw nya bago sya gumanti ng sunod-sunod na pag-baril. Kinuha ko ang cellphone ko. Mabilis kong dinial ang numero ni TOP. "T-TOP!! SI SAMANTHA--SA POOL!! NASA ISA SYANG SWIMMING POOL!!" [Shit!] ang narinig kong sagot nya bago maputol ang linya. Kinuha ko na ang baril ko. Tinulungan ko si Jack sa pagbaril. Tumayo ako. Tinamaan ko ang dalawa sa kanila. Nakita ko si Mr Fan na tumatakbo, agad ko syang sinundan. "RED HAYAAN MO NA!!! GAGO MAPAPATAY KA SA GINAGAWA MO!! BUMALIK KA DITO!!" *** "Shit! Shit! Shit!" sambit ni TOP habang tumatakbo papunta sa pool area ng eskwelahan. Malaking pasasalamat nya na napagdesisyunan nyang puntahan ang lugar pero kung hindi nya masasagip ang dalaga.. "MIRACLE!!" sigaw nya. Binuksan nya ang gate papunta sa pool area. Nakita nya ang swimming pool na patuloy ang pagbuhos ng tubig. Hindi pa ito gaanong napupuno pero mataas na ito. May nakita syang bagay na nasa ilalim ng tubig. Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso nya nang mapagtanto kung ano o sino ito. Mabilis syang tumalon sa tubig. Lumangoy sya papunta sa nakalubog sa tubig na babae. Wala na itong malay. Nakaupo ito sa isang kahoy na silya at nakatali ang buong katawan nito rito. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng dalaga. Tinanggal nya ang tape na nasa bibig nito. Pilit nyang nilagyan ng hangin ang bibig nito mula sa kanyang bibig. Hindi parin ito nagkakaron ng malay. Kinuha nya ang dalang swiss army knife sa kanyang bulsa. Ginamit nya ang maliit na kustsilyo nito para kalagan ang tali. Base sa kapal ng lubid na ginamit ay alam nyang mahihirapan syang alisin ito. Puno ng takot para sa buhay ng babaeng mahal nya, pinilit nyang buhatin ang silya kasama ang dalaga. Dumoble ang bigat nito dahil sa tubig na nakasiksik sa damit at lubid. Inangat nya ito mula sa tubig na ngayon ay hanggang balikat na nya. Mabuti na lamang at hindi pantay ang sahig ng pool. May parte ito na mas mababaw na nagsisimula sa 4ft. Yakap nya sa kanyang braso at pilit na inaangat, nagawa nyang makaahon papunta sa metal na hagdanan nito. Ginamit nya ang kanyang paa, itinapak nya ito sa unang baitang ng hagdan, ginamit nyang patungan ang hita nya para sa silya. "Miracle! Miracle! Miracle!!" sigaw nya sa walang malay na babae. Tila nawala ang buhay nya. Natatakot sya na hawakan ang dalaga, hindi nya gustong makumpirma ang iniisip nya. Masyado nang mataas ang tubig kanina pagdating nya. Ilang minuto na sigurado ang nakalipas nang huling huminga ang dalaga. Parang dinudurog ang puso nya. "TOP!!" may tumawag sa kanya pero hindi nya ito narinig. Nakatingin lang sya sa mukha ng mahal nya. Natatakot sya na alisin ang tingin sa dalaga. "Miracle please open your eyes! Miracle!" sigaw nya. "Shit! Ano'ng nangyari?!" tanong ni Jun. Lumapit si Kyo sa pool, hinigit nya paitaas ang silya. Agad naman na tumulong si Jun sa paghila. Tila natauhan naman si TOP nang makarinig ng putok ng baril. Ginamit ni Kyo ang baril nya para putulin ang mga makakapal na lubid. Lumapit si TOP at mabilis na inalis ang mga tali sa dalaga.Binuhat nya ito palayo sa silya. Inihiga nya sa semento ang dalaga at binigyan ng CPR. "Wifey! Please.." sinalinan ng hangin ni TOP ang bibig ni Samantha "breath! Miracle!" muli nyang inilagay ang dalawang kamay sa gitna ng dibdib ng dalaga at binilangan ng pag-pump "Miracle! Open your eyes! Fck!" muli nyang sinalinan ng hangin ang bibig nito. "Fck it! Open your fcking eyes! Wifey!" Sa ganoong tagpo nadatnan ng iba pang myembro ng Lucky 13 ang kanilang pinuno. Sumisigaw ito habang pilit na ibinabalik ang buhay sa katawan ng babaeng mahal nito. Sa babaeng sinasamba nito, ang babaeng tanging minahal ng pinuno at kaibigan nila. "OPEN YOUR EYES!! DAMMIT MIRACLE!! FCK!!" hindi parin tumitigil si TOP sa pagbibigay ng CPR dito kahit ilang minuto na ang nakalipas. "MIRACLE!! DON'T DO THIS!! OPEN YOUR EYES WIFEY!!" May tumapik sa balikat ni TOP. "TOP.." umiling si Vin na ibig sabihin ay nahuli sila. "NO!!" sigaw ni TOP sa kaibigan "She's not.. she's not dead! She's not dead!! Wifey c'mon! Open your eyes Wifey! Miracle.. OPEN YOUR EYES DAMMIT!!" Napayuko ang mga binata na hindi na kayang panoorin ang nangyayari. Nabigo sila. Niyakap ni TOP ang katawan ng dalaga. Sa unang pagkakataon humagulgol sya ng iyak sa harap ng mga kaibigan nya. "Miracle.." sambit ng binata sa pagitan ng iyak nya "Don't leave me like this! Miracle!" Tila naramdaman ng langit ang lungkot. Nakiisa ito sa pagbuhos ng luha nito. Dahil sa ulan, naitago na rin ng buong grupo ang mga luha sa kanilang mga mata. Sabay-sabay silang nagluksa sa pagkawala ng babaeng naging parte na rin ng mga buhay nila. ***Author's Note Isang malungkot na chapter... alam ko... ='( Start the Countdown for the ending.. Thanks to Chum11. XOXO Alesana Marie - Ch.100 - Beyond Miracle "AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!" nag-echo ang sigaw sa pasilyo ng ospital. Natigilan sa pagtakbo si Red nang marinig ang sigaw na 'yon. Kaibigan nya ang sumisigaw. Nablanko sandali ang isip nya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso nya. "Si TOP yun ah," komento ni Jack na nauna na kay Red sa pagtakbo. "MIRACLE!!! F*CK!!!!" puno ng hinagpis na sigaw ni TOP. Mabibigat ang hakbang na lumakad si Red patungo sa mga kaibigan nya. Lumiko sya sa pasilyo at sumalubong sa kanya ang nagluluksang mga mukha ng mga ito. Nandon din ang kapatid nyang si Audrey na walang tigil ang pag-iyak. Kasama nito ang nobyo na si Omi. Napalipat naman ang tingin nya sa kaibigang nagwawala. May mga nakaagapay na lalaking nurse rito at pinipigilan ang pagwawala nito. Hindi sya nakagalaw. Napako sya sa kanyang kinatatayuan. Hindi nya alam ang gagawin nya. 'Morgue' ang basa nya sa mga letrang nakasulat sa tapat ng pintuan na gustong pasukin ng kaibigan nya. Nahigit nya ang hininga. Nanlulumo sya na napasandal sa pader ng ospital. Ang akala nya ay wala nang mas sasakit pa nang piliin ni Samantha ang kaibigan nya imbes na sya. Ang akala nya wala nang mas hihigit pa sa sakit na naramdaman nya nang tuluyan na nya itong sukuan. Mali pala sya. Ilang libong beses pa pala itong mas masakit kaysa sa naramdaman nya noon. Ngayon.. wala na talaga ang dalaga. Hindi na nya ito makikita pang muli. Naikuyom nya ang isang kamao, ang isa naman ay mariin nyang naisuklay sa buhok nya. "K-Kuya.." humihikbing tawag sa kanya ng kapatid "Si Sam--" humagulgol ito ng iyak. Niyakap ni Red ang kapatid. Mariin nyang ipinikit sandali ang mga mata, naramdaman nalang nya na may tumulong luha sa mga ito. "W-Wala na sya kuya! Wala na sya!" malakas na iyak ni Audrey sa dibdib nya. Sa narinig ay mas lalong nadurog ang puso ni Red. Isang kumpirmasyon sa katotohanan na hindi nya gustong tanggapin. Wala na sya.. "Ano'ng nangyari?" tanong ni Jack kay Kyo. Umiling si Kyo sa kaibigan. Namumula ang mga mata nya. "Nakatali sya sa silya. Iniwan nila si Samantha sa gitna ng swimming pool.. para.. malunod. Nang dumating kami.. huli na," pahina nang pahina ang boses na kwento ni Kyo. "Wala na sya.." "AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!! SHIT!! FCK!! LET GO OF ME!!!" Lumapit sina Dos, Vin, Seven at Six sa paghawak sa nagwawala nilang kaibigan. "MIRACLE!!!!!!! NO!!! SHE'S NOT DEAD!!!! NO!!! F*CK!!!! NO!!!!" Napayuko si Red. Hindi nya kayang panoorin ang kaibigan sa ganitong kalagayan. Matatag ang kaibigan nya, lahat ng bagay kaya nitong lagpasan, walang inuurungan. Pero ngayon ni walang bakas ng lakas o tatag ang kaibigan nya. Nakagat nya ang labi nya at mabilis na nalasahan ang dugo. Sinisisi nya ang sarili nya. Kung hindi sana sya nagmadali na matapos ang misyon.. NAMUMULA na ang mga mata ni TOP. Wala na rin sa ayos ang buhok nito, garalgal na rin ang boses ng binata dahil sa kanina pang walang tigil na pag-sigaw. Hindi pwedeng mawala si Miracle sa kanya, hindi nya kakayanin 'yon. Kung ganito rin lang, wala na syang nakikita pang dahilan para mabuhay sya. Wala na syang kinabukasan sa mundong ito, hindi na nya nakikita ang sarili nya na may buhay. Mas nanaisin nya nalang na sumama sa babaeng lubos nyang minamahal. Mas nanaisin nyang mamatay nalang kaysa ang ipagpatuloy ang mabuhay sa mundong ito na wala naman ang dalaga sa tabi nya. Bakit ito nangyari sa kanilang dalawa? Sadya bang ayaw silang pagsamahin ng tadhana? Ano ba ang napakabigat nyang kasalanan sa mundong ito at pinaparusahan sya ng ganito ng langit? Bakit hindi nalang sya ang namatay? Bakit kailangan pang ang dalaga ang mawala sa mundong ito? 'Morgue' Isang sampal sa kanya ang mga salitang iyon. Ang salitang 'yon ang unti-unting pumapatay sa kanya. Kinakain ang puso nya nang paunti-unti. Hinihiwa at pinipira-piraso. Nasa loob ng silid na 'yon ang babaeng mahal nya. Nakahiga sa isang malamig na metal at nakatakip sa buong katawan nito ang isang puting kumot. Dinala nya ang dalaga sa ospital sa pag-aakalang matutulungan sya ng mga doktor. Pero isang malamig na iling lamang ang iginanti ng mga ito sa kanila. Matapos non ay dinala ng mga ito ang katawan ng dalaga sa loob ng malamig na silid na ito. Gusto nyang pasukin ito at alisin doon ang dalaga. Hindi nya gusto na nasa loob ito ng silid na 'yon. "I'm sorry Sir, wala na sya.." narinig nya ang tinig ng babaeng doktor. Tumigil sa pagkilos ang katawan nya sa narinig. "Miracle.." bulong nya. "Miracle.. Miracle.." "I'm sorry.." umalis ang doktor sa harap nya. Ilang minuto syang nakatulala sa kawalan. Nanginig ang buong katawan nya, ilang minuto rin ang lumipas bago nya namalayan ang dahilan nito. Iniiyakan nya ang pagtanggap ng isip nya sa pagkawala ng dalaga. Iniiyakan nya ang pagkawala ng buhay nya. Iniiyakan nya ang pagkamatay nya. HUMAHANGOS ng takbo ang tatlong kaibigan ni Samantha papunta sa kinaroroonan nito. Puno ng takot at sakit ang nararamdaman nila. Nakuha nila ang balita mula kay Audrey. Nagmadali agad silang pumunta sa ospital na tinutukoy sa text message. "N-Nasan sya?" tila may bikig sa lalamunan na tanong ni Michie "N-Nasan si Sammy? Okay lang sya diba?" naluluha na tanong niya kay Audrey. "Okay lang si Sammy diba Audrey? Diba?!" Sunod-sunod na iling lang ang sagot ni Audrey habang patuloy sa pag-iyak. "Hindi!" agad na iyak ni China. "Si Sammy.." niyakap ni Maggie ang kapatid at sabay silang umiyak. Nanghihina naman na napaupo si Michie sa upuan. Wala na ang kaibigan nya. Wala na. Wala na. Wala na ang bestfriend nya. Wala na ito. Huminga sya nang malalim. Sunod sunod na paghinga nang malalim ang ginawa ni Michie bago tumayo. Gusto nyang makita ang kaibigan nya. Lumakad sya papunta sa tapat ng pinto. "N-Nandito ba si Sammy?" nanginginig ang boses na tanong nya. "Michie hwag," awat sa kanya ni Audrey bago pa nya mahawakan ang pinto. "Bakit?" tanong nya "Bakit?! Bakit hindi ko sya pwedeng makita?! Ako ang bestfriend nya! Ako ang bestfriend ni Sammy eh! Hanggang dito ba Audrey hindi mo ako palalapitin sa bestfriend ko?! Bestfriend ko rin sya eh!" sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata nya habang nakatingin kay Audrey. "Alam ko.." niyakap ni Audrey si Michie nang mahigpit "Me too, I'm her bestfriend.." "Si Sammy--" humihikbing sabi ni Michie "Hindi sya pwedeng mawala--kasi kailangan ko pa sya! Di yun pwede! Di pwede! Sammy!!" Muling nabalot ng lungkot ang buong paligid. Tanging iyak lang nila ang maririnig. May lumapit sa kanilang isang lalaki na may uniporme ng ospital. "Pasensya na po pero hindi kayo pwedeng magtagal dito. Tanging mga kamaganak lang ang pwedeng manatili dito at pumasok sa loob. Pasensya na po," pagkasabi ay umalis na rin ulit ang lalaki. TINIGNAN ni Vin ang mga kaibigan nya. Mukhang walang balak umalis ang mga ito. Alas-dos na ng madaling araw pagtingin nya sa relo nya. "Nasabihan na ba ang mga magulang ni Samantha?" tanong nya kay Red. Tila walang naririnig ang kaibigan nya. Nakatulala lang ito na parang tinakasan ng buhay sa putla ng mukha. Nanginginig ang mga kamay nito. "Sinabi ko kina Mama," lumapit si Audrey kay Vin "Sila na daw ang bahala na magsabi sa parents ni Sam. Nasa England sila ngayon at bukas ng umaga ang dating nila kasama si Papa." MAY nakitang papalapit na tatlong pulis si Jun. Agad syang tumayo para salubungin ang mga ito. Tumayo rin si Vin at Mond para alamin ang pakay ng mga ito. "Tungkol ito sa nangyaring putukan sa may pier," sagot ng nangungunang pulis nang tanungin nila ito sa pakay nito "Maaari ba kayong maimbitahan sa presinto? May ilang katanungan lang kami." Tumingin si Vin sa mga kasama. Lumapit si Jack pati na rin si Omi. Sama-sama silang sumama sa mga pulis. Alam nilang hindi sila makukulong. Kailangan lang nilang magsalita tungkol sa nangyari. Lumakad silang lima kasama ang tatlong pulis at iniwan ang iba nilang kaibigan para samahan ang pinakaaepktado sa lahat ng ito, si TOP at pati na rin si Red. MAY KAGULUHAN sa labas ng ospital. Ilang reporters ang nagpupumilit pumasok sa loob. Mabibilis ang hakbang na iniwan ni John Gabriel Sy ang kaguluhan sa labas. Patuloy ang pag-flash ng camera sa likod nya. Naririnig din nya ang patuloy na tanong ng mga ito. Hindi nya alam kung paano nalaman ng mga ito ang balita. Nanlalaki ang mga mata ng mga tao sa ospital nang makita sya. Ang isang sikat na celebrity na katulad nya ay hindi mapapalampas ng mga tao rito. "Miracle Samantha Perez?" binigay nya ang pangalan ng taong hinahanap nya sa babaeng nurse na nakasalubong nya. "Where is she?" "N-Nasa.. Ah. S-Sumunod po kayo sakin," namimilog ang mga mata nito at tila namumula pa. Sinundan ni JG ang nurse sa paglalakad. Inalis nya ang hood sa ulo nya pati na rin ang shades sa mata nya. Si Samantha, ang kaibigan nya simula pagkabata. Nang una nyang mabasa ang ipinadalang text message sa kanya ng kaibigan nito.. mabilis syang umalis sa rehearsal ng susunod nyang concert. Hindi maganda ang gising nya nang umaga, alam nya na may mangyayaring hindi maganda nang araw na 'yon pero hindi nya alam kung sa kanya ba o kanino. Kaya pala bigla nyang naalala ang dalaga kanina. "N-Nandito na po tayo" Tinignan nya ang kwarto sa harap nya. Kumunot ang noo nya. 'Morgue' Tumingin sya sa nurse. Agad naman itong napayuko. "Ang sabi ko dalhin mo ako kay Samantha. Miracle Samantha Perez ang pangalan nya," malamig nyang sabi. Napakagat sa labi ang nurse. Mukha lamang itong estudyante. Mukhang bago lang sa trabaho. "K-Kasi po.." Lumibot sa paligid ang tingin ni JG. Tila nakakita sya ng pula nang makita nya roon si TOP na nakaupo sa isang silya. Nandon din ang mga kaibigan nito pati na rin ang mga kaibigan ni Samantha. Mabilis nyang nilapitan ang dating karibal. Hinawakan nya ang magkabilang kwelyo ng itim na jacket nito at sinuntok nang malakas sa mukha. "JG!!" mabilis syang hinawakan ng ibang kaibigan ng sinuntok nya. "Ano'ng ginawa mo?" nagtatagis ang bagang na tanong nya kay TOP. Nakaupo ito sa sahig. Ni walang intensyon na lumaban. Tumayo ito at hindi tinanggap ang pag-alalay ng mga kaibigan. Kumawala si JG sa hawak sa kanya ng mga kaibigan ng kaaway nya. Muli nyang kinwelyuhan si TOP at isinandal nya ito sa pader. "Ilang taon ko syang pinrotektahan mula sa'yo! Inilayo namin sya ni Lee sayo dahil alam namin na wala kang dala kay Samantha kundi kapahamakan! Inulit mo lang ang nangyari sa kanya noon!! At ngayon sinigurado mo pa na mamamatay sya!!" sigaw nya sa binata na tila walang naririnig. "Kasalanan mo kung bakit sya namatay!!" Muling sinuntok ni JG si TOP. Muli namang pumagitna sa dalawa ang ibang myembro ng Lucky 13. "Tama na yan JG!!" awat ni Kyo. "Walang may gusto ng nangyari!" "Hindi ka na dapat lumapit pa ulit kay Samantha. Kung hindi ka sana nagpumilit buhay pa sana sya ngayon!" sigaw ni JG. "Kung sana lumayo ka nalang hindi sana nangyari ang gulong 'to!" Tumayo si TOP at pinunasan ang dugo sa bibig nya. Walang imik na umupo syang muli sa pwesto nya kanina. Walang emosyon na makikita sa mukha nito. Blanko rin ang mga mata nito na parang walang nakikita. "Hindi kasalanan ni TOP 'yon, kasalanan ko," singit ni Red na nanatiling tikom ang bibig simula pa kanina. Nakaupo ito di kalayuan kay TOP. Nakayuko ito. "Wala nang magagawa pa ang mga 'yan!" galit na sabi ni JG. "Hindi nalang sana kayo pumasok ulit sa buhay namin kung ito lang ang gagawin nyo!" "Tama na yan Gabriel," malumanay na sabi ng isang babae. Napatingin silang lahat sa nagsalita. Natahimik sila. Dumating na pala ang Lolo at Lola ni Samantha. Parehong malungkot ang mukha ng mag-asawa. Magkahawak ang kamay ng mga ito na tila sinusuportahan ang isat-isa sa paglalakad. "Gusto ko nang makita ang apo ko," sabi ng Lola ng dalaga sa isang staff ng ospital. Pinagbuksan sila ng pinto ng lalaki. Pumasok ang mag-asawa sa loob ng silid. Maririnig ang isang impit na iyak sa loob. "Samantha.. ang apo ko!" TUNOG ng isang nabasag na vase ang narinig ng mga kawaksi mula sa loob ng study na mansyon. Mabilis silang nagsilayuan mula roon. "Selene.." niyakap ni Crisostomo Perez ang namumutlang asawa. "W-What do you mean she's gone?" tanong ng asawa nya. Dumoble ang sakit na nararamdaman ni Crisostomo nang makita ang nagmamakaawang mga mata ng kanyang asawa. Umiling sya sa asawa at mahigpit itong niyakap. "Oh God! My baby! No! Samantha!" iyak ng asawa nya. "My baby!" Hindi man sila naging pinakamabuting magulang para kay Samantha, mahal naman nila ito. Ginagawa nilang mag-asawa ang lahat para maging maganda ang kinabukasan ng anak nila. Ngayon nagsisisi sya kung bakit mas pinaglaanan nya ng atensyon ang negosyo kaysa sa anak nila. Bilang isang magulang, hindi nila nakikita ang pagkakamali nila. Ang alam lamang nila na makabubuti sa anak nila ang ginagawa nila. Hindi nila naisip kung ano ba talaga ang kailangan ng anak nila. At ngayong naunawaan na nila iyon pareho.. huli na. Wala nang oras pa. Naubusan na sila nito bago pa man nila maibigay sa anak. At ngayon lubos ang pagsisisi nilang mag-asawa. Kung sana lang.. mabigyan sila nang ikalawang pagkakataon. Kung kaya lang sana nilang bilhin ang oras. Handa silang ubusin ang lahat ng kayamanan ng pamilya nila maibalik lang ang oras na nawala sa kanila. Kung kaya lang nilang ibalik ito. Kung pwede lang. ***Author's Note May mga bagay talaga na hindi na maibabalik, ajujuju! AAAAACK!! Don't kill me! >__< XOXO Alesana Marie - Ch.100 - Beyond Miracle (Part Two) "Ang apo ko!" sigaw ng Lola ni Samantha mula sa loob ng silid. Mas lalong napayuko ang mga tao sa labas ng morgue. Walang tigil ang iyak ng mga kaibigang babae ng dalaga. Nananatili namang tahimik ang mga lalaki. "Nasaan ang apo ko?! Nasaan si Milagrosa?!" Nagulat ang mga nakarinig ng sigaw na 'yon. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari sa loob. "Ano'ng ibig nyong sabihin na hindi nyo alam?! Nasaan ang katawan ng apo ko?!" Sukat sa narinig ay pumasok si JG sa loob ng morgue. Nakasunod sa kanya ang ilang myembro ng Lucky 13 pati na rin ang mga kaibigang babae ni Samantha. "Ano po'ng problema?" tanong nya na kunot noong lumapit sa mag-asawa. "Nawawala ang katawan ng apo namin," mahinahong sagot ng Lolo ni Samantha. "Nasaan ang apo ko?! Bakit wala sya?! San nyo sya dinala?!" tanong ng Lola sa lalaking nagbabantay kanina sa morgue. Napakamot ito sa ulo. Hindi nito alam kung ano ang nangyayari. Sigurado sya na nandito lamang ang katawan kanina. May iba kayang kumuha nito? Tinignan ni JG ang higaan na metal. Walang katawan doon. Nakasayad pa sa sahig ang puting kumot. Halos tumigil ang tibok ng puso nya. Maaari kaya? Lumabas sya ng morgue upang hanapin ang dalaga. "Nasan si Sammy?" tanong ni Michie na tumigil na sa pag-iyak. "Baka naman.." hindi maituloy ni Maggie ang sasabihin. Tumakbo naman si Audrey papunta kay Red na nananatiling nakaupo sa labas. "KUYA!!" niyugyog nya ang balikat nito "Si Samantha! Nawawala sya!" *** Ugh. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Minulat ko ang mga mata ko at tinanggal ang nakataklob sakin na kumot. Ano ba yan? Hindi naman ako ganito magkumot ah. Para naman akong patay nito. =___= Ang sakit-sakit ng likod ko. Bakit ang tigas ng higaan ko? Hindi man lang ako inilipat sa kama.. yung malambot! Teka.. Umikot ang tingin ko sa paligid. Ang creepy naman. Nasaan ako?!! Yung mga chinese! Hideout kaya nila 'to? Waaahh!! >0< WAAHH.. Napatingin ako sa damit ko. Medyo basa pa pero patuyo na. Ang lamig-lamig. Niyakap ko yung kumot. "Aaachoo!!" binitawan ko yung kumot. Yuck! Bakit ang weird ng amoy? Amoy.. =__=? amoy gamot! Kinamot ko ang buong katawan ko. Ang kati-kati! Gawa siguro to sa swimming pool. Sinasabi ko na nga ba, hindi safe dun eh. Buti buhay pa ako! Pero ano naman kaya 'tong napasukan ko? Kinulong naman nila ako dito. Bakit ba ako palaging nakikidnap? Pero okay lang, atleast buhay pa ako. Hmm.. May tatlong pinto ang silid. Ang weird lang.. para kasing laboratory tapos parang.. mukha syang.. hindi ko matandaan kung saan ko nakita ang ganitong silid eh.. Nakakita na ako nang ganito sa mga movies eh.. Ugh. Mas lalong sumasakit ang ulo ko. Tumayo ako mula sa metal na higaan. Ang weird naman. Parang ganito yung higaan ng mga bangkay ah. Nagtitipid ba sila sa budget? Kung sabagay kuripot nga pala sila. Totoo pala yun. Nawawala yung isa kong sapatos pagtingin ko sa paa ko. Hinanap ko sa paligid yung sapatos ko na nawawala pero hindi ko makita. Sayang naman, limited edition pa naman 'yun. Binili ko pa yun sa france eh. 'EXIT' Bakit kaya may sign dun sa pinto? @__@ Bakit naman ako ikukulong ng mga dumukot sa akin tapos dun pa ako nilagay sa kwarto na may exit? Tumingin ako dun sa kabilang pinto. Parang may naririnig akong papalapit. WAAAAAHH!! Mabilis akong lumapit dun sa isa pang pinto kung saan may nakalagay na exit. Milagro! Himala! Bukas ang pinto! Nakangiti akong lumabas. Nagpipigil akong tumawa. Malamig ang hangin. Nasa parang parking lot ako. Isang malawak na space na daanan ng mga sasakyan. Tumakbo ako nang mabilis palayo. I'm free!!! \(^___^)/ Tumakbo ako nang tumakbo nang hindi pinapansin ang mga nasa paligid ko. Kailangan ko lang talagang tumakbo nang mabilis baka abutan pa ako ng mga kidnappers ko. Umabot ako sa kalsada. Gusto ko sanang pumara ng taxi kaso wala naman akong pambayad. Naglakad nalang ako nang naglakad. Sa paglalakad ko at paliko-liko, nakarating rin ako sa pamilyar na lugar. Isang oras na lakaran lang at makakarating rin ako sa bahay namin ng Crazy Trios. Uuwi na nga ako. Nagugutom na ako eh. Ano kayang oras na? Habang naglalakad ako sa kalsada parang may naisip ako pero mabilis din na nawala. Parang may nakalimutan ako eh. Parang mahalaga yung nakalimutan ko. Ah di bale na nga. Baka kapag nakakain ako, maalala ko ulit. ***Author's Note HWAG KAYONG SPOILER SA MGA HINDI PA NAKAKABASA. LOL. Walang kaalam-alam si Sammy sa mga nangyayari. BTW. Flashback yung kanya. Yung mga stalkers ko na todo basa sa mga ANs at Status ko dito sa wattpad.. may hint na sila na ganito ang mangyayari. Sa susunod kasi maging stalker din kayo. XD HAHAHAHA! Alam nyo yung mga videos sa youtube? Yung kapag may bagong MV na inupload ang mga artist eh may iuupload sila na 'My Reaction to..' 'My Reaction When I Watched...' yung mga ganyan. XD Sana gumawa rin kayo nang mga ganun hehe! Laptrip yun. XD Natatawa naman ako sa isang comment.. medyo napasobra naman ang emote. XD Siguro last FIVE chapters nalang. Masyado na kasi itong mahaba.. Oh ayan na.. Sa susunod kasi magbabasa ng ANs.. hmm.. +___+ XOXO Alesana Marie Ch.101 - Last Day On Earth Lalala~ Nakatakas ako sa mga chinese na 'yun! Ang bulok naman nila. Hindi nila alam nakatakas na ako! Ang galing ko talaga! v(^0^)v Itatago lang din nila ako, sa may exit pa! Hahaha! Ang bulok nilang mga kidnappers! Sayang lang ang effort nila! Sumisipol ako at nagskip-skip pa habang papasok ng bahay namin. Patay ang ilaw. Wala ang Crazy Trios? *kruuu* Tumutunog na naman ang tyan ko. Gutom na ako. @__@ Kinuha ko yung susi ng bahay mula sa ilalim ng doormat. Mabuti nalang dito iniiwan ni Michie ang susi nya. Makakalimutin kasi sya at mawalain ng gamit. =___= Binuksan ko na yung pinto ng bahay. In-on ko na rin ang ilaw. Nagmamadali akong pumunta sa kusina at nagkalkal ng makakain. Nakita ko yung carbonara sa lamesa. Bakit nila iniwan sa lamesa yung pagkain? Ginamit ko yung tinidor at sumubo ako. YUCK! Tumakbo ako sa lababo para iluwa yung nakain ko. Panis na! Bakit kasi hindi nila inilagay sa refrigerator?! Sayang yung niluto ko! >0< Gutom pa naman ako! Ano nalang ang kakainin ko?! Nakita ko yung saging sa lamesa. Saging. @0@* Kinuha ko yun at nagbalat. Agad ko yung isinubo at nginuya. Kumuha rin ako ng tubig ko mula sa ref. Bakit kasi walang pagkain dito sa bahay? Di sila nag-grocery? Nakalimutan ba nila? *munch.munch.munch* Mauubos ko yata lahat ng saging dito sa mesa. Baka naman masira ang tyan ko. Nagkalkal ako ng iba pang makakain sa mga cabinet sa kusina. Nakita ko yung granola bar na palaging kinakain ni Maggie. Kinuha ko yun. Kinuha ko rin yung nakatagong snickers sa pinakadulo ng refrigerator, kay Michie siguro. Lahat ng nakulimbat kong pagkain ay nilagay ko sa mesa. Inumpisahan kong kainin lahat. *munch.munch.munch* *BLAG!* Napatigil ako sandali sa pagnguya nang marinig kong bumukas 'yung pinto. Nakarinig ako ng mga yabag ng nagtatakbuhang paa. Maya-maya lang nakita ko na sina Maggie, Michie at China. Lahat sila naka-nganga habang nakatingin sakin. Galit ba sila dahil pinakialamanan ko ang pagkain nila? Naku. Naubos ko nga pala yung saging. Gamit pa naman nila yun pangtanggal ng eyebags nila. "Kain kayo?" alok ko sa kanila. @u@* Silence... "Uhhm.. Sorry kinain ko mga pagkain nyo," pinunasan ko yung bibig ko. Ang amos ko na pala. =___= "OH MY GOD!!!!" unang nag-react si China. "Wag kayong magalit! Papalitan ko naman eh! Gutom lang talaga ako! Bakit kasi walang pagkain dito?! Sinabi ko naman na mag-grocery kayo diba?!" >__< "SAMMY!!!!" sigaw nilang tatlo. "Ang OA nyo naman! Sabi ko naman papalitan ko mga 'yan!" sinubo ko yung last bit ng snickers. Ang sabi kasi 'Hungry? Grab a Snickers!'. "WAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!" sabay-sabay silang umiyak. Nagulat ako kasi naman hindi na ito drama katulad dati. May tumutulong luha talaga sa mga mata nila. "SAMMYYYY!!!!!!!" lumapit silang tatlo sakin. Niyakap nila ako nang mahigpit na mas ikinagulat ko. 0__0 "Crazy Trios, ano ba ang nangyayari sa inyo?" tanong ko. Nakayakap parin sila sa'kin. Umiiyak lang sila. "Sorry na! Papalitan ko nalang yung mga kinain ko. Hwag na kayong umiyak. Di ko naman alam na ganon nyo kamahal ang pagkain nyo eh," pinipilit kong isubo yung granola bar kaso nakayakap sila. Di ko maabot. "Sammy! Waaaaaahh!!" iyak ni Michie. "Hwag mo na ulit kaming iiwan Sammy!!" iyak ni China. "Oo nga!! Dito ka lang!!" iyak ni Maggie. =______= "Ang OA nyo naman, nagpaalam naman ako sa inyo kanina na pupunta lang ako kina Timothy para ibigay yung carbonara ah. Di nyo ba ako narinig kanina na nagpaalam?" tanong ko. Hindi ba nila alam yun? Hinanap ba nila ako? Ay oo nga pala, nakidnap kasi ako kaya natagalan ako umuwi.. akala siguro nila naligaw na ako. *munch.munch.munch* Teka. May nakalimutan ako. GAAAAAAAHD! Nakalimutan ko si Timothy! Nakita nya nga pala akong nakidnap! AT--AT!! Nabitawan ko yung kinakain ko. Bigla kong naalala. Nasa gitna ako ng swimming pool. Tinawagan nila si Timothy.. tapos umalis sila. Naiwan ako. May tubig.. Napuno ng tubig ang swimming pool. Pagkatapos nun.. Pagkatapos.. "Samantha," ani ng isang boses. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakatayo roon si John Gabriel. "Gabby.." mas nagulat ako na nakita ko sya. Mukhang naluluha pa sya na makita ako. "Mabuti nalang," sabi nya na ngumiti nang malapad. Naguguluhan ko lang syang tinignan. Ilang saglit pa at napuno ang buong bahay. Nandito na rin ang Lucky 13. "Uh. Hello?" bati ko sa kanila. Nahiya naman ako sa ayos ko. Ang gulo pa ng buhok ko. Yung damit ko kakatuyo lang. Nahihilo pa ako. @__@ Ang kati pa ng katawan ko, ang dumi yata nung tubig sa pool. Ang dami nilang nakatingin sa'kin. Pero nasan si Red at Timothy? "S-Si Sam ba talaga yan o aparisyon lang?" tanong ni Pip. =_____= "Ano'ng aparisyon?" tanong ko. "TUKNENENG DUDE NARINIG NYA AKO!!!" sigaw ni Pip na nanlalaki ang mga mata. Bigla syang binatukan ni Seven. "Gago malamang naman maririnig ka nyan!" sabi ni Seven. Ang sikip na. Ang sikip na ng kusina. "Uhh. Si Timothy? Nasan sya? Okay lang ba sya?" tanong ko habang kinakamot ang likod ko. Mabuti nalang humiwalay na sakin ang Crazy Trios. Di kasi ako makagalaw sa yakap nila. Nakatingin lang sila sa'kin. Para naman wala akong kausap dito. Ang awkward kaya naman tumayo ako. Nagulat naman sila sa pag-galaw ko. Naglakad ako at napaatras naman sila. Sa bawat pag-galaw ko parang mas lumalaki ang mga mata nila. =__________= Kung sayawan ko kaya ng Gangnam Style ang mga ito? Ano kaya reaksyon nila? Nag-bigay daan sila sakin nang lumakad ako at iwan sila sa kusina. Umakyat ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng ilang gamit at pumasok sa banyo. Habang nasa ilalim ng shower at naliligo. Kinilabutan ako sa mga imahe na bumalik sa isip ko. Nalunod ako. Ang alam ko talaga nalunod ako. Pero bakit.. napunta ako sa kwarto na 'yon? Inilipat ba nila ako? Sinabon ko nang mabuti ang katawan ko at nag-shampoo nang marami. Ang weird kasi ng amoy ko. Parang kumapit yung amoy nung kumot kanina sa'kin. Mabilis akong nagbihis pagkatapos. Inilagay ko lang sa messy bun ang basa ko pang buhok. Nasan kaya si Timothy? Mukhang okay lang naman ang gang nila. Mabuti nalang hindi sila napahamak. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba na. Si Red ang una kong nakita pagbaba ko. Yung ibang Lucky 13 nasa labas ng bahay nang tignan ko sa bintana. "Jared, ano ba talaga ang nangyayari?" bigla nalang nya akong niyakap nang mahigpit. Nandoon din si Audrey. Namumula 'yung mga mata nya na mukhang umiyak din. "Ano ba talaga kasi ang nangyayari?!" naiinis na tanong ko. Lahat sila ang weird ng ikinikilos. "Lahat kayo kung kumilos parang namatayan!" sigaw ko. "Sam!" bigla nalang umiyak si Audrey. Pagkahiwalay sakin ni Red sya naman ang yumakap sa'kin. Hindi na ba matatapos ang yakapan na ito? "Bakit ba?" tanong ko. "I'm glad you're here," sabi ni Audrey na biglang humagulgol ng iyak. "Hala! Dee hwag kang umiyak!" niyakap ko sya para tumahan na. Nakasalubong ko ng tingin si Red. "What?" I mouthed. Umiling lang si Red at ngumit na. Pero sa mga mata nya, may bahid ng guilt. "May nangyari ba kay Timothy?" kinakabahan na tanong ko. Sya lang ang wala rito ngayon. At lahat sila may malungkot na aura. Nasan sya? Bakit wala sya rito? Kaya ba halos lahat sila ay umiiyak at malungkot? Nalulungkot ba sila para sa'kin? "Nasan si Timothy?" tanong ko. "Miracle," nabuhusan ako ng relief nang marinig ang boses nya. Pero may kakaiba sa boses nya, parang scratchy. Katulad ng mga mata ni Audrey, mapula rin ang kay Timothy. Medyo hinihingal pa sya. Katulad ng sa iba ang ekspresyon sa mukha nya. Gulat at tila nakakita ng multo. Ah. Siguro nalaman na nila na nakatakas ako sa mga kidnappers? Humiwalay ako ng yakap kay Audrey at mabilis na lumapit kay Timothy. Niyakap ko sya nang mahigpit. Akala ko may nangyari na sa kanya. *** Naiwan kami ni Timothy sa sala. Umuwi na ang mga kaibigan nya pati na rin si Audrey. Si JG kinausap ko saglit bago sya umalis. Hinalikan pa nya ako sa noo na ikinabigla ko. Pero alam ko naman na friendly gesture lang yun. Na-miss lang siguro ako. Ang Crazy Trios naman ay nasa kanilang kwarto na. Magkatabi kami ni Timothy na nakaupo sa sofa. Tahimik lang sya habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat nya at sya naman ay hinahaplos ang buhok ko. Hindi parin ako makapaniwala na nakita ko syang umiiyak kanina. Nang yakapin ko sya kanina, naramdaman kong umiyak sya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Umiyak sya sa harap ng maraming tao. "Timothy.. okay lang ako." Hindi sya umimik. Hinigpitan lang nya ang yakap nya sa'kin. "Nandito lang ako, hindi naman kita iiwan." "I almost lost you again," bulong nya sa malungkot na tono. Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nya. "No. I lost you Miracle." "Hindi ako nawala." "Miracle" "Hmm?" "I failed you..I'm sorry," hinigit nya ako hanggang sa nakaupo na ako sa lap nya "I'm really sorry. i'm sorry." Umiyak sya nang tahimik sa dibdib ko. Hinagod ko lang ang likod nya. "I'm sorry.. i'm sorry.. Please forgive me.." "Ssshh.. It's okay Timothy." Hinalikan ko ang ulo nya. "You died.. I let you die.. I'm sorry.. I'm sorry.." Niyakap ko nalang sya nang mahigpit habang hinahaplos ang likod nya. Inalala ko ang nangyari. Nalunod ako. Pero namatay? Namatay ako? Hindi ako namatay. Nakatakas nga ako eh. Umiling ako. Naalala ko yung hitsura ng kwarto na tinakasan ko. Kaya pala pamilyar.. Yung higaan na malamig at metal.. pati na rin ang kumot na may kakaibang amoy. Isa iyong morgue... Tinakasan ako ng lakas ko. Namatay ako? "I'm sorry.. I'm sorry.. I'm really sorry.." Namatay ako. Namatay ako. Namatay ako. Pero nabuhay ako. Buhay ako. Kinurot ko ang sarili ko. Buhay ako. Masakit eh. At nakakaramdam ako. "Timothy," tawag ko sa kanya "Timothy look at me." Nag-hesitate syang tignan ako. "Nakikita mo ako," pinunasan ko ang luha nya "Nararamdaman mo ako. Buhay ako." "I can't lose you again Miracle," sabi nya sa basag na boses. "I want you to be safe but as long as you're with me.." Hinalikan ko sya sa labi. "Hwag mong sabihin na iiwan mo ako Timothy," bulong ko. "Hwag mong gagawin 'yan." "I'm sorry." "Mas gusto ko na nandito ka sa tabi ko at sasamahan akong harapin ang mga problema kaysa walang problema pero wala ka naman sa tabi ko. Promise me hindi mo ako iiwan? Hindi ka aalis sa tabi ko?" Tinitigan ko sya sa mga mata. "If that is what you want Miracle," mahinang sabi nya. Hinalikan ko ulit sya sa labi nya. Agad naman syang tumugon. "Do you love me?" tanong ko sa kanya habang magkadikit ang mga noo namin. "My heart only belongs to you," puno ng sinseridad na sagot nya. Naramdaman ko ang sobrang bilis na pagpintig ng puso ko. Naalala ko ang sarili ko habang nakaupo sa silya, nakatali habang napupuno ng tubig ang swimming pool. May ipinangako ako nang mga oras na 'yon sa sarili ko. "Okay," ngumiti ako at tumayo na. Nakita ko na hindi nya inaasahan na hihiwalay ako. "Miracle," inabot nya ang kamay ko. Nang oras na yon, ipinangako ko sa sarili ko na mabubuhay ako para sa sarili ko. Gagawin ko lahat ng gusto ko. Mabubuhay ako na parang huling araw ko na sa mundo. At ngayon, wala akong ibang gusto kung hindi sya. "Timothy.." ngumiti ako sa kanya "Make love to me." ***Author's Note Eh sino ba kasing nagsabi na may amnesia sya? Sabi gutom lang eh. Parang si Sammy lang, ang bilis mag-jump sa maling akala tapos magagalit pa (nung time na nakita nya si TOP sa wedding shop). AT SINO NAGSABI YUN NA YUNG ENDING NG NTBG? May nabasa kayong THE END? Nagalit pa sakin. ABNOY! Ano'ng tinira nyong droga? Lakas tama kasi eh. Ako pa sinisi. Parang wala kayong natutunan sa story na ito ah. Maling Akala. Anyway... =_____= Mga MARSIANS. Pang-outer space lang mag-isip. Bukod nga pala sa 4 remaining chaps, may epilogue pa. Syempre kasi may Prologue kaya may Epilogue din. Tapos di ko alam kung may BS ito.. dahil di naman ako marunong nun. Pero kung meron man, ipa-praybeyt ko iyon at ihihiwalay. Wag na kayo magreklamo, baka di ako gumawa kung may mababasa akong reklamo sa praybeyt na 'yan. Papaturo ako kay Aril beybeh. Kekeke! TAPOS.. Since malapit na itong matapos, penge akong gift. Gusto ko VIDEO. Uu. Video nyo sarili nyo tapos post nyo sa Youtube. Parang comment nyo yun for the whole book. Basta kahit ano, kahit magsayaw kayo ng Gangnam Style habang nagsasalita. Gusto ko lang makita kayo. Di ko pa nakikita mga fezlaks nyo ilang taon na tayo magkakasama? Yung iba pala ilang araw palang. Kung sino gumawa, magkakaron ng dedic sa BOOK THREE.. na ilalabas ko next year. NEXT YEAR. January siguro. XOXO Alesana Marie - Ch.102 - Oh Yeah Dedicated kay AnyaPtn ulit. DANKE. DANKE. DANKE. =) Ch.102 - Oh Yeah "Alam nyo posible naman kasi talaga na bumalik ulit sya," komento ni Maggie "Siguro hindi pa kasi nya talaga oras." Napaisip naman sina China at Michie. Pare-pareho silang nakaupo sa queen size bed ng magkapatid. Asul at dilaw ang kulay ng buong silid. Asul para kay Maggie at dilaw para kay China. "Pero nakakatakot isipin na namatay si Sammy tapos nabuhay ulit!" China >__< "Nangyayari naman talaga na ang mga patay nabubuhay ulit," pahayag ni Maggie. "Marami naman ganong cases sa mundo. Ilang oras na hihinto ang pagtibok ng puso nila tapos bigla nalang titibok ulit." "Nakita kaya ni Sammy si San Pedro?" tanong ni Michie *0* "O baka naman ibinenta ni Sammy ang kaluluwa nya kay Lucci para lang makabalik ulit dito?" tanong ni China. "Sino si Lucci?" - Michie *0* "Ayokong sabihin ang totoong pangalan nya eh.. baka dalawin ako." - China >__<; "Mumu?" - Michie *0* "Isa syang demon," - China >0< "Uwaah! Nakakatakot!" - Michie *0* "Di ka naman mukhang natatakot eh," - China =__= "Tanungin kaya natin?" tumayo mula sa kama na suhestyon ni Maggie. "Ang alin bakla?" tanong ni China sa kapatid. "Si Sammy, kung ano nangyari sa kanya," sagot ni Maggie. "Pero di pa yata sila tapos mag-usap ni TOP," tumayo na rin si Michie. "Kanina pa yun eh," sumama na rin si China sa dalawa na lumabas ng kwarto. "Kaso baka nag-uusap pa sila," sabi ni Maggie. Napatigil sila sa paglalakad. "Nasa sala pa siguro sila?" - China. "Baka may makita tayo na hindi natin dapat na makita?" - Michie. "Wow insan! Nag-evolve ka na! May alam ka na!" - Maggie. "Ano 'yun?" - Michie *U* "Eh. Wala wala insan, ang hirap talaga maging green tapos may inosenteng kasama," - China >__> "Bumalik na nga tayo sa kwarto," lumakad na pabalik si Maggie. *BLAG!* Nagulat silang tatlo nang makarinig ng malakas na tunog. Napatingin sila sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Samantha. "Fck! Miracle!" boses ni TOP na tila nahihirapan. "Shit." "Timothy! Timothy!" boses ng kaibigan nilang si Samantha. Nasundan pa iyon ng ilang lagabag na parang may nalaglag, tumalbog o nabunggo. Nagkatinginan ang Crazy Trios at muling napatingin sa pinto. Nanlalaki ang mga mata na napalunok sila. May iisang tanong lang sa isip nilang tatlo. 'Ano'ng ginagawa nila sa loob?' *** "Timothy," ngumiti ako sa kanya "make love to me." Nahigit ni Timothy ang hininga nya nang sabihin ko iyon sa kanya. Tila nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Lumipas ang nakakabinging katahimikan. Nakatingin lang sya sa'kin. May halo-halong emosyon na nagdaan sa kanyang mga mata. Ang kanyang kulay abo na mga mata ay tila dumilim nang dumilim. Kinakabahan ako at nahihiya sa sinabi ko pero wala nang bawian. Ito ang gusto kong gawin ngayon. Gusto ko sya, kailangan ko sya ngayon, mahal ko sya at mahal nya ako. Ginagawa naman iyon ng ibang magkarelasyon hindi ba? Iba na rin ang panahon ngayon, kahit walang kasal pwede na iyong gawin. Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin kay Timothy. Hindi naman nya ako tatanggihan hindi ba? Pagkatapos ng nangyari sa'kin, hindi naman siguro nya ako tatanggihan. At ang isa pa, kailangan din ako ni Timothy ngayon. Pumikit sya nang mariin na parang naiipit sya sa dalawang desisyon nya. Naihilamos rin nya ang mga kamay nya sa mukha nya. Huminga sya nang malalim nang ilang ulit bago sya tumingin sa akin. Mukhang alam ko na.. "Miracle you don't know what you're talking about," sabi nya sa tila nahihirapang tono. Sinasabi ko na nga ba. Napabuntong hininga ako. Mabilis akong umupo ulit sa kandungan nya. Hinapit ko ang likod ng leeg nya at mariin ko syang hinalikan sa kanyang labi. Alam ko na nagulat ko sya. Ilang segundo syang natigilan, hindi nakagalaw. Nang kagatin ko na ang labi nya, tila natauhan naman sya.. "Timothy!" tili ko nang bigla nya akong itulak sa sofa. Mabilis syang tumayo at lumayo sa akin na para bang nakuryente sya. Mukha nga syang nakuryente base sa mukha nya nang tignan ko. Oh boy.. mahabang gabi 'to. "Timothy!" tumayo ako at akmang lalapit sa kanya nang humakbang ulit sya palayo. Oh. Geez. "Stop Miracle," bahagyang nakataas ang dalawang kamay nya na parang itinutulak nya ako palayo. "Please." Hay. Minsan naiinis na talaga ako sa ugaling ito ni Timothy. Bakit ba kasi ang old school nya?! Nakakainis na sya! Eh? Dapat nga pala magpasalamat pa ako. @,.@ Pero hindi! Naiinis talaga ako ngayon! >__< For once, hindi ba pwedeng maging casanova rin sya? Kahit ngayong gabi lang? Pero.. Ako nga pala si Miracle.. Isa akong buhay na ebidensya ng salitang 'milagro'. Baka naman pwedeng makagawa ako ng milagro ngayon? At ngayong gabi, magmimilagro ako! (*^*) Come hell or high water, Timothy, mangyayari ang dapat mangyari! "Timothy! Bakit hindi pwede?!" tanong ko. "You know why," sagot nya nang nakakunot ang noo. Mukhang nag-coconcentrate sya sa ibang bagay. "Timothy! Gusto ko ngayon na gawin eh! Sabi mo mahal mo 'ko! Bakit ayaw mong makipag-lovemaking sakin?!" >0< "Ah shit!" tinakpan ni Timothy ang magkabilang tenga nya. "Don't say it again Miracle." Pinikit nya nang mariin ang mga mata nya habang bumubulong ng sunod-sunod na 'shit'. Napatingin ako sa dako paroon ni Timothy. Sa bandang timog. May binubuong kampo ang kanyang hukbong sandatahan. May tent. >///< "Bakit ba ayaw mo?!" lumapit ako. Binuksan nya ang mga mata nya at tumakbo palayo sa'kin. Geez. Para akong may sakit. "Miracle please.." nahihirapan nyang pakiusap. "Alam mo Timothy, willing naman akong gawin yun eh! At alam ko na gusto rin yung gawin ng alaga mo. Tignan mo, nakaturo sya sakin!" turo ko sa pantalon nya. Napatingin sya sa tinuturo ko. "Shit!" sabi nya bago umiwas ng tingin sakin. "Gusto mo pumasok sa kwarto ko? You know? May bathroom dun." "Barney the fcking purple dinasaur," sabi nya habang nakapikit at tila nagco-concentrate nang maigi "Barney the pedophile. Barney the shithead. Barney. Barney. Barney." Ano ba ang ginagawa nya? Ano'ng Barney? "Barney's shit. Barney's creepy shitty songs. Barney and his fcking dance." Nakakunot ang noo ko habang pinapanuod sya. Unti-unti syang nagmulat ng mga mata. Tumingin sya sa dako paroon kaya napatingin din ako. At voila! Nawala ang kampo nya. Wala na ang tent. 0________0 Pano nya nagawa 'yun? Napahinga sya nang malalim. "Timothy-" "No." -____- "Pero gusto-" "No Miracle." -____- "You're being unfair!" "You're asking me to take you for granted!" "Ano?" gulat at naiinis kong tanong. "Ang gusto ko lang naman.." "Miracle.." "Eeesh! Hindi mo kasi ako naiintidihan eh!" nagdadabog na umakyat ako papunta sa kwarto ko. Sinara ko nang padabog ang pinto. Mabilis akong tumayo at sumandal sa pader malapit sa pinto. "Miracle!" Nang bumukas ang pinto at pumasok si Timothy sa loob ng kwarto mabilis pa sa alas-kwatro na isinara ko ang pinto at ini-lock iyon. Mission na papuntahin sa kwarto ko si Timothy ; Success! Nasa likod ako ni Timothy nang humarap sya sakin. "What are you--" Hindi ko sya pinatapos sa sinasabi nya. Agad ko syang itinulak pahiga sa kama ko. "Alam mo Timothy lahat ng gusto ko nakukuha ko," nag-smirk ako sa kanya. "I didn't know you were this agressive." "Ngayon alam mo na," nginitian ko sya nang matamis. Sumampa ako sa kama at umupo sa tyan nya. "Miracle what are you doing?" sabi nya habang nakatingin sa akin na may hindi maipaliwanag na expression sa mukha. "Guess!" tinanggal ko yung suot kong shirt. Nanlaki naman nang husto ang mga mata nya. "Ngayon wala ka nang kawala pa." ^^ "Ah shit.." -____- Suot ko ngayon ang aking bright pink bra. Kung alam ko lang na kakailanganin ko pa syang akitin, sana nagsuot ako ng lace. Meron pa naman ako nun, nakareserba para sa isang mahalagang okasyon. =__= Tinakpan nya yung mga mata nya. Nakabukas ang ilaw at nakikita ko na bahagya syang namumula. Kung hindi lang sya na-rape noon eh di sana first time nya rin ako. Nakakainis ang kapatid ni GD. Kainis! "Timothy! Hwag mong takpan ang mga mata mo!" utos ko habang hinihila ang mga kamay nya. Pero ayaw nyang alisin. =___= Humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya. Paano ko ba gagawin to kung ayaw nyang maki-cooperate? Pano ba kasi ginagawa ito? Pano ba inuumpisahan to? Nakakainis naman eh. >0< Tumaas ang kilay ko habang hinahagod ko ng tingin ang katawan nya. Abala sya sa pagbulong ng 'Barney'. Inuulit nya ang mga sinasabi nya kanina. Hindi ko hahayaan na umatras ang hukbong sandatahan nya! Hindi pwede! Oras na para lumusob sila! Umayos ako ng upo at inupuan ko ang bulge nya. Nakaramdam ako ng kakaiba nang upuan ko yun. Parang kinikiliti ang lamang loob ko. >///< "Fck!" nahihirapang bulong nya. Bahagya kong itinaas ang shirt nya at hinawakan ang kanyang malabatong abs. Sam.. ang swerte mo! *BLAG!* Ano'ng...? @.@ "Fck! Miracle!" sabi nya "Shit!" Biglang nagkabaliktad ang posisiyon naming dalawa. Madilim. Hindi ko napansin kung kailan sya nakakuha ng bagay na itatapon para ma-off ang switch. Siguro kinuha nya yung isang stuff toy ko na nasa kama. Mariin nya akong hinalikan sa labi. Iniyakap ko ang dalawa kong binti sa bewang nya. Naramdaman ko na naman ang nakakakiliting sensasyon. Parang may kuryente. Hinalikan nya ako pababa sa leeg ko. Ang mga kamay ko naman ay abala sa paglalakbay sa ilalim ng shirt nya. Ang smooth ng balat nya at ang tigas ng muscles nya. Hinawakan ko sya sa ulo at muling ibinalik sa bibig ko ang labi nya. Naramdaman ko ang kamay nya na humahaplos mula sa gilid ko papunta sa dibdib ko. Bumaba papunta roon ang halik nya. Nakagat ko ang labi ko. "God, you'll be the death of me Miracle," bulong nya sa tila paos na boses. Bigla syang umalis sa pagkakadagan sa akin at tumayo. Hindi ko sya makita. Napaupo ako sa kama. What? "Timothy! Timothy!" tawag ko sa kanya habang kumakapa sa dilim. Nahawakan ko yung pantalon nya. Huli ka! Hinila ko yung pantalon nya. "Shit!" "Aaah!" Natumba sya at dahil nakahawak ako sa kanya, nahigit ako at nasama sa pagkahulog nya. "FCK!!" napasigaw sya nang madaganan ko sya. "Timothy! Okay ka lang?" napalayo ako sa gulat. "No.." impit ang boses na sagot nya. "Ano'ng nangyari?" "Shit.." piyok nya. Nag-alala ako dahil mukhang nasaktan talaga sya. Nagmamadali kong binuksan ang ilaw. Nasa sahig si Timothy, parang hipon na nakabaluktot. Nakagat ko ang labi ko nang maintindihan ko na ang nangyari. Napisat ko yata yung hubong sandatahan nya. AAAAAAAAAHHH!! >///< *toktoktok* "Sammy! Ano'ng nagyayari?" Narinig ko ang tanong ni Maggie sa kabilang side ng pinto. Aist! Tinulungan ko si Timothy na umupo sa kama ko. Kinuha ko yung shirt ko at muling isinuot. "Timothy.. Sorry! Waaah! Uhh.. Ano'ng gusto mong gawin ko? Tatawag ba ako ng doktor? Kailangan mo ba ng advil? Kung dolfenal kaya?" natataranta kong tanong. "No," pinapapawisan nyang sagot "I need you to get me.." hinihingal na sabi nya "some ice pack." "Ice pack. Ice pack sige," binuksan ko yung pinto. >,.< Tumambad sakin ang mga gulat na mukha ng Crazy Trios. Kanina pa ba sila dito? "Uy Sam!" tawag ni China. Tumakbo ako papunta sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator. Kumuha ako ng mga ice cubes at inilagay sa isang ice pack. Tumakbo ulit ako papunta sa kwarto ko. "Sammy sandali!" pigil sakin ni China. "Bakit?" >0< nagmamadali ako! "Yung shirt mo baliktad," sabi ni Michie *0* >////< *** Nakakahiya! Nakakahiya! >///< Naitakip ko ang kumot sa mukha ko. Heto ako nakahiga sa kama ko samantalang si Timothy ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. Hawak nya ang icepack at nakapatong ito sa bandang zipper ng pantalon nya. Nakakahiya talaga! Sana kainin nalang ako ng sahig! Inakit ko sya tapos ito ang nangyari. Isang malaking epic fail! Hinding hindi ko ito makakalimutan habang nabubuhay ako! Isang malaking Mission Failed! "Haha" Inalis ko yung takip ng kumot sa akin nang marinig ko syang tumawa. Tinatakpan nya yung bibig nya para pigilan ang pagtawa nya. "Tumatawa ka ba?" tanong ko. "Yes," nakangiti nyang sabi. Napatitig naman ako sa mukha nya. Minsan ko lang sya marinig na tumawa, minsan lang din sya ngumiti. "Pinagtatawanan mo ako?" >3< Meanie! "I can't believe you attacked me like that Miracle," kumikislap ang mga mata nya. "Eh!" >///< "My naughty Wife." Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. "What made you do it?" Bumuntong hininga ako bago ko sya tignan. "Gusto ko lang." Hindi sya umimik. Tinitigan lang nya ako. Gusto nya na ipaliwanag ko. "Simula ngayon gusto ko nang gawin lahat nang gusto kong gawin. Hindi ko muna iisipin ang ibang tao, kung ano ang iisipin o sasabihin nila. Gusto ko lang maging masaya. Gusto kong sundin ang sarili kong desisyon.." napatingin ako sa kisame at naluha. "I'm sorry Miracle" Napatingin ako sa kanya. "Hindi ba ako attractive Timothy?" "Miracle," kumunot ang noo nya at hinaplos ang isa kong pisngi "You are the most attractive woman for me. You just don't know how beautiful you are to me. You don't see yourself the way I see you." "Kung ganon bakit ayaw mo?" parang bata na tanong ko. "I just.." "Ano?" "I wanna do it right Miracle." "Hindi ko maintindihan, ginagawa naman ito ng iba." "We are not them." "Pero Timothy.. pano kung magkahiwalay ulit tayo?" naluluha kong tanong. "I will not stop fighting for you," marahan nyang sagot. "Timothy.." tinitigan ko sya sa mga mata. Nagmamakaawa na sana pumayag na sya. Pumikit sya nang mariin at agad na bumalik sa pwesto nya kanina. "I can't." "Nakakainis ka naman eh!" umiyak ako. Ang sakit kaya ma-reject. Naiintidihan ko naman.. gusto nya itong gawin ng tama. Gusto nya kasal muna. Pero pano kung hindi na kami umabot don? Pano kung bukas may mangyari na naman at isa sa amin ang tuluyan na mawala? Pano kung dumating ang parents ko at tuluyan akong ihiwalay kay Timothy? Natatakot ako. Gusto ko sa kanya ko lang ibibigay ang sarili ko. "Miracle," niyakap nya ako. "Sure ka ba hindi ka gay?" umiiyak na tanong ko. "I'm sure," kunot noong sagot nya. Pinunasan nya ang luha ko. "Pwede ba pa-request?" tanong ko. "What is it?" "Pwede bang makita?" @3@ "What do you mean?" "I wanna see.." >///< "What?" "Haay.. Alam mo na yun!" >3< Napatawa sya at umiling. "You're impossible" "Di pwede?" @0@ Tumingin sya sa bandang timog. "It's pretty much damaged right now," sagot nya nang straight ang mukha "Thanks to your clumsiness." Mmm.. =___=" Oo nga naman na-damage ko. "Eh di yung shirt mo nalang! Gusto kong makita yung abs mo!" ^u^ Ngumiti lang sya at hinalikan ako sa pisngi. "Tsk Tsk! Fine my little perv." Pumalakpak ako nang hubarin nya yung shirt nya. Uwaaaaaaaah!!!! >///< Napakagat ako ng labi ko. Katawan.. hubad na katawan... katawan ni Timothy.. "Happy?" Malapad ang ngiti ko syang tinignan. "Pwede kong hawakan?" Ngumiti lang sya. Itinapon nya yung shirt nya sa may paanan ng kama. Humiga sya sa tabi ko. Mabilis akong umunan sa dibdib nya habang tine-trace ko ang abs nya. Di bale, balang araw matitikman ko rin yan! At nakatulog ako habang nakayakap sa kanya. ***Author's Note BED SCENE. Nasa BED. Oh diba? Hahaha! Deh, dapat may isa pang part ito eh. Kaso hwag na. Mas maganda na ganito nalang, hindi lust ang pinairal. Ito ang kailangan ng generation natin ngayon eh. Kekeke! Si Lucci ay naisingit kekeke! Miss ko na sya. >3< Kung di nyo kilala si Lucci, sya ay nasa Reincarnation of Lucifer ko. Tapos na yun. 33pages. Basahin nyo if you want. Medyo dark yung theme nya. Ayun may BS dun. Yung BS talaga. Kekeke! Meron din akong new short story for homosexuals naman sya. Can You Keep A Secret? ang title. Bago matapos ang story na ito, nais ko lamang liwanagin na ang pagbigkas sa pangalan ni TOP ay TAP at hindi Ti-Ow-Pi. May mga nagtatalo kasi dahil dyan. Si Gabby po ay si JG. John Gabriel Sy. At si Angelo naman ay An-Je-Lo hindi Anghelo. Si China ay Chi-Nah. Sa mga gagawa nga pala ng fanvideo pwede barkadahan. XD XOXO Alesana Marie Ch.103 - Take My Hand [PART ONE] "Sinasabi mo lang na ayaw mo pero alam naman natin na gusto talaga ng katawan mo," seryoso ko syang tinignan sa mukha. Nakahalukipkip ako habang nakaupo ulit sa tyan nya katulad ng ginawa ko sa kanya kagabi. "I thought we're over this already?" tanong nya "Fck Miracle!" sabi nya nang bigla kong upuan ang kanyang tent. Nakita ko na nakagat din nya ang labi nya. Inilagay nya ang dalawa nyang kamay sa mukha nya, bumulong ulit sya ng 'Barney'. "Well kasalanan mo 'to!" dinilaan ko ang labi ko habang nakatingin sa hubad nyang katawan na amoy mabangong sabon "Ikaw itong lumabas sa bathroom ko nang half naked at basa pa ang buhok. Kahit sino'ng babae mawawala sa katinuan sa ayos mo. Kung hindi pa kita kilala Timothy, baka akalain ko na inaakit mo ako." Oh my gosh.. I sigh.. 8-pack abs.. *Q* Hinimas ko ulit yung abs nya katulad nang ginawa ko kagabi. Ang wild ng panaginip ko kagabi. Parang totoo. Ginawa na daw namin yun honeymoon namin.. sa beach. Dun daw kami nakahiga sa sand at nag-makelove. >///< Habang hinihimas ko ang abs nya, nararamdaman ko na naman ang muling pagkabuhay ng kanyang hukbong sandatahan. Mukhang handa na silang lumusob ngayon sa gera. *u* "Timothy nakarecover ka na! Hindi ka na injured!" sabi ko. Kunot ang noo na tinignan nya ako. Tila may parang animalistic growl akong narinig sa kanya. Pero baka imagination ko lang. Umupo sya kaya naman napalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Napalunok ako dahil madilim ang mga mata nya. Napupuno ito ng lust. "Why are you doing this to me Miracle?" tanong nya sa mukhang frustrated na tono. "You're killing me. Are you a fcking sadist?" "Give up ka na?" nakangiti kong tanong. Umiling lang sya. "No," husky na sagot nya. Oh gosh.. ang sexy ng boses nya.. mababaliw na ako! >///< Nag-pout ako at bahagyang iniyakap sa leeg nya ang braso ko. "You're no fun Timothy" Hinaplos lang nya ang pisngi ko at saka ngumit. Sa ganoong tagpo, biglang bumukas ang pinto. "Sammy nandito--OH MY GOD!!!!" sigaw ni China. Napakurap nalang ako habang nakatingin sa kanilang tatlo. Namimilog ang kanilang mga mata habang bahagyang nakanganga. "Ano yun?" tanong ko. "P-P-Pasensya na nakaistorbo kami," Maggie @///@ "O-Oo nga, s-sorry!" Michie (/_\) "W-Wala akong nakita!" Huh? 0__o? Nagkatinginan kami ni Timothy. Napatingin ako sa posisyon naming dalawa. Nakahubad pa nga pala sya at nakaupo ako sa kandungan nya, habang nakayakap sa kanya ang dalawa kong binti. Nahihiya na umayos ako ng upo. >///< Gumalaw ang kama. Tumayo pala si Timothy at kinuha yung damit nya. Napatingin naman ako sa Crazy Trios. Tila tulo laway silang nakamasid sa ginagawa ni Timothy. Kinuha ko yung unan at ibinato sa kanila. "AAAAAAH!" sigaw nila. Tumakbo ako papunta sa kanila. Isinara ko ang pinto sa likod ko habang nakaharap sa kanilang tatlo. "Bakit ba?" tanong ko. "Sammy! Congrats!" hinawakan ni China ang mga kamay ko. "We are so proud of you!" tinapik tapik ni Maggie ang balikat ko. Mukha silang proud na magulang na mukha naluluha pa. Parang kino-congratulate lang nila ang anak nila sa pag-graduate. =_________= "Walang nangyari" sabi ko. "Hindi mo kailangan mahiya Sammy," sabi ni Maggie. "Ano ba yung nangyari?" tanong ni Michie na slow parin. "Walang nangyari!" sabi ko pero mukhang hindi sila nakikinig. >0< "Imagine si Sammy nagawa nya yun! Wow! Isa na nga syang ganap na rebel!" natutuwang sabi ni China. "Naunahan pa nya tayo!" sabi ni Maggie. "Rebel si Sammy?" Michie *0* "Walang nga sabing nangyari!" ulit ko. "Teka gumamit ba kayo ng condom?" usisa ni Maggie. "O baka naman hindi? Okay lang yan, tutulong kami sa pagpapalaki ng anak nyo!" malapad ang ngiti na sabi ni China. "Masakit pa ba Sammy?" tanong ni Maggie. "Bakla sa laking tao ba naman ni TOP sigurado malaki rin yung.. ano kaya syempre masakit 'yun!" sagot ni China sa kapatid. "May sakit si Sammy?" Michie *0* Ano'ng malaki..? Ahh.. >__> Yung sandatahan ni Timothy. Well.. base sa naramdaman ko.. Isa nga syang hukbong sandatahan. >___> "ANO BA?! SABI NANG WALA NGANG NANGYARI EH!!" >0< Tinignan lang nila akong tatlo. "Walang nangyari?" China "Sure ka?" Maggie "Bakit walang nangyari?" Michie *0* Naiinis na napabuga ako ng hangin. "Ano ba yung sasabihin nyo na sobrang importante at kailangan nyo akong istorbohin sa misyon ko?" sinamaan ko sila ng tingin. Lumabas si Timothy sa kwarto ko. Nakabihis at maayos na sya. Tsk! Bakit sya lumabas agad? May plano pa ako eh! >0< Today is another day, siguro ngayon pumayag na sya. ^^ "O-Oo nga pala kasi Sammy ano...." hindi maituloy ni China ang sasabihin nya. "Sina Tito at Tita nasa baba," patuloy ni Michie. "Huh?" kunot noong sambit ko. At nang sagutin nila ang sagot ko tila slow motion ang pagpasok nito sa tenga ko at pag-sink in sa isip ko. "Yung parents mo Sammy, nasa baba sila," mabagal na sabi ni Maggie. Nalaglag ang panga ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Namutla ako. Sina Mama at Papa.. nandito sila. Narinig ba nila ang nangyari sakin? Well of course malalaman nila! Kinakabahan na napatingin ako kay Timothy. Nakagat ko ang labi ko. "Don't worry, I'll come with you." Hinawakan nya ang kamay ko. Huminga ako nang malalim. Bumaba kami mula sa hagdanan, nakayuko lang ako. Hindi pa kami nagkakaayos ng parents ko simula nang umalis sila kasama si Angelo. Ngayon nandito sila.. at magkasama kaming haharap sa kanila ni Timothy. "Mommy!" ^0^ may yumakap sa binti ko. Napatingin ako sa kapatid ko. "Angelo," tumingin ako kina Mama at Papa. Tumayo sila mula sa pagkakaupo. Namumula ang mga mata nila at mukhang pagod sila mula sa mahabang byahe. "Samantha," ngumiti si Mama looking relieved pero agad na nawala iyon nang mapansin nya kung sino ang nasa tabi ko. "Ma, Pa si Timothy po," umpisa ko kahit na alam ko na kilala naman nila ang isa't-isa. Mula naman sa umpisa magkakilala na sila.. simula bata palang kami. Isang malaking global warming ang atmosphere dito sa bahay. Sana lang hindi ako tamaan ng kidlat na nagtatama sa mga mata nila. >___<; ***Author's Note Maiksi dahil PART ONE ito. =__= kekeke.. Wala akong masyadong masabi. Hmm.. Bakit kaya ganon? Kapag matagal matapos ang libro sasabihin ng mga readers, tapusin mo na. Kapag naman tapos na hihingi ng next pa. Hmmm.. PABATI SECT. [CLOSED] Pinapabati ni Zenia (itsainez) ang COF niya, ang Crazy Trios ng COF, si Si Jenica Javier-Yuri Santos (Michie), Lyfa Bangloy (China), Katrina "Cassanova" Pinca (Maggie) pati kay Trisha Evangelista (Samantha). Hello din kina Yana Cura, Ate Mylene "Myce" Ruivivar, Ivory Jean Divinagracia, Lyra Macasaquit, Rachel Salvante, Marnie Virtudazo, Jamaica Raguingan, Jane Flores, Iya Nuqui, Christine Marie Francisco at sa bunso nila na si Donna Marie Estacio na gusting maging si Audrey. Belated Happy Birthday kay Camille Beltran at hello sa mga taga-Recto Memorial National HS. Hello kay Camille Barrios Alcos. XOXO Alesana Marie Ch.103 - Take My Hand [PART TWO] "Ano'ng ginagawa nya rito Samantha?" tanong sakin ni Mama habang matalim na nakatingin sa direksyon ni Timothy. "M-Mama--" Mabilis na nakalapit si Mama sa amin ni Timothy. Nakaririnding tunog ang sumunod. Nakita ko nalang na napaharap sa kabilang direksyon si Timothy sa lakas ng sampal sa kanya ni Mama. "Bakit ba hindi ka pa mawala sa buhay ng anak ko?!" "MAMA!" inawat ko sya. Pumagitna ako sa kanila ni Timothy. Pilit kong nilalabanan sa paglapit sa kanya si Mama. "Sa tuwing may nangyayaring masama sa anak ko ikaw ang palaging dahilan!" sigaw ni Mama kay Timothy "Dahil sa'yo kaya palagi syang napapahamak! Hindi mo naman sya kayang protektahan!" "Mama tama na!" Tumulong si Papa sa pag-awat kay Mama. Nilapitan ko si Timothy at tinignan ang namumula nyang pisngi dahil sa sampal. "I'm alright," bulong nya sakin. "Samantha! Lumayo ka sa lalaking yan! Hindi ka dapat dumidikit sa mga katulad nya!" utos ni Mama sa ma-awtoridad na tono. "Mama please.." naiiyak na sambit ko nang tumingin ako sa kanya. "Pack your things Samantha! Aalis tayo ngayon din, sasama ka samin sa England." Natahimik ako bigla. Nawala ang kulay sa mukha ko. Isasama nila ako sa England? "Please Mama, ayoko," humarap ako sa kanya nang tuluyan habang umiiling. "I SAID PACK YOUR THINGS!" malakas na putol nya sa protesta ko. "No, nevermind. Bibili nalang tayo ng mga bagong gamit mo roon." Hinablot ni Mama ang kamay ko. "Ayoko! Ayokong sumama sa inyo!" matigas na sabi ko. "Samantha!" hindi makapaniwalang sambit ni Mama. Tuluyan kong naalis ang hawak sa akin ni Mama. "Hindi nyo ako gustong isama noon. In fact, kailangan ko pang magmakaawa sa inyo noon para lang isama ako dahil ayokong mag-isa rito. Pero ngayon na masaya na ako, tsaka nyo ako isasama. Ayoko Mama, buhay ko 'to kaya ako ang masusunod!" "Samantha!" pigil ang galit ni Mama habang matalim at malamig na nakatingin sa akin "Kailan ka pa natuto na sumuway sa amin ng Papa mo? Sasama ka sa amin! Magpapakasal kayo ni Jared-" "Nag-usap na kami ni Red, hindi na tuloy ang kasal Mama. I broke off the engagement, walang kasal na magaganap sa aming dalawa." "That is absurd Samantha! Magpapakasal kayo!" "Sorry Mama, pero hindi nyo na ako mapipilit pa." "You loved Jared!" napatingin si Mama sa tabi ko "Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana kita pinayagan pa na bumalik dito. Kung babalik ka sa lalaking yan, I suppose alam mo na ang mangyayari sa pamilya nya. Sa lahat ng ari-arian na meron ang pamilya nila," may pagbabanta sa boses ni Mama. Ito ang parehong rason na ginamit nya sa akin noon. Kung hindi ko hihiwalayan si Timothy, ang pamilya nya ang mananagot. "Mama please.." "Pack your things Samantha," malamig na utos ni Mama "Nakahanda akong kalimutan ang lahat ng nangyaring ito sumama ka lang. I will call my assistant para ihanda ang flight natin mamaya. Tatawagan ko na rin ang mga magulang ni Jared para pabilisan ang kasal nyong dalawa." Ipipilit parin nila sa akin ang kasal. Lumapit ako kay Mama at nagmakaawa. "Mama please, ayoko! Ayokong magpakasal sa kanya! Please Mama!" Galit na hinablot ni Mama ang braso ko. "It's best if we leave now," hinila ako ni Mama. "No!!" tumingin ako kay Timothy "Timothy!" Agad na lumapit sa akin si Timothy para hilahin ako pabalik sa kanya. Mahigpit akong yumakap sa kanya. Mahigpit rin ang hawak sa akin ni Timothy. "With all due respect Madam, but I will not let you take her away from me like this. Don't force her to do something she clearly doesn't want to do," mahinahon na sabi ni Timothy kay Mama. "Did you hear what he just said to me Cris?" tanong ni Mama kay Papa na puno ng sarcasm bago muling bumalik ang tingin nya kay Timothy "My daughter is too good for you!" Wala akong magawa kundi ang panoorin silang mag-usap. Patindi nang patindi ang takot na nararamdaman ko. "I perfectly understand your reason as to why you didn't want her to be with me. If I were you I would also feel and do the same thing. I agree, she's too good for me but I love your daughter very much and I won't stop loving her for that one reason. I will do everything just to be with her, be worthy of her." "You don't love her! You are clearly obssessed with her!" pagbibigay diin ni Mama sa nakikita nya. Napayuko ako at napapikit nang mariin. "I love your daughter that is why I want her. I love her very much. I love her and that is why I would like to take this opportunity to ask for your daughter's hand in marriage," mahinahon at matatag na sabi ni Timothy na parang walang makakabali sa sinabi nya. Tila tumigil ang oras nang mga sandali na 'yon. Natigilan kaming lahat. Napatakip ako sa bibig ko. Hinihingi ni Timothy ang kamay ko.. Gusto nya akong pakasalan. "Timothy.." tuluyan nang tumulo ang luha ko. Pakakasalan nya ako. Gusto nya akong pakasalan. Humihingi sya ng pahintulot sa mga magulang ko. Paninindigan ni Timothy ang pagmamahal nya para sakin at hindi nya ako isusuko katulad ng pangako nya sakin na hindi na sya aalis pa sa tabi ko. "No," malamig na sagot ni Mama matapos mawala ang shock sa mga narinig nya "Absolutely not!" "Mama," nakagat ko ang labi ko nang tignan nya ako ng matalim. "Just who do you think you are?! You think you are that high and mighty na papayag ako sa gusto mo dahil lang sa hiningi mo?! Sa paanong paraan mo balak buhayin ang anak ko?! As far as I know hindi ka tumutulong sa kompanya nyo. Wala kang trabaho at bukod pa don isa kang--isang basura sa lipunan!" "MAMA! Hindi basura si Timothy!" pagtatanggol ko "Hindi nyo sya kilala!" "Kung alam ko lang na sa ganyang klase ng lalaki ka lang babagsak Samantha! Sayang lahat ng pinag-aralan mo kung hindi mo makita kung bakit basura ang lalaking yan!" "Hindi basura si Timothy Mama," lumunok ako para mawala ang bikig sa lalamunan ko "Alam nyo ba.. na walang kwenta ang buhay ko bago pa sya dumating. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal dahil hindi nyo yon kailanman ipinaramdam sa akin! Ang akala ko, kapag naging mabait ako at matalino mamahalin na ako ng lahat. Ang akala ko kapag nasa pinakatuktok na ako mamahalin ako ng mga taong gusto ko. Nakakatawa lang na minahal nya ako kahit na ang laking kong tanga sa harap nya noon. Na kahit ano'ng sama pa ng ugali ko pinili parin nya akong mahalin. Minahal nya ako Mama, bilang ako. Minahal nya ako hindi dahil matalino ako o mabait o maganda.. minahal nya ako dahil mahal nya ako. Ako lang at hindi ang mga bagay na nasa paligid ko o dahil sa mga na-achieve ko. Mahal nya ako Mama at masaya ako kapag kasama ko sya dahil mahal ko rin sya. K-Kung mahal nyo ako hahayaan nyo akong maging masaya Mama." Natahimik lang si Mama habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Sa tingin mo hindi ka namin mahal ng Papa mo Samantha?" mababa ang boses na tila hindi makapaniwala na tanong ni Mama. "Iniisip mo na hindi ka namin mahal Samantha? At ang lalaking yan lang ang nagmamahal sa'yo?" "Kung mahal nyo ako, mas pipiliin nyo ako kaysa sa mga negosyo nyo. Hindi nyo ako ituturing na isang malaking investment sa kompanya--" Isang sampal ang sinagot sa akin ni Mama. "How could you say such things?! Ginawa namin ng Papa mo ang lahat para maibigay sa'yo ang isang magandang buhay na handa mong itapon para sa lalaking yan!" puno ng galit at hinanakit na sabi ni Mama na nakapagpabigat nang sobra sa nararamdaman ko. "Para lang sa lalaking yan kaya mo kami nagagawang sagutin nang ganito! Dahil lang sa lalaking yan!" Naramdaman ko nalang na mahigpit akong hinawakan ni Timothy at inilayo. Itinago nya ako sa likod nya. "Mommy! WAAAAAAAHHH!!" umiyak si Angelo dala marahil ng takot sa nangyayari. Hindi ko magawang tignan ang mga nangyayari. Nanginginig lang ako na umiiyak habang nakatago sa likod ni Timothy. "NO! I don't like you!" boses ni Angelo "I want Mommy!! Mommy!!!" "Angelo," malamig na saway ni Mama. "NOOO!!! You bully!! You hurt my Mommy!!!" "Selene," mababa ang tono na sabi ni Papa. "Ako na." Iyon ang unang beses na narinig ko ang boses ni Papa simula nang dumating sila ni Mama. Nanatili syang tahimik kanina. "WAAAAAAAHHH!! WAAAAAAAAAAAAAHHH!!" iyak ni Angelo na mas nakapag-paiyak sa akin. Sa gitna ng iyak ni Angelo mas bumigat at mas sumikip ang pakiramdam ko. Parang sobrang sikip ng paligid na hindi ako makahinga. "Samantha," kalmado na sabi ni Mama "Kung pakakasalan mo ang lalaking ito, kalimutan mo nang may pamilya ka pa." Napatigil ako sa paghikbi nang marinig nya 'yon. Itatakwil nila ako? "Please don't do that to her--" sabi ni Timothy. "Angelo! Halika na!" hindi sya pinansin ni Mama. Umalis ako sa likod ni Timothy at nakita na hinihila ni Mama si Angelo palabas ng bahay. "No!! NO!!" kontra ni Angelo. "Angelo!" tawag ko. "Mommy!!!" lumingon sa akin si Angelo. Napupuno ng luha at takot ang mga mata nya habang walang nagawa kundi ang magpahila kay Mama. Tuluyan na silang nakalabas ng bahay bago pa ako makakilos. "Miracle," sambit ni Timothy "I'm sorry." Napatingin ako sa mga mata ni Timothy. Umiling ako para sabihin na wala syang kasalanan. Matagal ko nang tanggap na mangyayari ito, ganunpaman umasa parin ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umasa kahit alam ko na. At katulad ng inaasahan, ganito ang nangyari. Nanghihina akong sumandal sa kanya. Kumapit sa braso nya para lamang kumuha ng lakas. Itatakwil ako ni Mama sa pamilya. Iyon ang kabayaran ng pagpapakasal ko kay Timothy. Iyon ang kabayaran para sumaya ako. Itatakwil ako sa pamilya. Mawawala sa akin ang pamilya ko. "Samantha," tawag sa akin ni Papa. Nanatili pala si Papa sa loob ng bahay. "Papa." Ibinuka nya ang kanyang mga braso na parang sa mga ibon. "Come here child." Dahan-dahan akong lumayo kay Timothy, tumingin muna ako sa mukha nya. Tumango sa akin si Timothy. Lumapit ako kay Papa. Niyakap nya ako. "Hindi ko napansin na lumaki ka na pala Samantha. Tama ka, mas naging abala kami sa negosyo kaysa sa pagsubaybay sa paglaki mo. Kahit papaano sana mapatawad mo kami ng Mama mo." Tumango ako habang umiiyak. "Opo Papa." "Mahal ka namin ng Mama mo. Naging mali lang siguro ang paraan namin nang pagpapakita sa'yo non pero mahal na mahal ka namin Samantha," malumanay na paliwanag sa akin ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko. Nagtuloy sa hindi ko mapigil na hikbi ang iyak ko. "May iba't-ibang paraan ang mga magulang sa pagpapakita ng pagmamahal nila sa kanilang mga anak. Walang libro na naisulat para sa pagiging perpektong magulang Samantha. Kahit na iba ang paraan na ginamit namin ni Selene sa pagpapalaki sa'yo, kinabukasan mo lang ang inisip namin. Sa tingin ko, ang mali lang namin ay, inisip namin ang kinabukasan mo at hindi ang 'ngayon' mo." "Papa--" humagulgol na ako ng iyak. Matagal pa nya akong niyakap nang mahigpit. "Nangako ako sa Dyos, na kung bibigyan nya kami ng ikalawang pagkakataon para mayakap ka nang ganito gagawin ko ang kahit na ano para sa kaligayahan mo," inilayo nya ako sandali sa kanya para tignan ako. May banayad syang ngiti sa kanyang mukha. "Hwag kang masyadong umiyak anak, baka bigla kang atrasan ng binatang ito sa kasal nyo." Umatras ang hikbi ko nang sabihin yon ni Papa. Umalis sya nang tuluyan sa yakap namin. Pumunta sya kay Timothy. Tinapik nya si Timothy sa balikat. "I give you my blessing hijo. Ingatan mo ang anak ko." ***Author's Note Gusto ko sanang pasalamatan lahat ng gumawa ng reaction video. =) kekeke! To Shenzen, oo nga pala hindi ko nasabi kung bakit dedic sa'yo yung precious chap kekeke! Ang cute kasi, para yon sa pagpapakita mo ng talent sa vid. AT TALAGANG SUMAYAW KA NG GANGNAM STYLE ha? Sino yung kakuntsaba mo sa pagsayaw? Haha! Advance Happy 16th Birthday! =D Para sa mga gustong makita ang sayaw nya sa GANGNAM STYLE. Check this Vid --> Salamat din kay Fluffyworld. Sya ang kauna-unahan na gumawa. Pinapabati rin ni Perfectlover ang SAMANTOP AMA Sta Cruz, hello kina Ariane at Joy. Ano yung Esem? Kasama ba yun? XD Pabasa rin daw ng story nya na - 'Celebrating My Cold Christmas AGAIN?' And also THANKS kay AnyaPtn for sponsoring these remaining chappies Kekeke! HANDA NA BA KAYO PARA SA NALALABING TATLONG UPDATES? Ch.104, 105 at Epilogue? Kekeke! Uwaaaaaaaaaaaahh!! Matatapos na sya!! Ajujujuju!! TT0TT So ihanda nyo na ang mga FanArts na may kasalan ng SamanTop. Actually dati pa naman meron nang ganun. Yung mga edited na pix? Kekeke! Ibandera nyo na yan sa mga groups pati na rin sa fanpage ko. At mag-aral narin kayo ng Happy Dance. Kekeke! XOXO Alesana Marie Ch.104 - Love and Be Loved ~~ Tale as old as time, True as it can be Barely even friends then somebody bends Unexpectedly ~~ Nakangiti kong pinagmasdan si Ate Sweety habang mabagal syang humahakbang palapit sa altar. Isa syang dyosa. Isang grandyosong wedding dress ang suot nya. Hugis puso ang harap nito at walang strap, backless. Hapit ito sa katawan nya hanggang hips na bumuka pabagsak hanggang sa paanan nya. Kumikinang ang itaas na bahagi ng puting dress, may mga naka-tahi roon na maliliit at makikintab na bato na tila dyamante. Napakaganda niyang bride. May kumakanta ng Beauty and the Beast sa background habang naglalakad si Ate Sweety. "Ang sabi nila kapag daw sa kasal, ang pinakamaganda daw na tignan ay ang mukha ng groom habang palapit sa altar ang bride. Doon daw makikita kung gaano kamahal ng groom ang bride," sabi ni Michie na nasa tabi ko. "Kung ganon tignan natin si kuya Cedrik," bulong ni China. Napatingin kami sa kinatatayuan ni Cedrik. Nakasuot sya ng puting armani suit. "Wow. Umiiyak ba sya?" tanong ni Maggie. Tama. Umiiyak nga si Cedrik. Umiiyak sya pero malapad ang ngiti nya habang hindi inaalis ang tingin sa bride nya. Pina-pat naman sya sa balikat ng isa sa mga groomsmen. Nalipat ang tingin ko kay Timothy na nasa likod ni Cedrik. Agad akong napangiti nang magkasalubong kami ng tingin. Bahagya rin syang ngumiti sa akin. Napaka-gwapo nya sa suot nyang itim na tuxedo. Bigla kong naalala sa kanya si Ryan Gosling. Pareho silang gwapo, matipuno at sexy. May kakaibang appeal din sila sa mga babae na kahit hindi sila magsalita, willing ang mga babae na itapon ang mga sarili nila sa kanila. Haay Timothy. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito ka-swerte dahil dumating ka sa buhay ko at minahal mo ako nang sobra. Eh? Speaking. Well. May mga classmates kasi si Ate Sweety na kanina pa tinutunaw sa titig si Timothy. Pero imbes na maalarma ako sa mga posible kong maging karibal, inalala ko nalang ang araw na nagpaiyak sakin ng sobra. Ang araw na hingin nya sa parents ko ang kamay ko. 'I give you my blessing hijo. Ingatan mo ang anak ko.' Nang marinig ko ang sinabi ni Papa napatingin ako kaagad kay Timothy. At nakita ko sa kanya ang napakaraming emosyon sa pinakamaikling oras. Pero lahat 'yon ay nauwi sa isang masayang ngiti mula sa amin. Kung sana lang nakuha rin namin ang blessing ni Mama. Pero kahit na ganon pa man, hindi na magiging kasing hirap ng noon ang relasyon namin ni Timothy. Ngayon kasi tanggap na ang relasyon namin ni Timothy ni Papa. ~~ Certain as the sun Rising in the east Tale as old as time Song as old as rhyme Beauty and the Beast ~~ "Alam kong below-below si Cedrik pero sobra naman yata na pati sa kanta eh ipinapamukha sa kanya na.." I trailed off. "Hahaha!" tumawa ng mahina ang Crazy Trios na parang may sikreto silang alam. "It's not that Sam," sagot ni Audrey "Nasa theatre pareho sina Sweety at Cedrik noong highschool days nila. Sila ang gumanap sa role na Beauty and the Beast. It was a highschool joke na hindi na naalis. Palagi silang pinagpa-partner since then." "Oo nga. Tapos last year nagkita sila ulit sa reunion ng batch nila. Si kuya Cedrik pala matagal nang may gusto kay Ate Sweety kaso masyadong torpe," singit ni Maggie. "But eventually, salamat naman at nagka-lakas loob din sya para yayain si Ate Sweety lumabas para mag-dinner date and then nasundan pa 'yon ng ilan pang mga dates bago naging sila," patuloy ni Audrey. Wow. Ang sweet naman ng story nila. Kahit papaano na-iimagine ko sila noon. Naalala ko kung paano kinabahan ng sobra si Cedrik nang malaman nya na baka pakakasalan lang sya ni Ate Sweety dahil sa ama nina Timothy. Nag-umpisa na ang wedding ceremony. "Welcome family, friends and loved ones here. We gather here today to celebrate the wedding of Aphrodite and Cedrik. You have come here to share in this formal commitment, to offer you love and support to this union and allow Aphrodite and Cedrik to start their married life togeteher surrounded by the people dearest and most important to them." Sinundan iyon ng pagbabasa tungkol sa definition ng kasal. Napapatingin ako palagi kay Timothy habang nagpapaliwang ang pari. 'I love you,' he mouthed to me and I think my heart skipped a beat. Sumagot ako ng 'I love you too' kay Timothy at saka ako ngumiti nang matamis. "Yiiiieehh," pigil at mahinang sabi ni Michie. "Nakita ko yun Sammy." "Ako din nakita ko," segunda nila China at Maggie. "Si Audrey din nakita ko. Yieeeehh.." Michie. Nagkatinginan kami ni Audrey. Natawa nalang kami. Humarap ako sa ikinakasal. Nagpapalitan na sila ng mga wedding vows. "I, Cedrik, take you, Aphodite, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part." Sinabi rin ni Ate Sweety ang vow nya. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya pero kita ko kung paano pinipigilan ni Cedrik ang luha nya. Iyakin talaga sya. Siguro sa pagsasama nilang dalawa si Cedrik ang palaging iiyak. "Will you, Cedrik, take this woman to be your wedded wife?" "I will." "Will you, Aphrodite, take this man to be your wedded husband?" "I will." Nagsalita ulit nang mahaba ang Pari at tinanong kami. Sumagot din kami ng 'We will'. Ang sunod ay ang palitan ng singsing. "I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit my heart and soul to you. I ask you to wear this ring as a reminder of the vows we have spoken today, our wedding day," sabi ni Cedrik pagkatapos ay isinuot nya sa daliri ni Ate Sweety ang singsing. Sumunod naman si Ate Sweety at sinabi ang parehong mga salita na sinabi ni Cedrik sa kanya. Nang matapos ang palitan ng singsing.. "By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss each other." Itinaas ni Cedrik ang veil ni Ate Sweety. At sa sobrang iyak nya, matagal bago nya nagawang halikan si Ate Sweety. Pumalakpak kaming lahat na nasa simbahan pagkatapos. Such a wonderful couple. Sigurado magtatagal sila. *** Pumunta kami sa reception ng kasal. Sa isang malawak na garden ng isang resort ang reception ng kasal. Napatingin ako sa blue bridesmaid dress ko. Tube ito at medyo backless din. Puro laces at ribbons ang dress. It's cute! Ito ang una kong bridesmaid dress. Nakaupo ako kasama ang Crazy Trios pati na rin si Audrey at ang isa pang bridesmaid na si Juniel. Sya ang assistant manager ni Ate Sweety sa Sweets shop. Kumakain kami sa iisang pabilog na mesa. *tingtingting* "Everyone hi! My name is Victory," may lalaking nagsalita sa tapat ng mic, may hawak syang wine glass "I'd like to propose a toast to the bride and groom. Congratulations man! Ikaw na talaga ang the best! Sa wakas! Finally dude, nasabi mo na rin sa first puppy love and first true love mo since highschool ang nararamdaman mo. I am happy for you my man. Parang kahapon lang nang umiyak ka dahil magkakahiwalay na kayo ng true love mo, since sa ibang bansa ka na mag-aaral but hey look at you guys now. I guess, if it's meant to be then it's meant to be. And to the bride, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko, iyakin yan kaya hwag mong papanoorin ng drama. Hahaha!" Nagtawanan kami dahil sa nakakatuwang reaksyon ng lalaki. Matangkad sya, katamtaman ang build ng katawa. Clean cut ang style ng buhok nya at may pagka-singkit ang mga mata nya. "Congratulations!" itinaas nya ang kanyang wine glass "To the bride and groom!" "To the bride and groom!" itinaas namin ang mga wine glass namin at ininom ang laman nito. "The bride and the groom will now have their first dance," sabi ng emcee na pumalit sa tinatayuan kanina ni Victory. Tumayo sina Ate Sweety at Cedrik. Kanina ko pa napapansin na hindi ko tinatawag na kuya si Cedrik, siguro dahil para syang bata? O baka dahil sa nakita ko noon na umiiyak sya sa playground sa harap ko with singhot pa? Nag-sayaw sila sa gitna ng waltz sa kantang Beauty and the Beast. Nakaka-mesmerize ang moment nilang dalawa, sobrang magical. Sana kami rin ni Timothy, maging ganito ka-magical ang moment namin sa kasal namin. "A penny for your thoughts?" Napalingon ako sa tumabi sa akin. Si Red. "Red," nakangiting sambit ko "You look good." "Talaga?" he chuckled "Palagi naman diba?" Naka-swept back ang buhok nya, nakasuot sya ng itim na tuxedo katulad ng kay Timothy. Oo nga pala, nandito ang buong Lucky Thirteen. I think ang kulang nalang dito ay si James Bond. Lahat kasi nang nandito puro sleek and sexy in a way na nakaka-amaze kahit na sa isang katulad ko na sanay nang makakita ng mga gwapo. I think iba ito dahil lahat sila naka-formal. Isa silang grupo ng mga most wanted, eligible bachelors sa list ng mga unmarried women. "You are so full of yourself Jared," nakangiti kong sabi "But yeah, kahit naman ano'ng ayos mo gwapo ka parin." "Hay Samantha," umiling sya habang nakangiti "Hindi ka talaga marunong magsinungaling. Kumusta na kayo ni TOP?" "Okay lang naman kami ni Timothy, thank you for asking. At ikaw?" awkward na paglilipat ko sa kanya ng topic "Sino ang ka-date mo?" "Ouch!" napahawak sya sa dibdib nya "Samantha, I'm still mending my broken heart." "Huh? Ah err.." napaiwas ako ng tingin. "Samantha naisip mo ba talaga na kaya kitang kalimutan nang ganon kadali--" "Hey Jared! Looking good!" may dumaan na babaeng guest. "Hey babe," bati ni Red sa babae bago tumingin ulit sakin. "You were saying something Jared?" =_____= "Tsk! Halika," hinigit nya yung kamay ko habang tumatayo sya. "O bakit? San tayo pupunta?" "Mag-sasayaw," tumingin sya sa paligid bago ibalik sakin ang tingin with mischievous glint "Habang wala pa si TOP. Kaya solo kita ngayon." Ngumiti nalang ako at sumama sa kanya. Kanina ko pa nga hinahanap si Timothy pero di ko sya makita. Nakisabay kami sa mga nagsasayaw ng slow dance. May lalaking kumakanta sa stage at sa likod nya ang banda na tumutugtog. Isa sya sa mga guests, If I heard it right nang ipakilala sya ng emcee, ang pangalan nya ay Sol or Soul? ~~ No one else comes close to you No one else makes me feel the way you do You're so special girl to me And you'll always be eternally ~~ "Pumunta sa bahay namin si Mr Perez alam mo ba?" "Si Papa?" my guess na ako kung bakit. "Yope! Inurong na nila ang engagement natin nang tuluyan. Pero mananatili parin ang investment ng kompanya nyo sa kompanya namin at vice versa." "Jared," nakagat ko ang labi ko. Sasabihin ko ba na hiningi na ni Timothy ang kamay ko sa parents ko? Kailangan pa ba nyang malaman 'yon? "Kung hindi ka komportableng sabihin, hwag nalang Samantha." "Hiningi na ni Timothy ang kamay ko sa mga magulang ko," mabilis kong sabi. Tinignan ko ang mukha niya. May pain na nag-flicker sa mga mata nya, that instant gusto kong tahiin ang bibig ko. Masyado pang maaga para sabihin. "T-That's good," he breathed saka sya ngumiti "Hwag nyo akong kalimutan na padalahan ng inivitation ng kasal nyo. I wouldn't miss it for the world. Kailan nyo ba balak magpakasal?" "Jared.. I'm sorry," bulong ko. "Para saan?" nakangiting tanong nya. "Hindi kasalanan ang maging masaya Samantha." "I hope someday.. makita mo na rin ang para sa'yo. Sana nga ngayon na para naman--" naputol ang sasabihin ko nang paikutin nya ako. Tinwirl nya ako at muling ibinalik sa mga braso nya. "Nakita ko na sya," nakatitig sya sa mga mata ko "At masaya na ako na malaman na magiging masaya na sya.. kahit pa sa piling ng iba." Hindi ako makapagsalita. May humaharang sa lalamunan ko. "Tis better to have loved and lost than to not have loved at all," mahinang bigkas nya "by Alfred, Lord Tennyson. Ang paborito kong quote simula nang mawala ka sakin." "Hindi ako nawala Jared, nandito lang ako." "Hindi pisikal Samantha," bigay diin nya at umiling "Hindi kita maabot." "Hindi sa paraan na gusto mo.." malungkot na sabi ko. "Hindi sa paraan na gusto ko," ulit nya. ~~ You're my dream come true Oh girl you know I'll always treasure Every kiss and every day I love you girl In every way And I always will cause in my eyes ~~ "Cliche man pero gusto ko talaga ang kanta na to para sa'yo," nginitian na nya ako "No one else comes close to you Samantha. No one makes me feel the way you do. You're so special girl to me and you'll always be eternally." "Jared." Ngumiti lang sya. Nagpatuloy kami sa pagsayaw hanggang sa matapos. ~~ Everytime I hold you near You always say the words I love to hear Girl with just a touch, you can do so much No one else comes close ~~ "Mahal kita Samantha," hinalikan nya ako sa noo ko "Please remember that." "I know Jared, and I love you too, you know that," pinisil ko ang kamay nya bago sya bitawan. Tinitigan nya ako nang matagal. Bumuntong hininga sya. Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya. Ngumiti sya sa akin ng malapad. "Be happy," tila pautos na sabi nya. "I will," nakangiti kong sagot. Tumalikod na sya at naglakad palayo. Pinanood ko lang sya habang naglalakad hanggang sa natakpan na sya ng ibang tao at hindi ko na sya nakita pa. Hindi ko alam kung kailan sya makakakita ulit ng babaeng mamahalin nya, pero sana hindi ako ang maging dahilan para isara nya ang puso nya sa mga babae. ***Author's Note Ang original plan ko dito ay may makikita na babae si Red, na kilala nya mula sa nakaraan.. but decided against it. Hindi dahil nawalan sya ngayon, ay dapat magkaron ng kapalit agad para lang maging happy ending din sya.. I think.. Somehow.. mas gusto kong maging single muna si Red.. for a very long time. I think it's more.. real. >___> Anyway!!!!!!!!! OMG!!!!!!!! TWO UPDATES LEFT!!!!!!!!!!!!!!!!!!! UWAAAAAAAAAAHHHHHHHH!! Nawala si Timothy.. XD Hahaha! Na-kidnap na ng mga single ladies!!! XD Hola! Baka ma-rape na naman 'yon? Hwag nyo rin pala akong tanungin kung kailan ang update. Nakaka-pressure, kakatamad, dahilan ng writers block. kruuukruuu.. XOXO Alesana Marie Ch.105 - To Have and To Hold ***Two Years After... "CONGATULATIONS BATCH 20**!!!" bati sa amin ng President ng St Lourdes International. Masigabong palakpakan ang sumunod at kagaya ng sa tradition ay itinapon namin nang mataas ang aming mga cap. "Kyaaaaaaahhh!! Graduate na tayo!!" masayang sigaw ni China. "Sa wakas!! Hindi na natin kailangan pa ng assignments at projects!!!" sigaw ni Maggie. "Goodbye thesis!!!!" sigaw ni Michie. "CONGRATULATION SA ATIN MGA BADING!!!!!!" sigaw ng magkapatid. "Finally hindi ko na kailangan makisama sa mga baliw," sabi ni Audrey. >__> "WEEEHH?! Asa ka pa Audrey alam naman namin na love mo kami eh!!" China. ^O^ "Oo nga," Michie. *U* "You are delusional," sagot ni Audrey =___= "Group hug!!!" sigaw ni Maggie. "Hey! Ano ba?!" reklamo ni Audrey nang mapasama sya sa group hug namin. Natatawa nalang ako sa inaasal nila. Ang saya-saya nila. Masaya rin naman ako. Graduate na rin kami sa wakas. Nagawa ko parin makakuha ng mataas na marka. Gumraduate ako bilang Summa Cum Laude. Natapos ko narin ang goal ko.. Sana lang masaya si Mama. Hindi parin kami nag-uusap na dalawa. Katulad ng sinabi nya noon, babalik sila papunta sa England. Isinama nya si Angelo. Walang nagawa si Papa kung hindi ang sumunod sa kanila. Naiwan na naman ako. Pero masaya ako kahit papaano. Hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. Nandito ang mga kaibigan ko, pati narin si Timothy. "Sammy!!" hinila ni Maggie ang braso ko "May papalapit oh!" Napatingin ako sa itinuro nya. Naging mas malapad ang ngiti ko nang makita ko si Timothy. "Hi," bati nya. "Hi," nakangiting bati ko. "Oooooooyyyyyy...." singit ng Crazy Trios. Natawa nalang ako sa kanila. Hinila ko si Timothy sa kamay at pumunta kami sa hindi masyadong matao na lugar. Punong-puno ang buong eskwelahan. Nandito rin kasi ang mga magulang ng ibang gumraduate. Pati ang sa Crazy Trios may dumating din. Dumating kahapon sa bahay ang Lola nila kasama si kuya Lucien. Malapit na rin mag-dilim. Late na rin kasi naumpisahan ang graduation ceremony at bago pa matawag ang pangalan ng lahat ng mga estudyante paakyat sa stage ay ilang oras na ang nakuha, bukod pa roon ay may speech pa. Masaya ako at natapos na rin, nakakapagod. "Congratulations," bati sa akin ni Timothy. "Thanks," ngumiti ako sa kanya. Tinitigan ko sya sa mga mata nya. Masaya sya para sakin, pero hindi ako masyadong masaya. Magkakahiwalay kasi kami eh. May dalawang subjects pa syang kailangan tapusin dito bago makagraduate. Pinilit nyang makahabol, nag-summer classes rin sya at nag-advance pero may dalawang subjects parin na natira. Naging sobrang busy nya sa loob ng dalawang taon. Kung minsan hindi na rin kami nakakapag-date dahil sa sobrang busy nya. Sa school nalang kami madalas magkita. "This is for you Miracle.." inabutan nya ako ng bouquet ng pink roses. Napa-ngiti ako nang tuluyan. Ito rin ang ibinigay nya sa akin noon. Kaparehas ng unang bulaklak na ibinigay nya sa akin noon sa date namin. "Thank you Timothy," naluluha na sabi ko "They are so pretty-" napahikbi ako. "Hey, Miracle what's wrong?" nag-aalalang tanong nya sa akin. "Eh kasi naman eh.." tumulo na yung mga luha ko. "Hindi tayo sabay.. Maiiwan ka rito. Hindi na kita mababantayan! Yung mga freshmen pa naman--baka landiin ka pa!" "Retard," ngumiti sya at niyakap ako "I am yours Miracle. You know that, my heart is yours right from the very beginning." "Alam ko," nag-pout ako bigla. Pero hindi ko parin nakukuha ang katawan nya. May kasabihan na Try and Try until you succeed pero... wala eh. Close sila ni Barney. Nag-evolve na nga ang chant nya eh.. iniisip nya na rin ngayon ang pustiso ni Lola. >__> "Samantha!" may tumawag sa akin. Agad akong napahiwalay kay Timothy para tignan kung sino yun. Nakita ko na tumatakbo si kuya Lee papunta sa akin. "KUYA!" nakangiting tawag ko. "Congratulations Princess!" niyakap nya ako ng mahigpit saka nya ako pinakawalan. "Heto oh. Para sa'yo." inabutan nya ako ng isang bouquet ng white tulips. "Salamat kuya." "Teka," may kinuha syang camera "Bilin sakin ni Tito Cris kunan daw kita." Kinunan ako ng solo pictures ni kuya Lee. "Do you mind?" tanong ni kuya Lee kay Timothy habang inaabot ang camera. Hindi pa ganon ka-ayos ang relasyon nila. Hindi sila magkaibigan pero hindi sila magkaaway. Civil sila sa isa't-isa. Kahit papaano nagpapasalamat ako para don. Kinuha ni Timothy ang camera mula kay kuya Lee. Lumapit sa akin si kuya at inakbayan ako. Ngumiti kami pareho sa camera habang kinukunan kami ni Timothy. Makalipas ang ilang shots natapos na rin kami. "Ahh Samantha, nasan ang mga kaibiga mo?" lumingon lingon sa paligid si kuya Lee "Wala ba sila dito? Umalis na ba sila?" Tanong nya. >__> Fuuu.. si Michie lang naman ang hinahanap nya eh. Inakbayan ako ni Timothy. "Nasa loob pa yata sila ng auditorium. Iniwan ko sila dun eh," tumingin ako sa direksyon ng auditorium "Ayan na pala sila eh." Nakita ko ang Crazy Trios kasama ang Lola nila pati narin si Kuya Lucien. "Nandito na naman sya?" inis na bulong ni kuya Lee. Nakatingin sya kay kuya Lucien na kasalukuyang kausap ni Michie. Nakangiti sila pareho sa isa't-isa. Napatingin ako kay kuya Lee. Kulang nalang ay umusok ang mga tenga nya sa galit. Hmm.. Nag-seselos sila. "Teka lang Princess ha," sabi ni kuya Lee bago malalaki ang hakbang na lumakad palapit kina Michie. Pinanood namin sya ni Timothy habang papalapit kay Michie. Kawawang Michie. "Let's go?" yaya ni Timothy. "Saan?" tumingala ako sa kanya. Ang tangkad talaga nya. >__< Ngumiti sya. Parang may napakalaking sikreto sa likod ng ngiti na 'yon. "To your graduation present." *** Sumakay kami ni Timothy sa sasakyan nya. Kalahating oras na kaming nasa loob ng sasakyan. Hindi parin sinasabi sakin ni Timothy kung saan kami pupunta. Graduation present? Hindi ba pwedeng ibigay nalang nya sakin? Bakit kailangan pa na kami ang pumunta? "Timothy bakit hindi mo nalang dinala yung gift mo? Bakit kailangan pa natin puntahan? Naiwan mo ba? Baka hinahanap na ako nila Michie eh," tanong ko habang nakatingin sa kanya. Bigla nalang syang ngumiti nang malapad na para bang may nakakatawa akong sinabi. Hindi sya sumagot. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi masyadong pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Saan kaya kami papunta? Makalipas ang sampung minuto tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. May kulay puti itong bakod, kahoy, hanggang dibdib. Nakikita ko rito na may lawn ito sa tapat at may mga halaman at bulaklak na nakatanim. "Timothy sino'ng nakatira dyan?" tanong ko. Hindi na naman sya sumagot. Lumabas sya ng kotse. Eh? Pinanood ko syang umikot at pagbuksan ako ng pinto. "C'mon," sabi nya. Muli akong tumingin sa bahay. May dalawang palapag iyon, ilang shades ng blue ang kulay ng bahay. Hindi gaanong malaki, kasing laki lang rin ng bahay namin ng Crazy Trios. Tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na ng kotse. Agad na hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Hinila nya ako papasok sa bahay. Nakabukas ang gate nito kaya naman dumiretso na kami ng pasok. "Timothy!" sambit ko "Sino ba ang nakatira rito?" "You'll meet them later," nakangiting sabi nya. Ang saya-saya ng aura nya kaya hindi nalang ako nagtanong pa. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa bahay, ni hindi kami kumatok sa pinto! "Timothy! Kilala mo ba ang nakatira rito? Baka makasuhan tayo ng trespassing ha!" >0< "No. Don't worry Miracle they won't do that." Pagkapasok namin sa bahay, unang nakita ko ay ang living room. Magaganda ang mga gamit sa loob. Mukhang galing pa sa ibang bansa. Malawak ang loob ng bahay, hindi iyon halata kung titignan mula sa labas. Maliwang din ang loob nito, mataas ang kisame at may chandelier na nakasabit. Hindi kami tumigil sa paglalakad ni Timothy. Nadaanan namin ang dining room pero hindi ko masyadong nakita ang loob nito, nasa kaliwa kasi ito at medyo nakatago. Biglang tumigil si Timothy sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya. "I have to blindfold you first," may mischivous glint ang mga mata nya. "Timothy.." reklamo ko "Kailangan pa ba--sabi ko nga kailangan eh," sabi ko nang patalikurin nya ako at takpan nya ng panyo ang mga mata ko. "There," pinaikot nya ako paharap sa kanya "Can you see anything Miracle?" Pinilit kong sumilip pero masyadong mahigpit ang pagkakatali ni Timothy kaya wala akong makita. "Wala. Sobrang dilim," hinawakan ni Timothy ang mga kamay ko. "Good. Come," hinila nya ang mga kamay ko. Narinig ko na may bumukas na pinto. "Timothy, san mo ba ako dadalhin?" tanong ko. "Just be patient, we're almost there," sagot nya. Bigla nya akong binuhat bigla at muli rin nya akong ibinaba. Naglakad pa kami saglit. Bigla syang tumigil. "Okay, stand still Miracle," bigla nyang binitawan ang mga kamay ko. "Timothy! Hwag mo akong iwan dito!" panic ko. Baka kasi nasa gitna na pala ako ng kalsada at iniwan nya ako. Baka masagasaan ako. >__< "I'm just here," narinig ko yung boses nya na parang tumatawa. Hindi naman sya ganon kalayo. May narinig akong tunog ng posporo na parang sinindihan. Mag-susunog ba sya ng basura? WAAHH!! O baka yung bahay ang susunugin nya?! >__< Pagkatapos non narinig ko syang bumalik na ulit. Hiniwakan nya ulit ang mga kamay ko at hinila ako nang dahan dahan. "Okay," bulong nya. Naramdaman ko syang pumunta sa likod ko. Tinanggal na nya ang takip sa mata ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko para makakita nang maayos. May kandila akong nakita. Mga kandila na nakasindi. Nakalagay ang mga ito sa lawn, sa munting pond, papunta sa isang mesa na nasa gitna ng bakuran. Kung bibilangin ko itong lahat, mukhang isang daan na kandila o mas marami pa ang mga ito. "Wow," sambit ko habang tinitignan ang mga kandila. Napakarami nila! "Ikaw ang nag-prepare?" tumingin ako kay Timothy. "Do you like it?" "Like it? Are you kidding me? I love it!" muli akong tumingin sa mga kandila "Thank you Timothy. This is the best gift ever!" Sino ba ang hindi matutuwa? Sobrang effort ito! "Come Miracle," hinawakan nya ang kamay ko. Naglakad kami palapit sa lamesa na nasa gitna. Pinaupo muna nya ako bago sya umupo sa tapat ko. May tatlong kandila sa lamesa na nakalagay sa silver na candle holder. Dalawang kandila na maliit at nasa gitna ay isang matangkad na kandila. May dalawang plato at table napkin. May bucket ng ice sa gitna. "So ito na ba ang part na lilitaw bigla ang mga kaibigan mo para mag-serve sa atin?" tanong ko nang natatawa. "Tss. Miracle, you are no fun. Can you atleast act as if you don't know what's gonna happen?" "Hahaha! I'm sorry! This is just.." tumingin ako sa paligid bago muling tumingin sa kanya at ngumiti "just like a movie." Ngumiti si Timothy. "I hope that's a good sign," sabi nya, nag-snap ng fingers nya si Timothy. Mula sa pinanggalingan namin ni Timothy na pinto ay lumabas ang isa sa mga kaibigan nya. Si Jun. Nakasuot sya ng pang-waiter na damit. "Good evening," bati ni Jun nang nakangiti "Would you like some wine?" alok nya at ipinakita sa amin ang bote ng red wine. "Yes please," sagot ko. Ipinagsalin nya kami ni Timothy ng wine. "Would you like to have your dinner now?" tanong ulit ni Jun na mukhang seryoso sa ginagawa nya. "Yes," sagot ni Timothy. "Very well Sir." Nag-bow si Jun at muling pumasok sa loob ng bahay. "Mukhang seryoso sya ah," sabi ko kay Timothy bago tikman ang red wine. "He should be," sabi ni Timothy. May nakatago na naman sa likod ng sagot nya. Parang may kasunod pa ito na hindi nya sinabi. Dumating naman si Seven at Six. Sila ang may dala ng pagkain. Nakasuot din sila ng pang-waiter na damit. Mukhang masarap ang pagkain. Hindi ako pamilyar sa luto, karne na may halong mga gulay. Sumunod ang dessert. Isang blueberry na may halong vanilla icing na cake. Si Kyo ang nag-dala non. "Timothy," sabi ko pagkatapos kong kunukin ang pagkain "Kanino ba 'tong bahay?" "It's mine." "Sa'yo?" tumingin ako sa bahay. Nakabukas na ngayon ang ilaw nito. May veranda pala ito sa itaas at nakaharap dito. *SHHHHHHHHH* Nagulat ako nang mag tubig na biglang lumagaslas. Napatingin ako roon. Ang isang buong pader na bakuran ay nagsilbing isang malaking waterfall. "Yes, I bought it five years ago." Napa-nganga ako sa kanya. Five years ago? Teka ilang taon sya noon? Twenty one na ako ngayon at mas matanda sa akin si Timothy ng dalawang taon, twenty-three minus five is eighteen. Ang galing ko sa math! Naibaba ko ang tinidor sa platito. "Nakapagtataka ka talaga Timothy. Meron kang sarili mong beach house tapos ngayon meron kang bahay. Meron ka pang condominium at magagarang sasakyan. Pero ang sabi mo hindi ka umaasa sa Papa mo tungkol sa financial needs mo," nagtatakang sabi ko "Hindi kaya.." nag-isip ako saglit "Hindi kaya.." Ngumiti si Timothy. Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang napkin at tumingin sa akin. "I have my own money Miracle. Don't let your imagination run wild again. I'm not a criminal. I don't do drugs, I didn't kill anyone. It's from my mother and my grandparents. When they passed away, let's just say that they gave me a small fortune as well as my sister." "Oh. I'm sorry about.. that. Kung ganon, ginamit ni Sweety ang mana nya sa pagpapatayo ng shop nya at ikaw ay bumili ng mga bahay?" "Not exactly," ngumiti sya. "I won the beach house from an underground fight. And this house is from my invesment to some small company." Sa ikalawang pagkakataon nalaglag ang panga ko. Investment? Underground--UNDERGROUND FIGHT?!! Magtatanong pa sana ako nang bigla syang tumayo. Lumapit sya sa akin at inilahad nya ang kamay nya sa harap ko. "Can I have this dance?" nakangiting tanong nya. "Dance? Wala naman tugtog eh," sabi ko sa kanya. As if on cue may tumugtog na gitara. Napatingin ako sa veranda. Tumutugtog ng gitara si Mond. Kumanta naman si Omi. ~~ Well, here we are again; I guess it must be fate. We've tried it on our own, But deep inside we've known We'd be back to set things straight. ~~ "Oh my God," hindi makapaniwalng bulong ko habang nakatingin sa itaas. "Now? Shall we?" tanong ulit ni Timothy. Kagat ang labi na tumayo ako sa silya at ibinigay sa kanya ang kamay ko. Napupuno ng nagliliparang paru-paro ang tyan ko. Kinakabahan ako na nae-excite. >.< Inilagay nya ang dalawang kamay ko sa dibdib nya at inilagay naman nya ang dalawang kamay nya sa bewang ko. Nag-simula kaming mag-sayaw. ~~ I still remember when Your kiss was so brand new. Every memory repeats, Every step I take retreats, Every journey always brings me back to you. ~~ Magkatitigan kami ni Timothy habang nagsasayaw. Inangat ko ang mga kamay ko at inilagay sa may batok nya. Mas lalo kaming nagkalapit nang higpitan nya ang hawak nya sakin. Magkayakap na kaming nagsasayaw. "You are impossible Timothy. Hindi ko alam na kaya mong gawin 'to." "Good to hear that because," binigyan nya ako ng mabilis na halik sa labi "It's supposed to be a surprise." Tumawa ako. "I love you Timothy," buong pagmamahal na sabi ko sa kanya. "I don't think may isa pang lalaki sa mundo na ito na katulad mo. You are.. one in a billion," ngumiti ako sa at tumatawa na idinugtong ang "and close to extinction." "Aren't you glad I survived?" pabiro rin na tanong nya. "I am glad. Very much." ~~ After all the stops and starts We keep coming back to these two hearts Two angels who've been rescued from the fall After all that we've been through It all comes down to me and you I guess it's meant to be Forever you and me, After all ~~ "Je t'aime," hinalikan nya ako sa noo. "Moi aussie, je t'aime," proud na sagot ko sa kanya "Nag-aral na ako ang french." Mahina syang tumawa at umiling-iling. Ipinatong nya ang noo nya sa noo ko. Nagpatuloy kami sa pag-sayaw. May mga pumatak na bagay mula sa itaas. Nang tignan ko ay puro petals ng red, white at pink roses. "Seriously?" pigil ang tawa na tumingin ako kay Timothy. This is so not him, pero cute parin. "That's not my idea," mabilis na tanggi nya. Sabay kaming napatingin sa itaas. Nakita ko ang Crazy Trios na nasa itaas kasama si Audrey. Nagtatapon sila ng petals mula sa veranda. Hindi ko mapigilan na mag-giggle na parang six-years old. Kumaway sila sa akin. "Nasan yung iba mong kaibigan Timothy?" tanong ko. Ngumiti sya. Nagpatuloy lang kami sa pag-sayaw hanggang sa matapos na ang kanta. Hinila ko sya sa kamay para bumalik na sa mesa pero nanatili syang nakatayo roon. "What? Gusto mo pang sumayaw?" tumatawang tanong ko. "I think it's time," seryosong sabi nya. Tumingin sya saglit sa mga kaibigan nya bago muling tumingin sa akin. Muling inulit ni Omi at Mond ang pagtugtog at pagkanta. "Time for what?" tanong ko. "Another surprise? Teka huhulaan ko! May dance number ba na inihanda ang mga kaibigan mo para sa'kin? Kaya sila missing no? Nagpa-practice sila ng gangnam style," tumatawang sabi ko sa kanya. Lumabas si Audrey mula sa bahay. May malaking box ng regalo syang dala. Box na parang sa sapatos. Inabot ni Audrey ang box na 'yon kay Timothy. Ngumiti lang sakin si Audrey nang makahulugan bago pumasok ulit sa bahay. "Oh," sambit ko. "Yan ang graduation present ko?" "No. It's a present for me." Ibinigay sa akin ni Timothy ang box. "Kung present mo naman pala ito, bakit sakin mo ibinibigay?" "I want you to open it for me," sabi nya "Please?" dagdag nya nang tignan ko lang sya. "Okay. You are so cute Timothy kapag nagsasabi ka ng please," tukso ko sa kanya. "I'm not cute," seryosong tanggi nya. Sinira ko na yung wrapper ng box. Ibinigay ko kay Timothy yung wrapper. Medyo magaan yung box. Ano kaya ang laman? Binuksan ko yung box at kinuha mula sa loob ang isa pang... box. "Wow. Ang ganda ng regalo sa'yo Timothy. Box. Sino kaya ang nagbigay nito sa'yo?" tanong ko. Ngumiti lang sya. "Ang weird," sambit ko nang makakuha ulit ako ng isa pang box sa loob ng box. Paliit nang paliit ang box. "Sino kaya ang nagpadala nito? Mabuti nalang magaan. Baka kasi bomba pala 'to." "Keep opening it Miracle." "Fine." Binuksan ko nang binuksan nang binuksan. Puro kahon na paliit nang paliit ang laman nito. "Sorry late ako!" may sumigaw mula sa itaas. Nakita ko si Red sa itaas. Ibinigay ni Mond ang gitara kay Red. Nagulat ako ng sobra nang makita ko sya. Ang huling pagkikita namin ay ang araw ng kasal ni Ate Sweety. Bumalik kasi sa France si Red at doon na nya ipinagpatuloy ang pag-aaral nya. Hindi ko alam na nakabalik na pala sya. "Sorry Pinuno traffic eh, hi Sam!" kumaway sya sa'kin. Nag-clear ng throat si Red bago nag-umpisa na mag-strum sa gitara. ~~ Some things we don't talk about Rather do without and just hold the smile Falling in and out of love Ashamed and proud of Together all the while ~~ Ang theme song namin ni Timothy.. kinakanta ni Red. Nakangiti sya habang nakatingin sa amin ni Timothy. Ngumiti ako sa kanya. Sa tingin ko, nag-hilom na ang sugat na iniwan ko sa puso nya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbubukas ng regalo ni Timothy. Sa ikalawang pagbubukas ko.. agad akong napatingin kay Timothy. Isang pulang box. Binuksan ko at tumambad sa akin ang isang singsing.. "Timothy.." sambit ko. Tumingin ulit ako sa mukha nya, bahagya syang nakangiti. "B-Bakit? May gustong mag-propose sa'yo!" Na-shock si Timothy at agad na nawala ang ngiti nya. Bigla syang sumimangot. "Waah! Ano 'to? Bakit may singsing? Sino ba kasi ang nagpadala nito? Susugurin ko yung malanding 'yon! Kaya ka siguro pinadalhan nito kasi alam na nilang nag-graduate ako at--waaahh!!" "Retard," -___- bumuntong hininga sya. "Huh? Timothy Sino ba kasi yung manliligaw mo?" "That's yours," diretsong sagot nya. ~~ Picture, you're the queen of everything as far as the eye can see Under your command, I will be your guardian When all is crumbling To steady your hand ~~ "Huh?" "Don't you remember?" kinuha nya yung singsing mula sa hawak ko "This is your ring. I was going to give this ring to you five years ago at the Christmas ball but.." bumuntong hininga sya. "and then I threw it away. I guess you found it." Oh. Tinignan ko nang mabuti yung singsing. Ito nga. Two years ago nawala ko yon. Nawala sya bigla sa kwarto ko. Akala ko na-misplace ko o nanakawan ako. Iniyakan ko rin ang pagkakawala ng singsing na 'to. Yun pala.. ~~ You can never say never While we don't know when Time, time, time again Younger now than we were before ~~ "Kung ganon sino ang nagpadala nito? May pumasok sa kwarto ko? Waah! Sino sya?! May stalker ako?! Oh my gahd! My stalker ako!! Ang creepy nun! At yung stalker ko may gusto sa'yo?! Double oh my gahd!! Tapos nag-propose pa sya sa'yo?! Triple oh my gahd Timothy!!" >0< Napayuko bigla si Timothy. Bumgsak ang balikat nya at huminga sya ng malalim. Bigla nyang naihilamos ang mga kamay nya sa mukha nya at parang naiinis na tumingin sya sa'kin. "Miracle why are you so f*ckin' slow?!" mukhang frustrated na tanong nya. "Ano bang slow? Ano yon? Nagagalit ka dahil nawala ko 'to? Hindi ko naman sinasadya eh. Malay ko ba na may kukuha nito sa kwarto ko?! Bakit ka ba nagagalit?!" >0< Biglang kumulog at kumidlat. Napatingin ako sa langit. Mukhang uulan. "Timothy pumasok na tayo. Uulan na yata." "No." "Bakit?" "Because--f*ck it!" nahagod nya yung buhok nya sa inis. "Timothy.." >3< Biglang pumatak ang ulan. Unti-unti ay namatay ang mga nakasinding kandila.s "Timothy! Pumasok na tayo sa loob ng bahay!" hinihigit ko sya sa braso pero ayaw nya. "F*ck! F*ck! F*ck!" sunod-sunod na mura nya habang nakatingin sa langit. Naguguluhan na talaga ako sa kanya. Mukha syang nagagalit na naiinis na nafu-frustrate na hindi mapakali na naiinis na nagagalit na nafu-frustrate. Basta mukha syang bad mood. >.< "Timothy! Ano ba ang nang.. ya..yari.. Oh my gosh.." napasinghap ako sa gulat. Isa-isang lumabas ang mga kaibigan ni Timothy mula sa loob ng bahay. Kahit nababasa na sila ng ulan, lumabas parin sila at lahat sila ay may suot-suot na puting shirt. Lumakas ang tibok ng puso ko. Nag-umpisa kay Dos ang 'W' sumunod si Vin na may 'I' sumunod ang kambal na sina Six at Seven na may parehong 'L'. Sumunod si Kyo na may 'Y', si Jun na may 'O', si Omi na may 'U'. Lumabas rin sina Mond na may 'M', Pip na may 'A', Sun na may 'R', si Jack na may 'R' din. Lumabas din si Audrey na naka-payong, may suot din syang white shirt, 'Y'. "Oh my God," bulong ko. Napatakip ako ng bibig at mabagal na tumingin akong muli kay Timohty "Oh my God Timothy." Ipinakita sa akin ni Timothy ang pinakamalaking kahon ng regalo kanina. Nakasulat sa likod nito ang 'ME?'. Natulala ako sa nakita ko. Hindi ko alam.. Hindi ko... Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. "Oh my God!" naluluha ako. "I swear I checked the weather forecast this morning and--damn. It's supposed to be clear sky tonight. No rain," naiinis na sabi nya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "It's okay Timothy," mahinang sabi ko, hindi ko alam kung narinig nya. "I prepared a speech--a proposal and I forgot it because I can't concentrate right now--can you turn around? Please turn around Miracle," hindi mapakali na sabi nya. Kung hindi ko pa siguro kilala si Timothy iisipin ko na kinakabahan sya. Pero si Timothy kakabahan? After ng shock ko napuno ng saya ang dibdib ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Ngayon na! Ito na 'yon! "Bakit?" Pinapatalikod nya ako sa kanya? "Because I can't--concentrate and you're staring at me. Please turn around." Pigil ang ngiti na tumalikod ako sa kanya. Tumingin ako kay Jared sa itaas. Patuloy lang sya sa pagkanta. Nandon din sa itaas ang Crazy Trios. Naubos na nila ang mga petals. "I-I don't know where to start. I'm not romantic because that's gay and I'm straight. Oh f*ck what am I saying?" Natatawa ako na naiiyak. He's proposing! After so many years! He's finally proposing. "Miracle, I love you. With every damn beat of my heart, I love you. With every damn breath I take, I love you. I love you and I can't imagine my life with anyone but you. Damn I can't even imagine being alive without you. And I wan't you to be mine, only mine forever. I want to spend my life with you, caring you, watching you, kissing you, sleeping beside you and waking up to see you by my side. I want to be there for you, always. I want to share my life with you. I want you Miracle. I want you in my life forever." Humarap na ako sa kanya. Tinitigan ko sya sa mga mata. Panay ang tulo ng luha ko pero matamis ang ngiti ko sa kanya. Ngumiti sya nang makita iyon. Hinawakan nya ang kaliwa kong pisngi. ~~ Don't let me go Don't let me go Don't let me go ~~ Natapos ang kanta ni Red at pinalitan nya iyon ng kinakanta kanina ni Omi. "Miracle, I love you. There are so many things I want to say to you but.." Napasinghap ako at naitakip ko ang dalawa kong kamay sa bibig ko. Pinanood ko sya habang unti-unti syang bumababa. Iniluhod nya ang isa nyang tuhod. Hawak nya ang singsing at nakatingin sa mga mata ko nang diretso. "Will you accept me?" tanong nya "Please let me be with you forever. Please let me take care of you. Please let me be the Father of your children, our children. Please share your lifetime with me. Please marry me Miracle. Marry me. Please." Naramdaman ko na unti-unti nang tumitigil ang ulan. Puno ng luha ang mga mata ko. Hindi ako makapag-salita kaya naman tumango ako. Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Y-Yes Timothy. I will marry you." Nakita ko ang malapad na ngiti nya. Unti-unting napalitan ng saya ang mukha nya. Kinuha nya ang isang kamay ko at isinuot ang singsing sa ring finger ko. Agad syang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Mahal na mahal ko ang lalaking ito! Sobra! "WOOOOOOOOOHHHHH!!!!" nag-cheer at nagpalakpakan ang mga nanunuod sa amin. Ang saya saya ko. Hindi. Kulang ang salita na 'yon para ipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Sobrang saya ko na pakiramdam ko ay sasabog ako. ~~ After all that we've been through It all comes down to me and you I guess it's meant to be Forever you and me, After all ~~ "KASALAN NA!!!! WOOOOOHHH!!!" Tumatawang humiwalay ako ng yakap kay Timothy para tignan ang mukha nya. Bakas sa mga mata nya ang saya. "I love you Timothy." "I love you more." Biglang bumuhos nang malakas ang ulan. Nagtakbuhan na papasok ang mga kaibigan ni Timothy pati na rin si Audrey. Umalis na rin sa veranda ang Crazy Trios at si Jared. Basang-basa na kami ni Timothy. Pero pareho kaming walang pakialam sa ulan. Sa ngayon, ang mahalaga ay nakapag-propose na sya sa akin ng kasal at sinagot ko yon ng 'oo'. "Kiss me," sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Nakikita ko sa mga mata nya na sobra nya akong mahal. Mahal na mahal. "As you wish Mrs Pendleton." Nilagay nya ang isang kamay nya sa likod ng ulo ko habang ang isa naman ay nakayakap sa bewang ko. Nakapulupot naman sa leeg nya ang mga braso ko. Siniil nya ng malalim at mainit na halik ang labi ko. Mrs Pendleton.. Miracle Samantha Perez-Pendleton. "Let's get married tomorrow," suhestyon nya nang maghiwalay ang labi namin "What do you think?" "Ganon ka ka-excited sa kasal Timothy?" natatawang tanong ko. Mukha kasi syang bata na nagmamadali makabili ng laruan. "No," nag-smirk sya. Inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko saka bumulong "I am excited for our wedding night." Natatawang nahampas ko ang likod nya. Bigla nya akong binuhat at umikot ikot kami. "Stop Timothy! Nahihilo ako. Pumasok na tayo nilalamig na ako," sabi ko sa kanya. Agad nya akong ibinaba. Binuhat nya ako ulit at this time, bridal style. Naglakad sya papasok sa bahay. "Timothy bakit mo sinabi na regalo sa'yo yun kanina?" "Because you are God's gift to me, you said yes." Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap sya ng mahigpit. You are God's gift to me too Timothy. "Alright, let's get married next week." Tumawa lang ako pero ang totoo excited na rin ako para sa wedding night namin. "Be ready Wifey because we will make love until morning, every day and every night." "Pervert." "Yes Wifey. I am your pevert." "Ang daming tao." "Do you want me to kick them out?" "Yes please." ***Author's Note UWAAAAAAAAAAHH!! @0@* FINALLY!!! Ikakasal na sila at sa WAKAS may wedding night shemz!!!! OO NGA PALA may NEW STORY AKO. DARK and theme nya, ADULT at may pagka-EROTICA. LOL HAHAHAHA!! PLEASURABLE DESIRES ang title pero PRIVATE sya. ISA NA LANG!!! ISA NALANG ANG NATITIRA GOODBYE NTBG NA!!!! UWAAAH!! SUNDAY ANG LAST UPDATE. EPILOGUE. AJUJUJU!! NEXT YEAR ANG BOOK THREE. ANG submission ng reaction VIDEO ay until end of October. Kung sino ang makakapagsubmit sa hanggang deadline ay may dedic na chap sa Book Three. PABATI SECT.. =) YRA SALAZAR na nakatira sa NUEVA ECIJA hello daw sabi ni Bebe Yra. XD Aylabyow mah dear beybeh! XOXO Alesana Marie Epilogue Muli kong pinagpagan ang puti at mahabang palda ng wedding gown ko kahit wala akong nakikitang dumi. God! Kinakabahan ako hindi ako mapakali. Buhay na buhay ang dugo ko na gusto ko nang lumabas ng sasakyan na ito at tumakbo papasok ng simbahan. Gusto ko nang tapusin ang kasal. Huminga ulit ako nang malalim. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko pakiramdam ko sasabog na ako kung hindi pa ako lalabas dito. Pakiramdam ko ang sikip sikip ng sa sasakyan na 'to. Nakasakay ako sa isang puting limossine. Katabi ko sa sasakyan si Papa. "Nervous?" tanong nya sa'kin. "Sobra po Pa. Ganito rin po ba ang naramdaman nyo nang ikasal kayo ni Mama? Yung parang sasabog sa sobrang excitement at kaba?" "Mahal mo talaga ang binatang 'yon. Hwag kang mag-alala. Kung kinakabahan ka, mas kinakabahan ang mapapangasawa mo ngayon." "Haha! Si Timothy kakabahan? Hindi ko po alam Pa," natatawang sabi ko. "Hindi ka ba naniniwala sa Papa mo Samantha? Kaming mga lalaki ang naghihintay sa loob ng simbahan. Kami ang mas kinakabahan dahil hindi namin alam kung sisipot ba kayo sa kasal. O kung may nangyari ba habang papunta sa simbahan ang bride." Hmm. Pano kaya si Timothy? Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Napakaganda ng simbahan. Hindi ko akalain na tutuparin ni Timothy ang sinabi nya na kasal makalipas ang isang linggo. Akala ko nagbibiro lang sya. Hindi naman kasi ganon kabilis maaayos ang isang kasal. Maliban nalang kung lilipad kami sa Vegas. Nalaman ko nalang kay Ate Sweety na sya pala ang naging wedding planner namin. Tatlong bwan nyang inasikaso at pinlano ang kasal namin ng kapatid nya. Nakaplano na ang kasal bago pa man ako makasagot ng 'oo' kay Timothy. Nakakatuwa lang, nakahanda na pala ang lahat ako nalang ang hinihintay. Bayad na rin ang lahat mula sa reservations hanggang sa mga staff na mag-aayos ng lahat. Nang malaman ko 'yon, agad ko syang tinanong. 'Timothy, pano kung tumanggi ako na magpakasal sa'yo? Ano'ng gagawin mo?' 'Then I will have to ask you again tomorrow and if you still said no then I will have to ask you again and again until you accept my proposal. That's why I asked you a week before our wedding, so that I will still have seven days to propose.' 'Eh Timothy pano kung sinabi ko parin na ayoko?' Ngumiti sya nang malapad. Kinurot nya ang pisngi ko. 'I don't know. I don't want to force you to marry me. That's why I am grateful you said yes the first time I asked you Miracle.' 'Haay Timothy. Sino ba ang tatanggi sa'yo? Ang swerte kaya ng mapapangasawa mo sa'yo. Magaling ka mag-luto tsaka mag-alaga, ang gwapo gwapo mo pa. Syempre papayag ako! Kung pinatagal mo pa nga, baka ako pa ang nag-propose sa'yo eh,' nakangiting sabi ko. Tumawa sya saglit. 'Miracle,' hinalikan nya ang kamay ko bago ito hawakan ng mahigpit. 'I am happy to have you in my life. I could not ask God for more. I am deeply and madly in love with you,' sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Bakas sa mga mata nya ang malalim at totoong pagmamahal nya sa akin. Na para bang ako ang pinakamahalagang bagay sa buhay nya, na sa akin umiikot ang buong mundo nya, na magiging madilim ang buhay nya kung wala ako. Naniniwala ako na totoo 'yon. At ganoon din ako, mababaliw siguro ako sa sobrang sakit kung mawala sya sa'kin. 'Me too Timothy, I am happy. I love you too. Thank you for loving me.' Napatingin ako sa itaas ng sasakyan para hindi ako maluha. Sa tuwing naaalala ko yon, naiiyak nalang ako. "Are you okay Samantha?" tanong sakin ni Papa. "Yes Papa. I am just happy." "Well then, I guess it's time," sabi ni Papa habang nakangiti. "I love you princess." Hinalikan ako sa noo ni Papa bago nya ayusin ang belo ko. Lumabas sya ng sasakyan at umikot. Nang magbukas na ang pinto sa side ko inlalayan nya ako na lumabas. Hawak ko ang bouquet ko na puro pink and white roses. God ito na! "Sammy!" kumaway sa akin ang Crazy Trios. Sila ang una kong nakita. Nandon din si Audrey, sila ang bridesmaid ko. May mga bata rin na kasama. Ang flower girls at si Angelo na ring bearer. "Mommy is sooo pweetty!" *0* "Thank you Angelo." "Ready?" tanong sakin ni Papa. Humawak ako sa braso nya. "Yes." Huminga ako nang malalim "Ready." Pumasok na kami sa simbahan. Nauuna sila. Kinakabahan parin ako. Hindi ako makahinga sa sobrang excitement. Ahhhh!! Ang wedding vow ko! >.< Ano nga ulit 'yon. GAHD! Baka makalimutan ko. Muli kong ni-recite sa isipan ko ang sasabihin ko mamaya habang kaharap si Timothy at ang pari. Nawala ako sa konsentrasyon ko nang marinig ko na ang pagtugtog para sa wedding march namin. Nevery say Never by The Fray ang theme song namin. Iyon ang tugtog sa unang sayaw namin ni Timothy noon sa isang club. Iyon ang kanta na pinili ni Timothy para maisayaw ako. Halos limang taon na rin ang nakakalipas simula nang mag-kita kami ni Timothy. Nakakatawa lang na sa ganong tagpo kami nagkakilala. Nang dahil sa kabaliwan ng Crazy Trios nagkita kami muli ni Timothy pagkatapos ng sampung taon noon. Hindi ko na nasabi kay Timothy na naaalala ko na ang nakaraan ko. Wala naman kasing magbabago kung sasabihin ko. Sa tingin ko hindi narin mahalaga 'yon, ayokong ipaalala sa kanya ang nangyari kung bakit kami nagkahiwalay noon. Alam ko na masasaktan sya at hihingi ng tawad para ron. Ayoko syang mahirapan. Mas maganda nang hindi ko sabihin sa kanya. Nakaraan na rin naman yon, ang mahalaga ay ang ngayon at ang bukas. Napangiti ako nang todo nang makita ko na si Timothy. Malayo parin kami sa isa't-isa pero nakikita ko na sya. Nakatingin sya sa akin at napansin ko ang pagkawala ng tensyon sa katawan nya. Iniisip ba nya na hindi ako sisipot? Si Timothy talaga. Bakit ba hindi sya makapaniwala na mahal ko sya? Sino bang babae ang hindi sya mamahalin? Ako nga ang maswerte eh. Dahil kahit kailan ako lang ang babaeng minahal at minamahal nya. Ni wala akong kaagaw sa kanya maliban nalang sa mga fans nyang babae na tahimik na gumawa ng fans club. Akala nila hindi ko alam? Sa loob ng dalawang taon na magkasama kami ni Timothy sa iisang school imposible na hindi ko mapansin ang pasimpleng pagkuha sa kanya ng mga pictures. Minsan nasisilip ko pa nga ang mga pictures nya sa loob ng lockers ng mga babae sa school. Pero okay lang 'yon. Hindi ako nababahala. Sa kanila na ang mga pictures na 'yon basta sa'kin ang totoong Timothy. Sa akin lang ang katawan at kaluluwa nya. ^^ Teka masyado yata akong possessive? Sa wakas natapos na rin ang mahaba naming martsa. Nasa harap ko na si Timothy. Wagas ang pag-ngiti nya at saya sa mga mata nya. "Take a good care of my daughter," sabi ni Papa habang ibinibigay ang kamay ko kay Timothy "Son." Napatingin kami pareho ni Timothy kay Papa. "Haha! Hwag kayong magulat, ikakasal na kayo. Magiging parang anak na rin kita hijo." "Thank you Papa," masayang sabi ko. Mabilis na hinawakan ni Timothy ang kamay ko. Mahigpit nya itong hinawakan na parang sinisigurado nya na hindi ako tatakbo palabas ng simbahan. Haay Timothy. Ikaw talaga. "I will take care of her I promise," naging seryoso ang mukha ni Timothy "father." Natutuwang tumango si Papa. Naglakad na kami ni Timothy sa altar. Bigla syang bumulong sa akin. "Are you on your period today?" tanong nya. Nagulat ako at namula. "Timothy!" >.< "Just making sure we can proceed with our original plan for tonight," pilyong sabi nya habang nakangiti. Napa-giggle ako. "Ikaw talaga!" kinurot ko sya sa kamay "Don't worry matutuloy 'yon. Hihihi!" Hindi lang ikaw ang excited kala mo ba. Hmph! "You are so beautiful," bulong nya. Nakaharap na kami sa pari at sa likod namin ay ang upuan namin. "Thank you. Ikaw din ang gwapo mo sa suot mo." Nakasuot sya ng eleganteng silver na tuxedo na may mga gray na design. Sobrang gwapo nya. Hindi ako makapaniwala na magiging akin na talaga sya nang tuluyan. "I love you," makulit na bulong nya sa tenga ko. "I love you too," ganti ko sa kanya. "Ehem!" pagpuputol ng pari. Narinig ko na nagtawanan ang mga kaibigan namin pati na rin ang ibang pumunta sa kasal namin. Nakita pala nila na nagkukulitan pa kami ni Timothy. >.< Si Timothy kasi. Tumingin na kami nang diretso kay Father. Inumpisahan na ng pari ang pagkakasal sa amin. Tama ang kasabihan. Sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Sa tagal namin ni Timothy na magkasama sa wakas dito rin kami humantong. Marami rin kaming trials na pinagdaanan lahat naman nang 'yon ay nalagpasan namin. Kami parin hanggang sa huli. Kami na rin sa panghabang buhay. At ngayon magkasama na kami na haharap sa bago naming buhay bilang mag-asawa. At magkasama kaming bubuo ng sarili naming pamilya. "With the power vested in me, I now pronounce you Husband and Wife. You may now kiss each other." Humarap kami ni Timothy sa isa't-isa. Nakangiti kaming dalawa. Itaas nya ang belo ko. "I love you Mrs. Pendleton," malapad ang ngiti na sabi nya. Naramdaman ko ang mga bisig nya na yumakap sa akin. "And I love you too Mr Pendleton." Sa harap ng mga taong mahal namin at nagmamahal sa amin, hinalikan nya ako ng puno ng pagmamahal. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Ngumiti ako. Naghiwalay na kami ni Timothy at tumingin sa kanila. Ako na ngayon ang misis ni Timothy, at sya ay ang aking mister. Napaka-weird pakinggan pero masasanay na rin ako lalo na kung tatawin ako ng mga tao ng 'Mrs Pendleton'. At dito mag-uumpisa ang buhay namin ni Timothy bilang mag-asawa. Tumingin ulit ako sa mga mata ni Timothy. Narinig ko bigla sa isip ko ang mga salita na palagi kong naririnig sa disney movies. 'And so they lived happily ever after...' And yeah.. Alam ko na magiging masaya ang pagsasama namin ni Timothy. "Timothy, ngayon na mag-asawa na tayo magiging gangster ka parin ba?" tanong ko nang makasakay kami ng sasakyan papunta sa reception. "What do you mean Wifey?" "Kung makikipag-away ka parin ba at susuot sa mga gulo kahit na mag-asawa na tayo?" "Yeah I guess so. It's not something I can avoid that easily." "Bakit?" >.< "Hindi ba pwede na maging good boy ka na?" "I am not a good boy. I don't wanna be a good boy." "Pero Timothy!" >.< "Mrs. Pendleton," he said in a warning tone. Uwaaaah! >0< Inilapit nya ang mukha nya sa akin. Nagulat ako nang bigla nya akong halikan nang mabilis. "Never.." hinalikan ulit nya ako "talk back.." hinalikan nya ako nang mas matagal "to a gangster." Ngumiti ako. Hinila ko ang likod ng ulo nya at hinalikan sya nang malalim. Yep! He is now my husband and he is still a gangster. Isa syang gangster na masaya kong sasagot-sagutin at lalambingin pagkatapos. ^^, ***LAST AUTHOR'S NOTE Thanks to Myfluffyworld for the vid ----> AJUJUJU. TAPOS NA! THE END. Oh wait may BOOK three pa. Bakit nyo iniisip na tragic ang book three? LOL. Masaya kaya ang book three, kasal na sila. Sabi nga sa libro ni Aril Daine, LIFE AFTER MARRIAGE. Ayaw nyo bang malaman kung ano ang mangyayari sa kanila? Lalo na kung sa iisang bahay na talaga sila titira? Hohoho! Salamat sa pagbabasa ng napakahabang libro na ito. WOW lang inabot tayo ng isang taon at kalahati dito sa NTBG. Alam nyo bang Three Years na ang pag-susulat ko nitong Talk Back Series. So ngayon alam nyo na. LOL. Maraming salamat sa walang sawang pagtangkilik sa aking mga isinusulat. Kahit na minsan mataray ako (hindi naman all the time noh echusera). Maraming maraming salamat sa mga walang sawa na nagboboto at nag-iiwan ng mga magagandang kumento sa bawat updates ko. Very much appreciated kahit na hindi ako pala-reply. Intindihin nyo nalang kasi wala akong internet no. Speaking of internet, maraming salamat sa mga Sponsors ko na talagang nag-iinsist na mag-sponspor sila. Dahil sa inyo kaya ako nakakapag-update. Kayo ang dahilan kung bakit ako may internet alam nyo yan. Hindi ako makakapag-upload at hindi ko ito matatapos kung wala kayo kaya naman maraming salamat sa inyong lahat na tumulong sa akin para rito. Yung Book Three ay sa January pa. Kailangan ko pang asikasuhin nang mabuti yung pag-publish ng book one. Busy pa naman ang season na yon kasi December kaya alanganin talaga, baka nga January pa mailabas. Anyway. Ano pa ba... Oh yeah. Kung namimis nyo ako.. LOL.. basahin nyo yung new stories ko.. Pleasurable Desires at Can You Keep A Secret? Both ongoing at short story lang. For private nga pala ang Pleasurable Desires, sa mga naghahangad ng BS kasi dito hindi ko maibibigay kaya yung PD nalang ang regalo ko sa inyo. May mga elementary kasi akong readers dito sa NTBG eh. Maawa kayo sa mga inosente nilang isipan. LOL. Anyway ano pa ba... Hmm.. Yung mga reaction vids sa youtube yon ilalagay. Bigay nyo nalang sa akin ang link hehehe. Until this OCTOBER lang yon para sa mga gusto ng dedics.. after that pwede parin naman mag-send. Nakadedic ang chapter na ito para sa lahat. PARA SA LAHAT. LOL. So hanggang dito nalang.. See you next time.. =) XOXO Alesana Marie 5