Special Chapter 1 // Positive or Negative? Hello guys! Salamat po sa paghihintay para sa special update na 'to. I'm sorry kung natagalan bago ko 'to napost, pinag-isipan ko pa kasi ng mabuti kung anong gagawin. Special chapter pa naman =)) Sorry po kung hindi ako nakakapagreply sa MB posts and PMs sa Wattpad. Medyo busy po kasi ako at madalas nasa FB ako kaya di ko mareplyan. Pero binabasa ko po silang lahat! Thank you som much sa messages! Dedicated 'tong SC sa inyong lahat na naghintay! Weeee XD Comment and vote pag nagustuhan! Thaaaanks! PS: Wala pa pong soft copy ang Book 2. Pakihintay na lang po ang link before June. Thanks! -- Akala ni Kevin ay namalik-mata sya sa nakita nya. Pregnancy test. Pregnancy test. Sure, kita nga nya na hawak yun ni Jersey, kaso hindi lang talaga maregister sa utak nya. Eh ano naman ba ang gagawin ni Jersey sa isang pregnancy test? Hindi naman madescribe ang itsura ni Jersey. Malungkot ba sya? Nagulat? Ano!? Moments later, umupo na sa tabi nya si Kevin. "What.. are you doing with that?" Matagal bago nakasagot si Jersey. "I'm a week late." Mas kinabahan dun si Kevin. "Are you sure? Diba irregular ka naman since last year?" "Yeah.. pero may napansin akong slight pattern.. I just took this to be sure." "So.. how was it?" hinawakan ni Kevin ang left hand ng asawa, and he slightly squeezed it. She took a very deep breath before answering. "Negative." Hindi naman maintindihan ni Kevin ang nararamdaman nya. It's.. weird. Moments later, may isang emotion ang naging klaro sa kanya. He was sad. Pinatong ni Jersey ang pregnancy test na may isang linya sa bedside table at humiga. "I'm so sorry." No one dared to speak after that. Napayuko na lang si Kevin, tapos nangingilid naman ang luha sa mga mata ni Jersey. After few minutes umokay na si Kevin, kaso naramdaman nya ang pagkabalisa ng asawa. "Hey," maamo nyang sabi habang humiga sya sa tabi nito. "Don't cry." Umiwas naman ng tingin si Jersey habang nagpupunas ng luha. "I'm sorry." Naawa si Kevin sa asawa. Alam nyang takot si Jersey manganak at medyo ilag ito sa bata, kaya they decided to postpone having kids. Sinasanay pa ni Jersey ang sarili around babies (thanks to Nathan and Tyler) para mawala ang pagkailag nya. Kaso.. ba't ganun? Ba't nagsosorry sya? Kevin reached out for her hand again and squeezed it lightly. "Jersey.. okay lang. We had ourselves tested, and there's nothing wrong with us. Baka naman delayed ka lang or irregular, just like last month." "Eehhh.." hindi pa rin sya tumigil sa kakaiyak. "I'm so stupid. Bumili pa ako ng lecheng pregnancy test kit na yan! Arrrgggghh!!!" "Jersey calm down.." niyakap nya ang asawa at tumahimik ito. "Tell me, what are you thinking?" She glanced at him. "One year, Kevin. We put off having a child for one year. Para masanay ako, para hindi ako matakot or whatever. Now I realized that was plain stupid. We can never be ready for this. We can try, but.. The truth is.. kanina.. habang naghihintay ako na lumabas yung.. two lines.. I was so happy and excited. Nawala yung takot ko about that stupid thing. Nirerehearse ko na nga kung pano ko sasabihin. Baka ilagay ko rin sa ice cream yung pregnancy test but eeww, so unsanitary," natawa silang dalawa. "Excited ako.. then that single line showed up. Nakakainis lang! I'm expecting.. Sorry for all the drama. You know me." Inayos ni Kevin ang buhok ni Jersey. "Is that all?" "I could go on and on, Mister. Don't dare me." "Okay, I won't." Nilapit pa nya si Jersey sa kanya. "Stop crying." "Are you disappointed?" "To be honest.. yeah. Nag-expect din ako na positive ang result eh. Tapos ang dami ko na agad naimagine! Ang saya! Tapos negative. What a buzzkill." "It's my fault that i--" "O wag na magsisihan! There are possibilities why that test came out negative. Malay mo irregular period, or sumakto tayo sa safe period mo or kung anuman. Don't blame yourself. After all, you need my sperm to get pregnant, so.. quits lang." *paaak!* "Yayabang ka na naman eh!!!" "Totoo naman! Goodluck na lang sa asexual reproduction mo." Nagkatitigan ulit silang dalawa at tumawa. "Feeling better?" tanong ni Kevin sa asawa. "Not that much." "Is.. there anything I can do?" Nilapit ni Jersey ang mukha nya kay Kevin. "One kiss." "Isa lang talaga?" "One long kiss." Of course, Kevin obliged. "Hmmm.. feeling much better?" he asked. "Yeah. Much better." Bumalik sa pag-upo si Jersey. "So, nasan na yung take-out? I'm starving!" "Nahulog yung take-out kanina. Nagulat ako sa sigaw mo eh!" "What?" she frowned. "Ano ba yan!! Kanina pa talaga ako gutom!" Tumayo na Kevin. "Okay okay. I'll cook! Okay lang ba kung fried rice and omelette?" "Hmmm..." "Jersey.. tell me what you're thinking. Don't give me that weird look." She laughed. "What weird look? I do not look weird!" "You want to say something. Go on, whatever that is." Jersey took another deep breath. "Uhh.. I've been thinking.." "And I am hungry too, so please make it faster." "I want kids." (O.O) <- gulat si Kevin. "W-what?" nautal na naman sya. "Okay.. it's been a year and I am not getting any younger. Hindi ako 100% ready but what the heck, you're with me.. and I'm not afraid anymore. So.." she stood up and held his hand. "What do you say? I am ready if you're ready. Like what you said, I cannot reproduce alone." "Right now?" "Wow Kevin ah. So it's between me and the food, huh? Fine, goodluck sa pagkain mo. Magkakaanak kayo, promise." (=. "Don't be so stupid, Mrs. Santos. I won't ever trade you for food." He even winked. "Weh." "Ano ba, seryoso naman kasi ako." "So.." Jersey's smile grew wider. "Is that a yes?" "For us, yes." And.. off they go. -- JICKER'S POV "Hoy Jicker, are you even listening to me?" Blahblahblahblah. "HOY!!!" Nakakainis naman 'tong babaeng to! Kitang may moment of solitude ako eh!!! "Ha? Ano ulit?" Sinimangutan na lang ako ni Jersey. "Wow ah, kanina pa ako nagkukwento dito tapos hindi ka pala nakikinig. What a great friend." Tsss.. Eh sino bang hindi mabobore sa kwento nya? Okay na kanina eh! Nandun ang momentum! Excited akong umupo dito sa isang disclosed cafe somewhere in Las Piñas para magkwento. Nakuha ang attention ko! Kaso gulay, hindi nasustain! Kainis talaga. "Boring naman yang kwento mo!" *paaak!* "Where's your enthusiasm earlier!?" "I was lost after you said 'negative'. Ikwento mo na lang pag positive ang result." "What a cold hearted @ss!!" "Eh kasi naman, ang tagal namin naghintay sa inyo eh! Di nyo tularan sina Sath, wala pang 4 months meron na!" "IKAW KAYA MABUNTIS!" "BITE ME!" napalingon naman yung barista sa may counter. Todo kunot naman ang noo ng kasama kong 'to. Di ko mawari kung ano ba ang gusto nya sa buhay nya! "Oy, at least you tried. Malay mo in three weeks time buntis ka na!" "I think something's wrong with me. What if baog ako or so--" "Wag ka nga! Nagpacheckup ka naman before kayo ikasal, pwede ka ngang maging inahing baboy eh." "Sometimes you really suck with analogies." "Funny." Uminom ulit ako ng kape. "Para ka ring baliw. Last year ayaw mo, tapos ngayon disappointed ka! Gulo mo." "Feelings and views change. I'm still scared.. pero unting-unti ko nang naoovercome yon." "Excited naman si Kevin?" "Naman! Hello, he's suggesting different p--" I stopped her there. "Okay okay I get. Innovative kayong dalawa, no need details." ( _ _) "Nasan na ba yang girlfriend mo ah?" pag-iiba nya ng topic. "Tagal!" "Galing pa syang Malate, wag ka ngang atat." Pero oo nga, ang tagal ni Blanche. Anong nangyari dun? Ang main reason kaya kami nagkita ay para i-organize ang wedding ni Kat. Naging tradisyon na ata 'to eh! "Psst. Ano na? Kelan kayo?" excited nyang tanong. ('__') "Para kang timang." "Wag na defensive, Jick! 30 ka naaaa what's wrong with you?" "Ano ngayon kung trenta na ako? Hindi naman ako babae ah! Pwede naman ako magpakasal pag 40 ako. No need to blahblah." "Tinanong mo na ba sya?" "I'm not spilling anything..." Ayan na, tumaas na kilay nya. "Sige ka, baka balikan nya yung French guy whatevs nya. Ikaw din ngangawa." "Ako? Ngangawa? Umayos ka na!" inagaw ko yung brownies nya. "Asa ka!" "Hoy akin na yan!" kumuha sya ng 2 pieces at kinain ito. "Hmmm... choco-coffee pala 'to? Delicious!" "Ikaw umorder tapos di mo alam! Baliw." "Mas baliw ka. Basta Jicker, you deserve to be happy! Don't be such a grouch." "I am not a grouch! Can you just stop teasing me? This takes time. Of alll the people I know, you're the one who could understand me." She nodded. "Fine fine fine. Chill lang, it takes time blah. Pero.. pakiramdaman mo. I know she's younger than you.. so.. basta gets mo na yun. Hey, I want to order more of these. You like some?" "Sige lang! Bakit ganyan ka, lakas mong kumain pero di ka napayat?" Tinawanan na lang nya ako. "It's in my genes, Mister." "Yeah right you and your perfect genes." (=. - 30 minutes after Jersey's brownie binge (Ang dami talaga guys, panga ko na ang sumasakit para sa kanya) dumating na rin ang girlfriend ko. Ayun, pinag-usapan namin ang pwede naming ipropose na ideas for the theme. Gusto kasi ni Kat na medyo Royal Wedding inspired ang wedding nila. Hindi pa rin nya mabitawan ang long lost shattered dream nya na maging si Kate Middleton. Since may appointment pa si Jersey after us, madali naming tinapos ang meeting. Ako na lang daw ang magkwento kay Blanche about sa Negative PT. "Oh, that's sad." Yan lang ang nasabi nya nang ikwento ko sa kanya. Malungkot talaga sya. "Paapekto ka naman! Hit and miss ang first time, but that doesn't mean na failed pa rin ang next attempt." "Maybe Kevin's sperm detoured. That @ss." Di ko na napigilan ang tawa ko. "Bakit ba affected ka dyan?" "Sorry," she said with an apologetic smile. "Wala lang.. Yung barkada nyo kasi.. Basta, they have cute kids. Nate & Tyler, and Jessica. Ang cute lang kasi pag may baby sa gatherings. Ang sarap kagatin ng pisngi nila!" (O.O) "Seryoso ka dun?" "Eh ang cute eh!" "Wawarningan ko nga si Jersey na ilayo sa'yo yung magiging anak nila. Baka palaging may bakas ng ngipin yon sa pisngi." "Nyenye shut up." "Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. "Nakita mo naman kanina diba.. Ang dami kaya nun!" "Kailangan mo kasing tumaba!" "Jicker namaaaan!" she pouted. "How manu times do I have to tell you na hindi na nga ako tataba! Ganto na talaga ang metabolism ko. Wag mo kong gawing.. ano yun? Patabaing.. baboy?" "HAHAHAHA! Tagal mo na dito sa Pilipinas hindi pa rin plantsado tagalog mo!" Sarap talaga asarin nito. "Well that's because my teacher is not that effective." "Hey, I teach you more fun and exciting stuff!" Scandalized ang itsura nya. "And that's for your own benefit! I hate you." "Tapos mamaya.." I stared at her. Umiwas sya ng tingin. "Hey, don't look at me like that!" "Masama ka na bang titigan?" "You can stare at me but not with that look. It makes me uncomfortable." "This is my you-look-so-pretty-today-and-I-love-you look. Show me some appreciation!" "I appreciate that stare.. but a simple I love you could suffice! You look like a perv." "Hey, I'm your perv." "Yeah right yeah right. Now I am hungry. Please tigil tayo sa McDo?" *sigh* "Okay, Miss. Ikaw na boss." "Good good. And you'll get your reward later." "Oh," I grinned. "That's more I like it." -- 3 WEEKS LATER Naging busy na sina Jersey at Jicker sa trabaho nila. Marami kasi silang wedding gig this June kaya ngaragan na. "JE!! ANO BA BILISAN MO NGA!!" Nagmamadaling kinuha ni Jersey ang gamit nya sa compartment nya. "Wait for me!" "Bagal pa eh!" Loko naman 'tong si Jicker, mas binilisan pa ang lakad. "Di naman mabigat yang dala mo ah! Bakit ang bagal mo?" (=__=) "I am wearing heels!" "Shunga ka rin, kitang may gig tapos naka-heels? Okay ka lang?" nilapitan na nya si Jersey at kinuha ang bitbit nito. "Ayan. Okay ka na?" "Yeah, I'm fine. Siguro hindi pa rin ako makarecover dun sa concert last night. Taas kasi ng energy!" "Loser ka kasi. Ang aga mo pa ngang umuwi! Ni hindi ka nga uminom! Weak!" Hinampas nya si Jicker. "Uminom naman ako ah! Konti nga lang. Medyo babawasan ko na ang pag-inom. Healthy lifestyle ba." "Tss.. Sabihin mo ayaw mo lang mapurnada yang pregnancy chorva mo! Ano, you tested yourself na?" "Hindi pa. Bahala na, surprise na lang!" "Baliw!" Nakakapagod ang wedding na pinuntahan ng dalawa, ang dami kasing bisita tapos ang arte pa ng client. Tiniis na lang nilang dalawa dahil malaki ang bayad sa kanila. After ng wedding, bigkang sumama ang pakiramdam ni Jersey. "Ikaw kasi, shunga ka rin," inis na inis si Jicker habang nagmamaneho. Sya kasi ang maghahatid kay Jersey pauwi sa kanila. "Sorry naman! Masama bang magpaulan nun?" "Hoy Misis! 27 years old ka na, kapal mo naman para magpaulan! Mukha kang timang!" "Eehhhh wag mo nako pagalitan! Mas grabe ka pa kesa kay Kevin!" ('w') "Basta magpagaling ka, baka mamaya.. sige ka!" Nagawa pa nyang manakot. - Nag-aalala namang umuwi si Kevin sa kanila. Naabutan nya si Jersey sa living room nila na nanonood ng TV. "Hey love," agad syang tumabi sa kanya at humalik sa pisngi. "What happened?" "Sumama lang pakiramdam ko after the gig. Tanga ko kasi, nagpaulan pa ako kahapon." "Hindi ka na kasi bata, ang kulit mo." "Namiss ko lang maligo sa ulan! Tsaka pagod na ko. That gig was something. Nakakastress!" humiga na ito sa sofa. "O wag na dyan matulog," saway ni Kevin. "Come on, let's go upstairs." "Buhatin mo ko. Please?" "Ayan, medyo bumibigat ka na!." Dahan-dahan nyang binuhat si Jersey na parang baby at inakyat sa taas. "Nako, dapat abusuhin mo na 'tong pagbuhat ko sa'yo," asar ni Kevin habang nasa hagdan sila. "What?" "Sabi ko, abusuhin mo na 'to. Kasi pag may baby na tayo sya na ang palagi kong bubuhatin." (O_______O) "HEHEHEHEH." Inihiga sya ni Kevin sa kama. "Matulog ka na. Bukas dadalawin pa natin si Rach, hinahanap ka na nun." Si Rach ang nagtahi ng wedding gown ni Jersey, and after ng wedding naging close sila. "Ay oo nga pala! Sa Medical City sya, right? Clear ako sa umaga. Tara!" "Rest now, okay? Don't stress yourself that much." He kissed her forehead. "Kakain lang ako then I'll join you." "I'll wait for you." "Just sleep, okay?" Nagkumot na si Jersey. "Fine. Goodnight!" -- THE NEXT DAY Kakatapos lang nilang bisitahin si Rach na kakapanganak pa lang. Of course, kinuhang ninong at ninang sina Jersey. "Ang cute naman nung baby!" hindi pa rin makamoveon si Jersey sa cute na baby girl na yun. "Naks, tuwang-tuwa ka naman! Sana yung sa atin SOON." She playfully slapped Kevin's arm. "Funny! Basta dadating din tayo dun. Just wait and see." Pasakay na sila ng elevator nang.. "Oh gosh," napakapit si Jersey sa braso ni Kevin. "Bakit?!? Are you okay?" "Nahihilo ako. Wait can we just sit for awhile?" Umupo agad sila sa pinakamalapit na upuan. "Sure kang okay ka? Nandito na rin lang tayo, pacheck-up ka na kaya?" "WHAT!?!" Sumeryoso naman si Kevin. "Oo nga, seryoso ako. Tara, maghahanap tayo ng OB ngayon." - After 30 minutes nakahanap agad sila ng OB-Gyne, saktong wala pang nakaschedule na appointment. Kinunan si Jersey ng blood sample for the blood test at naghintay sila ng result. Nang makabalik ang doctor.. hindi nila mawari kung ano ba ang reaction nya. Stoic kasi ito pagkabalik. "So doc.. ano po?" hindi na mapakali si Kevin. "Is she pregnant?" May dramatic pause pang nalalaman ang doctor. "Congratulations. Your wife's 5 weeks pregnant." Lahat na siguro ng body functions ng dalawa ay tumigil nang marinig ang resulta. JERSEY'S PREGNANT! "Oh my god!!!" napayakap naman si Jersey kay Kevin na hanggang ngayon ay in shock pa rin sa nangyari. "I'm gonna be a mother! Oh my god!!!" "OH GOD." kahit hindi naman sya tumakbo eh hinihingal si Kevin. "Oh my god!" Tawang-tawa naman ang kaninang stoic na doctor. "Congratulations!" Umiiyak na ang dalawa sa sobrang excitement. Kaso... "Doc wait lang," sandaling epal ni Jersey. "Did you say 5 weeks?" "Yeah. 5 weeks. That's what the lab result said. According to your hormones." Naguluhan naman ang dalawa. "Wait lang doc.. kasi.. one year na kaming kasal, tapos ngayon lang kami nagdecide na magkaanak. And that was 3 weeks ago. How can you say that she's 5 weeks pregnant?" tanong ni Kevin. "Opo, doc. Kasi po 3 weeks ago nagtake ako ng PT, and the result is negative. Kaya ayun, nagdecide kami na magkaanak na. Kaso panong naging 5 weeks pregnant ako? Diba dapat.. 2 or something?" "Hmm.." saglit na nag-isip ang doctor. "Oh. I think I know now. Nung nagsex kayo 3 weeks ago, you're already pregnant." (O.O) "SAY WHAT!?!?!" Tumawa na naman ang doctor. "Tapos ang sabi ng PT ay negative, right? Isa yan sa rare cases na tinatawag na false negative. Yan yung pregnant ka, pero lalabas sa PT ay negative. Actually, dahil yun sa HCG or yung hormone na lumalabas pag ikaw ay pregnant. It usually takes 7-14 weeks bago mag-excrete ang katawan natin ng HCG, depende satin yon. In your case, I think late nag-excrete ang katawan mo ng HCG." "Pero doc.. wala naman syang symptoms eh. Nausea something. Lalo na cravings!" "Minsan late lumabas ang symptoms, usually ang iba lumalabas around 6-8 weeks of pregnancy. Don't worry, ilang linggo na lang yun," kinuha ng doctor ang pad nya. "I'll give you a list of vitamins and supplements, ha? Make sure to take all of these." - Lumabas silang dalawa ng office na gulat na gulat. "So.." si Jersey na ang nagstart ng convo. "Matagal na pala akong buntis. I mean, buntis na pala ako bago pa tayo magdecide na mabuntis ako." "Yeah.. but how did that happen? Di ba we followed natural methods and condoms whatever, pero panong nabuntis ka 5 weeks ago? Pano yun?" Patulot pa rin sa pag-iisip ang dalawa habang papalakad sila papunta sa elevator. Bago sila sumakay... "SH*T!!!" sumigaw agad si Kevin, na ikinagulat ni Jersey. "WHAT!?!" Dahan-dahan nyang nilingon ang asawa. "HONG KONG. ELEVATOR." At... nagets na ni Jersey kung bakit. -- (A/N: WAAAAAAAHHH SORRY PO KUNG GANITO LANG ANG SPECIAL CHAPTER! AAYUSIN KO NA LANG PO SA SUSUNOD! Salamat po sa paghihintay!)