TDG Book 2 Special Chapter #3 I love you, Laguna Day at Rizal! XD Dahil wala kaming pasok.. may update ako! Haha =)) Blicker (Blanche & Jicker) ang focus ng SC na 'to. Sa mga naghahanap po ng side story nila, sad to say na hindi ko na po kayang gawan (-___-) Busy na po kasi ako dahil sa studies. Huhuhuhu kaya sa special chapters ko na lang po itutuloy ang kwento nila Part 3 of 7 ang SC na 'to. May 4 pang SCs na dapat abangan, arkey? XD Comment and vote pag nagustuhan! -- Maraming nagsasabing whirlwind/unconventional romance ang peg nina Blanche at Jicker (o Blicker para mas madali). Syempre, kung sinubaybayan nyo ang kwento ng dalawa, matatandaang nagsimula yan sa pagkahimatay ni Blanche sa Bonchon, na sinundan ng pamimeste nya kay Jicker. Sinong mag-aakala sa gitna ng mga iringan/bitchy comments ni Jicker.. e magkakagustuhan ang dalawa? Idagdag pa dyan ang nakakalokang Anna sa buhay ni Jicker. Haynako. Amidst all that, their love for each other prevailed. Kahit medyo natagalan pa bago mauntog ang dalawa, eto sila ngayon, magkasama. Masayang-masaya. Or are they? - One year na ang dalawa. Sinong maniniwala don? Heck, kung hindi mo nabasa ang side story ni Jicker na You Won't Hear Me Cry, magugulat ka na sa happenings. Panong naging lalaki bigla si Jicker? Tss. Lalaki naman talaga sya, nagpanggap lang.. o ewan, he's screwed up. May instances na nag-aaway ang dalawa sa mga maliliit na bagay, kagaya ng paggastos ni Jicker sa mga damit ni Blanche. Over the years nagbago ang outlook ni Blanche sa buhay, kung dati ay mahilig sya sa designer clothes, ngayon ay simple na lang syang pumorma. Si Jicker lang talaga ang mahilig mangulit na bilhan sya ng damit, ginawa pa syang Barbie. Siguro, sa isip-isip nya, nananalaytay pa rin ang 'teh side' sa dugo ni Jicker. Hindi naman madaling maalis yon. Lalaki na (ulit) si Jicker. She's fully aware of that. Nang kumalat ang balitang yon, aba, parang bumalik ang pangalang Jicker Herrera sa merkado ng mga babae. Ang daming umaaligid na babae sa kanya ngayon, lalo na't isa syang kilalang photographer sa Manila. Si Blanche? Ayun, simpleng babae na halos 2 years pa lang naninirahan sa Pilipinas. Yun lang. She knows a little about his playboy past. They never talked about that, dahil BB na yon (BB = Before Blanche). Yung issue kay Anna tapos na rin. Hindi na inungkat ni Blanche. Yet.. nagugulat pa rin sya sa past ni Jicker, kahit wala syang alam tungkol dito. Hindi nya akalain na ganun kalakas ang charms nito nung college. Pano ba naman, pag may pinupuntahang functions, may maganda at sexy na lalapit sa kanila at mangangamusta.. na ex pala ni Jicker. Let's take this moment for example. Nasa The Fort ang dalawa, nag-insist si Jicker na magshopping ulit si Blanche para sa isang party na pupuntahan nila. Nag-CR lang sya saglit tapos pagbalik nya... May kausap na si Jicker na babae. She watched them from afar. Obvious sa body language ng dalawa na they shared more than a kiss. Halata sa mapupungay na mata ng babae na nilalandi nya si Jicker. Psh, gusto sanang awayin ni Blanche, umextra dun at ipamukha sa babae na sya ang girlfriend ng nilalandi nya. Kaso.. anong panama nya? Yung babae.. nakaporma. Parang model, at nagdagdag pa ng edge ang Jimmy Choo pumps na suot nya. Ang graceful pa gumalaw, kaso bakas ang kalandian. Eh sya, anong suot? Simpleng black jeans at red na racerback, tapos Havs. Kung itatabi sya kina Jicker at dun sa babae, magmumukha syang alalay. She felt bile rising up to her throat. Hindi nya napansin na nakita na sya ni Jicker sa may entrance ng CR. Napangiti ito at tinawag sya. "Blanche!" She jolted in surprise. Patay, she thought. Mapapasabak na naman ata sya. Medyo nahihiya syang lumakad papunta sa dalawa, hindi mapakali ang mga mata. "Michelle, this is my girlfriend," sakto sa 'girlfriend' ang pagpulupot ng braso ni Jicker sa bewang ni Blanche. "..Blanche." Blanche managed to give her a small smile. "Hello Michelle." "Hello to you, too. Lucky girl!" pero iba ang sinasabi ng mga mata nito. Pinapahiwatig nito na hindi sya bagay para kay Jicker.. at kayang-kaya nyang agawin ito sa kanya. Ilang minuto pang nagkwentuhan ang dalawa bago nagyaya si Jicker na umalis. May nalalaman pang beso si Michelle kay Jicker, na kina-init ng ulo ni Blanche. Top of the class tramp, eh? Tahimik lang sya sa sasakyan, nakatingin sa bintana. Oblivious naman si Jicker sa iniisip nya. Okay, Michelle scared the sh*t out of her. Hindi naman siguro manhid si Jicker don, Michelle has this "I want you back" sign emblazoned on her forehead. "Baby, okay ka lang?" that soothe her somehow. Without looking at him, she reached out for his and gently pressed it. Ayaw nya kasing pag-awayan pa nila 'to. Alam din naman nya ang ending: magsosorry si Jicker, sasabihin na wala na syang pakialam sa mga ex nya.. at diretso sa kama. Ni hindi na sya makakaporma pa sa pagtataray. Basta hindi lang sila mag-away. Yun na yun. - Kaso.. may limit din naman 'tong pagtitimpi ni Blanche. Sumakto pa ito dun sa party na pupuntahan nila. Himalang sumulpot si Michelle don, at voila, nakalimutan na sya ni Jicker. That pissed her off, so she went home. Alone. Galit na galit na sumugod si Jicker sa pad ni Blanche. "Bakit ka umalis ng walang paalam?!" kinontrol pa nya ang boses para hindi magmukhang sinisigawan nya ang girlfriend. She looked at him with a hardened expression. "I'm tired." Di na napigilan ni Jicker ang inis, tumaas na ang boses nito. "You should've told me! Nagmukha akong tanga dun kakahanap sayo!" "Are you? If I remember correctly, you were enjoying some company. Hindi ka naman nagmukhang tanga dun." "Blanche.." "What?" her voice rose an octave. Ayan na, away na 'to. "What's your problem?" Jicker mellowed his voice down. Ayaw nya ng away ngayon. "My problem? I'm dead tired. So go." "Hindi ako aso, don't dismiss me like that." "Psh. Then go to someone else. An old owner, perhaps?!" With that, naintindihan na nya kung anong kinagagalit ni Blanche. "Blanche naman! If this is about Michelle.. she's old news." "Not to me." "Blanche," he snapped. "Don't make this a big deal." "It's already a big deal!" tumayo na sya, face to face na kay Jicker. "That bi-- girl wants you back." "She won't get me. I'm yours, right?" Normally bibigay na sya sa mga panggulat na sweetness ni Jicker, but tonight's not his night. "Nice try, Herrera. But not working." "What.. what do you want me to do?" he asked desperately. "I want a list." "A what?!" he exclaimed in a very mocking tone. "So now you want a list. Anong sunod, AVP?" "Fck it, Herrera. I am damn serious." Hala, galit na si Blanche. Minsan lang ito magmura. "I want you to make a list of every woman and man you've slept with." Tinignan lang ni Jicker si Blanche, parang sinasabi na 'Seryoso ka ba dyan?'. Akala nya nagbibiro ito, pero wala syang makitang humor sa mga mata nito. "Oh come on. You really want to dig that part of my life so much?" "Yes, I intend to. List. Now." "You're not getting your list. I won't oblige," he stated coolly. "Why not?" "Ayokong idamay ka pa sa kung anumang nagawa ko dati. Past is past. Live with it." "I cannot live in peace if your pasts, take note, PASTS, keep on haunting us!" "Do you seriously think that list will keep you sane? Heck, Blanche.. you don't know what you're up to. Bakit ka ba masyadong affected dyan? They're not competition!" "They are for me. Make the list. Now." Nagkatitigan na lang silang dalawa, parehas na galit. Ayaw patalo. Jicker broke the stare off first. "This is ridiculous." Bumigay na sa inis si Blanche. "Bahala ka dyan. Matutulog na ko." Naramdaman nyang gumalaw si Jicker sa pwesto nya. "Oh no no no.. you're not coming with me." "What?!" he angrily spat out. "For the love of God Blanche now you're denying me!" "I will keep on denying you till you make that fcking list, Jickerson. Kung ayaw mo, just leave." Sinarado nya ang pinto ng kwarto nya nang marahas. Minutes later narinig nyang bumagsak ang front door nya. Great.. just.. great. -- Galit na galit pa rin si Jicker kinabukasan nang pumasok ito sa studio. "HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!!!" Si Jersey yon, tawang-tawa sa kinwento ni Jicker about sa away nila ni Blanche the other night. "Dammit Jersey, hindi ko kinwento sa'yo yan para pagtawanan mo ko." Jersey gave him a small apologetic wave. "Eh kasi naman.. it's so funny!" "Pasalamat ka buntis ka.. kundi kanina pa kita pinasagasa dyan." "Tss. Ewan ko sa'yo!" kumuha ulit sya ng isa pang donut. "Yun lang pinag-awayan nyo?" "Hoy, wag mong nila-lang yang away namin. Yan ang pinakamalaki naming pinag-awayan!" "Oohh.. nangangamoy break-up ata 'to.." "Santos.. not funny." "Yan lang, pinag-aawayan nyo? Come on, give yourselves a break!" "Sorry ha, nahiya naman kasi ang problema namin sa problema nyo. Kayo nga 'tong nag-aaway dyan sa flavor ng juice! Isang araw kayong hindi nag-usap dahil sa flavor ng juice!!" Tinutukoy nya yung away nina Kevin at Jersey last week sa supermarket.. dahil sa flavor ng juice. "May excuse naman kasi ako. I'm pregnant. And that's the hormones talking. Sorry ka, hindi mo pwede gawing excuse yon." "So.. what do you think? Should I make the list?" "Ewan," muntik na syang batuhin ni Jicker ng paper weight. "Eto naman! Nag-iisip kasi ako!" "Kaya ko nga hindi sinasabi yun sa kanya.. kasi ayaw ko syang madamay. Dark Ages ko yun eh, bakit hindi nya maintindihan? At feeling ko pag nalaman nya yun.. baka lalo syang lumayo sakin. Pucha naman, hirap o!" "E di hiwalayan mo kung nahihirapan ka!" "Isa pa Santos mauupakan na talaga kita!" Nagtakip na si Jersey ng folder, baka kasi batuhin sya ni Jicker. "Alam mo.. bilib nga ako kay Blanche eh. May tililing na talaga yun." "Ha?" "Kasi.. tignan mo.. tinanggap ka nya agad, kahit vague lang ang alam nya sa background mo. Goodness, kung ako sya.. oh no, I won't date you. Kahit i-flash mo pa sakin yang abs mo.. no way." "Salamat ha.." "Isipin mo kasi.. Well for me.. I think she deserves to know. Alam mo naman yang girlfriend mo, may issues yan sa buhay nya. With Maxene and God-knows-what insecurities nya. Ang swerte mo nga, she can put up with your sh*tty life. Kung ako sa k--" "Jersey, given a chance na bumalik ang oras, I won't date you." "You @ss! Gwapo mo ah!" binato nya ng tissue si Jicker. "Pag-isipan mong mabuti. Siguro kaya nya gustong malaman yun kasi.. gusto nyang malaman ang nakaraan mo. After all, you know hers, right? Intimacy, Jicker. It doesn't work one way. Gusto lang nya na maintindihan kang mabuti. Given her issues.. I think she's afraid that someone might steal you away from her." Natahimik na lang si Jicker sa pinagsasabi ni Jersey. A part of him wants to write the list, para matapos na ang lahat. Pero.. yung isang part.. ayaw bumigay. Kasi pag ginawa nya ang list, bibisitahin na naman nya ang nakaraan nya, na ayaw nyang balikan. "Psh. Bahala na nga. Penge na lang ng donut." -- 3 days silang hindi nagkita o nag-usap. Hindi pa rin nagbabago ang isip ni Blanche tungkol sa list na hinihingi nya. Pero nagulat na lang sya na.. "Where the hell is he?!" Galit na galit syang sumugod sa studio nang malaman nyang umalis ng bansa si Jicker. Si Jersey lang ang naabutan nya dun, na naglalaro sa iPad nya. "Geez Blanche get your hairs into their place! Nasa Singapore lang si Jicker." "Bakit hindi nya ako tinawagan!? Aalis na lang sya, ganon? Dammit!" "Eh kasi naman.. ayaw mo syang kausapin." "Kahit na! Sana nagpadala man lang sya ng text or voice mail or whatever! That @ss!" tumabi ito sa kinauupuan ni Jersey. "Will you stop that? I'm talking to you." "Hampas ko sa'yo to eh. Arte mo." "Tss. That's so comforting." Tumigil na si Jersey sa paglalaro at binalingan na si Blanche. "May gig syang nakuha sa Singapore days ago, sasabihin nya dapat sayo kaso nag-away kayo. So.. yeah. Umalis na sya." "I hate him." "He can be stubborn sometimes," Jersey smiled. "Anong sometimes!? Palagi kaya! Nakakainis!" "Bagay nga kayong dalawa, parehas matigas ang ulo. Sarap nyong pag-umpugin!" "Thank you, ha. How comforting." "Why.. do you want that list?" Blanche scowled at her. "He told you!?!" "Of course he did! Alam mo naman yon.. minsan tanga. Kailangang paalalahanan!" "I can't believe that he told you! Grabe!!! I hate this!" "Sagutin mo nga kasi ako. Ba't gusto mo ng list?" "You think it's ridiculous?" "Wala akong sinabi ha! Gusto kong malaman muna yung side mo bago ako mag-judge." "Gusto ko lang malaman kung anong klase yung mga naging girlfriend nya dati. And boyfriends nya rin.. Goodness." "Hindi ka takot sa malalaman mo?" "A part of me's scared. Pero I really want to know. I want some reassurance. Kasi sa mga nakikita ko.. grabe naman mga naging girlfriend nya. Ang tatalino.. ang gaganda. No match ako." Napailing na lang si Jersey sa kwento ni Blanche. "Hay nako.. Alam mo bang ikaw ang pinakamatagal nyang naging girlfriend?" Blanche eyes' widened. "What? Don't joke." "Oo nga! Dati.. I harassed one of his college friends for info. Pinakamatagal na nya ang 2 months. Syempre hindi counted si Anna dun kasi hindi naman sila. And seriously, sa ugali mong yan.. I doubt may magtagal sayo ng 1 year." "Hey! Not fair!!" "Joke lang! Bilib ako sa'yo, Blanche. Nakaya mo 'tong lahat for Jicker. That's so awesome. You must really really love him." "Hay.. Ewan ko ba kung anong nangyari sakin. Epal kasi talaga yon." "Ang akin lang.. give him some time to think about it. Masyadong complicated ang past nya.. and I know ayaw ka nyang madamay don kaya ayaw nyang gawin ang list. If he's willing to tell.. go lang. He will. You have to trust him." Napaisip tuloy si Blanche, may point nga naman si Jersey sa pinagsasabi nito. "Mas maayos ka palang kausap pag buntis!" "Jicker says otherwise. Alam mo bang muntik na nya akong batuhin ng paper weight the other day? Pagsabihan mo nga yang boyfriend mo! Masyadong ano eh! Nakakatakot!" Natawa si Blanche. "Ang taray talaga nya minsan, nakakainis. Mas babae pa sya kesa sakin." "But he's happy, and you're happy. Kung ibigay man nya sayo ang list, tanggapin mo yun nang buo. After all, you asked for that. Pati hello, he's obviously in to you! Jicker practically worships you.. and that's a first, I think." "Si A--" "Ano ka ba, yung kay Anna challenge lang 'yon kaya di sya makamove on. Yung sa'yo.. mental disorder na ata talaga." Tumawa na lang silang dalawa. -- Halos one week na pero hindi pa rin nakakabalik ng Pinas si Jicker. That made Blanche worry so bad, baka kung ano na ang ginawa nun. Baka.. nagpakamatay na.. No, he won't do that. Space lang naman ang hinihingi sa kanya ni Jicker. Mabigat nga naman ang hinihingi nito sa kanya. Saturday afternoon nang magdecide si Blanche na magsupermarket. Isa 'to sa pinakaayaw gawin ni Jicker, sana kasi ito sa take-out. Normally kumukuha sya ng pagkain for 2 people, pero sa situation nila ngayon.. para sa kanya lang ang kukunin nya. Malay ba nya kung kelan babalik si Jicker. Psh. Nasa aisle sya ng chips, aktong kukuha na sana ng isang malaking pack ng Clover barbeque flavor nang may naghagis ng isang pack ng Doritos sa shopping cart nya. "What the f--" she stopped in mid-sentence. "The language, Miss. That profanity doesn't suit you." She rolled her eyes at him. Kapal maglecture! Iniwan nya si Jicker sa harap ng stand na nakangisi. Ayaw naman patalo ni Jicker, sinundan pa rin nya si Blanche kung san man ito magpunta. Para mainis ang girlfriend, naglalagay ito ng kung anu-anong items sa shopping cart. Nasa vegetable section sila nang mapuno si Blanche, maglagay ba naman ng isang kilong sibuyas sa cart?! "Will you stop doing that? You're pissing me off," she hissed, finally facing him. "Ako naman magbabayad nung mga kinuha ko. Init agad ng ulo mo!" "Wow! Anong gagawin mo sa onions, kakainin mong parang kornik? Oh please grow up!" tinanggal ni Blanche yung sibuyas at binalik sa pinagkuhaan ni Jicker. "Ba't ba ang init ng ulo mo?" Jicker asked, quite amused by the situation. "You know why. Now shut the fck up and don't bother me." "Tsk tsk.. Napapadalas ata ang expletives natin, Miss. That's bad." "Ano ka, rector or something? Shoo. Don't bother me." Lumakad ulit sya palayo. "Sige, ganyanan na ha." Tinabihan na lang ni Jicker sa paglalakad si Blanche the rest of the hour. Ayaw pa ngang magpatulong ng babae sa pagbubuhat ng groceries. In the end, naagaw din ni Jicker ang bags. "Hoy. Di mo ba tatanungin kung kelan ako nakarating?" he asked habang naglalakad sila sa may parking lot. "I won't. I don't care. You left without notice so why bother to know, right?" "Ditto." Binuksan ni Blanche ang sasakyan nya at nilagay naman ni Jicker sa may backseat ang bags. "May pupuntahan ka pa ba?" he asked again. "I'm going home." "Okay. Can I hitch?" She gave in. "You drive." Tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan. Inis pa rin si Blanche sa drama ni Jicker kanina sa supermarket. Nadagdagan pa lalo ang inis nya nang makitang nakangisi ito habang nagdadrive. Panalo lang. Nag-offer pa itong ihatid sa pad nya ang mga pinamili. Pumayag na rin sya, sa dami ba naman ng pinagkukuha nya kanina. Nang mailapag na ni Jicker sa table ang mga bags.. "Can I stay for awhile?" Tumaas naman ang kilay ni Blanche. "Why?" "Let's talk." "Kung wala kang listahan na mabibigay sakin.. then leave." Napapikit si Jicker, expected na nya na ganito ang magiging reaction ni Blanche. Dahan-dahan nyang kinuha ang isang pirasong papel sa back pocket ng jeans nya at inabot kay Blanche. "You wanted the list.. but I can't give you what you want." "Eh ano 'to?" "Read it." Blanche gingerly opened the folded paper. Medyo kinakabahan sya sa nakasulat sa papel. Nagulat sya nang makita ang pangalan nya sa papel. "Sabi mo kasi.. lahat ng nakarelasyon ko. Eh putek, wala na kong pakialam don. All I care about is us, what we have. I tried to remember their names pero sumasakit lang ang ulo ko at frankly, sayang sa oras. Kalokohan lang ang tandaan pa yun. I've been with many women.. and selected guys but.. why do you care about them? Blanche, all I care about is you. Nag-isip-isip ako ng mga rason kung ba't hindi tayo magwowork-out.. marami akong naisip pero.. mas lumamang pa rin sakin ang mga rason kung bakit dapat ako magstay." Blanche stared at him, not giving off any emotion. Kaya mas nahirapan si Jicker. "Can't you just see that I love you so much? Sa lahat ng taong nakasama ko.. believe me, sa'yo lang ako nagkaganito." With that, napaiyak si Blanche. She neatly folded the paper and hugged Jicker. "I hate that speech. So not like you." "I have my moments. Okay na tayo?" She sighed. "Fine.. but I still want that list." Bumitaw si Jicker sa yakap ni Blanche. "Tss.. Akala ko pa naman makakalusot nako." May kinuha ulit sya na papel sa bulsa nya. "Here you go." "Thank you for this. Sa totoo lang.. I don't really care about the names here." "What!? So this is just a joke?" "No! Gusto ko lang naman na pagkatiwalaan mo ko, kahit ano pang bagay yon tungkol sa'yo. I accept everything about you, Jicker. You may be stubborn sometimes.. basta. I love you so much." He grabbed her for a kiss. Natatawa na nga lang sila in between kisses. "And that reminds me," Jicker said after they broke the kiss. "We're going to Vegas next week." "Vegas? Bakit?" "They want to meet you." "Who?" "My parents." Nganga si Blanche sa sinabi ni Jicker. "Ohmy.. Next week? Your parents?" Tawang-tawa naman si Jicker sa reaksyon ni Blanche. "Oo nga! Tuesday ang flight. Thought you should now." "AT DAPAT HINDI MO PA SASABIHIN SAKIN!?! I HATE YOU." "HA? You just told me you loved me minutes ago!" "I changed my mind!!! My goodness!!! 3 days na lang hindi mo man lang sakin sinabi!!!" natatarantang pumunta sa kwarto si Blanche at binuksan ang closet nya. "Nakakainis ka!!!" Tawang-tawa naman sya sa reaction ni Blanche. "Wag kang mataranta! You have 3 days t--" "Oh shut up, you @ss. We'll go shopping. Now." Jicker laughed again. Life with her is far from boring. -- DAYS LATER "Will you stop pacing around? Nakakahilo ka." Bumalik ulit sina Kevin at Jersey sa OB. Ready na silang malaman kung babae o lalaki ba ang anak nila. Kanina pa tawang-tawa si Jersey sa reaction ni Kevin, di hamak na mas kinakabahan ito kesa sa kanya. "Psh. Ba't ba kasi ang tagal?" umupo na si Kevin sa tabi ng asawa. "Kanina pa tayo nandito ah!" "Wag ka ngang OA. 10 minutes pa lang tayo nandito, at hindi lang tayo ang naka-schedule so chill lang." "How can you be so.. relaxed about this?" "Boy or girl.. it's fine. Basta healthy yung baby." Nawala naman ang kaba ni Kevin dahil don. "Nako.. so this is how it feels. At si Keith.. malapit na rin nyang maranasan 'to for the second time." Two days ago kasi nalaman nina Amae na buntis ito, 6 weeks. Tuwang-tuwa sina Keith at Jessica sa announcement na yun. "Oh well.. ready naman ata si Amae ulit. Aahhh the pains of being a mother," Jersey mused. "Di bagay sa'yo, Je. Pains of being a mother ka pang nalalaman dyan." Kinurot tuloy sya ni Jersey. "Tss. Ayan ka na naman sa pangungurot mo!" Tumigil ang convo nila nang lumabas sa kwarto ang assistant ng OB ni Jersey. "Mrs. Santos, kayo na po," she said with a smile. Their hands instantly clasped together as they stood up. "Here we go," bulong ni Jersey. Bumalik ulit sa kanila ang memories ng last visit nila sa OB. Namula naman si Jersey nang kamustahin sila ng OB nya. Psh, she thought, pinagnanasaan mo nga asawa ko last time! Pinahiga ulit sya, inilis ang damit at nilagyan ng gel ang kanyang baby bump. Todo explain ang OB sa kung anong pwede nilang makita sa ultrasound. "Like what I've said last time.. may clue na ako sa sex ng baby nyo. After a month.. I'm now 100% sure about my hunch." Nagkatinginan sina Kevin, at mas humigpit ang hawak nila sa isa't-isa. "Congratulations, Mr. and Mrs. Santos. You're expecting a baby boy." -- Wehehehehehe XD Susulpot na lang ang SC #4! May mga kasunod pa 'to, ah?