TDG SPECIAL CHAPTER 5.5 As promised, eto na ang continuation ng #5! XD Medyo agit lang ako sa chapter na 'to, parang di enough ang research ko sa labor at panganganak. So sorry if you'll find this inaccurate, wala talaga akong clue >o< As always, comment and vote if you liked the chapter. Maraming salamat! - Lahat sila sa table ay napatingin kay Jersey. At dahil dun, mas kinilabutan ang buntis. Hindi pa rin kasi nagsisink in sa kanya na sumabog na ang panubigan nya. She tried to conceal her nervousness with a smile. "Uy ano ba kayo, joke lang! Natapon lang yung tubig. Hehehehe.." But that laugh gave her true emotions away. Agad namang tumabi sa kanya si Kevin na pinipilit na magchill lang. "Are you okay?" "Uuhhh.." Sumilip si Jicker sa ilalim ng table. "Hoy g@ga ka! Your waterbag really erupted!!!" Nganga silang lahat. Ni walang nagreact sa kanila. Okay na sana, all smiles pa si Jersey nang.. "EEEEEEKKKKKKKKK!!!!" Agaw-atensyon sa lahat ang sigaw ni Jersey na yun, napatingin ang lahat ng guests sa kanila. Ang newlyweds na sina Paolo at Kat naman ay agad pumunta sa table. "Anong nangyari?!" "MANGANGANAK NAKO!!!" Ayun, nagsimula nang mataranta ang lahat. Agad na binuhat ni Kevin si Jersey ala-bride style. "Jicker, ikaw magdrive dali!!!" sabay hagis sa susi sa kaibigan. Tumakbo na sina Jicker at Blanche papunta sa Montero Sport ng mga Santos. Ang ibang kabarkada naman ay tumulong sa pag-assist sa dalawa at sa mga anak nila. "Je okay ka lang!? Hang on, okay!!" tarantang sigaw ni Paolo. "TALAGANG PIPIGILAN KO TONG LUMABAS!!!! AYOKO MANGANAK SA DAAN!!!!" Hinabilin naman nina Amae at Sath ang mga anak nila sa parents nina Paolo. Nagpromise naman ang bagong kasal na susunod sila after ng reception. - "OHMYGAAAAAAAADDDDD!!!!" puro sigaw na lang ang narinig sa sasakyan na minamaneho ni Jicker. Nasa backseat sina Kevin at Jersey, parehas kabado. Todo kapit si Jersey sa braso ng asawa. Nasasaktan na nga si Kevin pero tiniis na lang nya yun, alam nyang mas grabe ang sakit na nararamdaman ni Jersey ngayon. "Come on, Je. Bre--" "SHUT UP!! AAAHHHHH FCK THIS HURTS!!!" Thankfully her contractions were still 6 minutes apart and lasting no longer than 30 seconds. Kakabahan na sya kung maging 4 minutes apart ito at tatagal ng isang minuto. But that doesn't mean na hindi sya nasasaktan. "JICKER!!! BAKIT BA ANG BAGAL MONG MAGDRIVE!!!!" reklamo nya. "DAPAT KASI KEVIN IK-- OH CRAAAAAPPP!!!" "ARAY MASAKIT!!!" nagreklamo na rin si Kevin. "Yung kuko mo!!" "IKAW KAYA DITO!!! PALIT TAYO SIGE!!!!" (-____-) <- itsura nina Blanche sa harapan. Mas grabe pala ang Devil Woman mode ni Jersey pag naglalabor. Dumaan na sa shortcut si Jicker papuntang Medical City.. pero yung shortcut na yun ay tinadtad naman ng.. "P*TA BAKIT DITO KA DUMAAN!?! PURO HUMPS DITO!!!!" Feeling ni Jersey e lalabas na si Atari pag napapadaan sila sa humps. Gusto na nyang tanggalin ang gown na suot nya para mas makahinga sya nang mabuti. Parang hinahati ang katawan nya sa sakit. "WAG MO NGA AKONG SIGAWAN!!!" reklamo na naman ni Jicker. "Kinakabahan ako sa'yo eh!!!" "BLANCHE!!! NATAWAGAN MO NA BA OB KO?!?" Muntik nang mabitawan ni Blanche ang phone nya. "OTW na raw sya. Kakatapos lang ng i--" "I DON'T FCKING CARE!!! DAPAT NANDUN NA SYA!!!" "Jersey.. calm down, okay?" Kevin tried to soothe her. Medyo kinakabahan na rin sya. "Malapit na tayo, okay?!" "AAEEEHHHHHRRGGGGHHHH!!!!" Napatalon naman si Jicker na ewan. "TEKA LANG TAPALAN MO NGA MUNA BIBIG NYAN!!!! AATAKIHIN ATA AKO DITO EH!!!!" "LECHE MAGDRIVE KA NA LANG DYAN!! DAMI MO PANG REKLAMO!!!!" - Sa ER muna sya pansamantalang pinwesto ng hospital staff. "OH GOD I CAN'T HANDLE THIS ANYMOREEEEE!!!" Sinara na lang nina Kevin ang kurtina para di sila masyadong agaw-atensyon sa ER. His right arm throbbed and turned almost blue, thanks to Jersey's vise grip earlier. "Sshhhh tone d--" "MASAKIT!!! WAG MO KONG PAPATAHIMIKIN!! MASAKIT!!!" Sina Paolo at Kat na lang ang kulang para mabuo ang barkada. Nagsisiksikan silang lahat dun nang bumukas ang kurtina, isa pa lang nurse. "Where's Dra. Lim!?" b*tchy na tanong ni Jersey. "Please tell me she's here. Di ko na kaya to!!" "Ma'am saglit lang po, parating na si Dra. Mukhang premature labor po kayo kaya checheckupin pa nya kayo. Kung normal po ang contractions nyo tsaka namin kayo ililipat sa Labor Room." A sense of relief swept the gang, except Jersey. "JUSMEEE BAKIT ANG TAGAL PA!?! ANG SAKIT NAAAAA!!!!" Natakot naman ang nurse sa sinabi ni Jersey. "Uuhh.. Try to get comfortable na lang po.. and perhaps lose a couple a couple of members from your entourage. Giving birth is not a pay-per-view event." Barkada: (.._) (_..) Iniwan ng barkada ang mag-asawa at sumunod na lang sa nurse palabas. Oo nga naman, naka-gown at suit pa sila. Agaw-atensyon. Nagsubside na rin ang rage ni Jersey ngayon, effective ang breathing exercises na tinuro sa kanya ni Sath. "Oh my gosh.. swear this is.." "Sshhh," Kevin hushed. "Wag ka nang sumigaw, okay? You're wrecking my nerves." "Hey.. I'm really really scared," a light crease formed on her sweaty forehead. "8 months pa lang ako.. going 9.. and they say dang--" Kevin kissed her right hand. "Sshhhh.. Wag ka ngang nega dyan. Hanggang dito ba naman?!" "Natatakot talaga ako. What if.." she calmed herself down. "You're right. Everything's gonna be okay. Pero what the fck where's Dra. Lim!?! Ang sakit na oh! I can feel Atom's head peeking out of my va--" Tinakpan na ni Kevin ang bibig ni Jersey. "Bubusalan na kita, isa pa." That shut her up. Minutes later dumating na rin si Dra. Lim na nakasuot ng pink scrubs. "Are you ready?" Jersey took a glance at her husband and said, "We're very excited to see our son. Now please, can we do this now?!" -- Kanina pa palakad-lakad si Jicker sa tapat ng OR, na nakakunot pa ang noo. "Hey Jick, can you please stop pacing around? Parang ikaw pa yung tatay eh!" reklamo ni Amae sa kaibigan. "Eh kasi naman, sino bang hindi kakabahan sa mga sigaw ni Jersey!? Parang kinakatay na baboy." After 19 hours (yes, you read it right) of labor, ayan na, ready na si Jersey. Nasa loob na si Kevin, na pinagpustahan pa nilang hihimatayin pag nakita si Atari na lumubas mula kay Jersey. "Ganun naman talaga yun," singit ni Keith na kumakain ng donut. "Si Amae nga parang bakang kinak-- ARAY! EH SA TOTOO!!" "HINDI KASI AKO ANG TOPIC DITO!! SI JERSEY!!!" she retorted. Silang apat na lang nina Blanche ang natira dito sa ospital. Umuwi na sina Sath at Jerro para sa mga anak nila. Sina Paolo at Kat naman dumalaw kanina, kaso kailangan ding umalis dahil may aayusin pa para sa honeymoon nila. Tahimik lang na nakaupo si Blanche, na nagbabasa ng magazine. Napansin naman ni Jicker ang katahimikang yon kaya tinabihan nya ito. "Are you cold?" She shook her head. "Kumakain ka ba ng toge?" "Ha? Toge? Minsan. Ba't mo naman natanong?" "Eto kasi," tinuro nya ang isang recipe mula sa magazine. "Mukhang masarap." "Nabubuhay tayo sa take-outs. Okay na yun." "Maaga naman tayong mamamatay dahil sa preservatives." Jicker decided not to continue his proposal. He took Jersey's scene earlier as a sign, may panahon pa naman sila. Tinago nya ang singsing sa compartment ng sasakyan nya. Bahala na kung kelan ang proposal. "Hoy Jickerson, I am talking to you!" "H-ha?" "Pusta ko hindi hihimatayin si Kevin mamaya." "Bakit naman?" "Mahilig sa zombie and gore movies yun. Feeling ko maaalala nya yung scene sa Cannibal Holocaust," Blanche said with a smirk. "Oo nga, feel ko mala-Cannibal Holocaust ang nangyayari sa loob ng OR." "AAAAAAAHHHHHHHHHHCKKKKKKKK!!!!" Sabay na napatingin ang apat sa may OR. Sigaw ni Jersey yun, but this time ito na ang pinakamalakas. -- "Come on, love. Push!!" Tagaktak na rin ang pawis ni Kevin sa loob ng OR. Feel na feel nya rin ang sakit na iniinda ngayon ni Jersey. "Aaarrrgggg!!!" she screams. "I'll push you away in a minute if you don't back off!!!" Kanina pa sya pinapaalis dun ni Jersey, nakalimutan ata nito ang deal nila 2 months ago na dapat nandun sa loob ng OR si Kevin. "I know it hurts but you're doing so well, love. Kaya mo yan. Please." "W-wala.. wala kang alam sa sakit pakyu ka!! I'm in... You try pushing a watermelon through a hole the size of a peso coin.. You @ss!! You.." hiningal na sya sa kakasalita. "You stay away from me!! Hindi mo na ako mahahawakan ever!!! And I promise you I will bury you so that not even Keith will be able to find your body." Huminga ulit sya ng malalim. "Di na talaga, last na 'to. I so fcking hate men!!! Every last one of them!!! Bwisit na sperm!!!!" Nag-eenjoy ang medical team sa verbal volleyball ng asawa. Pasalamat si Jersey na sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon, kundi sasagutin talaga ni Kevin ang mga paratang nya. 19 hours syang nag-labor.. sobrang stress na talaga sa kanya yun. "We're almost there, Jersey." "We?! WE!?!" Jersey barked. "I'M DOING THIS, NOT YOU!!! This is all your fault!! You and your Michael Phelps swimmers!!!! I hate you. I HATE Y-- AAARRRGGHHHH SH*T!!!" Sumingit na si Dra. Lim sa dalawa. "Okay, Jersey. You're almost there. Wag ka munang masyadong gumalaw . I need you to push again, okay?" "Can't you just pull it out?" The OB laughed. "I'm sorry, Mrs. Santos, you have to do this." Mas humigpit ang hawak nya sa braso ni Kevin. "Oh noes.." "Mr. Santos, dun ka na lang sa may ulunan ni Jersey. Hold her from there," utos ng doctor. Sumunod naman si Kevin. "Kevin.. I'm scared.." He kissed her lips. "Don't be. I'm here, okay?" "On the count of three I need one big push!" Mas hiningal na si Jersey. "I'm so tired." She leaned back against him, panting wildly. She's tired. Di nya alam kung kaya pa nyang tiisin ang sakit na yun. "ONE!" shouted the doctor. "Kevin.. I'm scared.. This fcking hurts!!" "Two!!" "You can do this, alright? I love you. Come on!" "Three! Jersey! PUSH!" "ARSCHLOCH!!" Pagkasigaw nya naramdaman nya ang pinakamasakit na feeling sa lahat. It's like her body's ripped open. Todo iyak sya sa sobrang sakit. Pero naramdaman nya na nakalabas na si Atari sa kanya. "Congratulations, Mr. and Mrs. Santos! You have a healthy baby boy." Mangiyak-iyak pa nga si Kevin nang iabot sa kanya ng doctor si Atari. Di sya makapaniwala, anak nya to. John Kevin Jr. nya 'to. With trembling hands, he carefully accepted his son and looked at his face. Ang liit at ang gaan ng baby, di sya makapaniwala. "Kevin.." medyo nagkamalay na ulit si Jersey. "Is he okay?" Ayun, naiyak na ang mokong. "Y-yes. Eto sya oh. Baby Atom, say hi to mommy." Si Atari agad ang unang nakita ni Jersey nang imulat nito ang mga mata nya. Bumuhos naman ang luha nya nang makita ang cute nyang anak. "Oh my God. Oh my God. Is.. is this for real?!" "Yes, he's ours. Ang gwapo noh? Syempre, mana sakin." She took Atari into her arms. Tinitigan nya ang facial features nito, and yes, medyo hawig nga ni Kevin. "Nako.. asa ka dude. Mas kamukha ko 'tong anak natin." At nagtawanan na naman ang medical staff sa dalawa. -- THREE DAYS LATER "We're home!" All smiles sina Kevin at Jersey nang pumasok sila sa bahay nila. Of course, karga ni Kevin ang kanyang Junior na si Atari Kim "Atom" Santos. Jersey insisted na Atom ang nickname ng anak nila.. kahit hindi mawari kung saan nakuha ang -om. "Uy bakit ang tagal nyo?" bati sa kanila ni Sath. As usual buo ang barkada, minus sina Mr. & Mrs. Inciong na currently ay nasa Hawaii for their honeymoon, para sa welcome party for Atom. "Daaaaaaddy!" Patakbo naman ang 8-year-old na si Ara kay Kevin. Matagal din silang di nagkita ng daddy nya, pabalik-balik kasi ito sa Germany. "Hello Ara!" nakangiti nyang sabi. "Say hello to Atom!" In fairness kay Ara, nabawasan na ang kaartehan at katarayan ng batang 'to. "Hi Atom! Ang cute cute mo naman!" sinundot pa nito ang pisngi ng baby. Sumunod na rin ang ibang bata para pagkaguluhan si Atom. Si Jersey naman lumapit sa barkada nya. "Goodness.. is that cute kid really my son?" amused nyang tanong sa kanila. "Naman! Inire mo yan eh!" medyo sarcastic na comment ni Jicker kaya siniko sya ni Blanche. "Eh sa totoo naman! Grabe sarap mong pasakan ng pakwan sa bibig habang nanganganak ka!! Puro mura na lang naririnig namin sayo!" She flushed. "I'm not!!" "Seryoso!" tinaas pa ni Keith ang right hand nya. "Para kang isang computer shop na puno ng mga naglalaro ng DOTA, rolled into one." "Taob pa sa'yo ang comp shop Je!" - Jerro. Namula naman sa hiya ang inaasar kaya tawang-tawa sila. "Pero epic win talaga yung Arschloch eh!" mas natawa si Blanche. "Of cuss words, yun pa talaga ang sinabi mo!" (Arschloch - German word for "@ss") "Ako na naman ba yan?" singit ni Kevin na may akay-akay na baby plus 4 na batang nakabuntot sa kanya. "Palagi naman ako eh." (-__-) "Feel mo naman! Di ikaw yun!" Jersey retorted. Binigay muna ni Kevin si Atom kay Jersey. "Oo na sige na, hindi na ako dun. Pero guys, diba kamukha ko talaga si Atom? Diba diba?" "Uy di ah! Ako kaya kamukha!! Eps naman to o!! Di mo kamukha si Atom!!" (=o=) "WALANG KAMUKHA YANG ANAK NYO! ALIEN YAN!!" Nagtawanan na naman sila. Ang cute tignan nina Kevin at Jersey ngayon na kasama nila si Atom. A wonderful family, indeed. -- TWO MONTHS LATER "How do I look?" Pangatlong beses nang tinatanong ni Jersey yan kay Kevin. Ever since bumalik sya sa pre-pregnancy figure nya, ayan na lang ang concern nya: ang itsura nya. "Oo, okay na. Now please stop that vanity? Gutom na ako." She pouted. Ang gusto lang naman nya ay isang appreciative look mula sa asawa nya. After she gave birth ang focus lang nya ay masuot ang kanyang Viktor vintage jeans. Unflattering kasi sa katawan nya ang garterized jeans, di nya feel. Napansin nya na sobrang tutok si Kevin kay Atom. Ni madapuan ng langaw ayaw ni Kevin! Lahat dapat hypoallergenic, sterilized, pasteurized.. lahat dapat maayos para kay Atom. Ngayon nga, imbis magcomment tungkol sa figure nya, ayun, tuwang-tuwa itong panuorin ang anak nyang walang ginawa kundi mulagaan sya. "Napalitan mo na ba sya ng diaper?" tanong nya kay Kevin, changing the subject. Baka sakaling pansinin sya nito. And she's right, pinansin nga sya. "Yup. I changed it already. Talo pa ng toxic waste ang poop ng anak mo, Jersey." "Ahh.. ganyanan ah. Pag may kadiring bagay, anak KO lang sya. Pero pag may nagawa syang amazing, anak MO. Wow, ikaw nagbuntis? Ikaw umire? Nice one." Tawang-tawa naman si Kevin sa reaction ni Jersey. "O ayan Atom, that's her Devil Woman mode. Sana di mo mamana yan, okay?" She playfully slapped his arm. "Bastos. Buti na lang di nya naiintindihan yang pinagsasabi mo!" "At least I warned him. Delikado ka kaya." "Yet you married me. Parang ironic ata yun noh? Hmm," nagtali ng buhok si Jersey. "Okay ba?" Dahil tinotopak si Kevin.. "Panget mo." ('o') "Thank you ah. Kanina pa ako nagpapapansin dito tapos isang 'Panget mo' lang!? Wtf. Matapos mo akong buntisi--" "Oohh.. kasalanan ko? Sige bilangin natin ah. Gift wrapper.. eleva--" Namula si Jersey. "Shut up! Ugh. I hate you." "Suuus.." he smirked. "Maya-maya babawiin mo rin yan. Diba Atom, love ako ni Mommy? Di nga yan makakatulog pag di ako katabi!" "Funny. Di kaya ako clingy!" Bago pa mapunta kung saan ang usapan, he changed the topic. "Okay gutom na si Atom. Time to let them out." Kinuha naman ni Jersey si Atom mula sa kanya. "Haaayy nako. Ewan ko sa'yo!" "Honestly my son's getting more action than I will be in a while for sure." (O__O) "Good heck Kevin you didn't just say that. That's so wrong in many levels, @ss." Di maintindihan ni Jersey kung bakit kailangan pang nakabantay si Kevin pag nagbebreastfeed sya. Tapos ang dami pang comment nito. "O what's with that face? I know you love it, that's a part of my charm." "I love you, not your charm. And please.. stop making crude comments about my breastfeeding whatever. This is hard, you know." "May breast pu--" "That thing hurts. Now shut up, okay?" Sinubukang tumahimik ni Kevin pero di nya talaga kaya. "One day, our son will be as ever charming as his father-- and I'll make sure of that." "I think he used that charm on me right now. Second base agad, anong sabi mo dyan?" Kevin's mortified look made her laugh. "Ano, natameme ka dyan ano?" "Sige na, panalo ka na. Sumesexy ka ata ngayon ah," *insert his smirk here* Pinigilan ni Jersey ang kilig nito. "Lul. Don't use that 'charm' on me. Your son's feeding." "Okay lang, I can wait. Baka mamaya.. ikaw maghabol sakin. Walang kalabitan mamaya, okay? May meeting ako bukas." She managed to grab a pillow and threw it to him, na nailagan nya. "Excuse me, hindi kita kakalabitin okay. Sinabihan mo akong panget.. bahala ka. Ni first base di ka makakatikim sakin." Maya-maya tumawa na naman silang dalawa. Wala talagang dull moment pag magkasama silang dalawa, diba? XD -- Alam nating ayaw ni Jersey sa mga bata nung una, pero nang dumating si Atom sa kanila, nag-iba ang perspective nya. Usually ang mga nanay ang over-protective sa baby nila, pero sa lagay nila ni Kevin, pinagtatalunan pa nila nito. "WAAAAAAAAAA!!" 2am, usual time na iiyak si Atom dahil gutom ito. Nung first few weeks nag-aaway pa ang dalawa kung sino ang dapat magcheck kay Atom, kaso ngayon.. "I..I get it." Nagulat si Jersey nang marealize nya na wala si Kevin sa tabi nya. Naunahan na naman sya nito. "Di pala over protective ah. Di pala kunsintidor ah. Sinong nakikipag-unahan satin ha?," bulong nya habang nagsusuot sya ng bathrobe. Cute ang possessive Kevin kaso pati kay Atom? OA rin minsan. Papasok na sana sya sa nursery ni Atari nang may narinig syang naghuhum. With A Smile pa ng Eheads! "Nice music choice, Mr," sabi nya nang pumasok sya sa loob. Nakaupo si Kevin sa rocking chair, habang nakasandal sa dibdib nya si Atom. "Ssshh," saway nito sa kanya. "Pinapatulog ko eh, magigising sya sa panget mong boses." (._.) "Lahat na lang panget sakin ah. Bahala ka.." Kevin grinned. "Joke lang. Di ka na mabiro ah!" Umupo sya sa lapag. "Nakakasakit kasi minsan eh." Yumuko si Kevin at hinalikan ang asawa sa noo. "Nagtampo naman ang unang baby ko.. baby damulag!" "Lul ka! And don't call me baby. Eww lang." "Osige na.. wala na lang akong itatawag sa'yo okay?" "Wait.. why are you here? Kanina ka pa ba nandito?" He nodded. "Baka kasi magising ka kaya binantayan ko na si Atom. You and your beauty sleep." "Beauty sleep! I don't need that!" sinamaan naman sya ng tingin nito. "K fine. Tignan mo nga, ikaw tong over protective kay Atom! Obvious ka na eh!" "Naman. This kid will pass on my awesome genes kaya dapat inaalagaang mabuti!" that made Jersey laugh. "And you agree with me! Diba?" "Whatever. But he really looks like you." "His eyes are yours. Nakakatakot siguro to tu-- Okay tigil na ako." They both stared at their son, na parang anghel na natutulog. Malapit nang mag-3months old si Atom.. at parang ang bilis ng oras. "Alam mo.." malumanay na sabi ni Kevin. "Nung.. nasa Germany ako.. naisip ko dati.. with all those sh*ts I've been through.. akala ko talaga.. hindi na kita makakasama ulit.. tapos baka hindi na ako magkakaanak. But now.. I have you.. and Atom. And I've never been happier. Thank you for everything, love. I owe my life to you." Todo tulo naman ang luha sa mga mata ni Jersey. Of course, totoo nga ang sinabi ni Kevin. Dumating ang possibility na baka hindi ito mangyari, pero kahit anong nangyari, they still ended up together. "B-bakit ba kasi ang hilig mong magpaiyak! Nakakainis naman kasi 'to!!" she got up and kissed him on the lips. "Eps ka forever." "Okay lang, gwapo naman." =.= "Mas gwapo si Atom kesa sa'yo, mind you." "Okay lang, maganda ka rin." "Lul, may masabi lang!" she paused. "I love you, Mr. Santos." "And I love you too, Mrs. Santos.. so.. nagwork ba ang charm ko?" "What charm?" "I was hoping for.. some action..." "Aahh! I knew it! Kaya may drama effect ka pa dyan! Arschloch!" "The language, Mrs. So.. ano na?" A shy sly smile formed on her lips. "Put him back there. And we'll see." Dahan-dahang inihiga ni Kevin si Atom sa crib nito.. and the rest? Alam na [:)] -- May 2 special chapters pa! So.. stay tuned! XD