TDG Special Chapter #5 3rd to the last special chapter! Yaaaay XD Sorry for the long wait, medyo nablangko kasi ako para sa kasunod. Sana mabasa nyo pa rin 'to! Dedicated to Alyssa Mallari! Happy Birthdaaaaay =)) Comment and vote if you liked the chapter. Thank you very much! - Nganga pa rin ang barkada dahil sa narinig nila, habang sina Jicker, ayun, nakangisi. It took them 3 minutes to respond. "Hoy, that's not a good prank ha. No funny," cautious na sabi ni Jersey. Sa totoo lang nawawarla na ang kalooban nya dahil sa balitang yon. Natawa lang ang dalawa. "God I wish joke lang yon," sabi ni Jicker. "But no, we really got married." (O___O) "WEH!?!" sabay-sabay nilang sigaw. Mas natawa na naman ang 'newlyweds'. "Oo nga! Take a look at this!" Blanche flashed her left hand to them.. and voila, there's a wedding ring. "BAKA NAMAN FAKE YAN!!!" sigaw bigla ni Amae. "Je kagatin mo nga! Baka tanso lang yan!" "Oy Alyssa Mae OA ka, totoo yan!" depensa ni Jicker. "Bakit ba ayaw nyong maniwala na kasal na kami? Nakakahurt kayo ng feelings ah!" "EH BAKA KASI JOKE NYO LANG YAN!" sigaw ng barkada. Nagulat tuloy yung mga bata na naglalaro sa tabi, Tawa na lang ang nasagot ni Blanche. "Nagpakasal nga kami. Si Elvis pa nga ang nagpakasal samin eh!" (O_______________O) "SA ELVIS IMPERSONATOR KAYO NAGPAKASAL!?!?!" "AY HINDI!!! KAKASABI LANG NI BLANCHE DIBA?! ANO KAYO, BINGI NA? SLOW NA? TANGA BOBO INUTIL NA?!!" gigil na si Jicker. Tumahimik ulit ang barkada, dinadigest ang info na sinabi nina Jicker. Nang okay na ulit.. "Alam ba ng parents nyo yan?" parang guidance counselor si Jersey kung makatanong. Tumingin si Blanche kay Jicker, as if saying na sya na ang magkwento. He obliged. "Kasi Je.. I lied to you. Hindi ako pumunta ng Singapore. "WHAT!?!" "Actually sa Germany ako pumunta, para kausapin ang father nya. I asked permission to marry her." Nganga ang barkada sa confession ni Jicker. Akala kasi nila mala-What Happened In Vegas ang peg ng kasalan nila. Yun pala planado na ni Jicker. "So.." sabi ni Kevin.. "Kaya dinala mo sya sa Vegas para makilala ang parents mo?" "Yes. I asked her last week to marry me. Ayun, she said yes, kung kay Elvis kami magpapakasal." "Kasama kasi yun sa Bucket List ko! Ang mapakasal kay Elvis!" tuwang-tuwa pa si Blanche sa pagkukwento. Natahimik ulit sila. "Oh my God, ngayon lang talaga nagsink in sakin guys!" masaya na ngayon si Sath. "Congratulations!" Isa-isa silang nagsilapitan sa newlyweds para icongratulate ito. "Ano ba yan, naunahan nyo pa kami ni Kat!" comment ni Paolo kaya nagtawanan ang lahat. "Eh kelan ang church wedding?" tanong ni Jersey. "Di pa namin napag-uusapan eh.. pero mukhang matagal pa," sagot ni Jicker. "Grabe.. baka next month month buntis ka na rin!" enthusiastic na sabi ni Amae. Blanche: (O_________O) Jicker: (._.) "O ba't ganyan mukha nyo?!" sabay na tanong ng KevJe. "Kakakasal lang, buntis agad? Pwede chill muna?" safe na sagot ni Jicker. "O-oo nga naman! Wag muna. Chill lang!" - Blanche (^,^) Pinabayaan na lang ng barkada ang kung anumang desisyon ng dalawa. Nagpatuloy na lang sila sa kanilang celebration. - JANUARY Kahit gano mo pala katagal kakilala ang isang tao, may mga times na bigla ka na lang magugulat sa mga bagong bagay na malalaman mo tungkol sa kanila. Yun ang narealize ng newlyweds na sina Jicker at Blanche. After nilang umuwi ng Pinas, umalis sila sa kani-kanyang condo at bumili ng isang mas malaking unit sa may Makati. Si Jicker ang nagdesign ng condo, at tumulong din si Blanche. Masaya naman silang dalawa. They never regretted their decision to get married. Maraming kaibigan ang nagulat sa balitang yon. Mga ex-girlfriend na nagwala, nagdiwang, nagulat, nagbanta at kung anu-ano pa. Marami rin namang natuwa sa pagpapakasal nila. Sino nga ba naman mag-aakala na magpapakasal silang dalawa, diba? Kaso.. "Here we go again.." Nasa harap ng ref si Jicker nung umagang yon. Natanggap kasi si Blanche sa isang publishing company kaya maaga itong umaalis sa condo nila. As usual sa studio pa rin si Jicker kaya mas flexible ang time nya. Ano yung 'Here we go again'? Yung karton ng gatas, nasa gilid na naman ng ref. Ayaw na ayaw nyang nilalagay ang gatas sa may pinto ng ref. Ayon kasi sa studies, mas madaling nabubulok ang gatas pag dun nilalagay, di kasi nakatapat sa cooling chorva ng ref. Dapat dun yun sa main compartment ng ref. Eh ang problema, sa gilid nilalagay ni Blanche ang gatas. "HAHAHAHAHAHAHA!!! Yun lang galit ka na?!!" Si Jersey yun, as usual tinatawanan na naman nya ang kaganapan sa married life ng mga Herrera. "Leche kaya ayaw kong magkwento sayo. Kung di ka lang malapit manganak uupakan na kita eh." 8th month na ni Jersey pero di pa rin halata ito. Nakakapagtrabaho pa nga at busy pa ito sa pag-oorganize ng kasal nina Kat sa February. "Ang liit na bagay pinapalaki nyo!" "Ay sorry, perfect nga pala tayong lahat dito. Bawal mag-away!" "O ba't ka iiyak? Iyak na?" muntik na syang batuhin ni Jicker ng paper weight. "Grabe ka! Pagsabihan mo na lang kasi!" "Eh nahihiya ako!" "Lul! Nakita mo na lahat-lahat sa kanya, tapos nahihiya ka pa? Ano ka, virgin? Excuse me lang ah!" "Alam mo bang iniisip ko na kaibigan kita kaya di kita sinasaktan? Makakatikim ka na sakin sige ka." "Ooohhh I'm scared!" "Isa pa, Jersey!" "Eto na!" sumeryoso na ito. "Kausapin mo kasi. Di ba ang mga maliliit na bagay ang pinagmumulan ng malalaking bagay. Hihintayin mo pa bang maipon yang faults nyo sa isa't bago nyo pag-usapan?" "Alam mo.. sa lahat ng sinabi mo, yan lang ang may sense." ('.') "Pasalamat ka nga tinutulungan kita eh! Ang laki kasi ng utang ko sa'yo!" "Oo alam ko.. kung di dahil sa evil plans ko.. di ka--" "Di kami magkakabalikan ni Kevin. I know that very well. Sige na, perfect ka na." "Psh. Pero Jersey.. thank you ah. Sasabihin ko na sa kanya yan mamaya pag-uwi. Leche kasi bakit ko ba 'to pinoproblema?" Jersey smiled. Natutuwa sya kasi ngayon lang nya nakitang ganto si Jicker. "Kasi sinusubukan mong maging perfect kayong dalawa. Kahit anong gawin mo di naman magiging perfect ang relationship nyo. Ayaw nyo yun, may di pa kayo nalalaman sa isa't isa? Thrill yan, I tell you." "Oo na sige na, thrill na. Pero thank you talaga ah!" "Basta ikaw ang sasagot sa walker ni Atari." "What?!" "For the baby shower. Gusto ko yung safe na walker. Yung wala masyadong anik-anik. Baka mama--" "Reregaluhan ko ng made in China si Atari." Sumama ulit ang tingin ni Jersey. "Anong sabi mo, Herrera?!" "Ay wala, wala akong sinasabi. Ikaw na ang pinakamagandang buntis sa buong mundo." "Buti alam mo!" -- Napagdesisyunan ni Jicker na sabihin kay Blanche ang tungkol dun sa gatas habang nagdidinner sila. Di naman siguro magagalit ang asawa nya. "Uuhh Bla--" "Jick.. I have something to tell you." Nabigla naman si Jicker. "Ha? Ano yun?" "You see.." tumigil si Blanche sa pagkain. "I have some reklamo over certain things." "O..okay.. Ano yun?" "Yung sa remote. Pwede bang ilagay mo lang sa table after you use it? Kasi last night.. hinahanap ko yung remote.. nakita ko sa CR." "Hey, di ko yun naiwan sa CR!" he retorted. "So may kasama tayong multo dito, ganun?" he shrugged. "Tapos.. the thing about the coasters. Kaya nga ako bumili ng coasters para gamitin. Masisira yung furnish ng table pag pinapatungan ng basa. Ayaw mo naman siguro na maging crop circles ang table natin diba?" Nganga si Jicker sa mga reklamo ng asawa nya. So.. hindi lang pala sya ang may reklamo! "Pwede bang may sabihin din ako?" "Ano yun?" "Yung sa gatas.. wag mong ilalagay dun sa gilid ah." Napakunot naman ang ulo ni Blanche. "Ha? Bakit naman?" "Kasi mas mabilis napapanis yung gatas pag dun nilalagay. Di kasi masyadong nalalamigan pag dun." A smile formed on her face. "What else?" "Yung takip ng shampoo mo.. wag mong kakalimutan ibalik. Tapos yung Lysol wag mo masyadong i-spray. Sinisipon ako." Nagkatitigan na lang silang dalawa, sabay natawa. Narealize nila na marami pala silang bagay na nirereklamo sa isa't isa, at ngayon lang nila napansin yon. "Good thing we talked about this," relaxed na sabi ni Blanche. "Akala ko pag-aawayan natin eh." "Ang liit na bagay pag-aawayan natin? Buti naayos agad." "Haaayy.. ang hirap pala ng buhay may asawa. Goodness, pero okay lang." "Talagang okay lang! At dahil dyan.. bibili ka ng walker." "What?! Why me?! At para kanino?" "Para sa baby shower ni Atari. Request yun ni Jersey. Tsaka tinulungan nya ako." "Hey, about what?" Napangiti na lang si Jicker. "Eh secret na naming dalawa yun!" tumayo na sya at kinuha ang plato para ilagay sa sink. "Bawal sabihin!" "Ang daya mo naman! Sige bahala ka.. sa sofa ako matutulog!" "Okay lang! At least solo ko ang kama!!" "Sige, mag-enjoy ka mag-isa sa kama mo! You can't do a bed, Jicker. It's your loss." Tawang-tawa naman si Jicker sa pinagsasabi ni Blanche. "Kung anu-ano talaga lumalabas sa bibig mo noh?" "Oh crap Herrera," she said with a smirk. "What'd you do to me?" "Alam mo na yun," at hinigit nya ang asawa sa lugar na alam nating dun din ang tuloy nila XD -- FEBRUARY Late nang umuwi si Kevin galing sa trabaho nung gabing yon. May tinatapos kasi silang project para sa isang firm sa Cebu na due na sa March. Madalas na nga ang pag-uwi nya ng gabi dahil sobrang dami ng paperworks. Usually maabutan ni Kevin na nasa kwarto na si Jersey, natutulog. Pero laking gulat nya na makita ang 8 months na buntis nyang asawa na nakatulog sa living room nila. Naiwan pang nakabukas ang laptop at camera nito. "Je.." sinubukan nyang gisingin ang asawa pero ayaw. "Je wake up." "Uuhnn..." "Come on, dun ka na matulog sa taas." Dahil ayaw pa ring magising ni Jersey, binuhat na sya ni Kevin paakyat sa kwarto nila. Medyo magaan si Jersey, at medyo nagtataka nga sya dun. He can't help but to stare at his wife's face while sleeping. Di mo aakalaing ang mukhang ang hel na 'to, dragong pag gising. Medyo nagsubside na nga ang pagtataray moments ni Jersey ngayong nasa 8th month na sya. Kung tutuusin anytime pwede nang manganak si Jersey eh. Naalimpungatan si Jersey nang naihiga na sya ni Kevin sa kama. "Oh crap. I fell asleep." Napailing na lang si Kevin. "Sabi ko sayo wag mo na akong hintayin eh. Wag ka kasing nagpupuyat." "Pano ako hindi magpupuyat eh next week na ang kasal nina Kat? Gusto ko walang gusot sa wedding of the year!" "Psh. Walang gusot ka dyan. Mamaya habang naglalakad ka dyan bigla ka na lang manganak or something," pang-asar ni Kevin habang nagtatanggal ito ng damit. Jersey restrained herself from mauling her husband. Nasa 8th month sya, hindi pwede (T___T) "Wag ka nga. You're scaring me." "Heck, I am scared too. Though alam kong gwapo yang si Atari.. baka mamay may extra limbs yan or something." "O baka naman para syang si Professor Xavier or Magneto. Pero mas astig pagh may titanium claws sya," may creepy na glimmer sa mata ni Jersey habang sinasabi nya ito. "Hindi ko namn hinihiling na maging mutant ang anak natin, Jersey. Okay na sakin ang ubod nang gwapo." (T____T) "Dear Atari, sana di ka kasing conceited ng tatay mo, okay? Baka mama-- ARAY! Masama kayang kurutin ang buntis!!!" Weird naman ang tingin ni Kevin sa asawa. "Baliw ka talaga. Matulog ka na nga! Mamaya kung ano na naman mangyari sayo!" "Ouch!" napahawak si Jersey sa tiyan nya. "May habit na tong anak mo na sipain ang bladder ko ah. Not good." "Bakit ba pag may masamang ginagawa si Atari kasalanan ko?! Nakakapagtampo ka na ha." =__= "Wag ka nga!" pinalo nya si Kevin ng unan. "Hindi bagay sayo magdrama FYI. Mas panget ka!" "Psh. Sige na, ikaw na maganda." She smirked. "I know. Ang ganda-ganda ko talaga period." "Tsh. Ganyan ba talaga pag tigang na? Kung anu-ano na sinasabi?!?" Parang naeskandalo si Jersey sa narinig nya. He's playing with her raging hormones.. AGAIN! "Shut up. Pag ako nanganak at bumalik sa dati kong shapre, hinding-hindi ka makakaisa sakin, @ss." Utas na sa kakatawa si Kevin. "Susss! Tignan lang natin kung di ka maghabol, Mrs. Santos." "It's Mrs. Santiago-Santos for tonight, @ss."Humarap ito sa other side of the bed. "Wag na wag mo akong hahabulin pag sexy nako." "Talagang hindi!" humiga na rin si Kevin at humarap sa kabilang side ng kama. "Bahala ka dyan. Maghahanap na lang ako n-- ARAY!!! BAKIT MO AKO KINAGAT!!!" "EPAL KA KASI!!!! UGHH!!!" *silence* Maya-maya bigla na lang naramdamnan ni Kevin na may yumakap sa likod nya. "Psh. Nahihirapan ka eh. Ako na lang yayakap sayo." Umayos naman si Jersey ng paghiga par sya naman ang yakapin ni Kevin. "Thank you for putting up with me all this time. Dapat pala nung kasal natin may option dun na pwede kang tumakbo anytime you want pag sobrang OA ko na." Inuntog naman ni Kevin ang ulo nya kay Jersey. "Siraulo. Upakan kita dyan eh. Hindi na kasal yun noh. Bahala ka." "Psh. Matulog na lang tayo, okay? I am really tired." "Oh. I thought you need me to tire you out. Again." *PAAAAAAAAK!* "ISA PA JOHN KEVIN SA SALA KA MATUTULOG!!!" -- FEBRUARY 19. WEDDING DAY. Agit na agit na sina Amae at Jersey. Pano ba naman, araw na ng kasal nina Paolo at Kat pero late si Jicker. "NYETA NASAN NA BA YUNG GUNGGONG NA YUN!?!??!" galit na galit na sigaw ni Amae kay Keith na kasalukuyang pinapaypayan ang asawa. "Tinawagan mo na ba?!" "Kanina pa! On the way na raw sya!" Si Jersey naman ang sumabog. "ANONG ON THE WAY!?!?! BAWAL MALATE NGAYON!!! PERFECT TAYO DITO!!!! LAKSAN MO NGA ANG PAGPAYPAY KEVIN!!! ANG INIT!!!" Nagkatinginan na lang ang magbestfriend na sina Kevin at Keith. Ibang klase talaga magalit ang mga buntis. Minutes later dumating na si Jicker, nagmamadali na. "Sorry guys I--" "TALAGANG LATE KA!!!!" sabay na sigaw nina Amae. "SAN KA BA KASI GALING!?!?!" "Si Blanche?" "WALA PA!!! SAN KA NGA GALING!!!" Luminga-linga pa si Jicker sa paligid, baka kasi biglang dumating si Blanche. "Galing ako ng mall. I bought a ring." "PARA SAAN?!?!" "I'll ask her to marry me, again. Church this time." (O_______O) "SERYOSO!?!" "Oo nga. Eto pa nga oh," pinakita pa ni Jicker ang singsing sa mga kaibigan. "Okay ba?!" "T@ngina ang landi mo!!! MAGANDAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" halos agawin na ni Jersey ang singsing kay Jicker. "Pero mamaya na yan, yung wedding muna, pwede?" Agad na tinago ni Jicker ang singsing sa bulsa nya. During the reception sya magpopropose ulit, okay na sina Paolo at Kat dun. He can't wait. - RECEPTION Kinakabahan naman si Jicker. Oblivious ang asawa nya na magpopropose ulit sya ngayon. Narealize nya na hindi deserve ni Blanche ang isang Elvis wedding lang. He wanted more so eto na. Ang pwesto nila ay eto: Blanche-Jicker-Jersey-Amae-Keith-Kevin sa table. Gusto na nyang magpropose habang kumakain na sila. "Uy Jick," bulong ni Jersey. "Ngayon na ba?" "Umayos ka Santos wag mong agawin ang diskarte ko ah." "Opo boss. Surprise me." 3 minutes later.. Huminga na nang malalim si Jicker. This is it. Humarap sya kay Blanche. "Uuuhhh Blanche?" "Yup?" "Ano kasi.. uhhh.. Wi--" naputol ang sasabihin nya nang may maramdaman syang basa sa pantalon nya. "Hoy Jersey! Yung baso mo naman! Nakatabig ka na di mo pa namalayan!" Nagulat naman si Jersey sa sinabi ni Jicker. "Ha? Ano? Wala naman akong hawak na ba--" "JERSEY!!!!!" bigla na lang sumigaw si Amae sa tabi nya. Naguluhan sya kung bakit nakatingin si Amae sa ilalim ng table nila. Nang tumingin sya.. dun lang nya narealize... "My water just broke." - to be continued! May .5 chapter pa po ito, na ipopost ko sa Tuesday, July 31! XD