"Oh goodness akala ko hindi na!! Oh gosh!!!" "Ma, Daddy.. ano pong meron?" nagtatakang tanong ni Atom na nakaupo sa kama nilang dalawa. Natatawang lumapit ang dalawa kay Atom. "Baby.." pinipigilan ni Jersey ang humagulgol. "Uuhhh.. yung birthday wish mo.. on the way na." Mas naguluhan si Atom sa sinabi ni Jersey kaya kay Kevin ito bumaling. "Basta Atom, magiging kuya ka na!" "TALAGA PO?!" tuwang-tuwa si Atom sa balitang yon. Todo talon sya sa kama na parang nasa trampoline. "Kuya na ako!! Kuya na ako!!! Yeheeeey KUYA NA AKOOOOOOO!!!" Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa reaction ni Atom. Napalundag din ang dalawa sa kama kasabay ng anak nila. Sabay-sabay na rin silang natulog na nakangiti pa. ** AUGUST "ANG OA MO NAMAN! I CAN DO THIS!!" "AY NAKO WAG BA BABAYARAN NA LANG KITA TEH!! BAKA MAMAYA MASTRESS KA PA DARAGIN PA AKO NG ASAWA MO!!" Sumama ang tingin ni Jersey kay Jicker na kasalukuyang binibitbit ang gamit para sa photoshoot nila kay Blanche. Since malaman ng barkada na buntis sya, todo ingat sila sa kanya as if delikado ang pagbubuntis nya. "Ano ba Jick okay lang ako! Wag ka ngang OA dyan!!" "Ako na bahala dito, Je. Isipin mo na lang kung pano mo kami kukunan. Now go!" No choice si Jersey kundi sumunod kay Jicker. Nakakatakot kasi talaga 'to pag seryoso kagaya ngayon. Nandito sila sa Tagaytay para sa pictorial. Susunod din naman si Kevin sa kanila maya-maya, dumaan lang ito sa Leinz para kamustahin ang garden of flowers ni Jersey. Okay naman ang shoot, kahit may pagkabitchesa sina Jicker at Blanche sa isa't isa. Bentang-benta naman kay Jersey ang pag-aaway nila. After ng shoot pa dumating si Kevin at sinundo ang asawa. "Kamusta shoot?" tanong ni Kevin nang makasakay si Jersey sa kotse. "I'm dreading to wear those preggy jeans again. Ayoko na talaga maulit yon," reklamo ni Jersey. Nang tumingin sya sa backseat nakita nya ang isang basket ng red roses. "Aawww ang cute! Thank you, love!" "Sabi ko sa'yo may silbi yang garden. Dati tinatawanan mo lang yan." "Naeexcite ako sa kasal, swear. Ilang buwan na lang oh!" "Mas excited kami ni Atom na malaman kung lalaki o babae yang si Baby," may certain flicker sa mga mata ni Kevin. "I'm betting it's a girl." "How'd you know?" "Kasi ang panget mo?" She punched his arm. "I hate you. Pero I feel this is a girl. Naeexcite ako na ewan! At last may mabibihisan na ako!!" "Sige yan lang isipin mo ah. You know what I think?" "Ano na naman? Na kamukha mo na naman yung baby? Naumay naman ata ako sa itsura mo." He shook his head. "No no.. Kung babae man yan.. maganda yan. Kasi maganda ang mommy nya." That made her blush. "Shut up." "Pero syempre mas lulutang ang awesome genes ko, you'll see." Napailing na lang si Jersey. Not again! ** NOVEMBER "Ano, dati tinatawanan mo ako tapos ngayon nararamdaman mo rin? Anong feeling ha?" Muntik nang bigwasan ni Jicker si Kevin kaso nahiya sya sa mga tao. Araw na ng kasal nila ni Blanche ngayon and he's freaking nervous! Di nya maexplain, basta parang natatae sya na ewan. "Umayos ka nga dyan Kevin, you're not helping. Mas kinakabahan ako sa mga pinagsasabi mo." Si Kevin kasi ang best man nya since tumanggi si Marlo para sa part na yun. "Nasan na ba sila?" "Ewan ko dun sa mga yun, nakakainis. Si Jersey kahapon pa weird. Pero mas okay yun kasi kalmado sya ngayon kesa nung kay Atom." "Ah ewan. Basta bilisan na lang nila!! Gusto ko na talagang makauwi!!" Natanaw ni Jicker ang daddy ni Blanche sa dulo ng entourage, minus the bride. Mas lalong kinabahan si Jicker dun, baka kasi magback-out si Blanche tapos.. ahh napaparanoid na sya! Then may narinig silang palakpakan, signalling na nandyan na si Blanche. Naging triple tuloy ang kaba nya nang makita si Blanche na lumabas sa sasakyan. He couldn't believe it. At last, this is for real. "Jick," bulong sa kanya ni Kevin. "Ingatan mo yang si Blanche ah. Kundi lagot ka sakin." "Ingatan mo rin si Jersey, may surprise ata yan sayo mamaya." Kevin was about to protest nang barahin sya ni Jicker. "Now suit up, bro. I'm getting hitched." ** Di napigilan ng girls na umiyak nang lumakad si Blanche sa aisle kasama ang daddy nito. Pinipigilan kasi ni Blanche ang umiyak pero si Jicker pinapaiyak pa sya lalo. Nang makarating sya sa altar, isang malakas na suntok sa braso ang natamo ni Jicker, pero syempre si Blanche ang nasaktan. Simple lang naman ang ceremony, parang renewal of vows lang nilang dalawa. Ayaw naman kasi ng dalawa ang madrama kaya asaran ang pinagsasabi nilang dalawa. Kaso iba ang epekto nun sa girls, umiyak pa ang mga ito. Sa kalagitnaan ng wedding ceremony, napansin ni Jersey na sulyap nang sulyap sa kanya ni Kevin. Gusto nyang tanungin ito kung ano bang sapak nya kaso busy sya sa ceremony. Nang matapos ang ceremony, agad nyang hinila si Kevin palayo sa crowd. "May sakit ka ba?" tanong nya sa asawa. "Ha? Wala lang. Bakit?" "Kanina mo pa kasi ako tinitignan eh. It's creeping me out." "Maganda ka kasi kaya ako napapatingin sa'yo," napasimangot si Jersey. "Eh kasi kanina si Jicker may sinabi sakin. May surprise ka raw para sakin?" Napangiti tuloy si Jersey. "Ah yun ba? Oo, I have a surprise for you. Naeexcite na nga ako eh!" "Ano ba yun? Ang daya naman nito!" "You're right." Mas nagtaka tuloy si Kevin. "What?" "Sabi ko you're right. We're having a baby girl." Tameme naman si Kevin dun. ** MARCH "Mama hinga lang po kayo ah? Don't panic po!!" Nasa kotse silang mag-anak, March 26 ng umaga. Kanina kasing madaling-araw nagcocontract na si Jersey, at around 30 minutes ago her water broke. Unlike nung panganganak nya kay Atom, mas kalmado ngayonsi Jersey. Di na sya tulad nung dati na puro mura na ang sinabi. Alam na nya kasi ngayon ang dapat gawin, and of course kasama nya ang soon-to-be Kuya Atom at si Kevin. "Nasa ospital na ba sina Jicker?" kalmado pa ring tanong ni Jersey kay Kevin. "Yup, kakarating pa lang. Ano, okay ka pa?" "Kaya pa naman. Grabe why am I so calm? Feeling ko may mali sakin or something!" Si Atom naman ay todo haplos sa tiyan ng mama nya. "Baby Kris wag ka muna lalabas ah? Alam kong excited kang makita kami nina Mama pero malayo pa tayo sa hospital." Napangiti na lang si Jersey sa sinabi ni Atom. Veronika Krishna ang pangalan ng kanilang baby girl. Actually si Atom ang pumili ng 'Krishna' after nyang ituro ito sa book of names. Natuwa naman si Jersey sa pangalan kaya ayun, okay na sa kanya. Minutes later ay dumating na sila sa ER ng hospital. Nandun na nakaabang sina Jicker. "Wow Je kinikilabutan ako! Di ka nagmumura!" pang-asar ni Jicker. "Siraulo ka! Mamaya pa magmumura yan, bumebwelo lang," dagdag ni Keith. Mas nagulat sila nang nginitian lang sila ni Jersey. "Shit may sakit ka ba Je?" Natawa na lang si Jersey sa reaction ng barkada. "Ano ba kayo guys! Parang mga sira to! Chill lang kaya ako XD" Imbis magtiwala kay Jersey ayun, mas kinabahan sila. Sobrang unusual para kay Jersey na maging kalmado sa panganganak. Lumapit naman ang dalawang nurse at ilan pang staff para alalayan sa panganganak si Jersey. ** "Tita Blanche matagal pa po ba si Mama sa loob?" Kanina pa inip na inip si Atom sa kinauupuan nya. Medyo 10 hours na rin kasi silang naghihintay sa labas. Kanina pa niyayaya nina Keith na umuwi muna si Atom kaso ayaw paawat ng bata, namana ang katigasan ng ulo ni Kevin. "Naku Atom matagal pa sina Mama sa loob. Ikaw nga almost 19 hours na nasa loob si Mama nung pinanganak ka." Napabuntong-hininga na lang si Atom sa nalaman nya. Sobrang excited na syang makita si Krishna! At last magkakaron na sya ng sariling kapatid nya. Dati inggit na inggit sya kina Nate-Tyler at Jessica-Andrea na may kalaro sa bahay. Sya kasi dadayo pa sya sa mga tito at tita nya para makipaglaro. "Mama.. please ingat ka po dyan.." he murmured. "Kayo po ni Krishna.. please?" ** Di namalayan ni Atom na nakatulog na pala sya sa kakahintay. Pinili na rin nina Jicker na wag gisingin ang bata, sobrang tagal kasi ni Jersey iire si Krishna. A light nudge woke Atom from his sleep. Nakita nya agad ang daddy nya pagkamulat ng mata nya. "DADDY!!! NANDYAN NA BA SI KRISHNA?!?! SI MAMA OKAY LANG PO BA!?!?!" Ginulo muna ni Kevin ang buhok ng anak nya. "Oo naman, Kuya. Okay na sina Mama at Krishna. Tara, kain muna tayo bago puntahan si Mama sa taas?" Todo talon naman si Atom habang naglalakad while chanting "Kuya na ako! Kuya na ako!" Si Kevin? Ayun, todo ngiti naman XD ** Di maexplain ng iba kung bakit todo ngiti ang pamilyang Santos habang nasa sasakyan sila pauwi galing ng ospital. May something talaga kay Krishna na nagpapasaya sa kanila ngayon. Para kay Kevin, ang makitang sobrang saya ni Atom yung nagpapasaya sa kanya. Never kasi nyang naexperience na magkaron ng younger sister since sya dadalawa lang sila ng kuya nya. Kung pwede ngang maluha, naluha na si Kevin kaso nahihiya naman sya kay Jersey. "Mama! Mama! Ako na magbubuhat kay Krishna, please?" kanina pa inuulit ni Atom yan kina Jersey. "Nako kuya di pa pwede eh. Krishna's still fragile, tsaka you're still small. Pero mamaya pwede mo syang bantayan habang natutulog, okay?" Tumango na lang si Atom. "Okay po Mama! Basta mamaya pwede ko syang bantayan ah?" "Ikaw ha, kumu-Kuya ka na ngayon! Nagbibinata na panganay ko!!!" amazed na amazed pa si Kevin sa sinabi nya. "Anong binata ka dyan daddy? 5 pa lang ako!!!" Natawa na lang silang mag-asawa. Buong araw nilang pinagmasdan si Krishna. Napansin ng barkada na kahawig nga ni Jersey ang bata, with matching Kevin's eyes. Wala silang ginawa kundi magpicture lang kasama ang bata. Nang maggabi na, naabutan nila si Atom na kinakantahan ng With A Smile si Krishna. Yun kasi ang first song na tinuro sa kanya ni Kevin dati. Saglit na pinanood ng mag-asawa ang magkapatid bago sila bumalik sa kwarto nila. "Okay Je," Kevin said once he closed the door. "You can cry now." "Ako, iiyak? HAH. Excuse me lang. I'm not gonna cry." Kevin gave her his 'really' look. "Okay fine, maybe a little. Naiiyak ako sa tuwa, you know. Parang dati.. ano lang bang ginagawa natin? Tumatambay, naglalasing sa LB Square, nag-aaral.. I never imagined that we will be like this. Parents. Awesome parents! Kevin.. we're getting older.. and.. ewan ko!" napaiyak na sya. "Ang akin lang.. tama ka eh. I can't imagine going through this future without you. Ang laking difference ng nandito ka at kung wala ka e. I love you so sooo much and I.. tangina pamura lang pero this is.. I am so happy!" Niyakap naman agad ni Kevin si Jersey. "Yan ang ayoko sayo, iyakin ka masyado pag kasama mo ako. Alam mo namang di kita matiis pag umiiyak ka, diba? Smile naman dyan!" "GRABE NAGDRAMA AKO TAPOS YAN LANG ANG SASABIHIN MO!!!" "Teka kasi hindi pa ako tapos!" kumalma si Jersey. "I love you and Atom and Krishna. Alam mo yan, love. Every shit that we've been through is worth it, kasi alam ko dati pa na ganito ang makukuha ko sa dulo. Of course it's not that easy. It will never be easy. Ilang taon na ba, Jersey? 14 years? Heck di ako magsasawa. It's a rollercoaster ride, but that's the kind of ride I love. Syempre kasama ka dun, alam mo namang ayaw ko sa rollercoasters." Natawa na lang si Jersey. "Ang ganda na ng mood tapos yan ang sasabihin mo!!! Mabuhay ka talaga dre!!!" "Di kaya ako pampasira ng mood! Teka lang." Kumalas si Kevin sa pagkakayakap nya mula kay Jersey at nilabas ang phone nya. "Pampabalik ng mood." "What are you doing?" "Pambawi lang! Di kita nasayaw nung kasal nina Jicker kasi si Atom ang sinayaw mo," may pagtatampo nyang sabi. "Anak mo pinagseselosan mo! OKAY KA LANG!?!?" Di na lang sumagot si Kevin. Instead, he extended his hand to his wife. "Tara, sayaw tayo." "Di ka talaga marunong magyaya sumayaw, noh? Grabe ka!" pang-asar ni Jersey bago nya kinuha ang kamay ni Kevin. "Sigurado kang yayayain mo akong sumayaw?" "Oo nga! Wag ka nang makulit!" may pinlay syang kanta sa phone nya. The moment na marinig ni Jersey ang kantang yun, medyo naluha na sya agad. Moving forward using all my breath Making love to you was never second best I saw the world crashing all around your face Never really knowing it was always mesh and lace "Sayang," bulong ni Kevin kay Jersey habang magkasayaw sila. "Di natin 'to nasayaw sa kasal natin dati." "Oo nga eh. I forgot this song! And you really know how to make me cry. I hate you." I'll stop the world and melt with you You've seen the difference and it's getting better all the time There's nothing you and I won't do I'll stop the world and melt with you Todo iyak na si Jersey sa balikat ni Kevin. "Nakakainis ka naman kasi.. pasalamat ka ikaw lang iniiyakan ko ng ganito!" "As much as I don't want you to cry for me.. grabe ka. Di naman kita sinasaktan ngayon ah!" "Loko. I'm crying because I love you so much.. ang hirap iexplain na ewan!" "Okay lang yan. As always, don't forget that you're still my best girl, Jersey. Always." "And forever." There's nothing you and I won't do I'll stop the world and melt with you ♥ ****** SA WAKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAS!!! Normally hindi ako naiiyak sa mga sinusulat kong scenes. Ewan ko, medyo immune na ata ako sa mga pinagsusulat kong kadramahan sa buhay. Kaso ngayon.. naiiyak ako habang tinatype ko 'to. Ganito pala ang feeling! 2 years straight ko 'tong sinulat and now.. last chapter na. Wala nang bawian! Again, just like what I've said before, thank you so much for reading this story! Di ko alam kung eto ba ang deserve nyong last chapter kasi I'm so grateful to all of you. Until now di ako makapaniwala na may pumatol sa kalokohan ko! Seriously XD Again, wala na pong Book 3. Wag nyo na rin pong balakin na magvolunteer na gumawa ng spin-off ng mga anak nila or something kasi I like how I ended this story. Lahat naman ng story ay deserving for finality, diba? Nakakaumay kung aabot hanggang apo sa tuhod tapos TDG Book 7? Harry Potter lang ang peg? XD Teka ang kups ko ata dun! Pero sorry sa mga humihiling ng Book 3. Gusto ko nang pagpahingahin ang characters ng librong 'to para buhayin naman ang bagong characters na nagwawala na sa utak ko XD Pero may softcopies naman just in case you miss KevJe and the gang! ANNOUNCEMENT: May kakapalan ng mukha (aka meet up) ako *(shet wait nahihiya ako)* sa UPLB this September 17, Oblation Grounds! Open yan sa mga taga LB at kung malapit kayo sa area.. kung kaya nyong pumunta, why not? XD Hapon pa naman yun! Sana di tumapat sa shooting namin for PHYS *o* Click the External Link for the Facebook Event. As for the Manila Meetup *tengene kapaaaaal* WALA PA PONG FINAL SAY ABOUT THAT. Temporary pa lang ang October (since sembreak yun) at nakabatay sa meetup ng Sept 17 ang meetup ng October. Socially awkward po ako, I can't handle a big crowd kaya testing muna yung sa LB. Kung di ako hihimatayin/maloloka sa LB meetup, itutuloy ko ang Manila Meetup. WALA PANG FINAL PLACE YUN, okay? XD Again uulitin ko ang announcements: NO BOOK 3. LB MEET UP ON SEPT 17. WALA PANG FINAL SAY SA MANILA MEET UP. Ilang beses kong inulit yan ah, pag may nagtanong... HAHAHA! YEHEEEEEY! Ulit, maraming salamat po sa pagbabasa! KevJe Always and Forever ♥Nagmamahal, Leng Anne :)